Vous êtes sur la page 1sur 11

AMB Productions Balani, Carlo Al-badawi, Aiham Meneses, Janine

Ang istoryang ito ay tungkol sa isang binata na bulakbol at pariwara. Dahil sa pag-alis ng kanyang ina para magtrabaho sa ibang bansa at iniwan siyang mag-isa. Hindi niya naisip ang hirap at sakripisyo nito. Gusto niyang magbago ngunit huli na ang lahat.

Title: last Broken Hope FADE IN: INT. BAHAY GABI Nanay at tatay na nag sisigawan. voice only

Nanay: Hindi ka man lang maawa sa pamilya mo, lumayas ka na dito!

Tatay: Oo aalis talaga ako dito, Wala akong mapapala dito sa pamamahay na to naghihirap lang ako sa inyo.!

Nanay: Napaka sama mong tao, mag sama kayo ng babae mo! Kakapal ng muka nyo ! Wag ka nang babalik dito hayop ka!! FADE OUT

FADE IN INT. SA KWARTO UMAGA Nadatnan ni francis na nag eempake ng gamit sa maleta si nanay

(CONTD) Norman: Ma! Nakahanap na ko ng magandang university para Sa course ko excited na ako mag aral, teka ano ginagawa mo?

Nanay: Nak nanjan ka na pala, eto nagiimpake . tinawagan ako ng tita erlie mo sa states last week lang, kailangan daw ng care giver doon biglaan at sinagot nalang nang amo kong kano yung plane fare kaya anak ikaw muna bahala dito. Francis: Bakit hindi mo sinabi sakin ma ?

Nanay: Kasi alam kong malulungkot ka pero sana intindihin mo din na para sayo tong ginagawa ko. Anak kolehiyo ka na, apat na taon lang ako mawawala. Norman: pero bakit biglaan.

Nanay: Anak alam ko kung ano mas makabubuti sayo kaya sana pilitin mo. Binata ka na ang gusto ko lang naman Makita na gagraduate ka sa kolehiyo, kaya mo yan anak sige na malalate ako sa flight mag ingat ka dito ha .

INT. BAHAY- TANGHALI Habang nakadungaw si francis sa bintana, tulala at nag iisip hanggang sa natanaw nya ang mga tambay sa labas ng kanilang bahay

FRANCIS NAGSASALITA SA ISIP:

Francis:voice Over Napakamalas ko talaga sa pamilya. Buti pa yung iba kumpleto at masaya. Pati nanay ko iniwan ako.

Mga tambay: Pare! Baba ka dito inom tayo.

Francis: Ha? Hindi ako umiinom salamat nalang. Mga Tambay: Cge na minsan lang ako mag aya sayo

Francis: Oh sya cge teka lang pababa na

Tambay: balita ko ikaw lang mag isa jan ngayon ha lagi kita nakikita Mamas boy ka dba hahaha!

Francis: (napangiti)

Tambay: Tara inom tayo para malaman natin kung binata ka na.

Francis: Ha? Teka sigurado ka ba hindi ko pa kasi natitikman yon eh

Tambay: magugustuhan mo yon ako bahala

Fade out

Pagkaraan ng tatlot kalahating taon INT: BAHAY Umaga Francis doing house hold chores Tumawag si nanay

Nanay: Anak nakapag padala na ako ng pambayad mo sa school kunin mo nalang sa remittance center

Francis: Ah cge nay magkano po ba iyon

Nanay: singkwenta mil yon anak pambayad mo sa huling sem mo at allowance mo na din yan ng isang buwan mag tipid ka anak ha hindi madali ang pera.

Francis: Okay nay cge salamat.

Fade out

Fade in Ext. KALSADA. TANGHALI Tinext ni francis ang tropa matapos ma remit ang pera.

Francis Texting : Pare Get ready .

Next Scene Francis drinking and taking drugs

INT. KWARTO UMAGA Tumawag ang nanay ni Francis

Nanay: Nak kamusta? Uuwi na ako jan. Para maalagaan naman kita ilang buwan nalang graduation mo na.

Francis: oo nga ma masaya din ako na makikita mo na akong magtatapos.

Nanay: Sobrang namimiss na kita anak . Ang swerte ko na may anak akong katulad mo. Oh sige tinatawag na ako ng amo ko ill call you later bye love you!

Francis: cge po!

INT. BAHAY- GABI Biglang may kumatok sa pintuan ni francis at nagulat sya nang Makita nya ang kanyang nanay.

Nanay: Anak!! Kamusta na

Francis: MA!

Nanay: Bakit pumayat ka hindi ka ba nakakakain? Ikaw ha pinababyaan mo sarili mo..

Francis: Nako ma hindi ah puro kain ako dito sa bahay halos walang araw na gutom ako.

Nanay: Ako din anak sobra. Ay teka madami pala akong pasalubong sayo at maghanda kadahil sa susunod na araw mamasyal tayo.

Francis: Nako ma nag abala ka pa Makita lang kita okay na ako

Nanay: hmm ang Sweet talaga nang anak ko

INT. PARK. TANGHALI Namasyal at nangbonding ang mag ina. habang si francis ay bigla bigla nalang natutulala. Habang sila ay kumakain

Nanay: Nak. alam mo bang Sobrang hirap mag trabaho abroad . yung sisigawan ka ng amo mo at Mumurahin ka at mabatukan, pero tiniis ko yon para lang sayo dahil gusto ko makapag tapos ka nak

Francis(natatahimik at Tulala)

Nanay: minsan hindi na ako kumakain, para lang makapag tipid at may pang tustos sa araw araw mo , kaya ngayon masaya ako na gagraduate ka na.

Francis: dapat umuwi nalang kayo dito kung naghihirapan kayo don

Nanay: dahil sayo naisip ko panandalian hirap lang namn yon kapalit ng habang buhay na ikagiginhawa natin

Francis : gusto kong makabawi sayo

Nanay: nakakawala ng pagod sa tuwing nakikita ko mga grades mo anak at nakikita kong nag aaral ka

INT. BAHAY GABI Pag kauwi ay dumiretso si francis sa kwarto at natutulala. Nang biglang kumatok ang nanay

Nanay: anak akin na yung toga mo, aayusin ko at nakabili na din ako ng damit para maganda namn ako sa paningin ng mga kaklase mo.

Francis: nako nay kahit hindi ka na mag bihis ng magarbo okay na dahil maganda ka namn.( napaluha si francis)

Nanay: Ay nako ha isa to sa magiging espesyal na araw sakin dahil maipagmamalaki na kita .

Francis: natahimik

INT. BAHAY. UMAGA Kinabukasan ginising sya ni nanay upang mag almusal at nag kwentuhan sila

Nanay: Oh mga assignments mo nagawa mo na ba? Iwasan mo ang ma delay sa mga submission.

Francis: opo ma tapos na (natahimik)

Nanay: Ok aalis ako ng bahay mamaya dahil may interview ako. dito na ako mag wowork para magkasama tayo.

Francis: Okay yon ma para maalagaan din kita at dadating ang panahon na magpapatayo tayo ng sarili nating bahay.

Nanay: Ang sweet namn ng anak ko oh cge maiwan muna kita jan . naghulog na ako ng pera sa account mo para sa allowance mo, mauuna na ako anak ingat ka sa pag pasok. Francis: Ma. Mahal na mahal kita

Nanay: Mas mahal na mahal kita anak.

EXT. SCHOOL. TANGHALI Pagka alis ni nanay ay tulala si francis, at umalis ng bahay pagkaraan ng kinagabihan dumatin si nanay at nadatnang walang tao sa bahay. Sumapit na ang alas una at naisipang pumasok ni nanay sa kwarto ni francis ng nakakita sya ng sulat binasa nya ito nang bigla syang napaupo at umiyak ng hagulgol habang yakap nya ang toga ng anak at litrato nito.

END.

Vous aimerez peut-être aussi