Vous êtes sur la page 1sur 69

University of the Philippines Manila College of Arts and Sciences Department of Social Sciences Bachelor of Arts in Development Studies

Ang Pagyapak ng Sining sa Kabuhayan at Paninirahan sa Angono, Rizal

CONGBALAY | MEDIDAS | SALVADORA

Edberto Villegas, DPA Adviser

PANIMULA Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamahabang baybayin. Umaabot ito sa 17,640 kilometro at 266 milyong ektaryang coastal waters at 193.4 ng karagdagang bahagi na nagmumula sa karagatan. Ang Pilipinas ay isa ring kapuluan at dahil sa mga katangiang ito, napaka-laki ng potensyal ng bansa upang maging isa sa pinaka-malaking prodyuser ng isda at iba pang lamang tubig sa buong mundo. Gayun pa man, nakapagtataka na hindi napapaunlad ang industriya ng pangingisda at ng pagtatanim ng mga halamang tumutubo sa baybayin. Bilang isang agrikultural na bansa, magiging mas mabisa para sa Pilipinas kung ang mga proyektong pangkaunlaran nito ay nakatuon sa pagpapaunlad ng mga produkto, pamamaraan at sistemang may kinalaman sa agrikultura- kasama diyan ang pagpapaunlad sa pangisdaan at taniman. Ang Pilipinas din ang isa sa pinakamayamang bansa dahil sa taglay nitong likas na yaman at lakas paggawa o yamang tao ngunit karamihan ng Pilipino ay naghihirap at walang sariling tahanan at lupa. Ang sitwasyong mga ito sa kabuhayan at paninirahan ay dulot narin ng mga proyektong pangkaunlaran na bahagi ng sabwatan ng mga higanteng sakim sa yaman at kapangyarihan- ang mga imperyalistang bansa, ang mga dayuhang mamumuhunan, mga opisyal ng pamahalaan at ang mga lokal na kapitalista. Ito ang mga kabalintunaan na kinaharap ng aming grupo sa aming paglubog sa bayan ng Angono para sa practicum ng aming kurso. Ito ay naging isang mabisang paraan upang maintindihan, masaliksik, maranasan, at mabigyang kasagutan ng aming grupo ang mga kinahaharap ng mga tunay na masa lalong lalong na ang mga naninirahan at kumukuha ng kabuhayan sa Lawa ng Laguna.

2|Page

PASASALAMAT Sabi nga nila ang buhay ay parang gulong, minsan nasa ibaba, minsan nasa itaas. Sa lahat ng naging karanasan ng aming grupo sa practicum, mula sa simula hanggang sa katapusan, nasa baba man kami o taas, mayroong mga taong handang tumanggap, tumulong at gumabay sa amin. Ibig namin ipahatid ang aming walang-hanggang pasasalamat sa kanila sa lahat ng suporta, tulong, gabay at alaga na naibahagi nila sa amin. Sa aming mga pamilya, ang Congbalay, Medidas, at Salvadora family, na sa mahigit isang buwan na aming paglubog ay walang humpay ang pagsuporta at pagmamahal, kahit malayo man kami sa aming sari-sariling mga tahanan. Sa aming mga kamag-aral sa Devstud, sa mga payo at pasabi na lubusang nakatulong sa amin. Sa Rizal teams, sa lahat ng oras na tayoy nagkasama-sama at sa mga masasayang sandali na nagbigay kulay sa buong practicum. Sa aming mga inspirasyon, sa pag-aalala kahit pa hindi namin kayo kasama, sa pagintindi at pakikinig, sa pagpapaala na wala kaming hindi kayang lagpasan, sa pagmamahal. Sa tauhan ng munisipyo ng Angono, sa pagbabahagi at pagkakatiwala ng mga mahahalagang dokumento at impormasyon para sa aming pananaliksik. Sa baranggay officials ng Poblacion Ibaba lalong lalo na kay Kapitan Nano, sa pagbigay ng mga dokumento at sa pagtulong sa amin makahanap ng bahay na matutuluyan sa inyong baranggay.

3|Page

Kina Kuya Og at sa mga ibang nakasama namin sa Kalayaan, sa masasaya at makabuluhang usapin sa inyong tambayan, sa pangangangkong at sa pagturo sa amin na hindi lang basta-basta ang pagtatali ng kangkong at siyempre, sa pagsakay ninyo sa amin sa inyong bangka at pagligtas sa amin sa mga magpupukot. Kay Nanay Maria, sa pagpapasilong sa amin sa mga panahong sobrang matindi ang sikat ng araw habang kamiy nasa labas at sa pagdadala sa amin kayna Ate Richelle. Sa pinakaunang bahay na amin natuluyan, kayna Nanay Leny, Ate Ga, Nene at Missy, sa pagpapakain ng masasarap na pagkain at peanut butter, sa pagturo sa amin kung paano magluto at maglaba, sa mga masasayang oras na tayoy nagkasama at sa pagmamahal sa amin bilang inyong mga tunay na kapamilya. Kay Tatay Gudo, Nanay Nyneth at sa kanilang pamilya, sa mainit na pagpapatuloy niyo sa amin simula ng kamiy dumating, sa pagpapakain sa amin ng masarap na mangga, sa pag-aaliw at pagpapasaya sa amin ng inyong apo na si Betchay, sa pagtatanggol sa amin ng inyong mga anak mula sa nagbibirong mga binata, sa pagsama sa amin sa inyong pamamangka sa lawa at sa pagiging Tatay at Nanay namin sa Angono.. Kina Ate Richelle, Kuya Sammy, Kuya Manok at sa kanilang pamilya, sa mga maliligayang alaala, sa mga kaibig-ibig nyong mga anak na si Arsam, Shamylle at Samantha at sa mga masasarap na pagkain katulad ng Pakbet na may bagoong at Sinigang na siguradong nagpataba sa amin. Kina Nanay Rosario at sa kanyang mga anak, sa kahit saglit na panahon na kamiy tumuloy at nakasama kayo, naiparamdam niyo sa amin ang mga nakakatuwang oras kasama ang inyong pamilya.
4|Page

Sa kasapi ng NNARA-Youth, sa paggabay at paglaan ng oras sa amin sa practicum na ito. Sa mga kasapi ng Anak-pawis, sa panibagong impormasyon at pananaw na nagbigay buhay sa aming pag-aaral, sa pagiging matiyaga sa paggabay sa amin sa erya at sa pagiging ehemplo at inspirasyon ng simpleng pamumuhay. Kay Doc Ed, sa pagbigay kaalaman at teorya na amin naggamit. Kay Sir Allan Mesina, sa pagtulong at pagbigay ng mga payo sa aming mga problema at sa pangangamusta sa amin. Kay Sir John Ponsaran, sa pagturo, pagpayo at paghanda sa amin para sa aming paglubog. Kay Kuya Bert, sa buong panahon na tayoy nagkasama at sa tinuro mo sa aming tatlo na sumasaklaw hindi lamang sa mga isyu sa komunidad na aming nilubugan, kung hindi pati na rin sa mga payo sa buhay. Salamat sa matinding pakikisama sa amin, sa pagtulong lalong lalo pagkatapos nung mid-assessment, sa mga mabibigat ngunit kawili-wiling mga EDs, at sa pagpapasaya, pagsuporta, paggabay at pagpuna sa amin, at sa pagpapagaan ng mahigit isang buwan. Tunay na magagamit namin lahat ng iyong naituro upang maging mas mabubuting estudyante ng lipunan. Sa lahat ng nagpatuloy sa amin sa kanilang tahanan at tinuring kaming mga kapamilya, aa lahat ng aming nakasama at nakasalamuha sa isang buwan at isang araw na paglalakad, pakikipanayam, pagkain, paglalakad ng malapit, paglalakad ng malayo, paglaban sa init ng araw at sa aming katakawan, pagbisita sa Wawa, pagsasaya, paglalakad ulit,

5|Page

MARAMING-MARAMING SALAMAT! HINDI LANG PO TIYAN NAMIN ANG INYONG PINATABA KUNDI MAGING ANG AMING MGA ISIPAN AT PUSO! HINDI NAMIN MAKAKALIMUTAN ANG MGA KARANASAN NAMIN SA ANGONO! HANGGANG SA MULING PAGKIKITA Aichu, Gaye & Vivien

6|Page

LAYUNIN Sa aming paglubog sa bayan ng Angono, layunin ng aming grupo na mas maintindihan at maipaliwanag ang kalagayan at ang mga isyu na kinahaharap ng Lawa ng Laguna at kung paano ito nakaaapekto sa kabuhayan at paninirahan ng mga mamamayan rito. Nais din naming mas maintindihan ang mga pampulitikang ekonomiya sa kabuhayan, partikular sa pangingisda at pagkakangkong, at sa paninirahan rito. Panghuli, nais naming first-hand na maranasan at maberipika ang mga teoryang 3 taon naming naririnig sa loob ng paaralan at malaman kung paano namin ito maisasapraktika.

PAGKALAP NG DATOS Plano at mga naging pamamaraan Ang grupo ay kumuha ng mga importanteng dokumento at impormasyon sa mga ahensya ng gobyerno, munisipalidad at barangay, katulad ng Municipal Development Plan, Municipal Profile, Zoning Ordinance at Agricultural Development Plan upang magamit sa pagbuo ng mga konklusyon at upang magpatibay sa tinatalakay sa masa. Bukod rito, kinapanayam rin ng grupo ang mayor ng bayan ng Angono na si Mayor Gerry Calderon upang malaman ang kanyang mga plano sa kanyang bayan. Upang mas mainitindihan ang tunay na kalagayan, gumamit ang grupo ng kwalitatibong pananaliksik sa porma ng Participant Observation, Focus Group Discussion (FGD), key informant interviews at one-on-one na mga panayam.

7|Page

Ang mga susing tao katulad ng mga pinuno ng mga samahan sa bawat barangay at ang tagapangulo ng tanggapan ng Business Permit and Urban Settlement ay silang mga kinapanayam din ng grupo. Mas napalawak din ang kaalaman ng grupo dahil sa paglahok sa mga gawaing produksyon ng mga mangingisda at magkakangkong at sa gawaing pambahay ng aming mga tinuluyan. Nakilahok din ang mga practicumers sa mga aktibidad o gawain na nilunsad ng masang organisasyong aming nilubugan, ang Anakpawis, tulad ng talakayan tungkol sa pabahay at sa isyu ng lawa, Anak Pawis convention, pagkilos noong araw ng paggawa, at pagrerekruta at pagmumulat ng masa. Naging benepisyal ito sa grupo dahil dito mas naunawaan ang mga pakikibaka ng uring maralita. Ang mga paglahok na ito ay nilapatan ng karampatang obserbasyon upang magamit sa pananaliksik.

8|Page

BACKGROUND NG ANGONO, RIZAL Ang Angono ay isang unang klaseng bayan sa probinsya ng Rizal na itinuturing bilang Art Capital of the Philippines. Ito ay may kabuuang sukat ng 17.57 sq.km. o 2,300 na hektarya. Ang populasyon nito ay binubuo ng 106, 887 na katao at may 21,377 na kabahayan. Mayroong itong 10 barangay. Sinasabing ang kabuuang kita dito ay tumatayang 157,745,724.40php. Ang bansag naArt Capital of the Philippines ay iginawad sa bayan dahil ito ay kung saan ipinanganak ang dalawa sa mga dalubhasang Filipino National Artists, Carlos Botong V. Francisco, isang National Artist para sa Visual Arts, at si Maestro Lucio D. San Pedro, isang National Artist para sa Musika. Kinikilala din ito bilang Home of the Higantes Festival at sinasabi ring pinakauna sa Pilipinas na tinaguriang UNESCO ASEAN Culture Capital noong taong 2010. Dito mo rin makikita ang mga sinaunang artworks na makikita sa Angono Petroglyphs na bumabalik pa sa 3000 BC. Ito ay dating baryo ng Binangonan; ginawang pueblo noong 1766 at naging independent na munisipalidad noong 1935. Naging independent na munisipalidad ang Angono dahil sa Executive Order 158, na nilagdaan ng Presidente Manuel L. Quezon, at nagkaroon ng bisa noong January 1, 1935. Pinaniniwalaan na sa lugar na ito nanggaling ang mga mitikal na mga tao katulad ng nuno at sirena na nagbibigay laman at kulay sa mayamang kasaysayan at kultura ng bayan. Kaya naman pinangalan itong Angono, na nakokonekta sa Ang Nuno, isang maliit na lalake na may mahabang balbas na tumitira sa matandang puno ng balete na matatagpuan sa poblacion ng bayan.

9|Page

MGA BARANGAY NA AMING NATULUYAN Ang tatlong barangay na aming nilubugan ay ang mga Barangay ng San Vicente, Poblacion Ibaba at Kalayaan. Ang San Vicente ay may kabuuang sukat na .62 sq.km at may populasyon na 15,160. Ang Poblacion Ibaba naman ay may kabuuang sukat na .098 sq. km at populasyon na 2,882 at sa panghuli, ang Kalayaan na may kabuuang sukat na 1.94 sq. km at populasyon na 14, 767. BACKGROUND NG LAWA NG LAGUNA Ang lawa ng Laguna o Laguna de bay ay ang pinakamalaking katubigan na napapaligiran ng lupa sa Pilipinas. Ito rin ang pangalawa sa pinakamalaking lawa sa Timog Silangang Asya. Ito ay may sukat na 91,136 ektarya na hektarya o mas malaki pa sa kabuuang sukat ng Metro Manila. Ito ay isa sa mga pangunahing pinagkukuhanan ng tubig, isdang tabang, aquaculture, pagkaing agrikultural, at mga hilaw na materyales pang industriya sa buong bansa. Ang Lawa ng Laguna ang pinagkukuhanan ng pagkain ng umaabot sa anim na milyong (6 million) mamamayan at mahigit pa sa 100,000 na pamilya ang naninirahan sa paligid ng lawa. Napapaligiran ng mga probinsya o siyudad ng Batangas, Cavite, Laguna, NCR, Quezon at Rizal ang Lawa ng Laguna. Isa sa mga bayan sa Rizal na nasa baybayin ng lawa ay ang Angono.

10 | P a g e

Mayroon itong 21 na sangang mga ilog na matatagpuan sa mga bayan sa NCR. Dati rati, ang lawa ay siya ring kanlungan ng may dalamput tatlong (23) isdang tabang at nadagdagdagan pa ito kapag pumapasok ang mga isdang alat galing sa mga ilog sa paligid nito at sa Manila Bay. Umabot sa bilang ng 33 na mga isda ang sinustena ng naturang lawa: 14 na katutubo o dito lang sa lawa matatagpuan o indigenous, 5 na galang isda, nagmula sa ibang bahagi ng katubigano tinatawag ding migratory species, at 19 na ipinakilala lamang o mula sa ibang bansa o exotic. PANGANGANGKONG

AHENTE

PUNO

MAMIMITAS

DEALER

NAGTITINDA

MAMIMILI I

Ang kangkong ay masasabing isa sa mga gulay na hindi mawawala bilang sangkap sa mga putahe ng mga Pilipino. Bukod sa abot-kaya ang presyo nito, halos lahat ng parte nito ay makakain mapa-sinigang man, adobo o simpleng gisa lamang. Ngunit bago pa man ito dumating sa mga palengke o supermarket na ating pinagbibilhan, paano nga ba nagkakaroon ng sariling kangkungan at anong mga proseso na pinagdadaanan dito? Alinsabay sa usaping iyon, paano

11 | P a g e

unti-unting nagtataas ang presyo ng kangkong mula sa mga nagtatanim nito hanggang sa ibagsak ito sa merkado? Nagsisimula ang lahat ng ito sa mga taong nagpapatubo ng kangkong o ang tinatawag na puno. Sa pagpapanatili ng kanyang taniman ng kangkong, kailangan niya muna magbayad ng municipal ordinance na 1,000php sa bawat hektarya na kanyang sinasakop. Upang hindi matangay ang kanyang kangkungan ng ulan o hangin, bibili rin siya ng tulos o mga kawayan kung saan pinapanatili nito ang mga kangkong sa isang lugar. Nagkakahalaga ng 15php ang bawat tulos at kadalasan, 100 mahigit ang binibiling tulos upang masakop ang buong taniman nila. Sa dako naman ng pagkalakal ng kangkong mula sa puno, kung siya mismo ang mamimitas mula sa kanyang taniman, babayaran siya ng nagdedeliver/nagsusupply ng kangkong sa ibat ibang tindahan at kainan o ang dealer ng 15php/bundle. Ngunit kung kukuha ng tauhan o mamimitas ng kangkong ang dealer, magbabayad ang dealer ng 11php/bundle sa mga mamimitas niya at ng 4php/bundle naman sa puno. Sa kabuuan, 15php ang naggagastos ng dealer at para kumita, 18php ang singil niya sa kanyang mga pinagsusupplyan kung saan ang 3php ay tubo na ilalaan niya sa mga gastusin katulad ng pang-gasolina sa kanyang sasakyan na naghahatid ng mga kangkong. Idagdag pa natin sa kalakaran ang ahente na siyang nag-uugnay sa mamimitas at dealer. Sa prosesong ito, nakakakuha ng komisyon ang ahente.

12 | P a g e

PANGINGISDA MGA BAYARIN REGISTRATION NG BANGKA REGISTRATION NG MANGINGISDA HALAGA 260PHP/bangka 60PHP/mangingisda

Bago makapamalakaya ang mga mangingisda, kailangan muna nila i-rehistro ang kanilang mga bangka sa munisipyo sa halagang 260php at bukod dito, magbabayad rin sila para sa pag-rehistro bilang mangingisda sa halagang 60php. Bukod dito, kailangan din nila ng mga bangka, lambat at iba pang gamit pangproduksyon. Kadalasan ay may sariling bangka ang mga mangingisda ngunit minsan, sila ay humihiram lamang o nagbabayad sa mga nagpaparenta ng bangka. Mayroon ibat ibang pamamaraan ng pangingisda at ang isa na dito ay ang pag-pukot at pagsasapo o takibo na ginagawa ng karamihan sa lawa. PAG-PUPUKOT MGA KAGAMITAN BANGKA LAMBAT HALAGA 40,000PHP 50,000-60,000 PHP

13 | P a g e

Ang pagpupukot ay binubuo ng 5-6 tao at isinasagawa sa tubig-linaw. Sa ganitong pamamaraan ng pangingisda, pinapaligiran ng mga bangka ang isang dako at doon itinatapon ang lambat at pagkatapos ay hinihila upang maraming makuha. Ayon sa kanila, mas mainam na magpukot kung mataas ang tubig upang hindi dumadaosdos ang kanilang mga huli. Hindi lang basta ang mga mangingisda ang namumukot dahil mayroon silang ka-sosyong negosyante dito na namumuhunan para sa kanilang kagamitan. Ang bangka ginagamit dito ay mahaba at hindi katulad ng karaniwang pinangingisda kaya nagkakahalaga itong 40,000php habang ang lambat sa pagpupukot ay gawa sa nylon at pumapatak sa presyo ng 50,000-60,000php. Sa kabuuan, mahigit 100,000php ang puhunan ng negosyante sa pangangasiwa sa pagpupukot. Sa usapin naman ng paghahati ng kita, dalawang parte ang mapupunta sa negosyante dahil sa pagmamayari niya ang kagamitan na ginamit ng mga nagpupukot habang tig-isang parte na man ang bawat magpupukot. Sa kabilang banda, ang pagsasapo o takibo ay katulad lang ng pagpupukot ngunit mas maraming tao ang nakapaloob dito at nanghuhuli lang sila ng mga isda sa ilalim ng kangkungan. Umaabot ng 20 tao dito na nakasakay sa 3 bangka.

PANINIRAHAN

Hindi maihihiwalay ang isyu ng lawa sa isyu ng mga nakatira sa paligid nito o sa isyu ng paninirahan at palupa. Bagamat mas direktang naapektuhan ang kabuhayan ng mga mangingisda at magkakangkong, kailangan pa rin nating isaalang-alang na isa sa pangunahing pangangailangan ng mga tao ay ang maayos at tiyak na matitirahan.

14 | P a g e

Naging maingay ngayong taon ang kaso ng Silverio Compound, kung saan 36 ang sugatan at higit sa isa ang namatay sa nangyaring marahas na demolisyon. Nasabi na ang Silverio Compound umano ay nasa ilalim ng programang CMP at ang mga tao ay malapit nang matapos sa pagbabayad nito. ito ay isang halimbawa ng pagpaprayoritisa sa pribadong puhunan kaysa sa pampublikong kabutihan. Ang nangyari doon ay isang pagpapakita ng pakikipaglaban para sa karapatan sa pamamahay ng mga tao. Sino ba naman ang hindi naghahangad ng sarili niyang lupa at bahay? Lalo na sa kalagayan ng San Vicente, mas nanaisin nilang manirahan malapit sa lawa sapagkat narito na ang kanilang hanapbuhay kahit na tagurian silang mga informal settlers.

Kaya naman kasama sa mga programa na inilunsad ng mayor ng Angono na si Gerry V. Calderon sa kanyang panunungkulan noong 2000 ay ang Zero Squatter Program, at kanyang ipinagpapatuloy sa kanyang termino ngayon. Ito ay naglalayong magbigay ng low-cost housing sa mga informal settlers. Ayon sa panayam namin kay Rey Tan, ang umuupong tagapamuno ng Tanggapan ng Business Permit at Urban Settlement, noong taong 2002, nakakaalarma ang bilang ng mga informal settlers sa Angono. Ang mga kilala rin na squatters na ngayon ay tinatawag sa mas angkop na terminong informal settlers ay ang mga mamamayan na nagtitirik ng bahay sa lupang di nila pagmamay-ari, mapa-publiko man o pribado. Ayon sa mapping o census na isinigawa sa sampung barangay, umabot umano ito sa 5,000 pamilya. Sinusulong ng programang ito na maging mga lot buyers ang mga informal settlers. Taliwas ito sa paniniwala na ang Zero Squatter Program ay isasakatuparan sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga informal settlers sa kanilang mga lupang tinitirhan, at sa halip ay bibigyan sila ng pagkakataong magmay-ari ng lupang kanilang inookupa.

15 | P a g e

Mayroong mga inilunsad na Strategized Housing Programs ang munisipyo sa ilalim ng programang Zero Squatter Program kung saan may ibat ibang moda ng pagbebenta ng lupa. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Direct Buying Mayroong sampung organisasyon sa Angono na nakapaloob sa direct buying at sakop ang 1051 na pamilya. Sa ilalim nito, inoorganisa ang mga tao sa isang lugar, pinagbubuo ng mga samahan bilang representatibo ng lahat ng naninirahan rito at saka sila makikipagugnayan sa may-ari ng lupa. Ang dalawang kampo ay magkakasundo sa isang itinakdang presyo ng lupa at pati na rin ang interes at haba ng panahon ng pagbabayad. Ang Local Government Unit (LGU) ay magsisilbing tagapaggitna at tutulong sa iba pang usapin katulad ng pagpapakabit ng kuryente at tubig at iba pang legal na aspeto. 2. Auction or Levied Sa Auction or Levied na pagmamay-ari naman, kadalasan ay mga sequestered properties ang isinusubasta ng gobyerno. Nagumpisa ang ganitong pamamaraan noong 1998, ngunit noong 2003 lamang sila nakapagorganisa ng mga samahan na maaring pumaloob rito, sa ngayon ay mayroong 5829 pamilya sa ilalim nito. Sa kaso ni Alfonso Lim, isang crony ng dating Pangulong Ferdinand Marcos, na-sequester ang kanyang mga lupa dahil ito ay inutang sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP). Ayon sa Republic Act 7160 ng local government code, may karapatan ang mga probinsya na kinalalagyan ng lupa na i-levy ang mga ito at kapag hindi nabayaran, ay ipasubasta ito. Mayroon namang ibinibigay na 1 taong redemption period sa may ari na mabawi ang kanyang lupa. Sa mga panahong ito naman papasok ang paghihikayat ng munisipyo sa mga samahan upang
16 | P a g e

magipon ng pera sa bangko upang kung sakaling hindi na ito maibalik sa may-ari ay mayroon silang perang pangsubasta. Ang lupain ni Lim na naisubasta ay may halagang 765/sq m. at 3,500 /sq m. naman kapag ito ay nasa isang subdivision. May sukat ito na 15 ektarya at may kapasidad na 3,000 pamilya, kasalukuyang itong pinaninirahan ng 2,800 na pamilya sa ibat-ibang barangay sa Angono. 3. Community Mortgage Program (CMP) Ang CMP ay isang pampinansiyang institusyon na umaalalay sa mga taong nagnanais na maging pagaari ang lupang kanilang tinitirikan. Ito ang programang kinapaplooban ng tatlong barangay na aming nilubugan at sakop ang 1090 na pamilya, kaya minarapat naming na pagtuunan ito ng mas malalim na pagsusuri. Layunin ng CMP na paunlarin ang pamumuhay ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng abot-kayang bayad sa lupa kung saan sila makasisiguro ng pagaari sa lupang kanilang inookupa. Ngunit bago maisakatuparan ito, may ilang mga rekisito ang CMP sa lupang magsisilbing kolateral ng mga naninirahan. 1. Dapat ay walang prenda at balakid sa panahon na ibigay ang pautang sa mga tao. 2. Dapat ito ay hindi lupang agricultural 3. Dapat ito ay hindi sakop ng mga hazardous high risk areas ayon sa DENR at ng LGU 4. Dapat ay may kalsada o access sa bayan o munisipyo 5. Ang may ari ng lupa ay dapat legal na kapasidad na ibenta ang lupa o gawin itong kolateral sa ilalim ng CMP

Sa mga rekisito naman ng mga magiging benepisyaryo :

1. Dapat ay Pilipino edad 18 hanggang 60 sa oras nang pagpapautang

17 | P a g e

2. Dapat ay hindi pa napapasailalim sa anumang programa ng CMP o anumang programa sa pabahay ng gobyerno 3. Dapat ay walang pamamay-aring lupa at hindi tinaguriang professional squatter base sa depinisyon ng RA7279 4. Dapat ay may nakatayong bahay o umuupa sa lugar 5. Dapat ay bumuo sila ng isang organisasyon na rehistrado, kung saan ang mga miyembro ay nakatira sa lugar. 6. Ang karapatan at pag-aari nila sa lupa ay makakamit sa pamamagitan ng Lease Purchase Agreement (LPA)

Ang papel ng samahan ay magsilbing tagapagkolekta ng mga hulog ng mga kasapi at saka ibigay ito sa bangko. Sila rin ang nagsisilbing tagapagtago ng mga indibidwal na dokumento ng mga kasapi at kung magkano pa ang kanilang utang. Habang hindi pa bayad ang buong samahan ay hindi magkakaroon ng indibidwal na titulo ang bawat kasapi, at sa panahong mayroong mapalayas dahil sa hindi nakapagbayad, responsibilidad din umano ng asosasyon na humanap ng kapalit nitong kayang magbayad.

Ang papel naman ng lokal na pamahalaan ay alalayan sila at tulungan silang maglakad ng mga kinakailangan dokumento sa legal na aspeto. Sila rin ang nagiging tagapamagitan ng may-ari ng lupa at bangko sa mga benepisyaryo nito.

Ang pautang ng CMP ay may 6% na interes kada taon base sa natitira pang utang ng samahan, at maari nilang bayaran sa loob ng 25 taon. Ngunit maaring maidagdag sa utang nila sa CMP ang mga pautang ng SHFC sa samahan para sa pagpaparehistro nila ng lupa at iba pa. kapag sila naman ayhindi nakbayad sa takdang araw, papatawan sila ng multa na aabot sa 1/15 0f
18 | P a g e

1% kada araw. Maituring din na default ang account ng isang samahan kapag sila ay hindi nakapagbayad ng talong buwan.

Mayroon din silang tinatawag na mortgage insurance sa buhay ng mga benepisyaryo na kabilang sa masterlist na kailangan irenew kada taon. Ibig nitong sabihin kapag ang isang benepisyaryo ay namatay, hindi na nya kailangan bayaran ng buo ang kanyang lupa at ito ay pagaari na niya o ng kanyang pamilya.

Sa aming paglubog sa Angono, particular na sa mga barangay ng San Vicente, Poblacion Ibaba at Kalayaan, napagalaman ng aming grupo na lahat halos ng mga nakatira rito ay nasa ilalim na ng CMP. Ang mga samahan sa San Vicente ay ang Maralita, Binhi, at Bagong Sibol. Sa Poblacion Ibaba naman ay nariyan ang ALNA, samantalang sa Kalayaan ay ang Kandrenai at Pinagpala.

MARALITA

Ang samahang Maralita ay napasailaim sa CMP noong 2007 at ngayon ay mayroon silang 235 na benepisyaryong naghahati sa 8,000 metro kwadradong lupain. Ang bawat isang benepisyaryo ay may lupang nasa 30-40 metro kwadrado, at nagbabayad ng 300-500 piso kada buwan. Bago pa man sila maipasailalim sa CMP ay nagbayad ang bawat bahay ng 1000 piso sa pagpapasukat ng lupa at ng karagdagan pang 500 kapag ito humigit sa 30 metro kwadrado. Sa umpisa pa lang ay maaring marami na ang mahirapan sa pagbabayad lalo na at marami sa mga nakatira rito ay mga mangingisda at mangangangkong na tila hirap kumita. Maliban pa riyan, halos 30% lamang o 40-50 benepisyaryo ang masigasig na nagbabayad, kaya naman ang kanilang koleksyon ay naglalaro lamang sa 15,000-25,000 kada buwan. Ang ilan sa 70% na

19 | P a g e

hindi nagbabayad ay kabilang sa mga lubos na naghihirap o di kaya ay sadyang walang tiwala sa programang ito at hindi nakasisigurong mapapasakanila ang lupa.

Ang mga taong hindi nagbabayad ay kadalasang hindi nagtitiwala sa programa. Una, wala umanong maipakita sa kanilang mga tunay na titulo at dokumentong magpapalakas ng kanilang kapit sa lupa. Pangalawa, mayroon umanong mga probisyon ang programa na tila hindi makatao katulad ng hindi pagiging transparent ng mga kinauukulan sa kanilang mga legal na proseso pinaiilaliman. Pangatlo ay ang napakabigat na gastusin na kanilang binabayaran na tila hindi na abot-kaya. At panghuli ay ang tila paghuthot sa kanila ng kita ng mga pribadong institusyon, ang Socialized Housing Finance Corporation ayon sa mga tao, kung totoong socialized ito, bakit kailangan ng napakaraming bayarin na kung tutuusin naman ay hindi talaga para sa mahirap.

Noong 2011 ay nagpatupad ng Programang Re-structuring si Binay sa lahat ng mga programa ng pabahay. Dito, ang mga taong hindi nakakapagbayad ng regular at nakaipon ng naglalakihang interes ay may pagkakataong maikansela ang mga interes na ito kasama ng mga naibayad na nila noon. Sa madaling salita sila ay maguumpisang muli sa pagbabayad ang mga tao, mabubuo ulit ang kanilang utang at tila sila ay nabigyan pa ng pangalawang pagkakataon. Ang mga taong may edad naman ay maaring sumailalim rito upang maidepende ang kanilang haba ng pagbabayad sa taon na natitira para sila ay umabot sa 60 taong gulang. Isa sa aming mga nakapanayam mula sa maralita ay naghuhulog na mula noong 2007, ngunit sa kasamaang palad ay hindi siya regular na nakakpaghulog sa bangko at lumaki nang lumaki ang kanyang interes kaya naman pinili niyang sumailalim sa re-structuring, sa pagaakalang mas gagaan ang kanyang mga gastusin. Ang dating 300/buwan na babayaran niya sa loob ng 25 taon ngayon ay naging

20 | P a g e

500/buwan sa loob ng 16 na taon. Dahil 16 taon na lamang ang natitira upang umabot siya sa 60 taong gulang.

Sa kabila ng lahat ng ito ang mga tao ay tila wala nang magawa dahil nasa ilaim na sila ng programa, ayon nga sa kanila tila kapit na ito sa patalim dahil sa oras na pabayaan na sila ng mga kinauukulan ay wala na silang mailalaban. Ang mayroon na lang sila ay ang pag-asa na ang lahat ng kanilang pinaghihirapan ay hindi mabalewala, at ang mga programang ito ay tunay na makapagbibigay sakanila ng matiwasay na pamumuhay.

BINHI

Ang samahang Binhi naman ay may sakop na 12,000 metro kwadradong lupa na pinaghahatian ng 285 na benepisyaryo. Nakiusap ang samahan na ibigay sakanila ito sa halagang 600/sq m. ngunit ang pinahintulutan lamang ay 800/sq m. Ang buong kalupaan ngayon ay nagkakahalaga ng 10 milyon babayaran nila sa loob ng 30 taon. Umaabot din sa 300-500 piso ang binabayaran ng bawat benepisyaryo, maliban pa riyan ang monthly dues na 40 piso at mga penalty na ipinapataw sa kanila.

Nang magumpisa ang Zero-squatter program ni mayor ay agad na nagparehisto ang mga tao dahil ayon sa kanila, ayaw nilang maging habangbuhay na squatter na lamang. Naging malaking tulong ang lokal na gobyerno ng Agnono sa pagrerehistro nila sa CMPat sa pagpapasurvey ng kanilang lupa. Ayon sa samahan, ay sinaliksik daw nila ang titulong hawak ng mga Santos at napagalaman na 1903 ang titulong hawak nila. Ngayon ay nakapagpatitulo na daw ang samahan at nasa SHFC ang orihinal na kopya nito tanging xerox copy lang ng titulo na nakapangalan na sa Binhi ang mayroon sila.

21 | P a g e

Mayroon nang 40 miyembro ang nakapagbayad ng buo at ang mayroon lamang sakanila ay Certificte of Full Payment. Magkakaroon lamang daw ng indibidwal na titulo ang mga tao kapag ang 70% ng samahan ay bayad na. sa ngayon, ay 74% ng mga tao ay nagbabayad ng regular. Ngunit kapag ang isang benepisyaryo ay hindi nakapagbayad ng higit sa 3 buwan ay magkakaroon ng karapatan ang CMP/SHFC na paalisin sila at palitan ng mga taong kayang magbayad, maari rin na kapag ang buong smahana ay hindi nakapagbayad ng buo sa takdang panahon ay maaari din silang mapaalis. Sa ganitong kalagayan ay kampante naman ang mga tao na mapapasakanila ang lupa, bastat masigasig na magbabayad ang mga tao.

BAGONG SIBOL

Ang samahan ng Bagong Sibol ay binubuo ng 32 pamilya sa barangay ng San Vicente. Ayon kay Rey Tan ang lupang ito na pagaari umano ni Jose Blanco ay nais na ibenta sa mataas na halaga, kaya naman hanggang sa ngayon ay hindi pa napapasailalim sa alinmang programa ang mga nakatira rito. Tila hindi makatotohanan at wala talagang balak na ibenta ang may-ari nito base sa hindi abot-kayang presyo nito.

ALNA

Ang Alna ay isang asosasyon na pumaloob sa direct buying. Ang lupang sakop nila ay umaabot sa kulang-kulang isang ektarya at paghahatian ng 240 na miyembro ng samahan, kung titignan, nasa 32 metro kwadrado ang mapupunta sa bawat benepisyaryo. Nagsimula silang maghulog noong 2005 ng halagang 400-500 kada buwan. Mabibigyan lamang raw sila ng titulo kapag karamihan na ay nakapagbayad kayat hanggat sa maari ay maging regular daw sila sa

22 | P a g e

pagbabayad. Ayon sa kanila, mas mainam na sa direct buying na sila dahil hindi sila ginigipit at matutulungan sila ng may-ari.

KANDRENAI

Ang lupang sakop ng Kandrenai ay may sukat na 5 ektarya at isa umanong pag-aari ng MWSS, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nila ito ibinebenta. At hindi pa sila naabot ng kuryente dahil hindi pa nakapangalan sa kanila ang titulo ng lupa. Kung sakali raw na matuloy ang pagbenta ng lupa ay magbabayad sila ng 350-400 kada buwan sa lupang 80 metro kwadrado. At kapag sila raw ay nakapagumpisa na ng paghuhulog ay mabibigyan na raw sila ng kopya ng titulo ng lupa. Ngunit sa kasalukuyan ay nagbayad na sila ng 500 para sa membership fee, at hindi pa naipapasukat ang kanilang lupa.

Ayon sa aming mga nakapanayam ay kakayanin naman ng mga tao na bayaran ang 300500 kada buwan dahil maraming mangingisda at basurero sa lugar. Kung ating tatanungin ang mga tao rito ay nanaisin nilang maghulog buwan-buwan para magkaroon sila ng sarili nilang lupa at ito ay kanilang karapatan. Ngunit ayon sa aming mga nakausap, hindi pa umano malinaw sakanila ang mga programang ilulunsad sa kanilang lugar, at nangangamba sila na baka di maglaon ay paalisin rin sila doon.

PINAGPALA

Ang samahan ng Pinagpala ay may sukat na halos 2 ektarya at mayroong 350 pamilya ang nakatira rito. Sa kasalukuyan, sila ay hindi pa napapasailalim ng anumang programang pabahay ng gobyerno, ngunit may mga naging hakang na sila upang pumaloob sa CMP. Isa na rito ang pagpapasukat ng kanilang mga bahay ng munisipyo, sa prosesong ito sinisingil ang
23 | P a g e

bawat bahay ng 4,000 na pambayad umano sa geodetic engineer. Dito pa lamang ay mayroon nang nakikitang problema ang mga taong narito. Una, ay ang napakamahal na singil sa kanila, pangalawa ay ang kawalan ng official receipt ng mga naniningil at pangatlo ay ang kawalan ng silbi umano ng mga opisyales ng samahan.

Ayon sa aming mga nakapanayam, hindi daw sila nagbabayad ng 4,000 dahil wala namang ipinapakitang resibo, ngunit sa kabila nito, nasa 100 na din ang nakapaghulog na ng 1,000 sa surveyor. Ang hinaing din nila na tila ayaw nang bumaba sa pwesto ng president ng samahan at hindi na nagbibigay ng pagkakataong mamuno naman ang iba. Hinahanap rin nila ang pondo ng samahan na galing mula sa monthly dues at iba pa ngunit wala man lang kahit mga proyekto. Hindi na maiwasan ng mga tao na magduda sa katapatan nila at kung ngayon na hindi pa sila sumasailalim sa programa ay marami nang nakikitang problema, paano na kapag naipatupad na ito?.

Ang nais mangyari ng mga tao ay magkaroon ng pormal na paguusapang tunay na may ari, ang munisipyo at ang mga nakatira sa lugar upang maging malinaw at maayos ang lahat ng prosesong pagdadaanan nila, paraan na rin ito upang maibsan ang pagdududa ng mgat tao sa serbisyo ng samahan at ng munisipyo

24 | P a g e

PAGSUSURI Sa mahigit isang buwan na aming pananalagi sa bayan ng Angono, naging malawak ang aming kaalaman tungkol sa mga isyu ng bayan at sa isyu ng lawa, lalong lalo pa sa mga isyung kinahaharap ng mga komunidad na aming nilubugan- ang tatlo sa apat na barangay sa paligid ng lawa. Ang mga barangay ng San Vicente, Kalayaan at Poblacion Ibaba. Ang Angono, bilang Art Capital of the Philippines, ay naglalayon na ipakilala sa buong Pilipinas at maging sa buong mundo ang kanilang bayan gamit ang sining at upang mapanatili din ang bansag sa kanilang ito. Sa pakikipanayam sa Punong Bayan, pangunahing nakasentro ang mga plano niya ang pagbuo at pagpapaunlad ng Angono Art Center na nakadesenyo sa Master Development Plan of 2020 ng LLDA at sa plano ng national government. Bagamat importante ang sining at ekoturismo sa bansag na Art Capital of the Philippines sa Angono, dapat itong gawin nang hindi isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga kumukuha ng kabuhayan sa lawa, ang mga mangingisda at mangangangkong, at ang mga maralitang naninirahan sa paligid ng lawa. Ang mga taong ito ay umiikot ang mundo sa Lawa ng Laguna at anumang mga pagbabago sa lawa ay nakaaapekto rin sa kanilang pamumuhay. Ang mga plano ng pamahalaan, mapa lokal man o pambansa, ay nakabalangkas sa mga plano ng globalisasyon kasama diyan ang liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon. Hindi maikakait na napakaimportante ng pag-unlad sa kahit anong komunidad, bayan o bansa ngunit marapat lamang na itoy ayon sa mga kondisyon ng lugar at higit sa lahat, ng mga mamayang narito. Responsibilidad ng pamahalaan isipin at huwag isantabi ang kapakanan ng mga masasagasaan at mapapalayas dahil sa kaunlaran.
25 | P a g e

Huwad na Pag-unlad Ang mga mangingisda na aming nakapanayam ay magkakatugma ang eksperyensya sa lawa- ang datiy masaganang huli ay napalitan ng madalang na huli at minsan pay walang naiuuwing huli kahit pang-ulam lamang kahit buong araw pa sila sa lawa. Itong sitwasyon na ito ay may mas malalalim na pinag-uugatan. Naging ganito ang kanilang sitwasyon mula ng simulan ang CALABARZON project noong panahon ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Hindi lang ito nagkataon at mayroon talagang masusuring korelasyon sa kanilang mga huli sa lawa at sa proyektong ito. Ang CALABARZON project ay naglalayon na mapaunlad ang mga miyembrong probinsya nito Ang Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon, upang maging isang global economic hub o mga sentrong pangekonomiya na binubuo ng mga urban districts, matataas na condominium, mga pabrika at mga subdibisyon. Dahil sa layunin ng proyektong ito, ang mga dating palayan o taniman sa mga probinsyang nabanggit ay pinalitan ang gamit patungong mga subdibisyon at mga pabrika o industriya. Alinsunod sa pagpapalit-gamit na ito ng lupa, maraming paghuhukay ang naganap para bigyang daan ang mga development projects na ito. Ang mga pinaghuhukayan ay nagreresulta sa malawakang siltation bukod pa sa mas ganap na problema ng pagkakadisloka ng mga nakatira o kumukuha ng kabuhayan sa mga lupang ito. Ang siltation, na karaniwang dulot ng erosion ng lupa, ay ang polusyon ng tubig sa pamamagitan ng mga pinong mga material mula sa lupa na pansamantala o permanenteng nanatili sa mga lugar kung saan sila ay hindi nararapat tulad ng Lawa ng Laguna. Ito ay unti-unting nagakumula at nagpababaw ng tubig sa lawa. Ang pagbabaw ng tubig na ito ay isa sa mga dahilan kung bakit kumaunti ang huli ng mga mangingisda sa lawa dahil na rin nasira ang mga tinitirhan ng mga isda at kumaunti ang lugar na kanilang maaring galawan sa lawa.
26 | P a g e

Sa panahon ng tag-init, mas lalo pang bumababaw ang lawa. Sa sobrang babaw nito ay minsan ay di makapalaot ang mga mangingisda, lalo ang mga may bangkang de motor, dahil sumasayad sila sa lupa. Ganito kaliit at kababaw ang ginagalawan ng mga isda sa lawa. Dahil rin sa babaw ng tubig tuwing tag-init, napakakonting mga isda lamang ang kayang mabuhay rito. Isang paliwanag ay ang kagustuhan ng isda na lumangoy sa mas malamig na tubig kaya sila pumapailalim sa tuwing mataas ang araw. Sa kondisyon ng lawa ngayon, walang pupuntahan ang isda kapag hindi na nila kaya ang init ng tubig at kaya rin hindi kaaya-aya ang ganitong kondisyon para sila ay mabuhay, lumaki at magpadami. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit karamihan ng mga mangingisda ay pumapalaot ng napaka-aga pag hindi pa gaanong tirik ang araw o kaya naman ay kapag madaling araw kapag malamig na ang panahon at malamig na ang tubig. Dahil sa mga kondisyong nabanggit, marami ang nagsasabi na dapat ng palitan ang gamit ng lawa mula sa tubig bilang tirahan ng mga isda at pinagkukuhanan ng pagkain tungo sa pinagkukuhanan ng tubig inumin. Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ang Laguna Lake ay may malaking potensyal upang pagkuhanan ng malinis at ligtas na tubig inumin para sa Metro Manila at maging para sa mga ibang karatig lungsod nito tulad ng Paraaque, Cavite, Las Pias at Muntinlupa dahil sa; laki ng lawa, lapit nito sa kamaynilaan, at dahil mas madaling ipuripika ang tubig tabang kaysa sa tubig alat. Dagdag pa rito, ayon mismo sa website ng Laguna Lake Development Authority, o LLDA, ilan sa mga gamit ng Lawa ng Laguna ay bilang industrial cooling water o bilang pinagkukunan ng tubig upang palamigin o linisin ang mga pabrika sa paligid nito. Dahil sa natural na ekolohiya at sistema ng mga bahagi ng tubig, pumapasok ang tubig alat mula sa Manila Bay at humahalo sa tubig tabang. Ayon sa agham, ang tubig alat ang siyang
27 | P a g e

pumapatay sa mga mikrobyo sa tubig tabang at ito ay nagreresulta sa mas malinis at malinaw na tubig. Ang pinaghalong tubig tabang at tubig alat ang pinakaproduktibong klase ng tubig upang panirahan ng mga isda at iba pang uring tubig ayon sa mga pag-aaral. Ngunit, dahil ginagamit ang tubig ng lawa upang linisin at palamigin ang mga kagamitan ng mga industriya sa paligid nito at dahil nais itong gamitin bilang tubig inumin ng MWSS, hindi kanais-nais para sa kanila ang pagpasok ng tubig alat. Ang tubig alat ay hindi mainam na ipanglinis sa mga pabrika dahil ang asin ay nagdudulot ng kalawang sa mga metal na materyales, ang karaniwang materyal na ginagamit sa mga makina sa pabrika. Magpapahirap din ng malaki ang pagpasok ng tubig alat sa mga katulad ng pamilyang Lopez, na nagmamay-ari ng Maynilad na concessionaire ng MWSS, dahil mas mahirap linisin upang gawing tubig inumin ang tubig na may halong asin. Bilang pabor sa mga industriya at kapitalistang mga ito, kahit sa ngalan ng kapakanan ng mga maliliit na mangingisda sa lawa at maging sa kahihinatnan ng lawa sa pangkalahatan , itinayo ang Napindan Hydraulic Structure noong taong 1983 upang pigilan ang pagdaloy ng tubig alat mula sa Pasig River patungo sa lawa. Ngayon, bilang resulta ng mga nabanggit, hindi lamang mas bumabaw kundi malaki din ang nabawas sa saribuhay ng Lawa ng Laguna. Mula sa 23 na uri ng isda ay bumaba ito sa mas mababa pa sa sampung isda sa kasalukuyang panahon. Siyam (9) na isda na lamang ngayon, kung sineswerte, ang nararanasan ng mga lambat ng ating mga mangingisda. Bukod pa rito, ang karamihan ng mga mismong mamamayan sa paligid ng lawa ay nakatikim o nakakita lamang ng 3 hanggang 4 na klase sa mga isdang ito. Pasakit na ngang maituturing sa mga kumukuha ng kabuhayan sa lawa ang hindi pagpasok ng tubig alat sa lawa at pagbabaw nito, nakadagdag pa ang polusyong likha ng mga power plants at pabrika na itinayo sa paligid ng lawa. Ang pagbuo ng mga pabrikang ito ay
28 | P a g e

alinsunod sa Laguna Lake 2000, isang proyekto na naglalayong gawing sentro ng pamumuhunan at mga negosyo ang lawa na nakabatay sa balangkas ng globalisasyon sa ilalim ng World Trade Organization (WTO). Ayon sa mismong website ng LLDA, kalakhan daw ng polusyon na nakakaapekto sa lawa ay mula sa domestic waste o mula sa mga kalat at dumi mula sa mga taong naninirahan sa paligid ng lawa at napakaliit lang daw na bahagdan ang mula sa mga industriya o mga powerplants na kanilang pinahintulutang itayo. Itoy isang teoryang walang basehan at walang siyentipikong pananaliksik. Una, malinaw na malinaw na mas nakakapinsala ang mga kemikal na binubuga ng mga higit isang-libong pabrika sa paligid ng lawa kaysa sa dumi mula sa tao. Kung titingnan gamit ang mga mata lamang, totoo namang mas marami ang polusyon na dulot ng mga naninirahan sa paligid ng lawa dahil ang mga balat ng chichirya, straw, plastik, diaper ng bata at iba pang mga katulad nito ay mas nakikita kaysa sa mga delikadong kemikal at pestisidyo na halos hindi makita ng mga mata. Nagsimula ang malawakang polusyon na ito simula ng pinahintulutan ng LLDA gamit ang discharge permit na gawing wastewater disposal ang lawa kahit alam nila na hindi ligtas para sa mga lamang lawa at maging sa mga tao ang magiging epekto ng pinaghahalo-halong mga kemikal at mga basurang ito. Gamit ang polluters pay principle, inilunsad ng LLDA noong taong 2006 ang Environmental User Fee System (EUFS) na naglalayon na isama ng mga industriya ang environmental costs of degradation o ang presyo ng pinsala nila sa kalikasan sa kanilang mga gastusin upang sila mismo ay gumawa ng mga paraan upang mabawasan ang kanilang nililikhang polusyon. Maraming kritisismo sa ganito prinspyo. Ang ganitong patakaran ay nagpadali lamang sa mga korporasyon na dumihan at gawing basurahan ang lawa dahil ginawang ligal ang dating iligal na gawain. Noon, kapag ikaw ay nahuli na nagtatapon ng mga
29 | P a g e

kemikal sa lawa, kulong at malaking multa ang iyong papasanin. Ngayon, ang mga nahuhuli ay nagbabayad lamang ayon sa dami ng kanilang mga itinapon at wala ng panganib o pangamba na sila ay makasuhan pa. Ito ay nagdudulot ng mas malaking problema ng polusyon sa lawa at nakakaapekto sa mga mangingisda dahil namamatay ang mga isda dahil sa polusyon. Ang mga nabanggit ay malalaking problema sa mga mangingisda, maliliit man o malalaki, ngunit may kaiba pang mga dagdag sa problema ng mga maliliit na mangingisda. Noong Martial law, matapos ang malawakang kumbersyon at pribatisasyon ng lawa, sabay sabay ding nagsulputang parang mga kabute ang mga korporadong fishpens sa paligid ng lawa. Nagkaroon din ng mga patakarang nakasasagasa sa katangian ng lawa bilang pinagkukunan dapat ng pagkain ng lahat ng mga mamamayang nais mangisda rito. Nalimitahan ang maaring pangisdaan ng mga maliliit na mangingisda dahil sa mga boundary at sa mga naglalakihang fishpen. Ayon pa sa ibang mga mangingisda, bukod pa raw sa mga multang ipinapataw sa kanila, may mga insidenteng binabaril ang mangingisda kapag nadapuan ng kanilang bangka ang teritoryo ng mga may-ari ng mga dambuhalang fish pen na ito. Sagka ang mga ito sa pangakong kaunlaran sa mga maliliit na mamamayan na binitawan ng halos lahat ng mga pulitiko sa bansa. Imbes na paunlarin ang bawat isang mangingisda, suportahan at tulungan upang matikman ng sabay-sabay ang kaginhawaan, at upang maabot ng bansa ang kakayahan na sustenahan ang kanyang sarili at ang kanyang mga mamamayan (selfsustenance), nakokonsentra lang ang pag-unlad at pag-asenso sa iilang tao na malamang pa nga ay hindi mga dugong Pilipino. Iyan nga ang huwad na kaunlaran- kaunlarang nagpapayaman sa mga mayayaman at lalong nagpapahirap sa mga mahihirap.

30 | P a g e

Ito ang mga kabalintunaang pumapaligid ngayon sa Laguna de Bay. Ang mga iskemang ganito mismo ng gobyerno at ng LLDA na animoy nakadirekta sa kaunlaran ng bayan ay ang siya ring nagpapalala sa kondisyon ng datiy napaka-produktibong Lawa ng Laguna. Sining bago ang Kabuhayan? Ang lawa ng Laguna ay pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mangingisda at mangangangkong sa Angono. Gayunpaman, mukhang hindi pinapahalagahan ng gobyerno ang pagpapaunlad ng industriya nila at imbes, mas pinagtutuunan ng pansin ang pagpapalakas ng sektor ng turismo sa bayan. Ayon sa Master Development Plan 2020 ng Laguna Lake Development Authority (LLDA), plano nilang magtayo ng Angono Art Center sa lawa na siguradong makakaapekto sa mga mangingisda at mangangangkong. Sa sistema ng pangangangkong, natuklasan namin na mayroon palang power relations na nakapaloob dito mula sa puno, mamimitas, ahente, dealer hanggang sa mamimili. Ang pagpatay ng industriya ng kangkungan ay lubusang makakaapekto hindi lang sa mga nabanggit na tauhan kung hindi pati na rin sa iba pa. Isa na dito ang mga bamboo planters na nagsusupply ng tulos sa mga puno. Kabilang na rin sa mga maapektuhan ang mga nagdedeliver ng kangkong katulad ng mga tricycle drivers at mga nagbebenta sa palengke. Sa huli, magkakaroon rin ito ng masamang impluwensya sa mga mamimili sapagkat mura at abot-kaya ang kangkong, bukod pa sa pagiging masustansya nito, at lahat ng parte nito ay magagamit sa pagluluto katulad na lang ng mga dahon nito na pwedeng iluto sa sinigang at ang tangkay na ito na maaring magamit sa adobo o kaya naman ay igisa sa mantika at giniling. Sa huli, kung tatanggalin nila ang industriya ng pangingisda at pangangangkong, ang gobyerno rin ang magkakaproblema dahil sa mawawala na ang magbabayad ng registration fees
31 | P a g e

sa bangka at fisherfolk at dagdag pa ay yung pangbayad sa bawat hektarya ng kangkungan. Mismo ang masa rin ay direktang maapektuhan dahil sa mawawalan na sila ng napagkukunan ng isda at kangkong na pinangkakain, pinanglalako at pinangbebenta. Sa usapin ng mga mangingisda at mangangangkong sa isyu nag-pagpribatisa ng lawa, hindi naman lahat sa kanila ay maaari mabigyan ng trabaho sapagkat hindi lahat ay nakapagtapos at madalas, kakaunti lang ang oportunidad na maibibigay sa kanila sa ganitong klase ng paghahanapbuhay dahil halos lahat sila ay lumaki at tumanda na sa pangingisda o pangangangkong. Dagdag pa rito ang planong pagtayo ng ferry transport system sa Laguna lake na magkakaroon ng terminals sa Binangonan at Tanay, Rizal patungo sa ibang lugar ng Laguna katulad ng Sta. Rosa, Cabuyao, Calamba, Los Baos at Sta. Cruz. Hindi maiiwasan na masasagasaan ang mga kabuhayan na naka-depende dito katulad na lamang ng mga taniman ng kangkong at bukod dito, maaaring makaabala ang pangingisda ng mga tao sa lawa. Bago pa man ilunsad ang plano ng Angono Art Center, mayroon ng mga anomalyang nangyayari sa lawa ng Laguna na nagbibigay problema sa mga kumukuha ng hanapbuhay dito. Isang halimbawa ay ang mga knife fish, isang carnivorous na isda na bigla na lang sumulpot sa lawa. Hindi alam kung saan talaga nanggaling ang isdang ito ngunit matinding problema ang idinudulot nito dahil kumakain ito ng semilya ng isda kaya naman kumokonti ang huli ng mga mangingisda. Buti na lang bumawas ito sa sakit ng ulo nila dahil sa natuklasan na ang knife fish ay maaaring ibenta at gawing fishball. Mas nakakatulong ang isdang ito kung ikukumpara sa isa sa pinakamatinding kalabanng mangingisda Ang janitor fish. Ang janitor fish ay itinuturing na pinakamalaking perwisyo o peste sa mga mangingisda sapagkat sinisira nito ang mga lambat nila dahil sa matatalas nitong palikpik. Itoay sinasabing

32 | P a g e

proyekto ng dating mayor ng Marikina City na si Bayani Fernando sa pagpapalinis ng Marikina River ngunit dahil sa bagyong Ondoy noong 2009, umapaw ang nasabing river at kumalat na sa ibang katawang tubig ang isda, partikular sa lawa ng Laguna. Mabilis mangitlog at dumami ang janitor fish kaya naman mahirap kalabanin ang paglaking populasyon nito.Sa pamamaraan ng pangingitlog nila, humuhukay sila sa ilalim ng putik ng lawa kaya naman nagiging malabo at madumi ang tubig nito. Sa ganitong sistema, nagkakaroon ng maraming butas ang naturang lawa. Ang janitor fish ay hindi rin pwede ibenta ng mga mangingisda dahil sa wala naman bumibili nito at dagdag pa dito, hindi siya masarap kainin. Isa pa ang pagpapalabas ng LLDA ng danger zones sa ibang parte ng lawa dah il sa isang pananaliksik na isinagawa nila kung saan may mga isda ay kontaminado daw ng mercury at iba pang nakakapahamak na kemikal. Dahil dito, lubos na makakaapekto ang pag-aaral na ito sa kita ng mga mangingisda at sapilitan silang aalis upang maghanap ng pwedeng pangisdaan. Kung ating susuriin, lumalabas ito bilang isang propaganda ng gobyerno upang makapagpaalis o mailipat ang mga taong tumitira sa paligid ng lawa upang magbigay daan sa mga nakaambang na proyekto ng pamahalaan. Dito na pumapasok ang mga problema sa paninirahan sa Angono.

Libingan ng mga Buhay- Ang Problema sa Paninirahan Bagamat nailunsad ang Zero Squatter Program bilang isang programa para sa mga mahihirap, sa pagsusuri ay mas malaki ang hatid nitong ganansya sa mga namumuhunan kaysa sa mga mismong dapat ay direktang benepisyaryo nito- ang mga maralitang mamamayan.

33 | P a g e

Ayon sa munisipyo ay maswerte na raw ang kanilang mga constituents dahil hindi sila natutulad sa mga informal settlers mula sa Manila o iba pang siyudad na sapilitang pinaalis sa kanilang mga tirahan o nakararanas ng malawakang mga demolisyon. Sa kanilang bayan pa nga raw ay binibigyan ng pagkakataon ang mga informal settlers na magkaroon ng lupa na matatawag nilang sa kanila. Ngunit, sa kabila ng lahat ng bentaheng ito, maraming mas malalaking mga disbentahe at isyu sa likod ng palupa sa paligid ng lawa. Una sa lahat ay ang kwestyonable na mga titulo na ihinaharap sa kanila ng mga nagsasabing sila ang may-ari ng lupa. Sa aming mga nakapanayam na mga unang nanirahan sa baybayin ng lawa at maging sa mga opisyales ng Angono, lahat sila ay nagsasabi na ang tinitirikan ng mga bahay ngayon sa baybayin ng lawa ay dating tubig at habang lumilipas ang panahon ay unti-unti lamang bumabaw ang tubig at lumitaw ang lupa. Dagdag pa rito, ang dating sakop ng Lawa ng Laguna na 91,136 na ektarya ng tubig ay lumiit na dahil sa walang tigil na reklamasyon sa erya upang magbigay daan sa mga proyekto ng pamahalaan. Tinabunan ang dating tubig ng lupa at basura. Isa lamang ang malinaw sa mga nabanggit- sakop ng Lawa ng Laguna o pagmamay-ari ng LLDA ang mga tinitirikan ng kanilang mga bahay. Kasama sa sakop ng LLDA o tinuturing bilang Public domain ang lahat ng lupa na inaabot ng 12.5 meter water elevation. Ito ay nangangahulugan na kapag naging 12.5 na metro na ang lalim ng tubig, lahat ng naabot ng tubig ay tinuturing bilang bahagi ng buffer zone ng LLDA. Ibig sabihin, hindi ito maaring patituluhan ng kahit sino at hindi rin maaring ibenta. Sa katunayan, hindi rin ito maaring tirahan o tayuan ng mga tahanan. Kung ganoon, hindi bat nakapagtataka kung bakit libo-libong pamilya ang nakatira sa paligid ng lawa?

34 | P a g e

Ang mismong pamahalaan na nagbabawal ng pagtira sa paligid ng lawa ang siya ring nagpahintulot o nang-hihimok pa nga sa mga maralita na magtayo ng kanilang mga bahay sa baybayin ng lawa. Sa mas malalim na pagsusuri, hindi rin dadami ang mga nakatira sa paligid ng lawa bilang squatters kung nakakakuha lamang sila ng suporta mula sa pamahalaan sa usapin ng pabahay. Kung bakit dumami ang mga nakatira sa Angono ay dahil rin sa mga malawakang demolisyong sunod-sunod na ginawa sa Metro Manila bilang ang Angono ay isa rin sa mga malapit na lugar sa siyudad. Kung sisiyasatin, ang mga nakatira sa paligid ng lawa ay nagsasabi na mismong ang Mayor ng bayan ng Angono ang nag-alok sa kanila ng kanilang mga tirahan bilang relocation site matapos silang paalisin sa kanilang mga dating tirahan. Sa isang banda ay nakabuti ito para sa kanila ngunit hindi maiaalis ang pangambang kapag napalitan na ang mayor ng bayan ay mapaalis narin sila dito. Hindi man direkta, nagagamit itong kapangyarihan na ito ng munisipyo sa tuwing eleksyon dahil sa takot at pangamba ng mga tao na paalisin sila kung iba ang mananalo. Ang Angono ay isang napakaliit na bayan lamang at maging ang populasyon nito ay 107,000 na katao lamang o higit lamang sa 20,000 kabahayan. Napakalaking tulong sa kahit sinong pulutiko kung siya ay makakapagpasok ng mga abgong botante at maisisgurong sa kanya ito sa bawat pagpasok ng halalan kaya rin naman madami sa mga pulitiko ang pumapasok sa isyu ng pabahay o palupa dahil sino ba nga naman ang hindi iboboto o susuportahan ang siyang nagbigay sa kanya ng tahanan. Tunay nga na ang Zero Squatter program ng LGU ng Angono ay isa sa mga pinakakomprehensibong programa para sa palupa sa buong bansa. Ngunit hindi parin nito nasasagot ang malaking problema ng abot-kayang pabahay para sa lahat ng mamamayan. Ang magkaroon ng sarili at disenteng tinitirhan at kabuhayan ay isa sa mga karapatan ng bawat indibidwal at ang mga programang tulad nito ay dapat naka-angkla sa pamamahagi ng lupa sa mga mahihirap
35 | P a g e

imbes na sa pagkuha sa kakaunti na nga lang na natitira sa bulsa ng mga mahihirap . Ang pabahay sa pangkasalukuyang sistema ay hindi na serbisyo kundi naging isang negosyo para sa mga oportunistang housing agencies katulad ng SHFC o Socialized Housing Finance Corporation. Ang mga informal settlers ay nasa kanilang mga kalagayan dahil sila ay walang pambayad sa upa sa mga apartment o condominium o pambili ng lupa kahit pa sa probinsya kaya naman hindi makatarungan na sila ay pagbayarin lagpas sa kanilang kakayahan at mas lalong hindi makatarungan ang singilin pa sila ng mga additional fees o mga penalty kapag hindi sila nakakabayad. Ang katangian ng pabahay ay dapat maging abot-kaya, kung hindi man libre, at makatao. Hindi makatao ang demolisyon sa mga erya ng informal settlers kahit pa bigyan sila ng relokasyon. Hindi rin feasible ang mga ganitong relokasyon dahil matagal na ang mga tao sa kanilang tirahan, ibig sabihin ay nakapagtatag na sila ng kanilang pinagkakakitaan sa lugar. Para alisin sila dito ay hindi tama at hindi makatutulong sa kanilang pag-unlad. Dahil sa mga relokasyon na ito, nawawalan ng kabuhayan ang mga mamamayan na nagtatahan dito at mas masaklap pa, kapag sila ay inilipat sa mga malalayong lugar na hindi naman umaangkop sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay o pinagkukuhanan ng kabuhayan, nagdudulot lamang ito ng mas matinding kahirapan sa kanila. Sa huli, babalik at babalik rin sila sa mga pook na kanilang nilisan. Bukod pa sa pagsisiil sa kanila ng pamahalaan sa pagbabayad ng mga penalty at ng interes, nakikipagsabwatan pa ito sa pribadong sektor upang may mas malaking mga makurakot. Dagdag pa riyan, ang mga mismong miyembro ng komunidad, ang mga opisyales ng mga asosasyon, ay may mga hindi maipaliwanag na mga gastusin at mga nawawalang mga pera sa kanilang mga .

36 | P a g e

Karamihan rin ng nakatira sa paligid ng lawa ay mga mangingisda, magkakakangkong, factory worker, mananahi, may ari ng maliit na sari-sari store at tricycle driver. Ang kondisyon ng lawa sa kasalukuyan bilang isang hindi produktibong lawa ay nagpapahirap lalo sa mga mangingisda kaya rin naman sila hindi nakakapagbayad sa buwanang hulog sa asosasyon. Ang kondisyon naman sa labas ng lawa, sa mga industriya bilang napakababa ng pasahod sa mga empleyado, dagdag pa diyan ang malawakang pagtatanggal sa trabaho, kontraktwalisasyon at mahal na mga bilihin at pamasahe, kaya rin naman hindi nila kayang bayarin ang kahit sabihin mang maliit na buwanang hulog. Ito ang mismong mga patunay na hindi hiwalay ang isyu ng lawa at isyu ng kabuhayan sa isyu ng paninirahan.

37 | P a g e

KONKLUSYON Ang isyu ng mga mangingisda at magkakangkong ay bunga ng mag problemang kinakaharap ng lawa. Mula pa ng panahon ni Marcos ay mayroon nang balak na palitan ang gamit ng lawa at gawing pinagkukunan ng tubig inumin ng kalakhan ng Metro Manila. Kaya naman noon pa lamang ay makikita na natin ang ilan sa mga hakbangin nila upang mawala kung hindi ay mabawasan ang mga hadlang sa kanilang plano. Una na riyan ang CALABARZON Project na nagdulot ng matinding siltation o pagbabaw ng laguna lake dahil sa mga lupang dumadausdos mula sa kanilang pagbubungkal sa mga bundok. Sinundan pa ito ng pagpapatayo ng Napindan Hydraulic Structure na pumigil sa pagdaloy ng tubig-alat sa lawa na siyang lumilinis at nagbibigay nutrisyon dito para lamang mapagsilbihan ang interes ng libo-libong pabrikang nakapaligid rito. Ang mga pabrikang nagsulputang parang mga kabute ay nagdulot ng matinding polusyon sa lawa, ngunit nananatiling ligtas sa ating batas. Isa pang nagpalala ng problema sa lawa ay ang pagdadala ni Bayani Fernando ng mga pesteng janitor fish na umano ay makakatulong sa paglinis sa lawa ngunit sa halip ay sinira ang mga lambat ng mga mangingisda at kinain ang lahat ng semilya ng mga isdang ibinebenta sa merkado. Maliban pa riyan ay walang kahit na anong pakinabang na makukuha mula sa pesteng ito, ngunit ngayon ay tila bulagbulagan na ang kinauukulan sa naging masamang epekto nito. Ang lahat ng mga pakanang ito ang nagdulot ng pagliit ng saribuhay sa lawa at lubos na nagpaliit ng kita ng mga mangingisda. Ang mga mangangangkong naman na apektado rin sa mga isyung nabanggit ay direkta ding maapektuhan sa LLDA Masterdevelopment plan 2020. Una ay ang pagpapatayo ng Angono Art Center na direktang sasagasa sa mga kangkungan sa lawa. Pangalawa ay ang ferry na iikot sa buong lawa na hindi maipagkakailang magpapalayas din sa kanila. Sa kabila ng lahat ng ito ay mas isinusulong pa rin ng lokal at pambansang pamahalaan ang mga proyektong magpapaunlad
38 | P a g e

sa turismo kaysa sa mga proyektong magpapaunlad sa kabuhayan ng mga taong kanilang sinasakupan at lalo ang mga nakatira malapit sa lawa. Karugtong pa nito, karamihan ng mga naghahanapbuhay sa lawa ay siyang mga nakatira sa paligid rin nito. Maliban sa kanilang isyu sa kabuhayan ay namromroblema din ang mga tao sa kanilang kasiguruhan sa kanilang tahanan. Nagbigay ang gobyerno ng mga programang makakatulong umano sa mga taong magkaroon ng sariling bahay sa mababang halaga ngunit hindi naisaalang-alang na ang kapasidad nilang makabayad sa mga programa sa pabahay ay nakadepende sa kanilang hanapbuhay. Kung sakaling lumala ang problema ng lawa, at humina ang kita nila mula rito ay mahihirapan rin sila na magbayad ng amilyar na hiwalay pa sa kanilang pangaraw-araw na gastusin. Kaya naman masasabi natin na hindi hiwalay ang isyu ng lawa, sa isyu ng kabuhayan at paninirahan ng mga taong naninirahan sa paligid nito. Ang mga naninirahan doon ay patuloy na nabibigatan sa pagbabayad ng lupang kanilang hinahangad. Ngunit sa kabila nito ay marami pa rin silang problemang hinaharap. Una na rito ay ang walang kasiguruhan sa tunay na nagmamay-ari ng mga lupa, hindi sila napapakitaan ng mga tunay na titulo at wala silang personal na pakikipagusap sa umaangkin nito. Kaugnay nito ang isyu sa pagkakaroon ng titulo ng mga lupang dati umano ay tubig, at kung sino nga ba ang tunay na nagbenta ng lupang iyon sa mga pribadong tao. Pangalawa ay ang tila di abot-kayang mga bayaring ipinapataw sa kanila, maliban sa buwan buwang hulog na di bababa sa 300 piso ay may karagdagan pang amilyar ng lupa, membership fees at monthly dues sa mga samahan, at karagdagang penalty sa bawat araw na mahuli sila sa kanilang paghuhulog. Dumagdag pa rito ang re-structuring na dapat ay magpapagaan ng kanilang kalagayan ngunit tila mayroon ding mga butas na hindi nakakatulong sa mga tao. Sa unang tingin ay aaklain ng mga tao na na liliit ang kanilang babayaran dahil nagback to zero ang kanilang interes, ngunit sa katunayan ay
39 | P a g e

lumaki pa ito dahil mababalewala na ang mga nauna nilang hulog at mabubuong muli ang kanilang mga utang. Maliban pa sa mga ito ay tila bulag ang mga nasa ilalim ng programa sa mga legal na aspeto ng mga programang ito tulad ng hindi nila alam at wala silang access sa mga dokumento ng bangko kung saan nakasaad ang kanilang nababayaran at natitirang mga utang. Wala rin silang anumang dokumentong pinanghahawakan upang hindi sila mapaalis sa kanilang lugar. Ito rin ang dahilan kung bakit karamihan sa mga miyembrong nasa ilalim nito ay walang tiwala sa programa at maging sa mga opisyales na namumuno rito. Hindi naman kaduda duda ang hangarin ng lokal na gobyerno na magbigay ng abotkayang pabahay sa mga mahihirap, hindi rin naman masasabing kontra sa mahihirap ang mismong programa. Nagkakaroon lamang ng problema marahil sa usapin ng implementasyon, at sa mga pribadong ahensiya na kung tutuusin ang nais naman talaga ay kumita. Ang mga programang nararapat lamang na magsilbi sa interes ng mga naghihirap at nakararami ay kadalasan pang mas napapakinabangan ng mga pribadong korporasyon, mga dayuhang namumuhunan at maging ng mga buwaya sa pamahalaan- sila na mga tunay na higante na patuloy ang pagyapak sa kabuhayan, paninirahan at karapatan ng bawat mamamayang Pilipino.

40 | P a g e

MGA REKOMENDASYON Sa pamantasan, sana magkaroon pa ng mas komprehensibong oryentasyon para sa mga estudyante tungkol sa practicum upang mas mapaghandaan pa nila ang paglubog sa mga komunidad sa aspetong emosyonal. Sana rin ay mapaghandaan ng maayos ang mga paksang na nakatakda sa bawat area upang hindi magkagulo at magkaroon ng mga hindi na kailangan na pagbabago . Sa mga P.O. at sa Narra Youth, makakatulong ng malaki sa mga practicumer kung makatatanggap sila ng mas maraming mga educational discussions bago sumalang sa erya. Makakabuti rin kung makikilala ng lahat ng practicumer ang kanilang respektibong mga giya at PO bago magsimula ang practicum upang kaagad makapagtatag ng pundasyon ng samahan at mas makapagtrabaho ng mas maayos ang parehong partido. Maari itong gawin sa pamamagitan ng pagimbita sa P.O. at pagdalo ng mga giya sa mga oryentasyon bago magpracticum. Bukod dito, makakabuti din kung magiging mas ang koordinasyon sa pagitan ng mga giya mula sa NRY at ng propesor o adviser ng practicumers tungkol sa mga bagay na may kinalaman sa practicum katulad ng mga kahinaan at kalakasan ng mga estudyante, mga polisiya, mga sakop at hindi sakop ng practicum at iba pang mga teknikalidad. Sa lokal na pamahalaan, makakabubuti kung magdaos sila ng mas marami pang talakayang bayan upang maging malinaw sa mga tao ang mga isasagawa nilang proyekto lalo na sa mga maapektuhan nito. Maganda ang mga layunin at pagpaplano ng kanilang mga proyekto ngunit minsan ay mayroong mga butas ang mga ito na hindi nakakabuti sa mga tao. Mas mapagbubuti pa ang
41 | P a g e

ganitong mga proyekto kung magiging maayos ang proseso ng implementasyon at kung masisigurong pakikinabangan ng tunay na nangangailangan. Importante rin para sa LGU na siguruhin na makakaabot sa mga mamamayan ang mga serbisyong inilaan para sa kanila upang mas maging episyente at tunay na tunay ang paglilingkod sa sambayanan.

42 | P a g e

Bibliyograpiya Key Informant interviews: Abao, Doming. Personal na panayam Aguilar, Jun. Personal na panayam Bersola, Robert. Personal na panayam Berzaga, Celso. Personal na panayam De Vera, Romel. Personal na panayam Espiritu, Myrna. Personal na panayam Felix, Adelino. Personal na panayam Henares, Remeia. Personal na panayam Hernandez, Bayani. Personal na panayam Ilago, Emma. Personal na panayam Lagaras, Cony. Personal na panayam Oxeniola, Analyn. Personal na panayam Ramirez, Sutiko. Personal na panayam Tabornal, Godofredo. Personal na panayam Virray, Darren. Personal na panayam Ronito, Tatay. Personal na panayam Ate Nympha. Personal na panayam

43 | P a g e

Secondary Data: LLDA Master Development Plan 2020 PAMALAKAYA Philippines and Save Laguna Lake Movement Presentation

Internet Sources Relocatees to live miserable life in relocation sites solon,. Charlie V. Manalo.August,26 2010 The Community Mortgage Programme in the Philippines.March, 1995. http://base.d-ph.info/pt/fiches/premierdph/fiche-premierdph-2099.html World Bank Approves US$275M Financing for Better Sanitation Services in Metro Manila.May 15, 2012. worldbank.org Laguna Lake. Retrieved from: http://www.greenpeace.org/seasia/ph/What-we-do/Toxics/WaterPatrol/The-problem/Laguna-Lake/ The Urban Development and Housing Act (UDHA) of 1992: A Philippine Housing Framework. Retrieved from: http://www.lth.se/fileadmin/hdm/alumni/papers/ad2000/ad2000-12.pdf

Government must heed lessons from Laguna Lake dike project. Retrieved from: http://archives.manilatimes.net/others/special/2003/jan/28/20030128spe1.html

LLDA Website. http://www.llda.gov.ph/index.html

44 | P a g e

APPENDIX

45 | P a g e

*Nena Mangaya- Bagong sibol (Brgy. San Vicente) -Dating vendor sa Caloocan -Lumipat sa Brgy. San Vicente, Angono noong 2003 -ang kanyang asawa ay isang tricycle driver at dating mangingisda -Lupang kanduli ang tawag nila sa lupang dati ay dagat/o nasa ilalim ng lawa -Sina Joey Blanco, Bisitang at Encho Perez ang umaangkin ng lupang kinatatayuan ng kanilang tahanan -hindi sang-ayon sa komersyalisasyon -okey lang magkaroon ng tourist spot sa lawa bastat hindi tatanggalin ang kanilang bahay *Michelle at Juancho Panamas- -Bagong Sibol(Brgy. San Vicente) -sana hindi sila mapaalis, sa halip ay iusog lang ang kanilang bahay * Leo at Linda De Jesus- -Bagong Sibol(Brgy. San Vicente) -20 taon nang naninirahan sa San Vicente -mangingisda ang pangunahing pinagkukunan ng kita -nagsisideline na lang sa konstraksyon -walang problema sa pagtatayo ng mga establisyamento sa lawa dahil malawak naman ito pero ang mahirap ay kapag napaalis sila. -nasa lawa ang kanilang hanapbuhay * Edna De Jesus -Bagong Sibol(Brgy. San Vicente) -ang asawang si primitibo De Jesus ay isang pintor at sa Angono na naipanganak at lumaki -siya ay galing sa Bicol, naging squatter sa highway at saka inilipat sa Angono noong 2009 -sana ay ilipat lang ang tirahan at huwag paalisin -ayaw lumipat sa malayong lugar

* Joseph at Violi Kabinatan -Bagong Sibol (Brgy. San Vicente) -dating squatter sa highway at nirelocate sa Angono noong taong 2000
46 | P a g e

-noong 2000, tubig at kangkungan pa lang daw ang San Vicente - tuwing tagulan ay tumataas ang tubig ng lawa at binabaha sila kaya ang lahat ng bahay ay nakapaitaas malayo sa lupa upang hindi sila abutin ng tubig.

* Darren Virray -Bagong Sibol (Brgy. San Vicente) -tatlong taon nang naninirahan sa San Vicente at dating nasa Calbayog Samar -isang mangangangkong at mangingisda -Mas pabor kung hindi sila paalisin pero ayos lang basta palitan -hindi payag irelocate sa malayong lugar

* Emma Ilago -Bagong Sibol (Brgy. San Vicente) -may limang anak -nagtatrabaho sa Triple A handicrafts -hindi sapat ang kita sa pangingisda kaya nagddrive na din ng tricycle ang asawa -12 taon na sa San Vicente galing Bohol -isa sa mga nabigyan ng relocation sa Baras (nasa bundok) ngunit malayo sa kanilang hanapbuhay, malayo sa hospital, malayo sa bayan kaya bumabalik pa rin sila malapit sa lawa. -Halos 400 pamilya ang inilipat sa Baras ng NHA at Redcross -dito sa San Vicente, nagbabayad siya ng 200/buwan at hiwalay pa ang monthly dues, membership fees. Kung isusuma aabot sa 250/buwan ang kanyang binabayaran maliban pa sa kuryente at iba pang gastusin -naniniwala sa bibliya na ang lahat ng tao ay nakatakdang maghirap talaga, kung ang diyos ay nasa iyo, aayos din ang lahat

*Tatay Ronito- -Presidente ng KANDRENAI (Brgy. Kalayaan) -Lumipat sa Angono noong 2007 galing sa Leyte sapagkat ayon sa kanya, mas magaan ang buhay sa lungsod

47 | P a g e

-Dating karpintero at ngayon ay isa nang tanod na ayon sa kanya ay parang pulitiko na nangangalaga sa mga tao -may 7 anak -binigyan ni mayor ng trabaho bilang supervisor sa pangongolekta ng basura -kabilang sa mga proyekto niya sa samahan ay ang pagpapalagay ng ilaw,tubig at kalsada sa kanilang sinasakupan. Dagdag pa niya ito ay pinayagan na ng Gobernador at Kongresman, si ang permiso na lang ni mayor ang kanilang hinihintay -inangkin di umano ng NAWASA ang lupa at ipinagbili sa kanila sa mababang halaga -binili ng NHA sa nawasa at saka ibinenta sa mga tao sa pamamagitan ng CMP -ang kanyang lupa na may sukat na 80 metro kwadrado ay babayaran niya ng 350-400/buwan -ayon sa kanya hindi pa naguumpisa ng hulog ang mga tao, ngunit kapag nagumpisa na ay magkakaroon na daw sila ng kopya ng titulo ng lupa -kapag hindi sila nakapagbayad ay ieembargo sila ng NHA at ipapabayad na sa iba ang lupa -dating tubigan di umano ang kinatitirikan ng kanilang bahay, ngunit inaangkin na ito ng Triple A, Meralco, Holy Garden at MWSS -kaya daw pinatambakan ang bahaging iyon ay upang mayroong mapaglagyan ang mga squatter. Ito ay bahagi ng programa ni mayor na Zero-squatter -aabot ng 5 ektarya ang samahan ng KANDRENAI sa brgy. Kalayaan -puro Xerox copy ang mga hawak nilang papeles ngunit nakapangalan na daw sa KANDRENAI -sa ilalim raw ng CMP, sa kanyang palagay, ay kakayanin ng mga tao na bayaran ang 300/buwan dahil 350-500/araw daw ang sweldo sa construction at malakas din raw ang kita ng mga mangangangkong at mangingisda sa kanilang lugar -ayon sa kanya maganda raw ang gagawing proyekto sa lawa tulad ng C6 road, dahil wala daw masasagasaang kabahayan -ikakabuti daw ito ng bayan ng Angono

* Analyn Oxeniola -Kandrenai (Brgy. Kalayaan) --may anim na anak

48 | P a g e

-mula sa Samar -namamasukan sa Baltaw bilang isang pahinante Mahina ang kanyang kita ngayon dahil nagkaproblema sa sa kumpanya at hindi palaging may byahe (sapat lang pangkain ang kita) -Pinagkalooban ni Mayor ng Lote na may sukat na 30 metro kwadrado -hindi pa naghuhulog sa Lupa -hindi pa malinaw sa kanila ang CMP May usap-usapan na madedemolish daw sila, pero hindi pa kinakausap ni Mayor -nagbayad ng membership feena 500, pero wala pa silang rights -wala pa sa kanila ang may hawak na titulo -mas maganda na hulugan buwan-buwan at least siguradong mapapasakanila -sa C6 baka kasama sila sa mga bahay na mademolish pero warning pa lang -masakit pag walang lilipatan pero okey lang kapag meron -dating tubig, tapos tinambakan ng basura, at tsaka tinabunan ng lupa -maraming mangingisda at basurero sa kanila -hindi pa sila naabot ng kuryente -ang solusyon ay kung ibibgay ni mayor ang lupa, kung siguradong mapapasakanila ang lupa -wala nang pag-asa na mapasakanila ang lupa, tagilid pa -mas mahirap ang buhay ngayon -parang walang pag-asa kay Noynoy, mas okey pa kay Gloria -hindi nararamdaman tulong ng Gobyerno tulad ng CCT. -palakasan sa munisipyo -karapatan natin na magkaroon ng sariling tirahan -hindi nakikita ang mga pulitiko, tuwing election lang

49 | P a g e

* Mary Ann Madriaga -Kandrenai (Brgy. Kalayaan) --33 taong gulang, may 4 na anak -isang barangay health worker -ang asawa ay isang jeepney driver at nasa 500-800 ang kita kada byahe -ang asawa ay galing sa Bicol at Binangonan bago napunta sa Angono -pinagaagawan ang lupa ng mga MWSS at iba pa -inaward ang bahay sa mga Barngay health worker, tanod at basurero -nagkaisip ako, tubig ito katabi ng Rainbow, baka nga sa Nawasa ito -mas mahirap ngayon, lumalaki ang pamilya, at gastos -si mayor ang nagdala sa kanila dito -automatic sa bawat nakatira na maging member ng assosasyon -Walang pag-asa sa bagong administrasyon, lahat pare-pareho, lalo pang humihirap -magkakaroon lamang ng pagasa kung aayusin ang gobyerno -nagbabayad ang lahat ng buwis sa gobyerno, may k arapatan ang lahat sa disenteng tirahan at mamuhay ng maayos bilang tao -di mafeel ang pagiging Art Capital dahil di nakakatulong sa kabuhayan

* Grace Arbicula -Kandrenai (Brgy. Kalayaan) -23 taong gulang -4 buwan pa lang sa Kalayaan -nagtatrabaho bilang promo consultant noon, pero dahil malayo na tumigil na sa pagtatrabaho -ang kanyang partner na kasama sa bay ay natatrabaho sa SM bilang tagaforward ng RDV -sapat lang kanilang kita -nagbayad siya ng 25,000 sa dating may-ari ng bahay

50 | P a g e

-walang anumang titulo, binigyan lamang ng kasulatan na binayaran niya ang lupa -hindi malinaw sa kanila ang isyu ng lupa -pansamantala lang daw ang tirahan

* Ate Nympha -ALNA- Angono Lakeside Neighborhood Association. (Brgy. Poblacion Ibaba) -caretaker ng lupa ng asosasyon, mananahi -58 taong gulang -mahigit 20 taon ang nainirahan sa lugar galing Boteng Rizal, Makati ngunit dinemolish ang tirahan noong maipatayo ang C5 -ang kanyang asawa ay driver sa ibat ibang kumpanya -si Gregorio Guido umano ang may-ari ng lupa -240 bahay ang kasapi -at binigyan ng 32 metro kwadrado ang bawat kasapi ng asosasyon -mula nang taong 2005 ay nagbabayad na sila ng 500/buwan sa 38 sq m na sakop nila -Walang penalty, at maluwag ang pagbabayad -si Helen Dinglasa ang appointed president dahil umalis ang dating president -sa pagbabayad, kapag nangangailangan may kumokolekta kay ate nympha pero kadalasan walang individual receipt -pero pagdatin sa pagpapagawa, humihingi ng resibo -may kontrata na nagpapakita ng proseso ng pagbabayad -dapat walang maiwan sa bayarin para matituluhan sila at karamihan ay walang kulang sa pagbabayad -mostly puro tambay ang naninirahanat ang kababaihan ang nagsusumikap para magtrabaho -mas mainam na ang direct Buying sa kanila sakanila dahil hindi sila ginigipit -hindi sila magagalaw dahil tinutulungan sila ng may-ari at ni Mayor Calderon * Nanay Poyac -Samagduwa- Samahan ng mga mangingisda at magkakapitbahay sa dulong wawa. (Brgy. Poblacion Ibaba)
51 | P a g e

-30 taong gulang -tubong Angono talaga -noong 1993 pinaalis sila sa kanilang lupa dahil nagkainteres si Guido dito. -ang desisyon tungkol sa paghahabol nila ng lupa ay di pa alam.

* Myrna Espiritu -ALNA Angono Lakeside Neighborhood Association. (Brgy. Poblacion Ibaba) -nagtitinda ng isda sa palengke, namamalantsa din -dating taga Leyte -Kay Guido daw ang lupa, nagbabayad sila ng 500/buwan sa sukat na 38sq m. -huwag maghulog hanggat walang contract to sale -pekeng resibo -walang titulo hanggat hindi bayad ang lahat

* Godofredo Tabornal at Sutiko Ramirez -Maralita (Brgy. San Vicente) -si tatay gudo ay isang mangingisda -bawal kapag ang mga tao ang magbebenta, pero pag gobyerno pwede nilang ibenta -okey sana kung may direktang transaksyon sa CMP -kung socialized, bakit mo tutubuan at bakit may penalty -70% dapat ng buong samahan ay bayad nab ago mabigyan ng indibidwal na titulo -tendency ay ibenta talaga dahil hindi naman nila kayang bilhin -Prone sa pagpapalayas. Kapag nagbago ang plano ng gobyerno pwede silang paalisin -siningil sila sa pagpapasukat

52 | P a g e

-dapat priority nila ang mga dati nang nakatira ditto -governement property ito, paano naging private? -hindi nagbabayad dahil walang kasiguraduhanna mapapasakanila nga ang lupa.

* Remeia Henares -Treasurer ng Maralita (Brgy. San Vicente) -15 taon nang nainirahan sa San Vicente -dating nagtatrabaho sa pabrika (2000/linggo) ngunit nananahi na lamang siya ngayon (1,400/linggo) - ang asawa ay nagtatrabaho sa oil depo (450/araw) ngunit minsan mawawalan ng trabaho sa loob ng isang buwan -ang lupa ay halos isang ektarya at nagkakahalaga ng 8 milyon, payable sa 30 taon -ang pagbabayad sa SHFC, pwedeng direkta sa bangko o idaan sa samahan -hindi na nagbabahay- bahay dahil sabi ng SHFC responsibilidad ng beneficiary na magpunta sa treasurer. Nireremind na lang sila -nagbabayad ng 300/buwan sa loob ng 30 taon sa 40 sq m. -mura lang nung hindi nagrestructure, pero mula October 2011 noong narestructure naging 500/buwan na sa loob ng 16 taon. -sa restructuring, pag mas matanda, mas mahal ang babayaran buwan-buwan -iykong mga nagbabayad ay apektado ng mga hindwi nagbabayad -nakita daw nila ang riginal copy at may duplicate copy sila -pag updated ang pagbabayad, imiminus pero pag di updated magkakainteres ng 1/15 of 1% kada araw -hindi sila binibigyan ng records ng bangko kaya hindi nila alam kung magkano na ang nababayaran ng buong samahan at kung magkano pa ang utang nila. -certificate of full payment lang ang ibibgay sayo pag nagbayad ka na ng buo -noong July 1, 2007 bago iaward ang lupa tinatanong kung kayang bayaran

53 | P a g e

- sa Lease Purchase Agreement, binibigyan ng 90 days na palugit ang mga di kayang magbayad, tapos may 3 notice at ipapatawag, kapag hindi pa rin nakabayad, pwedeng paalisin at palitan ng bagong may-ari -hindi nila alam kung bakit may penalty at interes pero mababa na daw ang 300/buwan kaya imposibleng hindi makabayad ang mga tao doon. -nasa 40-50 miyembro lang ang nagbabayad kaya 15,000-20,000 lang ang koleksyon kada buwan. -hindi burden ang pagbabayad kung may trabaho -meron talgang mga hindi nagbabayad dahil walang tiwala sa bangko kaya mababa ang koleksyon nila buwan-buwan -paghahatian ng 235 beneficiaries na bayaran ang 8milyong halaga ng lupa. -sa pagpapasukat ng bahay magbabayad sila ng 1000 kada bahay, ngunit kapag lumagpas sa 30sq m. ang bahay mo, magpapasukat ka uli at magbabayad ng 500. Required na masukat ang bahay -sa re-structuring, magbaback to zero ang interes mo pero mababalewala din ung huli mong hulog. Bale back to zero lahat. -nang mare-structure, lumaki talga ang bayarin pero walang magagawa -kampante na mapapasakanila ang lupa basta magbayad ang 80% ng samahan -ang mga opisyal ng samahan ay may 200 pesosna representative allowance kada buwan -may monthly dues na 20 pesos/buwan

* Jun Aguilar at Bayani Hernandez -Jun Aguilar (kasalukuyang vice- president ng Maralita) -Bayani Hernandez (Kasalukuyang, president ng Maralita ) -may utang sila sa bangko na 8 milyon -inapruba ni mayor na magkaroon sila ng sarili nilang lote -inaward ni Noli Dde Castro ang lupa noon 2007 -nagkaroon ng emergency meeting dahil kailangan taasan ang 30% na regular na nagbabayad -candidate for closure na ang lahat ng hindi pa nagbabayad sa maralita
54 | P a g e

-marami ang hindi nagbabayad dahil ayaw magbayad, inuupahan lang ang lupa at maraming bakanteng lote na walang nagbabayad -ang agenda ng meeting ay habulin ang payment para hindi magin candidate for closure -bayad ng bayad ang iba ngunit pag hindi pumayag magbayad ang iba ay wala silang magagawa -tila binabalewala ng mga tao ang obligasyon sa lupa, at yung mga kayang maghulog, sila na lang ang umaako, -tuloy-tuloy ang interes sa CMP hindi tulad sa direct buying -Ang amilyar ay lumaki dahil 3yrs na hindi nakabayad - ang problema ay nasa tao, kung sumunod lang sana sila edi sana hindi ganito ang sitwasyon -ang mga tao minsan wala minsan ayaw talaga magbayad -sa kontrata may penalty talaga sa SHFC, at segurista ang bangko dahil negosyo nila yan -sa foreign titles: hindi daw sila sakop dahil dating tubig ang lupa, nung magkalupa na saka lang pinatituluhan -at hindi naman daw tatanggapin ng bangko ang lupa pag hindi totoo ang titulo. -pagkatapos ng 3 buwan at di nakapag hulog, may penalty at nagaacumulate ng mataas na interes saka sila sasali sa restructuring at lahat naman daw ng kasapi ay pumayag. -hindi naman sapilitan ang pagsali rito -hindi alam ang kabuuang utang sa bangko dahil may indibwal na komputasyon -umaabot lang sa 15,000 ang koleksyon kada buwan -pag di nagpare-construct, babayaran muna ung interes saka pa lang mababayara ang hulog sa lupa -kada taon ang paghahalal ng opisyales -governor ang nagpautang para sa kuryente at manila water naman sa tubig -hindi papaya si mayor na paalisin sila at hindi totoong gagawing tubig inumin ang lawa -mahirap na makawala dahil nakatali na sila sa programa at kumakapit na sa patalim para lang may matirahan

55 | P a g e

* Nanay Let at Ate Malou- -Binhi (Brgy. San Vicente) -binili ang lupa sa halagang 100,000 pesos kaya hindi na nagabbayad buwan-buwan -ipaglalaban daw nila ang kanilang bahay -paano naman kaming maliliit

* Cony Lagaras -Dating opisyal ng Binhi (Brgy. San Vicente) - nandito na noong 1994 -isa sa mga naglakad ng registration ng samahang binhi -ayaw maging habangbuhay na squatter kaya itinayo nila ang samahang binhi na dati ay para sa kababaihan lamang -noong umpisahan ang Zero-squatter program, nagparehistro sila agad at kinilala ng CMP kaya ngayon ay umabot sa higit isang ektarya ang luoang sakop nila. Hiningi nilang 600 na lang ang hulog kada buwan ngunit hindi pinayagan at sa halip ay naging 800 ang kanilang babayaran -tinulungan daw sila ng LGU Angono higit sampung taon na inilakad nila ito at niresearch din daw nila kung totoo nga ang hawak na titulo ni Santos na siyang umaangkin sa Lupa. -nagpasurvey sila at naaprove noong 2007 sa tulong ng LGU Angono -nagbigay si Noli De Castro na dating Vice president ng certificate of award noong 2008 -tapos ipinatupad ni Binay ang Restructuring noong 2011 kaya ang dating 370 na binabayaran buwan buwan ay umabot sa 400 pesos. - ang mother title ay nasa SHFC pa pero nasa pangalan na ng Binhi dahil hindi sila mabibigyan ng kuryente kapag hindi nakapangalan sa kanila ng lupa -pag nagpatitulo, 3,000 pesos pero lahatan dapat -40 members ang nagcash at nakatanggap ng Certificate of full Payment dahil karamihan nasa pabrika, nagsasapatos, mangingisda construction workers seaman at iba pa -naipangako nila ang libreng lupa sa mga opisyales pero hindi ito nangyari -pag marami nang naibayad, pwede nang hindi magre-structure -pag putol ng 6 months ang bayad, papadalhan ng notice
56 | P a g e

-isinusulong nila ang individualization para makuha ang solong titulo -hindi sila pinapaalis, pinatatapyasan lang ng 1metro ang kanilang bahay. -nagbabayad sila ng 40pesos na monthly dues at sila din ang nagbabayad ng buwis ng lupa para hindi ibenta sa iba -napagalaman na 1903 title ang hawak ng may-ari - sa Maralita 34% lang ang nakakapagbayad, pero sa Binhi 74% -nagkakahalaga ng 10 million ang lupang may sukat na 12,000 sq m. -nakatulong din si dating Pangulong Gloria Arroyo dahil, sumulat daw ang samahan sa kanya n asana ay bayaran muna ng gobyerno ang lupang tinatayuan nila dahil nagmamadali na ang mayari at dininig naman daw nya ito. -sa kanila na daw dapat ang lupa kung hindi lang sila ipinasok sa CMP -pag namatay raw ang beneficiary, libre na ang lupa niya - parang di epektibo ang direct buying dahil pwedeng paalisin kapag hindi pa fully paid pero hindi naman ito papayagang mangyari ng LGU

* Doming Abao -Pinagpala (Brgy. Kalayaan) - isang mananahi at 15 taon nang namamalagi sa Angono -Hindi pa sila naghuhulog sa CMP pero naipasukat na ito at pinagbabayad sila ng 4 libo kada bahay -hindi siya nagbayad dahil walang official receipt at walang certification mula sa may-ari -inaangkin nila Hapsay, tolentino at isa pa ngunit ni isa sa kanila walang nagpapakita at hindi nakikioagusap sa mga tao doon -dati ay buwan-buwan na nagmemeeting pero hindi masagot ang mga katanungan ng mga tao - walang resibo, walang sinabing ibebenta sa kanila, pero kung sakali man ay gugustuhin nilang magbayad para mapasakanila ang lupa -okey lang kung matamaan ng C6 road may matitira pa naman sa lupa nila

57 | P a g e

-gusto nila na pagbentahan sila at huwag lokohin at sana magkaroon ng maayos na paguusap ang may-ari at ang mga tao -pinasukat ni Rey Tan, hindi ako nakinig,walang resibo papel lang, dapat si mayor ang makipagusap sa kanila -pinupulitika nlng nila lahat, dati nahalal akong presidente pero hindi ako pinaupo kasi ayaw bumaba sa pwesto ng dating pangulo -nakasuhan ko sila pero wala akong nakuhang suporta sa mga barangay dahil alam nilang kontra ako sa kanila -umaabot sa 350 ang miyembro ng Pinagpala -dapat kung ibebenta nila yung lupa, ibenta na lang sa mga nakatira na doon para hindi na paalisin -sabi ni mayor na habang siya raw ang nakaupo ay huwag daw silang matakot -walang project ang samahan, hindi nagagamit yung ibang officers -noong 2004 wala nang monthly dues ang samahan dahil hindi na nagbibigayang mga tao dahil sawa na sila. Ang pera ay napupunta lang sa kusina ng mga opisyales 1.50 pesos ang napupunta sa samahan sa bawat cc ng tubig, pero noong hinanap niya noong 2006, wala -walang nagagawa ang asosasyon kahit na pagpapaayos lang ng kalsada

* Robert Bersola -Pinagpala (Brgy. Kalayaan) -isang arkitekto -ama ng reporter na si Tintin Bersola -pumunta si Mayor at pinasurvey ang lupa -tinatakot nila ang mga tao na kapag hindi sila nagbayad ay papaalisin sila -pero walang resibo, kung wala kang resibo edi wala kang habol -30sq m. kada pamilya

58 | P a g e

- nasa 100 na ang nakapaghulog sa bayad sa pagpapasukat ngunit wala namang kasiguruhan na mapapasakanila ang lupa, kailangan may official receipt -dapat ang bibilhin ng bangko ang lupa, at ang NHA ang magbabayad sa bangko tsaka magbabayad ang mga tao sa NHA. Eh ngayon hindi pa nabibili ng NHA, bakit papabayaran na sa mga tao? -dapat totoo yung titulo kung gustong mapasailalim sa programang pabahay -hindi pa final and executory ang desisyon sa talagang may-ari ng lupa -nagbigay si mayor ng sulat na nagpapahintulot sa mga tao na lumipat sa Kalayaan, sila rin ang nagpadami ng tao ditto -walang kasiguraduhan na mapapasaiyo ang lupa, kapag bunulldoser sila, wala silang magagawa -minamadali ang mga tao sa pagbabayad dahil malapit na naman ang eleksyon -problema ito ng gobyerno natin walang ginagawang paraan o due process -nagbabayad sila sa asosasyon pero hindi nila alam kung saan napupunta -sa tatlong umaangkin, dapat alamin ng munisipyo kung sino talaga ang may-ari at tsaka bilhin ng NHA -na-ilit ng bangko tapos inaward daw ng bangko sa munisipyo -kami na ang nagpaunlad ng lugar, nagpasemento ng mga daan, naglagay ng patubig dahil dati putikan lang ito.

* Andres Gonzales a.k.a KA ANDY Lakas ng Mangingisda sa San Vicente -PANGULO -2 buwan palang ang kanilang samahan -tumiwalag sa dating samahan at bumuo ng bago. - proyekto- ayusin ang fish pen Edad:63

59 | P a g e

Dahilan ng paglipat: Kasaysayan ng lugar: (kung taga-angono) Katayuang sibil: Kasal Tagal ng paninirahan at pangingisda: since 1979 Bilang ng myembro ng pamilya: may 8 anak sa unang asawa + anak ng asawa niya sa una nitong asawa -6 Bilang ng pamilya sa isang bahay: siya + asawa

PANGUNAHING TRABAHO: MANGINGISDA -madaming tumatapak sa mga mangingisda - madalas ay ang mga mapulitikang tao at mga illegal fishers -mahina ang huli kumpara sa dati -hindi sila apektado ang pagpapagawa ng kalsada sa lugar nila -argument ni Ka andy: hindi daw pwede gawing dam kasi mauubos ang tubig -umagree kay Kuya Rey na Armed struggle and kelangan, di daw gagana ang pakiusapan - the one thing God cant do is LIE - Kaaway ang mangangangkong dahil daw inaaway nila ang mga mangingisda na nalalapit sa kangkungan nila. -wala ng mga fish sanctuary ngayon dahil kangkungan na ang fish sanctuary -Mabigat na issue: Illegal fishing, fine mesh na lambat, pagpupukot - Ang Kangkong ay kilala at tinatawag ring Water Spinach ngunit Swamp Cabbage daw ang tunay na direktang katumbas nito sa wikang Ingles.(mula raw sa kanyang British friend)

60 | P a g e

* ROMEL DE VERA a.k.a. OG Lakas ng Mangingisda sa Kalayaan (LAMANGKA) - Tagapangulo - rehistrado na ang kanilang samahan - 56 mangingisda ang miyembro at puro kalalakihan - Hinggil sa isyu ng Lawa ng Laguna, sasama siya kapag sinimulan ng mga miyembro nya -mahalaga na magkaisa sila upang malabanan ang pagpripribatisa Edad: 36 Probinsyang Pinanggalingan: Pangasinan Kabuhayan bago mapunta sa lugar: -nagtrabaho sa pagawaan ng sapatos; Security guard Dahilan ng paglipat: Mas malaki ang kita sa pangingisda sa Angono at hilig niya talaga ang pangingisda Kasaysayan ng lugar: (kung taga-angono) Katayuang sibil: Kasal Tagal ng paninirahan: 12 na taon Bilang ng myembro ng pamilya:1 anak ng misis nya sa unang asawa + 2 anak Bilang ng pamilya sa isang bahay:2 anak + misis + siya PANGUNAHING TRABAHO: MANGINGISDA 2 TRABAHO:MANGANGANGKONG

*Misis ay nagtrabaho sa Advance paper company bago mapunta sa Angono -Mangangangkong din sya -hindi masyado nangingisda ngayon dahil walang mahuli - Noong masagana, pinakamataas na kita sa isang araw ay 1000php -Ngayon madalas, 100-500php na ang kita kung saan 500 ang nakukuha kung malakas

61 | P a g e

-Ang pwede at pinakamataas na kita nila sa pag-kangkong ay 260php (20 bundle = 3php/tali) -pag kulang nakuha nilang kangkong, binibigay nila sa ibang mangangangkong yung customer nila - 1 hektarya ang sakop ng kanyang kangkungan -Tuwing tag-ulan, malakas ang kita para sa pag-kangkong at pangingisda -Nagtataka siya kung bakit laging galing sa munisipyo ang may-ari ng titulo kung dati naman tubig ang - Sa pagkakangkong, isang beses lang ang gastos at iyon ay ang pagbili ng tulos (15php isa) -Sa pangingisda, araw-araw ang gastos -Noong una, perwisyo sa kanya ang kangkong ngunit naging benepisyo rin dahil naninirahan ang mga isda sa ilalim nito -Naghuhulog sya ng 750php buwan-buwan para sa 1 lote o 240 sq. m kasama ang 3 pang pamilya (96,000 total amount) -750php/month/family x 36 months x 4 families = 108,000php (total na babayaran) -Ang interes ay 12,000php -Kontrata lang ang binibigay bilang patunay na binebenta sa kanila ang lupa at resibo lang ang natatanggap tuwing naghuhulog sila -Kapag di nagbayad ang isa, damay ang lahat - Merong penalty na hindi lalagpas 20php - Sa usaping pagkakangkong, ang ahente ang nag-uugnay sa magbebenta at mamimitas. Meron siyang komisyon dito -PUKOT 5-6 tao ang kasama dito. Pinapaligiran ng lambat ng paikot bago hihilahin at mahuhuli lahat ng isda dito. Sa tubig linaw o sa walang tanim ito ginagamit - TAKIBO Hanggang 20 na tao ang kasama dito. 3 bangka na tag-anim ang sakay. Ginagamit kapag manghuhuli ng isda sa ilalim ng kangkong at water lily -KANGKONG DEALER nagdedeliver ng kangkong o nagsusupply KALAKARAN NG KANGKONG -Ang dealer ay magbabayad ng 4php/bundle sa may-ari ng kangkungan
62 | P a g e

- Ang dealer rin ay magbabayad sa kanyang tauhan na mamimitas ng 11php/bundle - Ang pamumunuhan ng dealer ay 15php (11php+4php) at binabagsak nya ito sa mga palengke o bilihan ng 18php/bundle (3 pesos para sa tubo, gasoline atbp.) -Kung sakaling malugi ng 3 months ang dealer, 9 months naman na hindi

* CELSO BERZAGA Community Volunteer sa Plan International (NGO) sa Bicol (FARMC) Edad: Probinsyang Pinanggalingan: Albay Kabuhayan bago mapunta sa lugar: Dahilan ng paglipat: Kasaysayan ng lugar: (kung taga-angono) Katayuang sibil: Tagal ng paninirahan: Bilang ng myembro ng pamilya:16 anak + asawa Bilang ng pamilya sa isang bahay:1 PANGUNAHING TRABAHO: PANGINGISDA 2 TRABAHO:PANGANGANGKONG

(2nd)ASAWA: Tumutulong sa kanyang pangangangkong -Dati-rati, nakakahuli ng 10-kilo ng isda na nagkakahalaga ng 500php (50php/kilo) sa 2-3 oras -Ano ba ang tunay na kahulugan ng fishing village?(Grupo: Bilang panirahan? O bilang katawagan lamang na magsisilbing paraan upang malinlang ang mga mangingisda na may matitirhan sila. Ang fishing village sa ibang probinsya sa bansa ay lugar kung saan pwede mangisda ang mga tao at bayaran ang kanilang mahuhuli.) -Sa isyu ng pagpapalit-gamit ng lawa: Ang tao ba ay may karapatan na palitan ang kalikasan? Ang kalikasang likha tulad ng tubig o ng lawa na ginawa upang tirahan ng mga isda at hindi para abusuhin ng mga tao.
63 | P a g e

-Solusyon sa problema sa kalikasan: Environmental sustainability through socio-economic sustainability -Hindi sang-ayon sa pagsasapo o pagtatakibo dahil nagagambala nila ang mga nangingitlog palang na isda o kaya naman ay nahuhuli ang mga mangingitlog pa lamang na isa na naninirahan sa ilalim ng mga tanim na kangkong o waterlily. -May iba pa sa Kalayaan na di pa rehistrado o di pa nagbabayad sa dapat irehistro o pagbayaran. Dapat na silang sumunod sa gobyerno para walang mapuna ang gobyerno at may karapatan din silang magreklamo at magprotesta sa mga iligal at hindi pantay na mga ginagawa ng pamahalaan. -Dapat ang tao may konsensya

-12.5 elevation ay di naman daw malinaw- Saan yun? -sa isyu hinggil sa pagkakatitulo ng ibang tao: Bakit sila ang may titulo at hindi nalang kaming mga nakatira ditto ang alukin nila ng titulo dati? -Pag bawal ,bakit kami lang ang pinapaalis at hindi ang mga mayayaman MAGSASAPO pagkukulong samga isda sa kangkungan -tawag din sa takibo Sa isyu ng pagtanggal sa mga mangangangkong: MGA NAKIKINABANG AT NAAPEKTUHAN NG PAGKAKANGKONG 1. Mga nagtatanim ng kangkong na hindi na kailangan pang humingi sa gobyerno ng pang-arawaraw nilang pang sustento sa pamilya 2. Nakikinabang ang mga bamboo planters dahil sa tulos na ginagamit ng mangangangkong 3. Kangkong delivery tricycle drivers na naghahatid sa palengke vendors 4. Mga kumikita sa gawaing produksyon tulad ng mga ahente, mamimitas atbp. 5. Mga tindera na siyang mga nagbebenta at tumutubo ng kaunti mula sa kangkong 6. Mga bumibili o mga konsumer ng kangkong dahil sa ito ang pinakamurang at abot-kayang gulay at masustansya pa. Ang dahon nito ay hinahalo sa sinigang
64 | P a g e

Ang tangkay nito ay maaring ihalo sa giniling Ang tangkay nito ay pwede ding pang-adobo

7. Ang GOBYERNO na kumikita mula sa buwis at rehistrasyon na may kinalaman sa pagkakakangkong. Municipal ordinance = 1,000php/ha ng kangkungan sa bawat taon Bangka registration = 260php (w/motor) Fisherfolk = 60php

*Kulang-kulang 1,400 Php kada taon na kita sa bawat magkakangkong na may 1 hektaryang kangkungan at de motor na Bangka)

* Ariel Magno -Distributor ng kangkong sa Chicboy -pwedeng tirhan ng mga isda ang ilalim ng kangkong -Kahit hanggang ilang taon ang maabot ng kangkungan basta wag lang ito masira -bata pa ang mamimitas niya Minsan kumikita ng 200php Nagtratrabaho sa murang edad dahil sa kahirapan

* Jennifer Meron -Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (FARMC) president -Sa sanctuary system, mas mataas daw ang kita -Maaring hindi makontrol ng mayor ang relocation dahil ang proyekto ay internasyunal, di nasyunal -niluluto ng gobyerno ang utak ng masa Ex. Isda na may lead -Ang janitor fish ay may panahon Pinakamalaking perwisyo Di maiwasan na may lugar na meron talagang janitor fish Bilyon ang semilya nito
65 | P a g e

Sa taong 2030, puro janitor fish na ang mahuhuli Binenta ito sa gobyerno at ginawang pagkain ng baboy at ginawang patis Di pinayagan gamitin ang janitor fish bilang diesel dahil mawawalan ng tax ang gobyerno ngunit mainam itong alternatibo sa langis

* Julio Mabansag -mangingisda -madaling araw nangingisda - asawa ang nagtitinda ng isda -1995 sa Navotas nagsimula mangisda -may 3 anak sa unang asawa -Ang pinakamatandang anak ay nagtratrabaho sa SM -200-300php na ang pinakamataas na huli sa pangingisda sa isang araw hindi sigurado sa paninirahan dahil squatter sila dahil hindi nila pagmamay-ari ang lupa -karapatan ng lahat na magkaroon ng tirahan at hanapbuhay -lalaban sila para di makuha ang tirahan at kabuhayan nila

* Rodel Mejiya Lamangka -mangingisda at mangangangkong -Sa Angono lumaki -may 5 anak: panganay: 10 yrs. old, bunso: 3 yrs. old -asawa ang nagtatali ng kangkong -Mas mataas ang kita sa pangingisda pero kapag walang mahuli sa kangkungan umaasa
66 | P a g e

-Kapag sagana ang huli umaabot ng 500php -Mas mataas ang kita sa pangingisda pero kapag walang mahuli sa kangkungan umaasa -Kapag sagana ang huli umaabot ng 500php

* Mate Bellista -Patamaba -Lakas ng Mangingisda sa San Vicente -nanggaling Bicol -1970 unang nakapunta sa Angono -pangunahing trabaho ay pangingisda -pangalawa ay paggawa ng kakanin o maging factory worker -magdamag na nangingisda 7am-7pm -miyembro ng Akbayan -malaki ang pagmamay-ari ng lupa ng magulang niya sa probinsya -nanggaling Bicol -1970 unang nakapunta sa Angono -pangunahing trabaho ay pangingisda -pangalawa ay paggawa ng kakanin o maging factory worker -magdamag na nangingisda 7am-7pm -miyembro ng Akbayan -malaki ang pagmamay-ari ng lupa ng magulang niya sa probinsya -Simula ng natayo ang Napindan nagkaroon na ng problema sa lawa -Kailangan ang tubig-alat sa lawa -pinakamababa ang 1,000php sa masaganang panahon ng pangingisda

67 | P a g e

-Si Bayani Fernando ang nagpakalat ng janitor fish sa Marikina Riverbanks at dahil sa pagbaha noong Ondoy pumunta sa lawa ang mga isda -Kapag ginawa nyo ang dam, magiging kulay dugo ang lawa -Sinasabing may malasakit ang LLDA sa lawa pero wala talaga dahil may mga negosyante na nagpapatambak ng lupa sa lawa -Dapat magkaisa ang mga mangingisda laban sa pagpripribatisa ng LLDA Problema ng Lawa -Janitor fish -pagkawala ng tubig-alat sa lawa -magnanakaw ng lambat

* Adelino Felix -Kapisanan ng Mamamalakaya sa baybay-dagat -57 yrs. old -lumaki sa Angono -naging mangingisda -anak ng magsasaka -naging baranggay kagawad -may-ari ng gym -may kapasidad na umangat pero nanatili sa mahihirap -komunista -Siya ang founding president ng samahan hanggang sa magkawatak-watak -3 anak -Sa unang asawa, 2 anak -Ang gamit ng dagat ay para sa kapakinabangan ng mga okupante fisherfolk, etc. -Yung mga lupa sa slaughterhouse ay naipanalo niya sa korte
68 | P a g e

- 30% ng budget sa munisipyo ay napupunta sa nakakataas -Sinasabi niya na ang pamamahala ni Cory ay mas maganda sa pamamahala ni Marcos - Kay Marcos, profit-oriented governance lang - Sa isyu tungkol sa mangangangkong at mangingisda: Dapat pagyamanin ang lawa Dapat walang lake-use conversion Magdagdag dapat ng serbisyo na magpapaunlad sa kanila

-Ang tubig-alat ay nakakalinis ng tubig ng lawa ngunit mapapatay ang kangkong -Ngunit dahil sa ulan maghahalo ang tubig at malilinis ito at ang kangkong ay tutubo muli at dadami ang isda

69 | P a g e