Vous êtes sur la page 1sur 9

ARALING PANLIPUNAN I UNANG MARKAHAN Nakapaglalarawan ng mga katangiang pisikal ng bansa Pagpapakita ng mga larawan ng tourist spots sa Pilipinas.

. Itala ito at gumawa ng buod ng talakayan na may kaugnayan sa katangiang pisikal ng bansa. (WOW PHILIPPINES-Pagtuklas) Paglalarawan ng Pilipinas gamit ang Mapa at Globo (Map Drill-Paglilinang) Punan ang tsart sa mga katangiang pisikal ng bansa (Concept Map-Pagpapalalim)
Topograpiya Lokasyon PILIPINAS Klima Hugis ? ? ? ?

Pagbibigay ng summative test sa mga mag-aaral (Paglalapat) Nakapagbabalangkas ng wastong gamit at pangangalaga ng mga yamang likas ng bansa Hatiin ng dalawang pangkat ang klase. Ang unang pangkat ay siyang magtatala ng sanhi ng pagkasira nang kalikasan at sa pangalawang pangkat ay epekto naman.Isulat sa puting papel at idikit sa pisara. (Graffiti Wall-Pagtuklas) Hatiin ang klase sa (4) apat na pangkat. Bawat pangkat ay kukuha ng mga larawan ng yamang nakatalaga sa kanila. Ipapakita ito sa klase at ibibigay ang kanilang kahalagahan (Picture Analysis- Paglilinang) Punan ang tsart sa mga paraang maaring makatulong upang pangalagaan ang yamang likas ng bansa at mga batas sa pangangalaga nito (RA 9003, RA 8479, RA 9275) (Data Retrieval Chart-Pagpapalalim) Maghanap ang bawat mag-aaral ng kapareha at gumawa ng POSTER-SLOGAN na may temang Pag-iingat sa likas yaman, pagmamahal ko sa Inang Bayan

Nakapagsusuri ng naging ugnayan ng tao at heograpiya sa pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino Paggawa ng sanaysay ukol sa lugar na kanilang pinanggalingan o lugar ng kanilang kapanganakan at ang pinagkukunan ng kanilang ikinabubuhay (Sanaysay-Pagtuklas) Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Itala ang epekto ng heograpiya sa tao. Pagkatapos mamili ng lider, ang napili ay siyang pupunta sa harap at mag-uulat. (Paglilinang) Pagpapanood ng pelikulang MURO AMI. Matapos ito, inaasahan sa bawat magaaral ang pagsumite ng kani-kaniyang PAGSUSURING PAMPELIKULA (Film Review-Pagpapalalim) Pagsasagawa ng case study. Ang mga mag-aaral ay inaasahang magbibigay ng kani-kanilang reaksyon sa nabasang case. (Paglalapat) Naipagmamalaki ang pagkakaroon ng sariling kultura Paggawa ng petal web. Ang klase ay mahahati sa apat. Bawat grupo ay may kanikaniyang bulaklak at ang talulot nito ay lalagyan ng mga salitang naglalarawan ng kulturang Pilipino. At ipapakita sa klase ang nabuong bulaklak. At ang panghuling katanungan ay Bakit naihahalintulad ang Kulturang Pilipino sa isang bulaklak? Bawat mag-aaral ay magbibigay ng kanilang kasagutan. (Petal Web-Pagtuklas) Maghanap ng pares ng bawat mag-aaral. Ibigay ang katanungang MAY SARILING KULTURA NA BA ANG MGA PILIPINO BAGO PA MAN DUMATING ANG MANANAKOP SA BANSA?. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na makapagisip at pag-usupan ng kani-kanilang kapareha ang nasabing isyu. Matapos ang sapat na panahon, ang napag-usapan ng magkapareha ay iuulat na sa buong klase. (Think Pair Shares-Paglilinang) Pagpapakita ng mga larawang sumisimbolo sa kulturang Pilipino at inaasahan sa mga mag-aaral na makakapagbigay ng paraang maipagmalaki ito. (Pagpapalalim) Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Gamit ang mga kasalukuyang naririnig na kanta o mga kilalang awitin, ang bawat grupo ay maglalapat ng titik (jingle) sa nasabing kanta at ipaparinig sa klase. (Paglalapat) Naipapaliwanag ang kahalagahang pangkasaysayan ng pagbuo at pag-unlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino Pagtatala ng mga salitang may kaugnayan sa pag-aaral ng kasaysayan. Bawat mag-aaral ay inaasahang makapagbibigay ng sariling kasagutan. (Fact-Storming Web-Pagtuklas)

Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Magbigay ng mga nakalipas na pangyayari sa bansa o dili kayay personal na pangyayaring malapit sa puso nila. Gamit ang tsart, ihanay kung ito ay positibong pangyayari o negatibo, sanhi at bunga. (Data Retrieval Chart) Pangyayari Sanhi Bunga Positibo/Negatibo

Gamit ang mga datos na nakuha sa naunang Gawain, ang guro ay magtatanong kung bakit mahalaga ang pag-aaral ng kasaysayan? Bawat pangkat ay inaasahang magbibigay ng kanilang kasagutan at pangangatwiran gamit din ang datos na nagawa nila sa Paglilinang. (Malayang Talakayan- Pagpapalalim) Pagbibigay ng summative test (Paglalapat)

IKALAWANG MARKAHAN a. Kolonisasyon at Kristiyanismo Nasusuri ang mga motibasyon at istratehiya sa pananakop ng mga Espanyol Maisasadula ng piling mag-aaral ang makasaysayang labanan sa Mactan sa pagitan ni Lapu-lapu at Magellan. Pagbibigay ng reaksyon mula sa mga mag-aaral (Role Play-Pagtuklas) Paggamit ng concrete objects o larawan (espada at crucifix). Ang bawat magaaral ay makakapagbigay kahalagahan ng mga bagay na ito sa paraan ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas (Paglilinang) Paggawa ng sintesis ng bawat mag-aaral ukol sa nais iparating ng pambansang awit na Lupang Hinirang. Ang guro ay inaasahang magbibigay ng katanungang a) Ano ang nais ipahiwatig ng pambansang awit? b) Saang taludtod matatagpuan ang paglalarawan ng bansang Pilipinas kung bakit naakit ang Espanya na sakupin ito? (Pagpapalalim) Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Bawat pangkat ay inaasahang makakagawa ng tula ukol sa nais ng Espanya sa Pilipinas (Paglalapat)

Natataya ang mga patakaran ng mga Espanyol na nakaapekto at nagdulot ng transpormasyon sa pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino Hatiin sa limang pangkat ang klase. Ang bawat pangkat ay mabibigay ng sariling pang-unawa sa salitang patakaran. Ang konsepto ay maaaring gamitan ng smileys:
Positibong pangunawa Negatibong pangunawa

Ang bawat ibibigay na pang-unawa at may katumbas na smileys. Positibo o negatibo. Ang pangkat na may pinakamaraming positibong smileys ang siyang mananalo. Sila rin ay bibigyang pagkakataon na ipaliwanag ang basehan ng kanilang pang-unawa sa buong klase. (Concept Formation-Pagtuklas) Paglalahad ng ibat-ibang patakarang pinairal ng bansang Espanya sa Pilipinas gamit ang Concept Map (Paglilinang) Paghain sa klase ng dalawang babasahin na may magkasalungat na inihahayag ukol sa mga patakarang pinairal ng mga Espanyol sa bansa o ang paggamit ng PERSIA Model (Politics, Economic, Religious, Social, Intellectual and AreaGeographical - Pagpapalalim) Pagbibigay ng summative test.( Paglalapat)

Nakikilala ang katangian ng mga Pilipino na nag-alsa at lumaban sa mga mananakop Pagpapanood ng pelikulang RIZAL. Pagkatapos panoorin, maghahati ang klase sa (3) tatlong pangkat para sa isang small group discussion. Ang bawat pangkat pagkatapos ng discussion ay inaasahang magbibigay ng kani-kanilang Film Critic sa nasabing pelikula. (Film Critic-Pagtuklas) Paglalahad ng mga katangian ng Pilipinong nag-alsa at lumaban sa mga Espanyol sa pamamagitan ng Fact-storming web (Fact-storming web-Paglilinang) Ang klase ay mahahati sa tatlong pangkat. Sila ay iisip ng mga katangiang sumasalamin sa isang Pilipino. Matapos ilista sa papel, inaasahan sa bawat pangkat na ang lahat ng salitang inilista ay magagamit sa tula na susulatin nila na may titulong Pilipino, Pilipino, Pilipino ang Lahi Ko

Pagsulat ng sanaysay na may temang Lahing Pilipino, Ipinagmamalaki Ko (Paglalapat)

b. Pagsibol at Pag-unlad ng Nasyonalismong Pilipino Nasusuri ang mga pangyayari at salik sa pag-usbong at paglinang ng nasyonalismong Pilipino Panel discussion. Paglalapat ng mga mahahalagang tanong ukol sa paglinang at pagusbong ng nasyonalismong Pilipino (Panel Discussion- Pagtuklas) Pagpapakita ng larawan ni Bonifacio at Rizal. Paghambingin sila sa kanilang naging kontribusyon sa paglinang ng nasyonalismong Pilipino (Double exposurePaglilinang) Paglalahad ng mga pangyayaring nagbigay-daan sa pag-usbong at paglinang ng nasyonalismong Pilipino sa pamamagitan ng TIMELINE. (Pagpapalalim) Pagbibigay ng summative test. IKATLONG MARKAHAN Nakapaglalahad ng mga patakaran at batas na sumupil sa nasyonalismong Pilipino Pagdiskubre sa mga patakarang sumupil sa nasyonalismong Pilipino na maaaring iugnay sa paglabag ng karapatan ng Pilipino sa ngayon. Ang mga sagot ay isusulat sa pisara (Pagtuklas) Ang klase ay mahahati sa dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay magtatala ng mga patakaran at ang pangalawa ay batas na sumupil sa nasyonalismong Pilipino. Ang mga mag-aaral ay inaasahang makapagbibigay ng kani-kanilang pangangatwiran kung bakit nila itinuring na pagsupil ito sa nasyonalismong Pilipino (Graphic Organizer-Paglilinang) Paghahambing sa patakaran ng mga Amerikano at Espanyol sa pagsupil sa nasyonalismong Pilipino Pagbibigay ng summative test, pagkuha ng sipi sa anumang babasahin ukol sa paglabag ng karapatang Pilipino at pagbibigay ng reaksyon nito.

Napaghahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga patakaran at batas na may kinalaman sa pagsasarili ng mga Pilipino Pagpapakita ng ibat-ibang larawan ng personalidad na may kaugnayan sa pagsasarili ng Pilipinas mula sa mananakop. Hingian ang buong klase ng kanilang opinyon sa kanilang kontribusyon. (Picture Analysis- Pagtuklas) Paglalahad ng mga patakaran at batas na may kinalaman sa pagsasarili ng mga Pilipino. (Data Retrieval Chart-Paglilinang) Patakaran/ Batas Epekto sa Pagsasarili

Ang mga nagawang pagkilala sa mga batas at patakaran ay bibigyang kahulugan sa layunin nitong makapagsarili. Ang mga mag-aaral ay mahahati sa dami ng maitatalang patakaran at batas at sisikapin alamin kung bakit hindi ito naging matagumpay o matagumpay sa nasabing layunin. Ang lider o lahat ng miyembro ay mag-uulat sa klase.(Brainstorming-Pagpapalalim) Pagpili sa batas o patakarang naaangkop sa layunin nitong makapagsarili base sa sariling pananaw. Inaasahan na lahat ng mag-aaral ay makapagbibigay ng kanikaniyang pananaw at pangangatwiran. (Paglalapat)

Nakapaghahambing ng mga patakarang ipinatupad sa panahon ng mga Hapones at mga Amerikano at ang magkaibang tugon ng mga Pilipino sa pananakop na ito. Pagpapanood ng Pearl Harbor. Ang mga mag-aaral ay magsusumite ng kanilang pagsusuring pampelikula. (Film Review- Pagtuklas) Mailalahad ang mga patakarang pinairal ng mga Hapones at pagtatala ito sa pisara. (Concept Organizer-Paglilinang) Pagtutulad at paghahambing sa mga patakarang ipinatupad ng Hapon at Amerikano at mga tugon ng Pilipino (Venn Diagram) Pagkilala sa mga patakaran ng bawat mananakop. Ito ay isasagawa sa pamamagitan ng summative test.

IKAAPAT NA MARKAHAN Nakapagsusuri ng mga pangunahing simulain at pundasyong demokratikong umiiral sa bansa Pakikinig sa kantang MAGKAISA. Lahat ng mag-aaral ay magbibigay ng kanilang saloobin sa mensahe ng kanta. (Malayang Talakayan-Pagtuklas) Bawat mag-aaral ay inaasahang makapagbibigay ng salitang maiuugnay sa salitang demokrasya (Panel Discussion-Paglilinang) Ang klase ay mahahati sa apat. Bawat pangkat ay maglalarawan ng uri ng pamahalaan at kung paano umiiral ito. (Data Retrieval Chart-Pagpapalalim) Paggawa ng checklist. Ang bawat mag-aaral ay maglalatag ng elemento/ paglalarawan ng pamahalaan nagpapairal ng demokratikong pamamahala. At ang nagawang checklist ay siyang pamantayan sa pagsuri sa pamahalaan ng Pilipinas. (Paglalapat)

Nakapagpapaliwanag ng istruktura at pamamalakad ng pamahalaan sa Pilipinas Pagsipi sa pahayagan sa mga isyung may kinalaman ng pamamalakad sa bansa. Iuulat ng mag-aaral ang kanilang nakuha. (Pagtuklas) Pangkatin ang klase sa dalawa. Ang unang pangkat ay magbabalangkas ng istruktura ng pamahalaan at ang pangalawa naman ay pagbabalangkas ng pamamalakad sa bansa. Matapos ito, ang mga nagawa ay iuulat sa buong klase.(Paglilinang) Bawat mag-aaral ay tutulong sa pagkumpleto ng diagram sa paraan kung paano pinapatakbo ang pamahalaan. (Pagpapalalim)

Pagbibigay ng summative test. (Paglalapat) Nakapaglalarawan ng pakikibahagi ng mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga pambansang patakaran ng bansa Pagsasagawa ng mock voting. At pagkuha ng reaksyon sa mga nakibahagi nito. Ang tanong ng guro ay maaaring, ano ang nasa isip ninyo habang isinasagawa ang gawain. (Pagtuklas) Paglalarawan ng pakikibahagi ng mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga patakaran ng bansa (Malayang Talakayan-Paglilinang) Paghahati sa klase ng dalawang pangkat. Bawat pangkat ay maghahambing sa layunin at proseso ng mga pakikilahok ng mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga patakaran sa bansa. Ang nagawang output ay iuulat sa klase. (Venn Diagram-Pagpapalalim)

Pagsasagawa ng debate. Hatiin ang klase ng dalawang pangkat. Ang unang pangkat ay sang-ayon sa pagbabago ng pamahalaan at ang pangalawa ay hindi. Matapos maisagawa ang debate, ang guro ay magtatanong kung anong uri ng pakikilahok ang angkop sa pagbabago ng pamahalaan. Pagbibigay ng summative test. (Paglalapat)

Nakapagpapaliwanag sa pamamagitan ng isang talahanayan ng pagtutugma ng mga karapatan, tungkulin at pananagutan ng mamamayan Indibidwal na pag-uulat sa mga balitang may kinalaman sa karapatan, tungkulin at pananagutan ng mamamayan (Pagtuklas) Paghahanay sa karapatan, tungkulin at pananagutan ng mga mamamayan (Concept Map-Paglilinang) Paglalapat ng basehan ng karapatan sa Konstitusyon at pagsasagawa ng case study. Hal. Pagbitay kay Leo Echegaray, Plunder Case ni Pang. Estrada, Impeachment ni Chief Justice Corona. (Pagpapalalim) Pagbibigay ng summative test at reaksyon sa mga karagdagang kasong napagaralan

Inihanda:

GREG S. MINGUA SST-I

Vous aimerez peut-être aussi