Vous êtes sur la page 1sur 2

Lupain!

By Marvin Rei Sacdalan

Alfonso! Lupain kong ikakararangal


Simula sa yamang dagat at lupa
Pati an sa kakahuyan
Tila bagay isang obra ika nga

Kung susukatin ganda mong taglay


Kulang pa ang pagsilip upang ito’y pagmasdan
Sa simoy ng hanging umuihip
Kay sarap pag ito’y dumadampi

Mula Alas-as, Montenegro’t Del Pilar


Ugat ka ng Kapayapaan sa buong mamamayan
Para sayo, tulong-tulong sama-sama
Larawan ka ng nagkakaisang bayan

Halina, Ipagbunyi, Tuklasin, Alamin


Bumubuo sa ating nayong minimithi
Kung ito’y pagkakasaliksikin ng maigi
Matutunghayan natin kagandahan nitong angkin

Kami ang Barangay Hall sa Alfonso’y nakatanod


Hoy! Hoy! Hoy! Maglingkod ito’y aming misyon
Reporma at kaayusan aming inilalapat
Upang Alfonso’y mamuhay ng matiwasay

Sino pa ang kakailanganin


Kung kaalaman ang suliranin
Sa silid-aralan sila’y nagsisilbi
Sila ang guro natin

Bili na, bili na suki!


Sigaw ng mga nanay natin
Nagbabanat at nagtitiis
Palengke! Tahan kung kanilang ituring

(magtanim ay di biro…)
Magsasaka kung sila ay tawagin
Kasama sa bukid natin
Kay daming pananim
Para sa barangay natin

Kaliwa’t kanan iyong mamamasid


Tricycle, bus at jeepney
Kalsadang kay linis
Ligtas kang tiyak sa panganib

Computer shop, Merchandise, Money changer


Cooperatiba, carwash, orphanage, water tank system
Ilan lang yan at marami pa
Saan ka pa! barangay cinco na!

Sadyang maingat pagdating sa kalusugan


Pagka’t botika’y bukas sa nangangailangan
Kalusuga’y patuloy pinagyayaman
Hanggang sa susunod at hinaharap pa

Alfonso, tunay kang dakila


Barangay Cinco aking ikararangal
Manahan dito’y di ko ikahihiya
Kailanma’y taas noo kong isisigaw

Pamilya, pundasyon n gating lipunan


Sa tahanan sila’y magkakasama
Pamilyang Alfonso, mababait, mapagmahal
Pinaabot namin an gaming pasasalamat

Salamat Alfonso!
Salamat Barangay Cinco!
Isang magandang karanasan
Hanggang sa muli nating pagkikita

Vous aimerez peut-être aussi