Vous êtes sur la page 1sur 9

Kasalan sa Nayon

ni Eleuterio P. Fojas

Tauhan:
Pangunahing tauhan: Alberto -gustong magkaroon ng magarbong kasalan. Pantulong na tauhan: o Kuya Saro- mayroong magarbong kasal. o Ina at Ama- gumagawa ng paraan para matupad ang kahilingang magarbong kasalan ng kanyang mga anak. o Ingkong Karyo- pinagkakautangan ng mga magulang ni Alberto dahil sa kasal.

Tagpuan:
Sa Nayon (panahong ikakasal si

Alberto).

Banghay:
Panimulang Pangyayari Ang kuya Saro ni Alberto ay nagkaroon ng isang magarbong kasal sa kanilang nayon. Ngayon ay malapit na ring ikasal si Alberto ay gusto niya ring magkaroon ng isang magarbong kasal. At ang sabi pa niya ay Hindi bat ang araw ng kasal ay siyang kahulihulihang araw ng kanyang pagkabinata? Hindi baga naman magiging kahiya-hiya kung ang kanyang makakaisang-palad ay pakakasalan niya nang pagayon na lamang at pagkatapos ay iuuwi niya sa kanilang bahay na tila isang bagay na napulot lamang sa daan?

Suliranin
Gustong-gusto ni Alberto ng isang magarbong kasal. Hindi niya alam na kaya nagkaroon ng magarbong kasal ang kanyang kuya ay dahil nangutang lamang ang kanilang mga magulang. At ngayon, hindi alam ng kanyang mga magulang kung saan ulit kukuha ng pera.

Kakalasan
Nagaganap na ang kasalan. Nasaksihan niya kung gaano kagarbo ang kanyang kasal. Kinagabihan, nag-uusap sila ng kanyang asawa. Narinig nila na nag-uusap din ang kanilang mga magulang tungkol sa kanilang kasal. At ito rin ay tungkol din sa kanilang utang.

Paksang Diwa:
Sa pamumuhay ng isang tao ay dapat na naaayon ito sa kanyang kakayahan. Sa payak na sabi, hindi dapat gumasta ng higit sa iyong kinikita. Idagdag mo pa rito ang kasabihang Iba ang kailangan sa karangyaan.

Damdamin:
Dahil sa nabulag siya sa magiging resulta ng magarbong kasal, naghirap ang kalagayan ng kanyang mga magulang.

Pananaw:
Obhetibong Paningin sapagkat sa paraang ito, ang tagapagsalaysay ay nagsisilbing isang kamera na malayang nakakalibot subalit naitatala lamang nito ang tuwirang nakikita at naririnig. Sa pananaw na ito, tumatayong tagapanood lamang ang mga bumabasa sa mga pangyayaring nagaganap sa kwento.

Vous aimerez peut-être aussi