Vous êtes sur la page 1sur 13

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES - DILIMAN

Ang Fastfood sa Pilipinas


Mga Dahilan at Epekto sa Pagtangkilik Nito
Kyle Angelo L. Madrid 2012-24551 College of Engineering

Filipino 40 WF 10-11:30 Wilfreda Legaspi Isinumite: Pebrero 27, 2013

ABSTRAKT Malaking bahagi ng kinagagastusan ng mga Pilipino ay sa pagkain dahil mahalaga itong pangangailangan (NSCB, 2013). Malaki ang ginagampanan dito ng fastfood, klase ng pagkain na madali at mabilis gawin, ihanda at madalas na ibinebenta sa mga kainan (Merriam-Webster Dictionary). Maraming makikitang kainang fastfood sa Pilipinas. Pumili ng ilang kainang fastfood para talakayin mula sa pagsasaliksik sa mga newspaper, magazine, patalastas sa telebisyon, ilang mga pag-aaral, at sa internet. Pinili lamang ang ilan sa madalas na lumalabas at kilala sa Pilipinas, partikular sa National Capital Region (NCR). Ang mga napiling kainan ay isinaayos sa kung saan nagmula o naitatag at kung ang pagkain ba ay lutong Pilipino o hindi. Makikita na halos kalahati ng mga napiling kainan ay mula sa ibang bansa at ang pagkain ay lutong dayuhan din. Samantalang ang natirang kumulang-kulang na 50% na kainang nagmula sa Pilipinas ay nahati pa sa kalahati, ang una ay nagbebenta ng pagkaing Pilipino at ang natira naman ay pagkain mula sa ibang bansa. Makikita rin ang pamamaraan ng mga may-ari ng kainang fastfood, na nagbebenta ng kanluraning pagkain, para mas tangkilikin ito ng mga Pilipino. Ang pagtangkilik sa fastfood ay hindi maiiwasan dahil mas mura ang ito kumpara sa ibang pagkain, mas mabilis makuha at angkop sa makabagong pamumuhay (Macabasco, 2010). Kaya naman malaki rin ang epekto nito sa pamumuhay at kulturang Pilipino.

Talaan ng Nilalaman I. II. III. IV. V. VI. Panimula Kilalang mga Fastfood Nangungunang mga Kainang Fastfood sa Pilipinas Iba pang mga Kainang Fastfood sa Pilipinas Iba pang Detalye Ukol sa Fastfood Konklusyon 1 2 2 5 8 10

Sanggunian Apendiks A. Listahan ng mga Piling Fastfood B. National Statistic Coordination Board (2013). Table 11B. Household Final Consumption Expenditure by Purpose 1st Quarter 2010 to 4th Quarter 2012 and Annual 2010 to 2012 at Constant 2000 Prices. C. Sureta Jr., A.S. (2011). Peoples Preference of Fast Food Stores in the National Capital Region. Stratpolls, Inc. D. Africa, T. (2011). Family Income Distribution in the Philippines

I.

Panimula

Mula adobo at balut hanggang sa sisig at tinola, mapapatunayang maraming ibat ibang pagkain ang nagmula sa Pilipinas dahil na rin sa marami at malawak na mga kultura dito. Ang mga Pilipino ay mahilig ding kumain at malaki ang pagpapahalaga sa pagkain. Sa isang istatistik ng National Statistic Coordination Board (NSCB), ipinakita na noong taong 2012 ay 41.7% ng kanilang pera ay itinatalaga ng mga Pilipino para sa pagkain.[1] Malaki ang ginagampanan ng mga fastfood para sa pangangailangan sa pagkain. Ang fastfood ay ang mga pagkaing madali at mabilis gawin at ihanda at madalas na ibinebenta sa mga kainan (Merriam-Webster Dictionary). Sa papel na ito, ginagamit din ang fastfood para sa mga kainang nagbebenta ng ganitong mga pagkain. Ayon sa pag-aaral ni Salvador Catelo (2005), tumataas ang pagtangkilik ng mga Pilipino sa fastfood. Ang pagkakaroon ng malaking populasyon, mataas na kita, mabilis na pagbabago na uri ng pamumuhay pati na rin ang dualincome[2] ng mga Pilipino ay ang ilan sa mga dahilan sa pagtangkilik ng hindi lang fastfood at pati na rin sa supermarket. Ipapakita rito ang ilan sa mga kilalang kainang fastfood sa Pilipinas. Tatalakayin at susuriin din ng papel na ito kung paano nakaaapekto ang pagkakaroon ng mga fastfood at ang dahilan kung bakit dumarami at lumalago ang industriyang ito. Ang listahan[3] ng mga kilalang fastfood ay mula sa pagsasaliksik sa mga newspaper, magazine, patalastas sa telebisyon, ilang mga pag-aaral, at sa internet. Pinili lamang ang 30 na madalas na lumalabas at kilala sa Pilipinas, partikular sa National Capital Region (NCR). Marami pang ibang mga fastfood na matatagpuan sa Pilipinas, ngunit itong mga nakalista lamang dito ang mas pagtutuunan ng papel na ito. May pagsusuri rin mula sa pagsisiyasat ni Sureta Jr. (2011) ng StratPOLLS, Inc.

II.

Kilalang mga Fastfood

National Accounts of the Philippines. Table 11B Household Final Consumption Expenditure by Purpose at 2000 prices.(tingnan sa Apendiks B ang buong detalye) 2 Ito ay kung saan parehong magulang ng isang pamilya ay naghahanapbuhay at may sariling kita 3 Makikita ang Listahan sa Apendiks A
1

Sa pag-aaral ni Ditas Macabasco (2010), isang Agribusiness Specialist, malalaman na ilan sa mga pagkaing karaniwang tinatangkilik ay hamburger, french fries, manok, spaghetti, pizza at donuts. Ang hamburger ay gawa sa karne, at madalas ay karne ng baka, na nasa gitna o nakaipit sa tinapay, na tinatawag na bun, at minsan ay may iba pang laman tulad ng keso at gulay. Ito ay kilala sa Jollibee, McDonalds, Wendys, Burger King, Burger Machine at iba pa. Ang french fries naman ay hinati-hating patatas na pinirito. Ito ay madalas na binibili kasama ang iba pang mga pagkain gaya ng hamburger at tinatawag itong value meal. Ang french fries, gaya ng hamburger ay kilala rin sa Jollibee, McDonalds, Wendys, Burger King at iba pa. Ang manok naman ay kilala bilang pinakamabentang fastfood. Ito rin, gaya ng french fries ay madalas na binibili kasama ang iba pang pagkain at madalas nito ay spaghetti, isang klase ng luto ng pasta. May ibat ibang klase rin ito ng luto. Pinakakilala sa pritong manok ang Kentucky Fried Chicken (KFC) ngunit mayroon din namang iba gaya ng McDonalds at Jollibee pati na rin ang roast ng Kenny Rogers Roasters. Lechong manok ang kilala sa Andoks at inasal na manok naman sa Mang Inasal. Ang pizza naman ay gawa sa dough na hinulma para maging flat disc; nilalagyan din ito ng sarsa na gawa sa kamatis, keso, gulat, karne, at iba pa depende sa luto. Sikat itong fastfood sa Greenwich, Pizza Hut, Yellow Cab, Shakeys, Sbarro at iba pa. Isa sa pang kilalang fastfood ay donut, na isang tinapay na minatamisan at nilagyan ng iba pang sangkap para sa ibat ibang lasa at madalas itong hugis singsing (bilog na may butas sa gitna). Kilala rito ang Mister Donuts, Dunkin Donuts at Go Nuts Donuts (Macabasco, 2010). Ang iba pang kainang fastfood ay kilala sa kanilang putahe mula sa Asya. Kilala sa pagkaing Japanese ang Tokyo Tokyo at Karate Kid. Pagkaing Chinese naman ang sa Chowking. III.Nangungunang mga Kainang Fastfood sa Pilipinas Sa pagsisiyasat ni Alfredo Sureta Jr. (2011) ng StratPOLLS, Inc.
[4]

makikita na ang

nangungunang sampung kainan ay (1) Jollibee, (2) McDonalds, (3) Mang Inasal, (4) Chow King, (5) Greenwich, (6) KFC, (7) Maxs, (8) Burger King, (9) Kenny Rogers, at (10) Shakeys. Ang Jollibee ay itinatag at pagmamay-ari ni Tony Tan Caktiong. Isa lamang itong ice cream parlor dati pero ngayon ay nangunguna sa mga kainang fastfood at may higit nang 750 na kainang naitayo sa buong Pilipinas. May mga kainan na rin ang Jollibee sa ibang bansa gaya ng
4

Pagsisisyasat ni Sureta (2011) at StratPOLLS, Inc. na matatagpuan sa Apendiks C

sa USA, Vietnam, Hong Kong, Saudi Arabia, Qatar at Brunei. Bilang Pilipino ang kaniyang target ay mga tradisyonal na pamilyang Pilipino. Nakapokus ang kumpanya sa pagpapahalaga sa pamilya mula sa mga patalastas, pagsusulong at maging sa loob ng kainan. Kaya naman Jollibee ang nangunguna sa Pilipinas bilang kainang fastfood. Ilan sa mga makakain dito ay ang kilalang Chickenjoy, Yumburger, at Jollibee Spaghetti na kanilang orhinal na bersyon ng pritong manok, burger at spaghetti (Jollibee Foods Corporation [JFC], 2013). Ang McDonalds naman ay isang kainang fastfood na nagsimula nang bumili si Ray Croc noong 1955 ng isang prangkisya mula sa isang tindahan ng burger na pagmamay-ari ni Dick at Mac McDonald. Makaraan ay binili na niya ang pangalang McDonalds at itinayo niya ang unang kainan sa Des Plaines, Illinois na naging matagumpay at ngayon ay kilalang kialala na sa mundo ngayon. Sinasabing ito ang nangungunang kainang fastfood sa buong mundo na may 33,000 nang kainang naitayo. Sa Pilipinas naman, noong 1981 naitayo ang unang McDonalds at noong 2005 nagkaroon ng McDonalds Philippines na buong pagmamay-ari ng Pilipino at ngayon ay may higit na 375 nang kainang naitayo sa Pilipinas. Ang kanilang misyon daw ay pagsilbihan ang mga Pilipino sa pamamagitan nang pagbibigay ng paghahanda ng mga pagkaing angkop para sa mga Pilipino. Ilan sa kilalang fastfood ay ang Quarter Pounder, Cheeseburger, at Big Mac na ibat ibang klase ng burger at french fries, pati na rin sundae. Partikular sa Pilipinas ay nagbebenta rin sila ng Chicken McDo, Burger McDo at McSpaghetti na orihinal nilang resipe na ginamitan ng lutong Pilipino para maging angkop sa panlasa ng kanilang pinapakain kaya naman kilalang kilala ang McDonalds sa Pilipinas (McDonalds Corporation, 2012). Ang Mang Inasal ay itinatag at pagmamay-ari ni Edgar Sia II bilang isang kainang fastfood na kilala sa kanilang litson o inihaw na manok o chicken barbeque. Itinatag niya ito noong 2003 sa Iloilo City at sa 2012 ay mayroon nang higit sa 500 na kainan ang naitayo. Noong 2010 naman ay binili ng Jollibee Foods Corporation (JFC) ang 70% ng Mang Inasal dahil sa sinasabing isa ito sa mga malakas na kalaban nito. Mabilis ang paglaki ng Mang Inasal gamit ang kanilang inihaw na manok kasama ang ilang Pilipinong putahe gaya nang sisig, bangus, pansit, puto at iba pa. Mungkahi nilang mapagsilbihan ang mga Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagkaing Pilipino pati na rin ang pagtangkilik sa produktong Pilipino, gaya ng dahon ng saging na ipinambabalot nila sa kanin, calamansi, uling, at iba pa (Mang Inasal Philippines Inc., 2013).

Ang Chowking ay itinitatag ni Robert Kuan noong 1985. Sinasabing ito ang nangungunang kainang fastfood na nagbebenta ng mga pagkaing Intsik at/o silanganin na hinaluan ng konseptong kanluranin. Lumago ito at nakapagtayo sa ibang bansa gaya nang sa US at Middle East. Ang mga pagkain dito ay mga siomai, siopao, halu-halo, Chao Fan ( fried rice) at mayroon din silang pritong manok, burger at pancit. Noong 2000 ay binili ng JFC ang Chowking para makibahagi sa silanganing pamamaraan ng pagluluto (Chowking, 2010). Ang unang Greenwich ay isang over-the-counter na kainan lamang sa Greenhills Commercial Center noong 1971. Noong 1994 naman ay nagkaroon na ng 50 kainan at patuloy pang dumarami. Noong 1993 ay binili ito ng JFC hanggang noong 2006 kung kailan nabili na ng JFC ang buong Greenwich at pinalitan ito ng pangalan at naging Greenwich Pizza Corporation. Ito naman ang sinasabing nangungunang kainang fastfood na pizza at pasta sa Pilipinas. Nagmula rin ito sa Pilipinas kaya ang kanilang mga pagkain ay may halong Pilipinong pamamaraan kaya naman kilalang-kilala at lumago ito sa bansa lalo na noong binili ito ng JFC (Greenwich Pizza Corporation, 2013). Ang KFC o Kentucky Fried Chicken ay itinatag ni Harland Sanders noong 1930 sa Kentucky, United States. Sumailalim ito sa ibat ibang korporasyon, sa Heublein, R.J. Reynolds, PepsiCo. at mula dito ay ito ang naging unang kainang fastfood na naitayo sa Tsina. Nasama ito sa Tricon Global Restaurants, kasama ang Pizza Hut at Taco Bell at makaraan ay naging Yum! Brands (ang pangalan ng Tricon Global Restaurants). Sikat na sikat ito sa kanilang pritong manok na sinasabing may 11 na sikretong sangkap na nakapagpapasarap nito. Dahil sa kanilang pritong manok, kasama ang sikat din nilang gravy, french fries at pasta, ay sinasabing pumapangalawa ito sa McDonalds sa nangungunang kainang fastfood sa buong mundo (Kentucky Fried Chicken, 2011). Ang Burger King ay isang kainang fastfood na itinatag ni James McLamore at David Edgerton sa nagkaroon ng kainan sa Miami, Florida noong 1954-1955. Noong 1967 ay naging kasosyo ng Burger King Corporation ang Pilssbury Corporation na binili naman ng Grand Metropolitan PLC noong 1989 at lalo pa iton kumalat sa buong mundo. Noong 0000 naman ay binili ito ng JFC. Sikat ang Burger King sa kanilang burger at sinasabing ito ay pumapangalawa sa mga sikat na nagbebenta ng burger sa buong mundo (Burger King Corporation, 2013). Ang Kenny Rogers ay unang naitatag sa Florida noong 1991. Noong 1995 naman ay binuksan ang Kenny Rogers sa Pilipinas ng Roasters Philippines Inc. Sikat ito sa pagbebenta ng

mga pagkaing masustansya kaya naman roasted ang kanilang manok, ngunit meron din naman silang prito, pati na rin ang kanilang salad, side dishes at muffins (Kenny Rogers, 2012). Ang Shakeys ay itininatag ni Sherwood Shakey Johnson at Ed Plummer sa Sacramento, California noong 1954. Sa kanilang tagumpay ay kumalat ito sa buong mundo at noong 1975 ay nakarating sa Makati, Pilipinas. Kilala ang Shakeys sa kanilang pizza at Mojo (trademark) na isang klase ng pritong patatas (french fries). Nagbebenta rin sila ng pritong manok at pasta (Shakeys Pizza, 2013). IV. Iba pang mga Kainang Fastfood sa Pilipinas Ang Andoks Litson ay itinatag noong 1985 sa Quezon City sa Pilipinas at ngayon ay mayroon nang mahigit 300 na kainan sa buong bansa. Kilala ang Andoks sa kanilang mga pagkaing Pilipino. Ilan lamang sa kanilang mga ibinebenta ay ay litsong manok, litson liempo, at sisig. Talagang pang tradisyunal na Pilipino ang kanilang kainan lalo na dahil sa balat ng saging ang plato at ang paggamit ng konsepto ng pagkakaisa ng pamilya sa kanilang pagsulong (Andoks Litson Corporation). Ang BonChon ay isang kainang Korean na naitatag noong 2002 sa Busan, Korea. Noong 2010 naman ay nakarating ito sa Pilipinas. Ang BonChon ay kilala sa kanilang Korean-style na pritong manok at ang kasama nitong sarsa, kasama na rin ang ilang putaheng Koreano (BonChon, 2012). Ang Box O Rice naman ay itinatag noong 2001. Sila ay nagbebenta ng mga pagkaing Pilipino. Karaniwang mga nakakahon na kanin na may toppings na ulam (Box O Rice, 2012). Ang Burger Machine naman ay nagmula sa ideya ni Fe Esperanza Rodriguez na gawing mobile food vans ang mini buses noong 1981 at unang itong nagbenta sa EDSA at Aurora Blvd. Kilala ang kainang ito sa kanilang ibinebentang burgers nang buong araw at sinasabi ng Food and Nutrition Research Institute (FNRI) na masustansya ito kumpara sa ibang burgers sa ibang kainang fastfood. Sinasabing sa kanila nagmula ang cheesedog o hotdog sandwich na may keso (Best Jobs Philippines). Ang Pier One Bar Grill and Holdings Corporation naman ang nagtatag sa Chic-Boy noong 2010 sa Malito Alabang sa Pilipinas. Sa dalawang taon lamang ay dumami na ito sa mahigit 135 na kainan. Kilala ang Chic-Boy sa ibat ibang lutong Pilipino ng manok at baboy.

Ang ilan sa kanilang mga ibinebenta ay ang litsong manok, liempo at inasal na manok Chic-Boy (Chicken at Baboy, 2010). Ang unang kainan ng Dairy Queen ay sa Joliet, Illinois noong taong 1940. Mula noon ay kumalat ito sa buong hanggang makarating sa Pilipinas noong taong 2006 at unang nagbukas sa Araneta Center. Sikat ang Dairy Queen sa kanilang burgers at sandwiches ngunit sa Pilipinas ay nagbebenta lang sila ng mga malalamig at matatamis na pagkain gaya ng shake, ice cream at sundae (Dairy Queen Corporation, 2013). Noong 1946 ay itinatag ni William Rosenberg ang Industrial Luncheon Service na nagpapadala ng mga pagkain at kape sa mga trabahador. Ito ay kumita at noong 1950 ay itinatag na niya ang Dunkin Donuts sa Quincy, Massachusetts. Kilala ang Dunkin Donuts sa kanilang donuts at kape. At noong 1981 naman ay nakarating ito sa Pilipinas at unang naitayo sa Makati ng Golden Donuts Inc. at ngayon ay may mahigit nang 500 na kainan ito sa bansa (Dunkin Donuts, 2013). Noong 1966 ang magkakapatid na sina Milagros at Clarita Leelin, kasama si Doris, ang nagtatag ng isang panaderya sa Makati. Tinawag itong Goldillocks, na nakapangalan sa isang kilalang fairy tale, para raw mas maalala ito ng mga tao, lalo na ng mga bata. Kilala ang kanilang mga keyk at iba pang luto ng tinapay. Kumalat na rin ito sa labas ng Pilipinas. Sa paglago nito ay nakapagbebenta na rin ito ng mga Pilipinong ulam at kanin gaya ng kaldereta, kare-kare, pancit, palabok at mga matatamis na pagkain. Ginagamit nito ang kulturang Pilipino, na mapagmahal at mapag-alala lalo na sa pamilya (Goldilocks, 2011). Ang Go Nuts Donuts ay naitatag noong 2003 sa Manila ng pamilyang Trillana-De Ocampo na nagmamay-ari na rin ng iba pang kainang fastfood. Ang donut ng Go Nuts ay may orihinal na resipeng Pilipino. Sinasabi rin na ang mga donuts nila ay mas tumatagal ng 3 o apat na araw kumpara sa iba pang mga donuts. Ito raw ang dahilan kung bakit naging kilala ito nilang pasalubong ng mga Pilipino kahit pa may iba pang mga nagbebenta ng donut mula sa ibang bansa (Go Nuts Donuts). Ang Karate Kid ay isang sikat na Japanese-American na kainang fastfood. Noong 2002 unang nabuksan ang kainang ito sa Manila, Pilipinas. Binebenta nila ang mga pagkaing Hapon na niluto sa kanluraning pamamaraan. Kilala sa kanila ang sushi, maki, ilang may kanin, ramen at iba pa (Karate Kid, 2010).

Ang Mister Donut naman ay unang naitatag sa Boston, USA noong 1955. Ito ay kumalat sa iba pang bansa at umabot sa Pilipinas noong 1982. Mula noon ay mayroon nang mahigit 2000 kainan sa Pilipinas. Kilala ang Mister Donut sa pagbebenta ng donut at kape (Mister Donut Philippines, 2011). Ang Red Ribbon Bakeshop ay nagsimula sa Quezon City noong 1979 at ngayon ay mayroon nang mahigit 200 na kainan sa buong bansa. Noong 2005 ay binili ang Red Ribbon ng JFC at mula noon ay nanguna na sa Pilipinas bilang panaderya ang Red Ribbon. Kilala sila sa kanilang keyk, tinapay pati na rin sa kanilang pasta. Ang kanilang kampanya na Whatever the celebration, its more beautiful with a Red Ribbon ay talagang nakakukuha ng atensyon ng mga Pilipino. Sinasabing tradisyon na ng mga Pilipino ang magkaroon ng selebrasyon mula sa kaarawan, binyag at maging sa kasal. Kaya naman itinuturing na isa sa mga pinakamalaking panaderya ang Red Ribbon (Red Ribbon Bakeshop, 2009). Sa Chinatown sa Manila nagsimula ang Rice in a Box noong 2000. Nagbebenta sila ng mga sinangag (fried rice) na may Chinese toppings. Mayroon na itong mahigit sa 200 na kainan sa Pilipinas (Rice in a Box, 2010). Ang Sbarro family naman ang nagtatag ng Sbarro noong 1956 na tindahan pa noon ng keso, sausage at salami. Noong 1967 ay ginawa nila itong kainan at nagbenta sila ng pizza at ilang pagkaing Italian. Si Jimmy Salvador ang unang nagtayo ng Sbarro sa Pilipinas noong 1990 bilang una sa buong Asya. Mula noon ay nagkaroon na ng 25 na kainan ang Sbarro sa Pilipinas. Ang sinasabing dahilan ng tagumpay nila ay ang kanilang sangkap, tradisyon, resipe at kahalagahan ng pamilya (Sbarro, Inc., 2013). Ang Starbucks ay nagsimula sa Seattle noong 1971. Noong 1981, si Howard Schultz unang nakakain sa Starbucks at noong 1982 din ay sumali siya sa Starbucks. Ngayon siya na ang Chairman, President at Cheif Executive Officer ng Starbucks. Sa ngayon kalat ang Starbuck sa 55 na bansa kasama ang Pilipinas. Ang Starbucks ay kilala sa kanilang kape at ilang tinapay (Starbucks Corporation, 2013). Noong 1950s itinatag ni Glen Bell ang unang kainan ng taco na kilala ngayon bilang Taco Bell. Noong 1978 ibinenta niya ito sa PepsiCo. at mula dito ay nagmura ang mga pagkain ng Taco Bell at kumalat na ito sa mundo. Nakarating ito sa Pilipinas noong 2004 sa Araneta Center. Sinasabing dinumog daw ito ng mga tao para matikman ang taco at iba pang Mexican na

pagkain. Kahit pa kakaunti lamang ang mga kainan ng Taco Bell ay sikat pa rin ito sa Manila dahil sa kanyang kakaibang pagkain na bago sa panlasa ng mga Pilipino. Ang Tapa King naman ay kilala sa kanilang sariling resipe ng tapa na sinasabing ipinasa lamang sa kanilang pamilya. Noong 1987 sa Makati unang itinatag ang Tapa King bilang isang kainang fastfood. Nagsilbi itong alternatibo sa mga lumalaganap na fastfood na burger, pizza at iba pa, dahil na rin angkop ito sa panlasang Pilipino at may kanin. Kaya naman patuloy ang paglaganap nito sa bansa (Tapa King, 2011). Ang Tokyo Tokyo ay itinatag sa Makati, Pilipinas noong 1985 at ngayon ay may higit sa 56 na kainan na. Kilala ito sa pagkaing Hapon, pati na rin sa kanilang kanin na maaring kumuha ka uli ng libre at kahit gaano karami. Ang kanilang mga pagkain din ay kahit Japanese ay gumamit ng kanluraning pamamaraan ng pagluluto kaya naming naging kilala ito (Tokyo Tokyo). Ang Tropical Hut ay itinatag sa Pilipinas ng pamilyang Que noong 1952 at ngayon ay mayroon nang mahigit 50 na kainan sa buong bansa. Burgers ang kanilang pangunahing ibinebenta ngunit mayroon din naman manok at pasta. Kanluraning pagkain na nakaluto sa Pilipinong pamamaraan ang ginamit ng Tropical Hut (Quick Delivery). Ang Wendys ay sinimulan ni Dave Thomas noong 1969 sa Ohio. Nagkaroon lamang ng Wendys sa Pilipinas noong 1983 sa ilalim ng Wenphil Corporation. Sinasabing naging matagumpay ito kahit pa laganap ang marami pang kainan ng burger dahil na rin siguro sa kanilang salad bar at serbisyo na 24 oras (Wendys Corporation). Ang Yellow Cab naman ay naitatag sa Pilipinas at kilala rin sa ibang bansa. Kilala sa kanila ang pizza, pasta at manok. Ang kanilang luto ay purong kanluranin (Yellow Cab Corporation, 2013). V. Iba pang Detalye Ukol sa Fastfood Ayon din sa pagsisiyasat ni Alfredo Sureta Jr. (2011) ay masasabing ang isang Pilipino ay mahilig kumain sa labas (fastfood) na halos dalawa hanggang apat na beses bawat buwan. Madalas din na may kasama siya kapag kumakain at pinakamadalas ay kasama ang kanyang pamilya sunod ay kasama ang kanyang mga kaibigan. Mapapatunayan nito ang tungkol sa kultura ng mga Pilipino na masasabing malalapit ang mga pamilya.

Ayon din sa kanyang pagsisiyasat, makikita na nangunguna ang Jollibee na paboritong kainan. Ang Jollibee ay kainang fastfood na itinatag sa Pilipinas. Kilala ang fastfood nito na ang luto ay pinaghalong lokal at kanluran kaya patok na patok ito sa panlasa ng mga Pilipino. Dahil din sa tagumpay nila sa industriyang ito ay nagmamay-ari rin sila ng franchises ng Mang Inasal, Greenwich, Chowking, Red Ribbon at Burger King (Jollibee Foods Corporation). Makikita na lahat ng ito ay kasama sa nangungunang sampung fastfood sa Pilipinas, maliban sa Red Ribbon (Sureta, 2011). Sunod sa Jollibee at pangalawa sa listahan ni Sureta (2011) ay ang McDonalds. Ang McDonalds ay unang naitatag sa Des Plaines, Illinois at ngayon ay kilala na bilang nangungunang kainang fastfood sa mundo (McDonalds Corporation). Ang paglaki ng industriyang fastfood ay lumalaki dahil dumarami ang namumuhay nang fast-paced (mabilis). Dahil din ang fastfood ay mas mura kumpara sa ibang uri ng pagkain kaya abot-kaya, at mabilis ihanda na tugma sa fast-paced na pamumuhay (Macabasco, 2010). Ang pagkaka-uso rin ng dual-income na mga pamilya ay nakatutulong dito dahil kaunti o halos walang oras ang nakalaan para makapagluto ang mga magulang dahil pareho silang nagtatrabaho (Catelo, 2005). Isa pang bahagi ng pagsisiyasat ni Sureta Jr. (2011) ang tungkol sa Socio Economic Class. Ang paghahati sa mga Pilipino gamit ang mga letra ayon sa kanilang kita [5] (Tomas Africa, 2011). Malaking bahagi ng tumatangkilik ng fastfood ay nasa D, ito ay ang mga nasa gitna sa socio economic class o middle class. Makikita rin na karamihan sa nangungunang sampu ay tatlo lamang (Jollibee, Mang Inasal at Greenwich) ang nagmula sa Pilipinas at isa lamang (Mang Inasal) ang may putaheng pagkaing Pilipino. Ang natirang pito naman ay pagkaing dayuhan partikular sa kanluran. Ang lumalaking pagtangkilik, lalo na ng mga kabataan, sa mga kanluraning fastfood ay hindi lamang makikita sa Pilipinas ngunit pati na rin sa buong mundo. Ito ay dahil mura ito, madaling makuha, at hindi kailangan nang matagal na paghahanda hindi gaya ng pagluluto (Kharusi, 2012). Ayon kay Jeffery, et al. (2006), ang pagkain ng fastfood ay isang high-fat diet, at nakapagpapataas sa Body Mass Index (BMI), isang sukat sa hugis ng katawan batay sa bigat at tangkad (Fleischhacker et al., 2010). Makikita rin na mataas sa taba o fats and oils, sodium, at asukal ang mga fastfood.[6] Ilan pang pag-aaral mula sa Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology (FNRI - DOST) ni Encarnacion (2012) na ang pagkain ng fastfood
Pinagbatayan nito ang presentasyon ni Tomas Africa sa Social Weather System (SWS) noong 2011. Makikita ang buong detalye sa Apendiks D
5

ay nakapagdudulot ng hypercholesterolemia, isang kalagayan kapag mataas ang cholesterol sa katawan. Ang cholesterol ay kailangan ng ating katawan ngunit kapag ito ay sumobra, makapagdudulot ito ng pagbabara ng daluyan ng dugo at magdudulot ng mga sakit sa puso ayon din sa kanya. Isa pang pag-aaral uli sa FNRI DOST ni Guirindola (2006) na ang madalas na pagkain ng fastfood ay nakapagpapadalang naman ng pagkain ng gulay dahil na rin mas mahal ang gulay at mas nakabubusog ang fastfood. Ito ay nakapagdudulot ng obesity o labis na katabaan at pagkakulang sa mga kailangan bitamina. (Food and Nutrition Research Institute) VI. Konklusyon

Mataas ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa pagkain at hindi na rin maiiwasan ang pagtangkilik sa fastfood. Kaya naman malaki rin ang naging epekto nito sa pamumuhay at kulturang Pilipino. Dumarami ang tumatangkilik ng fastfood dahil sa ilang mga dahilan gaya ng mas mura ang fastfood, mas mabilis makuha at angkop sa makabagong pamumuhay. Dahil na rin dito lumalaganap sa panahon ngayon ang pagkakaroon ng mabilisang pamumuhay o fast-paced living kung tawagin. Makikita rin ang laganap na paghahalo ng dayuhan at sariling kultura. Makikita ito sa tagumpay ng Jollibee Foods Corporation na nagbebenta ng mga fastfood na mula sa ibang bansa ngunit niluluto sa Pilipinong pamamaraaan. Mula sa pagtangkilik ng fastfood makikita kung ano ang kalagayan ng mga Pilipino pati na rin ang kanilang pamumuhay. Mapapansin na ang mga middle class ang madalas na tumatangkilik ng fastfood dahil sa kamurahan nito at madaling makuha na angkop sa kanilang pamumuhay na madalas ay abala sa trabaho kaya kaunti lamang ang oras na natitira para sa kanila. Ngunit kahit pa madali at abot-kaya ang pagkain ng fastfood, dapat ito ay iwasan dahil sa rami ng panganib sa kalusugan na dala nito.

Makikita ang mga karaniwang pagkain sa fastfood sa ikalawang bahagi ng papel na ito Kilalang mga Fastfood.
6

Vous aimerez peut-être aussi