Vous êtes sur la page 1sur 1

Mensahe ng Anakbayan Ilocos sa ika-14 na Anibersaryo ng Anakbayan

Nobyembre 30, 2012 Sa ika-14 anibersaryo ng Anakbayan, nagpapatuloy na inspirasyon ang pagkilos ng dumadaming mga kabataan mula sa ibat-ibang sektor sa pagsusulong ng tunay na paglaya ng lipunan mula sa pang-aapi at pananamantala. Nagpapatunay ito na natatangi ang Anakbayan bilang militanteng organisasyong pangkabataan na nakikibaka para sa tunay na pagbabago. Kasabay ng pagdiriwang ng anibersaryo ng Anakbayan ay ang pagdiriwang sa kaarawan ni Andres Bonifacio, ang isa sa mga inspirasyon ng pagtutuloy ng mga kabataan sa pakikibaka ng 1896 para ibagsak ang mapagsamantalang kolonyalista at ng bagong anyo nito kasama ang pyudalismo at burukrata kapitalismo. Maraming hinaharap na suliranin ang mga kabataan na nagpapatuloy hanggang ngayon hindi lang sa rehiyon kundi sa buong bansa. Ilan sa mga usapin at problemang hinaharap ng mga kabataan ay ang K-12 program ni PNoy, Cyber Crime Law, Budget Cut, tuloy-tuloy na pagtaas ng matrikula at bayarin, kawalan ng trabaho, at kawalan ng lupa. Tinutuligsa ` Bukod sa kawalan ng sariling lupa, ang mga kabataang estudyante at magsasaka sa rehiyon ay direktang naapektuhan ng mababang presyo ng tabako. Nananatiling nasa P60-P72 ang presyo ng tabako, kulang pang panustos sa kanilang pag-aaral o pagkain sa buong araw. Ito ang mayor na dahilan kung bakit tumataas ang bilang ng out-of-school youth. Naging makabuluhan din ang mga nagawa nito sa lokal na kampanya sa paggigiit sa mga karapatan ng mga magsasaka sa Ilocos para ipanawagan ang pagpapataas ng presyo ng tabako sa P128/kilo. Kalahok ang ating organisasyon sa pagpapatigil ng malalaki at mapanirang pagmimina ng itim na buhangin. Kinakaharap ngayon ng rehiyon at mamamayan ng Ilocos ang banta sa buhay, tirahan, kabuhayan at kalikasan dahil sa laganap na malakihan at mapanirang pagmimina. Naging tampok din ang paglalantad ng organisasyon sa mga nagpupusturang progresibo at maka-mamamayang partylist gaya ng Akbayan Partylist. Nahubaran ang Ang Akbayan Partylist bilang tuta ni PNoy Ang lawak at lakas ng ating paglaban ay tinatapatan ng panunupil ng estado sa pamamagitan ng pagre-redtag, harassment at paggawa ng mga batas para supilin ang ating demokratikong karapatan gaya na lamang ng Cyber Crime Law. Isang halimbawa nito ay ang pagpataw ng suspension sa ilang estudyante ng Data Center College of the Philippines, Vigan City dahil sa pag-post sa Facebook ng kanilang mga reklamo hinggil sa ilang mga bayarin. Kaya sa anibersayo ng kapanganakan ni Bonifacio at ng pagkakatatag ng Kabataang Makabayan, nananatiling hamon sa mga kabataan na magpatuloy sa pagpapalawak, pagpapalakas, at pag-oorganisa para tuloy-tuloy na gampanan ang kanilang makasaysayang papel sa paghubog ng kasaysayan tungo sa isang lipunang Malaya sa pagsasamantala ng Imperyalismo,. Burukrata-Kapitalismo, at Pyudalismo. Lagit lagi nating tanganin ang rebolusyonaryong diwa ng Katipunan bilang mga kabataang tunay na umiibig sa bayan.

Mabuhay ang Anakbayan! Mabuhay ang Pambansang Demokratikong Pakikibaka! Mabuhay ang kabataan at ang taongbayan!

Vous aimerez peut-être aussi