Vous êtes sur la page 1sur 2

Dahil Sa Anak ni Julian Balmaceda(dula)Mga Tauhan ng Dula:Arkimedes ManuelRita SidoraCristobalTatlong batang lalaking sunod-dunod ang lakiMaikling Buod:Ika-VII Tagpo

Si Rita, si Sidora at si Arkimedes ARKIMEDES-

(Pagkakita sa dalawa.) Aba Rita. Aling Sidora, Narito kayo?RITA- Opo, kami ngay naririto.SIDORA- At ito man. (Ipakikita ang batang kaniyang kalong , pagkakita sa kaniyang mga anak na nagtutulungan sa mga silyon , ay pagsisipain at palalayasin.) Hala mga hampaslupa panaog! (Ang mga batay nagsisi-alis) ARKIMEDES- Ano ba iyan. Lalaki o babae?SIDORA- Lalaki, ngunit hindi magmamana sa kaniyang nunopagkat walang nunong pagmamanahanARKIMEDES- At bakit po naman kayo napadako rito?RITA- Upang makipag-usap sa inyo.SIDORA- At. Ito ay upang makilala ang kaniyang. Ang ibig kong sabihin ay makilala ang hindi niya nuno.ARKIMEDES- At tila po, kung di ako namamali , ay may hinahanap kayo sa bahay na ito Maaari ko po bangmalaman kung ano at kung sino?SIDORA- Ito (Si Rita) ay naghahanap ng isang asawa. At ito (ang bata) ay naghahanap ng isangamaNalalaman ba ninyo?ARKIMEDESPwes,ang asawang sinasabi ninyo, at ang amang inyong binabanggit ay hindi dito nakatira. Hindi kosiya nakikilala. Kung ang ibig ninyong sabihin ay ang aking anak Pwes, akoy walang anak. Kamamataylamang.RITA- Kami poy.ARKIMEDES(Hahadlangan) Sinabi ko nang namatay na. Wala akong anak. Tapos.SIDORANapapansin ko na talo pa pala ninyo ang babae. Ibig ninyoy pakyawing lahat ang pagsasalita. Pwes iyanang hindi maaari, habang narito si Sidora. Ako ang magsasalita, at sa akiy walang makapag-papaalisARKIMEDES- Baka nalilimutan ninyong kayoy naririto sa aking bahay?SIDORA- Baka nalilimutan ninyong ang bibig koy nasa aking mukha.Pwes, maupo kayo , at kayoy mapapagodsa pakikinig. Maupo kayo. Sinasabi kong kayoy maupo. (Anyong lalapitan) ARKIMEDES-Pwes, mauupo ako, ngunit akoy maraming gagawin .

Hindi ako makapagtatagal.

Vous aimerez peut-être aussi