Vous êtes sur la page 1sur 32

Teoryang Pangwika

Bb. Maritess D. De Lara

Layunin
a. Naiisa-isa ang mga teoryang pangwika. b. Nasusuri ang pagkakaiba ng dayalekto, idyolek at sosyolek. c. Napapahalagahan ang kakanyahan at kagandahan ng bawat wika.

PANIMULANG GAWAIN
Bawat pangkat ay pipili ng isang teoryang pangwika batay sa mga nasaliksik. Magpapakita din ang bawat pangkat ng isang skit ng varayti ng wika.

Genesis 11:1-9

Tore ng Babel

Genesis 11:1-9
Pagkatapos ng delubyo o malaking baha, ang mga angkang nagmula kay Noah ay dumami nang dumami at lumaganap pagawing Silangan. Sa panahong iyon ay iisang wika lamang ang sinasalita ng lahat ng tao.

Genesis 11:1-9
Sa patuloy na paghahanap ng mga tao ng mabuting pook na mapaninirahan ay natuklasan nila ang lupain ng Babilonya. Doon nagsimula silang magtatag ng isang lungsod.

Genesis 11:1-9
Nagsimula rin silang magtayo ng isang napakataas na templong tore, isang bantayog na sumasagisag sa kanilang palalo at walang hanggang paghahangad na maging malapit sa langit.

Genesis 11:1-9
Nang bumaba sa kalupaan ang Diyos ay nakita Niya ang templong toreng itinatayo ng mga tao. Inisip Niya kung magkakaroon ng isang wika ang mga tao, sila ay mananatiling nagkakaisa at maaaring dumating ang panahon na magiging mas mapaghangad sila.

Genesis 11:1-9
Ang toreng kanilang itinatag ay tanda ng paghahangad na mapalapit sa Diyos at sa dakong huliy mapantayan o malampasan ang kaniyang kapangyarihan.

Genesis 11:1-9
Kayat ang ginawa ng Diyos ay binigyan Niya ng ibat ibang wika ang mga tao upang silay hindi magkaunawaan. Nang hindi na sila nagkakaunawan, ang mga tao ay nagsimulang magkawatak-watak at kumalat sa buong mundo.

Kahariang Ehipto
Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig. Natutunan kahit walang nagtuturo

Charles Darwin
Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na On the Origin of Language, sinasaad niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng ibat ibang wika.

Teoryang Bow-wow
Nagsimula sa panggagaya ng tao sa tunog na likha ng kalikasan.
Hal. Tahol ng aso

Teoryang Ding-dong
Ang bawat bagay sa mundo ay may kasama o kaugnay na tunog na siyang nagiging kahulugan ng mga ito.
Hal. Tunog ng kampana

Teoryang Pooh-pooh
Ang bawat nararamdaman ay may kaugnay na sambitla
Hal. Tawa ng tao

Teoryang Sing-song
Nagbuhat ang wika sa walang kalinawang pag-awit ng mga unang tao.
Hal. Sutsot

Teoryang Yum-yum
Nagsasaad na ang mga unang tao ay tumugon sa pamamagitan ng bibig ayon sa pagkakapusisyon ng dila sa guwang ng bibig.

Teoryang Yo-He-Ho
pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikha ng taong magkatuwang o nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unang nasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na dantaon.

Teoryang Musiko
kilala sa teoryang ito ang DANISH na si OTTO JERPERSON. sinasaad dito na ang wika ay may melodya at tono at walang kakayahan sa komunikasyon o hindi nakakakomunika sapagkat taglay nito ang kakulangan sa mga detalye at impormasyon

Dayalek

Kahulugan
Ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Mayroong halos 400 na dayalekto sa Pilipinas ayon sa pag-aaral ni Ernesto Constantino Makikilala ang dayalekto sa punto o tono at sa istruktura ng pangungusap.

Halimbawa
Maynila

Aba, ang ganda!


Batangas Aba, ang ganda eh! Bataan Ka ganda ah! Rizal Ka ganda, hane!

Halimbawa
Mga Bayan sa Rizal Malabon Navotas Montalban ulaw maghawan humahamog Maynila suya Mag-urong/magligpit umaambon

Angono
Pililia

bibira ako bukas


bangrikit

babalik ako bukas


napakaganda

Tanay
Cardona

budo
kurapa

pipi
sarat/pango

Idyolek

Kahulugan
Ang varayti ng wikang kugnay sa personal na kakayahan ng tagapagsalita.

Halimbawa
- Paggamit ng salitang siya sa halip na ito - Paggamit ng salitang bale

Sosyolek

Kahulugan
Varayti ng wika na ginagamit ayon sa relasyong sosyal. Ito ang ginagamit ng isang indibidwal upang matanggap sa isang soysal-grup na kinabibilangan.

Halimbawa
Wiz ko feel ang mga hombre ditech , day! Wow, pare ang tindi ng tama ko! Heaven! Kosa, payosi naman. Girl, bukas na lang tayo mag-lib. Mag-malling muna tayo ngayon. - Pare, punta tayo mamaya sa Mega. Me jamming dun, e.

Jargon
Ang mga tanging bokabularyo ng isang partikular na pangkat na gawain. Hal. hearing court fiscal

Pagsubok
Sa mga teoryang iyong napili, alin sa mga ito ang higit mong pinaniniwalaan? Paghambingin ang pagkakaiba ng dayalek, idyolek at sosyolek.

Takdang-Aralin
Saliksikin ang mga sumusunod: Rejister ng Wika: Disiplina na Kalikasan, Gamit at Istruktura Domeyn at Repertwang Pangwika: Linggwistik na Persepsyon at Produksiyon

Vous aimerez peut-être aussi