Vous êtes sur la page 1sur 4

GRADE 5 HEKASI - REVIEWER ARALIN 1 PARAAN NG PAMAMAHALA AT KALAGAYANG PANLIPUNANA NG ATING MGA NINUNO

BATAS alituntunin ng kagandahang-asal o pamantayang kinikilala at sinusunod sa isang komunidad na ipunatutupad ng mga namumuno rito. TERITORYO lawak ng lupang pag-aari ng isang pamahalaan o mamamayan. TAGAPAGPATUPAD kapangyarihan ng pununong ipatupad o ipagaw sa mga mamamayan ang mga nagawang batas. TAGAPAGBATAS kaangyarihan ng pinunong gumawa o lumikha ng batas na makatutulong sa kaunlaran at kapayapaan ng pamayanan. TAGAHUKOM kapangyarihan ng pinunong maglitis o humatol sa sinumang nasasakupang lumabag o nagkasala sa batas. I. PAMAHALAANG BARANGAY BARANGAY pamayanang binubuo ng 30 hanggang 100 pamilya na pinamumunuan ng daru o raja. - batayang yunit ng pamahalaan ng ating mga ninuno. - hango sa salitang Malayo - nangangahulugang bangka, sa paniniwlang sa mga bangkang ito sumakay ang mga unang taong nakarating sa ating bansa. Ang salitang BARANGAY ay nasusulat sa ibat ibang baybay: BALANGHAY, BINIRAY, BINIDAY, AT BALANGAY. DATU ang tawag sa pinuno ng barangay. RAJA / LAKAN ang tawag sa namumuno sa higit na malaking barangay. TUNGKULIN NG DATU, RAJA/LAKAN: Siya ang nagsisilbing: 1. TAGAPAGBATAS 2. TAGAPAGPAGANAP 3. TAGAHUKOM 4. PINUNONG MILITAR SA PAMAYANAN KATANGIAN NG DATU, upang matiyak ang kakayahang maipagtanggol ang kanyang barangay sa mga kaaway: 1. Malakas 2. Matapang 3. Matatag ang loob

KAPAG NAMATAY ANG DATU NA WALANG TAGAPAGMANANG ANAK, ang tao sa barangay ay pipili ng taong kapalit na may mga katangiang: 1. pinakamayaman 2. pinakamakisig 3. pinakamatapang

4. pinakamatalino KONSEHO NG MATATANDANG MAMAYAN mga matatandang mamamayan sa barangay na katu-katulong ng datu sa paghuhukom, pagaawa ng batas, at pagpapasya sa mga bagay na nangyayari sa barangay. NAGKAKAROON NG RELASYON SA IBANG BARANGAY DAHIL SA: 1. komersiyo o kalakalan 2. kasunduan sa pakikipagkaibigan 3. pakikiisa SANDUGUAN isang ritwal na ginagawa ng dalawang datu sa isang lugar kasama ang kanilang mga nasasakupan. - hihiwain ng dalawang datu ang kanilang bisig at ang dugong aagos sa kanilang sugat ay ilalagay sa isang kabibe o kaya naman ay ihahalo sa alak saka iinumin bilang simbolo ng kanilang pagkakaisa. - nangangahulugan itong kapwa sila nagpapailalim sa mga batas o kautusang itinakda ng barangay na kanilang nasasakupan. DAHILAN NG HIDWAAN SA PAGITAN NG BARANGAY: 1. Paghihiganti 2. Pagpatay nang walang kadahilanan 3. Pagdukot sa asawa 4. Pananakit sa kabarangay KUMPEDERASYON NG MADYA-AS SA PANAY pininiwalaang kauna-unahang kumpederasyon sa bansa ng nagsama-samang nagkakaisang barangay KUMPEDERASYON pagsasama-sama ng mga nagkakaisang barangay na naglalayong magbigay ng pangkalahatang proteksion sa mga kasapi. Ang pinuno ay tinatawag na KATAAS-TAASANG DATU. II. PAMAHALAANG SULTANATO SULTANATO uri ng pamahalaang itinatag ng mga Muslim sa Mindanao. - higit na malaki kaysa barangay - binubuo ng sampu (10) hanggang labindalawang (12) nayon o higit pa. SULU kung saan unang itinatag ang unang sultanato. SULTAN ang tawag sa pinuno ng sultanato. PARAAN NG PAGIGING SULTAN: 1. Namamana sa dahilang naniniwala ang mga Msulim sa ang isang sultan ay dapat nagmula sa lahi ng propetang si Mohammed. Ang ganitong mga sultang ay medaling sinusunod bilang pagbibigay galang sa mga lahi ng kanilang propeta. 2. Maari ring maging sultan ang pinakamayaman sa lugar o pamayanan.

TUNGKULIN NG SULTAN: 1. Punong Tagapagpaganap 2. Tagapagbatas 3. Tagahukom 4. Namumuno sa labanan (o digmaan) 5. Tungkuling Panrelihiyon gaya ng pananalangin sa moske, pagbasa ng Koran, at iba pang pagdiriwang sa Islam. RUMA BICHARA konseho ng estadong katulong ng sultan upang magpayo tungkol sa usaping pananalapi, pagpapaplano at paggawa ng batas. - binubuo ng pinakamayayaman at pinakamakapangyarihanng mga datu. QADI o HUKOM, ang gumagabay sa sultan upang magampanan ang mga gawaing panrelihiyon dahil sila ULEMA o ISKOLAR ay bihasa sa Koran. PANDITA iba pang tagapayong panrelihiyon RAJA MUDA tagapagmana ng trono. WAZIR ang punong ministro MULIK BANDARASA kalihim ng sultan MUKIK CAJAL kalihim sa pakikidigma PANGLIMA kumakatawan sa sultan sa malalayong lalawigan. KAIBAHAN NG SULTANATO SA BARANGAY: 1. Matatag at sentralisado dahil sa pamumuno ng isang makapangyarihang pinuno. 2. Napagbubuklod-buklod nito ang hiwa-hiwalay na mga lugar sa Mindanao. 3. Matibay ang pakikipag-ugnayang panrelihiyon, pampulitika, pangkabuhayan, at pangmilitar sa lugar. 4. Nagpalawak ng pakikipag-ugnayan ng mga Muslim sa iba pang bansa tulad ng Indonesia at Malysia, dahilan upang mahirapan ang mga Espanyol na sakupin ang bahaging ito ng Mindanao. CARPENTER AGREEMENT kung saan ang pamahalaan ng Sulu ay napunta sa pamahalaang Amerikano. KAMALU KIRAM II huling sultan bago opisyal na nabuwag ang sultanato noong 1915. III. BATAS BATAS maaring nasusulat o nagpasalain-salin lamang sa bibig ng mga tao mula sa mga naunang henerasyon. NASUSULAT NA BATAS ginagawa ng datu sa tulong ng isang konseho ng mga nakatatanda.

UMALOHOKAN o TAGAPAGBALITA lumilibot sa buong barangay upang paiparating sa mga tao ang isang bagong batas na napagtibay. LUWARAN NG MGA MUSLIM isa sa mga batas ng nasulat. HINDI NAKASULAT NA BATAS karaniwang bunga ng tradisyon at kaugaliang mahigpit na ipinatutupad sa barangay. KAHALAGAHAN NG BATAS: 1. Nagsisilbing patnubay sa pakikipag-ugnayan ng mga tao at barangay sa isat isa. 2. Nakakaroon ng kapayapaan, kaayusan at pakaka-unawaan ang pamayanan. 3. Naiiwasan ang anumang uri ng kasakiman dahil malinaw na nailalahad ang karapatan at tungkulin ng bawat isang kabilang sa pamayanan.

Vous aimerez peut-être aussi