Vous êtes sur la page 1sur 2

ALAMAT NG DIKSIYONARYO

Noong unang panahon, sa malayong bayan ng Naryo. May lalaking nagngangalang Dominik. Siya ay makisig, matipuno at ubod ng talino. Siyay bilib na bilib sa kanyang sarili. Kahit anong katanungan ay kanyang nasasagot. Lahat ng sinasabi sa kanya ay binibigyan niya ng masamang kahulugan. Marami ang nagsasabing siya ay perpekto at marami rin ang nagagalit dahil sa kasamaan ng ugali. Isang araw nagtanong ang kanyang kaibigan na si Luis. ano ang sagot sa bugtong na ito? dalawang batong itim, malayo ang nararating. sabi ni Luis. ano ba yan Luis napakadali ng iyong katanungan. Ang sagot diyan ay mata. Para yun lang hindi mo pa nasagot. Ang hina mo naman sabi ni Dominik. Nanahimik na lang sa isang tabi ang kanyang kaibigan na si Luis at masama ang loob. Bakit ba ang galing galing ko? sabi ni Dominik sa kanyang sarili. Sa paglalakad ni Dominik nakasalubong niya ang kanyang kamag-aral na si Leona. Nagtanong si Leona tungkol sa takdang aralin. Dominik alam mo ba ang ibig sabihin ng mga salitang ito? maaari mo ba akong tulungan?- sabi ni Leona. Napakadali naman niyan Leona ganito kasi yan. Ipinaliwanag ni Dominik ang ibig sabihin ng mga salita at sinabing ganun lang yun Leona, ang dali lang di ba? Siguro kaya mo ako ang pinagtanungan mo dahil may gusto ka sa akin. At ang naisip mong daan ay ang takdang aralin natin. sabi ni Dominik. wala akong gusto sayo, sa kasamaan at kayabangan ng ugali mo sino ang magkakagusto sayo? sabi ni Leona. Umalis si Dominik ng nakangiting may halong pang iinsulto kay Leona. Maya mayay nakasalubong niya ang mga bata na naglalaro sa kalsada. Nagtanong ang isang bata. kuya ano po ba ang planeta? Ang katagang planeta ay galing sa salitang Griyego , plants, na ang ibig sabihin ay manlalakbay o bagabundo na kung saan nasumpungan ng mga unang astronomo ang ilang liwanag sa kalangitan na naglalakbay kung ihahambing sa ibang bituin. Ang hina mo naman bata, para yun lang hindi mo alam. Eh mukang malaki ka na. hindi ka

QUEENIE B. SOLOMON CTE FILIPINO MAJOR

siguro tinuturuan ng maayos ng magulang mo noh? Hindi po kuya, tinuturuan po ako ng maayos ni ina at ama. Hindi nga lang po sila kasing talino ninyo. sabi ng bata. Ikaw ang bahala, palibhasa hindi sila nag-aral ng mabuti kaya hindi nila yan nasagot. Umalis si Dominik sa lugar na iyon at nang makauwi na siya ng bahay, anak maaari ka bang bumili ng gulay sa bayan? sabi ng ina ni Dominik. ano ba yan nay, kakarating ko lang tapos uutusan nyo ako kaagad? Sana po kayo na lang bumili. Napagod ako sa kakalakad. - wika ni Dominik. Nanghihina kasi ako at hindi ko kaya maglakad ng malayo. Wala nang nagawa si Dominik kung hindi ang sumunod. Lumabas siya ng pinto at nagdabog. Walang nagawa ang ina ni Dominik kung hindi ang lumuha. bakit anak gumaspang ang iyong pag-uugali, hindi ka naman ganyan dati. Sanay mapagtanto mo ang iyong mga kamalian. sabi ng ina sa sarili. Sa patuloy na paglalakad ni Dominik, may matandang babae ang lumapit sa kanya at nagtanong kung saan ang papuntang Bayan. Iho, maaari mo bang ituro sa akin kung saan ang daan papuntang bayan? Naliligaw kasi ako.- sabi ng matanda. ano ba naman po yan ale, bakit kasi naglalakad kayo mag-isa? Pinabayaan na ho siguro kayo ng mga anak at apo niyo. sabi ni Dominik. bakit mo binibigyang kahulugan ang sinasabi ko sa iyo? Mukang matalino ka ngunit hindi mo ito nagagamit sa kabutihan.- sabi ng matanda. Biglang lumiwanag at ang matanda ay naging diwata. Nagulat si Dominik sa kanyang nakita. Bakit lahat ng mga inuutos at tinatanong sayo ay minamasama mo? Dahil sa kasamaan ng ugali mo ikay magiging libro na puno ng kasagutan at kahulugan para magkaroon ka ng pakinabang. Ang bigay na talino sa iyo ng poong maykapal ay hindi mo ginamit sa kabutihan. sabi ng diwata. Si Dominik ay naging makapal na libro na puno ng kahulugan at kasagutan. dik mula sa pangalan ni Dominik at naryo mula sa bayan nito. Nang lumaon ay naging Diksiyonaryo. Malaki na ang pakinabang ng Diksyonaryo sa buong bayan. Nakarating pa ito sa ibang lalawigan at siyudad. At ang Diksiyonaryong ito ay nagagamit pa hanggang sa kasalukuyan.

QUEENIE B. SOLOMON CTE FILIPINO MAJOR

Vous aimerez peut-être aussi