Vous êtes sur la page 1sur 35

Activity Card No.

I. Layunin: Naisasagawa/Napananatili ang mga paraan upang mapanatiling malinis ang mga pook pampubliko. II. Kwento: Mabuhay si Kapitan! Mabuhay si Kapitan Isang pulong ang ginanap sa Barabgay Sampaguita na pinamunuan ng kanilang kapitan na si G. Dela Cruz. Ganito ang kanyang pahayag. Kap. Dela Cruz: Ipinatawag ko kayong kabarangay ko sapagkat nakatanggap ako ng ilang sulat tungkol sa mga nakakalat na basura sa ating parke. Katulad nga ng nabanggit ko sa inyo, an gating parke ay isang pook pampubliko. Ito ay ipinagawa n gating pamahalaan para sa ating lahat. Ang ating mga anak ay nagkaroon ng magandang palaruan nang ito ay maipagawa n gating butihing alkalde. Bilang pagtanaw ng utang na loob ay nais ko sanang panatilihin nating malinis ito at bantayan lalo na ang mga taong di sumusunod sa patakaran n gating barangay. Magagawa natin ito kung tayo ay magtutulungan. Dindi: Bilang kinatawan ng mga kabataan, ako po ay nangangakong makikibahagi sa pagpapanatili ng kalinisan n gating parke at maging sa ating mga daan. Isa po sa aming magiging proyekto ay ang palagiang paglilinis ng mga kapwa ko kabataan na naninirahan sa ating pook. Mang Tomas: Ako naman po, bilang kinatawan ng mga ama sa ating pook, samasama pong babantayan n gaming samahan ang mga pook na pahingahan at palaruan upang mapasabihan ang mga kababayan nating di sumusunod sa pagpapanatili ng kalinisan ng pook pampubliko. Aling Delia: Ako naman, bilang kinatawan ng mga ina ng tahanan, sisikapin kong mapagsabihan ang ilan sa mga maliliit na bata na iwasan ang pagkakalat sa parke lalo na yaong mga pinagkainan ng mga sitserya, mga balat ng kendi, at pinagtalupan ng prutas. Gayundin naman, hihimukin ko ang lahat ng mga ina na huwag kalimutang paalalahanan ang mga anak sa pagpapanatili ng kalinisan hindi lamang sa loob ng tahanan kundi pati na rin sa pamayanan. Kap. Dela Cruz: Maraming salamat sa inyong mga tugon at sa inyong mga tinuran. Naniniwala ako na mapapanatili natin ang lahat ng ito. Matutuwa sa atin ang ating mga alkalde sa mga gawaing ito n gating barangay. Sana ay hindi magtapos ang lahat. Mas maganda na hindi lamang sa salita kundi pati na rin sa gawa. Mabuhay kayong lahat. Mabuhay ang Barangay Sampaguita! Pagkatapos ng pulong, nag-usap-usap ang mga tao sa pamayanan kung kailan nila sisimulan ang mga proyektong pangkalinisan. Sama-sama silang mangangalaga sa kalinisan para sa mapangalagaan ang kalusugan ng kanilang pamayanan. III. Mga Tanong: 1. Ano ang dahilan kung bakit nagpatawag ng pulong ang kapitan? 2. Bakit nagkaroon ng problema ang Barangay Sampaguita? 3. Sinu-sino ang nangakong tutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng parke? 4. Ibigay ang mga ipinangako ng mga kinatawan ng pamayanan.

5. Kung ikaw ay isa sa mga naroon sa pulong, ano ang iyong ibibigay na mungkahi sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng inyong pamayanan? Activity Card No. 2

I. Layunin: Naipakikita ang pagganyak sa iba na pangalagaan ang mga pook pampubliko. II. Kwento: Uliran si Kuya Uliran si Kuya Matamang nag-iisip si Reina nang araw na iyon. Nakilala niya nang lubusan ang kanyang kuya. Hindi siya nagkamali, uliran ang kanyang nakakatandang kapatid. Naalala pa niya ang kwento ng kanyang kuya Erick sa kanya. Maagang gumising ang kanyang kuya Erick nang araw na iyon. Kailangan kasing magkita-kita sila ng kanyang kamag-aaral dahil sa gagawing proyekto para sa nalalapit na palatuntunan pangkalinisan. Nang malapit na si Erck sa gate ng paaralan, nakita niya ang ilan sa mga batang lansangan na nagkakagulo malapit sa pader ng paaralan at may hawak na mga pinaglumaang brush. Kitang-kita rin nito ang mga bata na aktong susulatan ang pader. Mga kapwa ko bata, sandali lamang. Bago ninyo gawin ang pagkakalat at pagdudumi sa pader ay nais ko muna kayong kausapin nang maayos. Alam ba ninyo na ang pagsusulat o pagdudumi sa pader ng gusaling pampubliko at pangpribado ay may kaukulang parusa? Maaari tumulong na lang kayo sa paglilinis, ang paliwanag ni Erick. Dahil dito, natigilan ang mga bata sa kanilang binabalak gawin. Isa-isa silang humingi ng pasensiya kay Erick at pagkatapos ay umalis. Ang pangyayaring iyon sa buhay ng kanyang kuya ay mananatiling buhay sa kanyang isipan, gayundin sa mga kabataang nakilala nito. III. Mga Tanong: 1. Sino ang nagsasalita sa kuwento? 2. Ano ang mahalagang bagay na nakita ni Reina sa kanyang kuya? 3. Bakit ipinagmamalaki ni Reina ang kanyang kuya? 4. Ano ang mabuting gawi na ipinakita ng kanyang kuya? 5. Kung ikaw ang tatanungin, bakit kailangang panatilihing malinis ang kapaligiran sa ating pamayanan?

Activity Card No.3

I. Layunin: Napangangalagaan ang kalusugan sa pamamagitan ng pag-iingat sa paggamit ng pampublikong kagamitan. II. Kwento: Sumunod sa Babala! Sumunod sa Babala! Ang mag-anak na Franco ay magkakasamang bumisita sa Luneta. Linggo ng araw na iyon kung kayat ang tatlong anak ni Mang Binoy at Aling Perla ay kasama. Ate, talaga palang napakaganda ng lugar na ito, ang wika ni Elsa, Dumako tayo sa parteng maraming bulaklak. O, sige, tayo na sa lugar na maraming bulaklak. Inay, pupunta po muna kami ni Elsa sa halamanan, ang paalam ni Belen. Oo, pero mag iingat kayo. Baka kayo mawala, pahabol ni Aling Perla. Pagdating ng magkapatid sa halamanan, nabighani sila sa kagandahan ng mga bulaklak. Ate, maaari kaya akong pumitas ng bulaklak? ang tanong ni Elsa. Aba huwag, hayan nga at nakasulat sa itaas ang : Bawal Pumitas ng Bulaklak, tugon ni Belen. Habang naglalakad ang magkapatid, walang kamalay-malay si Belen na ang kanyang kapatid na bunso ay pumitas ng isang bulaklak. Nakita ito ng pulis na nagbabantay at sila ay tinawag. Halikayo mga bata. Hindi niyo ba nabasa ang nakasulat na bawal pumitas ng bulaklak? Bakit niyo ito ginawa?, tanong ng pulis. Naku, hindi po ako pumitas, sagot naman ni Belen. Ate, ako ang pumitas. Hindi ko kasi napigilan ang sarili ko kayat nagawa ko iyon, sagot naman ni Elsa. Pasesnsiya na po kayo, Sir, hindi ko na uulitin. O sige, sapagkat ikaw naman ay humingi ng tawad, inaasahan ko na hindi mo na ito uulitin, ang sabi ng pulis. Marami pong salamat, Sir, ang sabi ni Belen at Elsa. III. Mga Tanong: 1. 2. 3. 4. Ano ang napagkaisahan ng mag-anak na Franco nang araw na iyon? Saan sila nagtungo? Paano ipinakita ang paghanga sa lugar na kanilang pinuntahan? Bakit napahiya si Belen sa pulis?

5. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang iyong gagawin pagkatapos ng pangyayari? Pangatuwiran.

Activity Card No. 4

I. Layunin: Naisasagawa at nabibigyang halaga ang matalinong pangangalaga sa likas na pinagkukunangyaman. II. Kwento: Ang kalinisan ay Kalusugan Ang Kalinisan ay kalusugan Ringgg. . . Bumakas ang sigla sa mukha ng mga mag-aaral nang marinig ang tunog ng bell. Hudyat ito ng kanilang recess. O, class, puwede na kayong mag-recess. Iwasan niyo ang pag-iingay at pagkakalat paglabas ng silid-aralan, ha? At nais ko sanang pagkatapos ng 15 minuto ay makabalik na kayo rito, ang bilin ng guro. Opo, Maam! ang halos sabay-sabay na sagot ng mga bata. Nakapilang lumabas ang mga bata papuntang kantina. Pagkatapos nilang kumain ay napagkaisahan ng mga batang babae na pumunta sa drinking fountain. Isaisa silang uminom ngunit si Elsa ay doon na rin naghugas ng kamay. Nakita ng guro ang ginawi ni Elsa kaya nilapitan siya nito upang pangaralan. Iha, alam mo bang hindi mabuti ang iyong ginawa? Hindi dapat naghuhugas ng kamay sa drinking fountain dahil ang tubig diyan ay sadyang inumin lamang. Dapat ay panatilihin natin ang kalinisan sa lahat ng pag kakataon dahil dito nakasalalay ang ating kalusugan. Kapag hinayaan nating gawing hugasan ang drinking fountain, magiging marumi ito pati na rin ang tubig. At isipin mo na lamang na halos lahat ay diyan umiinom. Sorry po, Maam, ang nahihiyang wika ni Elsa. Sana sa susunod ay din a ito mangyari. Alam mo, ang pagtitipid ng tubig. Kung tayo ay nakakalimot sa ating responsibilidad, malaki ang mawawala sa atin. Bukod sa hindi na tayo nakatutulong sa pagtitipid ng tubig ay hindi pa natin mapangangalagaan ang ating kalusugan, ang paliwanag ng guro. Pasensya nap o kayo, Maam, hindi na po mauulit. Dapat nga palang panatilihing malinis ang drinking fountain dahil sa kalinisan nakasalalay ang kalusugan, ang nakauunawang sagot ng bata. III. Mga Tanong: 1. Sino ang pinangaralan ng guro? 2.Bakit siya pinangaralan ng guro? 3. Ano ang pangaral ng guro kay Elsa? 4 Bakit kailangang mapanatili ang kalinisan?

5. Bakit mahalagang pangalagaan ang mga pampublikong kagamitan?

Activity Card No. 5 I. Layunin: Iniiwasan ang pagkuha sa mga coral sa dagat. Sumusunod sa mga tuntunin at
patakaran tungkol sa paggamit ng pinagkukunang yaman. II. Kwento: Umiiyak na Kalikasan Umiiyak na Kalikasan Ang sabi ni Isda. Huwag naman pong ako ay lasunin sa mga basurang lagging isinasalin pagkat isda akong sa inyoy pumapansin sa pagkain madalas akong inihahain. Maawa kayo sa aking tirahan dinamitay huwag sanang papurihan kawawang anak ko na lumalaki pa lamang pinatay niyo na agad dahil sa kaliluhan. Pakiusap ko ay lagging pakinggan upang isda ninyo ay lagging malinamnam pagkat sustansya na aming kaloob kayo rin ang siyang lubhang makikinabang. Ang sabi ni Puno. Huwag naman ninyong putulin mga punong anak ko na lumalaking matulin pagkat tulong nito ay di niyo kakamtin sasandaling kami ng pamilya koy papatayin. Gubat na tirahan ko ay huwag kalbuhin pagkat baka kayo ay karmahin baha at pagguho ng lupay kakamtin kung wala kaming puno na sa inyoy nagpapakain. Puno ay ingatan pagkat kamiy kayamanan na lagging sa taoy handing magbigay pag kamiy inyong pinabayaan buhay niyo sa mundo ay mapupuno ng lumbay. Ang sabi ni Coral. Huwag naman sana ninyo akong kunin sa ilalim ng dagat akoy pampaganda rin lubhang umiiyak itong aking damdamin sa bawat nangangahas na kumuha sa akin. Naggagandahang mga isday tumitira sa akin nagtatago, naglalaro, nangingitlog pa man din sayang naman kung silay magiging malulungkutin palaruang tulad koy inyo pang kakalbuhin. Kaming mga coral sana naman ay ingatan o alagaan hindi lamang mga isda ang mawawalan ng kasiyahan pati mga turistang sa bayan natin ay dayuhan upang masilayan, kagandahan n gating karagatan.

III. Mga Tanong: 1. Anu-ano ang hinaing ng tatlong nagsasalita? 2. Totoo nga kaya ang lahat ng kanilang mga hinaing? 3. Papaano mo iniingatan an gating kalikasan tulad ng mga puno sa kagubatan at mg

isda at

coral sa karagatan. 4. Magbigay ng mga gawaing nakatutulong sa pagpapanatili n gating kalikasan. 5. Kung ikaw si Isda, si Puno o si Coral, ano ang iyong magiging panawagan sa mga mamamayan?

Activity Card No. 6

I. Layunin: Sumunod sa mga tuntunin at patakaran tungkol sa paggamit ng pinagkukunang yaman. II. Kwento: Parada ng Bayan Parada ng Bayan Buwan ng Setyembre. Pagkilala ito sa mga kalikasang patuloy na binibigyan ng pansin ng pamahalaan. Kumikilala sa mga alituntunin ng bayan at mamamayan para sa pagpapanatili ng magandang kalikasan. Dahil dito, nagkaisa ang mga guro sa San Roque na magkaroon ng isang kakaibang Gawain para sa paaralan at barangay. Inimbitahan ng punongguro na si Gng. Bautista ang PTA upang magkaroon ng isang pulong para sa gawaing makapagbubunsod ng isang simulain para sa paaralan. Gng. Bautista: Nais ko pong ipaalam sa inyo na ngayon ay buwan ng Pagkilala sa Agham. At dahil po dito, pinagpasyahan ng mga guro na tayo ay magkaroon ng isang parade. Ito po ay tatawagin nating Parada ng Bayan. Ano po ba ang inyong magiging kapasyahan? Nais kop o sanang malaman ang mga layunin ng parading ito. Maganda pong katanungan iyan. Ang layuni po ng parading ito ay ipakilala at ipaalala sa lahat ng mamamayan ang panawagan ng umiiyak na kalikasan. Nais po nating ipakilala sakanila, sa ating bayan na dapat ay manatili at maipamukha natin sa kanila ang ilan sa mga alituntunin at patakaran kung paano aalagaan ang ating mga puno, kagubatan, hayop, at kapaligiran. Kung gayon po ay iminumungkahi ko sa aking mga kababayan at kapwa magulang na kaming lahat ay makisali sa Parada ng Bayan. Tinatanggap naming ang inyong mungkahi. Bilang Pangulo ng PTA ay nais sana anming ipaalam sa inyo na sa pagsama natin sa parade ay magkaroon tayo ng mga plakard na dala-dala at isulat dito ang ilan sa mga patakaran na dapat nating gawin upang maingatan ang kalikasan. Magaling po ang inyong tinuran. Ito po ay aking pinangangalawahan. Samakatuwid po, an gating parade ay magaganap sa Lunes. Ang lahat ng mga mag-aaral ng San Roque ay dapat na dumalo upang makisama sa parada ng bayan. Sila ay magdadala ng ilang placard sa tulong ng mga magulang at nakasulat dito ang ilan sa mga dapat gawin ng bawat mamamayan.

Pinuno ng PTA: Gng. Bautista:

Pinuno ng PTA: Mga Magulang: Magulang:

Pinuno ng PTA: Gng. Bautista:

Pagkatapos ng pulong ay minabuti na ng PTA na gumawa ng mga placard at isulat ang ilan sa mga mahahalagang tala tungkol sa kalikasan at pag-iingat dito. Araw ng parade. Ilan sa mga placard ay nalapagpupukaw ng mga damdamin ng bawat mamamayan. Ito ang mga nakatala. Alagaan ang kalikasan, huwag itong pabayaan. Kung puputol ng puno, dapat itong palitan, binhi nito ay pag-asa ng santinakpan. Iwasan ang pagtatapon ng mga basura sa ating ilog at dagat. Basura ay ilagay sa tamang lugar, at huwag sa kalsadang daraanan. Paghuli ng hayop ay iwasan, gawin lamang kung pinapayagan. Yamang-dagat ay alagaan, pagkat ito ay kayamanan. Tuwang-tuwa ang lahat ng mga bata, mamamayan, at mga guro nang araw na yaon. Tunay ngang matagumpay ang nasabing Parada ng Bayan. III. Mga Tanong: 1. Ano ang napagkayarian ng araw na iyon ng Setyembre? 2. Bakit mahalagang gawin ang napagkaisahan ng mga guro at mga magulang? 3. Kung ikaw ang tatanungin, sasama ka bas a parade ng bayan? Bakit? 4. Papaano ka makatutulong sa pagpapanatili ng likas na yaman tulad ng puno sa kagubatan, ilog at dagat, hangin at mga hayop sa kapaligiran? 5. Ipaliwanag kung ano ang iyong nararamdaman sa mga taong sumisira sa kalikasan?

Activity Card No. 7

I. Mga Layunin: Naipakikita ang wastong paraan ng paggamit ng pinag-kukunang yaman. Naipakikita ang pagtulong sa pangangalaga sa mga likas na pinagkukunang -yaman. II. Kwento: Magsimula sa Atin Magsimula sa Atin Papasok na sa paaralan sina Nandito at Romy nang mabasa nila ang isang nakapaskil sa pader sa kanilang paaralan. Ganito ang nakasulat: Sangguniang Kabataan ng Kalye Mabuhay-Pinoy Panawagan: Sino: Mga kabataang may edad na 12- pataas Ano: Pulong Pangkabataan sa Pangunguna ng Kapitan ng Barangay Kailan: Oktubre 20, 1997 Oras: 2:00 ng hapon Saan: Paaralang Elementarya ng Kalye Mabuhay Mga Tatalakayin: 1. Proyekto ng kabataan para sa kilos pangangalaga ng kalikasan. 2. Mga hakbang sa pagsasakatuparan ng proyekto. 3. Mga iba pang bagay. Dumalo at Makiisa sa Gawaing Makabayan at Makakalikasan Naku! Buti pa dumalo tayo sa pulong na to. Sa palagay ko ay makatutulong tayo sa mga proyektong pag-uusapan mamaya. Ang sabi ni Romy. Oks sa akin ang sinabi mo. Sige sasabihin k okay inay na sabay tayong pupunta mamaya sa pulong, ang sagot naman ni Nandito. Masayang pumasok ang dalawang bata sa kanilang paaralan at habang nagtuturo ang kanilang guro ay napansin nito na panay ang bulungan ng magkamagaral. Romy at Nandito, ano ba ang inyong pinag-uusapan? Kanina ko pa kayo napapansin na nagbubulungan. Maaari ko bang malaman ang dahilan?

Maam, nais lang po naming malaman ang mga gagawin mamayang gabi sa pagdalo sa pulong ng mga kabataan. Nabasa po naming sa nakapaskil na may gaganaping pulong dito sa paaralan, ang sambit ni Romy. A, ganoon ba? Magaling at kayo ay nagbabalak palang dumalo at sumali sa gawaing ito ng mga kabataan. Ngayon pa lang ay binabati ko na kayo. O bukod kina Romy at Nandito, mayroon pa kayang nais na dumalo sa pulong? ang pahabol na tanong ng guro. Kami po , Maam, ang saad naman ng mga kamag-aaral. Mas makaiigi kung kayo ay magsasabay-sabay. Magiging Masaya an gating punongguro kung magiging kinatawan kayo n gating paaralan. Inaasahan ko na magiging magalang kayo sa pakikipag-usap mamaya sa pulong, ang sabi ng guro. III. Mga Tanong: 1. Ano ang nakita ng magkamag-aaral na nakapaskil sa pader ng paaralan? 2. Bakit sila nagging interesado? 3. Ano ang dahilan bakit sila napansin ng guro? Paano nila sinagot ang tanong ng guro? 4. Para saan ang pulong na gaganapin? 5. Magbigay ng mga proyektong ginagawa ng inyong samahang pangkabataan na nagbibigay ng pagkakataon para sa pag-iingat ng kapaligiran.

Activity Card No. 8 I. Mga Layunin: Napapanatili ang kaangkupang pisikal. Naisasagawa ang mga gawaing pangkaangkupang pisikal. II. Awit: Mag-Exercise Tayo Mag-exercise Tayo
Ni Yoyoy Villame

Mag-exercise tayo tuwing umaga Tuwing umaga, tuwing umaga Mag-exercise tayo tuwing umaga Upang katawan natin ay sumigla. At sa gabi maaga kang matulog Sa umaga maaga kang gumising At saka magdyaging-dyaging Atsaka magtambling-tambling Ang beywang mo ay ikendeng-kendeng Upang katawan ay sumigla. III. Mga Tanong: 1. Ano ang nilalaman ng awit? 2. Bakit mahalaga sa tao ang mag-ehersisyo? 3. Anu-anong uri ng gawaing pisikal ang iyong pinahahalagahan? 4. Magbigay ng mga uring nagpapasigla sa iyong pisikal na pangangatawan. 5. Papaano nagging makatotohanan ang awit ni Yoyoy Villame sa pagpapasigla ng iyong pangangatawan?

Activity Card No. 9

I. Mga Layunin: Naisasagawa ang mga pagsubok sa kaangkupang pisikal. Sinisikap maisagawa ang kanais-nais na mga gawi upang mapanatili ang kaangkupang pisikal. II. Tula: Subukan Mo! Subukan Mo! Subukan mong Magpalaki ng maselupang maging malusog Sa lahat ng gawaing Masaya at mabilog Pagkat kailangay di tutulog-tulog Upang pag-aaral hindi lumubog. Subukan mong Tumalon nang malaki sa isang metro Upang makitang lubusan ang ganda ng pagtakbo Ang pagpasa sa pagsubok sa kaangkupang pisikal Sa pagkataoy makikita pagkat itoy di mahal. Subukan mong Mag-push up nang higit sa 50 beses Upang pawis ay lumabas at sa kataway dumalisdid Lakas mo ay dodoble pagkat itoy di mapapanis Katawan ay sisigla nang higit pa sa labis. Kayat lahat ay gawin mo upang katawan ay mabago Pag nagawa ang pisikal na kaangkupang pagbabago Makikita nang lubusan kahit saan may disenyo. III. Mga Tanong: 1. Anu-anong bagay ang ipinagagawa sa iyo ng tula? 2. Kaya mo bang gawin ang lahat ng ito? Ipakita mo. 3. Bakit mahalaga na lagpasan mo ang mga bagay na ipinagagawa sa tula? 4. Magigay pa ng ibat-ibang kaangkupang pisikal na maaari mong gawin. 5. Ilahad sa klase ang mga pagsubok na pisikal na nalampasan mo. Ano ang iyong mga naramdaman sa lahat ng mga gaaing isinakatuparan mo?

Activity Card No. 10

I. Layunin: Naipaliliwanag na ang karunungan ay dapat gamitin sa ikauunlad ng nakararami. II. Kwento: Ang Desisyon ni Lino Ang Desisyon ni Lino Tahimik na nag-iisip si Lino sa isang bahagi ng paaralan ng San Perfecto nang Makita niya si Nanie. Tinawag niya ito at tinanong tungkol sa ginoong pinarangalan sa kanilang paaralan. Lino: Sino kamo ang pinarangalan n gating paaralan?

Nanie: Si G. Mario Raon Sr.. Binigyan siya ni Gng. Aida Nocete ng plake ng pagkilala sa kanyang mga magagandang imbensyon na nakatulong ng malaki sa pagpapaunlad ng ating buhay tulad ng floorwax na galling sa dagta ng dahon, pataba galling sa mga balat ng prutas, at ang kanyang microchips na sumusubok sa talino ng tao upang makipagkomunikasyon sa buong mundo. Lino: Eh, bakit naman dito pa siya pinarangalan sa ating paaralan?

Nanie: Dahil dito siya nag-aral sa ating paaralan. Ang galling-galing talaga. Maliit pa lamang daw siya ay nag-iisip niya gagamitin ang kanyang karunungan upang mapaunlad ang marami. Lino: Hus, may bago ka na naming idolo, ganoon ba iyon?

Nanie: Talaga, hindi katulad mo, isinasali ka ni Gng. Narcida para sa paligsahan sa paggawa ng isang investigatory project, eh ayaw mo pa. Papaano ka uunlad? Papaano tayo uunlad? Lino: ngayon Nanie: Lino: Anong ayaw? Kasalukuyan nga akong nag-iisip nang lumapit ka eh, at nakapagdesisyon na ako Na ano? Eh di sasali na ko!

III. Mga Tanong: 1. Sino ang pinarangalan sa paaralang elementary ng San Perfecto?

2. Anu-ano ang natatanging imbensyon ni G. Raon? 3. Bakit hangang-hanga si Nanie sa kanya at suyang-suya naman sa kanyang kamag-aral at kaibigang si Lino? 4. Ano ang kanyang nagging desisyon? Bakit siya nakapagdesisyon ng ganoon?

Activity Card No. 11

I.Layunin: Kusang sumasali at nakikilahok sa mga gawaing pansibiko II. Kwento: Panatilihing Malinis ang Lugar na Pampubliko Panatilihing Malinis ang Lugar na Pampubliko Isang araw sapalikuran ng San Juan, si Joyce at ang kanyang kamag aaral ay nagpunta sa palikuran. Heto ang palikuran. Hindi ba maganda at malinis? wika niya sa mga kamag-aaral. Sumang-ayon naman si Grace sabay tingin dito. Tuyo ang baldosa at walang amoy. Paano nila nagagawang malinis ito? Hindi ba ito ang palikuran ng marami? tanong ni Ollie. Napapanatiling malinis ito dahil ang lahat ay marunong magpahalaga sa kalinisan. Ang lahat ay maingat sa paggamit ng gripo habang naghuhugas ng kamay. Itinatapon ang napkin sa basurahan. Maingat sa paggamit ng tubig kaya naiiwasan ang anumang talsik ng tubig kaya naiiwasan ang anumang talsik ng tubig kaya lagging tuyo ang sahig, buong pagmamalaking sagot ni Joyce. Totoo iyon Joyce. Maski sina itay at inay ay nagsasabi ng ganyan sa akin. Lagi nga nilang ipinapaalala sa akin na an gating pampublikong palikuran ay dapat ingatan at linisin, sagot ni Grace. Papalabas na ang magkaibigan nang hustong padating naman ang mga tagapaglinis mula sa pambayanang pamahalaan. Maraming salamat sa mahusay ninyong paggamit ng ating palikuran. Kung ang lahat sana ng mga kabataan ay katulad ninyong tatlo, hindi kami mahihirapang mapanatili ang kalinisan ng palikurang ito, ang sabi ng tagapaglinis. Marami pong salamat sa inyong magandang pahayag, ang sagot ni Joyce. At mula po ngayon ay tutulong kami sa pagpapanatili ng kalinisan ng alinmang pampublikong palikuran sa pamamagitan ng paggamit dito nang maayos. Sasabihin din naming sa aming mga kamag-aaral na ganoon ang gawin nila, dugtong pa ni Grace.

Maaasahan ko sana ang mga pangako ninyo upang lalong gumanda ang ating palikuran, ang buong giliw na sagot ng tagapaglinis. Opo, maasahan ninyo kami, sabi naman ng tatlo. Magpapaalam nap o kami at mayroon pa po kaming klase. Hayaan ninyo at sa pagbabalik naming ay kakapanayamin naming kayo para sa aming pag-uulat sa klase, paalam ng tatlong bata. III. Mga Tanong: 1. Bakit kailangang basahin ang anumang paunawa sa alinmang pampublikong palikuran? 2. Ano ang kahalagahan ng mga paunawang ito para mapanatili ang kalinisan? 3. Kung ang lahat ng tao ay nagtutulungan sa anumang ikaaayos at ikagaganda ng palikuran, ano sa palagay ninyo ang mangyayari sa mga parke, pampublikong palikuran, at iba pa? 4. Masaya ka ba kapag malinis ang kalye, parke, at pampublikong palikuran?

Activity Card No. 12

I. Layunin: Kusang tumutulong na magbigay ng impormasyon tungkol sa paggamit ng produkto na may masamang epekto sa kalusugan. II. Kwento: Hinagpis ni Inang Mundo Hinagpis ni Inang Mundo Ang pag-iyak ni Inang Mundo ay nararanasan kahit saang bahagi ng sanlibutan. Maraming beses nang ikinikintal sa ating mga puso ang mga hinagpis na kung saan ang bawat tao ay patuloy na nagbibigay ng kasagutang di pa rin kayang maipaliwanag o maisakatuparan. Ano nga ba ang hinagpis ni Inang Mundo? Papaano natin ito nasasagot sa bawat pintig n gating buhay? Tunghayan ang hikbi ni Kalikaan: Alam ko na malaki ang pagkilala ng bawat isa sa inyo sa mundong kanyang ginagalawan. Kaya ay nabubuhay dahil sa aking hanging nilapastangan ninyo. Sa kabila ng malamig at malinis na hanging bigay ko ay nakuha pa ninyong sirain ito dahil sa mga usok na patuloy ninyong ibinibigay sa akin. Halimbawa na lamang ang mga naninigarilyo. Ang bawat usok na nanggagaling sa kanilang bibig ay lason sa aking kalagayan. Ang pabrikang patuloy sa pag-unlad ay sinisira naman ang aking katauhan sa lipunan. Usok at singaw ng pabrika ay nakasisira ng aking pagkatao. Nakita mo ba si Mang Benjamin na ang dalay isang kumpol ng dinamita para ihagis sa karagatan upang makapaghuli lamang ng isdang kanyang pagkakakitaan? Hindi ba niya laam na dahil sa kanyang dinamita, ang iba pang mga anak ko ay namamatay nang di man lamang nagkahugis ang katawan? Alam kaya niyang kung wala na ang mga isda at halamang dagat na ito ay wala na rin siyang kabuhayan? Tunghayan mo rin ang ginawa ni Mang Juan at ng kanyang amo na si Congressman Tagpas. Wala silang pakundangan sa pagputol ng puno sa kagubatan.

Alam kaya nilang sila rin ang babalikan kapag wala na ang mga punong ito? Minsan, kailangang malaman ninyong kayo ay mga lapastangan kayat kayo ay aking parurusahan. Sanay pakinggan naman ninyo ang aking hinaing. Tigilan na ninyo ang pagbibigay sa akin ng polusyon, ang pagsira sa yamang-dagat, at ang pagkalbo sa kagubatan. Maawa kayo sa inyong mga likas-yaman baka pagdating ng panahon ay wala na kayong makuha para sa inyong pangangailangan. At baka ang bukas ay magmistulang karimlan! III. Mga Tanong: 1 . Sino ang nagsasalita sa akda? 2. Ano sa palagay mo ang nagging damdamin ni Inang Mundo? 3. Kung ikaw si Mang Benjamin, ano ang iyong gagawin? 4. Dapat bang pamarisan si Mang Juan at ang ami nitong Congressman? Bakit? 5. Makatao ba at makakalikasan ang nagmamahal sa ating mundo? Bakit?

Activity Card No. 13

I. Layunin: Nakapagbibigay ng tamang desisyon para sa kabutihan ng nakararami. II. Kwento: Gintong Pasya Gintong Pasya Bakit tila alumpihit ka Estela? Kanina ka pa hindi mapalagay. May dinaramdam ka ba? Ang tanong ni Gng. Santos sa kanyang mag-aaral na si Estela? Kasi po, Maam ay isinasali ako ni Gng. Parada sa Paligsahan sa Pagbigkas nitong darating na Biyernes, eh baka po hindi ko makaya. Iyon lamang pala. Alam mo, hindi ka pipiliin ni Gng. Parada kung hindi niya alam na may talent ka. Bakit hindi mo muna subukin ang sarili mo? Hala, pag-aralan mong mabuti ang ibinigay niyang piyesa at sumali ka, ang pamimilit ni Gng. Santos. Noong gabing iyon, bukod sa mga sinabi ng kanyang gurong tagapayo, umuukilkil din sa isipan ni Estela ang mga sinabi ng kanyang mga kamag-aaral. Ikaw lang ang maaaring ipanlaban ng paaralan natin Estela. Kayang-kaya mo yan. Sisikat pa an gating paaralan kapag nanalo ka, at marami pang iba na pawing nakatulugan na ni Estela. Araw ng paligsahan. Makikitang handing-handa na si Estela, hawak niya ang kanyang rosary patungo sa silid ng paligsahan. Nang marinig na ang bell para sa paguumpisa ng laban, ibinigay na ng tagapag-ugnay ng laban ang paksa. Nagulat si Estela sapagkat isa ito sa paksang tinalakay ng kanyang guro nang sila ay nagsasanay para sa labanan. Nasabi niya sa kanyang sarili Maraming salamat sa Diyos at dininig niya ang aking panalangin. Siya ang may gawa ng lahat ng ito. Pati na ang paksa ay lubhang kasiya-siya sa aking pinaghandaang labanan.

Pagkatapos ng isang oras ay masayang ipinasa ni Estela ang kanyang papel. Maaliwalas na lumabas si Estela sa silid at habang naglalakad sa pasilyo patungo sa silid ng kanyang tagapagpayong guro ay inuusal pa rin ang rosary. Lahat ay hindi mapakali sa kani-kanilang upuan. Maya-maya ay handa nang ihayag ng gurong tagapag-ugnay sa Filipino ang nagwagi ng unang gantimpala. Ang magiging kinatawan n gating Distrito sa darating na Pangdibisyong Paligsahan, walang iba kundi ang batang galling sa Paaralang Elementarya ng Salapan, estela A. Licudine! Isang mahigpit na pagbati at yakap ang sumalubong kay Estela mula kay Gng. Parada at Gng. Santos, Hindi ka nagkamali sa iyong pasya, Estela, ang masayang bati ni Gng. Santos. Maipagmamalaki kang talaga n gating paaralan, ang sunod naman ni Gng. Parada. Maraming salamat pos a inyo, Maam, sabay hawak nang mahigpit ni Estela sa kanyang tinamong gintong medalya. III. Mga Tanong: 1. 2. 3. 4. 5. Sino ang nagbunsod kay Estela upang sumali sa paligsahan? Ano ang pumipigil sa kanya upang huwag sanang sumali? Bakit nagbago ang isip ni Estela sa hindi pagsali? Sa inyong palagay, papaano natamo ni Estela ang unang gantimpala? Tama ba ang nagging pasya niya? Bakit? Activity Card No. 14

I. Layunin: Nakagagawa ng solusyon batay sa wastong impormasyon. II. Kwento: Labanan ang El Nino Labanan ang El Nino Nagkaroo ng malawakang panawagan ang pamahalaan tungkolsa nalalapit na pagdating ng El Nino sa ating bansa. Ano ba ang El Nino? Ayon sa ilang mananaliksik, ang El Nino ay isang malawakang pagkatuyo n gating mga lupain na mararanasan dahil sa pagnipis ng ating ozone layer. Ang init na dulot ng araw ay direktang nararanasan na sa ilang bansa kabilang na rito ang Pilipinas. Dahil dito, naisip ni Gelo na pulungin ang kanyang mga kasapi sa Bantay Kalikasan upang mapag-isipan kung anong magandang tulong ang kanilang magagawa. Gelo: Alam na ninyo siguro ang tungkol sa El Nino Phenomenon? Nararapat lang na tayo, bilang kasapi ng komunidad ay kinakailangang mag-isip ng mga paraan kung papaano lalabanan ito.

Tony: Tama, kaya nga ngayon pa lamang ay gagawa na ako ng sibat, sumpit, tirador para labanan sila. Gelo: Hindi biruan ito, Tony. Dapat na seryosohin natin ang ga bagay na ito.

Grace:Oo nga naman, kaya nga yung mga pinagbanlawan ko ng damit sa paglalaba ay siya na ring ipinanlilinis ko ng kotse ng Daddy ko.

Cristy:Kinakailangan ding ikalat natin ang dapat gawin ng mga tao upang maibsan ang suliraning kakaharapin sakaling datnan tayo ng El Nino. Gelo: Oo nga, kaya nga sa darating na Linggo ay magkakaroon tayo ng malawakang kampanya ukol sa pagtitipid ng tubig. Anthony: Joseph: III. Mga Tanong: 1. Ano ang El Nino? 2. Bakit kinakailangang maghanda ang mga tao sa pagdating nito? 3. Anong pangunahing mga solusyon ang naisip nina Grace at Mario upang labanan ito? 4. Bakit kinakailangang ikalat nila ang impormasyon tungkol sa pagtitipid ng tubig? 5. Ano ang iba mo pang magagawa upang labanan ang El Nino? Sige, sasama ako riyan. Bakit ikaw lang? Tayong lahat, siyempre!

Activity Card No. 15

I. Layunin: Naipakikita ang pagiging makatwiran at pantay na pagtingin sa pagbibigay ng pasya. II. Kwento: Sampung Libo Sampung Libong Tuwa Sampung Libo Sampung Libong Tuwa Matamang nag-iisip si Gng. Nastor sa gaganaping isang malaking selebrasyon sa darating niyang kaarawan. Si Gng. Nastor ay isang mayamang balo sa may Binangonan, Rizal na kung saan kilalang-kilala ang kanilang angkan sa sobrang yaman. Taun-taon ay gumagastos siya ng mahigit sa sampung libo upang ipagdiwang ang kanyang kaarawan tuwing ika -19 ng Setyembre. Ngayong ikalimampung kaarawan niya ay tila hindi pa siya masaya. Bigla ay naisip niya na mas mainam siguro kung ang sampng libong gagstusin niya ay hindi niya gagamitin sa malaking handaan bagkus ay itutulong na lamang niya ito sa mga nasalanta ng bagyo sa kanilang barangay. Naisip niya na ang pasyang ito ay mas makabubuti sa nakararami at mas makasisiya sa kanyang kalooban. Tama siya sa dahilang maraming mga kanayon niya ang kanyang matutulungan. Dumating ang kanyang kaarawan, isang plake ng karangalan ang kanyang tinanggap galling sa mga taong kanyang tinulungan. Dahil dito, ang kanyang sampung libo ay sampung libong tuwa rin ang nagging kapalit. Sampung libong tuwa para sa kanya dahil nakaramdam siya ng lubos na ligaya. At sampung libong tuwa para sa mga taong natulungan niya. III. Mga Tanong:

1. Ano ang matagal na pinag-isipan ni Gng. Gastor? 2. Sino ang mga taong kanyang nais na matulungan 3. Papaano niya ginaganap ang kanyang kaarawan taun-taon.A 4. Anong klase ng pagdiriwang ang naisip ni Gng. Dastor sa darating niyang kaarawan? 5. Ano ang tinanggap ni gng. Nastor mula sa mga taong kanyang tinulungan?

Activity Card No. 16

I. Layunin: Natatanggap ang tungkulin nang maluwag sa kalooban. Nakapagsusuri ng sitwasyon bago magbigay ng pasya/ konklusyon. II. Awit: Pananagutan Pananagutan I. Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang (Koro) II. Sa ating pagmamahalan at paglilingkod sa kanino man Tayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasa. III. Sabay-sabay ngang nag-aawitan ang mga bansa Tayoy tinuring ng Panginoon bilang mga anak. Ang awit na binibigyang pansin sa loob ng simbahan ay naghahayag ng isang mensahe upang Makita ng bawat isa sa ating kakayahan. Ang pananagutan natin sa Tayong lahay ay may pananagutan sa isat isa Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya

ating mga magulang, kapatid, at kapwa ay isa sa mg dapat na isaalang-alang lalo na sa bawat sandal n gating buhay. Ang pag-ibig sa magulang, paggalang sa kapatid, at pagmamahal sa kapwa ay isang pananagutan na dapat nating di maibaon sa limot kahit na tayo ay matanda na. Sa lahat ng pagkakataon, dapat pag-aralan ng bawat isa sa atin ang mga gawaing ating isasakatuparan. Isa sa mga ito ay ang pagsusumikap nating makatapos ng pag-aaral. Responsibilidad natin na gantihan ng kabutihan ang ating mga magulang sa lahat ng kanilang pagod, gastos, at paghihirap. Tandaan natin na an gating mga Gawain at paghihirap upang makakuha ng diploma at maayos na marka ay dapat matupad sapagkat ito ang kaligayahan n gating mga magulang. III. Mga Tanong: 1. Ano ang ibig sabihin ng pananagutan? 2. Sinu-sino ang malapit sa iyong buhay na pinahahalagahan mo? 3. Bakit mahalaga ang mga gawaing umuugnay sa iyong kakayahan tulad ng pag-awit, pagsayaw, at pag-aaral? 4. Ano ang maaari mong iganti sa kabutihang ginagawa para sa iyo ng iyong magulang? 5. Makatwiran ban a mapaligaya natin an gating mga magulang, kapatid, at kapwa? Pangatwiranan. 6. Ano ang iyong nararamdaman sa mga taong tulad ng: a. kapus-palad b. batang lansangan c. ulila

Activity Card No. 17

I. Mga Layunin: Naisasagawa agad ang mga Gawain nang maluwag sa kalooban. Naisasakatuparan ang kusang pagtulong sa kapwa kung kinakailangan. II. Kwento: Kusang Loob Kung Gumawa Kusang Loob Kung Gumawa Naging maganda ang kinalabasan ng mga proyekto ng mga mag-aaral mula sa ika-6 na baiting. Tuwang-tuwa ang guro na si Gng. Vargas sapagkat karamihan sa mga proyektong ito ay napili ng punongguro para sa isang exhibit. Gng. Vargas: Binabati ko kayong lahat sapagkat an gating punongguro ay tuwang-tuwa sa mga proyektong isinumete ninyo sa kanyang opisina. Ngayon ay nais ko lamang malaman kung kayo ba talaga ang gumawa ng lahat ng ito? OPo, kami po ay taas noong nagsasabi na kami ang gumawa n gaming mga proyekto! Gayundin po ang sa akin. Nais po naming malaman ninyo na ang bilin ninyo ay

Mga Bata: Malou:

sinunod naming. Naalala po naming na kailangan maipagmalaki naming an gaming sariling trabaho. Kapag pinaghirapan ito at bukal sa loob ang paggawa magiging maganda ang resulta ng isang trabaho. Gng. Vargas: Magaling! Tama ang inyong mga sinabi. Hinahangaan ko kayo sa inyong paliwanag. Natutuwa ako sapagkat ang lahat ng inyong pahayag ay mula sa prinsipyong aking inilahad. Mahalaga sa tao ang bukal sa loob ang ginagawa. At kung ito ay pinaghirapan, mas malaki ang iyong madaramang karangalan sa sarili. At lagi ninyong isaisip na ang pinaghirapan ng isang tao ay may kakambal na panalo. Ang galling naman ni Maam! Parang kamag-anak siya ni Francisco

Marie: Balagtas.

Pagkatapos ay narinig ang malakas na palakpakan ng mga bata at nagsabing Mabuhay si Maam! Mabuhay ang Grade Six! III. Mga Tanong: 1. Bakit tuwang-tuwa ang mga mag-aaral sa ikaanim na baiting? 2. Ano ang itinanong ni Gng. Vargas sa kanyang mga mag-aaral tungkol sa proyektong kanilang ginawa? 3. Papaano ito binigyan ng kasagutan ng mga mag-aaral? 4. Bakita mahalaga sa isang tao na maging Masaya sa kanyang ginagawa at bukal sa loob ang paggawa? 5. Magbigay ng mga mahahalagang proyekto na ipinagawa sa inyo ng inyong guro at inyo itong pinagpaguran.

Activity Card No. 18

I. Mga Layunin: Nagagamit ang kakayahan nang lubusan. Natatanggap ang mga Gawain bilang lider/tagapagsalita ng pangkat. II. Kwento: Maging Pinakamagaling Ka! Maging Pinakamagaling Ka! Sa pakikipagkaibigan, maging magaling ka Pagkat di ka iiwan sa oras ng sakuna. Sa iyong pag-awit o maging sa pagsayaw Maging magaling ka o pinakamagaling. Sa pamumuno mo sa iyong mga kaibigan Maging pinakamagaling ka pagkat kailangan.

Sa kakayahan mong magsalita sa harapan maging pinakamagaling ka pagkat paghangay naririyan. Mahalaga sa isang tao kung galling ay ginagamit Para sa kapwa taong may suliranin at sakit. Diyos ay matutuwa kung buhay ay may silbi Pagkat talinong kaloob ay ginagamit. Pagtanggap sa Gawain ay gawing lubusan Na di dapat ikahiya upang di mabawasan. Bigay ng Panginoon ay dapat na ipaalam Sa mundo ng pag-ibig at tunay na santinakpan. III. Mga Tanong: 1. Anu-ano ang dapat na bigyang-pansin ng isang may kakayahan o talino? 2. Bakit kailangan maging pinakamagaling ka sa iyong gawain? 3. Papaano mo ibinabahagi ang iyong kakayahan sa iyong kapwa? 4. Magbigay ng ilang mga karanasan na ginagamit mo ang kakayahan sa pamamagitan ng pagtanggap ng Gawain mula sa samahan. 5. Papaano mo binibigyang pansin ang mga kasabihang: ang okay lang ay di kailangan tama na yan pwede na yan

Activity Card No. 19

I.Layunin: Nagagamit ang kakayahan nang lubusan. II. Tula: Ito ang aking Kapasyahan Ito ang Aking Kapasyahan Ang lahat ng bagay dito sa mundo Ay puno ng pagsubok, Sa lahat ng bagay ay dapat makiayon Upang paninindigan ay tularan ng may layon. Pananagutan ko sa aking kapwa Ay di-itatago at di-ikakahiya Pagkat kailangan ng lahat ng madla Pagtulong, pagtulong, pagtugon sa lahat ng pagkakataon. Gawaing iniatas ay lubhang tatanggapin Kung para sa kapwa at sa aking kapiling

Pagkat kakayahan ay iniaalay rin Sa lahat ng mga taong nangangailangan ng pagtingin. Siwasyong gagawin, bago isagawa Susuriing mabuti pagkat itoy likha Pagsubok na bigay ng Diyos na dakila Ay nakabatay sa kakayahang di-ikahihiya. III. Mga Tanong: 1. 2. 3. 4. 5. Ano ang tinitiyak ng may akda sa tula? Bakit mahalaga ang pagbibigay ng kakayahan sa kapwa? Magbigay ng mga uri ng pananagutang iyong ginagawa bilang kabataan. Papaano mo masusukat ang iyong kakayahan? Anu-ano ang iyong tungkulin bilang mag-aaral?

Activity Card No. 20

I.Layunin: Natatanggap ang mga Gawain bilang lider ng pangkat/tagapagsalita. II. Dula: Ito ang Nais Ko Ito ang Nais Ko Usap-usapan sa kanto ng isang barangay ang mga bagay-bagay na dapat maitulong ng mga mamamayan sa suliraning paggamit ng ipinagbabawal na gamut sa pamayanan. Aling Edna: kanilang mga Mang Eddie: kadahilanan na ang Aling Edna: kapayapaan at Sa aking palagay mahalaga na dapat bantayan ng bawat isa ang anak. Sa mga ikinikilos nila at isinasagawa. Totoo yon. Karamihan sa mga ito ay punong-puno ng mga problema ay nagmumula sa kanilang mga magulang. Kaya nga dapat tayo ay magkaisa upang mapanatili natin ang katahimikan dito sa ating lugar.

Mang Jose: gagawing regular

Makatutulong din marahil kung ang mga baranggay tanod ay ang pagroronda.

Samantala, ang pangkat ng mga kabataan na nakikinig sa usapang iyon ay magalang na nagbigay ng kanilang mga mungkahi. Edwin: na tumulong maglalayo sa mga kabataan sa droga. At ang naiisip kong paraan ay kailangangang matuon ang pansin ng mga kabataan sa isport. Linda: na Aling Marie: mga gumagamit Tama! Maaari rin naman kaming makipag-usap sa ilang samahan namamahala sa ilang mga programang aming isasagawa. Magandang ideya yan. Sa ganyang paraan mangingimi na ang ng ipinagbabawal na gamut dahil alam nila na anumang oras ay maaaring may Chum: ang hakbang naming gagawing gumamit nito. Maliban po kasi sa ito ay isang masamang gawi, hindi rin ito makabubuti sa aming kalusugan.sasabihin k okay kapitan na kayo ay nakahandang tumulong sa ating bayan. III. Mga Tanong: 1. Ano ang suliranin sa pamayanang nabanggit sa akda? 2. Ano ang tulong na nakahandang ibigay ng mga kabataan. 3. Kung ikaw ay isa sa mga ito, gagayahin mo rin ba ang kanilang kapasyahan? Bakit? 4. Anu-ano ang maaari mong maitulong sa pagsugpo sa ganitong uri ng problema? 5. Bakit mahalaga sa tao ang gumawa ng pagtulong nang bukal sa loob? makakita sa kanila. At alam po naming na sa aming mga sarili kailangang mag-umpisa para masugpo ang paggamit ng droga. Hinding-hindi po Siguro pos a aming mga kabataan, magandang kami rin ay dapat sasuliraning ito. Kailangan marahil ng isang proyekto na

Activity Card No. 21

I.Layunin: Nakakaugalian ang pagpapahalaga sa pangako. II. Kwento: Next Time na lang Next Time na Lang

Tatay, Galit kami sa iyo kasi pulos ka next time. Pangako mo ay samasama tayong magsisimba sa Linggo, yun pala ay aalis lang kayo ni nanay at iiwan nyo kami. Ito ang dagliang bumungad sa mainit na ulo ni Aling Nina pagpsok nila sa silid ni Mang Felix. Dali-dali nilang kinuha ang kalatas sa dingding at iniabot sa asawa. Hayan, sulat ng mga anak mo, pulos ka kasi next time pati tuloy sila ay nagtatampo na sa yo. Masisisi mo ba ako, eh bigla kang nagyaya sa Shoe Mart upang tumingin ng washing machine! ang sagot ni Mnag Felix. At naibili po ba naman nyo ako, Mr. Next Time? ang panunuyang salita ni Aling Nina. Eh, sa kapos ang pera ko, eh. Hamo, next time, maibibili rin kita, sabi nito at patalikod na humiga si Mang Felix sa kama. Nagulantang sila nang biglang magsipasukan ang mga anak sa loob ng silid. Ano mga anak, kumusta ang mga beybi ko? sabay halik ni Aling Nina kina Noel, Neneng, at Nika. Nanay, galit kami kay tatay kasi pulos next time na lang siya, agad sagot ng nagtatampong si Neneng. Hamo mga anak, magbabago rin ang tatay, next time nga lang, ang pabirong sagot ni Aling Nina. halina at kumain na tayo, sabay hila sa mga anak. Hoy, teka hindi nyo ba ako isasabay sa pagkain? ang pahabol na sigaw ni Mang Felix. Next time na lang, Tatay, ang patawang sagot ng kanyang mag-iina. Kapag natupad nyo na ang pangako nyo at natanggal ang ugaling next time na lang. III. Mga Tanong: 1. Sino ang gumawa ng sulat sa silid ng mag-asawa? 2. Ano ang ipinagtatampo ng mga bata at ni Aling Nina kay Mang Felix? 3. Bakit hindi naibili ng washing machine ni Mnag Felix ang asawa? 4. Anong ugali mayroon si Mang Felix? 5. Ano sa palagay nyo ang nararapat gawin ni Mang Felix upang muling magtiwala ang kanyang mag-iina?

Activity Card No. 22

I.Layunin: Naisasakatuparan ang pangako ayon sa sariling kakayahan. II. Kwento: Kung Kaya Ko Kaya Nating Lahat

Kung Kaya Ko Kaya Nating Lahat Maagang nagising si Aling Tessie. Pagkatapos magluto ng almusal, dali-dali siyang kumuha ng walis at pandakot upang maglinis ng bakuran. Mayamaya ay dumaan ang mga kababaihan ng kanilang komunidad na may dala ring mga sariling walis at pandakot. Mahal naming pangulo, ang biro ni Aling Nene. Halika na sa Barangay Hall at nang maumpisahan na ang Oplan Linis. Pagkawalis ay umakyat na si Aling Tessie, tiningnan niya muna ang buong kabahayan kung malinis na ito. Nang matiyak na maayos na ang lahat ay pinuntahan na niya ang kanyang mga kasamahan. Palakpakan ang mga kababaihan na kasamahan ni Aling Nene nang makitang dumarating na ang kanilang pinuno. Alam nyo ba mga kasama, lumapit ako sa ating kapitan at kay Mayor. Ipinarating ko sa kanila ang hinaing natin sa ating mga kalsada na lubak-lubak at sira na. nangako silang aaksyunan na ito sa darating na Linggo. At bukod pa riyan magdodonate sila ng mga basurahansa bawat kalye natin. Talagang maaasahan si Tessie, siguro nararapat lang na siya ulit ang gawin nating pangulo, no? sabi ni Lita,Okey bas a inyo yon mga kasama? ang sigaw niya. Okey na okey sa aming lahat!! sabay sigaw ng mga nakararaming kababaihan na hawak ang kanilang mga walis at pandakot. Alam niyo mga kasama, kung kaya ko kaya rin ninyo at kaya nating lahat! ang pakumbabang sagot sa kanila ni Aling Tessie. III. Mga Tanong: 1. Bakit maagang gumising si Aling Tessie? 2. Sino ang nagyaya sa kanyang pumunta sa Barangay Hall? Bakit? 3. Bakit sa palagay nyo malaki ang tiwala ng mga kasamahan ni Aling Tessie sa kanya?

Activity Card No. 23

I.Layunin: Naipapakita ang pagmamalasakit sa kapwa. II. Kwento: Kapalit ng Malasakit

Kapalit ng Malasakit Tuwing recess, kapansin-pansin ang palagiang pagpapaiwan ni Jasmin sa klase. Madalas ay tinutukso ito ng mga kamag-aral. Ay, tiyak kunwari naglilins na naman si Jasmin pero huwag ka, wala lang baon yan, ang panunudyo ni Ernesto. Tumahimik lang si Jasmin at pumunta na sa sulok. Hindi tulad nang dati na sumasama siyang magmeryenda. Umupo na lamang siya at nagsimulang gumuhit sa kapirasong papel ng kung anu-anong bagay upang gawing abala ang sarili. O, hati tayo sa sandwich ko, ang paingat na lapit at alok ni Carmelita kay Jasmin. Sige na, huwag ka nang mahiya, alam ko naming gutom ka na eh, ang pangungumbinsi pa nito sa kaibigan. Salamat ha, akala ko ay nagsasawa ka na sa akin, ang nahihiyang dampot ni Jasmin sa alok ng kamag-aaral. Kinabukasan, masayang lumapit si Jasmin kay Carmelita na noon ay kasalukuyang gumagawa ng kanyang proyekto sa di kalayuan sa pwesto ng mapanudyong si Ernesto. Alam mo Carmelita, may mga pasalubong ako sa yo. Heto o, habang isaisang inilabas nito ang mga tsokolate, sabon, pabango, at iba pang gamit. Ang dami naman, saan ba nanggaling ang mga ito? ang medyo alangang tanong ni Carmelita. Dumating na kasi ang tatay ko galling sa Saudi. Ang sabi ni nanay, ibiay ko raw sa yo ang mga ito dahil mabait ka. Alam mo, kaya pala hindi nakapagpadala noon ang tatay ko dahil nagkaproblema sila sa kumpanya nila. Sa ngayon ay naipanalo na nila ang matagal nilang ipinaglalaban at tumanggap siya ng malaking halaga. Magiging Masaya na rin kami ngayon, ang pagbibida ni Jasmin sa kaibigan. Alam mo natutuwa ako para sa iyo. Pero teka, mas nakatutuwa siguro kung sabihin mo sa nanay at tatay mo nab aka pwede rin nilang bigyan si tatay, nanay, si lola, at lola ng pasalubong, ang pabirong yakap ni Carmelita kay Jasmin. Ha! Ha! Ha! Oo Ba, basta huwag lang pati mga kapitbahay mo, eh, at sabay na naghagalpakan ng tawa ang dalawa. III. Mga Tanong: 1. Sino ang magkaibigan sa kwento? 2. Ano ang madalas na ginagawa ni Jasmin kapag naiiwan sa silid-aralan? 3. Bakit lumapit si Carmelita kay Jasmin? 4. Ano sa palagay nyo ang nararamdaman ni Jasmin kapag tinutukso siya ng mga kamag-aaral? 5. Kung ikaw si Carmelita, ipagpapatuloy mo pa ba ang pagtulong sa iba pang mga kamag-aaral?

Activity Card No. 24

I.Layunin: Naipapakita ang pagkakawanggawa sa kapwa. II. Kwento: Kapwa ko, Mahal ko, Mahal Natin Kapwa ko, Mahal ko, Mahal Natin Isang araw, habang papunta na si Gil sa isang parke na malapit sa kanilang tahanan ay nadaanan niya si Fena mayroong bitbit na bag na naglalaman ng kung ano. Sinalubong niya si Fe at nagtanong kung ano ang dala-dala nito. Gil: Anong laman ng dala-dala mong balutan, Fe? Fe: Mga pinagliitan kong damit. Gil: Ano naman ang gagawin mo sa mga iyan? Fe: Nabasa ko kasi sa pahayagan ang mga biktima ng isang malaking sunog sa may Kalye San Perfecto. Dadalhin ko ang mga it okay Gng. Abeja dahil nangangalap sila ng mga donasyon para sa mga nasunugan. Gil: Ikaw lamang ba ang nagkusang gumawa nyan? Fe: Hindi naman, makakasama ko rin sina Lydia, Rebecca, Rolly, at Pacita upang tumulong. Gil: Kahanga-hanga kang talaga. Isipin mo pati mga kalaro mo ay nakuha mo pang hikayatin upang tumulong sa kapwa. Fe: Salamat, O sige, dadalhin ko na ang mga ito at baka naiinip na sila sa paghihintay sa akin. Gil: Sandali, hintayon mo ako at sasama na rin ako sa inyo. Pagdating sa paaralan, ibinigay ng mga bata sa kanilang guro ang kanilang dala-dala para sa mga nasunugan. Gng. Abela: Maigi at marunong kayong magbigay ng pagkalinga sa inyong kapwa. Mahusay sa bata ang marunong tumulong. Hindi lamang ang mga matatanda ang matutuwa sa inyo. Sigurado ako pati si Hesus ay nakangiti na ngayon dahil alam ninyo ang kahulugan ng pagmamahal sa kapwa. Sana hanggang pagkali ninyo ay dala-dala ninyo ang ganyang pag-uugali. III. Mga Tanong: 1. Sino ang may dala-dala ng lumang kagamitan? 2. Si Fe lamang ba ang nagkusang-loob na tumulong sa mga nasunugan? 3. Bakit nagging kahanga-hanga si Fe sa paningin ni Gil? 4. Kung ikaw si Fe, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Bakit? 5. Ano sa inyong palagay ang naramdaman ng guro sa kanilang ginawang pagtulong?

Activity Card No. 25

I.Layunin: Laging nakasusunod sa mga tuntunin sa paglalaro. II. Kwento: Aral ng Laro Aral ng Laro Si Gerry at Jo ay madalas na maglaro ng basketbol sa plaza. Minsay ay inanyayahan naman nila si Medel upang tumayong kanilang umpire sa isang laro kung saan ito ang dalubhasa. Ito ay ang larong handball. Masusi naming ipinaliwanag ni Medel sa kanila ang patakaran ng bagong laro. Alam nyo, medaling sundin ang patakaran sa larong ito, pinapalo lamang ang bola sa kamay at pinapatama sa pader. Kapag ang bola ay bumagsak sa labas ng pader, sisigaw ako ng out at ang iskor ay mapupunta sa kalaban. Madali lang pala, kayang-kaya kong talunin ka, Jo, ang pagyayabang ni Gerry. Alam nyo mga kaibigan, sa laro ay may aralmaging disiplinado kayo at sundin ang mga tuntunin sa paglalaro, ang paalala ni Medel. Ang paglalaro nina Gerry at Jo ay parang labanan. Pinakita nila ang kagalingan sa paglalaro, kahit walang gantimpalang makakamtan. Sa isang matinding palo ni Gerry sa bola ay nagtalo sila sa iskor. Bakit hindi mo sa akin ibinigay ang iskor? Ang pagdadabog na sita ni Gerry kay Medel. Mahinahon namang nagpaliwanag si Medel sa kanya. Gerry masyadong napalakas ang palo mo sa bola at sa likod ng pader ito. Ganon ba? Paaensya ka na. Cge ituloy n natin Sa kahulihan, si Gerry pa rin ang nanalo sa kanilang dalawa. Subalit naramdaman nila sa kanilang dalawa.. Subalit naramdaman nila na ang aral ng laro ay wala sa pagkapanalo ng isa kundi sa pagkakaroon ng sariling displina. Dahil dito, silay tunay na Masaya! III. Mga Tanong: 1. 2. 3. 4. 5. Ano ang tawag sa laro? Sino ang kanilang umpire? Bakit sila nagkaroon ng pagtatalo sa iskor? Kung ikaw si Jo, tatanggapin mo ba ang iyong pagkatalo? Ipaliwanag mo ang pamagat na, Aral ng Laro

Activity Card No. 26

I.Layunin: Nakapaglalaro nang patas at hindi nagsasamantala sa kalaban. II. Kwento: Pagkatalong Panalo Pagkatalong Panalo May paligsahan sa pagtakbo sa barangay nila Joseph. Bawat manlalaro ay mahigpit na naghahanda sa nalalapit na laban. Joseph: Alam mo Alex, kinakailangang manalo ako sa labang ito. Malaking halaga ang premyo at tiyak na matutuwa sa akin si Inay. Alex: Tiyak na tiyak na yon Jo. Sa tingin ko ikaw ang pinakamagaling sa kanila. Si Geronimo? Tingin ko ay tusong maglaro, eh si Rodel naman ay tipong hikain. Ha,ha,ha! Joseph: Luku-luko ka talaga. Basta manood ka na lang. Dumating ang araw ng paligsahan, matindi ang nagging labanan. Si Joseph ang pinakapaborito ng karamihan dahil sa malapit na siya sa finish line. Bigla ay natigilan siya nang sumigaw si Alex na nasa likuran niya si Geronimo. Alex: siyang manalo! Jseph!! Mag-ingat ka nasa likuran mo si Geronimo, desidido Pinatid niya si Rodel at hanggang ngayon ay hindi pa makatayo!! Biglang nagulat ang karamihan sa biglang pagbwelta ni Joseph dala ng narinig. Binalikan niya si Rodel at tinulungan itong makatayo. Rodel: Joseph: sa ganitong Bakit ka biglang bumalik? Matatalo ka, Joseph. Hindi bale na Rodel, alam kong walang tutulong sa yo rito, kalagayan mo. (sabay buhat sa kasama) Dahil doon, marami ang nagbunyi hindi sa pagkapanalo ni Geronimo kundi sa ginawa ni Joseph. Para sa kanila, si Joseph pa rin ang panalo dahil sa kabutihang ipinakita nito. III. Mga Tanong: 1. 2. 3. 4. 5. Ano ang paligsahang sinalihan ni Joseph? Bakit siya natalo sa paligsahan? Anong uri ng bata si Joseph? Si Geronimo? Bakit itinuturing na si Joseph ang tunay na panalo? Kung ikaw si Joseph, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?

Activity Card No. 27

I.Layunin: Nabibigyang halaga ang mga gawaing maka-Diyos. II. Sulat: Sulat Para sa Diyos Sulat Para sa Diyos Ika-14 ng Pebrero, 1999 Silid-aralan, 2:00 N.U. Mahal kong Hesus, Kumusta na po kayo? Alam ko po na lagi kayong nasa mabuting kalagayan dahil sabi ng nanay ko, kayo po ang pinakamagaling sa lahat. Alam Nyo po, napatunayan ko na totoong napakagaling nyo. Dati rati kasi ay hindi ako makatulog dahil halos araw-araw ay nag-aaway sina tatay at nanay. Madalas ay nagsisigawan sila bago kami magtungo sa simbahan. Kapag naman may nasalubong silang namamalimos ay binubulyawan pa nila. Ayaw ko na po sanang maniwala sa mga turo nila kasi samba nga po sila nang samba, eh, away naman sila nang away. Madalas nga ay nag-iisa lang ako rito sa bahay dahil dadalo raw sila sa mga gawaing pansimbahan. Sa ngayon po ay labis-labis akong natutuwa sa napakalaking pagbabagong naganap sa kanila. Hindi na nila nakakaligtaan ang magdasal araw-araw para s kapayapaan n gaming tahanan. Laging bukas ang kanilang palad sa sinumang nangangailangan, at higit sa lahat may panahon na rin sila sa akin. Lagi nap o nila akong kasama sa kanilang mga gawaing maka-Diyos. Naniniwala po ako na dininig Nyo ang aking dalangin noong Araw ng mga Puso na sany buksan Nyo ang isipan ng aking magulang at bigyang halaga naman nila ang mga gawaing maka-Diyos. Dahil dito, tiyak na palagi nang mahimbing ang tulog ko. Maraming salamat po sa Inyo at lagi Nyong tandaan na mahal na mahal ko po kayo. Labis na nagagalak, Emmanuel III. Mga Tanong: 1. Para kanino ang sulat? 2. Anong suliranin ang dinadala ni Emmanuel hanggang sa kanyang pagtulog? 3. Bakit tila ayaw nang maniwala ni Emmanuel sa turo ng kanyang mga magulang? 4. Kung ikaw si Emmanuel, ano ang gagawin mo sa iyong suliranin? 5. Ilarawan mo kung anong uri ng magulang mayroon si Emmanuel. Pangatwiranan ito.

Activity Card No. 28

I.Layunin: Naipapakita ang mga gawaing maka-Diyos ayon sa sariling paniniwala. II. Kwento: Ang Pinakamahusay na Gamot Ang Pinakamahusay na Gamot Alam ng lahat sa pamayanan ng San Dionisio na si Gng. Suarez ay may taning na ang buhay. Tatlong taon na lamang ang itatagal ng kanyang buhay ayon sa kanyang doctor dahil sa sakit niyang kanser. Halos araw-araw ay tumitindi ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang katawan. Hindi lamang ang kanyang kalamnan ang kumikirot kundi pati na rin ang pusot isipan. Hindi niya matanggap na basta na lamang niya maiiwan ang kanyang pamilya nang ganoon na lamang. Madalas ay natutulala siya at tila nawawalan na ng pag-asa. Naubos na halos lahat ang kanyang naipon sa dami ng gamot na kanyang nainom. Ganunpaman, hindi nawalan ng pag-asa si Gng. Suarez kahit alam niya na ang sakit na iyon ay wala pang lunas. Hindi siya humihinto sa pagdarasal kahit na marami siyang nararamdamang sakit sa katawan. Buo pa rin ang kanyang kalooban na hindi siya pababayaan ng Poong Maykapal. Makalipas ang apat na taon, buhay pa rin si Gng. Suarez! Nagmukha siyang bata, masayahin, at nagging aktibo pa hindi lamang samga gawaing pansibiko kundi maging pang- ispiritwal man. Madalas niyang ipinapatunay ang isang pinakamabisang gamut na nagpagaling sa kanya- ang matibay na PANANALIG SA DIYOS at ang pagtupad sa mg autos at tagubilin nito! III. Mga Tanong: 1. Sino ang may taning na ang buhay? 2. Anong sakit ang unti-unting kumikitil sa kanya? 3. Bakit hindi nawalan ng pag-asa si Gng. Suarez? 4. Ano ang pinakamabisang gamut sa kwento? Bakit? 5. Kung ikaw si Gng. Suarez, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Pangatwiranan.

Activity Card No. 29

I.Layunin: Sinusunod ang panuntunang Ayaw mong gawin ng iba sa iyo ay huwag mo ring gawin sa iba. II. Kwento: Natuto si Kosme Natuto si Kosme Si Kosme ay nagmamadaling umuwi mula sa paaralan. Ibinalibag niya ang bag sa mesa nang may pagdadabog. Shh-shh, wika ng kanyang kapatid. Kuya, huwag ka naming maingay dahil may natutulog. Ano ba ang nangyari sa iyo at tila mainit ang ulo mo? Wala kang pakialam! ang pasigaw na sagot ni Kosme. O, sige, wala na akong pakialam pero sana naman, Kuya ay hinaan mo ang boses mo dahil natutulog ang kapatid natin, ang pakiusap ni Mely. Eh, ano sa akin? sagot ni Kosme sa kanyang nakababatang kapatid. Sabay tungo sa kanyang silid at nahiga sa kanyang kama. Madali niyang nakatulugan ang allahaning napagalitan siya ng kanyang guro dahil sa paglalagay ng thumb tacks sa upuan ng kanyang isang kamag-aaral. Sa sarap ng tulog niya ay hindi niya namalayan ang isang grupo ng mga bata na naglalaro ng tumbang preso malapit sa bintana ng kanyang silid. Biglang nagulantang si Kosme sa mahimbing na pagkaktulog nang makarinig siya ng matinding siga,Hoy! Ikaw ang taya. Ang daya mo naman! Hoy, ano ba kayo? Ang iingay ninyo. Pwede ba, kung ayaw ninyong matulog ay magpatulog kayo! ang sita ni Kosme sa mga bata. Berat mo, sabay dila ng mga sa kanya.Matulog kang mag-isa mo, sabay haggis ng lata ng tumbang preso sa kanya at nagpanakbuhan na ang mga ito. Napakamot na lamang sa inis si Kosme lalo nat may panunuyang nakatingin sa kanya si Mely. Kuya Kosme, kung ayaw mong gawin sa iyo ang mga bagay na ayaw mo ay huwag mo na ring gawin sa iba, ang sabi nito sakanya Ngumiti lamang si Kosme sa kanyang kapatid ngunit isang gintong aral ang natutunan niya at ito ay mula pa kay Mely, ang kanyang nakababatang kapatid. III. Mga Tanong: 1. Bakit kailangang mag-usap nang mahina lamang kung mayroong may sakit, natutulog o nagaaral. 2. Sino ang pangunahing tauhan sa kwento? 3. Sino ang nakababatang kapatid ni Kosme? 4. Bakit nagising sa mahimbing na pagkakatulog si Kosme? 5 Ano ang dapat tandaan kapag ang mga kasama ay may ginagawa at kailangan ng katahimikan?

Activity Card No. 30

I.Layunin: Naipakikita ang paggalang sa batas at sa may kapangyarihan. II. Kwento: Tanggapin ang Pagkakamali Tanggapin ang Pagkakamali Isang umaga ng Lunes, nagmamadali sina Jose at Dino sa paglalakad dahil mahuhuli na sila sa klase. Kailangan nilang tumawid subalit naka- signal ang traffic lights para sa paghinto ng mga sasakyan.Napansin nila na pwede silang bumagtas sa daan, papatawid na lamang sila nang biglang hinarang sila ng pulis trapiko at kinausap. Pulis: dahil sa Sandali lamang mga bata. Hindi ba ninyo alam na bawal pa ang tumawid

nakapula pa ang ilaw? Jose: Pasensya napo Mamang Pulis. Nagmamadali po kasi kami ng aking kaibigan dahil mahuhuli na kami sa aming klase. Dino: Tototo poi yon. Alam po naming mali kmi. Patawarin lang po ninyomkami. Hindi na naming ito uulitiin. Pulis: Alam ninyo, ang inyong pagkahuli ay di mahalaga kung ikukumpara sa aksidenteng maaaring mangyari sa inyo. Kung kayo ay mahagip ng sasakyan, mas maraming araw ang di ninyo maipapasok sa paaralan. Kailangan ang pagsunod sa batas upang maiwasan ang anumang masamang mangyayari sa atin. Maraming tao ang napapahamak dahil sa katigasan ng kanilang ulo, sa di pagsunod sa mga batas at alituntunin, kulang sila sa disiplina. O, siya, dahil marunong kayong humingi ng tawad ay pinapatawad ko na kayo. Sana ay hindi na ito maulit, maipapangako nyo ba ito? Dino at Jose: Opo. Di nap o talaga naming ito uulitin. Pulis: Sige na, pumasok na kayo at baka pagalitan pa kayo ng inyong guro. Dino at Jose: Salamat po. III. Mga Tanong: 1. Bakit nagmamadali sina Jose at Dino? 2. Ano ang ginawa nilang paglabag sa batas? 3. Paano ipinakita nina Jose at Dino ang kanilang pagiging magalang sa may kapangyarihan? 4. Kung ikaw sina Jose at Dino, gagawin mo rin ba ang ginawa nilang paghingi ng tawad sa pulis? 5. Sa iyong palagay, bakit hindi sila pinagalitan ng pulis trapiko?

Activity Card No. 31

I.Layunin: Nakasusunod sa mga tuntunin at patakaran na pinaiiral ng batas. II. Kwento: Sumunod sa patakaran Sumunod sa Patakaran Isang malaking pagpupulong ang inilunsad sa Barangay Mabato. Binanggit ng puong-bayan ang mga alituntunin at batas tungkol sa kalinisan at kaayusan ng isang pamayanan. Kinabukasan, nagpapaskil ang Sangguniang Bayan ng mga alituntunin at batas na dapat pairalin at sundin ng mga mamamayan sa kanilang barangay, tulad ng mga sumusunod: Laging panatailihing malinis ang mga kalye lalo na sa tapat ng bawat bahay. Ugaliing magtanim ng mga punong nagbibigay lilim sa tabi ng daan. Maglagay ng basurahan sa tapat ng bawat bahay. Pangalagaan at ingatan ang mga bagay-bagay sa parke, atbp.

Nang mabasa ito ng pamilya Flores ay agad nilang binigyang-pansin at hinikayat na rin nila ang kanilang mga kapitbahay at iba pang mga kabarangay. Sa paglilinis, minabuti ng kanilang ama na si G. Flores na hatiin ang mga Gawain. Ibinigay niya sa kanyang panganay na anak ang paglilinis ng kanal sa kanilang harapan; sa kanyang pangalawang anak ang pagtatapon ng basura na naiipon sa bakuran; sa bunso naman ang pagpipintura ng kanilang basurahan. Dahil sa kanilang pagtutulungan, naging bahagi sila ng usapan sa kanilang barangay. Ginaya sila ng iba pang tao na naninirahan sa kanilang pamayanan. At dahil dito ay nagging kalugud-lugod ang mga tao dahil sa puspusang pagsunod sa patakaran ng kalinisan sa kanilang pamayanan. III. Mga Tanong: 1. Ano ang mga binanggit ng punong-ayan sa ginanap na pagpupulong sa Barangay Mabato? 2. Ano ang ipinaskil ng Sangguniang Bayan kinabukasan? 3. Bakit kaya ipinaskil ang ga ito? 4. Paano mo mapahahalagahan ang mga alituntunin at patakaran na pinaiiral sa inyong barangay?

5. Sa iyong palagay, anong mangyayari kung hindi sumusunod ang mga tao sa mga alituntunin at patakarang pinaiiral sa inyong barangay?

Vous aimerez peut-être aussi