Vous êtes sur la page 1sur 197

ARALIN I I. Layunin Nakasusunod sa panuntunang" Gawin mo sa iba ang gusto mong gawin ng iba sa iyo." II.

Paksang Aralin Pagsunod sa panuntunang" Gawin mo sa iba ang gusto mong gawin ng iba Pagpapahalaga: paggalang sa Kapwa PELC # 1.1.2 Sanggunian: Liwanag 4 pahina 157-159 Kagamitan: aklat, tsart III.Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin Pagtatalaga ng isang bata para manguna sa panalagin 2. Pagwawasto ng Takda 3. Balik- aral B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Paano ninyo maipapakita ang paggalang sa bawat isa bilang tao? 2. Paglalahad Ang paggalang sa kapwa huwag kalimutan, tatak ito ng kagandahang asal. Basahin ang tula ng Pagiging Magalang pahina 157-158. 3. Pagtatalakayan Ano ang iyong gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon?

-Ang iyong magulang ay hindi nakaabot ng mataas na pinag-aralan. Magkaiba ang iyong paniniwala. Kailangan bang hindi sila pakinggan at ipagpilitan ang sa iyo? -May kakalase kang Muslim. Magkaiba ang inyong paniniwala sa Diyos. Siya ba ay iiwasan at tutligsain ang kanyang relihiyon? -Mahirap lamang ang mga magulang ng iyong kaklase. Kapag pumupunta ka sa bahay ay hindi mo sila pinapansin kundi ang iyong kaibigan lamang. Tama ba ang iyong ginagawa? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Mahalagang ipakita ang paggalang sa bawat isa bilang tao. Ditomaipapakita kung naisasabuhay ang turo ng mga magulang at guro. 2. Paglalapat Magbuo ng pangkat. Bunuo ng maikling dula-dulaan tungkol sa pagbibigaygalang sa: 1. Nakatatanda 2. Guro 3. Kaeskwela Isadula ito pagkatapos. Saggutin ang mga sumusunod na tanong. -Paano ipinakita ng tauhan sa dula-dulaan ang pagbibigay-galang sa nakatatanda, guro, kaeskwela? -Nahihikayat ba ang kanilang ginawa. -Bakit? IV. Pagtataya Sagutin ng Oo o Hindi. 1. Kinakailangan bang piliin kung sino ang dapat igalang? 2. Ang paghingi ban g paumanhin at pagpasintabi sa pagdaraan ay magandang pag-uugali? 3. Tama bang sa modernong panahon ay kalimutan ang kabutihang asal?
2

4. Ang pakikipag-usap ba sa matatanda kung hindi marinig ay kailangang isigaw? 5. Ang wasto gulang?

V. Kasunduan 6. ng paggalang ba ay dapat ituro ng mga guro at maGumawa ng listahan ng mga dapat gawin upang makagawa palagi ng tama sa kapwa.

ARALIN 2 I. Layunin Nakasusunod sa panuntunang" Gawin mo sa iba ang gusto mong gawin ng iba sa iyo." II. Paksang Aralin Pagsunod sa panuntunang" Paggawa kung ano ang tama." Pagpapahalaga: Paghingi ng Paumanhin sa pagkukulang na nagawa PELC I. A.1 Sanggunian: Magandang asal pp. 12-13 Kagamitan: larawan, tsart

III.Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin Pagtatalaga ng isang bata para manguna sa panalagin 2. Pagwawasto ng Takda
3

3. Balik- aral B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak


.

Larawan ng batang naglalaro ng hagisang bola at di sinasadyang tamaan ang paso sa pader at ito ay nabasag.

2. Paglalahad Ano ang maaaring mangyari o maramdaman ng taong may-ari ng halaman sa paso, kung malaman niya itong nabasag? 3. Pagtatalakayan Ano ang dapat gawin ng mga batang naglalaro na nakabasag ng paso? Kung ikaw ang batang nakabasag ng pas, anong aksyon ang gagawin mo? May kabutihan bang naidudulot ang paghingi ng paumanhin sa iyo? At sa iba? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Nararapat na humingi ng paumanhin sa mga pagkukulang na nagawa? 2. Paglalapat Hayaang magkwento ang mga bata sa pagkukulang na kanilang nagawa at sa paghingi ng paumanhin ukol ditto . IV. Pagtataya Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na sitwasyon? Isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Naapakan mo ang paa ng kaklase mo. a. Aawayin ang kaklase
4

b. Hihingi ng paumanhin c. Pagtatawanan ang kaklase 2. Naghuhugas ka ng plato, di sinasadya nabasag mo ang isa. Alam mong magagalit ang nanay mo. a. Itatago ang nabasag na pinggan b. Hindi aaminin na nabasag mo ang pinggan c. Aaminin sa nanay na nabasag mo ang pinggan at hihingi ng paumanhin. 3. Habang naglalaro kayo nabangga mo ang iyong kaklase at siyay natumba. a. Hindi siya papansinin b. Tatawanan mo siya c. Hihingi ng paumanhin

V. Kasunduan Gumuhit ng larawan ng batang nakagawa ng pagkukulang at isulat kung paano siya hihingi ng paumanhin sa taong nagawan niya ng paumanhin.

ARALIN 3 I. Layunin Nakasusunod sa panuntunang" Gawin mo sa iba ang gusto mong gawin ng iba sa iyo." II. Paksang Aralin Pagsunod sa panuntunang" Gawin mo sa iba ang gusto mong gawin ng iba sa iyo." Pagpapahalaga: Pagpapakumbaba PELC # 1.1.2 Sanggunian: Liwanag 4 pahina 157-159 Kagamitan: aklat, tsart

III.Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin Pagtatalaga ng isang bata para manguna sa panalagin 2. Pagwawasto ng Takda 3. Balik- aral B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Magkwento tungkol sa anumang bagay ang napulot mo na isinauli mo sa tunay na may-ari. 2. Paglalahad Pagkukweto ng Guro. Nagmamadali si Nene sa paglalakad papunta sa silid-aralan nila sa Science at nasalubong niya si Edna na siyang mag-aaral na maraming dala. Tumilapon lahat ang dalang aklat ni Edna at nadulas pa ito. Dali daling itinayo ni

Nene si edna at pinulot niya ang bumagsak na aklat at iniabot niya it okay Edna sabay humingi ng paumanhin at pasensya dahil siya ay nagmamadali. 3. Pagtatalakayan Tama bang itinayo ni Nene si Edna? Tama bang pinulot ni Nene ang dalang aklat na tumilapon? Dapat bang humingi ng paumanhin si Nene kay Edna? Bakit? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ugaliin ang paghingi ng paumanhin sa mga pagkukulang na nagawa. 2. Paglalapat Pagdula-dulaan ng mga pangkat ang mga sumusunod na sitwasyon: Halimbawa: Habang naglilinis ka sa inyong silid aralan, natabig ang plorera sa mesa at ito ay nabasag. IV. Pagtataya Sagutin ng Tama o Mali. 1. Sa pagpupunas mo sa mga nakadisplay sa inyong sala ng hindi mo sinasadyang nabasag ang isa. Hihingi ka ng paumanhin sa nanay mo tungkol ditto.

2. Hindi ka nakapagpaalam sa gagabihin ka sa pag-uwi, pagdating mo sa bahay pababayaan mo na lang mag-isip ang nanay mo kung saan ka nanggaling.

V. Kasunduan Isulat ang mga pagkakataong kung saan ka dapat humingi ng paumanhin.

ARALIN 4 I. Layunin Nakasusunod sa panuntunang" Gawin mo sa iba ang gusto mong gawin ng iba sa iyo." II. Paksang Aralin Pagsunod sa panuntunang" Gawin mo sa iba ang gusto mong gawin ng iba sa iyo." Pagpapahalaga: Pagpapakumbaba PELC # 1.1.2 Sanggunian: Liwanag 4 pahina 157-159 Kagamitan: aklat, tsart II. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin Pagtatalaga ng isang bata para manguna sa panalagin 2. Pagwawasto ng Takda 3. Balik- aral B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Ano ang gawaing ipinagagawa sa inyo ang inyong guro sa paaralan? 2. Paglalahad Pagbasa ng kwento. Nagpagawa ang guro ng proyekto tungkol sa mga anyong lupa. Kaagad kumuha ng mga gamit si Tony tulad ng bond paper, lapis at krayola. Tahimik na iginuguhit ni Tony ang mga anyong lupa. Hindi siya nakikipag-usap sa katabi at pinakikilaman ang gawa ng iba.

Kaagad natapos ni Tiony ang kanyang proyekto dahil hindi siya nang abala sa gawa ng iba. Labis na natuwa ang guro dahil masunurin at mabait na bata si Tony. 3. Pagtatalakayan Ano ang ipinagawa ng guro ni Tony? Paano ginawa ni Tony ang kanyang proyekto? Natapos ba niya kaagad ang kanyang proyekto? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Paano mo gagampanan ang gawaing ibinigay sa iyo upang madali kang matapos? (Gawin ng tahimik at hindi mang-aabala ng iba) 2. Paglalapat Ang bawat isa sa inyo ay binigyan ng gawain ng inyong guro. May magwawalis, may magpupunas ng upuan. Paano mo gagampanan ang iyong gawain? III. Pagtataya Lagyan ng tsek kung tama at ekis kung mali. 1. Magtanong sa kaklase kung ano ang gagawin. 2. Gawin ang gawain ng hindi nang-aabala ng katabi. 3. Guluhin ang kaklase habang nagsusulat ito. 4. Agawin ang aklat na binabasa ng katabi. 5. Tahimik na gawin ang gawain at hindi inaabala ang iba.

IV. Kasunduan Sumulat ng mga dapat gawin upang hindi makaabala sa iba.

ARALIN 5 I. Layunin Nasasabi na ang pananampalataya sa Diyos ay maipakikita sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal sa kanyang kapwa. Paksang Aralin Pagmamahal sa kapwa. Pagpapahalaga :Ibigin ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili. PELC 1.1 Sanggunian: Liwanag 4 pahina 25-27 Kagamitan: Aklat, tsart. Mga larawan Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. PagwawastongTakda 3. Balik Aral B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sino sa inyo ang mahilig tumulong sa nangangailangan? Pagbigayin ang mga bata ng halimbawa, kung paano sila tumulong sa iba? 2. Paglalahad Ipabasa sa mga bata ang sanaysay,
10

II.

III.

Ang pagtawag sa iyong sarili na kristiyano ay may kakaibang tagubilin sa kapwa, Sabi ni Hesukristo,walang may halong pag-ibig kaysa rito, naibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kanyang mga kaibigan Juan 15:13. Hindi ibig sabihin nito na kailangan nating para ipakita na mahal natin ang ating kaibigan. Itinataya natin ang ating buhay tuwing inuuna natin ang pangangailangan ng ibang tao kaysa ating sarili. Itinataya natin ang ating buhay sa paglilingkod. Ang mga miyembro ng simbahan ay maraming oportunidad na maglilingkod. Gumagawa kami ng maliliit na kabutihan sa aming kapwa. Malaki man o maliit ang kain ng iba.ligayahanna makasama ang ating mga kapatid at ipinapaalala sa amin na madalas iturong diyos na kami ay maging sagot sa panalangin.

3. Pagtatalakayan a. Ano ang unang turo n Hesukristo tungkol sa ating kapwa? b. Panno ipinakikita ang pagmamahal sa kapwa batay sa ating binasa? c.Ano ang nararamdaman mo kung nakatutulong ka sa iyong kapwa? C. Pagwakas na Gawain 1. Paglalahat Ang pagmamahal sa kapwa ay isinagawa sa malaki at maliit na paraan. 2. Paglalapat Kumuha ng kapartner at hayaang magtanungan tungko l sa pagmamahal sa kapwa. IV. Pagtataya Magtala ng 5 bagay na nagpapakita ng pagmamahal sa kanya. V. Kasunduan Magdala ng larawan na nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa.

11

ARALIN 6 I. Layunin Nasasabi na ang pananampalataya sa Diyos ay maipapakita sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal sa kapwa.

II.Paksang Aralin Pagmamahalsakapwa Pagpapahalaga: Ibiginangiyongkapwatuladngpagmamahalsasarili PELC 1.1 Sanggunian. Kabutihang Asal 4 pahina 80-81 Kagamitan: Tsart, Larawan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. PagwawastongTakda 3. Balik aral Paano mo iniibig ng iyong kapwa? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sabihin: Alam ninyo ba ang pagbibigay ng tulong sa iba sa ating kapwa ay ibinabalik sa atin ng Panginoon ng doble. 2. Paglalahad Ipalabas sa mga bata mga larawang itinakda sa kanila kahapon.

12

3. Pagtatalakayan Hayaang ipakita sa mga bata ng bawat isa ang mga larawang dala dala nila sa unahan ng klase. Ipaliwanag sa kanila ang kaligayahan at gantimpalang matatamo sa Panginoon dahil sa pagtulong sa iba. C. Pagwakas sa Gawain 1. Paglalalahat Ang Pagtulong sa kapwa ay katulad sa pananampalataya sa diyos. 2. Paglalapat Anu-ano pa bukod sa materyal na bagay ang maitutulong sa iba pang mga mangangailangan? IV.Pagtataya Isulat kung Tama o Mali. ____________1.Magbigay ng tulong sa iba upang maging sikat. ____________2.Dapat ay laging bukal sa loob ang pagbibigay sa kapwa. ____________3.Ipagsabi sa maraming tao na ikaw ay mahilig manlimos. ____________4.kinalulugdan ng Panginoon ang mga matutulungan sa a kapwa. ____________5.Ang pagbibigay ng kusang loob ay may kapalit na gantimpala buhat sa panginoon. VI. Kasunduan Humanda para sa pagsulat ng islogan.

13

ARALIN 7 I. II. Layunin Nasasabi na ang pananamapalataya sa Diyos ay maipapakita sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal sa kapwa. Paksang Aralin Pagpapahalaga:Pananampalataya /Pananalig sa Panginoon Pagmamahalsakapwa PELC I.I Sanggunian: Kabutihang Asal pahina 11-12 Kagamitan: Tsart, aklat, Larawan Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. PagwawastongTakda 3. Balik-aral Paano tumulong sa iyong kapwa? Magbigay ng mga pagkakataon. B. Paglinang na Gawain 1. Pagganyak Tumawag ng isang bata sa unahan ng klase. Ipakwento sa kanila ang kanilang maikling karanasan sa pagtulong sa kapwa. 2. Paglalahad Ipabasa ang islogan nakalimbag sa pisara.

III.

14

ANG PAG-TULONG SA KAPWA AY KADAKILAAN NA DAPAT TANDAAN 3. Pagtatalakayan a. Bakit sinasabi na kadakilaan ang tumulong sa iba? b. Ano ang masasabi ninyo sa mga taong nagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan na taos sa puso nila?

C. Pangwakasna Gawain 1. Paglalahat Ang totoong nagmamahal sa kapwa ay hindi sa panlabas lamang kundi totoo ka at bukal sa puso mo.

2. Paglalapat Ipaliwanag ang nakalimbag na islogan.

ANG PAG TULONG SA IBA NA MAY KUSANG LOOB AY NAGPAPAKITA NG TUNAY NA KALOOBAN MO. IV. Pagtataya

Sumulat ng isang tungkol sa pagtulong sa kapwa.

V.

Kasunduan
15

Magsaliksik tungkol sa mga tula sa pagtulong sa kapwa.

ARALIN 8 I. Layunin Nasasabi na ang pananampalataya sa Diyos ay maipapakita sa pamamagitan ng kanyang pagmamahal sa kapwa. Paksang Aralin Pagpapahalaga:Pagmamahal sa Kapwa PELC 1.1 Sanggunian: Magandang Kaugalian pahina 78-79 Kagamitan: tsart. Larawan, Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. pagwawastongTakda 3. Balik aral
16

II.

III.

Anong mabuting pag uugali sa pagtulong sa mga nangangailangan ang dapat nating taglayin? B. Panlinangna Gawain 1. Pagganyak Kahapon ay gumawa tayo ng islogan, ngayon naman ay nakatakda tayong bumigkas ng tula . 2. Paglalahad Ipabasa ang maikling tula. Pag-ibig sa Kapwa I Halika at igala ang paningin Munti mong daigdig sikaping palawakin Sawari ay hindi mo nadarama din Paghihirap ng kapwa sa paligid natin II Mununting anghe lsa mga tahanan Dati-rati kupkop ng ina sa kandungan Ngayon naglipana na sa maruming lansangan Hanap ay pagkaing sa tiyan ilalaman III Isa kang bayani o nilalang na matulungin Ibayong pagpapala ang iyong tatanggapin Trumpetang Kagalakan ang saiyoy tugtugin Diyos na lumikha ikaw ay pupirihin

3. Pagtalakay a. Ano ang kalagayan ng mga tauhang tinutukoy sa unang saknong? b. Bakit lumalabas ng tahanan ang inang mga anghel na tinutukoy sa ikalawang saknong? c. Ano ang iyong magagawa upang ikaw ay makatulong sa kanila? d. Anong pagpapala ang iyong matatanggap kung ikaw ay bukas-palad sa mga taong nangangailangan. C. Pagwawakasna Gawain 1. Paglalahat Paano mo isasagawa ang pagtulong sa kapwa? 2. Paglalapat Ipabasa ang tulang sabay sabay sa mga bata.
17

IV.

Pagtataya Lagyanng kung tama at mga umusunod sa iyong kapwa.

kung di- nararapa tgawin ang

_______1.Pag-ukulan ng pansin ang mga taong salat at nagugutom _______2.Ibigin ang iyong kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay sa abot ng iyong makakaya. _______3.Pandirihan ang mga taong nagugutom na naglipana sa lansangan. _______4.Bigyan sila ng tulong na makapapawi sa pagkagutom nila. _______5.Magbigay ng tulong na nakikita ng iba upang kayo ay hangaan at papurihan. V.Kasunduan Humanda para sa maikling pagsusulit bukas.

ARALIN 9

I . LAYUNIN: Nasusuri ang sariling damdamin kung may nangyaring masama o mabuti sa kapwa pagdadahilan kung inuutusan. II . PAKSANG ARALIN: Pagdadahilan kung Inuutusan Pagpapahalaga: Pananampalataya/Pananalig sa Panginoon Paggalang sa Iba PELC 1.1.3 p.2 Sanggunian: Ulirang Mag-aaral pahina 68-70 Kagamitan:
18

Tsart, larawan ng komiks, larawan ng mga gumagawa ng gawaing bahay. III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takda 3. Balik-Aral B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Nautusan na ba kayo ng gawaing bahay? Sinunod/ Di sinunod nyo ba ito? Anong Nangyari? 2. Paglalahad Pagbasa ng kwento Si Juan. SI JUAN Juan! Juan! tawag ng nanay. Bumaba ka ng rito at tulungan mo ako sa paghahalaman.Pakidala mo na rin ang timba at tabo. Pagkatapos ng ilng sandal ay inulit ng kanyang ina ang pagtawag sa kanya. Inay! Hindi po ako maaaring bumaba. Nagbabasa po ako ng leksiyon naming. May test po kami bukas, pagdadahilan ni Juan. Dahil sa mahalaga ang ginagawa ni juan ay isinigaw rin ng ina nag Hindi ng bale. Ipagpatuloy mo na ang ginagawa mo. Natawa sa loob niya si Juan sapagkat ang binabasa niya ay komiks. Samantala, tumayo na ang nanay niya ay kinuha ang timba at tabo sa kusina, Isinahod sa gripo ito upang makakuha ng tubig na ipandidilig niya sa mga bagong tanim. Nadilig na niyang lahat ang mga tanim at naghugas na siya ng kamay. Papanhik na siaya ng bahay nang biglang nakaramdam siya ng pagkahilo. Napahandusay na lamang siya sa may puno ng hagdan. Bumaba noon si Juan upang maglari nang Makita niya ang nanay niyang nakhandusaay. Nabigla siya ay tinawag niya ang kasambahay upang matulungan ang nanay niya. Nipanhik na rin ang may sakit ay nabigyan na ng pangunang lunas. Malungkot si Juan at nagsisi.Bkit kaya? 3. Pagtalakay a. Ano ang ginawa ng nanay ni Juan sa bakuran? b. Bakit tinawag ng nanay si Juan? c. Bakit hindi sya nakalapit sa ina?
19

d. Ano ang sinabi ng ina sa kanya? e. Anong nangyari sa kanya ng matapos ang kanyang ginagawa? f. Bakit nalungkot at nagsisi si Juan? g. Ano kaya ang pinagsisihan ni Juan? h. Gagawin mo ang tulad ng ginawa ni Juan? Bakit? C. Pangwakas na Gawain 1.Paglalahat Isinaalang-alang ng damdamin ng magulang, laging sumunod kapag inuutusan. 2. Paglalapat Inutusan ka ng inyong guro ng mga gawain hindi mo ito ginawa, ano ang magiging damdamin sa iyo ng inyong guro? Bakit? IV PAGTATAYA: Lagyan ng markang ang salitang nagpapahayag ng damdamin ng magulang/nakakatanda kapag sinunod ang kanilang utos. At kung hindi. _____matutuwa _____balewala _____magagalit _____maipag mamalaki ka _____maiinis V TAKDANG ARALIN Sagutin sa isang talata .Ano ang damdamin ng magulang/nakatatanda kung masunurin ang isang anak

ARALIN 10 I . LAYUNIN: Nasusuri ang sariling damdamin kung may nangyaring masama o mabuti sa kapwa hindi nakakabuluhan sa iba. II. PAKSANG ARALIN: Ang Radyo Pagpapahalaga: Pananampalataya/ Pananalig sa Panginoon Paggalang sa Iba PELC 1.1.3 p.2 Sanggunian: Wastong Pag-uugali p.11 Kagamitan: Larawan ng mga appliances na may malalakas na tunog. III PAMAMARAAN
20

A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takda 3. Balik-Aral B. Panlinang na Gawain 1. Pang ganyak Mahilig ba kayo making ng musika sa radio? Paano nyo pinapatugtog ang radio sa inyong pakikinig? 2. Pagtatalakay Pagbasa ng kwento Ang Radyo.

Isang araw dumating ang tatay ni Rommel mula sa trabaho. May pasalubong itong CD ng mga paboritong awit ni Rommel. Rommel: Mano po, Tatay. Ano po ang dala ninyo? Tatay: Naku! Matutuwa ka sa pasalubong ko sa iyo. Rommel: Yehey! CD ng mga paborito kong awitin, Salamat po. Pinatugtog agad ito ni Rommel nanag malakas.Sinabayan pa niya ito ng awit at sayaw. Mayamayay mayroong kumatok kina Rommel. Luring: Tao po. Mang Pedro Tatay: O, Luring bakit ka napasugod? Luring: Pakihinaan lang po ang radio. Maysakit po ang tatay ko at kasalukuyang namamahinga. Tatay: Naku! Pasensiya na kayo, Pommel hinaan mo pagpapatugtog.Nakabubulahaw ka sa kapitbahay. Rommel: Opo. Luring, Pasensiya ka na, ha. Hihinaan ko na

3. Pagtalakay a. Ano ang ginawa ni Rommel sa pasalubong ng tatay? Bakit? b. Mabuti ba ang ginawa ni Rommel? Ipaliwanag. c. Sino ang tutularan mo? Bakit? d. Kung ikaw si Rommel, ganon din ba ang gagawin mo? Bakit? C. Pangwakas na Gawain 1.Paglalahat Iwasan ang mga bagay na maaring makabubulahaw o makapipinsala sa iba. 2.. Paglalapat
21

Natutulog ka lalo na sa tanghali. Binuksan ng kapatid mo ang T.V. at malakas ang tunog nito.Ano ang gagawin mo? IV PAGTATAYA: Lagyan ng ang tapat ng bilang kung dapat gawin upang hindi makakabulahaw at kung hindi dapat gawin. _____ 1.Sumigaw kapag nasisiyahan. _____ 2. Tumahimik kung may laro. _____ 3. Hinaan ang radio kapag nagpapatugtog _____ 4. Maglaro sa palaruan. _____ 5.Laksan ang radyo kapag nalulungkot V . TAKDANG ARALIN Sagutin sa isang talataAno ang damdamin ng magulang/makatatanda kung masunurin and ang sumusunod na sitwasyon. 1. May sakit ang nanay mo. May nagsisigawan na mga bata sa tabi ng bahay ninyo. Ano ang gagawi mo? 2. Malakas ang tugtog ng radio ng kapitbahay habang nag-aaral ka ng leksyon

ARALIN 11 I . LAYUNIN: Nasusuri ang sariling damdamin kung may nangyaring masama o mabuti sa kapwa Pagiging responsible sa anumang nagawa sa kapwa. II . PAKSANG ARALIN: Sa Laruan Pagpapahalaga: Paggalang sa Iba PELC 1.3 Sanggunian: Ang Batang Uliran Pahina 96-95 Kagamitan: tsart, larawan III. PAMAMARAAN A.Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takda 3. Balik-Aral B.Panlinang na Gawain 1. Pangganyak
22

Ipakita ang larawan ng palaruan . Ano ang madalas na ginagawa ng mga bata dito? Nakapaglaro na ba kayo sa ganitong lugar? 2. Paglalahad Pagbasa ng kwento Sa Laruan. SA LARUAN Lumabas ng silid-aralan ang mga bata. Nagtungo sila sa laruan. Klase nila sa edukasyong pagpapalakas. May dala silang bola. Masayang nagsimula ang laro. Hagis ng bola doon. Salo naman dito, Hagis dito. Salo doon. Nasalo ni Vangie ang bola. Bigla niya itong inihagis sa gawi ni Estela. Hindi napansin ni Estela dahil may diprensiya ang isa niyang mata kaya hindi niya nakita ang bola. BOG! Ang narinig ng mga bata. Naku! Si estela, ang sigaw ng mga kamag-aral nila. Napaupo si Estela, Hindi agad siya nakatayo. Hindi ko sinasadya, Estela, ang sabi ni Vangie habang tinutulungang tumayo ang nabuwal. Alin ang masakit? Wala! ang sagot ni Estela Huwag kang magagalit Estela, Ngunit hindi ko talaga sinasadya. Ikanalulungkot ko ang pangyayari, ang hinging paumanhin ni Vangie. Halika dadalhin kita sa klinika, Patingnan natin sa nars kung ano ang nasaktan sa iyo, ang alok ni Vangie sabay akay kay Estela. Salamat po,Bb. Merdigia, ang sabi ni Vangie. Aalis na po kami. Inihatid ni Vangie sa kanilang silid-aralan si Estela.Natuwa ang kanilang guro sa ginawang malasakit ni Vangie sa kamag-aral. 3. Pagtatalakay a. Sinadya ba ni Vangie na tinamaan ng bola si Estela. b. Ano ang sinabi ni Vangie kay Estela? c. Nagalit ba si Estela kay Vangie? Bakit? d. Paano nagmalasakit si Vangie kay Estela? D. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Asikasuhin at humingi ng paumanhin sa kapwa kapag nakagawa ng hindi mabuti. 2. Paglalapat

23

Napatid and paa ng kamag-aral mo sa tali ng bag mo, nagalit siya, magagalit ka rin ba? Bakit? IV. PAGTATAYA: Tukuyin kung Tama o Malii ang pahayag sa bawat bilang _____ 1. Akayin ang kapatid na naitulak sa paglalaro _____ 2. Humingi ng paumanhin sa kalarong tinamaan ng bola. _____ 3. Nagalit ka sa kasama mong hindi makarating sa oras ng usapan dahil tumulong pa sa bahay. _____ 4. Nasira mo ang laruan ng kapit-bahay at tinangging ikaw ang may kagagawan. _____ 5. Naiwla mo ang aklat at nakiusap sa guro na papalitan ito. V TAKDANG ARALIN Magtala ng iba pang dapat gawin kapag may nagawang hindi mabuti sa kapwa/iba.

ARALIN 12 I . LAYUNIN: Nasusuri ang sariling damdamin kung may nangyaring masama o mabuti sa kapwa Sinaaalang-alang ang kapakanan ng kapwa. II . PAKSANG ARALIN: Ang Mabuting Samaritano Pagpapahalaga: Pananampalataya / Pananalig sa Panginoon Dangal ng Tao PELC blg. 1.3 Sanggunian: Ulirang Mag-aaral pp. 27-28 Kagamitan: Larawan ng pagtulong sa kapwa III . PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain
24

1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takda 3. Balik-Aral B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Naranasan mo na bang tumulong sa taong hindi mo naman kakilala? Ano ang nangyari? 2. Paglalahad Pagbasa ng kwento Ang Mabuting Samaritano. Ang Mabuting Samaritano Isang lalaki ang naglakbay mula sa kabundukan pababa ng Jerusalem patungong Jericho. Mula sa kanyang kinatatayuan ay abot-tanaw pa rin ang huling bahay sa Jerusalem. Naabutan sya ng sikat ng araw at nagpahinga sa ilalim ng punongkahoy at doon na rin nya kinain ang kanyang pananghalian. Nang siya ay matapos ay muli nyang sinabit sa kanyang balikat ang sako. Nanatili pa rin siyang nag-iisa sa kanyang paglalakbay. Mataas pa rin ang araw kaya naniwala siyang makararating siya sa kanyang pupuntahan. Nang walang anu-ano ay isang grupo ng kalalakihan ang nakita nya na gumulpi sa kanya at inagaw lahat ang kanyang dala. Iniwan syang halos walang buhay. May isang napadaang Samaritano. Naawa ito sa kanya at tinulungan siya. Binendahan ang kanyang mga sugat at pinainom ng tubig upang dalhin siya sa kanilang lugar. Ginamot niya ang mga sugat nito at binalot g kumot.Binigyan niya ng gamut upang bumaba ang lagnat nito. Nang mabuti na ang pakiramdam ng may sakit, pumunta ang Samaritano sa may-ari ng bahay na kanyang tinutuluyan at nag-utos na tingnang mabuti at alagaan ang istranghero. Binigyan niya ng pera ang may-ari ng bahay at mulig nagpatuloy siya sa kanyang paglalabay 1. Pagtatalakay a. Ano ang ginagawa ng lalaki sa kwento? b. Sa kanyang paglalakbay, ano ang nangyari sa kanya? c. Sino-sino ang napadaan sa lugar kung saan nakalugmok ang lalaki? d. Sino ang mga napadaan ang nagmalasakit sa lalaki? e. Paano nagmalasakit ang samaritano sa lalak i? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Higit na dakila ang pagtulong mo sa kapwa lalo na kung hindi mo kakilala. 2. Paglalapat
25

Nagkaroon ng sunog sa kalapit na barangay, marami ang nawalan ng ari-arian samantalang ang nanay mo ay nagbawas ng iba ninyong damit sa aparador dahil masikip na. Ano ang iyong gagawin? IV . PAGTATAYA: Lagyan ng ang tamang pahayag at X kung mali sa bawat pahayag. _____ 1.Inakay ni Dave ang isang matandang pulubi na aakyat sa hagdan. _____ 2. Niyaya ni Nina magbasa ang kanyang kamag-aral na tinatamad magaral. _____ 3. Hinabol ni Lester ang mamang nahulugan ng pitaka upang isoli. _____ 4. Nagbigay si Mila ng tulong para sa biktima ng bagyo. _____ 5. Siningil ni Mang Dolfo ang mga taong nakisilong sa kanyang tindahan dahil sa sobrang lakas ng ulan

V. Takdang Aralin: Magtala ng 10 mabubuting gawi na nagawa muna sa iyong kapwa.

ARALIN 13 I . LAYUNIN: Nakakapagkwento ng makabuluhang pangyayari nakakapagsalaysay ng mga pangarap sa buhay. II . PAKSANG ARALIN: Si Maliksi at si Kilos Pagpapahalaga: Pagmamahal sa katotohanan PELC 1.1.3 p.2 Sanggunian: Kagamitan: Larawan ng Taniman III PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 4. Panalangin 5. Pagsusuring Pangkalinisan B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak
26

Ano ang inyong pangarap sa buhay? Anu-ano ang dapat nyong taglayin upang makamit ang mga ito? 2. Paglalahad Pagbabasa ng kwento Si Maliksi at si Kilos. Si Maliksi at Si Kilos Noong unang panahon ay may dalawang mag-kapatid na ulila. Sila ay naninirahan sa kanilang lola. Sa tulong ng kanilang lola lumaki silang maliksi at maagap. Si Maliksi ay isang batang magaslaw at mabilis kumilos. Si kilos naman ay batang nag-iisip muna bago gawin ang isang bagay. Isang umaga, ang dalawang bata ay naupo sa isang punong mangga. Doon ay pinag-uusapan nila ang kanilang kinabukasan. Kuya Maliksi, ano ba ang gusto mo paglaki mo? tanong ni Kilos. Ibig kong maging tanyag na abogado. Marami ako plano paglaki ko. Maglilingkod ako sa ating mga kababayan na mga mahihirap. Ipagtatanggol ko ang mga naapi. Bibigyan ko sila ng libreng paglilingkod upang ang kanilang karapatan ay mapangalagaan, paliwanag ni Maliksi. E, ikaw naman Kilos, ano ang gusto mo sa iyong sarili sa iyong paglaki? tanong ni Maliksi. Dito na lamang ako mamamalagi sa ating nayon. Kailangan ng lola ng mag aalaga sa kanya. Walang mag-aasikaso n gating bukid. Mag-aaral ako ng mga makabagong pamamamaraan ng pagsasaka. Darami an gating ani at matuturuan ko ang mga magsasaka ng mga bagong teknolohiya sa pag-tatanim, marahang tugon ni Kilos. Nang biglang may sumigaw, Liksi, Kilos, nasaan ba kayo? Kanina ko pa kayo hinahanap, a! tanong ng lola. Naririyan na kami, Lola. Bilisan mo, Kilos! malakas na sagot ni Maliksi 3. Pagtalakay a. Sino-sino ang tauhan sa kwento b. Mangyayari kaya ang kanilang mga pangarap? c. Ano ang gagawin nila? C. Pangwakas na Gawain 4. Paglalahat Ang pangarap ay magkakaroon lamang ng katuparan kung sisipagin tayong kumilos upang maabot ito. 5. Paglalapat Mayroon kang kamag-aral na mahilig magbulak-bol, ano ang sasabihin mo sa kanya?

27

IV PAGTATAYA: Lagyan ng ang mga sumusunod na gagawin upang maabot mo ang mga pangarap mo sa buhay. _____ 1.Mag-aaral tuwi-tuwina ng iyong mga aralin. _____ 2. Ipagpabukas ang iyong gagawin _____ 3.Ihanda lagi ang gagamitin sa paaralan. _____ 4. Ipakita sa iyong mga magulang ang interes mong makapagtapos ng pag-aaral. _____ 5. Sumama sa kaibigan sa probinsya at doon magbakasyon ng matagal. V KASUNDUAN Linangin sa papamIgitan ng isang talata Ang Pag-unlad ay sa Gawa; Hindi sa Salita.

ARALIN 14 I. LAYUNIN: Nakakapagkwento ng makabuluhang pangyayari Hangarin na makapaglingkod sa kapwa. II . PAKSANG ARALIN: Ang Nais ko Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng Bukas na Isipan PELC 1 1.3 p.2 Sanggunian: Magandang Asal pp. 27-28 Kagamitan: Tsart ng tula, III . PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Balik-Aral 3. Pagwawasto ng takda B. Panlinang na Gawain 4. Pangganyak
28

Ikaw ba ay nag nanais na makatulong sa iba? Paano mo ito maipapakita? 5. Pagtatalakay Pagbabasa ng tula Ang Nais ko. Ang Nais Ko Ang nais ko sana ay maging halaman, Luntian, mayabong upang mapakinabangan; Ng mga ibon, kulisap at tao man, Sa lilim kot kanlong galak ay makamtan. Nais ko rin sanang maging isang awit, Na sakdal nan sigla lipos nang tamis; Upang mabigyan ko ng aliw at langit, Lahat ng nilikha, sa saliw koy maakit. Pangarap ko rin magting isang tanglaw, Ng mga batat guro sa paaralan; Ang aking talino, di dapat maligaw, Pati kamangmangan aking gagabayan. Ayaw ko ring maging mayaman at bantog, Pagkat ang salapi sama ang handog; Ugat ng kayabangang sa bayan ay salot, Sa diwa ng aking malayang paglilingkod. Mithiin koy maging isang paaralan, Na makatutulong sa mga kabataan; Ang mga paslit ay aking tuturuan, Pag-asat pag- unlad n gating lipunan.

6. Pagtalakay a. Ano ang nais ng may akda? b. Isa sa nais ng may akda ay magbigay ng liwanag? Kanino niya ibig magbigay nito? c. Bakit ayaw nyang maging bantog at mayaman? d. Ano ang mangyayari kung matuturuan niya ang mga kabataan? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ang makapaglingkod sa kapwa ay isang magandang hangarin. Ang pagtulong sa iyong kaibigan o kaklase ay siyang magiging simula ng iyong paglilingkod sa hinaharap.
29

2. Paglalapat Kung ikaw ay nais maglingkod sa iyong kapwa, maghihintay ka ba ng kapalit? IV . PAGTATAYA: Markahan ng masayang mukha ang pahayag na nagpapakita ng paglilingkod sa kapwa. _____ 1.Magiging palakaibigan ako. _____ 2. Hahatian ko ng aking baon ang aking kaklase na wala nito. _____ 3. Tutulong ako sa paglilinis ng silid-aralan. _____ 4. Babatiin ko tuwina ang aking guro. _____ 5. Ipapahiram ko ang aking aklat sa walang aklat. V. Takdang Gawain Gumawa ng isang maikling tula na ang nilalaman ay tungkol sa iyong pagtulong sa kapwa

ARALIN 15 I . LAYUNIN: Nakakapagkwento ng makabuluhang pangyayari disiplina sa kapwa. II . PAKSANG ARALIN: Ang Nangyari sa Akin PELC 1 1.2 Pagpapahalaga:Pagmamahal sa Katotohanan Sanggunian: Magandang Asal p.78 Kagamitan: Tsart III PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagsusuring Pangkalinisan 3. Balik -Aral B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak
30

Marami ka bang laruan sa bahay? Ano sa mga ito ang paborito mo? Bakit gusting-gusto mo ang laruang ito? 2. Paglalahad Pagbabasa ng dayari ni Carlo. ANG NANGYARI SA AKIN Linggo Kami ng aking nanay at mga kapatid ay nagtungo sa smbahan para magpasalamat sa Pang Inoong Diyos, dahil bertdey ko. Umuwi kami ng bahay na nandoon na ang aking mga pinsan at kalaro na naghahanda na para sa aming pagdiriwang. Tuwang-tuwa ako dahil binili ni tatay para sa akin ang gusto kong remote control car na itinuro ko sa kanya nung minsang mamasyal kami sa SM Megamall. Pagka-alis ng mga bisita,agad kong nilaro ang regalo sa akin kasama ng aking mga pinsan. Inabot ako ng gabi sa paglalaro kayat di na ako nakapaghapunan sa oras. Napagsabihan tuloy ako ni Inay. Lunes Nahuli ako ng pasok sa paaralan sa pagod sa paglalaro. Carlo, bakit ka nahuli sa klase? tanong ni Gng. Castro. Tinanghali po ako ng gising dahil napagod po ako sa pagdiriwang ng bertdey, ang tugon ko. Hindi ko tuloy naipasa ang takdang-aralin na ibinigay ng titser noong Biyernes at napagalitan pa niya ako. Ipinangako ko na hindi ko na uulitin ito at gigising na ako nang maaga. Martes Ah gagawin ko muna ang kasunduan naming kanina ang sabi ko sa sarili. Nagpalit ako ng damit at kumain muna ng meryenda. Inilagay ko na ang pag aaralan ko sa study table. Napansin ko ang remote control car. Maglalaro muna ako, total may oras pa naman. Naglaro ako sa aking sariling silid. Pumasok ang aking kapatid na si Ben dala ang kanyang laruang robot. Niyaya ko rin siyang maglaro. Lumipas ang isang orasat dahil sa pagoda antok nakatulog agad akopagkatapos ng hapunan. Miyerkules Tanghali akong nagising at pakiramdam koy pagod pa ako at masarap matulog. Sa totoo lang ay ayaw ko pumasok dahil hindi ako handa sa klase. Bakit di ka pa bumangon? Mahuhuli ka na sa klase! ang sabi ni Nanay. Masakit po ang katawan ko eh! ang sagot ko naman. o sige, magpahinga ka muna ang sagot niya. Hwebes Pumasok ako ngayon subalit hindi handa. Antok na antok ako at panay ang hikab sa klase. Tinawag ako ng titser subalit di ako nakasagot dahil ang aralin ay karugtong noong isang araw na akoy lumiban sa klase. Sa buong maghapon ay di ako nakasagot sa klase dahil ditto ako ay hiyang hiya sa aking mga kaklase. Ewan ko ba, parang hindi ko maiwasang paglalaro ng remote control car. Paborito ko kasi.
31

Biyernes Nagkaroon kami ng pagsusulit. Unang pagkakataon na ito ay nangyari sa akin sa kadahilang nakakuha ako ng pinakamababang marka. Ano kaya ang sasabihin nina Tatay at Nanay kapag nalaman nila ito?. Natuto ako aral sa pangyayaring ito sa akin. Pagdating ko sa bahay, kinuha ko ang aklat ko para mag-aral ng leksyon. Hindi ko muna lalaruin ang remote control car tuwing araw na may pasok.

3. Pagtalakay a. Sino si Carlo? b. Anong laruan ang kanyang pinagkakaabalahan? c. Bakit naibigan nya ang laruang ito? d. Dahil sa pagkahilig nya sa laruannyang ito, ano ang nangyari sa kanya? e. Paano ipinakita ni Carlo ang pagbabago sa kanyang ugali?

C. Pangwakas na Gawain 1.Paglalahat Magkaroon ng wastong disiplina sa sarili upang walang pagsisihan sa huli. 2. Paglalapat Kung ikaw si Carlo ano ang gagawin mo kapag bumagsak ka sa pagsusulit? Ipaliwanag. IV . PAGTATAYA: Iguhit ang masayang mukha kung wasto ang sitwasyon at malungkot kung hindi wasto. _____ 1.Manood ng paboritong palabas hanggang malalim na ang gabi. _____ 2. Pumapasok sa paaralan na tapos ang takdang aralin. _____ 3. Nagdadahilang may sakit upang hindi mautusan. _____ 4. Naglalaro sa oras ng klase. _____ 5. Tinatapos ang Gawain sa paaralan bago maglaro V . TAKDA
32

Sumulat ng dayari ukol sa mga nangyayari sa inyong paaralan sa linggong ito.

ARALIN 16 I .LAYUNIN: Nakakapagkwento ng makabuluhang pangyayari Pagbabahagi ng tradisyon. II .PAKSANG ARALIN: Ang Pahiyas sa Quezon Pagpapahalaga: Pagkakaroon ng Bukas na Isipan PELC 1 1.2 Sanggunian: Magandang Asal pp.100-101 Kagamitan: Larawan ng Pahiyas, plascard, tsart III .PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagsusuring Pangkalinisan 3. Pagwawasto ng takdang Aralin B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak
33

Anong pagdiriwang ang alam mo?Tuwing kalian ito ginaganap? 2. Paglalahad Pagbabasa sa kwento Ang pahiya sa Lucban.

Pahiyas sa Quezon Ang bayan ng Luban, Quezon ay nagkakaroon ng ibang ganda at ninigning sa tuwing ipinagdiriwang ang kapistahan ni San Isidro Labrador, ang banal na patron ng mga magsasaka. Nagiging makulay ang mga tahanan at mga kalye sa baying ito sa tuwing sasapit ang ika-15 ng Mayo. Pinapalamutian ang bawat ang bawat tahanan ng ibat-ibang kulay ng hugis dahong mga pabitin na kung tawagin ay kiping. Ang kiping ay gawa sa galapong(giniling na bigas) na may pangkulay at inihuhugis sa dahon ng madre de cacao at saka ini luluto sa pugon upang maging maninipis na wafer. Pinatutuyo ang mga ito pagkatapos maluto upang magkoon ng kakaibang kinang. Dahil ditto nagmumukhang mamahaling hiyas ang mga palamuti. Ito ang dahilan kung kaya tinatawag na Pahiyas ang pagdiriwang. Ang mga kiping ay isinasabit sa mga bintana at inihuhugis na bulaklak o chandelier. Bilang pasasalamat at pag-aalay kay San Isidro Labrador para sa isang masagang ani, ang mga tao sa Lucban, Quezon ay nagsasabit din ng mga prutas at gulay bukod sa kiping. Ang imahen ni San Isidro ay ipinuprusisyon at pagkatos nito sinisindihan ang mga paputok at kwitis sa harap ng simbahan bilang hudyat na simula na ng selebrasyon-ang kainan. 3. Pagtatalakay a. Sino si San Isidro Labrador? b. Ano ang ginagawa ng mga tao sa Lucban Quezon tuwing sasapit ang ika-15 ng Mayo? c. Paano ginagawa ang hiping? d. Anong magandang ugali ang ipinakita ng mga taong taga Lucban, Quezon tuwing sasapit ang ika-15 ng Mayo? C. Pangwakas na Gawain 1.Paglalahat Ang tradisyon ay mga kaugaliang minana sa nga ninuno na ipinagpatuloy pa natin at ipinagdiriwang 2. Paglalapat Paano mo ipinagdiwang ang tradisyon sa inyong pamilya?

34

IV . PAGTATAYA: Kulayan ang kahon ng berde kung nagpapahayag ng magandang ugali ng mga tao sa anumang pagdiriwang at kulay pula kung hindi. 1. Malapit na ang pista sa nayon kaya naglilinis ng kani-kanilang harapan ang mga tao. 2. Hindi nagpunta sa kaarawan ng kaklase si Cielo dahil galit sya. 3. Nagbabatian ang mga magkakagalit lalo na kung araw ng pasko. 4.Nagpunta sa Cebu ang mag-anak ni Gng. Garcia dahil ibig nilang Makita ang Sinulog. 5. Nanghiram ng pera si Aling Betty para may pambili siya ng ihahanda sa darating na pista. V . TAKDA Itala kung anu-ano ang ginagawa ng mga tao sa bawat pagdiriwang na ito. Kailan ito ipinagdiriwang? 1. Pasko 2. Piesta 3. Araw ng mga Patay 4. Araw ng Paggawa 5. Mahal na Araw ARALIN 17 I.Layunin Nakagagamit ng mapanuring paraan sa pagkuha ng impormasyon/kaalaman tungkol sa pangyayari pakikinig ng mga balita sa radio II. Paksang-aralin Pandagdag sa Kaalaman Pakikinig sa Radyo BEC-PELC 1.1 p.3 Pagpapahalaga: Pandagdag sa kaalaman at pagtuklas ng katotohanan Sanggunian: Uliran 4 pp. 133 136 Kagamitan: tsart, radyo III.Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang-aralin 3. Balik-aral Anu-ano ang mga paraan upang makakuha ng mga kaalaman? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Sino sa inyo ang palaging nakikinig sa radyo? Anu-ano ang mga sinasabi sa radyo?
35

May kabuluhan ba ang mga sinasabi nila o wala? 2. Paglalahad Basahin ang maikling kuwento sa tsart. Salamat sa Radyo Ikaapat pa lamang ng umaga ay bukas na ang radyo ni Aling Mila. Gabi pa lamang ay nadama na niya ang lakas ng hangin. Tila may bagyong darating, wika niya sa asawa. Mukha nga. Kailangang masubaybayan natin ang balita upang malaman kaagad natin kung papapasukin natin ang mga bata, sagot ni Mang Roque. Mabuti yata ay gisingin na natin ang mga bata. Huwag muna. Maaga pa. Pabayaan muna natin silang makatulog. Isa pa, baka nga tumuloy ang bagyo. Tiyak na may abiso ang Kagawaran ng Edukasyon kung sususpindihin ang klase o hindi, wika pa ni Aling Mila. Naabala ang pag-uusap ng mag-asawa nang marinig ang tinig ng tagapagbalita ng panahon. Isang bagyo ang kasalukuyang bumabagtas sag awing Bikol na may bilis na 200 kilometro bawat oras patungo sa lalawigan ng Quezon. Malakas ang hanging may pabugsu-bugsong ulan ang dala ng bagyong ito na pinangalanang Pepeng. Ang mga lalawigang nasa daanan ng bagyong ito ay pinag-iingat. Abangan ang susunod na balita tungkol sa bagyong ito sa susunod na oras. Aba, kailangang maghanda na rin tayo. Baka lumakas pa ang hangin hanggang mamaya wika ni Mang Roque. Kailangang ituloy natin ang pakikinig sa radyo. Diyan lamang natin malalaman ang tunay na kalagayan ng panahon, sagot ni Aling Mila. Magluluto na ako ng almusal. Diyan ka lang para malaman natin ang pinakahuling balita tungkol sa bagyong iyan. Ang inaalala ko lamang ay baka mawalan tayo ng kuryente. Mapuputol ang pakikiniog natin ng balita kapag nagkagayon, sabi ni Mang Roque. Naku, hindi dapat magkaganoon. Kailangang-kailangan nating masubaybayan ang balita tungkol sa bagyo. Kung may baterya sana tayo, wika ni Aling Mila habang papunta sa kusina. Baterya? Teka, mayroon pa yata akong naitagong baterya. Hahanapin ko,biglang naalaala ni Mang Roque. Mabilis niyang binuksan ang kanilang kabinet. Ganoon na lamang ang tuwa niya nang Makita niya ang anim na baterya roon. Mila! Mila! tawag niya sa asawa. Wala na tayong problema, mawala man ang kuryente.
36

Ha!? Ano yon? tanong ni Aling Mila mula sa kusina. Lutas na an gating problema. May baterya na tayong magagamit, mawalan man ng kuryente, tuwang-tuwng balita ni Mang Roque sa asawa. Ay, salamat. Sige, pagbutihin mo ang pakikinig sa radio. Baka may bagong balita na tungkol sa bagyo, sagot ni Aling Mila. Hindi nagtagal ay muling narinig ni Mang Roque ang tinig ng Tagapamanihala ng mga Paaralang Bayan ng mga lalawigang dadaanan ng bagyo. Ibinalita ang pagpapanatili sa bahay ng lahat ng mga mag-aaral sa tatlong antas ng pag-aaral, sa elementary, sa mataas na paaralan at maging sa kolehiyo. Mila! Mila! muling tawag ni Mang Roque sa asawa. Heto na ang hinihintay natin. Biglang napapasok ni Aling Mila sa sal;as. Ano ang huling balita? tanong niya. Wala nang pasok ang lahat ng mag-aaral sa paaralan. Lumalakas ang bagyo, sagot ni Mang Roque. Hindi pa halos natatapos si Mang Roque sa ibinabalita sa asawa nang ulitin ang pahayag tungkol sa pagsususpinde sa mga klase sa buong maghapon. Mabuti ang ginawa ng pahayag na iyan. Hindi na mapapagod ang mga mag-aaral sa psgpasok, ani Aling Mila. Salamat sa radyo. 3. Patatalakay Anong balita ang narinig nina Mang Roque at Aling Mila mula sa radyo? Anu-ano pang mga bagay o balita ang naririnig mula sa radio? Ano ang suliraning maaaring makaharap ng mga tagapakinig ng radyo kapag nawalan ng serbiso ng kuryente? Paano nalutas ni Mang Roque ang suliranin sa pagkawala ng serbisto ng kuryente? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ang pakikinig sa mga balita sa radyo ay isang mabisang paraan ng pagkuha ng mga impormasyon o kaalaman tungkol sa pangyayari. 2. Paglalapat Sumulat ng tatlong isyu na karaniwang tinatalakay ngayon tungkol sa ating bansa. IV. Pagtataya Lagyan ng tsek (/) ang mga bagay na karaniwang tinatalakay o ibinabalita sa pamamagitan ng radyo at (x) kung hindi.
37

______1. Pangunahing balita sa bansa ______2. Kalagayan ng panahon ______3. Mga halaga ng paninda sa palengke ______4. Mga sakuna o karahasan ______5. Pangunahing balita mula sa ibang bansa V. Takdang-aralin Makinig sa radyo. Sumulat ng isang balita na napakinggan.

ARALIN 18 I.Layunin Nakagagamit ng mapanuring paraan sa pagkuha ng impormasyon/kaalaman tungkol sa pangyayari panonood ng makabuluhang programa sa TV II. Paksang-aralin Pandagdag sa Kaalaman Panonood sa Telebisyon BEC-PELC 1.1 p.3 Pagpapahalaga: Pandagdag sa kaalaman at pagtuklas ng katotohanan Sanggunian: Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pp 87 - 90 Kagamitan: tsart, TV III.Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang-aralin 3. Balik-aral Anu-ano ang mga makabuluhang impormasyon na nakukuha natin sa pakikinig sa radyo. B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Nanonood ba kayo ng mga programa sa telebisyon? May kabuluhan ba ang mga sinasabi nila o wala? 2. Paglalahad
38

Basahin ang maikling kuwento sa tsart. Balita sa Telebisyon Nagmamadaling naglalakad ang magkaibigang Jeric, Buddy at Nelson galling sa pamamasyal. Nais nilang makarating kaagad sa kanikanilang tahanan. Nangako ako sa aking nanay na uuwi kaagad, ang wika ni Jeric. Ayokong makagalitan. Bukod sa ayokong makagalitan ay ayoko ring paghintayin ang aking nanay, ang sabi ni Buddy. Ako man, ang wika ni Nelson. Madilim na nang dumating ang magkaibigan sa kani-kanilang tahanan. Unang dumating si Nelson. Inihatid pa siya nina Jeric at Buddy. Magandang gabi po, ang sabi ng dalawang bata. Magandang gabi naman, ang tugon ni Aling Luisa. Narito nap o si Nelson, ang wika ni Jeric. Inihatid nap o naming siya. Dumaan muna kayo, ang anyaya ni Aling Luisa. Huwag nap o uuwi na rin kami, ang sabay na tanggi ng dalawang bata. Pumasok na si Nelson sa bahay nila at nagmano sa ina. Salamat at dumating ka na maluwalhati, ang nagagalak na wika ni Aling Luisa. Wala pa po ba ang tatay? ang tanong ni Nelson. Si Ate nasaan po? Nasa bakuran at nagpapakain ng aso, ang wika ni Aling Luisa. Ang mabuti ay manood muna tayo ng balita sa telebisyon habang naghihintay sa kanila, ang sabi ni Aling Luisa. Binuksan ni Aling Luisa ang telebisyon. Nakinig at nanood sila ng balita sa telebisyon. Naku! May epidemya pala ang Bird Flu sa Hongkong. Sana masugpo kaagad ito nang hindi na kumalat, ang wika ni Aling Luisa. Narinig ko rin po ang balitang iyan sa radio. Sabi nga po ng tagapagbalita, kinatay po ang mga manok upang huwag nang kumalat ang epidemya. Marami pa silang narinig at napanood na balita sa telebisyon mula sa ibat ibang dako ng daigdig. Mayamaya ay dumating na ang tatay. Humalik sa kamay sina Nelson at Rita. Nawiwili pala kayo sa panonood ng telebisyon, ang wika ng tatay.
39

Opo, marami kaming nalalamang balita mula sa ibat ibang panig ng daigdig mula sa telebisyon at diyaryo, ang wika ng dalawang bata. Bukod sa malalaman mo na ang mga nangyayari, nakikita mo pa, ang wika ni Aling Luisa. Maghahain na ako! Tutulungan ka naming, Nanay, ang sabay na wika nina Nelson at Rita. 3. Patatalakay Anong magandang kaugalian ang ipinakita ng magkakaibigan? Ano ang pinanood ng mag-ina habang hinigintay ang tatay? Ano naman ang pinakinggan ni Nelson sa radio? Maganda bang manood at making ng balita? Bakit? Ikaw, ano ang pinanonood mong programa sa telebisyon? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ugaliin ang pakikinig o panonood ng mga makabuluhang palatuntunan sa telebisyon. 2. Paglalapat Para sa iyo, anu-ano ang kabutihang naibibigay ng telebisyon bilang magaaral? Isa-isahin at ipaliwanag. IV. Pagtataya Basahin at sagutin. 1. Kapag nakita mo ang Parental Guidance na palabassa telebisyon, bagay ba iyong panoorin ng bata kahit walang pahintulot ng magulang? Ipaliwanag. 2. May pinapanood ang guro mo sa inyo. Manonood ka rin ba? Bakit? 3. Aling palatuntunan sa telebisyon ang dapat pinanonood ng mga batang katulad mo? Bakit? 4. Yun bang mga palatuntunan sa telebisyon na may mga barilan o patayan ay mainam panoorin ng mga batang tulad mo? Bakit? 5. May magandang programa sa telebisyon. Ngunit hatinggabi na ay hindi pa sinisimulan. Hihintayin mo pa ba ito? Bakit? V. Takdang-aralin Sumulat ng limang makabuluhang programa sa telebisyon na paborito mong panoorin.

40

ARALIN 19 I.Layunin Nakagagamit ng mapanuring paraan sa pagkuha ng impormasyon/kaalaman tungkol sa pangyayari pagbabasa ng diyaryo II. Paksang-aralin Pandagdag sa Kaalaman Pagbabasa ng Diyaryo Pagpapahalaga: Pandagdag sa kaalaman at pagtuklas ng katotohanan BEC-PELC 1.1 p.3 Sanggunian: Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon pp 91-93 Kagamitan: tsart, diyaryo III.Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang-aralin 3. Balik-aral Ano ang ibig sabihin ng makabuluhang palatuntunan? Bakit importante sa atin ang makabuluhang palatuntunan? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Magpakita ng diyaryo Alam ba ninyo kung ano itong hawak ko? Anu-ano ang mga nakasulat dito? Mahalaga ba ito sa atin o hindi? Ipaliwanag. 2. Paglalahad
41

Basahin ang maikling kuwento sa tsart. Ang Diyaryo Nagbigay ng gawaing bahay si Gng. Aquino sa kanyang klase. Nagtungo si Joy sa aklatan upang maghanap ng aklat para sa kanyang gawaing bahay. Magandang hapon po, Gng. Dalma, bati ni Myrna sa guro sa aklatan. Magandang hapon Joy, ganting bati ni Gng, Dalma. Tahimik na pumasok si Joy at lumapit kay Tess na nasa kabilang mesa. Tahimik niyang binuhat ang silyang malapit kay Tess at bumulong dito. Tess, may nakuha ka na bang sagot sa ating takdang aralin? pabulong niyang tanong kay Tess. Wala pa nga, marami na akong nabasang aklat, ngunit hindi ko pa rin Makita ang sagot sa tanong ni Maam, paanas na sagot ni Tess. Tahimik na tumayo at nagtungo sa kabint ng mga aklat si Joy, Nagbabasa-basa siya roon. Aha! Ito ang sagot sa aming takda, wika ni Joy sa sarili. Sinipi niya agad ito. Ibinalik niyang muli ang aklat sa kanyang pinagkunan. Tahimik na nagtungo si Joy sa lugar ng mga pahayagan at magasin. Nagbasa siya roon. Tinapik siya ni Tess. Tapos ka nab a? Halika nang umuwi. Sabay tayo, bulong ni Tess. Sige mauna ka na. Magbabasa muna ako ng diyaryo, ang wika ni Joy. Mayroon din ba tayong takda riyan? manghang tanong ni Rosita. Wala. Ibig ko lang malaman kung anon a ang mga nangyayari sa ibat ibang panig ng daigdig. Para hindi na ako nahuhuli sa balita.Nakapagbigay ako ng sariling kuro-kuro kung ito ay pinag-uusapan, paliwanag ni Tess. Eh, bakit ditto ka pa magbabasa, hindi na lang sa bahay ninyo? giit ni Tess. Mahirap lang kami. Hindi kami bumibili ng diyaryo, wika ni Joy. Ibig ko lang talagang madagdagan ang aking kaalaman tungkol sa mga nangyayari sa kapaligiran. O sige mauna na ako, paalam ni Tess. 3. Patatalakay 1. Sino ang nagtungo sa silid-aklatan? Bakit? 2. Bakit hindi agad umuwi si Joy? 3. Ikaw ba ay nagbabasa ng diyaryo? Bakit? 4. Lahat ba ng nababasa sa diyaryo ay totoo? Patunayan.
42

5. Nakatutulong din bas a atin ang pagbabasa ng diyaryo? Paano?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Diyaryo, magasin, ugaliing basahin Nakadaragdag sa kaalaman natin.

2. Paglalapat Anong bahagi ng diyaryo ang nabasa mo na at nagustuhan sa lahat? Bakit? IV. Pagtataya Basahin at sagutin. 1. Nabasa mo sa diyaryo na nagkaroon ng lindol sa Japan. Marami ang naapektuhan ng lindol. Ano ang gagawin mo? Bakit? 2. Nakita mong bumili ng diyaryo ang kalaro mo. Hindi ka nagbabasa nito. Ibig mong basahin ay komiks. Tutuksuhin mo ba siya? Bakit? 3. Wala kang hilig magbasa ng diyaryo. Hindi ka tuloy makapagbigay ng kurokuro sa isang balitang pinag-uusapan. Ibig mong sumali sa talakayan, ano ang gagawin mo? Bakit? 4. Bilang bata, ano ang nararapat mong gawin para malaman mo kung ano ang nangyayari sa paligid? 5. Hindi mainam magbasa ng diyaryo. Tama o mali? Bakit? V. Takdang-aralin Gumupit ng dalawang article mula sa diyaryo at idikit sa notbuk.

43

ARALIN 20 I.Layunin Nakagagamit ng mapanuring paraan sa pagkuha ng impormasyon/kaalaman tungkol sa pangyayari wastong paggamit ng internet na hindi makakasakit sa kapwa II. Paksang-aralin Pandagdag sa Kaalaman Paggamit ng Internet Pagpapahalaga: Pandagdag sa kaalaman at pagtuklas ng katotohana BEC-PELC 1.1 p.4 Pagpapahalaga: Pandagdag sa kaalaman at pagtuklas ng katotohanan Sanggunian: Mgandang Asal pp 49 - 51 Kagamitan: tsart, kompyuter na may internet connection III.Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang-aralin 3. Balik-aral Ano ang diyaryo sa sarili mong pag-unawa? Ano ang kahalagahan ng diyaryo? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Sinu-sino sa inyo ang may kompyuter sa bahay? Naglalaro ng kompyuter games sa mga komyuter shop? 2. Paglalahad Basahin ang maikling kuwento sa tsart. Guyabano, Mahiwagang Puno
44

Sinimulan ni Gng Cruz, guro sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, ang aralin sa pagtatanong. Mayroon ba kayong impormasyonng nakuha tungkol sa ating aralin Nutrisyon? ang tanong ni Gng Cruz. Tumaas ng kamay si Irene. Ang nakuha ko pong impormasyon ay tungkol sa guyabano. Nasurf ko po ito sa google sa internet shop, ang sabi ni Irene. O, sige, iparinig mo na sa amin ang iyong balita, ang sabi ni Gng. Cruz.

Annona muricata, ang scientific name ng guyabano. Ito ay pinaniniwalaang miracle fruit dahil sa nakagagaling ito ng labindalawang uri ng cancer tulad ng colon, breast, prostate, lung, prancreatic, ovarian, liver, cervical, lymphoma at iba pa. Nakagagaling din ito ng heart disease, asthma, liver problems, at arthritis. Ayon sa pag-aaral, nagpapatunay na ang compound extracted from guyabano ay 10 000 times na nakapapatay at nakapagpipigil ng pagdami ng cancer cells kaysa sa adriamycin na karaniwang ginagamit sa chemotheraphy na hindi nakasasama sa kalusugan at naapektuhan ang healthy cells ng katawan. Maliban pa dito, ang katas nito ay hindi nakadudulot ng nausea, weight loss or hairloss at mas malakas ang pakiramdam ng taong umiinom nito kahit ito ay nasa panahon ng chemotherapy. Ang prutas nito ay mataas sa carbohydrates, bitamina C, bitamina B1, bitamina B2, potassium at dietary fiber. Ito ay may mababang cholesterol, saturated fat at sodium. Ang pinakuluang dahon nito kasama ang tangkay at dahon ng pandan at tanglad o guyabano tea ay nakapagpapabuti ng kalusugan, nakalulunas ng maraming karamdaman. Isinasaad sa mga pananaliksik na ang guyabano ay sinasabing epektibong cancer cell killer. Katulad na lang ni Dr. Bernardo O. Dizon na parang bulang naglaho ang kanyang depression na matagal nang bumabagabag sa kanya dahil sa walang humpay na pag-inom ng guyabano tea. Gayundin si Bro. Florentino Caparro,Jr na matagal ng heart patient, nakaiwas siya sa pagpapaopera dahil sa paginom nito.
45

Maganda! Maganda ang iyong balita. Irene. Ipagpatuloy ninyo ang pagkuha ng impormasyon at magbabalitaan tayo araw-araw, ang sabi ni Gng. Cruz.

3. Patatalakay 1. Sino ang nag-surf sa internet tungko sa guyabano? 2. Sa anong paraan ng pagkuha ng impormasyon ang ginamit ni Irene? 3. Ano ang scientific name ng guyabano? 4. Anu-ano ang mga benepisyong makukuha sa guyabano? 5. Saan sinasabing epektibo ang pag-inom ng guyabano tea? 6. Nakatutulong ba sa ating kalusugan ang pagkain/pag-inom ng guyabano? 7. Tama ba ang ginawa ni Irene na nag-surf sa internet ng makabuluhang bagay? Patunayan. 8. Ikaw, gumagamit ka ba ng internet sa pananaliksik? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Wastong paggamit ang internet sa pananaliksik, maraming makabuluhang ihahatid at sa kapwa ay hindi nakakasakit. 2. Paglalapat Anong pamamaraan ng pinagkukunan ng impormasyon ang gamit mo upang mapagpaliwanangan ang mga kaibigan mo? IV. Pagtataya Sumulat ng talata tungkol sa kasunod na tanong. (limang puntos) Bakit ka nagsisikap na magkaroon ng mga bagong kaalaman/impormasyon tungkol sa mga pangyayari? Tama bang gumamit ng internet? V. Takdang-aralin Mag-surf sa internet tungkol sa magagandang kaugalian ng Pilipino. I-print ito at idkit sa notbuk.

46

ARALIN 21 I. II. Layunin Nakauugalian ang pagiging matapat sa kapwa at pamunuan ng barangay. Paksang Aralin Wastong kaugalian ng Pagiging Matapat sa Kapwa at Pamunuan ng Barangay PELC 1 P. 5 Pagpapahalaga: Katapatan Sanggunian: Magandang Asal 4 P. 102 103 Kagamitan: Tsart III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng Takdang-Aralin 3. Balik-Aral Dapat ba natin mapaglabanan ang takot sa pagharap sa tao? Bakit? Paano? B. Panlinang sa Gawain 1. Pagganyak Narinig mo na ba ang kasabihan sa Ingles na Honesty is the best policy? Ano ang ibig sabihin nito? 2. Paglalahad Mayroon Honesty Store sa silid-aralan nina Jamie dito ang sinumang bibili ay kukuha na lamang ng kaniyang gustong bilhin at ilalagay ang bayad sa isang kahong lalagyan ng mga bayad.

47

Nang bumili si Jamie. Buong katapatang inilagay niya ang kaniyang bayad sa kahon at kinuha ang binili. Ganito rin ba ang gagawin mo? Bakit?

3. Pagtalakay Ano ang tinatawag na katapatan? Dapat ba tayong magpakita ng katapatan saan mang lugar at oras? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Paano naisasagawa ang pagtupad sa mga tungkulin ng may katapatan?

2. Paglalapat Sumakay ka ng bus Nakalimutan kang hingan ng konduktor ng iyong pamasahe Ano ang dapat mong gawin?

IV.

Pagpapahalaga Lagyan ng kung tama ang gawi at X kung di tama

__________1. Magbayad ng pamasahe ng kusa. __________2. Bigyan ng nararapat na marka ang sariling papel. __________3. Magtapat na lamang kapag nahuli. __________4. Sabihing nagkamali kapag nahuli. __________5. Isipin na lamang na pagkakamali ng kundoktor ang hindi mo pagbayad ng pamasahe.
48

V.

Takdang-Aralin Maglista ng mga gawaing gumagawa ng isang taong matapat ( 5 lamang)

ARALIN 22 I. II. Layunin: Nakauugalian ang pagiging matapat sa kapwa at pamunuan ng barangay. Paksang-Aralin: Wastong Kaugalian ng Pagiging Matapat sa Kapwa at Pamunuan ng Barangay Papapahalaga: Katapatan PELC 1 P. 5 Sanggunian: Magandang Asal P. 95 Patnubay ng Guro P. 58 Kagamitan: III. Tsart ng pagsasanay

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Balik-Aral Ano ang tinatawag na katapatan? Dapat ba tayong magpakita ng katapatan? Saan mang lugar at anumang oras? Bakit? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Narinig mo na ba ang kasabihang Ang pagsasabi nang tapat ay pagsasama ng maluwag?

49

Ano ang ibig sabihin nito?

2. Paglalahad Pagkukuwento ng Guro: Wala pa si Gng. Reyes ang mga bata sa silid-aralan ay nagpasiyang maglinis. Kinuha ni Lito ang pambura sa pisara upang ipagpag sa labas. Pagtalikod niya di-sinasadyang natabig niya ang plorera. Ito ay bumagsak sa sementadong sahig at nabasag. Nang dumating si Gng. Reyes at magtanong ipinagtapat ni Lito ang tunay na dahilan kung bakit nabasag ang plorera. Kung kayo si Lito, ganito rin ba ang gagawin mo?

3. Pagtatalakay: Kapag may nangyari o may ginawang hindi tama. Dapat bang ibigay ang tamang ulat o tunay na dahilan ng pangyayari? Bakit? Dapat bang magalit o magdamdam kapag nagbibigay ng parusa sa mga pagkakamaling nagagawa? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Paano mo maipakikita ang katapatan mo sa kapwa? 2. Paglalapat Mayroon kang gawaing bahay sa Sibika. Hindi mo nagawa ito dahil may dumating kayong mga kamag-anak na galling sa malayong probinsya at tumulong ka sa paghahanda ng pagkain at napuyat ka. Ano ang sasabihin mo kapag hinanap ng inyong guro ang iyong gawaing bahay? IV. Pagtataya: Lagyang ng kung tamang gawi at x kung di-tama.

___________1. Magsinungaling muna, mag-ingat na lamang sa susunod upang


50

hindi na magkamali. ___________2. Gumawa ng ibang kuwento upang hindi maparusahan. ___________3. Ituro ang pagkakamali sa ibang tao. ___________4. Sabihin ang tunay na dahilan. ___________5. Huwag magdamdam kapag nabibigyan ng parusa. V. Takdang-Aralin: Sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa kasabihang Ang pagsasabi ng tapat ay pagsasama ng maluwag

51

ARALIN 23 I. Layunin: Nakaugalian ang pagiging matapat sa kapwa at pamunuan ng barangay II. Paksang-Aralin Wastong Pag-uugali sa Pagiging Matapat sa Kapwa at Pamunuan ng Barangay Pagpapahalaga: Karapatan / Integridad PELC .I P. 5 Magandang Asal 4 P. 95 Patnubay ng guro 4 P. 58 Kagamitan: Tsart ng Kwento, tugma III. Pamamaraan A. Panimulang-Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang-aralin 3. Balik-Aral Paano isinasagawa ang honor system? B. Panlinang ng Gawain 1. Pagganyak Basahin ang tugma na nakasulat sa tsart Ang mabuting mamamayan. Buwis ay hindi kinalilimutan Ano kaya ang kahulugan nito? 2. Paglalahad Pagbasa sa kwento

Sanggunian:

52

Mama saan po tayo pupunta? Akala ko ay manonood tayo ng sine? Ang tanong ni Mark. Sa munisipyo muna, dahil magbabayad ako ng buwis ang sagot ng ina. Mama ano po ba ang buwis? Bakit kailangang magbayad nito? Tanong naman ni Mark. Anak ito ang salaping ibinabayad ng mamamayan sa pamahalaan upang makapag tayo ng daan, paaralan, gusali at iba pa. Ang pamahalaan ay tulad ng isang pamilya na kailangan ng salapi upang matugunan ang pangangailangan. Ang pagbabayad ng buwis ay isang mahalagang tungkulin ng mamamayan. Ang paliwanag ng ina. Paglaki ko po, magbabayad din ako ng buwis ang nasabi ni Mark. Kailangan pala ang maging matapat sa pagbabayad ng buwis. Tama iyan ang tinatawag na honor system

3. Pagtatalakay Ano ang kahulugan ng buwis? Bakit kailangan ng tao na magbayad ng buwis? Paano isinasagawa ang karapatan / honor system C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Paano ang pagsasagawa ng honor system sa pagtupad sa mga tungkulin ng may katapatan? 2. Paglalapat Lakbay Isip Sa Paglalakbay Ipikit ang mga mata at isiping mabuti ang larawan ng isang pook na malinis at maganda. Pagkatapos ipahayag ang nasa isip kung paano nagawa ang lahat ng iyon. Saan kumuha ng salaping ipinagpagawa ang pamahalaan.

IV. Pagtataya Lagyan ng tsek ang mga pangungusap na nagpapakita ng katapatan __________1. Magbayad ng buwis __________2. Alagaan ang likas na yaman
53

__________3. Magbayad nang husto sa mga sasakyan. __________4. Pagandahin ang paligid. __________5. Isauli ang bagay na napulot V. Takdang-Aralin Paano mo naisasagawa ang iyong katapatan?

Sa paaralan? Sa tahanan? Sa pamayan ARALIN 24 I. II. LAYUNIN: Nakauugalian ang pagiging tapat sa kapwa at pamunuan ng barangay Paksang-Aralin: Wastong Kaugalian ng Pagiging Matapat sa Kapwa at Pamanuan ng Barangay Pagpapahalaga: Katapatan PELC .I P. 5 Magandang Asal 4 P. 102 103 Tsart ng pagsasanay

Sanggunian: Kagamitan: III.

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Balik-aral Ano ang pinakamataas na uri ng katapatan? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Ikaw bay matapat sa iyong magulang? May nagawa ka na bang kasalanan di pinagtapat sa kanila? Bakit? 2. Paglalahad Pagkukuwento ng Guro Bigayan na ng kard para sa ikalawang markahan nagpatawag na si Bb. Canlas ng Homeroom PTA meeting upang
54

itaon sa pagbibigay ng kard sa bawat magulang. Alam ni Rose na siya ay bagsak sa isang asignatura. Kaya natakot man sinabi sa kanyang amat ina ang katotohanan bago dumating ang pagpupulong. 3. Pagtatalakay Tama ba ang ipinakita ni Rose? Kung kayo ang nasa sitwasyon, Ganito rin ba ang gagawin nyo? Anong magandang katangian ang ipinakita ni Rose? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Paano mo maipakikita na ikaw ay matapat? 2. Paglalapat Ikaw bay matapat? Isulat sa iyong papel ang mga naipamalas mong katapatan sa loob ng isang lingo. IV. Pagtataya Basahin ang bawat sitwasyon sa ibaba kung itoy nagsasaad ng katapatan. Iguhit ang kung hindi, iguhit ang ______ sa iyong sagutang papel.

_________1.Niyakad ng kaklase mo manood ng sine sa darating na sabado. Ang paalam mo sa nanay mo ay pupunta ka sa bahay ng iyong guro upang magtsek ng testpapers. _________2. Nabasag ni Jimmy ang plorera sa kanilang bahay nang dumating ang kaniyang ina ipinagtapat ang tunay na nangyari. _________3. Pinagdilig si Lito ng kanyang ama ng halaman hindi siya gumamit ng tabo. Pinuno niya ng tubig ang timba at ibinuhos sa halaman na siyang naging dahilan ng pagkabunot ng halaman. Sinabi niya sa kanyang ama na naghabulan ang asot pusa kaya nabunot.
55

_________4. Humiram ng pantasa si Ana sa kanyang kaklase pero isinauli ito sa oras na kanyang ipinangako. _________5. Mahusay kang sumayaw pero sa kagustuhan na di sumali. Hindi mo ipinagtapat na marunong ka. V. Takdang-Aralin: Sumulat ng maikling talata na nagsasaad ng iyong katapatan sa iyong buhay. ARALIN 25 I.LAYUNIN: Nakapagbibigay ng opinion o kuro kuro sa mga pangyayari. Naisasauli kaagad ang anumang bagay na hiniram. II.PAKSANG ARALIN: Kalinisang Loob at Katapatan Dayalogo Si Ben Palahiram PELC 1.3 Nakapagbibigay ng opinion o kuro kuro sa mga pangyayari. Sanggunian: BEC Handbook p.13 Kagamitan: Tsart,mga larawan III.PAMAMARAAN: A.Panimulang Gawain 1.Panalangin 2.Pagwawasto sa Takdang Aralin 3.Balik-aral Isang umaga ,papasok ka sa paaralan.Habang naglalakad ka ay may nakita kang bolpen nab ago.Hindi mo alam kung sino ang may ari nito.Ano ang dapat mong gawin? B.Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Tawagin ang pansin ng mga bata sa kaguluhang nangyari dahil sa hindi sinauli kaagad sa may-ari ang isang bolpen na hiniram. Pag-alis ng sagabal
56

a.Hiniram Hiniram ni Inahing Manok ang singsing ni uwak. b.Ipinagkaila- Ipinagkaila ni Mila na siya ang kumain ng tsokolate kahit na nakita siya ni Nanay.

2.Paglalahad Ipabasa ang dayalogo Si Ben Palahiram

Si Ben Palahiram Antonio: Berto: Antonio: Berto: Antonio: Nakita ko kayong nag uusap ni Ben.Ano ba ang kailangan nya? Gusto lang niyang hiramin ang aking aklat. Huwag kang makinig sa kanya.Tinatawag naming siyang Si Ben Palahiram. Ganoon ba?Bakit? Akalain mo,noong Martes galit nag alit si Tony at malapit ng masaktan si Ben dahil hiniram niya ang aklat noong nakaraang buwan pa at hindi isinauli hanggang ngayon.Bukod pa riyan ipinagkaila pa ni Ben na nakahiram siya ng aklat ni Tony. Hindi lang iyon,ang kanyang pinsang si Jack ay ayaw ng magpahiram siya ng aklat ni Tony. Hindi lang iyon,ang kanyang pinsang si Jack ay ayaw na magpahiram sa kanya kahit ano.Natuto na siya. Kaawa awing Ben! Ano kaya ang maitutulong natin sa kanya?

Lito: Lito: Antonio:

3.Pagtatalakay Talakayin ang kahalagahan ng pagsasauli kaagad ng mga bagay na hiniram.


57

C.Pangwakas na Gawain 1.Paglalahat Ipahayag sa mga bata na ang anumang hiniram ay dapat isauli kaagad.

2.Paglalapat Nangako kang isasauli mo ang aklat sa aklatan sa darating na Biyernes,ngunit nagkasakit ka at hindi nakapasok.Kilala ng kapatid mong lalaki ang katiwala ng aklatan.Ano ang dapat mong gawin?

IV.PAGTATAYA A.Pangkatang Gawain Magsadula ng isang dula dula ayon sa paksang napag aralan natin ngayon. B.Pasalita Ano ang dapat ninyong tandaan kapag nakahiram ka ng isang bagay?Bakit dapat isauli kagad ang anumanag bagay na hiniram? C.Pasulat Lagyan ng bilang 1-5 ang inyong papel.Isulat ang palagi ,paminsan minsan oi hindi kailanman. 1._____ Isauli kagad ang hiniram na akalat 2._____ Isinuli ang mga kagamitang hiniram. 3._____ Kinakalimutan ang hiniram na gamit. 4._____ Sinabi ang tototoo kapag nawala and hiniram na gamit. V.KASUNDUAN: A.Takdang Aralin

58

Anu ano ang kahalagahan ng pagsasauli ng mga bagay na hiniram sa tamang oras at panahon? B.Pangako Isauli kaagad ang anumang bagay na hiniram. C.Pagsubaybay Obserbahan ang mga ugali ng mga bata kung sila ay nanghiram ng lapis, bolpen, krayola at iba pa.. ARALIN 26 I. Layunin Nakapagbibigay ng opinion o kuro kuro sa mga pangyayari. Naalagaang mabuti ang mga hiniram na bagay

II.Paksang Aralin Pagmamalasakit sa kapwa Tula-Kung Nanghihiram(Sariling Katha) PELC 1.3 Nakapagbibigay ng opinion o kuro kuro sa mga pangyayari. Sanggunian: Magandang Asal pahina 78-79 BEC Handbook p.13 Kagamitan: Mga tunay na bagay. III.Pamamaraan A.Panimulang Gawain 1.Panalangin 2.Pagwawasto sa Takdang Aralin 3.Balik-aral Anong ugali meron si Ben sa ating dayalogo kahapon? Ano ang dapat nating gawin sa mga bagay na ating hinihiram sa iba?

59

B.Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Nanghiram ka ba ng gamit ng iba?Anong mga bagay ang palagi nating hinihiram? 2.Paglalahad a.Ipakita ang larawan ng batang nanghiram ng lapis.Paano kaya niya inaalagaan aag kanyang hiniram? b. May babasahin tayong isang maikling tula tungkol sa hiniram na bagay. c. Pagbasa sa tula sa pisara. Kung Nanghihiram Ang mga bagay na hiniram Ay dapat ingatan Isasauli sa mabuting kalagayan Para mulinbg makahiram. Kapag hindi mo pag-iingatan Ang iyong hiniram Kayo ay pagagalitan At din a muling makakahiram 3.Pagtatalakay *Ano ang mga bagay na palagi nating hinihiram? *Ano ang gagawin mo sa mga bagay na hiniram? *Paano mo isasauli ang iyong hiniram? *Ano ang mangyayari kung hindi maiingatan ang hiniram? *Dapat bang bayaran ang nasirang hiniram?Bakit? C.Pangwakas na Gawain 1.Paglalahat Ano ang mga dapat gawin sa mga hiniram na kagamitan? *Ingatan ang mga bagay na hiniram at isauli sa mabuting kalagayan. 2.Paglalapat

60

Upang maipakita ang pagmamalasakit sa kapwa, ano ang gagawin mo sa iyong mga hiniram na kagamitan?

IV.PAGTATAYA A.Pangkatang Gawain Magsadula ng isang dula dula ayon sa paksang napag aralan natin ngayon. B.Pasalita 1. Ano ang bagay na maaring hiramin? Magbigay ng mga halimbawa. 2. Paano mo iingatan ang mga bagay na hiniram.? 3. Kailan mo dapat isauli ang mga bagay na hiniram? 4 .Ano ang maaring mangyari kong magtagal maisauli ang mga hiniram? 5. Ang pagpapahiram ba ay isa sa mga tungkulin natin?Bakit? C.Pasulat Basahin ang mga pangungusap at piliin ang titik ng tamang sagot 1. Ang mga bagay na hiniram ay dapat; a.Pabayaan c. b.ingatan d 2. Isauli ang mga hiniram sa: a. may ari b.kaibigan itago angkinin

c.Kapatid d.kalaro

3. Kung hindi pag iingatan ang hiniram, ano ang mangyayari? a.mawawala ito
61

b.masisira ito c.magagalit ang may ari. d.Lahat ng nabanggit. 4. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita nga pagmamalasakit. a.ang bumili ng boto. b. ang nagwala ng hiniram. c.ang nag-ingat sa hiniram d.ang nagalit sa nanghiram

5. kung ang mahalagang bagay na pinahiram mo at nasira ,alin ang gagawin mo? a.pagbayarin c. ipakulong b.pagalitan d. huwag ng pahiramin ulit

V.KASUNDUAN: A.Takdang Aralin Anu ano ang kahalagahan ng pagsasauli ng mga bagay na hiniram sa tamang oras at panahon?Kabisahin ang tula para bukas.

B.Pangako Sisikapin kong ingatan ang mga hiniram na bagay.

C.Pagsubaybay Sipiin at isaulo ang tula.Ilagay sa isip at sundin ang mga aral na nakuha dito...

62

Aralin 27 I.Layunin Nakapagbibigay ng opinion o kuro kuro sa mga pangyayari. Matutuhang iwasan ang pagkuha o pag angkin ng gamit ng iba. II.Paksang Aralin Katapatan Kuwento-Hindi Akin Iyan PELC 1.3 Nakapagbibigay ng opinion o kuro kuro sa mga pangyayari. Sanggunian: BEC Handbook p.13 Phil. Journal of Education Magazine Kagamitan: Mga larawan III.Pamamaraan A.Panimulang Gawain 1.Panalangin 2.Pagwawasto sa Takdang Aralin 3.Balik-aral a. Ano ang aralin natin kahapon?

63

b.Pagtsek ng kasunduan ng nakaraang araw. Anu ano ang kahalagahan ng pagsasauli ng mga bagay na hiniram sa tamang oras at panahon? Pagtula ng bata sa unahan. B.Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Ipakita sa mga mbata anagf larawan ng magkaibigan.Tanungin sila tungkol sa larawan.Ano ang nangyari kay Elsa?Bakit siya balisang balisa?May hinahanap ba siya?Gusto ba ninyong malaman?Babasahin natin ang kuwento mamaya.

Pag aalis ng Sagabal: Nagtataka si Nestor kay Elsa nang tinanggihan ang pag angkin sa nawawalang pera. 2.Paglalahad Ipamimigay ng guro ang kopya ng inihandang kuwento o kaya babasahin ito sa mga bata. Hindi Akin Iyan Rises nagmamadaling lumabas ang silid ang mga bata sa ika-apat ng Baitang. Naiwan si Elena sa kanyang upuan.Hindi kasi niya nakita anag kanyang baong pera.Wala iyon sa kanyang bag.Wala din iyon sa bulsa ng damit niyaTiningnan na rin niya ang kanyang pencil case.Wala roon ang kanyang dalawampung piso. Maya maya,bumalik si Rosa sa silid.Kaibigan siya ni Elena .Elena nariyan ka pa pala?sabi ni Rosa.Halika na,mag rises na tayo. Sandali munasagot ni Elena. Bakit?Lumapit si Rosa sa kaibigan.Nawawala kasi ang dalawampung piso kong baon.Naku!...bulalas ni ni Rosa.Hanapin natin. Nagtulong sa paghahanap ng pera ang magkaibigan.Ngunmit talagang nawawala ang pera. Lumabas sila sa silid.Nagtanong sila sa naroong mga kamag aral.Baka may nakapulot sa pera.Tumulong ang mga bata sa paghahanap nng

64

nawawalang pera.Hinanap nilka iyo sa lahat ng lughar.Hinanap nila iyo sa damuhan,sa palaruan ,sa garden,at sa buong paligid. Elena!Elsa!Heto ,nakita anag pera mo!Sigaw ni Nestor.Tumakbong papalapit si Nestor kina Elena .Hawak hawak niya ang isang dalawampung pisong papel.Bagung bago ang pera. Teka munasabi ni Elena. Bakit? Kasi hindi ito ang ang pera ko!Sabi ni Elena.Hindi bat nawawalan ka ng dalawampung piso?nagtatakang tanong ni Nestor.Oo nga ,pero hindi ito ang aking pera.Bago ito,iyong nawawala kong pera ay luma,sabi Elena.Ibinalik ni Elena kay Nestor ang dalawampung piso.E,kaninong pera kaya ito? tanong ni Nestor.Baka may ibang batang nawawalan din ng pera,sagot ni Elena.Nang tumalikod na sina Elena at Rosa,nagkatinginan ang mga batang naiwan.Pambihira si Elena,sabi ng isang bata.Hindi naman natin alam na hindi iyan ang pera niya.,hindi pa inangkin.

3.Pagtatalakay Ipabasa ang mga tanong a.Ano ang nangyari kay Elena? b.Paano siya tinulungan ni Rosa sa paghahanap ng nawawalang pera? c.Ano ang ginawa ni Nestor sa perang napulot? d.Bakit tinangihan ni Elena ang pagtanggap sap era. C.Pangwakas na Gawain 1.Paglalahat Itanong: Kung may nakita kang mga bagay na hindi sayo,ano ang gagawin mo? * Isasauli ito sa may ari at huwag angkinin ang nakitang bagay na hindi sayo. 2.Paglalapat Nakakita ka ng isang paying na bagung bago habang naglalaro kayo sa plasa.Nakasulat ditto ang pangalan ng may ari.Ano ang gagawin mo?. IV.PAGTATAYA A.Pangkatang Gawain

65

Magsadula ng isang dula dula ayon sa paksang napag aralan natin ngayon. B.Pasalita Ano ang dapat gawin kapag nakakita ka o nakapulot ng isang bagay o gamit na pag aari ng iba? C.Pasulat Ano ang gagawin mo sa mga susunod na pagkakataon?Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Naglalakad si Josefa sa daan.Nakakita siya ng Pera.Ano ang gagawin niya sa pera? a.Itatago niya sa bulsa b.Ibibili niya ng pagkain c.Isasauli niya sa may ari d.Hahatiin nila ng kanyang kaibigan 2. Dumalo si Ester sa kaarawan ni Lolita.Lahata silang magkakaibigan ay dumalo sa kaarawan.Nag uwian sila dali dali niyang dinampot ang kanyang paying.Hindi niya alam na hindi iyon ang kanyang paying.Ano ang gagawin ni Esther? a.Itatago niya ang paying b.Isasauli niya sa may ari c.Buburahin niya ang pangalan sa paying d.Ibibigay niya sa kanyang kapatid. 3. Nakakita si Nestor ng sampong piso.Alam niya na sa kamag aral niya iyon dahil sa nakita niyang nahuloig iyon.Ano ang gagawin niya?. a.Pupulutin niya at ibibili niya sa tindahan b.Pupulutin niya at ilalagay sa bulsa c.Pupulutin niya at hahatian ang kanyang kanyang kaibigan d.Pupulutin niyua at ibibigay sa may ari 4. Naglalaro ka sa plasa .Nagulat ka ng makita mo ang bagong relo.Isinuot mo ito at hustong husto sa iyo.Ano ang gagawin mo sa relo? a.Itatago ko sa bulsa para walang makakita b.Ibibigay ko sa pulis at ipapahanap ang may ari nito c.Ibebenta ko sa isang kaibigan d.Ibibigay ko sa aking pinsan sa kanyang kaarawan 5. Si Mang Pedro ay isang taxi driver,.Naiwan sa upuan ng isang pasahero ang kanyang supot.Binuksan niya ito at nahgulog ang bagong pitaka.Ano ang kanyang gagawin?. a.Bubuksan niya ang pitaka at kukunin ang pera b.Bubuksan niya anag pitaka at ibibigay ang pera sa kanytang kasamahan c.Bubuksan niya ang pitaka at hahanapin ang may ari d.Bubuksan niya ang pitaka at ibibili ang pera ng inumin at iba pa.
66

V.KASUNDUAN: A.Takdang Aralin Ipaliwanag Huwag angkinin ang di sayo Matutuwa ang may-ari kapag isinauli mo ito Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa pag aari ng iba? B.Pangako Iiwasan ko ang pagkuha at pag- angkin ng bagay o gamit ng iba. C.Pagsubaybay Patnubayan ang mga bata sa pagsasauli ng gamit ng iba. ARALIN 28 I.Layunin Nakapagbibigay ng opinion o kuro kuro sa mga pangyayari. Nasasabi ang katotohanan ng mga pangyayaring naganap tungkol sa iba. II.Paksang Aralin Kalinisang Loob at Katapatan Kuwento Ang Kuwintas ni Merlin PELC 1.3 Nakapagbibigay ng opinion o kuro kuro sa mga pangyayari. Sanggunian: BEC Handbook p.16,Conduct for Everyday Living III pp. 38-39 Kagamitan: Larawan,Tsart III.Pamamaraan A.Panimulang Gawain 1.Panalangin 2.Pagwawasto sa Takdang Aralin Paano mo maipapakita ang pagmamalasakit sa pag aari ng iba? 3.Balik-aral a.May pagsusubok.Sinabihan kayo ng guro na kayo ang hahawak ng iyong mga papel upang iwasto at nagkataon na mababa ang iyong nakuha.Papalitan mo ba ang mga sagot mong mali para lamang makakuha ka ng mataas na marka?Bakit?
67

b.Kung kaklase mo ay gusting mangopya ng mga sagot mo dahil sa hindi siya nakapag-aral ng liksiyon,pahihintulutan mo ba siyang mangopya sa iyo?Ipaliwanag mo. B.Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Magpakita sa mga mag-aaral ng ilang mga kilos na nagpapakita ng kalinisang loob at katapatan na kadalsang nararanasan nila sa pang arawaraw na gawi. Halimbawa: Pagsasabi ng tunay na dahilan kapag humihingi ng pera sa mga magulang gayundin ang tunay na halaga ng bibilhin. 2.Paglalahad a.Talakayin ang larawan sa paskilan b.Magpafrinig ng ilang kuwento na nagsasabi ng kalinisan ng loob katapatan. Ang Kuwintas ni Merlin Isang ermitanya si Merlin.Mayroon siyang magandang gintong kuwintas.Kung nagsisinungaling ang may suot nito ay umiitim ang kuwintas at sumasakal ito hanggang siyay magsab I ng totoo.Kahit sino ay maaring makahiram ng kuwintas na ito. Si Morita ay tumira ,malapit sa yungib ni Merlin.Si Morita ay may ugaling bulaan.Pinalo siya ng kanyang ina ngunit patuloy parin siyang nagsisinungaling. Isang araw nalaman ng ina ni Morita ang tungkol sa kuwintas ni Merlin.Hiniram niya ito at pinasuot kay Morita.Mula noon,si Morita ay nagsasabi na ng totoo kasi takot siyang sakalin ng kuwintas. 3.Pagtatalakay Sagutin ang mga tanong: a.Kung nagsisinungaling ang nagsusuot ng kuwintas,ano ang mangyayari sa kuwintas? b.Ano ang nalaman ng ina ni Morita tungkol sa kuwintas ni Merlin isang araw?
68

at

c.Mula noon ano ang sinasabi ni Morita?Bakit? C.Pangwakas na Gawain 1.Paglalahat Masama ang nagsisinungaling.Mahalaga ang kalinisang loob at katapatan sa ating salita ,kilos at sa gawa? 2.Paglalapat Kung kayo si Morita,ipagpapatuloy ba ninyo ang masamang ugali na magsinungaling?Bakit?

IV.PAGTATAYA A.Pangkatang Gawain Magsadula ng isang maikling sitwasyon na kung saan nakita ninyo ang isang kamag-aral na gumagawa ng maling gawa/gawi.Paano ninyo ito pagsasabihan o tutulungan para baguhin ang kanyang maling gawa? B.Pasalita Ano ang gagawin mo kapag alam ninyo na ang ginawa ng isang kaibigan ay masamang gawi? C.Pasulat Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Anong ugali ang makukuha natin tungkol sa kuwentong binasa? a.Magsinungaling b.Kalinisang loob at katapatan c.Masamang loob 2. Nainis si Mila kay Liza,ang matandang kapatid niya dahil inutusan siyang magwalis ng bakuran.Nang dumating ang nanay nila,sinabi niyang itinapon ni Liza ang sobrang pagkain sa basurahan.Pinalo ng nanay si Liza kahit na hindi nakita ni Mila kung sino ang nagtapon ng pagkain.Ano ang nararapat gawin ni Mila? a.Aaminin niyang gawa-gawa lang niya iyon b.Pababayaan niyang paluin ng nanay si Liza c.Tatawa siya ng lihim
69

3. Si Jose ay nakabasag ng plorera sa paaralan.Pagdating ng guro iba angpinagbintangan.Ano ang dapat gawin ni Jose? a.Magsasabi ng katotohanan na siya ang bumasag b.Manahimik na lamang c.Pabayaan na ibang bata ang maparusahan

V.KASUNDUAN: A.Takdang Aralin Kabisahin ang kaisipan at ibigay ang sariling paka hulugan. Ang ayaw mong gawin sayo Ay di mo dapat gawin sa ibang tao Gawaing hindi mo ibig mangyari sa iyo Sa ibay huwag gagawin ito. Ang pagsasama ng tapat, ay pagsasama ng maluwat. B.Pangako Isasaugali kong magsasabi ng katotohanan sa salita,kilos at gawa. C.Pagsubaybay Patnubayan ang mga bata sa paggawa ng sitwasyon na nagpapakita ng ugali sa pagsasabi ng katotohanan.

70

ARALIN 29
I.

LAYUNIN

Naihahayag nang mahinahon ang damdamin at kilos sa anumang pagkakataon kapag nagbibiro.
II.

PAKSANG ARALIN Kuwento: PELC 1 1.2 Sanggunian: Kagamitan: Magandang Asal pp.35-36 tsart, plaskard Huli na! sa Panginoon Pagpapahalaga: Pananampalataya/Pananalig

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto sa takdang aralin 3. Balik-aral B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mahilig ba kayong magbiro ? Anong nangyari sa taong biniro mo? Anong nangyari pagkatapos mong magbiro?
71

2. Paglalahad Pagbasa ng kwento Huli na! Huli Na! Ang mag-anak na Tolentino ay masayang nagkukuwentuhan nang biglang sumigaw si Miguel ng, Ang Lola! Dumating si Lola. Binuksan ni Lita ang pinto ngunit wala siyang nakitang Lola Linda. Nasaan ang lola mo? ang tanong ng nanay. Malakas na tumawa si Miguel sabay sabi ng, Joke! Joke! Joke!. Nagbibiro lang ako naniwala naman agad kayo. Pinagalitan siya ng nanay at tatay. Sinabihan siya na masama ang ganoong pagbibiro dahil wala nang maniniwala sa kanya pagdating ng panahon. May naalala akong kwento tungkol sa isang batang pastol na nagbiro rin, ang sabi ng nanay. Halikayo at ikukwento ko sa inyo. Isang mag-anak ang naninirahan sa isang malayong lugar. Ang anak nila ay si Nelson, siya ay masayahin at palabiro. Pinayuhan siya ng kanyang mga magulang na iwasan ang pagbibiro lalo na sa mga seryosong bagay. Ang gawain ni Nelson ay magpastol ng mga kambing sa lugar nila. Marami kasing asong gala na kumakain ng kambing na kung tawagin ay lobo o wolf. Saklolo! Saklolo! Sumalakay na naman ang mga lobo, ang sigaw ni Nelson. Naglabasan ang mga taong may dalang pamalo at bato para tulungan si Nelson. Laking galit ng mga tao nang makitang wala naman palang mga lobo na sumalakay. Inuli-ulit ni Nelson ang gayong biro. Galit na galit ang mga kababayan niya sa kanya. Pinagalitan din siya ng kanyang tatay. Makalipas ang ilang araw, habang namamahinga, nakarinig si Nelson ng ingay. Nang tingnan niya ito ay nakakita siya ng isang kawan ng mga lobo. Natakot siya at sumigaw upang humingi ng saklolo. Ngunit walang dumating na saklolo. Halos naubos ang pinapastol niyang mga kambing bago umalis ang mga busog na lobo. Doon umiyak nang umiyak ang batang si NelsonO, alam mo na kung bakit hindi dapat magbiro, Miguel, sa mga bagay na seryoso o makatotohanan? ang tanong ng kanayang tatay. Opo, tatay hindi kop o nalilimutan ang kwento ni nanay. Kawawa po si Nelson dahil walang naninwala sa kanya. 3. Pagtalakay
72

a) Anong ang nangyari sa tatlong lalaki? b) Ano ang ginawa ay isang lalaki sa kanilang kasamay may malubhang kalagayan? c) Ano ang sinabi ng isa pang lalaki? d) Ano ang nangyari sa lalaking napatawa. e) Bakit kaya namatay ang naunang lalake? f) Bakit hindi nakaramdam ng lamig ang magkasamang lalaki?

4. Paglalahat Laging umayon sa Tamang gawa, Anuman ang sitwasyon at pagkakataon. 5. Paglalapat Sa gitna ng kagipitan , paano mo maipakikita ang iyongang iyong pagpapa-halaga sa iyong kapwa? IV.Pagtataya Markahan ng masayang mukha kung wasto ang Pahayag at malungkot na mukha kung hindi wasto. 1. Ang pagtatama ng maling gawa ay may mabuting bunga. 2. Tumulong sa kapwa sa abot ng makakaya. 3. Mahisalo sa maling Gawain para hindi pintasan ng kaibigan o tropa. 4. Magalit ka kapag itinatama ng iba ang maling nagawa. 5. Unahing ang kapakanan ng iba kung kinakailangan. V. Takda Aralin: Kunin sa isang talata , Ibigay ang sariling pananaw Ang pagmamahal sa kapwa ay parating may magang kinahihinaynan, kaysa sa mga nang-iiwan.

73

ARALIN 30 I. Layunin Naihahayag nang mahinahon ang damdamin at kilos sa anumang pagkakataon kapag nagbibigay ng puna. II.Paksa Kuwento: PELC 1 1.2 Sanggunian: III.Pamamaraan A.Panimulang Gawain 1.Panalangin 2.Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Balik Aral B.Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Nagkaroon nab a kayo ng panauhin? Paano nyo sila pinakatunguhan?
74

Panauhin

Pagpapahalaga: Pananampalataya/ Pananalig sa Panginoon Magandang Asal pp. 134-135

Kagamitan: Tsart at Larawan

2. Paglalahad Pagbasa ng kwento ng Panauhin Panauhin Nasa sala ang tatay at nanay nina Marina. May bisita sila. Ang Tiyo Ramon niya na galing Amerika. Pinag-uusapan nila ang mga kapatid ni Marina. Ang mga anak mo ay mababait at magagalang. Binabati nila ako kapag nasasalubong . Magalang din sila sa ibang tao. Ang mga bata sa ibang bansa ay kaiba ang ugali. Hindi sila magagalang, ang wika ni Tiyo Ramon. Maya-maya dumating si Richmond . Galing siya sa paaraln.Magandang hapon po Tiyo Ramon, ang wika ni Richmond at nagmano sa kamay ng Tiyo Ramon. Pumasok na ito sa silid.Dumating din si Roderick. magandang hapon rin po Tiyo Ramon at Magandang hapon po Nanay, Tatay,

pumasok na rin siya sa sariling silid. Ang huling dumating ay si Marina. Humalik sa pisngi ng mga magulang at magiliw na sinabing magandang hapon po Nanay at Tatay. Hindi niya binatI ang kanyang Tiyo Ramon at nagmamadaling pumasok sa kanyang silid.Nagkatinginan ang mga magulang ni Marina at si tiyo Ramon.Tatawagin sana ang nanay niya si Marinang marinig niya na nag-uusap ang magkakapatid. Hindi mo binate si Tiyo Ramon. Hindi ko narinig na nagmagandang hapon ka sa kanya, ang sabi ni Richmond. Iisipin niyang hindi ka magulang,Naku oo nga pala! Nakalimutan kong batiin ang Tiyo Ramon. Ang wika ni Marina Lumabas ng silid si Marina.Magandang hapon po Tiyo Ramon.Ang sabi niya.Patawarin po ninyo ako at nakalimutan ko kayong batiin. Mano poNapangiti ang mga magulang at tiyo Ramon niya. Mabait kang bata. Magalang pa, ang wika ng tiyo Ramon at hinalikan siya sa pisngi. 3. Pagtatalakayan a) Sino ang bisita nina Marina? b) Saan ito galing? c) Anong uri raw ng mga bata sina Richmond,Roderick at Marina? d) Ano uri naman daw ang mga bata sa Amerika?

75

e) Paano binabati nila Richmond at Roderick at Marina ang kanilang mga magulang? f) Dapat ba silang tularan? Bakit? 4.Paglalahat Maari kang magbigay ng puna sa maayos paraan at marahang pananalita 5. Paglalapat Sabay kayong dumating sa bahay, nasa salas ang mga magulang mo, humalik ka sa kamay samantalang ang iyong kapatid ay tuloy tuloy sa kanyang silid. Paano mo siya pagsasabihan? IV.Pagtataya Tukuyin kung tama o mali ang mga pahayag.Lagyan ng kung tama at Kung mali. ____1. Magseryoso kapag pinagsasabihan ng mga nakakatanda. ____2. Makinig mabuti kapag napagsasabihan. ____3. Magalit kapag pinuna sa maling gawi. ____4. Huwag pansinin ang pumuna sa maling inasal ____5. Tanggapin ang pagkakamali kung napagsasabihan. V.Takda Magsalaysay ng isang pangyayari sa buhay na may pumuna sa mali mong gawain. Ano ang gagawin mo? ang patlang

76

ARALIN 31 I.Layunin Naihahayag nang mahinahon ang damdamin at kilos sa anumang pagkakataon kapag pinupuri ang isang mabuting gawa. II.Paksang Aralin Kuwento: Ang kapiyon ng Pingpong Pagpapahalaga: Pananampalataya/ Pananalig sa Panginoon PELC 1 1.2 Sanggunian : Kagamitan: Larawan, tsart Kagamitan: III.Pamamaraan A.Panimulang Gawain 1.Panalangin 2. Pagwawasto sa takdang aralin 3.Balik- aral B.Panlinang na Gawain 1.Pangganyak Naranasan mo na bang purihin ng iba dahil sa iyong katangian? Ano ang reaksyon mo? 2.Paglalahad Pagbasa ng kwento Ang Kampiyon ng Pingpong. Ang Kampiyon ng Pingpong

77

Isang mahusay na manlalaro ng pingpong si Joselito. Siya ang pinakamagaling sa kanilang grupo. Dati ay mahiyain, tahimik, at hindi palakaibigang bata si Joselito. Pero may angking husay na sa paglalaro ng pingpong. Joselito ibig mo bang maging manlalaro ka ng pingpong? Tanong ni G.del Rosario na guro niya at coach ng paaralan sa athletics. Sir, pwede po ba? ang nahihiyang sagot ni Joselito. Mula noon ay sinanay na siya ni G. Del Rosario at sinali sa mga paligsahang pampaaralan. Tinanghal siyang kampiyon sa larangan ng pingpong sa boung lungsod. Naglaro din siya sa Palarong Pambansa. Sa pagsali niya sa mga paligsahan, nagkaroon siya ng maraming kaibigan. Natuto siyang makihalubilo sa iba pang manlalaro. Kahit siya na ang pinakamahusay na manlalaro ng pingpong isa pa rin siyang batang mapagpakumbaba at hindi palalo.

3. Pagtatalakay. Anu ano ng katangian ni Joselito? Bago siya naging manlalaro? Nabago ba ito nang maging manlalaro siya? Ano ang ibig mong tularan kay Joselitong manlalaro? Mahiyain at walang kaibigan o si Joselitong manlalaro? Bakit? Ano ang nakatulong upang mabago ang ugali ni Joselito? 4. Paglalahat Patuloy na maging mapagkumbaba sa Kabila ng tagumpay na tinatamasa. 5.Paglalapat Kung naging mayabang o palalo si Joselito ,tutularan mo pa rin ba siya? IV. Pagtataya Ipaliwanag ang sagot sa bawat kalagayan. 1. Lagi kang nananalo sa mga paligsahang sinasalihan mo .Ipagyayabang mo ba ito? Bakit? 2. Mahusay kang umawit gagawin mo ba itong dahilan upang pumintas sa ibang mang awit? Bakit? 3. Patuloy mong tinatanggap ang payo at pangaral ng iyong tagapagturo kahit isang kaya hindi kampeon ka na? Tama o Mali?Bakit? 4. Hindi na pinapansin ni Dick ang gurong nagsanay sa kanyan noong una,tama ba ang inasal niya? Bakit
78

5. Malaki ang tiwala ni Rico sa kanyang sarili bilang player ng basketball kaya hindi na siya sumasama sa ensayo . Mabuting asal ba ito?Bakit. V. Takda Kapag pinupuri ka sa iyong mabuting gawa. Dahilan ba ito upang magyabang ka na? Ipaliwanag sa isang talata.

ARALIN 32 I Layunin Nasusuri ang mga mabuting pamantayan sa pag-alam ng totoong pangyayari . II Paksang Aralin: Pagsusuri ng mga Mabuting Pamantayan sa Pag-alam ng Totoong Pangyayari. Pagpapahalaga : Kalinisang loob at katapatan PELC 1.2 p. 8 Sanggunian: Wastong Pag-uugali 4 pp. 45-46 Kagamitan: Tsart III .Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin
79

2. Pagwawasto ng takdang-aralin 3. Balik-aral Bakit dapat maging matapat sa pagsagot sa mga pagsusulit? B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak Sino sa inyo ang humihingi ng pera sa magulang na nagsasabi ng totoong halaga ng bibilhin? 2. Paglalahad: Basahin sa tsart ang kwento. Ang Kuwintas ni Merlin Isang ermitanya si Merlin. Mayroon siyang magandang gintong kuwintas. Kung nagsisinungaling ang may suot nito ay umiitim ang kuwintas at sumasakal ito hanggang siyay magsabi ng totoo. Kahit sino ay maaaring makahiram ng kuwintas na ito. Si morita ay tumira sa malapit sa yungib ni Merlin. Si Morita ay may ugaling bulaan. Pinalo siya ng kanyang ina ngunit patuloy pa rin siyang nagsisinungaling. Isang araw nalaman ng ina ni Morita ang tungkol sa kuwintas ni Merlin. Hiniram niya ito at pinasuot kay Morita. Mula noon, si Morita ay nagsasabi na ng totoo kasi takot siyang sakalin ng kuwintas. 3. Pagtalakay a. Kung magsisinungaling ang nagsusuot ng kuwintas, ano ang mangyayari sa suwintas? b. Ano ang nalaman ng ina ni Morita tungkol sa kuwintas ni Merlin isang araw? c. Mula noon ano ang sinasabi ni Morita? Bakit? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Anu-ano ang sinusuri sa pag-alam ng totoo sa mga pangyayari? Sinusuri ang mga mabuting batayan sa pag-alam ng totoo sa mga pangyayari. 2.Paglalapat
80

Kung kayo si Morita, ano ang gagawin mo upang masuri ang totoong nangyari? Bakit? IV Pagtataya: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Anong ugali ang makukuha natin tungkol sa kuwentong binasa? a. Magsinungaling b. Kalinisang loob at katapatan c. Masamang loob 2. Naiinis si Mila kay Liza. Ang matandang kapatid niya dahil inutusan siyang magwalis ng bakuran. Nang dumating ang nanay nila, sinabi niyang itinapon ni Liza ang sobrang pagkain sa basurahan. Pinalo ng nanay si Liza kahit na hindi nakita ni Mila kung sino ang nagtapon ng Pagkain. Ano ang nararapat gawin ni Mila? a. Aaminin niyang gawa-gawa lang niya iyon. b. Pabayaan niyang paluin ng nanay si Liza. c. Tatawa siya ng lihim. 3. Si Jose ay nakabasag ng plorera sa paaralan. Pagdating ng guro iba ang pinagbintangan. Ano ang dapat gawin ni Jose? a. Magsabi ng katotohanan na siya ang bumasag. b. Manahimik na lamang. c. Pabayaan na ibang bata ang maparusahan. 4. Gustung-gusto mong lumabas ng silid-aralan dahil sa personal na dahilan. Ano ang dapat mong gawin? a. Sabihin ang totoong dahilan sa guro. b. Magsisinungaling sa guro. c. Tatahimik na lamang. 5. Napagalitan ka ng iyong guro dahil sa sunbong ng kaklase mo na ikaw ang magulo sa klase ngunit hindi ito ang totoo, ano ang gagawin mo?
81

a. Magpapaliwanag ako sa guro na di totoo ang sinasabi ng kaklase mo. b. Magagalit sa kaklase. c. Hahayaan na lamang na mapagalitan ng guro. V . Kasunduan: Sikaping suriin ang mga mabuting pamantayan sa pag-alam ng totoong pangyayari.

ARALIN 33

I .Layunin: Nasusuri ang mga mabuting pamantayan sa pag-alam ng totoong pangyayari .

82

II . Paksang-Aralin: Pagsusuri ng mga Mabuting Pamantayan sa Pag-alam ng Totoong Pangyayari. Pagpapahalaga : katotohanan PELC 1.2 p. 8 Sanggunian: Magandang Asal pp. 97-98 Kagamitan: Tsart III .Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1 Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang-aralin 3. Balik-aral Ano ang kahalagahan ng dyaryo? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Kapag may narinig kayong balita ano ang inyong ginagawa?

2. Paglalahad Basahin sa tsart ang kuwento. Umiiyak si Rosario Isang araw, maagang pumasok si Flor. Nakita niyang pumasok at lumabas ng silid ni Gng. Baisa, ang gurong tagapagpatnubay, si Rosario. Umiiyak ito habang lumalabas ng silid. Hindi nagawang tanungin ni Flor dahil tumunog na ang kampana. Sa pila nakita ni Flor si Tessie na agad niyang tinawag. Tessie, Tessie, alam mo, nakita ko si Rosario na pumasok sa tanggapan ni Gng. Baisa. Nang siya ay lumabas, umiiyak at mugto ang kanyang mga mata., dugtong pa ni Flor.

83

Bakit ano ba ang nangyari? Bakit ba siya ipinatawag ni Gng. Baisa? tanong ni Tessie. Hindi ko alam. Hindi ko naman siya natanong dahil nagmamadali siyang umuwi na umiiyak. Mugtung-mugto ang kanyang mga mata, balita ni Flor. Kailangang kausapin natin si Rosario para malaman ang totoo. Wika ni Tessie. Liban siya ngayon, umuwi nga agad siya paglabas ng silid ni Gng. Baisa. Teka hayun si Malou. Itanong natin sa kanya baka may alam siya, wika ni Flor. Ikinuwento rin nila kay Malou ang pangyayaring nasaksihan. Hindi kaya pinagalitan si Rosario ni Gng. Baisa dahil may ginama siyang hindi tama? tanong ni Malou. Siguro nga, kung hindi bakit siya ipinatawag ni Gng. Baisa. Tama ka Flor. Hindi siya kakausapin ni Gng. Baisa kung wala siyang nagawang kasalanan, sangayon ni Jessie. Maaring may nilabag siyang tuntunin ng paaralan, ang wika ni Flor. Iisa lang ang sigurado tayo.napagalitan siya ni Gng. Baisa kaya siya umiiyak, Makalipas ang ilang araw ay pumasok na si Rosario/ Palibhasa mga kaibigan sina Flor, Tessie at Malou, agad siyang lumapit sa mga ito. O bakit ka lumiban? Nakita kita na umiiyak na lumabas sa silid ni Gng Baisa. Tanong ni Flor. Hindi ka naming madalaw dahil hindi naming alam ang bahay ninyo. Pagpasensiyahan mo na si Gng. Baisa. Basta may nagawa kang hindi tama ay magagalit iyon. Talagang ganyan lang iyon, sambit ni Tessie. Salamat sa pag-aalala ninyo. Ngunit nagkakamali kayo. Hindi niya ako pinagalitan. Ang bait nga niya sa akin, paliwanag ni Rosario. Ano? Hindi ka pinagalitan? Eh bakit umiiyak ka noon? tanong ni Flor. Ang totoo, humingi ako ng pahintulot na lumiban. Masakit ang tiyan at nilalagnat ako. Kaya naman ako umiiyak ay dahil hindi ko na matiis ang sakit ng tiyan ko, paliwanag ni Rosario. Naku, yon pala ang dahilan ng iyong pag-iyak. Nagkamali nga kami. Akala naming pinagalitan ka ni Gng. Baisa dahil nagawa kang hindi tama. Pasensiya ka na, ang sabi ni Malou.

84

Ipagpaumanhin mo kami, sabay wika nina Flor at Tessie. Kalimutan nyo na iyon. Halina kayo pumasok na tayo sa ating silid. Hayan, tumunog na ang bell, yaya ni Rosario. 3. Pagtalakay Sino ang lumiban? Bakit? Sino ang nakakita kay Rosario? Bakit siya nagtungo kay Gng. Baisa? Kung ikaw si Flor, ganoon din ba ang iisipin mong ginawa ni Rosario? Bakit? C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Anong dapat gawin sa mga mabuting batayan sa pag-alam ng mga totoong pangyayari? Nasusuri ang mga mabuting batayan sa pag-alam ng mga totoong pangyayari . 2.Paglalapat Nagbigay ka ng opinion sa isang pangyayari. Hindi naman yon ang tunay na nangyari. Tama ka ba? Bakit? IV. Pagtataya Isulat ang T kung tama at M kung mali ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang. _____1. Alamin ang tunay na pangyayari bago husgahan ang isang tao. _____2. Magbigay ng kuru-kuro kung alam ang tunay na pangyayari. _____3. Kumampi agad sa kaibigan. _____4. Timbangin kung alin ang totoo bago kumampi. _____5. Iwasan makiisa sa talakayan. V.Takdang Aralin: Magtala ng 5 mabuting batayan sa pagsusuri sa pag-alam ng mga totoong pangyayari. ARALIN 34
85

I . Layunin Nasusuri ang mga mabuting pamantayan sa pag-alam ng totoong pangyayari . II . Paksang Aralin Pagsusuri ng mga Mabuting Pamantayan sa Pag-alam ng Totoong Pangyayari. Pagpapahalaga : Katotohanan Sanggunian: PELC 1.2 p. 8 Kagamitan: Tsart III . Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang-aralin 3. Balik-aral Paano tayo makikiisa sa pagtatanim ng mga puno sa paligid? B. Panlinang na Gawain

1. Pangganyak Saan-saan tayo nakakuha ng mga balita saating bansa?

2. Paglalahad Basahin ang kuwento sa tsart.

Pook Nutrisyon Sinimulan ni Gng. de Mesa, guro sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, ang aralin sa pagtatanong. Mayroon ba kayong
86

impormasyong nakuha tungkol sa ating aralin Nutrisyon? ang tanong ni Gng. de Mesa. Tumaas ng kamay si Teresita. Ang nakuha ko pong impormasyon ay tungkol sa malunggay. Nabasa kop o ito sa pahayagan sa pitak na Pook Nutrisyon, ang sabi ni Teresita, O, sige, iparinig mo na sa amin ang iyong balita, ang sabi ni Gng. de Mesa. Ang malunggay ay medaling mabuhay, medaling hanapin at mabibili kahit saan. Ito ay mayaman sa beta-carotene, calcium, iron at Vitamin A. ang 35 gramong kinakain na bahagi ng dahon ng malunggay ay nakakatugon na sa isang araw na pangangailangan sa Bitamina A ng isang batang 6 na taong gulang. Ang malunggay ay masarap sa sinigang at nilagang baboy, manok o baka. Ilagay lamang sa sabaw tulad ng pagsahog ng ibang dahong gulay. Ang dahon ng malunggay ay maaari ring pansahog sa sardinas. Igisa lamang ang sardinas at idagdag ang dahon ng malunggay. Pagkaraan ng ilang minute, maari na itong hanguin. Ang bunga ng malunggay ay masarap ring igisa. Balatan ang bunga at igisa sa baboy, hipon at may ulam na kayong masustansiya. Ang dahon ng malunggay ay maaari ring ilagay sa kropek na gawa sa bigas. Kung gumagawa kayo ng kropek na bigas o lamang-ugat na kamoteng kahoy, idagdag lamang ang pinatuyo at giniling na dahon ng malunggay. Ang lahat ng buto ng legumbreng inilulutong ulam ay maaaring ring dagdagan ng dahon o bunga ng malunggay. Ang ibig sabihin nito ay madadagdagan ang sustansiya ng ulam ninyo. Halaw Maganda! Magand ang iyong balita, Teresita. Ipagpatuloy ninyo ang pagkuha ng mga impormasyon at magbabalitaan tayo araw-araw, ang sabi ni Gng. de Mesa.

87

3. Pagtalakay

Anu-anong sustansiya ang nakukuha sa malunggay? Saan nakakuha ng impormasyon si Teresita? Tama ba ang mga nakuhang impormasyon ni Teresita? Bakit? Paano nakakuha ng impormasyon si Teresita? Kung ikaw si Teresita gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Bakit?

C.Pangwakas Gawain 1. Paglalahat Paano natin masusuri ang mga batayan sa mga totoong pangyayari.? Masusuri ang mga batayan kung ito ay mabuti kapag nalaman ang mga totoong pangyayari. 2. Paglalapat Binigyan ka ng gawain ng iyong guro na suriin ang tunay na pangyayari sa palatuntunang naganap sa inyong paaralan kahapon, paano mo maisusulat ang buong pangyayari? IV.Pagtataya Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Sagutin ang kasunod na tanong. 1. Maari bang malaman kung saan mo nalaman ang kapaki-pakinabang na impormasyong iyan? ang tanong ng ina. Saan maaaring nabasa ng anak ang impormasyong nabanggit? a. Sa pitak Pantahanan ng Pahayagan b. Sa pitak Artista ng Magasin c. Sa Songhits

88

2. Umaga. Napakadilim ng paligid ngunit hindi umuulan. Hindi mo matiyak kung may pasok kayo sa paaralan o wala. Gusto mong malaman ang lagay ng panahon ng umagang iyon. Aling pamamaraan ng pinagkukunan ng impormasyon ang gagamitin mo? a. Panonood ng Oras ng Pagluluto sa TV. b. Pakikinig ng balita sa radio. c. Pagbabasa ng aklat. 3. Anong pamamaraan ng pinagkukunan ng impormasyon ang gagamitin mo upang mapagpaliwanagan ang mga kababayan mo? a. Magbabasa ng komiks. b. Manonood ng basketbol sa TV. c. Magbabasa ng aklat o ensayklopedya. 4. Nagtanong ang iyong nakababatang kapatid kung bakit nagkakaroon ng El Nino. Paano mo ibabahagi ang iyong kaalaman tungkol sa El Nino? a. Bibigyan ng babasahin at sasabihing hanapin ang sagot. b. Ikukwento ang makabuluhang pangyayari. c. Papayuhang making ng balita. 5. Naatasan kayong mag-ulat ng mga pangyayari sa ating bansa, ano ang gagawin ninyo? a. Magtatanong tanong sa mga kaklase. b. Makikinig at manonod ng mga balita sa TV c. Hahayaan na lamang ang mga kaklase na sila ang mag-ulat. V .Kasunduan Paano mo maibabahagi ang iyong mga kaalaman? Isulat ito sa iyong kuwaderno.

89

ARALIN 35

I . Layunin Nasusuri ang mga mabuting pamantayan sa pag-alam ng totoong pangyayari . II .Paksang Aralin Pagsusuri ng mga Mabuting Pamantayan sa Pag-alam ng Totoong Pangyayari. Pagpapahalaga : Katotohanan PELC 1.2 p. 8 Sanggunian: Ulirang Mag-aaral pp 98-99
90

Kagamitan: Tsart III .Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang-aralin 3. Balik-aral Anong mainam gawin upang maging maganda at malinis ang kapaligiran? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Anong mga dapat gawin kapag may baha? 2. Paglalahad

Basahin ang kuwentong nasa tsart.

Ang Mapaminsalang Baha

Araw ng Sabado. Walang pasok sa paarala kaya tanghali na nang magising ang mag-anak ni Mang Delfin. Nagulat ito nang biglang tumawag ang bunsong si Odet. Tatay, basahin ninyo itong nasa dyaryo o, hindi magkandatutong wika nito. Bakit ano iyan? nakatingin sa dyaryong tanong ni Mang Delfin, Ito, o ang dami nang namamatay sa Tsina gawa ng baha! Nakalubog na ang mga bahay sa litrato, o Tingnan ko wika ng ama sabay abot sa dyaryo.

91

Binasa nito ang balitang itinuturo ng anak. Siya man ay napailing din habang nagbabasa. Si Odet ay hindi umaalis sa tabi niya. Kapagkuway lumapit si Aling Gudeng. Ano ba iyang isinisigaw ng anak mo? tanong nito. Ito nga naming baha sa Tsina, malaki na ang pinsalang nagagawa sa mga tao duon. Akalain mong nasa bubong na sila ng bahay at naghihintay na lamang ng saklolo, wika ni Aling Gudeng. Bakit po ba nagkaganoon Nanay? tanong ni Odet. Iyan ang epekto ng walang humpay na pag-ulan, sagot ng ina sa anak. Oo, iyan ay madalas na mangyari ditto sa atin tuwing tag-ulan. Lagi tayong binabaha, wika ni Mang Delfin. Ay, naku, Tatay ditto kasi sa atin, kaya tayo binabaha ay dahil kasalanan na rin natin, ang biglang sabad ni Mochie, ang panganay na anak na nakikinig pala sa usapan ng tatlo. Bakit mo nasabi iyan? tanong ni Mang Delfin. Paano po, walang humpay sa pagtatapon ng basura ang marami nating kababayan. Kaya barado na halos ang mga daluyan tubig-kanal, estero, ilog, pati na mga imburnal. Tama! Dapat sa kanila hulihin at paglinisin sa mga ilog. Biglang sigaw ni Odet. Nagkatinginan sina Mang Delfin at Aling Gudeng. Hindi sila makaimik sa sinabi ng bunso. 3. Pagtalakay Sang-ayon ba kayo sa tinuran ni Odet? Bakit? Nangyayari bas a inyong lugay ang mga sitwasyong binabanggit sa kuwento? Ano ang ginagawa ninyo para hindi kayo maging bahagi sa pagsira ng kalikasan? C. Pangwakas na Gawain

92

1. Paglalahat Paano natin masusuri ang mga pangyayari? Masusuri ang mga pangyayari kapag gumamit ng mabuting batayan sa totoong pangyayari. 2. Paglalapat May narinig kang balita sa iyong paaralan, nais mong malaman kung totoo ito ano ang gagawin mo? IV .Pagtataya Basahin at sagutin. (2 puntos sa bawat tamang sagot.) 1. Nag-away ang mga kaklase dahil sa isang maling pagkukuwento ng mga pangyayari, alam mo ang totoong nangyari, ano ang gagawin? Bakit? 2. Napagalitan ni nana yang kapatid mo dahil nakabasag siya ng gamit ngunit hindi naman totoo ano ang gagawin? Bakit? 3. Paano mo masusuri ang totoong pangyayari? V.Takdang Aralin Sumulat ng isang sitwasyong nagpapakita ng pagsusuri s totoong pangyayari.

93

ARALIN 36 I. Layunin: Naipakikita ang pagiging matapat sa kapwa at pamunuan ng barangay.

II.

Paksang Aralin: Pagbabayad ng pamasahe ng kusa. Kwento: Ang Drayber at ang Pasahero

Pagpapahalaga: Katapatan/Integridad PELC no. 1.1 p.5 Sanggunian: Wastong Pag-uugali sa makabagong Panahon IV pp. 50-51 Kagamitan Tsart, larawan ng isang drayber/dyip na may pasahero

III.

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Panalangin sa pamumuno ng isang leder (bawat pangkat/salitan) 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Balik-aral
94

Ano ang ibig sabihin ng Stage Fright? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Lupang Hinirang ang ating pambansang awit. Bakit kaya kapag inaawit natin ito, inilalagay natin ang ating kamay sa kaliwang bahagi ng ating dibdib? Ipaliwanag. 2. Paglalahad Basahin ang kwento tungkol sa Ang Drayber at ang Isang Pasahero 3. Pagtatalakayan a. Sinu-sino ang tauhan sa kwento? b. Ano ang gustong gawin ni Jaime? c. Tama ba ang gagawin ni Jaime? Bakit? d. Sino ang gusto ninyong tularan, si Lito o si Jaime? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ang pagiging matapat ay pahalagahan natin. Huwag nating ipagpapalit sa halagang maliit. 2. Paglalapat: Sa isang dyip, nagkataong katabi mo ang isang mama na ayaw magbayad ng pamasahe niya. Anong gagawin mo? Balit?

IV.

Pagtataya:
95

Gumuhit ng puso ( itoy mali.

) kung ang pangungusap ay tama at tala (

) kung

______1.Magbayad ng tamang pamasahe. ______2.Sabihin sa drayber nang maayos kung wala kang maipambayad. ______3.Huwag ng magbayad sad yip kapag malapit lang ang pupuntahan. ______4.Balewalain ang paniningil ng drayber. ______5.Maging matapat sa mamamayan, magbayad ng tamang pamasahe.

V.

Takdang Aralin Magbigay pa ng isang tanyag na tao lalo sa drayber na naging matapat sa kapwa/mamamayan.

ARALIN 37 I. Layunin: Naipakikita ang pagiging matapat sa kapwa at pamunuan ng barangay.

II.

Paksang Aralin:
96

Pagpapahalaga sa Honor System Pagiging Matapat Kwento: Di Sana Napahiya

Pagpapahalaga: Katapatan/Integridad PELC no. 1.1 p.5 Sanggunian: Liwanag IV pp. 74-76 Kagamitan: Larawan ng pasahero, dyip/galit sa drayber

III.

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain 1. Panalangin sa pamumuno n glider 2. Pagwawasto ng takdang-aralin 3. Balik-aral Sa kwentong narinig kahapon, anong aral ang napulot natin? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Naranasan mo na bang mapahiya sa ibang tao? Anong naramdaman mo matapos ang pangyayari? 2. Paglalahad Pagbasa ng kwento/dayalogo Di Sana Napahiya 3. Pagtatalakay a. Ilan ang tauhan sa kwento?

97

b. Sinu-sino sila? c. Sino ang nagbabalak na huwag ng mag-abot ng pamasahe? d. Bakit kaya naisipan ni Joel na itago na lamang ang pera niya kaysa ibayad ito para sa pamasahe? e. Sa palagay mo tama lang bang magalit ang driver? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ang pagbabayad ng pamasahe nang kusa ay palatandaan ng katapatan kaya lagi itong tatandaan ng hindi napapahiya. 2. Paglalapat Sinabihan ka ng kaklase mo na huwag ng sumakay ng dyip para makaipon kayo. May pera kayo dahil binibigyan naman kayo ng magulang ninyo ng pera sa pamasahe. Anong gagawin mo? Bakit?

IV.

Pagtataya: Isulat ang Tama kung ang salaysay ay tama at ibigay ang Tamang Sagot kapag mali ang salayasay.

__________1.Magbayad muna bago kainin ang inorder na pagkain. __________2.Itago ang sukli mula sa drayber para sa ibang pasahero __________3.Huwag magbayad ng utang dahil kaklase mo naman. __________4.Iabot kaagad ang pamasahe ng hindi napapahiya. __________5.Mayaman ang mga drayber kaya di bale ng hindi magbayad ng pamasahe.

98

V.

Kasunduan: Pumili ng isang paksa tungkol sa katapatan na iro-role play para bukas (pangkat)

ARALIN 38 I. Layunin: Naipakikita ang pagiging matapat sa kapwa at pamunuan ng barangay.

II.

Paksang-aralin: Pagbibigay ng kahalagahan sa mamamayan Kwento: Bakit may Buwis?

Pagpapahalaga: Katapatan/Integridad

99

PELC no. 1.1 p.5 Sanggunian: Magandang Asal IV pp. 95-99 Kagamitan: Larawan ng munisipyo, kalsada, paaralan, gusali/tunay na sedula

III.

Pamamaraan: A. Panimulang Gawain: 1. Panalangin sa pamumuno ng isang lider 2. Pagwawasto ng takdang-aralin 3. Balik-aral Bakit kailangan iwasan ang mapahiya lalot alam mong maayos na angkan ang iyong pinagmulan? B. Panlinang na Gawain: 1. Pagganyak Bumibili ka sa malalaking pamilihan sa palagay mo kayay tinutupad nila ang kanilang tungkulin bilang isang tunay na mamamayan. Magbayad kaya sila ng buwis 2. Paglalahad Pagbasa ng kuwento Bakit may Buwis? 3. Pagtatalakay a. Ano ang kahulugan ng buwis? b. Bakit kailangan na ang tao ay magbayad ng buwis? c. Ano ang mahalagang tungkulin ng isang mamamayan?

d. Sa palagay mo, saan pumupunta ang salaping ibinabayad ng mga mamamayan sa pamahalaan? Magbigay ng halimbawa.
100

C. Pangwakas na Gawain: 1. Paglalahat Napapatunayan ang pagiging matapat sa pagtupad sa mga tungkulin ng may katapatan tulad ng pagbabayad ng buwis. 2. Paglalapat Nalaman mo sa isa sa mga kilalang tao ang isa sa mga ninong mo dahil sa malaking negosyo mayroon sila. Alam mo na hindi palaging nagbabayad ito ng kanilang buwis. Anong gagawin mo? Bakit?

IV.

Pagtataya: Lagyan ng tsek ( sa mamamayan. ) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng katapatan

_________1.Alagaan ang likas na yaman. _________2.Magbayad nang husto sa mga sasakyan. _________3.Paganndahin ang paligid. _________4.Isauli ang bagay na napupulot. _________5.Ingatan ang gamit ng pamahalaan. _________6.Sirain ang mga halaman sa parke. _________7.Magsauli ng bagay na hiniram.

V.

Kasunduan: Paano mo maisasagawa ang katapatan sa tahanan? Isulat sa assignment notebook.

101

ARALIN 39

I.

Layunin: Naipakikita ang pagiging matapat sa kapwa at pamunuan ng barangay.

II.

Paksang Aralin: Pagpapakita ng Pagmamahal/Katapatan sa kapwa Kwento: Pagiging Matapat Pagpapahalaga: Katapatan/Integridad PELC no. 1.1 p.5 Sanggunian: Magandang Kaugalian pp 90-91 Kagamitan; Larawan ng palengke/mamimili/panginoon

III.

Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin sa pamumuno ng isang lider 2. Pagwawasto ng takdang-aralin


102

3. Balik-aral taong Ano ang kahulugan ng buwis? Bakit kailangan ng magbayad ng buwis?

B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sino sa inyo ang napagkakatiwalaan ng kanyang guro sa anumang bagay? Natuturo ba ang guro niyo? 2. Paglalahad Pagbigkas ng tula Pagiging Matapat 3. Pagtatalakay a. Nakagalitan ka nab a ng iyong magulang dahil sa iyong pagsisinungaling? b. Ano ang iyong naramdaman? c. Ang isang tao bang hindi matapat ay binibigyan ng mga responsibilidad? d. Bakit nais nating maging matapat ang mga kaibigan natin? e. Nakatutuwa bang maging kasama ang isang taong sinungaling? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ang katapatan ay ipamalas sa lahat ng oras. Mabuting maging matapat sa kapwa upang maging matapat din sila sa iyo. 2. Paglalapat

103

Ang isa mong kaibigan ay matapat sa iyo ngunit kapag iba ang kanyang kasama o kausap ay nagagawa niyang magsinungaling. Anong sasabihin mo sa kanya?

IV.

Pagtataya: Iguhit ang nakangiti ( ) kung tamang Gawain at nakasimangot ( kung hindi tamang gawin. )

______1.Hindi dapat pagkatiwalaan ang mahihirap lalo nat manggagawa lamang. ______2.Magtiwala huwag lang itong lumabis upang maiwasan ang problema. ______3.Ipagtapat ang anumang pangyayari na nagaganap bago ito umuwi sa malaking suliranin. ______4.Di bale ng magsinungaling di naman nakikita ng Panginoon. ______5.Magkaroon ng tiwala sa kapwa upang pagkatiwalaan ka rin. V. Kasunduan: Isaulo ang tula Pagiging Matapat

104

ARALIN 40

I. Layunin Naihahayag nang mahinahon ang damdamin at kilos sa anumang pagkakataon. Hal: Kapag nagbibiro , kapag nagtatama ng kamalian, kapag pinupuri ang isang mabuting gawa Kapag nagbibigay puna , kapag nagdadagdag sa kakulangan

II. Paksang Aralin Kwento: Inabot ng Sakuna si Martha

Pagpapahalaga: Pananampalataya / Pananalig sa Panginoon PELC 1.2 Sanggunian Mga Batang Uliran pp. 99-101 Kagamitan: Larawan , Tsart

III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto sa Takdang Aralin

105

Paano mo maipapakita ang pagkilala mo sa Diyos?Isulat sa iyong notbuk ang iyong mga kasagutan. 3. Balik-aral Malinis ka ba sa isip at sa gawa?

B. Panlinang ng Gawain 1. Pagganyak Araw-araw,tayo ay pumunta sa paaralan.Hindi natin alam kung anu ano ang mga Mangyayari sa atin habang tayo ay naglalakad papumtang paaralan.Ano ang ating gagawin upang maiwasan ang sakuna. 2. Paglalahad

Basahin at talakayin ang kuwentong Inabot ng Sakuna si Marta.

Inabot ng sakuna si Marta

Si Marta ay nag-aaral sa mababang paaralan ng Del Pilar.Naglalakad lamang siya patawid sa daang malapit na sa kanilang paaralan. Hindi niya napansin ang matuling sasakyan na biglang bumagtas sa kanyang harapan.Nahagip ni Marta.

Isang kamag-aral ni Marta ang nakasabang niya ng maliksing nasundan ng tingin ang bilang na sasakyan nakabundol kay Marta.May dalawang mama ang

maliksing bumuhat sa kanya.Sa isang dyip na pampasahero ay mabilis na naisaky si Marta at itinuloy sa ospital.

106

Sa tulong ng mga kamag-aral niya di nahirapan ang mga alagad ng batas sa paghuli ng tsuper na saakyang nakabundol sa kanya.Dahil din naman sa magap na pagbuhat ng dalawang mama ay nailigtas siya sa kamatayan. Nagkaisang dumalaw ang mga kamag-aral sa kanya sa ospital pati ang kanyang guro ay sumama.Nagbigay kahit ng kauting halaga ang mga kamg-aral ni Marta upang ibili nito ng mga prutas at ubas at mansanas upang dalhin sa kanya sa ospital. Inabot man si marta ng Sakuna at nakahiga sa ospital ay maligaya pa rin dahil marami ang nakaalala sa kanyang mga kamagaral at guro.

Nagpasalamat din siya sa panginoon dahil gano malubha ang kanyang sugat.

Malaki ang naitutulong ng pagdalaw ng isang may sugat dahil sa sakuna Sapagkat malalam niya na marami ang tumulong sa kanya.Ugaliin ang pagamamalasakit sa ating kapwa-tao.

3. Pagtalakay a. Sino ang inabot ng sakuna ? b. Sumabay ba si Martha sa pagpasok sa paaralan? c. Bakit madaling nadakip ang nakabundol kay Marta? d. Paano nadala sa ospital sa Martha? e. Ano ang ginagawa ng mga kamag aral ni Martha noong dumalaw sa ospital

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat


107

Ang pagmamalasakit sa kapwa tao ay nagpapakita ng pagmamahal sa kapwa at sa bayan. 2. Paglalapat Ipasadula sa mga bata ang sakunang nangyari kay Marta sa kuwento. IV. PAGTATAYA A. Pangkatang Gawain isa o Isulat sa manila paper ang kaisipan at ipaliwanag ito sa loob ng dalawang talata. Iyang pag-iingat ating kailangan Sa lahat ng oras at kahit na saan Kayat sariling pasyay huwag kalimutan B. Pasalita Ano ang nangyari kay Marta habang siya ay naglalakad papuntang paaralan? C. Pasulat Lagyan ng tamang sago tang bawat puwang 1. Si Marta ay inabot ng _______________. 2. Isang Matuling___________ ang nakahagip sa kanya. 3. Si Marta ay isinakay sa isang _________ upang madala sa ospital.

IV. Takdang Aralin Ano ang iyong mga gagawin upang maipamalas mo ang iyong kakayahan at upang mapaglabanan ang takot sa pagharap sa mga pagsubok ng buhay at pagtulong sa iba.

108

IKALAWANG MARKAHAN
ARALIN 1 I. Layunin Naipapakita sa mga bata ang kapaligiran ay likas na yaman kaya gamitin at alagaan sa wastong paraan. II.Paksa: Programang Tungkol sa Kaayusan at Kalinisan ng Kapaligiran Kwento: Tayoy Magtanim Pagpapahalaga: Pagiging malinis PELC 1.1 p. 16 Sanggunian Batayang Aklat Sa Wastong Pag-uugali at Kagandahang Asal pp. 25-26 Kagamitan: larawan ng malinis na kapaligiran III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang-aralin 3. Balik-aral Bakit dapat tayo maglinis ng kapaligiran?
109

B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Pagpapakita ng larawan ng mga batang nagtatanim ng puno. 2. Paglalahad Pagbasa ng kuwento Tayoy Magtanim

Tayoy Magtanim Libangan ng magkapatid na Arlene at Aleli ang paghahalaman. Sa harapan ng kanilang bahay ay may mga tanim silang sampagita. Sa likod bahay naman ay may mga tanim silang mga gulay tulad ng okra, kalabasa, kamote at luya. Tuwing hapon, pagkagaling nila sa eskwela ay namimitas sila ng mga bulaklak ng sampagita. Dali-dalian mo Ate Arlene at nang matuhog na natin kaagad ang mga ito at maipagbili, pagmamadali ni Aleli sa kapatid na nakakatanda. Maaga pa naman. sagot ni Aleli. Alam mo, Ate, gusting gusto ko ang mayuming bango ng sampagita. Kaiba ito sa ibang bulaklak na tumutubo rito sa atin, pansin ni Arlene. Isa iyan sa mga katangian kung bakit ito ang napiling pambansang bulaklak natin,paliwanag ni Aleli. Napakaputi rin ng talulot nito, wika pa rin ni Arlene na dakut-dakot sa palad ang mga buka nang bulaklak ng sampagita. Huwag kang magmadali. Dahan-dahan ang pamimitas,

110

Kaya naman paborito itong kuwintas ng mga kababayan natin kung may pagdiriwang. Paborito rin ng mga turistang pumupunta rito sa atin. O, marami nap ala tayong napitas. Halika na at tuhugin na natin sa bahay, yaya ni Aleli sa kapatid. Naratnan ng magkakapatid sa bahay ang nanay nila sa abala sa pagluluto. hmmm, ang bango ng niluluto ng inay, bati ni Arlene. Kayo palang magkapatid. Naaamoy ninyo siguro ang inilalahok kong dahon ng pandan sa sopas. Abay napakasarap pop ala ng niluluto kapag may kalahok na dahon ng pandan, pansin ni Aleli. Oo, katunayan marami pala tayong mga halaman na ginagamit na panlahok sa pagkain. Nabasa ko sa isang lathalain. Tulad niyang pinamitas ninyong sampagita, ang bulaklak na iyan ay ginagamit na pampasarap ng tsa at ibang lutuin. Nagagamit din nating gamut iyan. Ang nilagang bulaklak at dahon ay gamut sa ubo at lagnat. Mabisang gamut din ang dinikdik na bulaklak at dahon ng sampagita sa malalaking sugat, paliwanag ng nanay. Marami palang naitutulong ang sampagita. pampasarap pa sa pagkain, ang hanga ni Aleli. Kaya lalong kailangang magtanim tayo, hindi lamang para maigamot kundi pati para maging malinis, mabango at luntian an gating paligid, ang payo ng ina. Mapagkikitaan na, gamut pa at

3. Pagtatalakay 1. Ano ang ginawa ng magkapatid sa mga sampagita? 2. Sa palagay mo bakit ito napiling pambansang bulaklak? 3. Ayon sa nanay ni Aleli at Arlene, anu-ano ang nagagawa mula sa sampagita? 4. Bakit kailangan tayong magtanim sa paligid?
111

5. Ano ang mga halaman sa inyong paligid?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Mapapanatiling luntian ang kapaligiran sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno at gulay. Magtanim ng halamang pampalamuti sa bakanteng lote sa pamayanan at paaralan. 2. Paglalapat Paano maipapamalas ang pagkakaroon ng malinis na kapaligiran? (Magtanim ng mga puno at halaman sa ating paligid upang maging malinis ang kapaligiran.) IV. Pagtataya Sumulat ng limang paraan upang maging malinis ang ating kapaligiran. V. Takdang Aralin Sagutan at Ipaliwanag ang sumusunod: 1. Anu-ano ang kabutihan sa paghahalaman? 2. Sa palagay mo ba ang paghahalaman ay makakatulong sa iyong kapaligiran? Bakit?

112

ARALIN 2

I.

Layunin Naipadarama ang pagmamahal sa matatanda sa pamamagitan ng pag-alala sa mahahalagang okasyon gaya ng; kaarawan anibersaryo Pasko Araw ng mga Puso At iba pa

II.

Paksang-Aralin Paggalang/Malasakit sa Kapwa- Pagbati sa Mahalagang Okasyon

A. Pagpapahalaga Paggalang at pagmamalasakit sa kapwa B. PELC 1 ( Paggalang/Pagmamalasakit sa Kapwa)

C. Sanggunian Magandang Asal IV, ph 84-86, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon IV, ph 130-132

D. Kagamitan

113

Mga tsart ng kwento at mga larawang angkop sa aralin, mga kard na para sa matatanda mula sa ibat ibang okasyon

III.

Pamamaraan

A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng Takdang- Aralin Ipaalala ang mga kagamitag ipinadala ng guro para sa aralin ng araw na iyon.

3. Balik-aral Itanong: Paano maipakikita ang katapatan sa iyong kapwa?

B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak a. Anu-ano ang dala ninyong kard na ibibigay ninyo sa inyong lolo at lola?(Isa-isahin) b. Sa tuwing may okasyon ba ay nagbibigay kayo ng kard o sinasabi na lang ninyo ng harapan?

2. Paglalahad Magtalaga ng mga bata na gaganap sa papel ng mga pangunahing tauhan sa dula.

Ang Aking Kaarawan


114

Mga Tauhan: Lola Charing- pinakamatanda sa pamilya; ang may kaarawan Zeny- Tiya Romy- Tiyo Linda- Nanay Tony- Tatay Belen- apo

Unang Tagpo: Nanonood ng tv ang mag-anak. Lalapit si Belen sa ama.

Belen: Tony:

Tatay, hindi po ba kaarawan ni Lola sa lingo? Oo, maghanda tayo pero huwag kayong maingay sa lola ninyo. Tawagan mo sina Tiya Zeny at Tiyo Romy mo. Itanong mo kung ano ang dadalhin nila.

Lalapit si Belen sa telepono at tatawag.

Pangalawang Tagpo: Ang mag- anak ni Tony ay makikitang abala. Si Linda ay nagluluto, si Belen ay naghahain, at si Tony ay naglilinis ng bahay. Si Lola Charing ay nakaupo sa tumba-tumba. Waring nag.iisip.

Lola Charing: Wala yatang nakaalala sa kaarawan ko. Hindi man lang tumawag si Zeny at si Romy. Ang mga narito namay abala sa kanila Gawain. Tutulungan ko nlang si Linda.

( Tatayo at papasok sa kusina.)


115

Lola Charing: Tutulungan kitang magluto. Ang dami yata nito.

Linda:

Luto na Nanay. Mabuti pa mauna na kayong maligo. Pagkatapos ninyo, ako naman ang maliligo.

( Lalabas si Lola Charing upang maligo.) Ikatlong Tagpo:

Habang naliligo si Lola Charing, nag-aayos na ng mesa ang mag-anak. Nagdatingan naman sina Zeny, Romy at mga anak. Paglabas ni Lola Charing sabay-sabay na await ang pamilya.

( Sabay- sabay, Happy Birthday to you)

Lola Charing:

Naku, akala ko nakalimutan na ninyo ang araw na ito. Maraming salamat mga anak.

3. Pagtatalakay a. Sino ang may kaarawan? b. Sinu- sino ang tinawagan ni Belen? c. Kailan nila inayos ang handa ni Lola Charing? d. Paano mo ipinakikita ang pag.alala sa mga matatanda sa araw ng okasyon?

e. Nasorpresa mo na rin ba ang iyong lola? Paano?

116

f. Kung ikaw ang may kaarawan, ibig mo rin bang masorpresa? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ating Tandaan:

Matatanday batiin Sa mahalagang okasyon Ito ay patunay Na silay mahal natin.

2. Paglalapat Alin sa sumusunod na magagandang nais mong ibigay sa iyong lolo at lola sa araw ng kanilang kaarwan?. Kulayan ng rosas ang karton ng tamang sagot. Gawin ito sa kwaderno.

Pamaypay

Damit

Pagmama hal

Sapatos

IV.

Pagtataya Lagyan ang patlang ng tsek ( ) kung ang pangungusap ay tama at ekis (X) naman kung ito ay mali.

117

___ 1. Batiin ang mga matatanda sa kaarawan lamang nila. ___ 2. Bigyan sila ng pagmamahal at kalinga. ___ 3. Ang pagbati sa kanila ng miyembro ng pamilya ay nagpapasaya sa kanila. ___ 4. Kung sila ay madumi, dapat sila ay pinapagalitan. ___ 5. Batiin ang mga matatanda may okasyon man o wala.

V.

Takdang-Aralin

Isulat sa kwaderno.

Ano ang pinakamahalagang bagay ang naibigay mo sa iyong lolo at lola sa araw ng kanilang kaarawan?

118

ARALIN 3

119

I.

Layunin: Naipadarama ang pagmamahal sa matanda sa pamamagitan ng pakikinig kung nagkukwento

II.

Paksang- Aralin Paggalang/ Malasakit sa Kapwa- Pakikinig kung nagkukwento

A. Pagpapahalaga Paggalang at pagmamalasakit sa Kapwa B. PELC II 1. C. Sanggunian Magandang Asal IV, ph 60-63 D. Kagamitan Tsart ng kwento, mga larawang angkop sa aralin

III.

Pamamaraan

A. Panimulang Gawain 1. Panalangin

2. Pagwawasto ng Takdang Aralin

3. Balik-aral Paano mo ipinakikita ang pag-alala sa iyong mga lolo at lola sa araw ng mahahalagang okasyon?
120

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak Itanong: Mahilig ba kayong making sa mga kwento at payo ng iyong lolo at lola? Magbigay ng halimbawa.

2. Paglalahad Ipabasa sa bata ang sumusuuunod na kwento.

Noong Unang Panahon

Lola, bakit po kahit matanda na kayo ay maitim pa rin ang buhok ninyo? tanong ni Ana sa kanyang Lola. Ano po kaya ang mabisang gamut sa aking balakubak? Gugo lamang ang ginagamit ko at saka kalamansi, subok na subok ko na ang kalamansi.

121

Patuloy na nagtanong si Ana sa kanyang Lola Caridad, Lola, ano po kaya ang magandang gamitin sa balakubak ko, napanood ko po sa telebisyon ang isang bagong labas na shampoo.

Eh, ikaw ang bahala apo. Pakikiramdaman mo lang apo kung hiyang o bagay sa iyo. Ingat ka lang baka ka makalbo, ang pabirong sagot ni Lola Caridad.

Kinabukasan, bagong paligo si Ana. Lola, wala na po yata ang balakubak ko, ang balita ni Ana. Hindi mo ba alam na ang balakubak ay nakukuha lamang sa dumi at kapag hindi said ang pagkabanlaw ng shampoo sa ulo, ang paliwanang ni Lola. Noong unang panahon gugo lamang at kalamansi ang ginagamit ko sa aking buhok, at ang aking langis ay langis ng niyog, dagdag ni Lola Caridad.

Ay ayaw ko po ng langis ng niyog, ang sabi ni Ana. Ikaw ang bahala, ang iginanda ng isang bagay ay nasa tumitingin at ang isinasarap ng pagkain ay nasa kumakain, ang sabi ni Lola.

O sige po Lola, magpapakayod po ako kay Tatay ng niyog at susubukan kop o bukas ang paggamit ng langis ng niyog sa aking buhok,masayang tugon ni Ana sa kanyang Lola Caridad.

3. Pagtatalakay a. Ayon kay Lola Caridad, bakit maitim pa ang buhok niya kahit siyay matanda na? b. Nakinig ba si Ana sa payo ng kanyang Lola?Paano? c. Kayo ba ay nakikinig sa mga payo ay kwento ng inyong inyong Lolo at Lola?Bakit?
122

d. May kapupulutan bang magandang aral ang pakikinig sa mga kwento ng Lolo at Lola?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ating Tandaan:

Ang mga matatanda ay maraming alam Dapat silang sundin.

2. Paglalapat Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa iyong lolo at lola?

IV.

Pagtataya Lagyan ang patlang ng masayang mukha ( )kung ito ay mabuting gawi at malungkot na mukha ( ) naman kung hindi mabuting gawi. Gawin sa kwaderno.

___ 1. Huwag silang papansin kung may kinikwento sila.

123

___ 2. Magpakwento ng kanilang karanasan sa buhay na kapupulutan ng aral. ___ 3. Huwag silang kakausapin. ___ 4. Isama sila sa usapan ng mag-anak. ___ 5. Isama ang matatanda sa pamamasyal.

V.

Takdang- Aralin Isulat sa papel ang paborito mong kwento na ikinukwento ng iyong Lolo at Lola. Basahin sa harap ng klase.

124

ARALIN 4

I.

Layunin Naipadarama ang pagmamahal sa matatanda sa pamamagitan ng pagsasali sa matanda sa gawain ng mag-anak

II.

Paksang- Aralin Paggalang/ Malasakit sa Kapwa- Pagsali sa gawain ng mag-anak

A. Pagpapahalaga Paggalang at Pagmamalasakit sa Kapwa B. PELC 1

C. Sanggunian Magandang Asal IV, 148-153,

D. Kagamitan Tsart, mga larawang angkop sa aralin III. Pamamaraan

125

A. Panimulang Gawain 1. Panalangin

2. Pagwawasto ng Takdang- Aralin

3. Balik-aral Paano mo maipakikita na pinapahalagahan mo ang mga matatanda?

B. Panlinang na Gawain

1. Pagganyak a. Anu-anong gawain ang madalas na ginagawa ng inyong buong mag-anak kapag nagkakatipon-tipon kayo? b. Sinasali nyo ba ang mga matatanda sa pamilya sa mga gawaing iyon? Paano? c. Pinahahalagahan ba ninyo ang nagagawa ng inyong Lolo at Lola sa inyong pamilya? Bakit?

2. Paglalahad
126

Ang Aming Lolo at Lola

Linggo ng umaga, napadalaw sa taniman ng mga gulay ni Lolo Bino si Danilo. Lolo Bino, napakasipag naman po ninyo. Parang hindi kayo nakadarama ng kapaguran. Ano po ba ang sikreto ninyo at kahit may edad na kayoy ang lakas-lakas pa ninyo? ang tanong ni Danilo. Aba, eh di iyong pinaglahuk-lahok na mga gulay tulad ng papaya, okra, talbos ng kamote at kung anu-ano pa. Nilalagyan iyon ng luya tapos ay sasabawan ng hugas bigas. Napakasarap ng sabaw kapag naluto na, manamis-namis ang lasa, ang paliwanag ni Lolo Bino. Nakalilinaw pa ng mata ang mga gulay. Kaya ang Lola Pacing mo ay nakakapanahi pa kahit may edad na. Talaga pong kahanga-hanga ang kasipagan ninyo ni Lola Pacing. Tutularan ko po ang kasipagan ninyo at ang kinakain ninyo para humaba rin ang aking buhay. Sasabihin ko rin pos a mga kapatid ko na kumain sila ng gulay na bulanglang, ang sabi naman ni Danilo. Dito na kayo mananghaliang magkapatid nang matikman ninyo ang bulanglang ng inyong Lola Pacing, ang anyaya ni Lolo Bino. Opo, talagang balak naming ditto mananghalian at tuloy manghingi ng binhi. Kasi poy may proyekto po kami sa eskwelahan. Magtatanim daw po kami ng mga gulay sa mga basyong latang malalaki. Kung wala raw po kaming bakanteng lote na mapagtataniman,ang balita ni Danilo. Mabuti, maganda ang inyong proyekto. O, sige bibigyan kita ng mga binhi, ang sagot ni Lolo Bino. Tayo na muna sa bahay at ng makapagmeryenda tayo ng nilagang kamote.

3. Pagtatalakay a. Bakit malakas pa sina Lolo Bino at Lola Pacing kahit may edad na? b. Ano ang naramdaman ni Lolo Bino ng purihin siya ni Danilo sa kanyang mga gawain?
127

c. Bakit dapat bigyan halaga ang mga gawain ng mga matatanda? d. Pinahahalagahan mo rin ba ang mga gawain ng inyong Lolo at Lola? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat Ating Tandaan: Ipakita at ipadama sa mga matatanda na sila ay mahalaga at kapakipakinabang pa sa pamamagitan ng pagpuri sa kanilang mga ginagawa sa kabila ng kanilang katandaan na at pagpapasalamat sa mga ginagawa nilang anumang tulong sa tahanan.

2. Paglalapat Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga gawain ng mga matatanda sa tahanan.

IV.

Pagtataya Lagyan ang patlang ng TAMA kung ang pangungusap ay wasto at DI-TAMA naman kung ito ay hindi wasto.

128

___ 1. Tinutulungan sila sa mga gawaing-bahay. ___ 2. Hindi pinupuri ang kanilang naitutulong sa tahanan. ___ 3. Inuutusan ang mga matatanda na magtrabaho sa bahay. ___ 4. Nagpapasalamat palage sa lolo at lola kahit pa sa mga munting bagay na kanilang nagawa para sa pamilya. ___ 5. Inaasikaso ang mga kailangan ng lolo at lola.

V.

Takdang- Aralin Paano mo maipadarama sa matatanda na silay mahalaga at kapakipakinabang pa? Isulat ang sagot sa inyong notbuk.

129

ARALIN 5

I.

Layunin

Naipadadama sa matatanda na sila ay mahalaga at kapaki-pakinabang sa pamamagitan ng pag-aasikaso ng kanilang mga pangangailangan

II.

Paksang-Aralin Malasakit sa mga Matatanda- Inaasikaso ang kanilang Pangangailangan

A. Pagpapahalaga Pagmamalasakit sa Kapwa

B. PELC 1.2 p23 (Paggalang/ Malsakit sa Kapwa

C. Sanggunian Magandang Asal IV, ph 148-154, Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon IV, ph 127-128

D.

Kagamitan

130

Tsart at mga larawang angkop sa aralin

III.

Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin

2. Pagwawasto ng Takdang Aralin

3. Balik- Aral

1. Ano ang kinukwento ng lolo o lola mo sayo? 2. Anu-ano pa ang maaaring magawa ng lolo at lola mo? Pinahahalagahan mo ba ito? 3. Nagpapasalamat ka bas a mga ginagawa nila? Paano?

B. Panlinang na Gawain
131

1. Pagganyak a. Ano ang gusto ng lolo at lola mo? b. Ibinibigay ba ninyo ang kanilang mga kagustuhan? Bakit? 2. Paglalahad Basahin ang kwento tungkol sa isang matandang babae.

Ang Matandang Babae

Si Moises ay sinugo ng Panginoon upang alisin sa pagkakaalipin ang Hebreo sa lupain ng mga Ehipto. Alam ba ninyong isang matandang babae ang nagging daan upang maisagawa ito? Kung paano, basahin ninyo ang ating kwento.

Si Moises ay isang Hebreona nakuha sa ilog ng prinsesang tagaEhipto. Naawa rito ang prinsesa. Inampon niya ang bata. Lumaki si Moises sa kaharian at nagging isang prinsipe. Siya ang namahala sa pagtatayo ng templo sa Ehipto.

Isang araw, habang nagmamasid sa mga nagsisigawang mga Hebreo, nakita niya ang isang matandang babae. Naiipit ito ng dalawang malalaking pader na bato. Inutusan niya ang taga-gawa na itigil ang makinang tumutulak sa pader. Ayaw siyang sundin nito. Upang mailigtas ang matandang babae at maibigay sa matanda ang kinakailangan niyang tulong, napilitan si Moises na patayin ang taga-gawa. Nang malaman niyang nakarating sa palasyo ang kanyang ginawa, siya ay tumakas.

Ang pagtakas niya sa Ehipto ang nagging daan upang maipagkaloob sa kanya ang Sampung Utos ng Diyos at ang pagkaalis sa pagkakaalipin ng mga Hebreo. Natuklasan ni Moises na siya ay isang Hebreo, at ang matandang babaeng kanyang iniligtas, ay ang tunay niyang ina.
132

3. Pagtatalakayan a. Paano napunta si Moises sa Ehipto? b. Ano ang pangangailangan ng matandang babae ng mga panahon nakita siya ni Moises sa gitna ng dalawang malalaking pader na bato? c. Ano kaya ang naramdaman ni Moises nang makita niya ang matandang babae? d. Ano kaya ang naramdaman ng matandang babae nang tinulungan siya ni Moises? e. Anong kagandahang asal ang ipinakita ni Moises? f. Kung ikaw ang nasa sitwasyon, gagawin mo rin ba ang ginawa ni Moises?Bakit?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ating Tandaan:

Pagtulong sa matatanda Ay pagmamahal At pagmamalasakit sa kapwa

2. Paglalapat

133

Ang Lolo mo ay nakatira sa inyo, mahina na at hindi na masyadong makalakad ng maayos.Ang gusto sana niya ay makakita ng araw sa umaga nang sa gayon ay makapag-paaraw ngunit hirap na hirap itong mag-isa. Ano ang maari mong gawin para sa Lolo mo?Ipaliwanag.

IV.

Pagtataya

Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:

1. Nakikita mong tatawid ang isang matandang lalaki sa kalye. Ano ang gagawin mo?

2. May nakasalubong kang matandang babae sa lansangan, may marami siyang dala. Ano ang gagawin mo?

3. Ang lolo mong mahina na ay gusting kumain, ngunit hindi ito makalakad ng maayos. Ano ang gagawin mo?

V.

Takdang-Aralin

Anu-ano pa ang mga pangangailangan ng matatanda na kayang ibigay ng batang katulad mo? Ipaliwanag. Isulat sa kwaderno.

134

ARALIN 6

I.

Layunin Naipadadama sa matatanda na sila ay mahalaga at kapakipakinabang sa pamamagitan ng: Pagkausap at pagkukwento sa kanila Pagpapasalamat sa ginawa nilang anumang tulong sa tahanan

II.

Paksang- Aralin Malasakit sa mga MatatandaKinakausap, Kinukwentuhan, Nagpapasalamat at

A. Pagpapahalaga Pagmamalasakit sa Kapwa

B. Sanggunian Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon IV, ph 135-137, Magandang Asal IV, ph 154-157

C. PELC 1.2 p23 (Pananagutang Panlipunan- Pagmamalasakit sa Kapwa)

135

D. Kagamitan Tsart, mga larawang angkop sa aralin

III.

Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin

2. Pagwawasto ng Takdang- Aralin

3. Balik- aral a. Sa aming panahon, binabati naming ang mga matatanda, bakit kailangang batiin ang mga matatanda? b. Ano ang pinakamagandang regalo ang pwede nating ibigay sa kanila?

B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak a. Kailan kayo huling nakipag-usap o nakipagkwentuhan sa inyong lolo o lola? b. Malapit ba kayo sa isat isa? c. Anu- anong mga bagay ang pinag-uusapan ninyo?

2. Paglalahad

136

Basahin sa tsar tang isang kwento tungkol sa isang lola.

May Magagawa Pa Rin

Araw ng Sabado. Naglilinis ng bahay sina Lara, Laarnie at July. Si Lara ang nagwawalis. Naglagay na rin siya ng floorwax. Si Laarnie naman ay naglalampaso. Hinihintay nilang matuyo ang floorwax bago bunutin. Si July naman ang nagpupunas ng mga silya, mesa at palamuti sa loob ng bahay. May napuna si Lara.

July, naiisahan mo yata kami. Bakit ibinigay mo ang isang basahan kay lola?Huwag mo nang pagpunasin si lola, baka siya madapa, wika ni Lara.

Naku, kayo ginagawa ninyo akong napakahina. Kayak o pang magpunas. Gusto ninyo magsayawan pa tayo, pagkatapos maglinis, sagot naman ni lola.

Oo nga naman ate, malakas pa si lola. At saka, manghihina ang lola kapag walang ginagawa, sagot din ni July. Tingnan nga ninyo si Lola hanggang ngayon maganda pa rin, dagdag pa nito.

Gustonggusto ko ang kulay ng buhok ni lola. Parang kulay ginto na may bahid-bahid na pilak, turan ni Laarnie.

Naku, binobola na ninyo ako ha, natatawang wika ni Lola. Sumagot naman si Lara. Lola kaya pa po ba ninyong magluto ng hotcake?

137

Naku, isa ka pang nambobola. Gusto mo lang magpaluto ng hotcake. O sige, ako na ang maghahanda ng meryenda ninyo, masayang wika ng Lola. Pagbutihin ninyo ang paglilinis at ipaghahain ko kayo ng masarap na hotcake.

Buti na lang may Lola tayo. Salamat po Lola, sabay na wika ng tatlo.

3. Pagtatalakayan a. Sinu- sino ang mga naglilinis ng bahay? b. Ano ang kinuha ng Lola kayJuly? c. Ano ang gusto ni Laarnie sa kanilang Lola? d. Ano ang ihahanda ng kanilang Lola? e. Ano sa palagay ninyo ang naramdaman ng kanilang Lola? f. Ano ang ginagawa ninyo para sa ikaliligaya ng inyong Lola o Lolo?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

Ating Tandaan:

Matanda man sa turing May pakinabang pa rin

2. Paglalapat
138

Paano mo maipakikita sa mga lolo at lola mo na kapaki-pakinabang pa rin sila sa atin?. Ipaliwanag.

IV.

Pagtataya

Isulat ang Ako po kung ginagawa at Hindi po naman kung di ginagawa ang sumusunod na pangungusap.

___ 1. Nagmamano kay Lolo t Lola. ___ 2. Pinupuri ang ginagawa ni Lolo at Lola. ___ 3. Sinisigawan ang Lolo at Lola kapag nagtatanong. ___ 4. Nakikinig sa payo at sa sinasabi ni Lolo at Lola. ___ 5. Nakikipagkwentuhan kay Lolo at Lola.

V.

Takdang-Aralin Isulat sa inyong notbuk ang iyong gagawin upang maipadama mo sa matatanda na sila ay mahalagang tauhan ng mag-anak.

139

ARALIN 7

I. Layunin: Naipadarama sa matatanda na sila ay mahalaga Kinakausap/ kinukuwentuhan sila

II. Paksang Aralin: Malasakit Sa Mga Matatanda- Kinakausap at Kinukwentuhan Sila Pagpapahalaga PELC 3.1 pah.6 Sanggunian Kagamitan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Balik- Aral Sa anong pagkakataon natin binabati ang mga matatanda? Bakit kailangan silang batiin? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Kailan kayo huling nakipag-usap o nakipagkuwentuhan sa inyong lolo at lola? Malapit ba kayo sa isat isa? 2. Paglalahad Basahin ang kuwento tungkol sa Aming Lolo at Lola Aming Lolo at Lola
140

Pagmamalasakit sa Kapwa

: :

Magandang Asal 4 p. 148-150 Tsart, larawan ng lolo at lola

Linggo ng umaga. Napadalaw sa taniman ng mga gulay ni Lolo Bino si Danilo. Lolo Bino, napakasipag naman po ninyo. Parang hindi kayo nakadarama ng kapaguran. Ano po ba ang sekreto ninyo at kahit may edad na kayoy ang lakas-lakas pa ninyo ang tanong ni Danilo. Aba, eh di iyong pinaglahuk-lahok na mga gulay tulad ng papaya, okra, talbos ng kamote at kung anu ano pa. Nilalagyan iyon ng luya tapos ay sasabawan ng hugasbigas. Napakasarap ng sabaw kapag naluto, manamis-namis ang lasa, ang paliwanag ni Lolo Bino. Nakalilinaw pa ng mata ang mga gulay. Kaya ang lola Pacing mo ay nakapananahi pa kahit may edad na. Talaga pong kahanga-hanga ang kasipagan ninyo ni Lola Pacing. Tutularan ko po ang kasipagan ninyo at ang kinakain ninyo para humaba rin ang aking buhay. Sasabihin ko rin pos a mga kapatid ko na kumain sila ng gulay na bulanglang, ang sabi ni Danilo. Dito na kayo mananghaliang magkakapatid nang matikman ninyo ang bulanglang ng inyong Lola Pacing, ang anyaya ni lolo Bino. Opo, talaga pong balak naming dito mananghalian at tuloy manghingi ng binhi. Kasi poy may proyekto po kami sa eskwelahan. Magtatanim daw po kami ng mga gulay sa mga basyong latang malalaki. Kung wala raw po kaming baanteng lote na mapagtataniman, ang balita ni Danilo. Mabuti , maganda ang inyong proyekto. O, sige, bibigyan kita ng mga binhi, ang sagot ni Lolo Bino. Tayo na muna sa bahay at makapagminindal tayo ng nilagang kamote. 2. Pagtatalakay a. Bakit malakas pa sina Lolo Bino at Lola Pacing kahit may edad na? b. Ano ang nararamdaman ni Lolo Bino nang purihin siya ni Danilo sa kanyang mga gawain? c. Bakit dapat nating bigyang-halaga ang mga Gawain ng mga matatanda? d. Pinahahalagahan mo rin ba ang mga Gawain ng inyong lolo at lola? Bakit? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat

141

Paano mo maipadarama sa mga matatanda na sila ay mahalaga?

2. Paglalapat Isulat sa inyong sagutang papel kung bakit kailangan natin bigyang pansin ang mga matatanda? IV. Pagtataya Ginagawa mo ba ang mga sumusunod upang maipadama mo sa mga matatanda na sila ay mahalaga at kapakipakinabang pa? Lagyan ng tsek (/) ang kolum para sa iyong kasagutan. Mga Tanong Lagi Paminsan-Minsan Hindi

1.Nakikipagkwentuha n ka ba sa mga matatanda? 2. Pinasasalamatan mo ba ang nagawa nilang tulong sa tahanan? 3. Inaasikaso mo ba ang kanilang pangangailangan? 4. Inaalala mo ba sila kung may okasyon? 5. Hinahandugan mo ba sila ng munting alaala kung may okasyon?

V. Kasunduan Paano mo maipadarama sa matatanda na sila ay mahalaga at kapakipakinabang pa?


142

ARALIN 8 I. Layunin Naipadarama sa matatanda na sila ay mahalaga -Nagpapasalamat sa ginawa nilang anumang tulong sa tahanan II. Paksang Aralin Malasakit Sa Mga Matatanda- Nagpapasalamat sa Anumang Ginawa Nilang Tulong sa Tahanan Pagpapahalaga PELC 3.2 pah. 6 Sanggunian Kagamitan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Balik- Aral Sa anong pagkakataon dapat nating batiin ang mga matatanda? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Paano mo maipapakita sa matatanda na sila ay mahalaga? 2. Paglalahad Basahin ang kuwentong May Magagawa Pa Rin May Magagawa Pa Rin Araw ng Sabado. Naglilinis ng bahay sina Edith, Insiong, at Arnold. Si Edith ang nagwawalis. Naglagay na rin siya ng floor wax. Si Insiong naman ay naglalampaso.
143

Pagpapasalamat

: :

Wastong Pag uugali sa Makabagong Panahon p135 Tsart, larawan

Hinihintay nilang matuyo ang floor wax bago bunutin. Si Arnold naman ang nagpupunas ng mga silya, mesa, at palamuti sa loob ng bahay. May napuna si Edith. Arnold, naiisahan mo yata kami. Bakit ibinigay mo ang isang basahan kay lola? Huwag mo nang pagpunasin si lola, baka siya madapa,wika ni Edith. Naku, kayo ginagawa ninyo akong napakahina. Kaya ko pang magpunas. Gusto ninyo magsayawan pa tayo, pagkatapos maglinis, sagot naman ng lola. Oo nga naman, Ate, malakas pa si Lola. At saka, manghihina ang lola kapag walang ginagawa, sagot din ni Arnold. Tingnan nga ninyo si Lola hanggang ngayon maganda pa rin, dagdag pa nito. Gustung-gusto ko ang kulay ng buhok ni lola. Parang kulay ginto na may bahidbahid na pilak, turan naman ni Insiong. Naku, binobola na ninyo ako, ha, natatawang wika ni lola. Sumagot naman si Edith. Lola, kaya pa po ba ninyong magluto ng hot cake? Naku, isa ka pang nambobola. Gusto mo lang magpaluto ng hot cake. O sige, ako na ang maghahanda ng meryenda ninyo, masayang wika ng lola. Pagbutihin ninyo ang paglilinis at pakakainin ko kayo ng masarap na hot cake. Buti na lang may lola tayo. Salamat po Lola, sabay na wikang tatlo.

2. Pagtatalakay a. Sinu-sino ang naglilinis ng bahay? bAno ang kinuha ng Lola kay Arnold? c. Ano ang gusto ni Insiong sa kanilang Lola? d. Ano ang ihahanda ng kanilang Lola? e. Ano sa palagay ninyo ang naramdaman ng kanilang Lola? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Paano mo pinasasalamatan ang tulong na ginagawa ng matatanda sa bahay? 2. Paglalapat
144

Paano mo maipapakita sa mga lolo at lola mo na kapaki-pakinabang pa rin sila sa atin? IV. Pagtataya Lagyan ng tsek (/) ang kaukulang kolum ayon sa iyong saloobin. Ginagawa mo ba ito sa matatanda? Mga Gawain Oo Hindi Minsan

1.Tinatawag sa oras ng pagkain 2. Pinipintasan ang ginagawa sa bahay 3. Sinusunod ang mga iniuutos 4. Inaalagaan kapag may sakit 5. Inaaliw kapag nalulungkot

V. Kasunduan Isulat mo sa kuwaderno ang paborito ng lolo at lola mong gawain nila sa tahanan.

145

ARALIN 9 I. Layunin Naipadarama sa matatanda na sila ay mahalaga -Inaasikaso ang kanilang pangangailangan II. Paksang Aralin Malasakit Sa Mga Matatanda- Inaasikaso ang Kanilang Pangangailangan Pagpapahalaga PELC 3.3 pah. 6 Sanggunian : Wastong Pag uugali sa Makabagong Panahon p127129 Kagamitan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Balik- Aral Anu-ano ang kinukuwento ng lolo at lola mo sa iyo? Nagpapasalamat ka ba sa ginagawa nila? Paano? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Ano ang gusto ng lolo at lola mo?Ibinibigay ninyo ba lahat ng gusto nila? Bakit? : Tsart, larawan ng nag-aasikaso sa mga matatanda : Pagmamalasakit sa Kapwa

146

2. Paglalahad Basahin ang kuwento tungkol sa Ang Matandang Babae

Ang Matandang Babae Si Moises ay sinugo ng Panginoon upang alisin sa pagkakaalipin ang Hebreo sa lupain ng mga Ehipto. Alam ba ninyong isang matandang babae ang naging daan upang maisagawa ito? Kung paano, basahin ninyo an gating kuwento. Si Moises ay isang Hebreo na nakuha sa ilog ng prinsesang taga-Ehipto. Naawa rito ang prinsesa. Inampon niya ang bata. Lumaki si Moises sa kaharian at nagging isang prinsipe. Siya ang namahala sa pagtatayo ng templo ng Ehipto. Isang araw, habang nagmamasid sa mga nagsisigawang mga Hebreo, nakita niya ang isang matandang babae. Naiipit ito sa dalawang malalaking pader na bato. Inutusan niya ang tagagawa na itigil ang makinang tumutulak sa pader. Ayaw siyang sundin nito. Upang mailigtas ang matandang babae at maibigay sa matanda ang kinakailangan niiang tulong, napilitan si Moises na patayin ang tagagawa. Nang malaman niyang nakarating sa palasyo ang kanyang ginawa ay tumakas siya. Ang pagtakas niya sa Ehipto ang nagging daan upang maipagkaloob sa kanya ang Sampung Utos ng Diyos at ang pagkaalis sa pagkakaalipin ng mga Hebreo. Natuklasan ni Moises na siya ay isang Hebreo, at ang matandang babaeng kanyang iniligtas ay ang tunay niyang ina.

3. Pagtatalakay a. Paano napunta si Moises sa Ehipto? b. Ano ang pangangailangan ng matandang babae ng panahong makita siya ni Moises sa gitna ng dalawang malalaking pader na bato ? c. Ano ang naramdaman ni Moises nang Makita niya ang matandang babae? d. Ano kaya ang naramdaman ng matandang babae nang tinulungan siya ni Moise?
147

e. Anong magandang pag-uugali ang ipinakita ni Moises? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Paano mo maipapadama sa mga matatanda ang pag-aasikaso sa kanila? 2. Paglalapat Basahin at Sagutin Ang Lolo mo ay nakatira sa inyo, mahina na at hindi na masyadong makalakad. Ang gusto sana niya ay makakita ng araw sa umaga nang sa gayon ay makapagpaaraw ngunit hirap na hirap siya. Ano ang magagawa mo para sa lolo mo? Ipaliwanag.

IV. Pagtataya Sagutin ang katanungan 1. Nakikita mong tatawid ang isang matanda sa kabilang kalye. Ano ang gagawin mo? 2. Nasalubong mo ang iyong lola na hirap na magbitbit ng kanyang bayong. Ano ang gagawin mo? 3. Naglalakad ka sa likod bahay. Nakita mo ang matandang lalaki na biglang nadapa. Subalit ikaw ay nagmamadali. Ano ang gagawin mo? 4. May kumakatok sa inyong bahay. Nang buksan mo ay dalawang matanda na humihingi ng tubig. Ano ang gagawin mo? 5. Nadaanan mo ang isang grupo ng mga bata na pinagtatawanan ang isang matandang babae na may sira sa ulo. Binabato nila ito kapag ayaw sumunod sa ipinagagawa nila. Ano ang iyong gagawin? V. Kasunduan Sumulat ng 3 pangungusap na nagpapakita ng pagiging maasikaso sa matatanda.

148

ARALIN 10

I. Layunin Naipadarama sa matatanda na sila ay mahalaga -Pagbibigay galang II. Paksang Aralin Malasakit Sa Mga Matatanda- Pagbibigay galang sa nakatatanda PELC 3.4 pah. 6 Pagpapahalaga Sanggunian Kagamitan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Balik- Aral Sa anong pagkakataon naipadarama sa mga matatanda na sila ay mahalaga? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Paano mo maipapakita sa matatanda na sila ay mahalaga? : : : Paggalang sa nakatatanda Liwanag 4 p.189 Tsart, larawan

149

2. Paglalahad Basahin ang tulang Haplos sa Puso Haplos sa Puso Ugaliin ang maging mapagmahal, Sa ating magulang o ninuno man, Alalahanin ang mga kabutihan, Noong kabataan moy pinuhunan. Huwag silang ipagwalang- bahala, Bigyan sila ng pansin at aruga, Pasalamatan sa kanilng gawa, Pagsisilbi sa inyong walang sawa.

Pag-alaala at mabuting salita, Haplos sa puso ng matatanda, Damdamin nilay di magiging aba, Ligayang idudulot di matingkala 3. Pagtatalakay a. Ano ang ibig ipahiwatig ng unang saknong sa tula? b. Sino ang tinutukoy sa pangalawang saknong ng tula na dapat bigyan ng pansin at aruga? c. Ano ang mga bagay na maaari mong gawin na makapagpapakita ng paggalang sa matatanda? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Papaano mo maipapakita ang iyong paggalang sa matatanda?
150

2. Paglalapat Ano ang dapat mong gawing kung nakita mo ang lolo ay inaaway ng iba?

IV. Pagtataya Sagutin ng Tama o Mali ang pangungusap.Isulat sa sagutang papel. _____1. Tratuhin ang matatanda ng maayos. _____2. Ipakita ang pagmamahal at paggalang sa kanila. _____3. Ipakita sa matatanda na sila ay hindi mahalaga. _____4. Pasalamatan ang matatanda sa kanilang ginawa. _____5. Ipakita sa matatanda ang paggalang. V. Kasunduan Magdala ng 2 larawan na nagpapakita ng paggalang sa matatanda.

151

ARALIN 11 I. Layunin Naipadarama sa matatanda na sila ay mahalaga -Palagiang pagbibigay ng atensiyon II. Paksang Aralin Malasakit Sa Mga Matatanda- Palagiang Pagbibigay ng Atensiyon Pagpapahalaga PELC 3.5 pah. 6 Sanggunian Kagamitan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Balik- Aral Paano natin ipapakita ang paggalang sa matatanda? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Bakit kailangang bigyan ng atensiyon ang mga matatanda? 2. Paglalahad Basahin ang kuwento tungkol sa Modelong Bata Modelong Bata Galing sina Marlo at Dan sa malaking pamilihan . Bumili sila ng pantalon. Papunta na sila sa paradahan ng bus nang makita nila ang matandang babae , hirap na hirap ito sa mga dala-dalahang pinamili.
152

Pagmamalasakit sa Matatanda

: :

Liwanag 4 p.185 Tsart, larawan

Dan , tingnan mo ang matandang babae .Ang dami niyang bitbit. Kawawa naman, wika ni Marlo. Oo nga ano, tulungan natin siya,, sagot naman ni Dan. Nilapitan ng dalawa ang matandang babae. Lola, tutulungan po nammin kayong magdala niyan, wika ni Dan. Huwag po kayong mag-alala, lola. Mga batang iskawt po kami ng Yangco! dagdag naman ni Marlo. Napangiti naman ang matandang babae sa sinabi ni Marlo. Kaya pala matulungin kayo, nakatawang wika nito habang inaabot ang daladala kina Marlo At Dan Lola, ito na po ang bus, wika ni Dan. Pinauna at inalalayan ng dalawa ang lola. Pag-akyat ng bus, may nakitang isang bakanteng upuan si Marlo. Lola, dito na po kayo umupo, sabi ni Marlo. Salamat mga iho, wika ng matanda. Sana lahat ng bata ay katulad ng mga batang ito, bulong sa sarili ng matanda. 3. Pagtatalakay a. Saan galling sina Marlo at Dan? b. Sino ang nakita nila ? c. Paano nila tinulungan ang matanda? d. Ano kaya ang naramdaman ng matandang babae? e. Kung kayo ang dalawang bata, gagawin din ba ninyo ang ginawa nila? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Paano mo maipapadama sa mga matatanda na sila ay binibigyan mo ng atensiyon? 2. Paglalapat Bilang isang bata, ano ang dapat mong gawin upang maipakita na ang matatanda ay mahalaga pa?

153

IV. Pagtataya Piliin sa loob ng kahon ang akmang salita na bubuo sa mga tugma. 1. Matatanda ay mahalin Sa lungkot sila ay ____.

2. Bigyan sila ng halaga Upang di mawalan ng ______. 3. Kung may okasyon, sila ay alalahanin Bigyan kahit ano at ______. 4. Matatanda ay tulungan sa paggawa Sa pag aasikaso sa kanila ay huwag ______. 5. Sa paglakad at pagbubuhat Atensiyong ibibigay ay _____. sapat batiin pag-asa aliwin magsawa mabait

V. Kasunduan Sagutin: Paano maaaring mabigyan ng kaukulang pagmamahal at pagmamalasakit ang mga matatanda kung sakaling wala na silang mga kamag-anak?

ARALIN 12

154

I. Layunin Nakapagpapakita ng magandang gawi na maaaring tularan ng iba -Makabuluhang pagmamahal sa matatanda II. Paksang Aralin Makabuluhang Pagmamahal sa Matatanda Pagpapahalaga PELC 4.1 pah. 7 Sanggunian Kagamitan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Balik- Aral Anu-ano ang mga paraan upang maipakita ang ating pagpapahalaga sa mga matatanda? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Anong pag uugali ang mayroon ka na maaarin mong maipagmalaki sa iba? 2. Paglalahad Basahin ang kuwento tungkol sa Mga mapagmahal na Bata Mga Mapagmahal na Bata Nagkanya-kanyang lakad ang mga apo ni Lola Charing maliban kay Guadalupe.Katatapos lamang ng markahang pagsusulit. Ito ang pangakong malayang makapaglalaro ang mga bata kapag kanilang pagbubutihin ang pagbabalik-aral at ang makukuha na rin sa pagsusulit.
155

Pagmamalasakit sa Matatanda

: :

Magandang Asal pp.143-145 Tsart, larawan ng pagmamahal sa matatanda

Lola , ako na po ang maghihiwa ng mga gulay, pagkusa ni Guadalupe. Marunong na po ako. Mag-iingat ka apo, paalaala ng matanda. Lubhang matalas ang kutsilyo. Baka ka mahiwa. Lola, ano po ba ang nararamdaman ng tumatanda? tanog ni Guadalupe. Bakit nga po ba gawa ng gawa ang matatanda at kami namay laro ng laro? Ngumiti si Lola Charing. Natawa siya sa tonong ng apo. Lola hindi po ninyo ako sinasagot,- pangungulit ni Guadalupe. E medyo nanghihina ang tuhod, sumasakit-sakit ang likod, naiinis din paminsanminsan dahil sa maraming ipinagbabawal tulad ng mga pagkaing maaalat, mamantika at kung anu-ano pa, paliwanag ng lola. Pero, lubhang nasisisyahan kapag lumalaking maalalahanin at matulungin ang mga nakapaligid sa kanila. Naputol ang usapan ng mag lola. Dumating sina Jocelyn, Josephine at Jonathan. May humingi ng tinapay na may palamang jam. May nagpatimpla ng juice. Napakaingay nila. Nagbibidahan ang mga bata. Wala man lang nakaalala sa akin, lihim na tampo ni Lola Charing. Alam naman nilang kaarawan ko ngayon. Umiling-iling siya. Lola , sandal lamang po, sabi ni Guadalupe. Isang malaking pamaypay ang dala nito pagbalik. Kayganda-ganda ng pamaypay. Happy Birthday Lola, masayang bati nina Guadalupe, Jocelyn, Josephine at Jonathan. Heto ang regalo naming sa pinakamabait na lola sa buong mundo! Maraming salamat mga apo. Akala koy nakalimutan nyo na ang birthday ko, ang sabi ni Lola Charing. 3. Pagtatalakay a. Sinu-sino ang mga apo ni Lola Charing? b. Ano ang ipinakita ng mga bata sa kanilang lola? c. Ano ang ikinasisisya ng matanda? d. Ano ang pinag- usapan ng mag lola sa kuwento?
156

e. Anong mabuting gawi ang ipinakita ng mga apo? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Paano mo maipapakita ang makabuluhang pagmamahal sa matatanda? 2. Paglalapat Nakita mo ang iyong lola na hirap na hirap bumangon mula sa higaan. Ano ang dapat mong gawin?

IV. Pagtataya Isulat ang titik ng tamang sagot 1. Tatawid ka sa daan. Nakita mo ang isang matanda na atubiling tumawid. Ano ang gagawin mo? a. lalapitan ang matanda at aakayin sa pagtawid b. titingnan ang matanda kung makakatawid mag-isa c. pagtatawanan ang matanda 2. Nakita mo ang isang matandang babae na may bitbit. Ano ang gagawin mo? a. pagtatawanan ang matanda b. tutulungang magbitbit ng bag c. panonoorin na lang ang matanda 3. Kaarawan ng iyong lola . Wala kang perang pambili ng regalo. Ano ang gagawin mo? a. magkukunwaring hindi alam na kaarawan ng lola b. Babatiin ang lola ng Happy Birthday c. Hind papansinin ang lola 4. Nagluluto ang lola. Nakita mong pagod na pagod na siya. Ano ang gagawin mo? a. tutulungan si lola sa pagluluto
157

b. tatawagin si lola kung gaano pa katagal ang kanyang niluluto c. magrereklamo na ang tagal naming maluto ng kanyang niluluto 5. Nakita mong nakikipagkuwentuhan ang iyong loloat lola sa sala. Ano ang gagawin mo? a. sasawayin ang lolo at lola sa pagkukuwento b. uupo at makikinig sa kuwento ng lolo at lola c. sasabihan na walang kwenta ang kuwento nila V. Kasunduan Sagutan sa inyong kuwaderno: Paano mo maipapakita ang iyong pagmamahal sa mga matatanda?

ARALIN 13 I. Layunin

158

Nakapagpapakita ng magandang gawi na maaaring tularan ng iba -Modelong kasapi ng samahan/ mag-anak II. Paksang Aralin Modelong Kasapi ng Samahan/ Mag-anak Pagpapahalaga PELC 4.2 pah. 7 Sanggunian Kagamitan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Balik- Aral Magbigay ng isang sitwasyon na nagpapakita ng pagmamahal sa matatanda. B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Magpakita ng larawan ng mag-anak. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa larawan? 2. Paglalahad Basahin ang kuwento tungkol sa Ang Mag-anak ni Mang Kulas Ang Mag-anak ni Mang Kulas Ang mag-asawang Mang Kulas at Aling Tinay ay mayroong tatlong anak , isang babae at dalawang lalaki. Binubuhay ni Mang Kulas ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsasaka ng mais at mga gulay. Si Aling Tinay naman ay tumutulong sa pamamagitan ng pag-aalaga ng manok at baboy. Ang kanyang mga anak na lalaki ay tumutulong sa pagbebenta ng mga gulay at itlog sa palengke, samantalang ang kanyang anak na babae ay tumutulong sa kanyang ina sa mga gawaing bahay.
159

Pakikisama

: :

Maunlad na pamumuhay p.100 Tsart, larawan

Nagtutulungan ang mag-anak sa mga gawaing mapagkakakitaan ng pera. Sa ganitong paraan nabibigyan ni Mang Kulas at Aling Elena ang kanilang tatlong anak ng pagkain, damit, at tirahan. Napag-aral din nila ang tatlong anak hanggang makatapos ng kurso. Ngayon , may mga sariling hanap-buhay na ang mga anak nila, ngunit patuloy pa rin sa kanyang hanap-buhay ang mag-asawa bagamat ayaw na ng mga anak na pagtrabahuhin pa sila. Naging kasiya-kasiya ang pamumuhay ng mag-anak. 3. Pagtatalakay a. Sino ang mag-asawang may 3 anak? b. Paano binubuhay ni Mang Kulas ang kanyang mag-anak? c. Paano nila ipinakikita na sila ay sama-sama bilang mag-anak? d. Ano ang masasabi ninyo sa mag anak ni Mang Kulas? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Paano maipapakita ng mag-anak na sila ay isang ulirang mag-anak? 2. Paglalapat Bilang isang mabait na mamamayan, ano ang dapat gawin ng bawat kasapi ng pamilya ? IV. Pagtataya Iguhit ang kung mabuti at kung masama.

____1. Huwag magkaisa ang mag-anak. ____2. Panatilihing buo ang kasapi ng pamilya. ____3. Magkaroon ng pagkakaisa ang bawat miyembro ng mag-anak. ____4. Piliting maghiwa-hiwalay ang pamilya. ____5. Ang masayang mag-anak ay nagtutulungan at nagkakaisa

V. Takdang Aralin Magbigay ng 3 halimbawa na ang pamilya ay huwaran. Isulat sa kuwaderno.

160

ARALIN 14 I. Layunin
161

Nakapagpapakita ng magandang gawi na maaaring tularan ng iba -Pagkamatapat II. Paksang Aralin Pagkamatapat Pagpapahalaga PELC 4. pah. 7 Sanggunian pp.45-46 Kagamitan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Balik- Aral Paano mo maipadarama sa mga matatanda na sila ay mahalaga? Mag bigay ng halimbawa. . B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Alam nyo ba ang kuwento tungkol kay Pinocchio? Ano ang nangyayari sa kanyang ilong sa tuwing siya ay nakapagsisinungaling? : : Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 3 Tsart : Katapatan

2. Paglalahad Basahin ang kuwento tungkol sa Huli!


162

Huli! Araw-araw ay tinatanghali sa paggising si Felipe. Lagi kasing gabi na kung siya ay matulog. Ginagabi siya sa kapapanood ng telebisyon. Kahit anong pagmamadali niya ay huli pa rin siya sa paaralan. Felipe! Bakit huli ka na naman sa klase? ang tanong ng guro. Mabagal po kasing kumilos yong kapatid ko sa unang baiting, ang tugon ni Felipe. O, bakit huli ka na naman ? ang tanong ng guro. Maam, kasi nag-iipon kami ng tubig sa gabi ang sagot ni Felipe. Bakit ka nahuli? ang tanong ng kamag-aral ni Felipe. Kasi hinintay ko pa ang nanay , ang wika ni Felipe. Ibat iba ang idinadahilan ni Felipe kung bakit siya nahuhuli.Minsan nasalubong ng guro ang nanay ni Felipe. Magandang umaga, Bb. Mayor, ang bati ni Gng. Santos. Kumusta po ang anak kong si Felipe sa klase? Naku! Gng. Santos, ang anak nyo ay lagging huli kung pumasok . Minsan walang takdang aralin. Mababa ang nakukuha sa pagsusulit, ang pagbabalita ni Bb. Mayor. Sabi ko nga ba. Wala kasing ginawa iyan sa bahay kundi manood ng telebisyon. Gabi na po yan matulog sa kapapanood. Hayaan po ninyo. Mula ngayon ay tuwing Sabado at Linggo ko na lang papapanoorin ng telebisyon ang batang iyan! ang hinging paumanhin ng ina ni Felipe. 3. Pagtatalakay a. Bakit nahuuhuli si Felipe sa pagpasok? b. Anu-ano ang mga idinadahilan niya? c. Mabuti bang ugali ang magbigay ng maling impormasyon? Bakit? d. Gagayahin mo ba si Felipe?Bakit? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat
163

Ano ang magandang gawi ang dapat nating tularan? Sabihin ang tunay na dahilan kung bakit nahuhuli sa paaralan.

2. Paglalapat Sagutin. Huli ka sa klase kasi naglaro ka sa daan. Ano ang sasabihin mo kung bakit ka nahuli?

IV. Pagtataya Lagyan ng tsek (/) ang hanay na ginagawa mo. Palagi Hindi

1. Maglaro muna bago pumasok 2. Tanghali na magising dahil nanood ng t.v 3. Ginagawa ang gawaing bahay ng maaga 4. Sinasabi ang dahilan kung bakit nahuli sa klase 5. Humihingi ng pahintulot na makadalo sa kaarawan ng kaklase

V. Kasunduan Sagutan sa inyong kuwaderno:


164

Ako si ______________ ay nangangakong papasok sa _________ oras ng pagpasok sa klase.

_________________ Lagda

ARALIN 15 I. Layunin Nakapagpapakita ng magandang gawi na maaaring tularan ng iba

165

-Paggalang sa paniniwala ng iba II. Paksang Aralin Paggalang sa paniniwala ng iba Pagpapahalaga PELC 4. pah. 7 Sanggunian : pp.131-132 Kagamitan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Balik- Aral Anong mabuting gawi ang mayroon ka na dapat tularan ng iba? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Anong relihiyon ang kinabibilangan ninyo? Anu- anong relihiyon ang alam ninyo? 2. Paglalahad Basahin ang kuwento tungkol sa Pagsamba Pagsamba Ngayon ay pag-uusapan natin an gating sambahan, ang bungad ni Bb. Ramos. Saan kayo nagsisimba? Ako ay sa simbahan ng Katoliko, ang sabi ni Andrew. Katoliko po ako. Ako ay sa Moske, ang sabi ni Ali. Ako ay isang Muslim. Ako ay isang Protestante, kaya sa simbahan ng protestante kami nagsisimba, ang sagot ni Julius
166

Pabibigay- galang sa iba

Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 3 Tsart, larawan

Kami ay Born Again. May sarili rin kaming simbahan, ang tugon no Amanda. Tama! Marami tayong simbahan, ang sabi ni Bb. Ramos. May kanya-kanya tayong simbahan ayon sa ating pananampalataya. Nagsisimba tayo sa sarili nating simbahan. Pero iginagalang din natin ang simbahan ng iba. Hindi natin pinipintasan ang simbahan ng iba. May kanya-kanya tayong paniniwala. Bakit ba tayo nagsisimba? ang tanong ni Prosy. Ang mag-anak nina Prosy ay hindi nagsisimba. Iba ang paniniwal nila. Nagsisimba tayo para magdasal, ang sagot ni Douglas. Ang simbahan ay tahanan ng Diyos. Nagdarasal tayo sa Diyos. Pare-pareho ba ang Diyos natin? ang tanong uli ni Prosy Isa lang ang Diyos, ang sabi ni Bb. Santos.Siya ang Diyos ko. Siya rin ang Diyos mo. Siya rin ang Diyos ng mga Protestante, Iglesia ni Cristo, Katoliko, at iba pa. Kaya lang iba-iba ang paniniwala natin. Hindi natin pinipintasan ang ibang paniniwala. Iginagalang natin sila, tulad ng paggalang nila sa ating paniniwala. Tayong lahat ay magkakapatid sa mata ng Diyos, ang sabi ni Marilou 3. Pagtatalakay a. Dapat bang kalabanin ang ibang relihiyon? b. Anu-ano ang nalalaman mong paraan ng pananampalataya? c. Iginagalang mo ba ang relihiyon ng iba? Paano? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Bawat tao ay may sariling pananampalataya Iwasang pintasan bagkus igalang ito.

2. Paglalapat Sagutin. Hinihikayat ka ng kaklase mo na sumapi sa kanilang relihiyon. Magagalit ka ba? Ano ang gagawin mo?
167

IV. Pagtataya Iguhit ang kung nagpapakita ng paggalang sa paniniwala at kung hindi

____1. Pagtawanan ang paraan ng pagsamba ng mga Muslim. ____2. Tularan ang kaklaseng Muslim kung sumasama sa pagsamba sa moske. ____3. Igalang ang pag-aalis ng sapin sa paa ng mga Muslim kung sumasamba. ____4. Hinihikayat ka ng kapitbahay mong sumapi sa kanilang relihiyon. Nakinig ka lang. ____5. Hayan lang ang kaklase sa kanilang paniniwala.

V. Kasunduan Sagutan sa inyong kuwaderno: Sumulat ng limang pangungusap kung bakit hindi dapat pagtawanan ang paniniwala at pananampalataya ng iba.

ARALIN 16 I. Layunin Nakapagpapakita ng magandang gawi na maaaring tularan ng iba -Paglinang ng sariling kakayahan
168

II. Paksang Aralin Paglinang ng Sariling Kakayahan Pagpapahalaga PELC 4. pah. 7 Sanggunian Kagamitan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng Takdang Aralin 3. Balik- Aral Anong mabuting gawi ang mayroon ka na dapat tularan ng iba? B. Panlinang na Gawain 1. Pangganyak Sino sa inyo ang magaling umawit? Magaling sumayaw? 2. Paglalahad Basahin ang kuwento tungkol sa Kaarawan ni Yangco Kaarawani Yangco Nagkaroon ng pagdiriwang sa paaralang Teodoro Yangco. Ipinagdiriwang nila ang kaarawan ni Teodoro Yangco na isang pilantropo na nagkaloob ng lupa na kinatatayuan ng paaralan. Mga piling bata ang sumali sa palatuntunan. Isa si Rizza sa mga batang kasali sa palatuntunan. Si Rizza ay sumayaw dahil sa kanyang galing sa pagsayaw. Ang may magandang tinig naman na si Marlon ay umawit. Pinasalubungan naman ng masigabong palakpakan ang batang buong giting na tumula tungkol sa buhay ni Yangco. Wastong Pag-uugali sa Makabagong Panahon 3 : Tsart, larawan pp.172-173 : Pabibigay- halaga sa kakayahan

169

Ang pamunuan ng samahan ng mga guro at magulang ay nag-alay ng bulaklak sa rebulto ni Yangco. Pagkatapos ng palatuntunan ay magkakaroon din ng ibat-ibang palaro ang magt bata. Anupat ang lahat ay masayang-masaya na umuwi pagkatapos ng pagdiriwang. 3. Pagtatalakay a. Sinu-sino ang sumali sa palatuntunan?Bakit? b. Sasali ka rin ba kung alam mong marunong kang umawit? Bakit? c. Alam mong magaling kang sumayaw, sasali ka ba sa pag-awit? Bakit? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ang naiibang kakayahan ay di dapat ikahiya bagkus ay ipakita at ipagmalaki. 2. Paglalapat Sagutin. Paano mo maipapakita ang naiiba mong kakayahan sa paaralan? IV. Pagtataya Lagyan ng (/) ang patlang na dapat gawin kung may naiibang kakayahan at lagyan ng (x) ang hindi dapat gawin. ____1. Maging mahiyain. ____2. Sanaying mabuti ang pag-aawit. ____3. Magpaturo ng ibat-ibang paraan ng pagguhit at pagkulay. ____4. Matakot sa mga tao. ____5. Sumali sa mga palatuntunan upang higit na humusay.

V. Kasunduan Sumulat sa inyong kuwaderno tungkol sa inyong naiiba kakayahan at kung paano ninyo ito mapagbubuti at ipagmamalaki.
170

ARALIN 17 I. Layunin Naipapakita na may disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng pag-iwas sa pagtatapon ng basura sa daan at kanal

171

II. Paksang Aralin Pagpapakita na may disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarabgay tulad ng pag-iwas sa pagtatapon ng basura sa daan at kanal. Pagpapahalaga: Disiplina sa sarili sa tamang pagtapon ng basura PELC bilang 1 Sanggunian: Ulirang Mag-aaral pp.78-79 Kagamitan: Mga Larawan sa tamang pagtatapon ng basura III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pgwawasto ng takdang aralin 3. Balik Aral Bakit kailangan natin ipadama sa matatanda na sila ay mahalaga sa atin? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Kayo ba ay nakaranas na mautausan ng magulang upang magtapon ng basura? Paano ninyo itinatapon ang inyong basura? Saan ninyo tinatapon ang inyong basura? Ang aralin natin ngayon ay kung paano natin maipapakita na may disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng tamang pagtatapon ng basura. 2. Paglalahad Pagbasa ng guro ng maikling kwento tungkol sa aralin. Pag-iwas sa Pagtatapon Ng Basura sa Daan/Kanal Ang sipag sipag mo naman, Edgar, papuring bati ni Elma. mula sa aming bintana ang ginagwa mo sa mga basura ninyo. Nakita ko

Ah iyon ba? tila nahihiyang sagot ni Edgar. Ginawa ko iyon upang maiwasan ko ang pagtatapon ng basura sa daan at kanal. Alam na natin kung ano ang mangyayari kung hindi ko gagawin yaon. Tama! Ganyang-ganyan ang sabi n gating guro. Mabubulok ang basura at lalangawin pa. Kung itatapon naman ito sa daan o sa kanal, tiyak na aapaw tayo rito kapag umulan, paliwanag ni Elma.
172

3. Pagtatalakay a. Sino ang nagmamasid kay Edgar habang inaayos niya ang kanilang basura? b. Kapuri- puri bang talaga ang ginawa ni Edgar? c. Ano ang nasabi ni Donita sa gayong gawain? d. Ano kaya ang nadarama ni Edgar pagkatapos ng kanyang gawain? e. May ganito bang batas na pinatutupad ang iyong pamahalaang pambarangay? f. Paano niyo na sinusunod ang batas na ito? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ipakita ang disiplina sa sarili sa pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng pag-iwas ng pagtatapon ng basura sa daan/kanal. 2. Paglalapat Bumuo ng tatlong pangkat isadula ang pangyayari sa kwento. IV. PAGTATAYA Panuto: Isulat ang K kung kapuri puri ang Gawain at HK kung hindi kapuri puri ang Gawain. ______ 1. Ipakitang ikaw ay marunong sumunod sa mga batas na ipinatutupad ng barangay sa pamamagitan ng tamang pagtatapon ng basura. ______ 2. Wag sundin ang mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay. ______ 3. Iwasan ang magtatapon ng basura sa daan at kanal. ______ 4. Hayaang nagkakalat ang basura sa kapaligiran. ______ 5. Turuan ang mga kapatid at kaanak sa tamang pagtatapon ng basura. V. TAKDANG - ARALIN Bakit kailangan maipakita ang disiplina sa sarili sa pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay?

ARALIN 18 I. Layunin Naipapakita na may disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng pag-aalaga ng hayop sa tamang lugar

173

II. Paksang Aralin Pagpapakita na may disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng pag-aalaga ng hayop sa tamang lugar Pagpapahalaga: Disiplina sa sarili sa tamang pag-aalaga ng hayop PELC bilang:1 Sanggunian: Ulirang Mag-aaral Kagamitan: Larawan ng batang nag-aalaga ng hayop III.Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1.Panalangin 2.Pagwawasto ng takdang aralin 3.Balik Aral Bakit kailangan maipakita ang disiplina sa sarili sa pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng wastong pagtatapon ng basura? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Naranasan niyo na ba mag-alaga ng ibat ibang uri ng hayop? Paano niyo ito inaalagaan? Saan ninyo inilalagay ang inyong mga hayop? Ang aralin natin ngayon ay tungkol kung paano natin maipapakita ang disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng pag-aalaga ng hayop sa tamang lugar. 2.Paglalahad Pagbasa ng mag-aaral ng maikling kwento tungkol sa aralin. Pag-aalaga ng Hayop sa Tamang Lugar Parang may mga alaga rin kayong hayop sa bakuran, wika ni Gary. Oo, Naghihintay na silang mabigyan ng pagkain. Marahil gutom na sila, sagot ni Donita. Hindi ko sila nakikitang pagala-gala sa inyong bakuran, Patakang tanong ni Gary. Hindi nga, dahil iginawa sila ng Itay ko ng kulungang
174

Maayos. Mayroon silang masisilungan, makakainan, at may Mapagtatapunan ng kanilang dumi, pagpapaliwanag ni Donita. 3.Pagtatalakay a. Ano ang naririnig ni Gary sa bakuran nina Donita? b. Paanong inaalagaan nina Donita ang kanilang mga manok? c. Ilarawan mo nga ang kulungan ng mga manok nina Donita. d. Ano ang mangyayari sa inyong lugar kung pagala gala ang mga hayop inyong inaalagaan? e. Ano sa tingin niyo ang gagawin ng mga kinauukulan ng barangay kapag may ganitong sitwasyon? f. Paano niyo ipapakita ang disiplina sa sarili sa pag-aalga ng hayop? C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Mag-alaga ng hayop sa tamang lugar. 2. Paglalapat Nagawa na niyo rin ba ang tulad sa pag-aalaga ng hayop nila Donita? Isalaysay ang iyong karanasan IV.Pagtataya Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan. 1. Bkit hindi dapat nakikitang pagala gala ang inyong mga alagang hayop? 2. Paano ninyo ipapakita ang disiplina sa sarili sa pagsunod sa mga batas pambarangay tulad ng pag-aalaga ng hayop? 3. Paanong nakatutulong ang tamang paraan ng pag-aalaga ng hayop sa kalinisan at kaayusan ng kapaligiran? 4. Ano ang maidudulot nito sa atin kapag hindi tama ang pag-aalaga ng ating hayop? 5. Ano ang dapat gawin upang makatulong sa ating barangay sa pagpapatupad ng ganitong uri ng batas? V. Takdang Aralin Gumupit o gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng disiplina sa sarili sa pag-aalaga ng hayop.

ARALIN 19 I. Layunin Naipapakita na may disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng pagsunod sa mga babala, paunawa at tanda
175

II. Paksang Aralin Pagpapakita na may disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng pagsunod sa mga babala, paunawa at tanda Pagpapahalaga: Disiplina sa sarili sa pagsunod sa mga babala, paunawa at tanda PELC bilang: 1 Sanggunian: Ulirang Mag-aaral Kagamitan: Larawang halimbawa ng mga babala, paunawa at tanda III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Balik aral Bkit kailangan maipakita ang disiplina sa sarili sa pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng pag-aalaga ng hayop sa tamang lugar? B.Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Mga bata, sa araw araw ba ninyong paglalakad papunta dito sa paaralan o di kaya sa iba pang mga lugar kayo ba ay may napapansin na mga nakapaskel sa ating kapaligiran? Ano ano ang mga nakapaskel ang mga nakita ninyo? Ngayon ang pag-aaralan natin ay tungkol sa disiplina sa sarili sa pagsunod sa mga batas pambarangay tulad ng pagsunod sa mga babala, paunawa at tanda.

2. Paglalahad Pagbasa ng guro sa isang pahayag. MGA BABALA: ATING SUNDIN


176

Mahalagang malaman at makilala ang mga pook na pag-aari ng mga tao o publiko upang maiwasan ang pakikipag-away o kaparusahang tulad ng pagmumulta at pagkapiit. Sa mga pook/ lugar na pag-aari ng mga tao o publiko, karaniwan nang may mga babalang nakapaskel. Ito ay nagsasaad ng mga bagay na bawal gawin sa mga lugar na nabanggit. Ang mga tahanan, tanggapan at lugar na pribadong pag-aari ang tao ay may mga babala na makikitang tulad ng mga sumusunod.

NO TRESPASSING

DONT BLOCK THE DRIVEWAY

BAWAL MAGTAPON NG BASURA NO ENTRY

Sa mga lugar na pampubliko naman ay ang ospital , bahay pamahalaan, simbahan, paaralan, palengke, parke at iba pa. Marami ring babala na nakasulat sa Ingles o Tagalog sa mga lugar na madaling makita ang mga ito lalo na sa mga kalsadang pampubliko, tulad ng mga sumusunod. PRIVATE PROPERTY OBSERVE SILENCE DONT PICK FLOWERS

BAWAL MAGBABA AT MAGSAKAY ONE WAY

BAWAL MAGPARADA

177

NO LITERING DONT ENTER

DONT BLOW YOUR HORN

BAWAL UMIHI DITO

Ang mga sinundang babala ay nagpapakita ng mga pagbabawal o mga bagay na dapat iwasang gawin bilang paggalang sa mga pribado o pampublikong pag-aari. 3. Pagtatalakay a. Ano ba itong tinatawag na babala, paunawa at tanda? b. Saan saan natin ito makikita? c. Bakit kaya sila naglalagay ng ganitong pananda? d. Ano naman ang mangyayari kung hindi susundin natin ang mga babalang ito? e. Ano naman ang mangyayari kung susundin natin ang mga babalang ito? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Kilalanin at igalang ang mga pook/lugar na pag-aari ng ibang tao/publiko. Sundin ang mga tahasang babala upang maiwasan ang kaukulang parusa. 2. Paglalapat Bumuo ng limang pangkat. Gumawa ng mga babala, paunwa at tanda na madalas ninyong nakikita sa pampublikong lugar. IV. Pagtataya Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod na pahayag. 1. Hindi dapat pansinin ang mga babalang nakapaskel sa mga pribado/publikong lugar. 2. May kaukulang parusa ang pagpasok na walang pahintulot sa mga pribadong lugar na pag-aari ng tao/publiko.
178

3. Dapat igalang ang mga pribado/publikong lugar upang maiwasan ang pagmumulta. 4. Ang mga tahasang babala ay nagsasabi kung ano ang mga ipinagbabawal gawin. 5. Walang dapat piliin ang batas sa pagpaparusa kung sino ang lalabag sa mga babala. V.Takdang Aralin Gumupit ng mga larawan sa mga magasin na may mga babala. Gumawa ng ilan pang babala upang mapag-ingatan ang pribado/pampublikong pag-aari. Gumawa ng sariling babala upang mapag-ingatan ang mga pag-aari sa loob ng sariling bakuran. ARALIN 20 I. Layunin Naipapakita na may disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng pagsunod sa tuntunin ng trapiko II. Paksang Aralin Pagpapakita na may disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng pagsunod sa mga tuntunin ng trapiko. Pagpapahalaga: Disiplina sa sarili sa pagsunod sa mga tuntunin ng trapiko PELC bilang: 1 Sanggunian: Ulirang Mag-aaral Kagamitan: Larawan ng mga tuntunin ng trapiko III. PAMAMARAAN A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Balik aral Bakit kailangan maipakita ang disiplina sa sarili sa pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng pagsunod sa mga babala, paunawa at tanda?

179

B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Kayo ba ay madalas pumunta sa mga lungsod? Ano madalas ninyong nakikita? May napapansin ba kayong mga guhit sa kalsada na inyong dinaraanan? Ngayon pag-aaralan natin kung paano natin maipapakita ang ating disiplina sa sarili sa pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng pagsunod sa mga tuntunin ng trapiko.

2. Paglalahad Pagbasa ng isang mag-aaral sa maikling kwento. Pagsunod sa mga Tuntunin ng Trapiko Ano ba itong mga guhit guhit sa sentro ng dinaraanan ng tao? ang tanong ni Temyong sa kanyang kaklase. Iyan ang tinatawag na pedestrian lane kung saan lamang daraan ang mga tao sa pagtawaid, ang sagot ni Pilo. Eh, ano naman yaong mga ilaw sa itaas ng poste may pula, may berde, at may kulay dalandan? patuloy na pagtatanong ni Temyong. Iyan ang mga senyas na susundin ng mga sasakyan at mga taong tumatawid sa daan, paliwanag ni Pilo. Kapag nakasindi ang kulay berde, ang ibig sabihin ay makatutuloy ang mga sasakyan. Kapag pula naman ang nakasindi ay hihinto ang mga sasakyan at tatawid ang mga tao. Kapag orange naman ay babala na upang huminto na ang nagpapatuloy sa pagtakbo at babala sa nakahinto na makapagpapatuloy na sila. Sa mga taong tumatawid naman ay taliwas sa mga sasakyan. Kapag nakahinto na ang mga sasakyan, doon naman makatatawid ang mga tao. Kapag tumatakbo naman ang mga sasakyan noon naman hindi maaring tumawid ang mga tao, patuloy ni Pilo. Ganoon pala, wika ni Temyong. Bakit mo alam lahat ito, Pilo? Dahil ang Tatay ko ay pulis trapiko, biglang sagot ni Pilo at nagkatawanan ang dalawa.
180

3. Pagtatalakay a.Saan naroroon ang magkaklaseng sina Temyong at Pilo? b. Ano ang napansin ni Temyong sa daan bago sila tumawid? c. Ano pa ang napansin niya sa poste sa gilid ng daan? d. Nasagot bang lahat ito ni Pilo? Bakit? e. Mahalaga bang malaman at sundin ang mga babala at senyas-trapiko? Bakit? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahad Sundin ang mga tuntunin ng trapiko upang malayo sa kapahamakan. 2. Paglalapat Naranasan ninyo na ba ang tulad sa ating kwento? Isadula ang iyong karanasan. IV. Pagtataya Panuto: Itapat ang kulay sa kahulugan nito. Isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot. ______ 1. Pula a. Tuluy tuloy ang takbo ng sasakyan ______ 2. Berde b. Babala para huminto o tumakbo ang sasakyan V.Takdang Aralin Gumuhit ng isang larawan tungkol sa maingat na pagtawid sa daan.

181

ARALIN 21 I. Layunin Naipapakita na may disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad wastong paggamit ng aklatan, museo at reading center II. Paksang Aralin Pagpapakita na may disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng wastong paggamit ng aklatan, museo at reading center. Pagpapahalaga: Disiplina sa sarili sa paggamit ng aklatan, museo at reading center PELC bilang: 1 Sanggunian: Ulirang Mag-aaral Kagamitan: Larawan ng tamang paggamit ng barangay hall, aklatan, at mga sentro III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Balik aral
182

Bakit kailangan maipakita ang disiplina sa sarili sa pamamagitan ng pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambaranggay tulad ng pagsunod sa mga tuntunin ng trapiko? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak 2. Paglalahad Pagbasa ng guro sa isang paksa. Wastong Paggamit Sa Aklatan, Museo At Reading Center Isang malaking kapalaran ang magkaroon ng aklatan, museo, at reading center sa ating lugar. Sa totoo lang ay kahit isa lamang dito ang mayroon sa pamayanan ay kapalaran na rin. Ano ba ang mga ito? Itoy mga pook na inihanda para sa publiko. May ibat ibang aklat sa aklatan na maaring basahin. May mahalagang bagay na nangyari ng nagdaang panahon at ngayon ay maaring Makita ng mga tao sa museo. May mga reading center din kung saan makababasa ang mga tao ng ibat ibang mahahalagang bagay at pangyayari sa kasalukuyan at nakaraan. Ang layunin ng lahat ng mga ito ay ipaalam sa atin ang katotohanan at impormasyon sa mga bagay bagay. Ang sabi nga ay ang katotohanan ang magpapalaya sa atin. 3. Pagtatalakay Kung maroon tayong mahahalagang pook na ito, ano ang nararapat nating gawin upang mapanatili natin itong maayos? Narito ang ilang bagay na maari nating gawin. a. Gamitin natin nang maayos ang mga babasahin. Ilagay muli kung saan nakuha ang babasahin. Magagamit din ito nang maayos ng iba. b. Huwag natin kukunin ang anumang bahaging nagustuhan natin. Maaari nating sipiin ang mga ito. c. Huwag pupunitin, susulatan o titiklupin ang mga sulok nang binabasa. d. Tingnan lamang at huwag hipuin ang mga nakalagay sa museo. e. Kung may nagugustuhan sa mga bagay na nakikita, huwag na huwag kukunin ang mga ito. f. Babasa lamang sa reading center. Hindi ito tagpuan o lugar ng bisitahan. Panatilihing tahimik ang lugar. C.Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ipakita ang disiplina sa sarili sa pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay tulad ng ugaliin ang pag-aaral sa aklatan, museo at reading center. Pangalagaan ang mga babasahin dito.
183

2. Paglalapat Bumuo ng limang grupo at magbigay ang bawat grupo ng kuro kuro tungkol sa ating aralin. IV. Pagtataya Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Ang aklatan ay kakikitaan ng maraming a. tao b. aklat c. upuan 2. Ang museo ay kakikitaan ng mga _______ a. bagay bagay b. mga patay c. mga tanawin 3. Ang reading center ay isang lugar kung saan nagkakatipon ang mga tao upang ________. a. kumain b. maglaro c. bumasa 4. Papanatilihin nating maayos ang _________ ng mga pook na ito. a. pagdala b. paggamit c.pagpunta V. Takdang Aralin Gumuhit ng isa sa tatlong gagawin ninyo sa mga lugar na ito. 1. Namimili ng maaring basahin sa aklatan. 2. Nanonood ng mga nakalagay sa museo. 3. Matahimik na nagbabasa sa reading center.

184

ARALIN 22 I. Layunin Nakapagbibigay ng matalinong pagpapasya para sa kaligtasan sa pagsunod sa curfew hours II. Paksang Aralin Niibibigay ang matalinong pagpapasya para sa kaligtasan sa pagsunod sa curfew hours. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin sa pagsunod ng curfew hours PELC biang: 1.1 Sanggunian: uliran pp.100-101 Kagamitan: Larawan ng mga barangay tanod at mga batang nagtatakbuhan III.Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Balik aral Bakit kailangan natin magkaroon ng disiplina sa sarili sa pagsunod sa mga batas na ipinatutupad ng pamahalaang pambarangay? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sino dito sa inyo ang mahilig lumabas pag-gabi na? Hanggang anong oras kayo nananatili sa labas? Naranasan niyo na ba na makitang may nanghuhuli sa mga bata sa gabi?
185

Ngayon pag-aaralan natin ang pagsunod sa curfew hours. 2. Paglalahad Pagbasa ng mga mag-aaral ng maikling kwento tungkol sa aralin. Curfew Bakasyon noon. Nagpunta sa Maynila ang pamilya ni Miquel para magbakasyon. Kinahapunan niyaya si Miquel na mamasyal kasama ang mga pinsan sa malalaking mall. Pagod na pagod ang magpipinsan ng umuwi sa bahay ng kanilang lolo. Mayamaya, nakarinig sila ng sirena at may nagsalita sa mikropono. Magandang gabi mga magulang, lahat ng bata edad 18 pababa ay dapat nasa mga bahay na. Ikasiyam nap o ng gabi. Bawal nap o silang gumala sa kalye. Salamat po, sigaw ng kapitan ng barangay. Naku, bakit may sirena? tanong ni Miquel. Naku! Dito kasi sa Maynila Miquel ay may pinaiiral na batas yong tinatawag na curfew hour sa mga kabataan. Pagtuntong ng ika-9 ng gabi bawal na magpagala gala ang mga batang edad 18 pababa upang makaiwas sa gulo o sakuna sa kalye, paliwanag ng pinsan ni Miquel. Hindi lang yan, magalang din silang sumusunod sa mga namumuno na nagpapairal ng mga batas para sa kaligtasan at kapayapaan ng kapaligiran, dagdag ng pinsan ni Miquel. 3. Pagtatalakay a. Saan nagpunta sina Miquel? Bakit? b. Ano ang narinig ni Miquel pag-uwi nila? c. Dapat bang sundin ang batas na ito? Bakit? d. Sa inyo ba ay pinaiiral ang batas na ito? Sumusunod din ba kayo? e. Anu ano pa ang mga batas na pinaiiral sa inyo? f. Bakit kailangan niyo sundin ang mga batas na ito? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ibigay ang matalinong pagpapasya para sa kaligtasan sa pagsunod ng curfew hours. 2. Paglalapat Naranasan niyo ba bang mahuli sa curfew hours? Isalaysay ang karanasan IV. Pagtataya Panuto: Isulat ang G kung gagawin at HG kung hindi gagawin ang sumusunod na pangyayari. _____ 1. Umuwi agad upang hindi abutin ng curfew. _____ 2. Manatiling nasa labas ng bahay magdamag.
186

_____ 3. Sundin ang curfew hours para sa kaligtasan mo. _____ 4. Igalang ang mga nagpapatupad ng curfew hours. _____ 5. Yayain ang mga kaibigan na makipaghabulan sa nagpapatupad ng curfew hours. V. Takdang Aralin Sagutin ang tanong sa bawat kalagayan. 1. Narinig mo na nagpaalam ang kuya mo na edad 16 na mamamasyal at gagabihin sa pag-uwi. Ano ang sasabihin mo sa kuya mo? 2. Kakabahan ka ba at ginabi kayo ng uwi ng nanay mo? Bakit? 3.Magpapatugtog ka ba ng radio ng malakas at magkakantahan kahit gabi na at nakabubulahaw sa kapitbahay? Bakit? 4. Pinauwi ka ng barangay tanod kasi hatinggabi na ay nasa kalye ka pa. Susundin mo ba siya? Bakit? ARALIN 23 I. Layunin Nakapagbibigay ng matalinong pagpapasya para sa kaligtasan sa pagsunod sa itinakdang oras ng internet cafe II. Paksang Aralin Niibibigay ang matalinong pagpapasya para sa kaligtasan sa pagsunod sa Itinakdang oras ng internet caf. Pagpapahalaga: Pagkamasunurin sa pagsunod ng itinakdang oras sa internet cafe PELC biang: 1.1 Sanggunian: Magandang Asal pp. 89-90 Kagamitan: Larawan ng mga batang naglalaro sa loob ng internet cafe III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Balik aral Bakit kailangan natin sundin ang nagpapatupad ng no smoking? B. Panlinang na Gawain 1. Pagganyak Sino dito ang madalas maglaro sa internet caf? Bakit gusto niyo maglaro sa isang internet caf? 2. Paglalahad Pagbasa ng isang sitwasyon.

187

Sa oras ng klase ang mga mag-aaral ay nasa loob ng paaralan at nag-aaral ng leksyon subalit si Mico ay lumiban sa klase pumunta siya sa internet caf, maghapon niyang ginugul ang kanyang panahon sa pag- computer. Sinabihan siya ng tagapamahala sa internet caf na bawal pumasok ang studyante sa caf sa oras ng klase ngunit hindi pa rin siya sumunod. Pagdating sa bahay sumakit ng matindi ang kanyang ulo dahil hindi siya kumain buong maghapon. Pinakain siya ng kanyang nanay subalit sinuka lamang niya ito. Natakot ang nanay kaya inihatid niya ito sa hospital. Nagkasakit siya kaya nanatili siya ng isang buong araw sa hospital. 3. Pagtatalakay a. Sino ang lumiban sa klase? b. Bakit siya lumiban sa klase? c. Ano ang nangyari sa kanya pagdating ng bahay? d. Ano ang dapat natin iwasan para hindi tayo magkasakit? e. Bakit kailangan natin sumunod sa itinakdang oras ng internet caf? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ipakita na kayo ay marunong sumunod sa itinakdang oras sa internet caf. 2. Paglalapat Magsalaysay sa maari pang mangyari sa hindi pagsunod sa itinakdang oras sa internet caf. IV. Pagtataya Panuto: Basahin ang maikling kalagayan at sagutin ang tanong. Sa paaralan niyaya ka ng mga matalik mong mga kaklase na lumiban sa klase at maglaro na lamang sa internet caf. Gustong gusto mo rin maglaro ngunit naalala mo ang nangyari kay Mico. Ano ang iyong gagawin? V. Takdang Aralin Isulat sa kalahating piraso ng papel ang iyong pangakong hindi na liliban sa klase at sumunod sa oras na itinakda ng internet caf.

188

ARALIN 24 I. Layunin Nakapagbibigay ng matalinong pagpapasya para sa kaligtasan sa pagsunod sa hindi paggamit ng ipinagbabawal na gamot II. Paksang Aralin Niibibigay ang matalinong pagpapasya para sa kaligtasan sa pagsunod sa hindi paggamit ng ipinagababawal na gamot. Pagpapahalaga: Nakapagpapasya sa hindi paggamit sa ipinagbabawal na gamot PELC biang: 1.1 Sanggunian: Kagamitan: Larawan ng isang batang hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot at isang larawan ng batang gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Balik aral Bakit kailangan natin sumunod sa itinakdang oras sa internet caf? B.Panlinang na Gawain 1. Pagganyak 2. Paglalahad Kwento: Magkaibigan

189

Sina James at Joshua ay magkaibigan. Si James ay nangunguna sa klase samantala si Joshua ay madalas lumiban sa klase. Mataas ang mga marka ang nakukuha ni James sa mga pagsusulit. Si Joshua naman ay palaging sero sa klase. Dinalaw ng guro ang dalawang magkaibigan sa kani kanilang tahanan. Nalaman niyang si James ay laging nag-aaral sa bahay. Natuklasan naman ng guro sa si Joshua ay nalulung sa ipinagbabawal na gamot. 3. Pagtatalakay a. Tungkol saan ang kwento? b. Sino sino ang magkaibigan? c. Ano ano ang mga ginawa ni James? d. Ano naman ang ginawa no Joshua? e. Ano-ano ang naging bunga ng pag-aaral ng mabuti ni James? f. Ano naman ang naging resulta sa hindi pag-aaral ni Joshua sa kanyang mga aralin? g. Ano ang dapat natin iwasan upang hindi maapektuhan ang ating pag-aaral? Magkaibigan

James

Joshua

Laging pumapasok sa paaralan.

Laging lumiliban sa klase.

190

Gumamit ng ipinagbabawal na gamot.

Laging nag-aaral ng mga aralin.

Ano ang dapat natin iwasan upang hindi maapektuhan ang ating pag-aaral?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ugaliing hindi gumamit ng ipinagbabawal na gamot. 2.Paglalapat Magtala sa maari pang mangyari kung ipagpapatuloy ang paggamit ng ipinababawal na gamot. IV. Pagtataya Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit ang resulta ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot. V. Takdang Aralin Humandang isadula ang pangyayari sa kwento ARALIN 25 I. Layunin Nakasusunod sa mga batas/ordinansa ng barangay - pag-iwas sa pag-ihi/pagdura sa pampublikong lugar II. Paksang Aralin Pagsunod sa mga Batas/Ordinansa ng Barangay Pagpapahalaga: Paggalang sa karapatang pantao PELC. 2
191

Sanggunian: Ulirang Mag-aaral: MakaDiyos, Makabayan 3 pah. 53 Kagamitan: larawan ng mga batang sumusunod sa mga tuntunin sa barangay III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Balik-aral Dapat bang sumunod sa curfew hours na ipinatutupad sa inyong barangay? B. Panlinang ng Gawain 1. Pagganyak Saan kayo pumupunta kapag kayo ay naiihi? 2. Paglalahad Pakikinig ng mga mag-aaral sa isang sitwasyon Binabasa nina Chol at Mercy ang tuntunin na nakapaskil sa pader. Naalala nila ang maraming taong kuing minsan ay umiihi sa pader gayon din ang mga taong dumudura doon at ditto. Bawal pala ang mga iyon! Bakit kaya ginagawa pa ng maraming tao? ang pagtatakang sinasabi ni Chol kay Mercy. Pagdating nila sa paaral ay iyon ang itinuturo ng guro. Wika niya, Hindi magandang ugali ang pagdura at pag-ihi sa pampublikong lugar. Bukod sa hindi pa magandang tingna ay makapagbibigay sakit pa sa tao ang nagkalat na dura at ihi.

3. Pagtalakay a.Anu-ano ang ipinagbabawal sa nakapaskil? b.Makabubuti ba sa tao ang pagsunod dito?

192

c. Paano naaakma ang mga tuntuning ito sa paksa ng aralin nila sa klase noong araw na yaon? d. Ano ang mangyayari kung lalabagin ng tao ang mga babalang ito? C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Umiwas sa pag-ihi o pagdura sa pampublikong lugar. 2. Paglalapat Pangkatin ang mga bata sa apat. Gumawa ng poster sa pagbabawal ng pag-ihi at pagdura sa pampublikong lugar. IV. Pagtataya Isulat kung Tama o Mali 1. Imihi sa tamang lugar. 2. Dumura sa gitna ng kalsada. 3. Pumunta sa tamang palikuran kung naiihI 4. Sumunod sa mga tuntunin sa pampublikong lugar. 5. Ang pagdura sa tamang lugar ay magandang ugali. V. Takdang Aralin Gumawa ng jingle o awit tungkol sa pag-iwas sa pag-ihi/pagdura sa pampublikong lugar. ARALIN 26 I. Layunin Nakasusunod sa mga batas/ordinansa ng barangay -di pagtatapon ng basura kahit saang lugar II. Paksang Aralin Pagsunod sa mga Batas/Ordinansa ng Barangay -Di Pagtatapon ng Basura Kahit Saang Lugar
193

Pagpapahalaga: Paggalang sa karapatang pantao PELC. 2 Sanggunian: Ulirang Mag-aaral: MakaDiyos, Makabayan 3 pah. 5 Kagamitan: larawan ng mga batang nagtatapon sa tamang basurahan III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain 1. Panalangin 2. Pagwawasto ng takdang aralin 3. Balik-aral Bakit dapat iwasan ang pag-ihi/pagdura sa pampublikong lugar? B. Panlinang ng Gawain 1. Pagganyak Saan ninyo itinatapon ang inyong basura? 2. Paglalahad Pakikinig ng mga mag-aaral sa isang sitwasyon Ang sipag-sipag mo naman, Gary, papuring bati ni Donita. Nakita ko mula sa aming bintana ang ginagawa mo sa mga basura ninyo. Ah iyon ba? tila nahihiyang sagot ni Gary. Ginawa ko iyon upang maiwasan ko ang pagtatapon ng basura sa daan o sa kanal. Alam na natin kung ano ang mangyayari kung hindi ko iyon gagawin. Tama! Ganyang-ganyan ang sabi ng ating guro. Mabubulok ang basura at lalangawin pa, paliwanag ni Donita.

3. Pagtalakay a. Sino ang nagmamasaid kay Gary habang inaayos niya ang kanilang basura? b. Kapuripuri bang talaga ang ginawa ni Gary?
194

c. Ano ang nasabi ni Donita sa kanyang ginawa? d. Dapat bang tularan si Gary? Bakit?

C. Pangwakas na Gawain 1. Paglalahat Ugaliing magtapon ng basura sa tamang tapunan 2. Paglalapat Pangkatin ang mga bata sa apat. Magsadula ng pagtatapon ng basura. IV. Pagtataya Lagyan ng tsek(/) kung dapat gawin at ekis (x) kung hindi. 1. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa ilog. 2. Ikalat ang mga basura sa kalsada. 3. Lagyan ng takip ang basura upang hindi langawin. 4. Itapon ang basura sa kabilang pader. 5. Ibaon ang mga nabubulok na basura. tamang

V. Takdang Aralin Magsaliksik tungkol sa compost pit. Ilahad ito sa klase.

195

196

197

Vous aimerez peut-être aussi