Vous êtes sur la page 1sur 18

PAGKILALA SA GROSS NATL PRODUCT (GNP)

ARALIN 26

Economic Performance ~ Ang economic performance ng isang bansa ay matatanto kung ang lahat ng sektor ng ekonomiya ay lubusang ginampanan ang kani-kanilang responsibilidad o gawain

GROSS NATIONAL PRODUCT (GNP)


GNP~ kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyo na nagawa ng isang bansa sa loob ng isang taon Market Value~ ginagamit sa pagsukat ng GNP ~ halaga ng produkto at serbisyo na umiiral sa pamilihan Final Goods~ mga produktong di na kailangang

iproseso para maging yaring produkto ~ isinasama sa pagkukuwenta ng GNP Intermediate Goods~ mga produkto na kailangan pang iproseso para maging yari ~ di na isinasama pa sa pagkukuwenta ng GNP upang maiwasan ang double counting na siyang nagiging sanhi ng paglaki ng GNP

MGA URI NG GNP


1.) Potential & Actual GNP Potential GNP~ kabuuang produksiyon ng bansa na tinatantiya ayon sa kakayahan at kapasidad ng mga salik; Dapat itong matamo ng isang bansa sa loob ng isang taon Actual GNP~ kabuuang produksiyon na nagawa ng bansa matapos gamitin ang ibat ibanga salik ~ sinusukat pagkatapos ng isang taon

*GNP Gap = Potential GNP Actual GNP ~ Positibo ang gap pag mas malaki ang Potential GNP kaysa sa Actual. Ibig- sabihin, hindi lubusang napakinabangan ang mga salik na mabibigay ng full production sa bansa.

2.) Nominal & Real GNP Real GNP (GNP at constant prices)~ tumutukoy sa halaga ng kabuuang produksiyon sa bansa na ang batayan ay ang presyo ng base year Nominal GNP (GNP at current prices)~ kabuuang produksiyon ng bansa na pinag-uukulan ng pansin dahil sa ang pagtaas nitoy nagpapakita ng pagtaas ng produksiyon ng produktot serbisyo

*National Economic Devt Authority (NEDA) ~ nagtatakda ng presyo ng base year ayon sa taon kung saan mainam ang takbo ng ekonomiya ~ GNP sa base year = laging 100

*Pag-alam ng paglago ng Nominal at Real GNP


GNP ng kasalukuyang taon GNP ng nakalipas na taon GROWTH RATE =
GNP ng nakalipas na taon 100%

Pinagkunan: Kayamanan IV: WORKTEKS SA ARALING PANLIPUNAN

GROSS NATL PROD (GNP) vs. GROSS DOMESTIC PRODUCT (GDP)


~ mahalagang economic indicators ng bansa GNP~ kabuuang produksiyong gawa ng mga MAMAMAYANG PILIPINO sa loob at labas ng isang bansa sa loob ng isang taon GDP~ mga produkto at serbisyo na nagawa sa isang bansa sa loob ng isang taon; kahit mga gawa ng dayuhan ay isinasama

Vous aimerez peut-être aussi