Vous êtes sur la page 1sur 1

Antas ng Lipunan

1. Maharlika
Ang mga mayayaman at maimpluwensya sa isang barangay. Ang kanilang pangunahing tungkulin ay ang tumulong sa datu sa panahon ng digmaan at kapayapaan. Maaaring silang hindi magbayad ng mga buwis o mga handog sa datu.

a. Mandirigma Bagani Pintados Bisaya Ang kanilang tungkulin ay ang pagtatanggol at pakikilahok sa digmaan. Ang karaniwan nilang mga sandata ay kalis, balaraw, sibat, kalasag at maging canyon. Gumagamit rin sila ng mga lason buhat sa mga damo, talahib at laway ng Tuko. Ayon kay De Morga, may isang tangkay ng damo na kayang pumatay ng maraming tao. b. Babaylan Katalonan - Bisaya Mga katutubong Pilipinang manggagamot, manghuhula, siyentipiko at karaniwan ring mga pinuno ng pamayanan. Taga-pagtago ng karunungan at pilosopo at nagbibigay ng katatagan sa pamayanan.

2. Timawa
Ang mga karaniwang mamamayan ng isang barangay. Sila ang may pinakamaraming kasapi sa isang barangay. Kanilang pinagsisilbihan ang datu, mga maharlika, mandirigma at mga babaylan.

3. Alipin
Ang pinakamababang antas ng sinaunang lipunan. May dalawang uri ng alipin: Namamahay Saguiguilid

a. Aliping Namamahay May sariling tahanan. Limitado ang kanilang karapatan. Karaniwan silay may pinagkakautangan o may mga naging atraso dahilan ng kanilang pagkaka-alipin. Silay naninilbihan kung kinakailangan lamang tulad ng anihan at taniman. b. Aliping Saguiguilid Mga habambuhay na alipin. Nakatira sila sa mga tahanan ng kanilang amo o mga kubong para sa kanila. Halos wala silang karapatan. Kailangan nilang gawin ang anumang pinapagawa sa kanila.

Vous aimerez peut-être aussi