Vous êtes sur la page 1sur 3

TRECE MARTIRES CITY NATIONAL HIGH SCHOOL TRECE MARTIRES CITY

El Filibusterismo (ISANG PAGSUSURING PANTANGHALAN)

BILANG PROYEKTONG PANTANGHALAN SA ASIGNATURANG FILIPINO

PARA KAY: Gng. Sylvia Umbal


GURO-FILIPINO IV

IPINASA NI: Zineka Ninlu C. Rodil IV-Science Class

T.P. 2013-2014

SURING PANTANGHALAN
I. Pamagat
El filibusterismo Ang Pagbabalik

II. Direksiyon
Ang pagtatanghal ng nobelang El Filibusterismo sa patnugot ni Bb. Anne Villegas ay nakatulong sa akin upang mahinuha ang makatotohanang pangyayari na naganap sa akdang isinulat ni Dr. Jose Rizal. Ang mga pagkakasunod-sunod ng bawat eksena maging ang maayos na pagganap ng bawat tauhan ay nagsilbing daan upang maipabatid ang tunay na mensahe ng akda. Sa kabuuan, naging masining ang pagkakabuo sa dula sa pamamagitan ng kombinasyon ng mga emosyon, kagamitan, ang paghahalo ng katatawanan at maging ang kalungkutan ay naging dahilan upang tumatak sa bawat manonood ang nasaksihang pagtatanghal.

III. Balangkas ng mga pangyayari


Hindi naging matagumpay ang balak ni Simoun na pasabugin ang tahanan ni Kapitan Tiyago na kung saan nagaganap ang magarbong salu-salo ng pag-iisang dibdib ni Juanito Pelaez at Paulita Gomez gamit ang isang mamahaling lampara dahil sa pagliligtas ni Isagani. Bagkus ito pa ang nagsilbing patunay para kay Padre Salvi na siya at si Crisostomo Ibarra ay iisa. Upang masimulan ang kanyang pag-aalsa laban sa Espaol, nangalap muna si Simoun ng mga taong handang tumulong sa kanya bilang kasangga at maipatupad ang plano at nauna dito si Kabesang Tales. Ginamit ni Simoun ang pagiging marahas at palaban nito upang himukin na ipaghiganti ang sariling pamilya. Di nagtagal ay sumanib din ang kanyang amang si Tandang Selo ang sumunod nman ay ang Quiroga at di nagtagal ay nahimok nya rin si Placido Penitente. Di naging mahirap para kay Simoun na manghimok ng kakampi sa dahilang tulad nya rin ang mga ito na napag-alab ang galit dahil sa mga kastila.

Agad na pinahanap si Simoun upang dakpin. Para makapagtago ay pumunta siya kay Padre Florentino sa pag-aakalang siyay maiintindihan nito ngunit ang lahat ng kanyang paniniwala ay sinalungat ng pari.

Labing tatlong taon matapos iwan ni Simoun ang Pilipinas at nagbabalik bilang isang mayamang mag-aalahas at pinagtitiwalaan ng Gobernador-Heneral ng Pilipinas, ang kapitan heneral. Nabaligtad na ang kanyang idealismo at siya ay nagiging isang mapangutya at naghahanap ng paghihiganti laban sa maruming sistema ng Espanyol sa pamamahala sa Pilipinas na reponsable para sa kanyang mga pagkasawi sa pamamagitan ng pagbalangkas ng isang rebolusyon. Nakarating si basilio sa San Diego at sa isang pagkakataon ay nagkita sila ni Simoun sa pagdalaw nya sa pinagbaunan sa kanyang ina sa libingan ng mga Ibarra. Nakilala niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo at upang ang ganitong lihim ay huwag mabunyag ay tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Datapwat nakapaghunosdili siya at sa halip ay hinikayat ang binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamamahalang Kastila sa Pilipina. Si Basilio ay tumanggi dahil sa ibig niyang matapos ang kanyang pag-aaral

Dahil doon, tuluyan nang nawalan ng pag-asa si Simoun kayat uminom siya ng lason sa pagaakalang mas mabuti pa yaon kaysa mahuli at pahirapan ng mga espanyol. Sinabi nya kay Padre Florentino ang nakatago niyang yaman bago yumao. Sa halip na gamitin ang yaman ay inihulog niya sa dagat ang kayamanang pag-aari ni Simoun na may pag-iisip na muli itong matatagpuan sa takdang panahon.

IV. Pagganap
Nabigyang buhay ng bawat karakter ang kanilang papel na ginampanan dahil sa magaling at marubdob na pagsasabuhay sa bawat diyalogo at akto na naiatang sa kanila. Narito ang mga tauhan na bumubuo sa dulang El Filibusterismo: -Joseph Ison as Don Simoun -Shermaine Santiago as Maria Clara -Alvin Maago as Basilio -Sarah Aragones as Juli -Jayson Fernandez as Isagani -Mhea Salvador as Paulita -Pet Yanga as Padre Salvi/ Tales/ Quiroga -Algene Maago as Padre Camorra -Bong dela Cruz as Padre Irene/ Maestro/ Paring Administrador/ Propesor -Bernard Carritero as Kapitan Heneral/ Mr. Leeds/ Padre Florentino -Janna Trias as Donya Victorina -Aejay Ubaldo as Macaraig/ Tano/ Kapitan ng Bapor -Philleep Masaquel as Sandoval/ Don Custodio -Aldrin Valencia as Juanito Pelaez/ Ben Zayb -Gerome Quiaoit as Tadeo/ Padre Sybila -Cesar Castaeda as Placido/ Guwardiya 2/ Kalihim -Michelle Dayupay as Hemana Bali/ Penchang/ Madre Superyora/ Kabesang Andang -Richard "Cha" Gutierrez as Tata Selo/ Imuthis -Leo Precilla as Cho Nga/ Pecson/ Kapitan Basilio/ Timoteo Pelaez -Jef Valdoz as Guwardiya 1/ Kabo

V. Editing
Mahusay ang pagkakabuo sa bawat pangyayari at naaayon ito sa malinaw na tagpong nauukol sa akda. Wala namang mga tagpo ang nawawala o hindi na dapat isinama at sadyang maayos ang bawat yugto ng upang makabuo ng isang mahusay at makabuluhang pagtatanghal.

VI. Paglalapat ng tunog


Nakatulong ang angkop na paglalapat ng tunog sa dula sapagkat itoy nagbigay ng buhay upang lalong maging kaaya-aya ang mga pangyayari sa dula. Nagbigay rin ito ng higit na atensyon sa mga manonood ukol sa mahahalagang kaganapang isinagawa halimbawa nalang ng makatotohanang pagputok ng baril na nagdulot upang tumaas ang tensyon sa pagitan ng dalawang nagtutunggaling tauhan.

VII. Mensahe
Mamulat sa katotohanan ang mga pilipinong biktima ng pang aalipin ng mga dayuhan sa ating sariling bayan at maunawaan ang mga kalupitang ipinadanas sa ating mga ninuno noong unang panahon buhat ng kamangmangan at kahinaan.