Vous êtes sur la page 1sur 13

Appendix A Mga Liham

Universidad ng Santo Tomas Fakultad ng Farmasya


Enero 30, 2013

2012-2013

Dr. Christopher C. Cheng M.D. Division Chief, Cardiovascular Research East Avenue, Quezon City

Mahal na Dr. Christopher,

Kami po ay mag-aaral sa unang taon ng Fakultad ng Farmasya sa Universidad ng Santo Tomas at gumagawa ng pananaliksik hinggil sa gamot na digoxin at ang mga epekto nito sa tao, partikular sa puso. Kami po ay humihingi ng pahintulot ukol sa aming gagawing pagkalap ng impormasyon gamit ang survey forms sa mga pasyenteng may sakit sa puso sa University of Santo Tomas Hospital. Makakaasa po kayo na ang aming pagbibigay at pagkakalap ng mga survey forms ay magiging maayos.

Maraming salamat at hihintayin namin ang iyong tugon ukol sa paksang ito.

Sumasainyo

Melvin Coriag Punong tagapanaliksik

Berle Joy F. Villanueva Encoder

Carmelle Zia A. Reyes Tagapamahala ng Datos

Princess Angeline L. Buena Tagapagsalita

Kristel F. Racoma Editor

Renee Claudia P. Tuazon Tagapagsalita

May Paggabay ni:

Asst. Prof. Rhodelia Mendoza, Ph.D. Tagapayo ng Pananaliksik

UST HOSPITAL TALAAN NG IMPORMASYON PARA SA DOKTOR

1. Impormasyon ukol sa pag-aaral: Titulo ng pag-aaral: Epekto ng Digoxin sa Kalusugan at Katawan ng Tao

Pangunahing tagapagsuri: _Melvin John S. Coriag________________ Cell # __09283955099_____________

2. Layunin ng pag-aaral: Kayo ay inaanyayahang sumali sa pag-aaral na ito. Maaari lang pong basahin ninyo ang impormasyong nakasaad dito. Ang pag-aaral na ito ay ipapaliwanag din sa inyo at bibigyan kayo ng pagkakataong magtanong. Kung naiintindihan ninyo at nais ninyong sumali, maaari lang pong pakipirmahan ang katibayan ng pagpapayag sa hulihan.

Ang digoxin ay isang gamot para sa sakit sa puso. Ang digoxin ay tinuturing na isa sa pinakadelikadong gamot na patuloy na ginagamit dito at sa ibang bansa ngunit unti-unti itong nawawala sa mga botika dahil sa mga masamang epekto nito. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay malaman kung ano ang epekto ng digoxin sa katawan ng tao at kung epektibo at ligtas itong gamitin ng mga pasyenteng may sakit sa puso. Nais kong anyayahan kayo na isang doctor na espesyalista sa puso sa University of Santo Tomas Hospital. Ang pag-aaral na ito ay magtatagal ng mga tatlong buwan.

3. Pamamaraan ng pag-aaral Kung kayo ay papayag na sumali kayo ay tatanungin ukol sa mga personal na opinyon tungkol sa gamot na digoxin at ang epekto nito sa katawan ng tao. Ang buong proseso ay tatagal lamang ng mga sampung minuto.

4. Mga maaring maging masamang epekto. Kayo ay tatanungin lamang naming tungkol sa gamot na digoxin at epekto nito sa katawan ng tao. Walang gagawing pageksamin sa inyo o kahit anong eksperimental na proseso. 5. Benepisyo sa paglahok sa pag-aaral Hindi po kayo direktang makikinabang sa pag-aaral na ito. Ngunit, ang iyong pakikilahok ay maaaring makatulong sa pag-alam kung ang digoxin ay epektibo pa at kung makakapagpagaling ng mga iba pang taong may sakit sa puso.

6. Kabayaran sa paglahok Ang inyong paglahok ay walang katumbas na kabayaran. Kami ay nagpapasalamat sa iyong pagtulong at pagtugon dito. 7. Sariling Pakikilahok Ang iyong pakikilahok sa pag-aaral na ito ay kusang-loob lamang kung tatanggapin niyo. Malaya kayong tumanggi kung inyong nais. Maaaring magbago ng pag-iisip tungkol sa paglahok anumang sandali, nang walang paliwanag o kasamaang maidudulot. Hindi makaaapekto sa pangangalaga sa inyo ang inyong pagtanggi sa pakikilahok o pagkansela sa kasunduang ito.

8. Kompidensiyalidad Ituturing na pribado at kumpidensyal ang lahat ng impormasyong makukuha na may kinalaman sa inyo sa pag-aaral na ito. Idodokumento ito nang walang pagkakakilanlan at hindi malalaman ninuman ang anumang impormasyon hinggil sa katauhan ninyo. Tanging ang manggagamot lamang ang maaaring makaalam sa iyong pansariling impormasyon. Dahil dito bibigyan ka bilang doktor ng numero para sa pag-aaral na ito at susuriin nang palihim ang lahat ng makukuhang impormasyon sa ilalim ng pamantayang makaagham ng etika. Ang paglilipat ng iyong datos sa loob ng bansa ay para lamang sa layuning

makaagham at mananatiling lihim ang iyong pagkakakilanlan. 9. Mga nagugol na halaga Ang mga nagugol naming halaga mula sa aming pananaliksik ay maaring umabot ng nasa isang daang piso dahil sa pagpapakopya o xerox ng mga survey forms at iba pa. 10. Para sa inyong mga katanungan Kung mayroon kayong pag-aalinlangan tungkol sa pag-aaral pagkatapos basahin ang talaang ito, makipag-ugnayan kay: Mr. Melvin John S. Coriag sa cellphone number 09283955099 o kaya sa Institutional Review Board (IRB) ng UST Hospital sa 731-3001 local

2610 na nag-aprub sa pag-aaral na ito. Universidad ng Santo Tomas Fakultad ng Farmasya 2012-2013

Enero 30, 2013 Dr. Adelfo Tuazon Sacred Heart Medical Center Angeles City, Pampanga Kagalang-galang na Dr. Tuazon,

Kami po ay mag-aaral sa unang taon ng Farmasya sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagsasagawa ng isang pananaliksik hinggil sa gamot na Digoxin at ang mga epekto nito sa tao at sa puso nito. Kaugnay nito, ikalulugod namin kung mabibigyan niyo kami ng kaunting minuto upang kayo ay aming makapanayam.. Kung ano man po ang magiging tugon niyo sa liham naming ito ay ipagbigay alam niyo lang sa e-mail address na ito: claudia_tuazon@yahoo.com Makatutulong po ang inyong mga kasagutan sa aming gagawing pagsasaliksik at masisiguro po naming hindi masasayang ang inyong panahon sa pagsagot nito. Maraming salamat at hihintayin namin ang inyong tugon ukol sa paksang ito. Sumasainyo,

Melvin Coriag Punong Tagapanaliksik

Berle Joy F. Villanueva Encoder

Carmelle Zia A. Reyes Tagapamahala ng Datos

Princess Angeline L. Buena Tagapagsalita

Kristel F. Racoma Editor

Renee Claudia P. Tuazon Tagapagsalita

May Paggabay ni: Asst. Prof. Rhodelia Mendoza, Ph.D. Tagapayo ng Pananaliksik

KATIBAYAN NG PAGPAYAG NG PASYENTE

Titulo ng Pag-aaral: Epekto ng Digoxin sa Kalusugan at Puso ng Tao

Pangunahing Tagapagsuri: _Melvin John S. Coriag_. Cell # _09283955099__

Ang impormasyon sa talaan na ito ay aking nabasa at ipinaliwanag nang mabuti sa akin. Naintindihan ko ang lahat ng gagawin sa pag-aaral na ito. Nakapagtanong ako tungkol sa mga proseso at nasagot naman nang lubusan ang aking mga katanungan. Kusa akong sumasang-ayon na lumahok sa pag-aaral na ito. Sumasang-ayon din ako na gawin ang mga nakasulat sa talaan na ito.

_______________________ Pangalan ng Pasyente/ Legal na Kinatawan Lagda

________________ Petsa

Saksi

Pinapatunayan ko na naipaliwanag ng mabuti at naintindihan ng pasyente ang proseso, benepisyo at panganib ng pagsusuring ito.

_______________________ Pangalan ng Saksi Tagapagsuri Lagda

________________ Petsa

Pinapatunayan ko na naipaliwanag ko at naintindihan ng pasyente ang proseso, benepisyo at panganib na maaaring idulot ng pagsusuring ito. _______________________ Pangalan ng tagapagsuri Lagda ________________ Petsa

Universidad ng Santo Tomas Fakultad ng Farmasya 2012-2013


Enero 30, 2013 Dr. Benjamin Manlutac Cardiology Department Quirino Memorial Medical Center JP Rizal cor. P. Tuazon St. Prof. 4, Quezon City Kagalang-galang na Dr. Manlutac, Kami po ay mag-aaral sa unang taon ng Farmasya sa Unibersidad ng Santo Tomas at nagsasagawa ng isang pananaliksik hinggil sa gamot na Digoxin at ang mga epekto nito sa tao at sa puso nito. Kaugnay nito, ikalulugod namin kung mabibigyan niyo kami ng kaunting minuto upang kayo ay aming makapanayam.. Kung ano man po ang magiging tugon niyo sa liham naming ito ay ipagbigay alam niyo lang sa e-mail address na ito: berle_villanueva@yahoo.com Makatutulong po ang inyong mga kasagutan sa aming gagawing pagsasaliksik at masisiguro po naming hindi masasayang ang inyong panahon sa pagsagot nito. Maraming salamat at hihintayin namin ang inyong tugon ukol sa paksang ito. Sumasainyo,

Melvin Coriag Punong Tagapanaliksik

Berle Joy F. Villanueva Encoder

Carmelle Zia A. Reyes Tagapamahala ng Datos

Princess Angeline L. Buena Tagapagsalita

Kristel F. Racoma Editor May Paggabay ni:

Renee Claudia P. Tuazon Tagapagsalita

Asst. Prof. Rhodelia Mendoza, Ph.D. Tagapayo ng Pananaliksik

Appendix B Talatanungan

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS FACULTY OF PHARMACY 2012-2013

Sa aming mga tagatugon, Kami ay mag-aaral sa unang taon ng Fakultad ng Farmasya ng Unibersidad ng Santo Tomas at sumasagawa ng isang pananaliksik tungkol sa epekto ng Digoxin sa katawan at puso ng tao. Ang Digoxin ay tinuturing na isa sa mga pinakadelikadong gamot sa mundo ngunit ginagamit pa rin ito para sa panggagamot sa sakit sa puso tulad ng atrial fibrillation at iba pa. Nais naming malaman sa inyo ang mga epekto ng gamot na ito. Maraming salamat sa paglalaan ng konting minuto sa pagsagot ng aming mga katanungan. Personal na Impormasyon Code number:_______ Botika: Mercury Drug South Star Drug Lugar kung saan ka nagtatrabaho: Batangas Lungsod ng Quezon Pampanga hindi nabanggit,ilagay kung saan: ___________ Generic Drug Watsons

Kung hindi nabanggit sa itaaas, ilagay kung ano:____________

Sagutan ang mga sumusunod na katanungan. Lagyan ng tsek ang bilog. 1. Ang gamot ba na digoxin ay kadalasang binibili sa inyong drugstore? Oo Hindi 2. Mayroon na bang pasyenteng bumili ng digoxin at nagreklamo dahil sa ibat ibang masamang epekto nito? Meron, kung meron ano ang mga masamang epekto:___________ Wala 3. Alam ba niyo ang ibat ibang epekto ng digoxin sa tao? Oo Hindi 4. Maari niyo ba itong ipagbili ng walang reseta? Oo Hindi 5. Binibigyan niyo ba ng payo ang mga bumilbili ng gamot? Oo Hindi

University of Santo Tomas Faculty of Pharmacy 2012 - 2013 1. Inirereseta po ba ninyo ang Digoxin para sa mga may sakit sa puso ngayon? ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ________________________________________

2. Para po ba sa anong klase ng sakit sa puso inirereseta ang Digoxin? ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ________________________________________

3. Anu-anong mga epekto nga ba ang naidudulot nito sa katawan o puso ng tao kapag nasobrahan ang dosis o napalabis ang araw ng pag-inom nito? ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ________________________________________

4. Ibinibigay lamang ba ang mga ito sa mga pasyenteng malala na ang karamdaman o sa mga pasyenteng hindi pa malala ang sakit? ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ________________________________________ 5. Ilang dosis po ba ninyo ito ibinibigay at hanggang kailan?______________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ___________________________________________

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS Faculty of Pharmacy. SY 2012-2013 Sa aming mga tagatugon, Kami ay mag-aaral sa unang taon ng Fakultad ng Farmasya ng Unibersidad ng Santo Tomas at sumasagawa ng isang pananaliksik tungkol sa epekto ng Digoxin sa katawan at puso ng tao. Nais naming malaman sa inyo ang mga epekto ng gamot na ito. Maraming salamat sa paglalaan ng konting minuto sa pagsagot ng aming mga katanungan.

Palahudyat:_________
Sagutin lahat ng mga katanungan. Lagyan ng tsek ang bilog ng inyong sagot. 1. Ano ang iyong sakit sa puso? Atrial fibrillation Congestive heart failure Ibang sakit na hindi nabanggit:________________

Edad:______

2. Gaano mo na katagal nararanasan ang sakit sa puso? Wala pang isang taon , tukuyin kung ilang buwan:___________ Mahigit isang taon, tukuyin kung ilang taon:_____________ 3. Gaano ka na katagal umiinom ng digoxin? Wala pang isang taon,tukuyin kung ilang buwan:__________ Mahigit isang taon, tukuyin kung ilang taon:____________ 4. Nakakaramdam ka ba ng kaginhawaan sa paggamit ng digoxin? Oo Hindi 5. Ano ang ibat ibang sakit/epekto na iyong naramdaman pagkainom ng digoxin? Pagkahilo Pagsusuka Panghihina Sakit ng ulo Malabong paningin Pagkakaroon ng pantal-pantal

Hindi na banggit sa taas:______________________ 6. May iba ka pa bang sakit habang iniinom ang digoxin? Meron. Kung meron, ano? ____________ Ano ang epekto ng digoxin sa sakit na ito: Pinalala Wala 7. Nais mo bang ipagpatuloy ang pag-inom ng digoxin? Oo Hindi Pinagaling Walang epekto

Vous aimerez peut-être aussi