Vous êtes sur la page 1sur 9

Dasmariñas East National High School

San Simon, Dasmariñas, Cavite

ni Dr. Jose P. Rizal

Iniharap Ni:
Peter John E. Bacomo
IV-Gold

Iniharap Kay:
Bb. Aida V. Catibayan
Guro, Filipino IV
INTRODUKSYON
Ang pagsasagawa ng isang Suring Aklat ay ang pagkilala at paglilimi

ng isang Aklat o Nobela. Nabibigay-inspirasyon ang paglikha at

pagsasagawa ng pagsusuring aklat sa mga mambabasa na mag-aral at

magsaliksik ukol sa mga impormasyon, tanong at isyung pumapaloob dito.

Layon din ng gawaing ito na manghikayat at hamunin din ang mga

mambabasa na ilabas ang matatangi nilang galing sa pag-unawa upang

mabigyang-kasagutan ang mga katanungang umiikot sa kanilang isipan

ukol sa nobelang “El Filibusterismo”. Ang Pagsusuring Aklat na ito ay

nakatutulong din upang mapag-isipan, mapag-usapan, talakayin at

mapagtulungang bumuo ng isang solusyon sa mga isyung kinakaharap

para sa ikabubuti ng pag-intindi o pag-unawa at mapag-aralan ang

nabasang nobela. Ang mga simple ngunit mahahalagang katanungan sa

pagsusuring ito na nararapat talakayin na siyang makatutulong sa

pagpapaunlad at pagpapalawak ng kaisipan ng mga mag-aaral.

O Talambuhay ng May-Akda
Si Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda (Hunyo 19, 1861–
Disyembre 30, 1896) ay ang pampito sa labing-isang anak ng mag-asawang
Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at ng asawa nitong si Teodora
Morales Alonzo Realonda y Quintos. Ipinanganak si José Rizal sa Calamba, Laguna.
Sina Saturnina, Paciano, Narcissa, Olimpia, Lucia, Maria, Jose, Concepcion, Josefa,
Trinidad at Soledad ang kanyang mga kapatid.
Ang ina ni Rizal ay siyang kaniyang unang guro at nagturo sa kaniya ng
abakada noong siya ay tatlong taon pa lamang. Noong siya naman ay tumuntong
ng siyam na taon, pinadala siya sa Biñan, Laguna upang mag-aral sa ilalim ng
pamamatnubay ni Justiano Aquino Cruz. Ilang buwan ang nakalipas, pinayuhan
niya ang magulang ni Rizal na pag-aralin siya sa Maynila.
Ang Ateneo Municipal de Manila ang unang paaralan sa Maynila na
kaniyang pinasukan noong ikadalawa ng Enero 1872. Ayon sa isang salin ng Noli
me tangere ni Guzman atbp., sa kaniyang pananatili sa paaralang ito, natanggap
niya ang lahat ng mga pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng
aklat. Sa paaralan ding ito niya natanggap ang kaniyang Batsilyer sa Sining na
may notang sobresalyente kalakip ang pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon, siya ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa
Pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo, kasabay niyang kinuha ang agham ng
Pagsasaka. Pagkaraan, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing
Pamantasan (Santo Tomas) pagkatapos mabatid na ang kaniyang ina ay tinubuan
ng katarata. Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang
tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong
mag-aaral, nagtungo siya sa Espanya. Doo'y pumasok siya sa Universidad Central
de Madrid, kung saan, sa ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina,
bilang "sobresaliente" (napakahusay). Nang sumunod na taon, nakamit niya ang
titulo sa Pilosopiya-at-Titik. Naglakbay siya sa Pransya at nagpakadalubhasa sa
paggamot ng sakit sa mata sa isang klinika roon. Pagkatapos ay tumungo siya sa
Heidelberg, Alemanya, kung saan natamo pa ang isang titulo.
Sa taon din ng kaniyang pagtatapos ng Medisina, siya ay nag-aral ng
wikang Ingles, bilang karagdagan sa mga wikang kaniya nang nalalaman gaya ng
Pranses. Isang dalubwika si Rizal na nakaaalam ng Arabe, Katalan, Tsino, Inggles,
Pranses, Aleman, Griyego, Ebreo, Italyano, Hapon, Latin, Portuges, Ruso, Sanskrit,
Espanyol, Tagalog, at iba pang mga katutubong wika ng Pilipinas.

O Iba Pang Aklat Na Sinulat ng May-Akda


Si Rizal ay nakilala sa dalawang nobelang kaniyang isinulat, ang Noli
me tangere (Huwag Mo Akong Salingin) na nilimbag sa Berlin, Alemanya
(1886), sa tulong ni Dr. Maximo Viola. At nilathala ang El Filibusterismo
(Mga Pagbalakid o Pangungulimbat) sa Gante, Belgica (1891); pinahiram
siya ni Dr. Maximo Viola ng 300 piso sa pagpapalimbag. Naglalaman ang
mga ito ng mga paglalarawan at pagpuna sa mga nagaganap na
pangyayari sa lipunang Pilipino ng mga panahong iyon. Ang mga aklat na
ito ay halaw at hango sa Don Quixote ni Miguel Cervantes, manunulat na
Espanyol. Ang mga ito ang naging daan upang magising ang pagkakaisang-
diwa at katauhan ng mga Pilipino, na nauwi sa Rebolusyon ng 1896.
Noong siya'y walong taong gulang pa, naisulat niya ang tulang Sa
aking mga Kabata na naging Sa Aking mga Kababata. Tumutukoy ang
tulang ito sa pagmamahal sa bayan dahil bata pa lang siya ay nakitaan na
siya ng pagiging nasyonalismo. Nang malapit na siyang bitayin, sinulat niya
Mi Ultimo Adios (Huling Pamamaalam). Kabilang sa iba niyang naisulat ay
ang Awit ni Maria Clara, Pinatutula Ako, Ang Ligpit Kong Tahanan atbp.
Dagdag dito, si Rizal din ang masugid na taga-ambag ng mga sulatin
sa La Solidaridad, isang pahayagang inilunsad ng mga Pilipinong
repormista sa Espanya. Sumulat siya sa ilalim ng pangalang Dimasalang at
Laong-laan, habang lumagda naman si Marcelo Del Pilar bilang Plaridel.

BUOD
Ang barkong Tabo ay naglalayag nang pasalungat sa agos ng Pasig mula Maynila
patungong Laguna de Bay. Kabilang sa mga pasaherom si Simoun, ang mapagpanggap na
mag-aalahas na nakasalaming may kulay. Si Donya Victorina, ang mapagpanggap na isang
Europea ngunit isa namang Pilipina; tiyahin ni Paulita. Si Paulita Gomez, kasintahan ni
Isagani ngunit nagpakasal kay Juanito. Si Ben-zayb, ang mamamahayag sa pahayagan. Si
Don Custodio, ang kilala sa tawag na Buena Tinta. Si Padre Camorra, ang mukhang
artilyerong pari. Si Padre Fernandez, ang paring Dominikong may malayang paninindigan.
Si Padre Florentino, ang amain ni Isagani. Si Padre Irene, ang kaanib ng mga kabataan sa
pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila. At si Basilio, anak ni Sisa, ang mag-aaral ng
medisina at kasintahan ni Juli. Si Isagani , siya ang makatang kasintahan ni Paulita. Si
Kabesang Tales, ang naghahangad ng karapatan sa pagmamay- ari ng lupang sinasaka na
inaangkin ng mga prayle Tandang Selo, Ama ni Kabesang Tales na nabaril ng kanyang
sariling apo. Si Ginoong Pasta, ang tagapayo ng mga prayle sa mga suliraning legal. Si
Placido Penitente, ang mag-aaral na nawalan ng ganang mag-aral sanhi ng suliraning
pampaaralan. Si Juanito Pelaez, ang mag-aaral na kinagigiliwan ng mga propesor;
nabibilang sa kilalang angkang may dugong Kastila. Si Makaraig, ang mayamang mag-
aaral na masigasig na nakikipaglaban para sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila
ngunit biglang nawala sa oras ng kagipitan. Si Sandoval, ang kawaning Kastila na sang-
ayon o panig sa ipinaglalaban ng mga mag-aaral. Si Juanito Pelaez Quiroga, isang
mangangalakal na Intsik na nais magkaroon ng konsulado sa Pilipinas. Si Juli, anak ni
Kabesang Tales at katipan naman ni Basilio . Si Hermana Bali, siya ang naghimok kay Juli
upang humingi ng tulong kay Padre Camorra. Si Hermana Penchang naman ang mayaman
at madasaling babae na pinaglilingkuran ni Juli. Si Ginoong Leeds, ang misteryosong
Amerikanong nagtatanghal sa perya. Si Imuthis, siya ang mahiwagang ulo sa palabas ni G.
Leeds.
Matapos ang masalimuot na pangyayari na bumabalot sa mga tauhan sa Noli Me
Tangere, lalo pa itong pinaigting ng diwa ng paghihiganti, karahasan at karuwagan sa
akdang El Filibusterismo sa panibagong katauhan ni Crisostomo Ibarra bilang Simuon-
isang Amerikanong hilaw na mag-aalahas. Gamit ang kanyang taglay na yaman at
pagiging malapit sa Gobernador Heneral ng Espanya, unti-unti niyang isinagawa ang
kanyang paghihiganti sa mga prayle kasabay ng kanyang pagbabalak na itakas ang
kanyang pinakamamahal na si Maria Clara mula sa kumbento ng Sta. Clara na maituturing
na kakambal ng impiyerno. Bilang kanyang paghahanda sa binabalak na pag-aalsa,
tahimik siyang kumuha ng mga tauhang kanyang magiging kasangkapan. Ang isa sa mga
abang ito ay si Kabesang Tales. Ginamit ni Simoun ang pagiging marahas at palaban nito
upang himukin na ipaghiganti ang sariling pamilya. Di nagtagal ay sumanib din ang
kanyang amang si Tandang Selo sa pagrerebelde bilang tanda ng kanyang galit sa mga
Kastila partikular ang mga prayle. Ang sumunod naman ay si Quiroga. Siya ay isang
negosyanteng Intsik na binigyang tulong-pinansyal ni Simoun kapalit ang kanyang
pagpahintulot na ilagak ang mga baril na gagamitin sa binabalak na pag-aalsa sa kanyang
tahanan. ‘Di nagtagal ay nahimok din ni Simoun si Placido Penitente- isang mag-aaral na
nakipagtalo sa kanyang guro dahilan sa baluktot nitong pamamalakad. ‘Di naging mahirap
para kay Simoun na manghimok ng kakampi sa dahilang tulad niya rin ang mga ito na
napag-alab ang galit sa pakana ng mga kastila. Naiiba sa mga ito si Basilio. Sa kabila ng
kapaitan ng kahapon, pinili pa rin niyang mamuhay ng walang bahid ng paghihiganti sa
puso. Lubos niyang pinagpapasalamat ang pagpapaaral sa kanya ni Kapitan Tiyago at ang
magandang buhay na kanyang tinatamasa kasama ang kanyang kasintahan na si Juli
kaya’t wala na siyang mahihiling pa. Ngunit naging mapaglaro sa kanya ang tadhana.
Dahil sa pagkakamali ng kanyang mga kamag-aral at mga kasapi sa AWK sa pangungutya
at paggawa ng katatawanan sa mga prayle, sila’y napagbintangang mga utak ng
pagbabadya ng paghihimagsik sa pamamalakad ng mga kastila. Ang mga nagkalat na
paskin ay siyang naging matibay na patunay laban sa kanila. Siya’y nakulong at binawian
ng lahat ng kasaganahan sa buhay. Kasabay ng kanyang pagkakakulong ay ang
misteryosong pagkamatay ni Juli matapos makipagkita kay Padre Camorra upang humingi
ng tulong para sa kanyang paglaya. Tuluyan naman siyang nagipit ng pumanaw si Kapitan
Tiyago at nang hindi siya nito pamanahan ni isang kusing. Ang mga paghihirap ng kahapon
na unti-unti siyang binabalikan ay ang naging dahilan upang makianib siya sa
nanghihinang si Simoun. Lubos ang pagkalumbay ng huli matapos na malaman na
pumanaw na ang nag-iisang dalaga na nagbibigay-lakas sa kanya upang ipagpatuloy ang
buhay. Ngunit nang magdesisyon si Basilio na makipagtulungan sa kanya, agad na sumibol
muli ang kanyang diwa ng paghihiganti. Dahil sa mapagbigay na pagmamahal ni Isagani
kay Paulita Gomez hindi naging matagumpay ang balak ni Simoun na pasabugin ang
tahanan ni Kapitan Tiyago na kung saan nagaganap ang magarbong salu-salo ng pag-
iisang dibdib ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez gamit ang isang mamahaling lampara.
Bagkus, ito pa ang nagsilbing patunay para kay Padre Salvi na siya at si Crisostomo Ibarra
ay iisa. Siya’y agad na ipinahanap upang dakipin. Upang magtago siya’y pumunta kay
Padre Florentino sa pag-aakalang siya’y maiintindihan nito ngunit ang lahat ng kanyang
paniniwala ay sinalungat ng pari. Nang makatanggap sila ng liham na nag-uutos na isuko
ang taong tinatago ni Padre Florentino agad na nabuo sa kanyang isipan na mas mabuti
pang siya’y magpatiwakal kaysa mapasakamay ng mga kastila. Namatay siyang hindi
yumuyukod sa relihiyon at pamamalakad ng mga dayuhang nagpahirap sa kanya. Ang
kanyang mga kayamanan at labi ay pinaagos ni Padre Florentino sa dagat at ito’y lumubog
sa kalaliman. Ito’y mananatili sa pagkakasilid hanggang ito’y matuklasan ng hinaharap.

A.Paksa Ng Aklat
Ang Paksa ng Nobelang Nilikha ni Dr. Jose Rizal ay tungkol sa isang
lalaking muling nagbalik sa bago at naiibang katauhan. Ang pagiging
sakim, mapanulsol at masama ang kaniyang naging ugali dulot na rin ng
mga mapagparusang mga Kastila na nangapi at nangalipusta sa mga bulag
na mga Pilipinong sunud-sunuran sa kanila. Sa muli niyang pagbabalik ay
ipinaranas niya ang sariling pamamaraan ng mga Kastila sa bansa at ang
mga paraang ito ang siya ring nagpabagsak sa kanila.

B.Layunin Ng Aklat
Ang nobelang "El Filibusterismo" ay isinulat ng ating magiting na
bayaning si Dr. Jose Rizal na buong pusong inalay sa tatlong paring martir,
na lalong kilala sa bansag na GOMBURZA - Gomez, Burgos, Zamora. Ang
layunin ng aklat o ng nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama,
nagpapahiwatig at nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring
makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ang bayan.

PAGTATAYA
Sa katapusan makikita natin na inamin ni Simoun na siya ay
nagkamali subalit pinanindigan pa din na dapat makamtam ng mga Pilipino
ang kalayaan sa mapagparusang kamay ng mga Kastila. At hindi
pinahintulot na siya ay mahuli ng buhay bagkus ay ninais pa niyang
mamatay na lamang. Ipinakita din ang pagkakaiba ng kanilang pananaw
ukol sa paghihiganti, Diyos, at sa mga paraan nito. Nakita din natin ang
kabutihan ng isang paring indiyo at ang kasawian at katapusan ni Ibarra na
nagpanggap na si Simoun.

KONGKLUSYON
A. Nagustuhan Mo Ba Ang Aklat?

Ako bilang isang mag-aaral ay nagustuhan ko ang nilalaman ng


nobelang “El Filibusterismo” ni Dr. Jose Rizal dahil ipinakita nito ang
kalupitan ng mga Kastila noong panahon ng pananakop nila sa ating bansa.
Dahil dito, namulat ang mga mata ng mga bulag at sunud-sunurang Pilipino
na dahilan upang lumaban para sa kalayaan.

B. Karapat-dapat Bang Irekomenda Ang Aklat? Bakit?

Nararapat na irekomenda ang ganitong uri ng aklat dahil


nakatutulong ito sa mga mag-aaral upang mapalawak ang kaalaman nila sa
ukol sa kasaysayan at upang mapabugso na rin nila ang damdaming
Pilipino. Nakatutulong din ang Aklat na ito upang maipagmalaki natin na
tayo ay isang matapang at makabayang Pilipino.
C. May Natutunan Ka Ba Sa Aklat?

Marami akong natutunan sa aklat. Gaya ng pagiging makabayan.


Hindi sapat ang paghihiganti bagkus ito’y makapagdudulot lamang ng
hinanakit at kasamaan sa bansa at sa ating kapwa. Natutunan ko ring
walang magiging alipin kung walang magpapaalipin.

D. Paano Mo Mapapaunlad Ang Aklat?


Mapapaunlad ko ang aklat o ang nobela ng ating Pambansang Bayani
na si Dr. Jose Rizal kung ito’y madalas kong irerekomenda o ipagmamalaki
lalung-lalo na sa ibang bansa. Ito’y magiging karangalan para sa ating mga
Pilipino at magdadala sa atin ng kagalakan sa puso dahil napatunayan sa
nobelang ito na tayong mga Pilipino ay hindi sumusuko sa mga pagsubok.

E. Masama ba o Mabuti ang aklat?

Masasabi kong hati ang aking pananaw sa katanungang ito. Sa


kadahilanang ilan sa bahagi ng nobelang ito ay may masamang bahagi o
masamang kaugaliang ipinakita ang mga Pilipino na maituturing na isa ring
kasiraan para sa atin. Kagaya rin ng pagiging makasarili at mapanulsol ng
tauhang nilikha ni Dr. Jose Rizal na si Simoun. Mabuti naman dahil isa ang
nobelang ito ang nagbukas sa isipan ng mga bulag na Pilipino at maging
daan upang lumaban at mapatunayang tayo’y hindi dapat tinatapakan
bagkus ay tinitingalaan.

Vous aimerez peut-être aussi