Vous êtes sur la page 1sur 1

Paulette Canlas Pan Pil 19

2009-16607 Ano ang KALIGTASAN?

November 14, 2012

Ang salitang kaligtasan ay isa sa mga salita na palagi o minsan na ginagamit nating mga Pilipino sa ating pang araw-araw na buhay. Ang salitang ito ay agad na binibigyang relasyon sa salitang ligtas, na madalas, ang ibig sabihin ay ang pagiging wala, malaya, o pagiwas sa isa o mga partikular na sitwasyon. Madalas din, ang mga sitwasyong ito ay mga sitwasyon na hindi mabuti. Halimbawa, Ikaw ay ligtas na sa piligro, na ang ibig sabihin ay Ikaw ay wala na sa piligro. Bilang napakaraming pwede na gamit ng salitang ito, gusto natin isipin, ano nga ba ang tunay na kahulugan ng kaligtasan? Kitang-kita naman na ang salitang kaligtasan ay mula sa salitang ligtas. Kaya naman, masasabi ko na ang kaligtasan ay ang pagiging ligtas sa kung anuman na ayaw o pagsisisihan natin para sa ikakabuti ng ating buhay o ng sarili natin mismo. Maaring ang ayaw natin ay tao, bagay, hayop, lugar, pakiramdam, o pangyayari. Ito ang mga pwede na magdulot sa atin ng masama o ayaw natin dahil sa ibat-iba na kadahilanan. Ang pagsisihan natin ay maari naman na gawain o pangyayari. Kaya natin pagsisihan ang mga ito, dahil sigurado lang, ito ay ayaw natin, makakapagpabagabag sa atin o makakasama para sa atin. Gusto natin ng ating kaligtasan dahil ayaw natin mapasama o magsisi. Mahalaga ito sa ating buhay dahil mahirap na magkamali, lalo na ngayon, kung kelan hindi na simple ang buhay, at ang isang pagkakamali ay maaring magdulot ng malaking problema. Halimbawa, ang kaligtasan natin mula sa pagbagsak sa isang pagsusulit ay mahalaga, dahil ito ay makakaapekto sa pagpasa sa isang asignatura, na makakaapekto sa ating pagtatapos ng pag-aaral, Mahalaga ang kaligtasan upang siguraduhin ang makakabuti sa atin. Ang nasabing kahulugan ng kaligtasan ay kaligtasan para sa ating mga tao dito sa mundo. Ngunit ang kaligtasan ay hindi lang ginagamit sa tao, ito rin ay ginagamit para sa mga bagay, lugar o kahit ano na nasa paligid natin. Kaya naman, para sa isang mas malawak na kahulugan ng kaligtasan, sa aking opinyon ang kaligtasan ay isang kundisyon na mabuti para sa kahit na ano. Ang kaligtasan ng isang libro, aso, o bansa, ay kundsiyon na mabuti para sa mga ito. Ang kaligtasan natin mga tao ay isang kundisyon na mabuti para sa atin. Ang kaligtasan ay isang kundisyon na mabuti o ikabubuti, kaya naman ito ay mahalaga.

Vous aimerez peut-être aussi