Vous êtes sur la page 1sur 4

Aralin 4:Panahon,Kakayahan at Yaman:Alay sa Kapwa Ko

Clarence/Joanne:Magandang araw sa inyong lahat! Joanne:Ang una nating tatalakayin tungkol sa mga problema ng ating bansa ay ang krisis sa bigas.Napapabalita ngayon na nagkukulang ang bigas sa merkado at ang patuloy na pagtaas ng presyo nito. Clarence:Ang kakulangan ng bigas ay napakalaking suliranin sa ating bansa,dahil ang bigas ang pangunahing pangangailangan ng tao. Joanne:Tunay ngang nakapagtataka sapagkat ang Pilipinas ay bansang agrikultural subalit ang ating gobyerno ay patuloy sa pag-angkat ng bigas sa ibang bansa.Partner ano sa tingin mo ang mabisang sulosyon para sa usaping ito? Clarence:Sa tingin ko ay dapat nang itigil ang pag-angkat ng bigas sapagkat nagmamahal lamang ito pagdating sa mga pamilihan.Tingin ko rin na ang dahilan ng pagkakaroon ng krisis ay ang patuloy na pag-asa ng bansang Pilipinas sa ibang bansa upang masuplayan ng bigas.Kung mayroon ding krisis ng bigas sa ibang bansa paano na tayong mga Pilipino?

Joanne:Tama ka nga partner,dapat ang pamahalaan dapat ay bigyang pansin ang mga magsasaka,sapagkat kung ang pamahalaan at mga magsasaka ay magtutulungan ay masusuplayan na ng bigas ang mga mamamyan at hindi na tayo kukulangin. Clarence:Dumako na tayo sa ibang usapin.Trending na trending ngayon ang Pork Barrel Scam.Ano nga ba ito? Joanne:Ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam o mas kilala sa tawag na Pork Barrel Scam ay kinasasangkutan nina Janet Lim-Napoles at ng tatlong senador na sina Sen.Bong Revilla,Sen.Jingoy Estrada at Sen.Juan Ponce Enrile.Ang issue na ito ay tungkol sa pagnanakaw nila ng kaban ng bayan na nagmumula sa mga tax payers. Clarence:Ang nakakalungkot sa balitang ito ay kung sino pa ang pinagkakatiwalaan ng mamamayan at may mataas na posisyon sa lipunan ay sila pa ang magnanakaw ng kaban na dapat ay mapunta sa mga mararalita at hindi mapunta sa bathtub ni Napoles at bank accounts ng mga senador. Joanne:Ang mas magandang gawin ng ating pangulo ay buwagin na lamang ang PDAF dahil ito ay pinagkakakitaan na lamang ng ilan at patuloy na nagpapalobo ng kanilang bulsa. Clarence:At ito pa ang susunod ang di matapos-tapos na RH Bill o ang Reproductive Health Bills.Ito ay panukalang batas na

nagbibigay impormasyon sa pagkontrol ng panganganak at pangangalagang pang-ina.Dahil na rin ito sa mabilis na pagdami ng populasyon ng tao sa Pilipinas.Anong masasabi mo ukol ditto Partner? Joanne:Para sa akin ang pagpaplano ng pamilya ay nasa desisyon ng amo o ina,kung kaya nilang ibigay ang pangangailangan ng kanilang mga anak.Subalit kung paguusapan naman ang kabuuang kalagayan ay dapat nating sundin ang RH Bill sapagkat ang Pilipinas ay ang ika-12 pinakamataong bansa sa buong mundo ngayon. Clarence:May ibat ibang opinyon ang mga tao ukol diyan. Mabuti pa ay dumako na tayo sa pinakahuli nating usapin,ang bakbakan sa Zamboanga City.Magbigay ka nga partner ng ilang impormasyon ukol dito. Joanne:Ang patuloy na sagupaan sa pagitan ng mga Moro National Liberation Front (MNLF) at mga Armed Forces of the Philippines ay kumitil ng maraming buhay ng mga rebelde,mga sundalo at mga walang kamuwang-muwang na mga sibilyan.Nagrerebelde umano ang mga MNLF dahil sa kahirapan at kawalan ng katarungan,kayat idinaan nila ito sa paghihimagsik. Clarence:Mabuti pa ay idaan na lamang nila ito sa mapayapang pag-uusap.Dahil ang pagaaway at pagpapatayan ay walang magandang maiidulot bagkus ito pa ang magiging dahilan ng

pagkakawatakwatak ng pamilya at pagbagsak ng bansang Pilipinas.Dapat magkasundo ang dalawang panig para na rin sa kanilang mga sarili,pamilya at para na rin maabot natin ang ating minimithi na kapayapaan at pagkakaisa. Joanne:Tama ka diyan partner,kayat itigil na natin ang pagaaway at tayo ay magkaisa.At diyan natatapos ang aming talakayan.Sana ay may natutunan kayo at maraming salamat sa pakikinig ng aming mga opinyon ukol sa ilang problema ng ating bansa. Clarence/Joanne:Muli magandang araw at maraming salamat po!!

Vous aimerez peut-être aussi