Vous êtes sur la page 1sur 9

Uri ng Dula: 1. Parsa - ang layunin ng parsa ay magdulot ng katatawanan sa tagapanood.

ito`y gumagamit ng eksaheradong pantomina,pagbobobo (clowning), mga nakakatawa at nakatutuwangpagsasalita. 2. Komedya - may masayang sitwasyon, masayang wakas pagkat nagtagumpay sa layunin at mithin ang pangunahing tauhan. 3. Trahedya - dulang may malungkot na wakas. Hindi natagumpay ang pangunahing tauhan na lutasin ang kanyang suliranin. 4. Melodrama - Hindi lmang tumutukoy sa kawili-wiling misteryo kundi maging sa mapuwersang banghay at sitwasyon, at mapuwersang emosyon o damdamin. ang wakas ng dula na ito ay nagpapakita ng kasiyahan dahil nalutas ang suliranin sa bandang huli.

Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan. Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag naiskrip. Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip. Sangkap ng dula

Tagpuan panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula Tauhan ang mga kumikilos at nagbibigay-buhay sa dula; sa tauhan umiikot ang mga pangyayari; ang mga tauhan ang bumibigkas ng dayalogo at nagpapadama sa dula Sulyap sa suliranin bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin; mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na isang suliranin ang isang dula Saglit na kasiglahan saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning nararanasan Tunggalian ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o patung-patong na tunggalian ang isang dula Kasukdulan climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kayay sa pinakakasukdulan ang tunggalian Kakalasan ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga tunggalian Kalutasan sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at tunggalian sa panig ng mga manonood

Elemento ng Dula

Iskrip o nakasulat na dula ito ang pinakakaluluwa ng isang dula; lahat ng bagay na isinasaalangalang sa dula ay naaayon sa isang iskrip; walang dula kapag walang iskrip Gumaganap o aktor ang mga aktor o gumaganap ang nagsasabuhay sa mga tauhan sa iskrip; sila ang nagbibigkas ng dayalogo; sila ang nagpapakita ng ibat ibang damdamin; sila ang pinanonood na tauhan sa dula Tanghalan anumang pook na pinagpasyahang pagtanghalan ng isang dula ay tinatawag na tanghalan; tanghalan ang tawag sa kalsadang pinagtanghalan ng isang dula, tanghalan ang silid na pinagtanghalan ng mga mag-aaral sa kanilang klase Tagadirehe o direktor ang direktor ang nagpapakahulugan sa isang iskrip; siya ang nag-i-interpret sa iskrip mula sa pagpasya sa itsura ng tagpuan, ng damit ng mga tauhan hanggang sa paraan ng pagganap at pagbigkas ng mga tauhan ay dumidipende sa interpretasyon ng direktor sa iskrip Manonood hindi maituturing na dula ang isang binansagang pagtanghal kung hindi ito napanood ng ibang tao; hindi ito maituturing na dula sapagkat ang layunin ng dulay maitanghal; at kapag sinasabing maitanghal dapat mayroong makasaksi o makanood

Eksena at tagpo Ang eksena ay ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan samantalang angtagpo namay ang pagpapalit o ang ibat ibang tagpuan na pinangyarihan ng mga pangyayari sa dula.
KOMEDYA isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihang manonood. Nagwawakas ito ng masaya. Ang tunggalian ay karaniweang nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na siyang nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood. MELODRAMA ito ay karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang opera. Ngunit ngayon ito ay may kaugnayan sa trahedya tulad din ng parsa sa komedya. Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit naging kasiya-siya ang katapusan para sa pangunahing tauhan ng dula. C. TRAHEDYA angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan. D. PARSA isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakatatawa. E. SAYNETE ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook. Ang moro-moro o comedia ay isang adaptasyon mula sa dula sa Europa na comedia de capa y espada. Ang moro-moro, ay natatangi sapagkat walang ibang bansa na nakaisip at nakapagsagawa ng nasabing palabas na katulad nang sa Pilipinas. Ang Pilipinas lamang ang nawili sa paggawa ngmoro-moro na ang obrang ito ay tuluyan nang itinuring na kasama sa buhay ng mga Pilipino sa halos dalawang siglo. Ang moro-moro ay pinaniniwalaang nag-ugat mula sa sagupaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Pilipinong Muslim. Ang makasaysayang laban na ito ay nagsimula noong ika-16 na siglo nang ang mga Kristiyanong Malay, mga Pilipino sa Luzon at Visayas ay sumama sa pakikidigma ng mga Espanyol laban sa mga Pilipinong Muslim na nasa Timog.

Nilalaman
[itago]

1 Banghay 2 Mga Teatro 3 Mga Manunulat 4 Sanggunian 5 Pagkilala

Banghay
Ang karaniwang banghay ng moro-moro ay batay sa pagmamahalan sa pagitan ng isang Pilipinong Muslim na prinsipe at isang Kristiyanong prinsesa. Ang pagkakaiba sa relihiyon ay kasama sa mga balakid na kailangang malampasan ng mga karakter. Ang hidwaan ay patuloy pang lalala dahil sa patuloy na magsusumikap ang mga kamag-anak ng parehong panig upang hindi matuloy ang kasal. At sa huli, isang paligsahan ang magaganap, kung saan, ang Muslim at Kristiyano ay maglalaban para sa kamay ng prinsesa. Kapag ang Muslim ang nanalo sa paligsahan, siya ang papayagan na makuha ang kamay ng Kristiyanong prinsesa sa kondisyon na siya ay magpapabinyag sa Kristiyanismo.

Mga Teatro
Ang labis na popularidad ng mga dulang moro-moro ay nagdulot ng interes sa mga negosyante, lalo na sa Maynila, na magtayo ng sarili nilang mga teatro. Ang tatlong tanghalan na naitayo ay ang Teatro Comico (1790), ang Tondo Theatre, at Primitivo Theatre na malapit sa kalye Arroceros saMaynila. Ang mga teatrong ito ay napaka-aktibo sa pagpapalabas ng mga dula kaya naman si Sir John Bowring, isang turistang British, ay naglagay ng komentaryo sa kanyang libro, A Visit to the Philippine Islands (1859), ukol sa nasabing katanyagan ng mga teatrong ito.

Mga Manunulat
Jose dela Cruz -mas kilala sa tawag na Huseng Sisiw, isang kasabayan din ni Balagtas, ay itinuturing na nakapagsulat ng maraming dulangmoro-moro. Siya ang may-akda ng La Guerra Civil de Granada, Hernandez at Galinsandra, Reyna Encantada o Casamiento por Fuerza, atRodrigo de Vivar. Francisco Baltazar - mas kilala sa tawag na Balagtas ay kilala rin na nakapagsulat ng higit sa 100 na dula. Sa kasamaang-palad, 14 lamang ang kilala ngayon at dalawa lamang ang mga dula na nailimbag. Honorato de Vera - nakapagsulat ng Doa Ines Cuello de Garza y el Principe Nicanor.

Juan Crisostomo Sotto -kilala bilang Crisot sa Pampanga, ay sumulat din ng moro-moro. Kabilang sa mga nagawa niya ay ang Ing Sultanaat Perla, Zafiro at Rubi (Pearl, Sapphire and Ruby). Padre Anselmo Jorge Fajardo -kilala sa marami bilang Ama ng Panitikang Pampango, ay ang mayakda ng libro na, Vida de Gonsalo de Cordova. Ito ay napabalitang itinanghal noong Pebrero, 1881 sa Pampanga. Aurelio Tolentino -isang manunulat ng sarsuwela, ay sumulat ng La Venganza de Conde Rabdul.

Kung nais ninyong mabsa ang tekstong nakasulat sa Ingles, pindutin ang Senakulo.

Senakulo sa daan

Ang Senakulo ay tradisyonal na pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo bago at pagkaraang ipako siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon sa Bibliya at iba pang tekstong apokripa. Kadalasang ginaganap ito sa lansangan o kaya'y sa bakuran ng simbahan. Ang magkakaibigan, magkakamag-anak, at magkakababayan ay magkikita-kita upang panoorin at palakasin ang loob ng mga tauhan sa dula. Ang mga kasuotan ng mga gumaganap ay ginagad sa suot ng mga kawal na Romano at iba pang personalidad at kasaysayan at may matitingkad na kulay. Ang mga manonood naman ay may baong sariling upuan at pagkain upang hindi sila mainip sa panonood. Karaniwan ding makikita ang iba't ibang tindahan na nakapaligid sa pinagdarausan ng senakulo. Hindi man atentibo sa panonood ang ilang tao ay madali pa ring masundan ang takbo ng pagsasadula sapagkat pamilyar ang bawat mga eksena.
Nilalaman
[itago]

1 Makabagong Bersiyon 2 Senakulo sa Mandaluyong 3 Sanggunian 4 Pagkilala

Makabagong Bersiyon
Sa mga ibang lugar, ay mayroon nang makabagong bersiyon ng senakulo, tulad ng sa Morong, Rizal. Tatlong araw ginaganap ang senakulo dito. Nagsisimula sa araw ng Miyerkoles Santo at nagtatapos sa araw ng Biyernes Santo. Kabataang mahuhusay sa pag-arte ang gumaganap dito na siyang dahilan

upang dayuhin at makaakit ng mga taga ibang lugar. Hinahaluan na rin ng komedya, pagliligawan, at epektong biswal ang makabagong bersiyon ng senakulo.

Senakulo sa Mandaluyong

Senakulo sa Morong, Rizal

Ang tradisyonal na bersiyon ng Lungsod Mandaluyong ay tinatampukan ng mga residente ng barangayna walang pormal na kaalaman sa teatro ngunit may talento sa pag-arte. Karamihan sa gumaganap ay mga estudyante, matanda, maybahay, at tsuper ng traysikel. Karamihan din sa mga gumaganap ay mula sa ikatlo at ikaapat ng henerasyon ng mga dating nagsiganap mula pa noong 1965. Ang kanilang pagsali ay panata na nagmula pa sa kanilang mga ninuno.

Sanggunian

Dula

DULA Ang dula ay isang akdang pampanitikan na ang layunin ay itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan ng may-akda. Tatlong Bahagi ng Dula Yugto ang bahaging ito ay ipinanghahati sa dula. Tanghal ang bahaging ito ang ipinanghahati sa yugto kung kinakailangang magbago ng ayos ng tanghalan. Tagpo ito ang paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.
Mga Sangkap ng Dula Simula Tauhan Tagpuan Sulyap sa suliranin

Gitna Saglit na kasiglahan Tunggalian Kasukdulan

Wakas Kakalasan Kalutasan

Mga Anyo ng Dula Iisahing Yugtong Dula o Dula-dulaan maikli at binubuo lamang ng isang yugto.

Dadalawahing Yugtong Dula katamtaman lamang ang haba, hindi gaanong maikli, hindi gaanong mahaba, at karaniwang dadalawahing yugto lamang. Tatatluhing Yugtong Dula mahaba at binubuo ng tatlong yugto. Uri ng Dula Komedya katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.halimbawa Sa Pula sa Puti Plop! Click
Kiti-Riki

Trahedya kung ang tema nito ay mabigat o nakasasama ng loob kaya nakaiiyak, nakalulunos ang mga tauhan, karaniwang sila ang nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya nagwawakas na malungkot. halimbawa Ang Trahedya Sa balay ni kadil na
isinulat ni Don pagurasa Kahapon, Ngayon, Bukas(sarswela) Sinag Ng Karimlan Anghel ni Noel De Leon

Melodrama o Soap Opera Kung ito ay sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala ng masayang bahagi sa buhay ng tauhan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Halimbawa SarinManok ni Patrick c. Fernandez Tragikomedya kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli ay nagiging malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida. Parsa ang parsa ay nakapagpapasiya sa mga nanonood dahil sa mga dugtong-dugtong na mga pangyayaring nakatatawa.Halimbawa Karaniwang Tao by: Joey
Ayala

Saynete ang dulang ito ay tungkol sa mga lugar o pag-uugali ng mga tao.

Severino Reyes na sumulat ng imortal na dulang Walang Sugat at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog;

Ang Paglilitis Kay Mang Serapio Sa Pula Sa Puti Bakit Babae ang Naghuhugas ng Pinggan

Dalagang Bukid Tanikalang Ginto. Hindi Ako Patay


Ang sarswela ay maaaring maglarawan ng mga tema nang pagmamahal sa bayan sa panahon ng rebolusyon, tulad ng Walang Sugat (Not Wounded), 1902 ni Severino Reyes; panlilibak sa mga kahinaan ng pagkatao ng mga Pilipino, tulad ng Paglipas ng Dilim (After the Darkness), 1920; pagtuligsa sa mga baluktot na gawain, tulad ng mataas na interes sa pautang, sa Bunganga ng Pating (At the Mercy of the

Sharks), 1921; at paglalahad ng isang nakawiwiling kwento ng pag-ibig, gaya ng Anak ng Dagat (Child of the Sea), 1921 at Dalagang Bukid(Country Maiden),1919.

Ang Sarswela ay isang uri ng dulang hinango ng mga Kastila sa opera ng Italya. Magkahalo ang dayalog na ginagamit dito patula at pasalita. Ang patulang bahagi ay dayalog ng mga pangunahing tauhan, samantalang ang pasalita o tuluyang bahagi ay ginagamit naman ng mga katulong na tauhan. Ang patulang bahagi ay hinahaluan ng komposisyon na maaaring awitin. Ang sarswela ay binubuo ng tatlong yugto. Ang mga tagpo rito ay magkahalong seryoso at katawa-tawa. Ipinakilala ang sarswela noong panahon ng Kastila, ngunit sumikat lamang ito noong panahon ng himagsikan ng mga Pilipino laban sa mga Amerikano. Si Severino Reyes na kilala sa tawag na Lola Basyang ang pangunahing manunulat ng sarswela. Pinakakilala sa kanyang mga akda ang Walang Sugat.

A. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal. B. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong. C. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong. D. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel. E. Namatay si Kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas. F. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni Kapitana Putin at ang pagpapakasal niya kay Miguel. G. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw ng Walang Sugat. H. Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia. I. Hinuli ng mga boluntaryo ng Sta. Maria si Kapitan Inggo. J. Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang mapalaya ang Inang Bay

A. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal. B. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong. C. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong. D. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel. E. Namatay si Kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas. F. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni Kapitana Putin at ang pagpapakasal niya kay Miguel. G. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw ng Walang Sugat. H. Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia. I. Hinuli ng mga boluntaryo ng Sta. Maria si Kapitan Inggo. J. Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang mapalaya ang Inang Bay

Tagpuan: Tauhan: Tenyong, Julia, Juana, Kap. Inggo, Kap. Tagpuan: Putin, Lukas, Miguel, Julia, Tauhan: Tenyong, Tadeo, P. Teban, Monica, Juana, Kap. Inggo, Kap. Putin, Lukas, Miguel, Kura
Tadeo, P. Teban, Monica

Pangyayari 1

10