Vous êtes sur la page 1sur 11

BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO I GRAMATIKA AT PAGBASA UNANG MARKAHAN IKALAWANG LINGGO

I. ANG PAKSA/MGA KASANAYAN/MGA KAGAMITAN Paksa : Pamagat ng Texto : Uri ng Texto : Kagamitan : Gamit ng Wika : Istruktura ng Wika : Kasanayang Pampag-iisip : Halagang Pangkatauhan : II. Paglalakbay at Kultura Kaysarap Maging Pilipino Textong Narativ Tula, Teyp ng Awiting Ako ay Pilipino Paghahambing at Pagkokontrast Mga Ponemang Suprasegmental Pagpapasya Paglalahad ng sariling kaalaman o opinyon nang may paninindigan sa sarili

MGA INAASAHANG BUNGA (SA BAWAT ARAW) A. Nalilinang ang komprehensyon at kasanayan sa pagpapaliwanag ng ideya/kaisipang nais ipahatid ng paksa. B. Naipahahayag nang buong husay ang mga mahahalagang kaisipan at opinyong nakapaloob sa texto at ang sariling paniniwala tungkol dito. C. Natutukoy ang layon ng texto. D. Nakikilala ang tiyak na uri ng textong binasa. E. Nakapagbibigay-halaga sa mga ponemang suprasegmental tulad ng tono, antala, haba at diin. F. Nakabubuo ng paghuhusga batay sa kabisaan ng pagkakagamit ng mga ponemang suprasegmental sa pagkakasulat ng texto. G. Naipamamalas ang kahandaang umunawa ng katulad pang textong tinalakay.

II.

PROSESO NG PAGKATUTO UNANG ARAW 1. Mga Panimulang Gawain a. Pagganyak. Pangkatang Gawain. Pagpapakita ng isang FACSTORMING WEB. Pabubuuin ang bawat pangkat ng mga ideya/ kaisipang posibleng nakapaloob sa FACSTORMING WEB sa tulong ng mga sumusunod na tanong: Anu-anong mga kaalaman na maaari ninyong mabuo mula sa FACSTORMING WEB?
12

Bakit ganoong kaisipan ang inyong nabuo?


Pista Pasyon

Ingles Filipino Wika Waray Ilocano Musika

Mahal na Araw

Tradisyon

Pasko

Sa Pamamanhikan Sa Kasal

Kaugalian

KULTURANG PILIPINO

Sa Panganganak Pagtanggap ng Bisita

Sining Sayaw Pagguhit Panitikan Polo Pantalon Saya Kimona Kasuotan

Relihiyon Katoliko Iglesia ni Kristo Protestante

a.1 Pagbabahaginan ng mga kasapi ng pangkat a.2 Pagbabahagi ng lider ng bawat pangkat sa klase ng nabuong kaisipan a.3 Pagbibigay ng feedback sa mga nakinig. Naniniwala ka ba o hindi? Bakit? b. Paglalahad. Pagbibigay-pansin sa paksa KAYSARAP MAGING PILIPINO. Muli, pagbibigayin ng reaksyon ang bawat pangkat sa tulong ng mga sumusunod na tanong: Ano ang isinasaad ng pamagat? Tunay nga bang maipagmamalaki at masasabing KAYSARAP MAGING PILIPINO kapag pinag-uusapan ang kulturang Pilipino? Magbahagi ng sariling karanasaan kung paano mo ipinagmalaki ang sariling kultura

2. Pagbabasa ng textong lunsaran. KAYSARAP MAGING PILIPINO

13

KAYSARAP MAGING PILIPINO


ni Gng. Erlinda D. G. Antaran I Ang dakilang kasaysayan ng ating Inang-Bayan Pilit mong iwaglit sa pusot diway hindi maiaalis Dangal ito ng ating lahi, mabuhay, mainit Kayat halinat gunitain ganda niya at taginting. II Ang bansang Pilipinas na pinakatatangi Sa silong ng araw ay nananahimik Wala ni anumang pangamba sa dibdib Pagkat ang mamamayaniy bayanihan at pag-ibig. III Ngunit isang araw ang bayan ay nagdilim Ibat ibang kamay ng dayuhan humampas sa atin Batas nila at patakaran pilit nilang ipinaaangkin Ang karapatang pantaoy hinadlangan at pinigil. IV Ang bansang Pilipinas ay kanilang iginupo Kalayaan ng ating bayan pilit nilang iginuho Bibig ay may busal, mata ay may piring Sinakatan ang damdamin, pinahirapan ang isip at puso. VI Noon din ang ating bayan, nagpumiglas at nag-isip Isinigaw ang katarungang kalayaan ay maibalik Lahig kayumanggi, buong tapang na lumaban at humarap Laban sa mga dayuhang mapagkamkam at marahas. VI Mga bayani ng lahi isa-isang bumandila Sina Gat. Jose Rizal, A. Bonifacio, A. Mabini at iba pa Pagmamahal sa inang bayan kanilang ipinakita Nagbuwis ng buhay, makamit lamang ang kalayaan ng bayang sinisinta. VII Anupat ang kasarinlan sa wakas ay nakamtan Dahila na rin sa mga bayani at henyo ng bayan Kinilala ang lahing kayumanggi sa kagitingan at katapangan Ngayoy may hihigit pa ba sa kulay at ganda ng kahapong kinagisnan.

14

VIII Ang maging Pilipino ay isang karanagalan Sa ugat at laman koy nananalaytay ang kabayanihan Hindi umuurong sa anubang labanan Taas-noo at nangunguna sa bawat larangan. IX Ang wika koy Filipino sagisag ng kaisahan Pwersang nagpapakilos sa pagsulong bayan Filipino rin ang kasangkapan sa tunay na kasarinlan Tatak ito at simbolo ng ating kalayaan. X Ang kulturang minana koy katutubong talaga Natatangi, naiiba, ipinagmamalaki ng balana Ang mga paniniwala at tradisyon, kaugalian at kultura Kayamanang maipagmamalaki sa bawat bumibisita. XI Sa lahat ng larangan. Pilipinoy kinikilala Ambag nila sa ating sining, buong mundo ay humanga pa Ma-teatro, mapa-Sining, sa isport man ay nangunguna Galing ng Pilipino ay angat lagi sa iba. XII Mga dayuhan ay nabighani rin sa mga gawain at pagdiriwang Moriones, Ati-Atihan, Santa Cruz de Mayo at pangkat Kawayan Maging Pasko at Bagong Taon ay kanilang kinagigiliwan Hinahanap-hanap ang pagbisita sa ating inang-bayan. XIII O! Kaysarap maging Pilipino, kaysarap talaga! Ikinararangal ko ang aking lahi kahit saan mapunta Taas noong ibabandila ang kalinangang nakilala Pagkat itoy sariling atin, simbolo ng demokrasya. XIV O! Kaysarap maging Pilipino, kaysarap talaga! May kulturang marangal na ipinagmamalaki tuwina Isa para salahat at lahat para sa isa Ang dakilang layuning Pilipino na angat salba. 3. Pagbubuod sa textong binasa. Pagbubuod sa tulong CONCEPT MAPPING.

15

MAGIGITING NA KAUGALIANG PILIPINO/ HENYO NG LAHI

KAYSARAP MAGING PILIPINO

MAY MGA KULTURANG IPAGMAMALAKI

WIKANG FILIPINONG IPINAGMAMALAKI ATI-ATIHAN/MORIONES/ STA. CRUZ DE MAYO/ PASKO, BAGONG TAON

SINING/AWIT/ TEATRONG PILIPINO

IKALAWANG ARAW Pagtatalakay sa Aralin 1. Panimulang Gawain a. Pakikinig sa teyp ng awiting AKO AY PILIPINO Ano ang mensahe o nais ipahiwatig ng awit?

2. Pagpapabasang muli sa lunsaran. KAYSARAP MAGING PILIPINO. Pagpapabigkas nang may angkop na damdamin sa isang piling magaaral habang nakikinig ang klase. 3. Pagpapakahulugan sa mga salita, parirala o pangungusap na hindi naunawaan batay na rin sa pagkakagamit nito sa texto. 1. 2. 3. 4. bibig ay may busal mata ay may piring nananalaytay ang kabayanihan ibat ibang kamay ng dayuhan humampas sa atin

4. Pagpapalalim ng kaalaman. Papangkatin ang mga mag-aaral sa walo (8). Magkakaroon ng bahaginan batay sa mga sumusunod. Pangkat 1 at 2: Pagpili ng mga mahahalagang Kaisipan sa texto Pagbubuo ng pansariling Paniniwala sa texto
16

Pangkat 3 at 4:

Pangkat 5 at 6:

Pagpili ng mga opinyon sa texto

Pangkat 7 at 8:

Pagbubuo ng mga sariling opinyon

5. Pagbabahagi sa klase ng kinalabasan ng pangkatang talakayan 6. Pagkuha ng feedback sa iba pang mag-aaral 7. Pagbubuo ng sintesis ng napag-usapan. Anong pangkalahatang kaisipang ang maaari nating mabuo sa naganap na talakayan Dapat nating ipagmalaki ang lahing Pilipino a lahat ng oras at panahon. Ikarangal natin, ipagmalaki at patuloy na pahalagahan ang sariling atin ang KULTURANG PILIPINO. IKATLONG ARAW 1. Panimulang Gawain a. Ano ang inyong pananaw sa salitang Tradisyon. (Pagpapakita ng guro ng mga larawan hinggil sa tradisyon) 2. Pagpapabasa sa isang kaugnay na texto. Mula rito ay magbibigay ng input ang guro tungkol sa layon ng texto.

TRADISYONG PILIPINO
ni Gng. Erlinda G. Antaran I Ang tradisyong Pilipino kung pag-uusapan Ang pagpapahalagang pantaoy buhay na larawan Isinapuspong palagi ang kagandaang-asal Pagkalahi ng bayan, lubos na ginagalang.

II
17

Tradisyong Pilipino noon at magpasahanggang ngayon Ipinaglaban ng mga bayaning manatili sa bawat panahon Mula sa katutubo, Kastila, Amerikano at Hapon Tradisyon natin ay nagningning at kinikilala sa lahat ng panahon. III Kaya ngat tradisyong Pilipino ay maipagmamalaki Tulay ito sa pagbabago at simbolong natatangi Kaugalian at kilos, tunay na kawiliwili Hagdan ito sa tagumpay at kapayapaang minimithi. Isa-isahin ang mga nais sabihin ng texto sa mga mambabasa. 3. Pagbibigay ng faynal input ng guro tungkol sa layon ng texto at uri nito. Ang layon ng texto ay tumutukoy sa mga kaisipang nais sabihin ng may-akda sa mga mambabasa. Ang mga kaisipang ito ay may tiyakang kaugnayan sa sarili, sa isang tiyak na personalidad at sa kalahatan. Narativ ang texto kung ito ay nagpapakita ng mga kaalaman tungkol sa mga tiyak na pangyayari, kilos at galaw sa mga tiyak na panahon. Nagsasalaysay din ito ng mga magkakaugnay na kaisipan.

4. Papangkatin muli sa apat ang klase. Ipasusuri ang textong lunsaran. KAYSARAP MAGING PILIPINO ayon sa layon at uri ng texto. Gabay na Tanong: Ibigay ang mga nais sabihin ng texto sa mga mambabasa. Patunayan sa tulong ng mga tiyak na bahagi. Bakit tinawag na textong narativ ang tula? Magbigay ng patunay.

5. Pagbabahaginan ng ginawang pagsusuri. 6. Pagbubuo ng sintesis.

Ang layon ng texto ay tumutukoy sa kaisipang nais sabihin ng may-akda sa mambabasa. Narativ ang texto18 kung ito ay nagpapakita ng mga informasyong tungkol sa mga tiyak na pangyayari, kilos at galaw sa mga tiyak na panahon.

TEXTONG NARATIV

LAYON NG TEXTO

IKAAPAT NA ARAW 1. Panimulang Gawain a. Pagdadayalogo ng dalawang mag-aaral. Pag-uusap hinggil sa isang darating na okasyon. Pagbibigay-pansin sa kanilang pagsasalita (tono, haba, diin, at antala). 2. Pagbibigay ng guro ng kailangang input upang makilala ang mga hiram ponemang surpasegmental tulad ng tono, antala, haba at diin. Tono ang taas-baba na iniuukol sa pagbigkas ng pantig ng isang salita upag higit na maging mabisa ang ating pakikipag-usap.

Haba Diin Antala

tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol sa nagsasalita sa patinig ng pantig ng salita. tumutukoy sa lakas ng bigkas sa pantig ng salita. saglit na pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na 19 maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.

3. Muling Pagpapabasa sa textong lunsaran. KAYSARAP MAGING PILIPINO. 4. Pagsusuri sa texto batay sa mga ginamit suprasegmental tulad ng tono, antala, haba at diin. Pangkat 1: na ponemang

Mga salitang/bahaging nagpapakita ng tono * ang nagsasalita nagdududa ang nagsasalita nagpapatunay ay nagtatanong o

3 Halimbawa: 2 1 ga la ta

ta

la

ga

ay

papatotoo

Pangkat 2: Mga salitang nag papahiwatig ng antala Halimbawa: Sinaktan angdamdamin/pinahirapan/ang puso at isip. Pangkat 3: Mga ponemang suprasegmental na ginamit sa paniniwala Halimbawa: Anupat ang kasarinlan sa wakas ay nakamtan. Dahilan na rin sa mga bayani at henyo ng bayan. *Ang tono o pagtaas-baba ng bigkas sa taludtod na ito auy nangangahulugan ng isand matinding paniniwala at pagpapahalaga. 5. Pagbabahagi sa klase ng ginawang pagsusuri. 6. Pagpapalalim sa paksa batay sa mga sumusunod na tanong. 1. Makabuluhan ba ang pagkakagamit ng mga halimbawang ponemang suprasegmental sa texto? 2. Mahalaga ba ang kaalaman sa paggamit ng mga ponemang suprasegmental sa pagbubuo ng isang textong narativ? Patunayan.

20

7. Pagbubuo ng sintesis batay sa paksang pinag-usapan. EFEKTIVONG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON PONEMANG SUPRASEGMENTAL TONO HABA AT DIIN ANTALA

Sa efektivong komunikasyon, mahalaga ang pagkakaroon ng kaalamang panggramatika patungkol sa mga ponemang suprasegmental. Sa tulong ng nabanggit na kaalaman, magiging malinaw rin ang mensahe, damdamin o kaisipang nais ipahatid sa kausap.

IV.

EVALWASYON IKALIMANG ARAW 1. Panimulang Gawain a. Ano ang pagkakaalam mo sa Ati-Atihan? 2. Pagpapabasa ng isa pang halimbawang textong narativ. Paksa: ATI-ATIHAN SA AKLAN.

ATI-ATIHAN SA AKLAN
Ati-Atihan isang pagdiriwang na hindi mapapantayan anumang bansa at itoy sa Pilipinas lamang ginagawa taun-taon. ng

Subalit, ano nga ba ang Ati-Atihan? Saan at paano naganap ang unang Ati-Atihan? Sa isang lugar sa Panay, ikalabintatlong daan taon na ngayon ay ipinagpalit ni Haring Marikudo ng mga Ati ang kanilang lupain sa mga Malay ng gintong salakot, batya at isang kondisyon na ang Malay ay hindi na pupunta sa kabundukan na kanilang tinitirhan. Subalit nilabag ito ng mga Malay kayat dito nagsimula ang alitan ng dalawang lahi. Tumagal ang labanan hanggang pagpasyahan ng mga pinunong mag-usap para sa kapayapaan ng bawat lahi. Pumayag din naman si Haring Marikudo at ang kanyang Amang si Polpulan subalit pumunta silang may kasamang mga mandirigma pagkat hindi raw sila nakasisiguro sa kanilang kaligtasan. Sa Kalibo, ginawang lahat ng mga Malay ang lahat ng maaaring ikasiya ng mga Ati upang ipakita ang kanilang layunin. Sinimulan ang

21

peace talk at pinakinggan ng parehong panig. Napagkasunduan nilang ang mga Ati ay maaari nang mangisda sa karagatan ng mga Malay. Natapos ang usapan at itoy sinundan ng napakasayang pagdiriwang. Nag-inuman sila ng tuba at sumayaw ang mga Ati upang ipakita ang kanilang kasiyahan. Umawit naman ang mga Malay na sinaliwan ng malalakas na tunog na ugong na nagsasaaf ng kanilang dakilang layunin sa mga Ati. Nagsiuwian sa bundok ang mga Ati na may kasiyahan habang ang mga Malay ay kumakaway pa sa knila. Ang kanilang paghihiwalay ay simula ng kanilang pagsasamahan. Hanggang sa itoy maging kaugalian taun-taon, sa kabila ng pagbabago ng panahon. At ito ay isa na rin sa mga tourists attraction. Minsan pang napatunayan na ang naghahangad ng kabutihan ay nagdudulot ng kaayusan at kapayapaan. 3. Pagsusuri ng binasang texto batay sa mga tiyak na katangian. b. Anu-ano ang mahahalagang kaisipan sa texto? c. Anu-ano ang mga opinyong matatagpuan sa texto? d. Ano ang pangunahing punto na nais sabihin ng texto sa mga mambabasa? 4. Pagsusuri sa binasang texto batay sa mga halimbawang ponemang suprasegmental na maaaring magamit sa texto. Halimbawa: ____________ Ati: Massaya? ____________ Malay: Masaya. : Hindi, maaring pumunta sa kabundukan. : Hindi maaaring pumunta sa kabundukan.

____________ Malay ____________ Ati

5. Pagpapasulat ng isang alamat. Gabay : 1. Sumulat ng isang textong narativ. 2. Pagtuunan ang layon ng texto. 3. Isaalang-alang ang mga ponemang suprasegmental 6. Pagpapahalaga sa ilang isinulat ng mga mag-aaral. 7. Pagbibigay ng guro ng faynal input sa araling tinalakay Ponemang Suprasegmental sa isang textong narativ.

22

Vous aimerez peut-être aussi