Vous êtes sur la page 1sur 3

Raymundo, Denise Trixie A.

2T2-Performing Arts PAGSUSURI SA DULANG : ADARNA Buod ng Dula:

July 25, 2013

Ang dulang Adarna ay nanggaling sa nobelang isinulat ni Jose Dela Cruz na kung saan ay nagbibigay kahalagahan ito sa pagmamahal sa pamilya at aral sa mga mambabasa nito. Nahati ito sa dalawang kabanata. Ang una ay isang istorya ay nagsimula sa Kahariang Berbanya na kung saan ay nagkaroon ng karamdaman ang Hari ng Berbanya na nagngangalang Fernando. Ngunit hindi siya gumagaling sapagkat hindi pangkaraniwan ang dumapo sa kanyang sakit. Kaya naman ang naging solusyon ng ambularyo ay ang Ibong Adarna na matatagpuan lamang sa Piedras Platas. Kapag umawit ito at napakinggan ng isang taong malubha na ang karamdaman, bigla itong gagaling dahil sa milagrong dala ng boses nito. Nagboluntaryo ang kanyang tatlong anak na sina Don Pedro, Don Diego at Don Juan. Ang naunang umalis ay si Don Pedro. Pagdating niya sa Piedras Platas nakita niya kaagad ang Ibong Adarna ngunit nahulog ito sa bitag ng boses nito at nakatulog. Noong nagising na ito, nakita niya ang Ibong Adarna at may inihulog ito na bola. At noong nahawakan niya ito, siya ay naging bato. Noong hindi nakabalik si Don Pedro, sumunod naman si Don Diego ngunit sa masamang palad, nangyari rin sakanya ang sinapit ni Don Pedro. Hinintay ng Hari ang kanyang dalawang anak ngunit hindi sila nakabalik at sa halip, nagdesisyon si Don Juan na siya na lang humuli sa Ibong Adarna para gumaling ang kanyang amang lumulubha pa ang sakit. Habang siya ay naglalakbay, ginabayan siya ng isang Ermitanyo na tumulong sa kanya sa paghuli sa Adarna at binilinan pa niya ito na kumuha ng tubig sa Batis ng kung saan ang tubig na ito ay mahiwaga. At noong nahuli niya ang Adarna, uminom siya ng tubig na isinalok niya sa kanyang lalagyan. At noong nainom niya ito, biglang bumalik sa normal ang kanyang mga kapatid at sabay silang bumalik sa Berbanya at napagaling ng Adarna ang kanilang ama. Sa pangalawang kabanata naman, dahil sa inggit nina Don Pedro at Don Diego, pinakawalan nila ang ibon at sinisi si Don Juan sa pagkawala nito. At dahil dito, nagkaroon sila muli ng isang paglalakbay para mahanap ang ibon. Sa kanyang paglalakbay, may natagpuan siyang tatlong babae na bumihag sa kanyang puso. Ngunit ang nanalo rito ay si Donya Maria Blanka na kung saan ay isa siyang princesa sa Reina de los Crystales.

Raymundo, Denise Trixie A. 2T2-Performing Arts Mga Tauhan:

July 25, 2013

Si Don Juan ang bunsong anak ni Haring Fernando at Reyna Valeriana. Sa magkakapatid, siya ang pinakamatapang sa kanila at tila bay may mapakumbabang personalidad sa dulang ito. Ngunit makukumpara ko rin siya sa ating bayani na si Jose Rizal. Siya ay matinik sa babae at mabilis siyang makalimot sa mga babaeng pinangakuang babalikan niya na nagbigay ng isang negatibong personalidad sa mga manonood. Si Don Pedro naman ay ang kabaligtaran ni Don Juan. Siya ang panganay sa tatlong magkakapatid at siya ang may pinaka aroganteng personalidad sa kanila. Dahil dito, lahat ng kanyang mga ginagawa ay may halong yabang na umabot pa sa halos pagpatay niya kay Don Juan dahil sa inggit. Pero dahil sa pagmamahal ni Don Juan sa kanyang kapatid, nagawa pa rin niyang patawarin ito. Si Don Diego naman ang pangalawa sa magkakapatid. Masasabi ko na siya ang mahina sa magkakapatid pero pagdating sa tama at mali, nakakapagdesisyon pa siya ng matino ngunit sa mga pagkakataon ay nagpapadala rin siya sa kanyang damdamin kaya hindi na niya lubos maisip ang mga tamang bagay na dapat gawin para sa kanya. Si Haring Fernando naman ay isang mapagmahal na ama. Ngunit dahil mas pabor niya si Don Juan, hindi niya nagampanan ng mabuti ang pagiging ama niya sa kanyang tatlong anak. Si Reyna Valeriana naman ay isang malambing na ina at pantay pantay ang tingin niya sa kanyang tatlong anak. Si Haring Salermo naman ay ang ama ni Donya Maria Blanka na kung saan ay pinahirapan niya si Don Juan dahil hindi siya boto rito para sa kanyang anak. At si Donya Maria Blanka naman ang pangatlo at huling inibig ni Don Juan. Una ay nagalit siya kay Don Juan dahil iniwan niya ito at nalimutan pa. Pero dahil sa galit niya, nagawa niyang ipaalala kay Don Juan lahat ng mga masasayang alaala nila bilang magkasintahan.

Raymundo, Denise Trixie A. 2T2-Performing Arts Ang Dalawang Suliranin ng Dula: Ang mga suliranin sa dulang ito ay mga sumusunod:

July 25, 2013

Una, ay yung away pamilya na kung saan ay nangyayari pa rin ito hanggang ngayon. Ang pagkakaroon ng inggitan sa kapwa kapamilya ay hindi maganda sapagkat itoy nakakamatay katulad na lang ng ginawa ni Don Pedro kay Don Juan na pinutol ang lubid sa balon para hindi na siya ipagkumpara sa kanya ni Haring Fernando. Ang pangalawa naman ay ang pagiging babaero ni Don Juan. Isa itong malaking suliranin sapagkat isa itong bawal na pag-ibig at nakakasakit sa isang babae ang ginawa niya na tila bay mabilis pa siyang makalimot sa mga nangyari sa kanyang mga naging kasintahan. Natutunan ko ditto na pagdating sa pag-ibig, dapat ay hindi tayo padalos-dalos at unahin munang isipin ang magiging resulta nito sa taong mamahalin mo.

Mga Bisa ng Dula: Ang naging bias ng dulang ito ay ibinase nila ito sa realidad na nangyayari sa atin ngayon. At hindi ito naging boring dahil hinaluan nila ito ng konting katatawanan na naaayon sa bawat eksena ng dulang ito. May mga ibang dula na sinusunod ang orihinal na koneksto ng libro. Pero hindi natakot ang director nito na baguhin ng kahit koonti ang dulang Adarna. Mas madali rin itong intindihin dahil direkta ang pagpapahayag nito ng mensahe na siguradong hindi malilito ang mga manonood katulad ko. At ang huli, nagbigay balyus din ito sa mga manonood at hindi puro pagpapasaya lang ang habol nila.

Vous aimerez peut-être aussi