Vous êtes sur la page 1sur 13

PRESIDENT BENIGNO S.

AQUINO IIIs SPEECH DURING A MEETING WITH LOCAL LEADERS AND THE COMMUNITY General Santos City Lagao Gymnasium General Santos City, South Cotabato April 27, 2013 04272013A (applause) Maupo ho tayo lahat. Hindi, binati ko lang si Secretary Lu, kasi kung minsan napapalitan niya yung pangalan ko eh. Eto isa ho talagang masigasig nangampanya sa atin 07 at saka 2010. Kung minsan kinakabahan ako, pano baka ma buti na lang tinutuldukan na lang ngayon yung balota dahil pag isusulat baka maging spoiled ballot kung balibaligtad yung pangalan no. Eh ngayon ho perfect, palakpakan po natin si Secretay Lu. (applause) Secretary Mar Roxas; Mayor Darlene Antonino-Custodio; Congressman Jun Acharon; at syempre ang babalik na gobernador ng South Cotabato, walang iba kundi si Maam Daisy Avance Fuentes; atin pong si Mang Boyet Leyson, vice mayor ng General Santos; si Dinand Hernandez, bilang kinatawan; atin pong vice governor ng Sarangani, Board Member Eleanor Saguiguit; atin pong local leaders from GenSan; other local government officials; honoured guests; mga pinalangga kong kaigsuonan: Maayong agahindi, buntag, buntag pala dito. Sorry, ho haMaayong buntag kaninyong tanan. (applause) Pasensya na ho kayo ha, pag sa Bisaya, maayong buntag; pag Ilonggo, maayong araw; pag, di ba? Aga. Ang dami ko talaga pinupuntahan na lugar eh. Pag sa Bohol naman naging maadjong. (laughter) Pero wag kayo mag-alala, tama pa rin ang direksyon natin, dito tayo sa tuwid na landas. Nagpapraktis ako ng Bisaya ko eh, kaya puede ba magpraktis ng konti. Tinuro po sa akin to ni Secretary Mar Roxas. Kung tama po to, magaling magturo ng Cebuano ang Ilonggong Mar Roxas. (laughter/applause) Kung mali naman po kasalanan ko to. May itatanong lang po ako, at ito po yun: Sa kada anhi nako diri sa GenSan (crowd loud response/applause) ito po yung tanong, di ba? nano na mas ni daghan man ang gwapa diri sa inyo. (crowd loud response/applause) Pag meron po kayong sagot, padala po sa akin sa isang liham o text (crowd loud response) para malaman natin yan. Okey. Dapat umpisahan natin ang usapan natin sa kuryente, at mapunta na rin tayo sa eleksyon. Yung pag nagtayo ho ng yung tinatawag na baseload plant, yun bang tuloy tuloy tumatakbo, hindi naman ho tayo puede pumunta sa Ace Hardware: Pahiram nga bibili nga ako ng 100 megawatts na generator, at pakitayo na rin niyo dito sa bakanteng loteng to. Hindi ho ganun kadali yun. Pag tinayo mo yung planta umaabot ng between three to five years, at maraming prosesong dadaanan; Environmental Compliance Certificate, may mga public consultations, marami ho, mahabang proseso yan. Ang investment kada megawatt, two billion dollars ang tinataya. Ngayon ho, syempre, bad news, alam natin
1

kulang ang kuryente sa Mindanao. Sinasabi namin po sa inyo yung totoo. Hindi ko po ugali talaga mambola. Puede ko naman sabihin tulad ng iba dyan: Ihalal niyo ako, ayos na yan. Pero alam ko naman pong tatlong taon ho bubuohin yung planta. Bola yun. Maaayos po ang problemang yan. Minimum po hahindi naman minimum, pero yung pinakapangit na sitwasyon2015 po yung Aboitiz na power plant, about 200 plus megawatts, online na po yan. Malaki ang ibabawas na sa atin pong problema sa kakulangan ng kuryente. Pero ang pinaka importante po dyan tuloy-tuloy na po yung mga ginagawa ngayon, maski na wala na po ako sa pwesto padagdag nang padagdag ang kuryente ng Mindanao, ang pagka intindi ko po 2015 hindi na natin to problema. At 2017 sobra sobra na po ang inyong kuryente. (applause) Kung magdadasal naman po tayo ng matindi baka naman yung 2015 mapaaga pa. Ngayon ho, dadagdagan ko, iba ho talaga pag may local government kayong kasangga. For instance po, yang Aboitiz na plantang yan, sa totoo lang po nung unang nireport sa akin yan dapat 2014 tumatakbo na. At sa totoo lang po, matatapos yan katapusan ng 2014. Naninigurado lang tayo hindi masira sa inyo kaya umpisa ng 2015 gagana na nang husto. Bakit ho tumagal? Aba meron hong mga nagreklamo, bakit coal-fired power plant yan. Mapollution, hindi puede. Basta pag dumaan ho to sa iba pang mga proseso, hindi lang dumaan sa butas ng karayom, dinaan sa shout at sampung butas ng karayom bago maaprubahan yung pagtatayo pa lang nung planta. So, sa isang kamay po: wala kaming kuryente; sa kabilang kamay: ayaw namin yang plantang yan ng kuryente. Ano ho ang gagawin natin? Kawawa kayo dito sa GenSan at Zamboanga City, dahil yung available na kuryente, di ba, hati-hati tayo. Ang ginawa po nung iba: ito ang kontrata, kunyari, 10 megawatts, ang kinuha 12. Lahat ho nung dinaanan ng kuryente lumampas dun sa gusto nila ay sinabi nilang kukunin nila. Pag dating sa GenSan, sa Zamboanga City nasa dulo ng grid kayo ang pinakamalala ang problema sa kuryente. Sa totoo lang po, maayos ang palakad ng gobyerno, mayron po tayo may pondong pambili ng mga generating sets, pero ang pinakamabilis po diesel. Syempre, may aalma na naman, diesel ma-pollution yan. Pero ito po ang problema, may batas po eh, hindi na puede bumili ang NAPOCOR ng generating sets. So, ayaw naman po natin lumabag sa batas, so inaayos po yung proseso para hindi na tayo maghintay ng kabuoan sa 2015. Bago pa ho, siguro matapos yung 2013, ay may makukuha na tayong pandagdag na diesel generators dito po sa Mindanao. Naninigurado lang ho tayo sumunod sa lahat ng batas at proseso. Okey. Ngayon po, (applause) kayo po ang Boss ko, natural lang naman sa inyo ako maglalabas ng sentimyento. Yung mga kalaban ho tayo na pinipilit na sisihin ako sa kakulangan ng kuryente sa Pilipinas. Ngayon ho, three years sabihin natin magtayo ng planta, yung pinalitan ko po nine and a half years presidente, baka nakalimutan natin, sinabi pa niya tumira siya dito
2

sa Mindanao, tama po ba? Sa Iligan, kung tama ang tanda ko? Kumbaga may tatlong besesnine years eh divided by three yearsthree opportunities to set up the power plants, tama po? Yun po yung cares, di ba, wala hong care. Dont care ang nangyari, ito po pinamana sa akin yung problema. Okey lang po yan, hindi naman ako puede mamimili ng problemang ibibigay sa akin, di ba? Problema ng Pilipinas to, ako ang pangulo ng Pilipinas, problema ko to. Di ko isisisi kanino man. Pero bilib ka naman dito sa mga katunggali natin, sila ang gumawa ng problema, pag dating ng halalan tayo ang sisisihin. Di ba, medyo may k sila. May k as in kakapalan naman yata ng mukha talaga to ang mga to. (applause) Anyway po, kanina ho nag house-to-house kami ni Darlene. Syempre, bukas sabihin na naman nung katunggali natin, bakit nagha-house-tohouse siya, wala na bang problema ang Pilipinas. Maski ano ho ang gawin ko talagang atakihin nila eh. Eh ngayon Darlene kung sinasabi nila hindi ka nagsusuklay, okay lang yun. Sabihin mo ako rin, bihira ako magsuklay. (laughter/applause) Di naman ho nadadaan sa pacute-an yung pag-aayos ng problema eh. Bakit ako nag house-to-house kanina? Syempre, number one, bilib ako dun sa kandidato. Talagang fans tayo ni Darlene. (applause) Fans rin tayo ni Jun. Fans rin tayo ni Daisy. Isipin niyo magha-house-tohouse kayo, lalapit kayo sa tao: Boss, pakitulungan, di ba, pakitulungan si Darlene. Ang gaan sa loob. Boss, pakitulungan natin si Jun, okey rin. Tulungan natin si Daisy, ang dali rin sabihin. Eh kung hindi ka bilib dun sa tao, paki bahala ka na ha. (laughter) Pero nagpunta po ako dun para makapanayam ang ating mga kababayan. Syempre, katulad dito parang pag may kampanya nangungumbinsi sila, pero palagay ko kumbinsido na kayo lahat eh. (applause) So, hanapin natin yung hindi pa kumbinsido. So, pinupuntahan ho natin yan para malaman, ano ba talaga ang sentimyento ng taumbayan, at may nakausap ho ako kanina. Syempre, natural tatanungin ko, kamusta ka? Aba eh, maayos naman kami dito. Alam niyo, talo pa lahat ng survey, talo pa ng kung sinu-sinong nagbigay ng report sa akin, yung isang taong yun na masabi sa akin maayos at buhay na buhay. Parang yung pagsasayaw kanina, parang inambisyon ko nga hong gayahin kaya lang baka, (laughter) baka puro ambisyon lang ang mangyari sa akin dun. Talaga hong parang nasabi ko, ano pa man ang problemang darating sa atin, pag ganyan ang mga boss ko na buhay na buhay ng buhay at talaga pakipaglaban, eh kaya natin laktawan maski man anong problema po iyan. Kaya po tayong sumadyang sumama sa house-to-house kanina. (applause) Alam po niyo, dalawang araw na rin pong magkasunod tayong nag-iikot sa Kabisayaan at Mindanao para makipagpulong sa ating mga kapwa Pilipino. Kahapon lang, nag-ikot tayo sa Samar, sa Leyte; pagkatapos, dumiretso na kami dito po sa GenSan para magpalipas ng gabi. Talaga namang kapag nakapiling natin ang ating mga Boss, lalo na po sa lalawigan, mahimbing ang tulog natin, maganda ang gising natin, at lalo po tayong nabubuhayan ng loob dahil sa init ng pagtanggap niyong mga
3

taga-GenSan at ng buong South Cotabato. (applause) Kaya, magandang GenSan din sa inyong lahat. Kaya nga literal kong masasabi sa umagang itoito po yung pinraktis namin ni Mar ulit ha: Kamo gihapon ang akong kusog; (crowd loud response/applause) kamo gihapon ang nagpapaarangkada sa tul-id nga dalan; (crowd loud response/ applause) kamo gihapon ang padayon nga nagabuhat ug mahinungdanong kabag-ohan. 1 (crowd loud response/applause) Puede na ho ba, nagkakaintindihan na tayo? Kung tama po, syempre dapat nating pasalamatan, walang iba kundi ang kampeon ng kabataan at kababaihan, hindi lang dito sa GenSan, kungdi sa buong Pilipinas, si Darlene Antonino-Custodio. (applause) Alam po ninyo, kilalang-kilala ko si Darlene, talagang kilalang-kilala ko po to, mabigat po to sa Kongreso. May iniisip ho siya. Si Darlene ho talagang ano yan, talagang para bang imahe nung dalagang Pilipina, yung mahinhin, (applause) pero kokoy rin. Kaya pag nagkikita kami sa Kongreso nung araw pag bati niyan ano eh, hampas sa balikat kaagad: Pare, Kumusta ka? Pak!! (laughter) Kaya yung balikat ko po talagang tanda tanda pa rin si Darlene. Talaga napakasimpleng tao po, nakikita naman ninyo, napaka-among tingnan talaga. Malamang, napansin ninyo rin: Napakalambing (applause) napakalambing ng kanyang mga anak sa kanya, palagay ko po, tanda yun ng inang tunay na mapag-aruga. Pareho po kami ng paniniwala: Hindi tayo bibigyan ng Diyos ng problemang hindi natin kakayanin. Mula po sa pagiging Deputy Minority Floor Leader noon sa kasagsagan, hindi lang po ng impeachment, pero mga impeachment laban kay Ginang Arroyo, pati na nung nag graduate na po kami sa Kongreso, at siya na lang at si Joel Villanueva ang naiwan at si Risa, hanggang sa pagkalinga at pag-agapay sa mga biktima ng bagyong Pablo; mula sa pagtataguyod ng de-kalidad na edukasyon at pangangalaga sa kalusugan sa GenSan, hanggang sa pagsisiguro sa kakayahang umasenso ng kanyang nasasakupanpinatunayan na ni Darlene na kapag nasa panig ka ng tama, talagang malalampasan ang anumang pagsubok. (applause) Nakalimutan ko nga ho pala yung mga nasa labas po na hindi nakapasok dito, humihingi ako ng paumanhin sa inyo, at maayong buntag sa inyong tanan din po. (applause) Aaminin ko po sa inyo, mas bata sa akin si Darlene, (laughter) siguro po mga isang taon ang lamang ko sa kanya. (laughter) Hindi ho ba, obvious? Tignan niyo pag pinagtapat niyo yung litrato namin, parang ganun nga ho. (laughter) Sa Kongreso pa lang po, talagang napatunayan na nating isa siyang pinunong may mapagkalingang puso para sa mga nasa laylayan ng lipunan. Taglay niya ang abilidad at determinasyong lalong iangat ang GenSan. Ngayon pa nga lang po, kompiyansa na kaming mga nauna sa kanilaako po one year langsa mga lingkod-bayang tulad ni Darlene dapat isalin ang pamumuno sa kalakhang bansa. Kaya nga po kapag binoto natin si Darlene bilang mayor, ibinoboto na rin natin ang
1

Kayo pa rin ang aking lakas, kayo pa rin ang nagpapa-arangkada sa tuwid na landas, kayo pa rin ang patuloy na gumagawa ng makabuluhang pagbabago. 4

pagpapatuloy at pagpapa-arangkada sa tuwid na daan. (applause) Kahapon nga po nasa Kabisayaan tayo. Meron po tayong pinuntahan na bagong port, daungan. Yung dati pong port malapit dun sa lungsod. Ang problema nilagay nila sa labasan nung ilog. So, pag naga erosion ho sa taas, papuno nang papuno yung mouth of the river, pababaw nang pababaw yung parte ng daungan ng barko, nagiging mapanganib. Ngayon po, pag yung pulitikong hindi tama ang pananaw, pag nasabi sa kanyang taun-taon kailangan i-dredging yan, kaagad nasa isip niya, taun-taon may kontrata ako. Ang punto ho nun, imbes na dumami ang gagawin niyong kalsada, daungan ng barko, daungan ng eroplano, ulit-ulitin lang niya yung tapos na, tama po ba? Ang ginawa po, nagmakabago at nagpakatotoo ang ating mga liderato dun sa pinuntahan naming lugar. Inilipat yung port, hindi masyado malayo dun sa bayan kung saan natural na deep water port po yanpara, di ba, kinalimutan na yung taun-taong kontrata, every year may bagong kontrata; para lang ho tunay na makapaglingkod sa taumbayan. Ganun rin po ang hibla nitong si Darlene. Madaling salita po, kanina binanggit ko, hindi tayo bibigyan ng hindi natin kaya. Yung kuryente, ano ba ang magagawa ng local government. Yung national government bawal bumili ng sariling generating sets, paano pa kaya yung local government, siguro less. Mas maraming pondo ang national government keysa sa local goernment, pero si Darlene, sa kanyang paraan po nakadagdag ng makukuhang kuryente ng GenSan, bagamat (applause) puede namang itinuro na lang sa amin ang sisi, di ho ba? Di ho, hindi siya nagrereklamo may problema bagkus gumagawa ng solusyon sa problema. Ngayon po, yung nangyaring trahedya sa Pablo. Talaga ngayon, ako damang dama ko pa rin ho hanggang ngayon yung nawala nating mangingisda. Si Darlene, hindi lang naging ina sa kanyang mga anak, pero naging ina ng buong bayan. Lahat nung mga nawalan dahil sa trahedyang to na kanilang mga mangingisdang mga kamag-anakkung kapatid, kung asawa, kung tataysino ho ba ang nandun na kaagad umaaruga sa kanila, hindi ba si Darlene? Dahil si Darlene ho tama ang impormasyon na binibigay sa atin, tama ang pangangailangan na ipinararating sa atin, magaan ang loob po natin ihanda ang lahat ng kakayahan ng estado para mabalik sa kaayusan ang buhay nitong mga napahamak ng bagyong Pablo. Ulit, merong mga iba ho, magkakaroon ng photo opportunity, tumutulong, pag katapos nun wala na. Meron ho: Puede na yun, may nagawa na ako. Si Darlene ho at saka ako, hindi ho na may nagawa ka, pero dapat masabi mong nagawa mo na lahat ng puedeng magawa. At kung kulang pa yun, magsumikap pa lalo para lalong madagdagan ang maitutulong natin sa mga nawalan, pero ang importante po para lalo sila mapabilis na mailagay sa mas maayos na kalalagyan. Kaya po didiretsuhin ko kayo, pag nakikiusap tayo suportahan natin si Darlene, para na rin tayong tumutugon. Sabi sa akin, may mga nagtatanong, ang ganda ng takbo ng
5

bansa natin ngayon, paano sa 2016? Aba, sabi ko, sinisigurado ko sa inyong may papalit sa atin. May papalit sa atin na nasa tama ang direksyon, at marami at parami tayo nang parami sa tuwid mga lumalakbay na tuwid sa tuwid na daan, isa na po dyan si Darlene. So, pag binoto po natin si Darlene mayor, (applause) lalo po nating napapalapit na yang taga-GenSan tutulong hindi lang sa GenSan, hindi lang sa South Cotabato, pero sa buong bansa. Ganyan po ang bilib natin dito kay Darlene, at syempre sa kanyang mga kasama tulad ni Manong Jun Acharon at ang ating idolo nang nag-umpisa tayo sa Kongreso, si Maam Daisy Avance Fuentes. (applause) Siyempre po, anumang husay niya, at itong nabanggit ko kailangan pa rin niya ng mga katulong upang maipagpatuloy ang napakaganda na niyang nasimulan dito sa GenSan. Iyan ang tungkuling tiyak na magagampanan ng ating vice mayor na walang iba kundi si Boyet Leyson. (applause) Sa darating na Mayo a-trese, tiwala akong ilalagay natin sa tama ang boto: Darlene Custodio at Boyet Leyson, bilang tandem na magsusulong sa inyong lungsod. (applause) Ayoko naman pong makialam sa bakuran ng may bakuran, pero hindi ko lang maialis kanina doon sa paglakbay namin doon sa briefing dito sa road networks dito sa GenSan, mayroon po akong nakitang poster, akala ko po puro kakampi ko kasi nakadilaw lahat. (laughter) Pero noong napalapit ako nabasa ko yung mga pangalan, wala akong naaalalang mga pangalan dito, hanggang may maliit po doon sa kanto nung kanilang poster UNA. Ngayon napapag-isip lang ako, parang kailan kaya naging kulay ng UNA ang dilaw? (laughter) So, di ko rin alam, kasi ako dumaan din sa marketing eh, di ba? Kunyari ho pumunta tayo ng Jollibee, nakita natin ang karatula ng Jollibee, blue o green o black, papasok ba tayo? Medyo mag aalanganin tayo, hindi yata Jollibee ito ah. So, itong mga nasa kabilang kampo na nakadilaw, ano ho ang ibig sabihin kaya noon? Sabi ko, pinupuri kaya nila ako? (laughter) Kaya nakigaya sila ng kulay? O nanliligaw sila ng mga kababayan natin? Hindi ko po alam. Pabayaan na natin sila ang sumagot. Pero kanina nabigla ako, yung katunggali ni Darlene, konsehal pala, absent pa. (laughter/applause) Hindi kasi sandali ho, paki absent. Sabi nila, nireport sa atin absent. Ah, nag-aabsent na? So tinanong ko ho kay Jun si Jun ho nag mayor naman sa inyoJun, hindi ba yung session ng Konseho once a week? Yes sir, half day pa, paano kaya mag-aabsent, once a week na lang ang session mo half day pa. (laughter) Kayo ho ang may alam, ako nabalita lang naman sa akin ito. (applause) So pag ito ngayon, syempre, tapusin ko ho itong mga tanong ko na lang ha, tatakbo ka magiging pinuno ka ng lungsod, ano ang plano mo? Ewan ko kung mayroon hindi ko pa narinig eh. Madali hong bumatikos pero pag gusto nating malaman kung sinsero yung tao na magbabago ng sitwasyon na talagang may magandang gagawin sa atin, abay maliwanag mali ito, ito ang tama, ito ang gagawin kong tama. Pero pag hindi ipinaliwanag yung gagawin, aba medyo kabahan tayo, sundot ka lang ng sundot wala ka
6

namang ipapalit. Hindi yata maayos yan, lalo na hindi mo malaman kung opposisyon ka o administrasyon ka. Nasa kabilang grupo ka nakadilaw ka, ano ba talaga saan ba tayo pupunta? Abante, pagilid, paatras? (laughter) Hindi, eleksyon po ngayon eh, di ba, kailangan pruwebahan ang kalaban at ang mga lahat ng tumataya dito sa eleksyon na ito, lahat ng lumalaban sa eleksyon, may karapatan tayo eh, tayo ang boss eh. Ngayon ho, hindi ako kandidato, botante rin ako, kaya kasama ako doon sa boss. Kaya matanong natin yung mga gustong mamuno sa atin, at legitimate naman po ang tanong yan, hindi ba? Wala hong paninira yan, klaruhin lang, at may kasabihan nga po, huwag nating kalilimutan: Para makita ang paroroonan, tignan ang pinanggalingan. So, kung dati po absent ng absent, pwede ba nating sabihing present ng present pag naupo? (laughter/applause) Tama na naman yung sinabi ni Darlene kanina, noong oposisyon ho kami wala kaming PDAF. Okey lang yun, kasi para bang, di ba, ayaw nating parang sinuhulan ka para oo ka na lang ng oo; may tama, may mali. At palagay namin na tama na rendahan yung umaabusong presidente. Ngayon si Darlene ho, di ba, inipit ang pondo. Ako ho dumating sa punto nagreklamo yung isang bayan ko po sa distrito ko noong panahon na yun, pati yung pinagkaloob na proyekto, halos 10 years na, gustong bawiin. Sabi ko, bago ito, hindi ka na bibigyan, babawian ka pa. (laughter) Pero ganun ho talaga eh para magpakatotoo sa inyo. Okey. Huwag nating kakalimutan po, syempre ha, kaagapay din natin sa pagpapaunlad, walang iba kundi si Pedro Jun Acharon, Jr. (applause) Tiwala po tayong magiging mahusay na kinatawan, at magiging mas mahusay pang kinatawan ng inyong Unang Distrito. Mula Polomolok hanggang Tupi, pati na rin sa Tampakan, nakinabang sa mga proyektong tinututukan at pinondohan mula sa PDAF ni Congressman Jun. (applause) Alam po ninyo itong si Jun, tumakbo akong senador 07, dun ko lang siya nakilala, kumakampanya na ako bigla dito sa bayan niya. 2007 pa lang po tinulungan na tayo ni Jun, at kung doon lang parang nagbabayad ako ng utang na loob, parang tama lang na suportahan siya. Pero hindi ko ugali yun eh. Kung tinulungan mo ako, pero mali naman ang landas mo ngayon, parang gusto mo lang pumalit sa mga... yung nang-aabuso, eh thank you na lang pero hindi kita kayang samahan dyan. Pero si Jun Acharon, alam naman po ninyo, hindi ko kapartido ito. Pero buong-buo ang bilib ko dito, tulad ni Darlene, tulad ni Maam Daisysila ho pala ang magkakapartido. Pero pag nakita natin yung talento na talagang tututok sa kapakanan ng pinangakuan niyang paglingkuran, eh talaga naman pong buong-buo ang pagtulak natin na magmungkahing tulungan natin sila na talagang ipagbuti ang ating buhay. (applause) Nariyan din po si Dinand Hernandez ng Ikalawang Distrito, na sa Subic Bay Metropolitan Authority pa lang po nagpakita na ng husay sa pamamahala. Si Maam Daisy, parati kong hindi ko sinasabi matanda sa akin si Maam Daisy, paggalang lang po yung Maam. Deputy Speaker po siya nung una ako naging congressman. Talaga hong nakita ko yung
7

pinagmulan namin, baka mas aktibista pa siya kaysa sa akin noong panahon lalo na ng Martial Law, eh talagang humubog sa aming pagkatao na talagang dapat tutulan yung pang-aapi ng estado. Kaya pag si Daisy ho nakausap natin, maski sino man, pati yung kalaban niya, hindi ho nila masasabing hindi diretso kausap si Daisy. Diretso kausap, masigasig sa trabaho, sigurado ako sa South Cotabato susi ng asenso, Daisy Fuentes ang kailangan. (applause) Bise Gobernador po na si Erning Catedral; siyempre pa, ang kabalikat natin sa Partido Liberal na Mayor Peter Miguel, bilang isang doktor ay talagang sanay kumalinga sa ating mga kababayan; kailangan niyang ipagpatuloy ang magandang nagawa para sa Koronadal. Kasama ang buong Team PNOY slate natin sa Senado, sila ang walang maiiwan sa pag-angat ng ating bayan. Kompiyansa panunungkulan ng mga pinunong kasangga natin sa pamamahala, mas lalawak ang saklaw ng ating reporma uusbong ang pagkakataon para sa marami nating kababayan. sisigurong tayong sa mabuting at lalong

Ang good news po: Sa ating Pantawid Pamilyang Pilipino Program dito sa GenSan, ang una po nating target 11,134 household beneficiaries, nalampasan na natin ito dahil ang household beneficiaries po natin ngayon ay 14,976 na. (applause) Syempre may Pilosopong Tasyo na naman, 11,000 na yung programa ninyo naging 14,000, bakit ganyan halos 15. Kasi ho yung target this year 3.8 million families, nagawa na po nating 3.9. Bakit 3.9? Dahil yung kabuoan po na kailangang tulungan 4.6. Kailan natin tutulungan lahat? Siyempre habang dumadagdag yung pondong pangkalinga sa kanila, dadamihan natin yung benepisyaryo. Dati ho kasi 800,000 lang yan, nung nag-umpisa tayo; ngayon po, 3.9 million na. Alam po ninyo medyo nakakadismaya lang no, paglibot po natin sa ibang lugar, mayroon daw pong mga pulitikong binabantaan ang mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya. Pag hindi raw po sila ibinoto, hindi po dito sa GenSan, tatanggalin ang kanilang benepisyo. Sa akin po talaga, una ko natanong, may K ba to mga to magsalita ng ganyan? (applause) Yung K ho kasi, yung programang 4Ps (Pantawid Pamilyang Pilipino Program), kanino pong programa yan? National government. Sino ang nagpapatakbo? DSWD. Sino nagpopondo? O di national budget. Sino ho namili ng benepisyaryo? National Household Targeting Survey ng DSWD. Madaling salita po halos wala hong papel, actually, wala hong papel yung local government doon sa 4Ps. So pag yung lingkod-bayan mananakot nung kanyang mga boss: tatanggalin ka pag hindi mo ako ibinoto. Pakisabi na lang po doon sa mga nadaling ganito sa nakikinig sa atin sa telebisyon, pag may nanakot sa inyong tatanggalin kayo, sabihin na lang ninyo simpleng-simple, mauuna yung Mayo a-trese kung saan tatanggalin namin kayo bago ninyo kami tanggalin. (applause) Dahil ako po, kanina tanong ko may K ba sila? Mukhang tama, may K sila magsalita ng ganun, dahil talagang may kakapalan talaga ang mukha niyang mga katunggali natin. (laughter/applause)
8

Noong tinatayo yang programang yan, sa totoo lang po, tumututol sila dole out, kung anu-ano ang sinasabi. Ngayon naman na napakinabangan ng mga kababayan natin, nakikisawsaw sila, o hindi ba kakapalan yun? May lagaring, alam ba niyo, sa tulak humihiwa, sa hatak humihiwa, o yun yun. Hinding-hindi po tayo papayag na ipagkait ito sa mga pinaka kapuspalad nating kababayan. Nakapila na rin ang mga proyekto natin para sa pag-arangkada ng mga industriya at serbisyo lalo na po dito sa GenSan. Una sa listahan ang pagpapagawa natin sa mahigit dalawamput pitong kilometrong General Santos City Circumferential Road. (applause) Ngayon pa lang po, pinapakinabangan na ng 1,250 na motorista kada araw ang nakumpleto na nating bahagi ng kalsadang ito. Kasado na rin ang plano nating pagpapalawak ng Passenger Terminal Building ng General Santos International Airport sa susunod na taon, (applause) pati na po ang pagpapaunlad ng mga pasilidad at operasyon ng GenSan Port. Inaasahan nating magsisilbing lunsaran ang mga proyektong ito ng dagdag na oportunidad para sa GenSan at maging sa buong South Cotabato ngunit masisiguro lang natin ito kung maayos ang pamamalakad, at matibay ang pakikipag-ugnayan ng mga lokal na pinuno sa pambansang pamahalaan. Kung iaasa natin ito sa mga pinunong lulubog-lilitaw sa serbisyo, o never lumilitaw, at ginawang bisyo ang pagpapapogi maski pagsusuklay, (laughter) tiyak ding maglalaho parang bula ang benepisyong hatid ng mga proyektong ito. Di po ba, habang nagtutulungan tayo, habang dumarami ang tumutulak tungo sa iisang layunin, mas lalong pumapaspas ang ating paglalakbay sa tuwid na daan? Kaya nga nagagalak akong ilapit sa inyo ang mga kabalikat natin sa agenda ng malawakang kaunlaran para sa inyong lalawigan, para sa ating bansa. Silang mga alam nating makikisagwan tungo sa iisang direksyon, at hindi dadalhin sa sanglaan ang ating kinabukasan. Nasa yugto na nga tayo ngayon kung kailan tuluyan na tayong nakabangon mula sa pagkadapa. Muli, ang desisyon ng sambayanan, ng ating mga Boss, sa napipintong halalan ang magdidikta ng direksyon ating tatahakin sa susunod na mga taon. Ang panawagan ng tuwid na daan: Piliin natin ang mga pinunong tutulong sa pagpasan ng ating mga suliranin, sa halip na mga nagkikibit balikat o nagpapabigat lang sa ating mga problema. Gaya nga ng sinasabi ko, saan man ako mapadpad, hindi nag-iisang tao ang magdadala sa atin sa katuparan ng ating mga adhikain. Ang lahat ng tinatamasa natin ngayon: Ang pag-unlad ng ekonomiya, ang mga bagong classroom, ospital at kalsada, ang panunumbalik ng ating pambansang dangalkayo ang gumawa nito. Kayo ang gumawa ng pagbabago, at kayo rin ang magpapatuloy nito. Tara na ug ipadayon ang pagpanday sa
9

nasud nga dugay na nato gipangandoy. (applause) Baka naman nakumbinse na kayo sa lokal, paano naman yung Senado. Baka naman wala kayong bigyan sa aking kakampi doon. Sayang na sayang po kung hindi natin dadalhin sa Senado si Risa Hontiveros. (applause) Pag sinabi nating pulitiko, mapangsarili. Nag-uumpisa iyon: Paano ba ako manalo? Paano ba ako manatili sa puwesto? Lahat ng desisyon sunod na lang doon. Kung sakaling tulungan kayo, tsamba. Pero mayroon namang papel at bahagi ang pulitiko. Katulad nito, puwede ako magpa-cute sa inyo sa problema ng kuryente, ipasa sa iba ang sisi at ano. Pero hindi ho yun ang solusyon. Obligasyon ko sa inyo sabihin ang totoo. Obligasyon ko rin sa inyo ipakita kung saan tayo tatahak para matapos ang problemang yan. Ganun ang kalibreng nakita natin kay Risa Hontiveros sa loob at labas ng Kongreso. Hindi ho tayo ibebenta nito. (applause) Tulad ko po, nakatutok siya, iisa lang ang boss namin, taong bayan po yun. Boto kay Risa talagang garantisado, talagang parang binoto na rin ninyo ang sarili niyong magandang kinabukasan. Tulungan po natin nang masinsinan si Risa. (applause) Katabi po niya pinsan kong si Timmy. May nagtanong ho sa pinsan kong si Bam, kung siya raw po ay pamangkin ko. May nagtanong pa kung anak ko. Sabi ko, walanghiya, ginawan pa ako ng isyu. Sabi ko kay Bam, pag nakita mo yang taong yan, pakihingi mo lang yung address. Sabi niya, Kuya Noy bakit? Bibigyan ko lang ng salamin para makita niyang pag pinagtabi iyong litrato natin, halatang-halata, magkasing-edad lang tayo. (laughter) Bay, totoo ho yun. Si Bam ho kasi 35, ako 53. (laughter) O di ba pareho yun? May isang may three at five na magkasama. At ako naman may five at three, parehong-pareho. Pero, huwag nating iboboto si Bam dahil Aquino siya. Huwag nating iboboto si Bam dahil natutuwa yung mga magulang namin sa itsura niya, hindi ho. Si Bam ho nagtapos Management Engineering sa Ateneo De Manila. Yang kursong yan mag graduate ka, mamili ka ng trabaho, pinag-aagawan iyong mga graduate niyan. Pero si Bam po no, siya po valedictorian ng klase niya summa cum laude pa. ibig sabihin, mabigat na kurso, ganoon pa ang degree mo, talagang mamili ka ng trabahong papasukan. Magpapasalamat pa sa iyo iyong kukuha sa iyo bilang empleyado. Pero pinili po ni Bam, imbes na pumunta sa corporate world, tumulong sa kabataan at tumulong sa micro-finance. Sa mga taong magaganda ideya, may negosyo, walang puhunan, tinulungan niyang ma-empower, mabigyan ng kakayahan, mapa-angat ang buhay nila. At yun po, mula nag-graduate siya, iyan na ang ginawa niya. Matatanong siguro, bakit niya ginawa iyan? Si Bam ho kasi noong pinaslang ang aking ama, six years old. Batang-bata pa siya nakita niya ano ibig sabihin pag inapi ka. At mula doon sa inapi, ang solusyon, dapat dumating tayo sa punto na hindi na puwede may isang naghahari ngunit inaapi tayong lahat. Kailangan palakasin natin ang sambayanan. Kaya ako po, buo ang tiwala ko, pag dinala natin si Bam sa Senado, mayroon tayong
10

totohanang talagang tagapagtanggol, talagang taga parang taga-lead po sa atin. Magli-lead sa atin tungo sa mas magandang kinabukasan dahil na-empower na po ang ating mga kababayan. Huwag po nating kalimutan si Bam Aquino. (applause) Nandito naman po ang butihing mother-in-law ni Sonny Trillanes, si Ginang Esther Orejana. (applause) Alam niyo iyong pinili natin sa Team PNOY nag-umpisa po 40 na kino-consider. Pero kailangan 12, paano tayo namili ng 12? Eh kailangan may pruwebang pinakita, hindi puro pangako. Kailangan mayroon tayong mabibigyang sukatan kung ano aasahan sa kinabukasan. Sonny Trillanes, bakit natin tutulungan si Sonny Trillanes? Hindi ba nakipaglaban siya, nakulong siya dahil doon. Tumakbo bilang senador, nangampanya ang mga tao para sa kaniya, siya po nakakulong. Noong naging senador nahe-hearing, saan? Sa Senado? Hindi ho, sa piitan pa rin. So, isipin niyo ano, isang tawag lang ni Sonny Trillanes sa Malacanang: suko na ako, bow na ako, kung anong gusto niyo sisipsip na lang ako. Pinakawalan siya. Ginawa ba ni Sonny yun, o pinanindigan ang prinsipyo niyang ipaglaban at iwasto ang mga maling nakikita niyang pangyayari? So, hindi na po tayo mangangako, nandoon na yung pruweba. Taong dumaan sa pagsubok, tinimbang, palagay ko, sapat ho ang sukat. Iyan po si Sonny Trillanes. (applause) Yung si Loren po wala dito pero nandito iyong anak niyang si Lean na napakaraming fans. (crowd loud response/applause) Baka maboto niyo si Lean, hindi pa tumatakbo yan, maawa naman kayo. Pero again, si Loren, di ba, parating nagna-number one sa takbo sa Senado. Talagang tagapagtanggol ng kalikasan, issues ng kababaihan tulad ni Risa, tulad ni Jamby. Talagang nasa una po ninyo, para bang may nakikita tayo ditong isang babaeng napakamasigasig. Na talagang hindi tinanggap ang limitasyon, nagpakita na po pagkatagal-tagal ng gilas sa larangan ng kaniyang pagiging, hindi ba, parte ng media, at lalo na bilang public servant. Ibalik po natin si Loren Legarda. (applause) Dadaanan ko naman pomayroon na ho kasing sumesenyas sa akin, napakahaba noong talumpati mo. Wala ka naman dalang pang-lunch. (laughter) Ulit-ulitin ko na lang po, itong dose natin, hindi ho ako nangangampanya para sa kanila dahil, hindi ba, parang ego-tripping pakita ko lakas ko. Hindi ho. Naniniwala po ako, lalo na itong labingdalawang ito, maliwanagMaliwanag ang pinaninindigan; maliwanag ang direksiyon; maliwanag na tutulong sa atin sa pagsasaayos ng problema natin sa bansa. Pag itong dose pong ito naipasok natin sa Senado, kung palagay niyo may nagawa na tayo nitong unang tatlong taon, unang bahagi po ng termino natin, ay isipin niyo, pag wala na yung mga kontra-pelo at kontra-tiyempo, at talagang tumulong magpasan ng mga suliranin ng bansa, kung gaano kabilis lalo ang arangkada natin, at ano pa ang mararating natin?

11

Paalala ko lang po, noong nag-umpisa tayo, may problema tayo sa classroom. Kulang natin, 66,800 classrooms. Ang halaga po noon 700,000 pesos bawat isa kung single-storey pa. Eh iyong iba ho, kulang na yung lupa kailangan double-storey. Ang kaya ng budget 8,000 classrooms a year, ang termino ko six years. Eight thousand classrooms, six years, 48,000; 66,800 yung kulang, may utang pa ako pagbaba. Parang imposibleng resolbahin. Pero sabi ni Brother Armin at ng DepEd, 2013, sa katapusan nitong taong ito, hiningi lang po niya December 31, wala na yung 66,800 na kulang. Nagawa na natin lahat iyang classroom na yan by December 2013. (applause) Yung mga nagsasaka po ng palay, pinaniwala sa kanilang hindi natin kayang pakainin ang sarili natin. Noong patapos na yung aking pinalitan, yung first six months nakaangkat sila ng two million metric tons. Ilan ang kulang natin raw? 1.3 million metric tons. Iyong inangkat nila sobra pa sa pangangailangan natin. Saan napunta? Sa warehouse. Sino nakinabang? Siguro daga, hindi ho Pilipino. Ang nagbayad Pilipino. Ngayong taong pong ito, pinapangako ni Secretary Alcala makisama ang panahon, selfsufficient na tayo sa rice, baka nage-export na tayo after three years ng tuwid na daan. (applause) Highways po, noong araw, lahat ng katiwalian yata diyan na nag-uumpisa. Ngayon po ang highways, consistently ibi-bid out iyong project, pag bayaran na nakaka-discount tayong malaki. Tulad po sa Quezon City, mayroon pong Araneta Avenue-Quezon Avenue intersection. Dati stoplight nandoon parating traffic, gumawa ng underpass, ang halaga noong underpass 690 million. Noong binid-out naging 430 million na lang260 million ang naitipid natin, mayroon pang 100 days ahead of schedule natapos yung proyekto. Iyan po ang tuwid na daan. (applause) Ugali ko po sundan ang mga itinuro ng aking ina. Kung wala kang masasabing maganda sa kapwa mo, huwag ka na lang magsalita. Pero palagay ko kailangan naman pong iwan ko sa inyo ito. Ito po ang nagawa natin sa loob ng tatlong taon na hindi po nagawa sa siyam at kalahating taon nung napalitan natin. Sa kabilang panig po, nandoon ang mga labi noong ating pinalitan. Doon sa kabilang panig po, nandoon iyong mga kritiko ko, hindi pa ako tumuntong sa Malacaang kritiko ko na. At mayroon pong mga iba doon hindi tayo sigurado dahil kakampi nila iyong walang nakitang maganda tungkol sa atin. So, palagay ko, klarongklaro pagpipilian, dito ba sa direksyon ng tuwid na daan o doon sa hindi natin tiyak na anong direksiyon ang gusto nilang gawin, maliban sa magkaroon ng kapangyarihan. Kayo po ang boss ko, kayo po masusunod, at ako poy nakasandal pa rin sa inyo dahil palagay ko, totoong kayo ang susi ng ating bansa. Magandang tanghali po. Maraming salamat sa inyong lahat. (applause) * *
12

13

Vous aimerez peut-être aussi