Vous êtes sur la page 1sur 67

Unibersidad ng Pilipinas Los Baos Kolehiyong Ekolohiyang Pantao Departamentong Panlipunang Pagpapaunlad

Pag-aaral sa Pamayanan Barangay Calo Bay, Laguna Taong 2013

Aquino, Paolo Benzon, Louella Mempin, Ma. Clariza Sotto, Hazel Therese

Marso 2013

Talaan ng Nilalaman I. Panimula A. B. C. D. E. II. Layunin ng Pag-aaral Suliranin ng Pag-aaral Rasyonale Kahalagahan ng Pag-aaral Limitasyon ng Pag-aaral Pahina

Metodolohiya A. B. C. D. Lugar Kung Saan Naganap ang Pananaliksik Kagamitan sa Pananaliksik Pamamaran ng pagpili sa mga nakapanayam Kagamitan ng Pagsusuri sa mga Datos

III.

Paglalahad at Pagsusuri ng Datos A. Kasaysayan ng Barangay Calo B. Bio-pisikal na Katangian ng Barangay Calo C. Katangiang Sosyo-demograpiko a. Katangiang Demograpiko ng Nakapanayam b. Katangiang Demograpiko ng Kasambahay c. Migrasyon D. Katangiang Sosyo-kultural at Politikal a. Estado ng Pangkalusugan at Pangkalinisan b. Partisipasyon sa Komunidad c. Katangiang Pamumuno sa Barangay d. Mga Problema at Isyu sa Barangay e. Pagsasamahan sa Barangay f. Gampaning Pangkasarian E. Katangiang Ekonomiko F. Estadong Pang-Ekonomiyang Barangay G. Pagsasamahan sa Barangay H. Gampaning Pangkasarian Konklusyon Rekomendasyon para sa Komunidad Rekomendasyon upang lalo pang mapabuti ang pag-aaral

IV. V. VI.

I.Panimula A. LayuninsaPag-aaral

Angpangunahinnalayuninng Community Profiling Study (CPS) naito ay mabigyanngmaganda, matiwasay at mataasnakalidadngpamumuhayngmgamamamayan.

Angmgatiyaknalayunin ay angmgasumusunod:

1. Malamanangmgaproblema at pangangailanganng barangay. 2. Magingbasehanparasamgaipaplanongmgaprogramang barangay. 3. Makalikhangisangkomprehensibongsolusyonupangmatunanangmganatukoynaproblema pangagailanganng barangay; at 4. Malaman kung epektiboangmgaplanonanaisagawa. at

B. SulinarinngPag-aaral

Anglayuninngpagaaralnaito ekonomiko at

ay

maipakita

at

masuriangkasalukuyangkalagayangsosyoBarangay Calo, Bay, Laguna at

sosyo-demograpiyangmgamamamayanng barangay

lalo'thigitsakakayananngnasabing sakuna.

sapagtugonsamgaproblemangpangkalamidad

C.Rasyonale Ang pananaliksik patungkol sa pamayanan ay isang makabuluhang pagsisisyasat sapagkat sa pamamagitan nito nadadama o nauunawaan ang pangangailngan ng mga taong naninirahan rito. Ang kamalayang ibinabahagi nito sa bawat mambabasa ay hindi matatawaran sa kadahilanang isinisiwalat nito ang tunay na pulso ng mga mamamayan ng walang pag-iimbot o anuman pagtatakip sa mga kakulangan ng naturang Barangay. Higit pa rito, ang mga pag-aaral na ganito, lalot isinagawa ng mga mananaliksik na pantay ang pagtingin sa pangkalahatang populasyon, ay inaasahan ng mga mamamayan sa pamayanan na magsilbing tulay sa kanilang mga hinaing patungo sa mga opisyal na mas maunawaan ang mga nagaganap sa kanilang nasasakupan. Sa pagtahak ng mga sosyolohiyang pag-aaral para sa pamayanan ay inaasahang maging layunin ang pagbabago sa pamayanan tungo sa kanilang kaunlaran.

D. KahalagahanngPag-aaral

Angpagaaralsakomunidad

particular

nasaBararangayCalo barangay

ay at barangay. barangay

makakatulongsapagpapatibayngmgakasalukuyangprogramang pagpapatupadngmgabagongprograma at

proyektongkinakailanganng

Angpananaliksiksakalagayanngpamumuhayngmgamamamayanng kasamanaangkanilangmgasaloobinukoldito ay maganda

at

matibaynabatayansapaggawangmgaprogramaparasapagunladng barangay. Sapamamagitan din

ngpagaaralsakomunidadng magkakaroonngmalalimnapagsusurisakalagayanngpamumuhayngmgamamamayannito.

barangay

E. LimitasyonngPag-aaral

Sapag-aaralngmgakakulanganng barangay sapanahonna may sakuna at mgabantangkalamidad, ang barangay Calo at angmganasasakupangpuroknitoangamingnakapanayam. ay isasamga nagging

Angkakulanganngpartisipasyonngmgaresidentenanakapanayam

hadlangupanghindimasunodangitinakdangbilangngpagitanngmgabahaysabawatpuroknakinuhana nngpahayag. Isa din samga nagging balakidsapagaaralng barangay ay ang pa ibaibangpanahon at anghindipagkakatugmangiskedyulngbawatmiyembronggrupo.

II. Metodolohiya

III. Paglalahad at Pagsusuringmgadatos A. Kasaysayanng Barangay Calo

Ayonsamgakuwentongmgamatatanda

at

ngmgaunangtaosaCalo,

angpooknaito

ay

isangkagubatan, kugunan, madawag at pinamumugaranngmgamalalakingibon, isanarito ay angibong Kalaw. Samabilisnapaglipasngpanahon, dumaramiangmgatao, dumamirinangmgasasakyangpangkatihan, nililinisangibangbahaginglupa, upangpagtayuanngmgabahay.Angibangbahaginglupa ay nililinis din upangpagtanimanngmga gulay at prutasparasapagkainngmgatao. Ito angnagigingdahilan ng pag-alisngmgaibon. Ito rinang naging

pasimulanatawaginanglugarnaitong CALO. Ito ay hangosapangalanngibong KALAW.

Si Fred G. Timogangnagpatibayngpagkakaroonngsimbolongibon, parasa barangay naito. Sakanyangpanunungkulan ay natayoangrebultongibong Kalaw nangayon ay

makikitasaharapan ng barangay hall ng Calo.

A. Bio-pisikalnaKatangianng Barangay Anos

Ang Barangay Calo ay isasamgasinasakupanngbayanng Bay. Ito ay may lawakna 1, 061, 251, 25 metros kuwadrados, humigitkumulang. At ang 15, 680 hektarya ay tanimanngpalayna may kasamangniyog, saging at ibatibangprutas. Angkaramihan ditto ay tirikanngbahay at komersiyonasiyang pinagkakakitaanngmganasa barangay. Dahilsakaliitannglugar, halos ay dikitnasakalsadaangibangnaninirahan at walanglugarparamagkaroonngpagkakakitaan. Mayroonganimnapurokangnasasakupanng Barangay Calo; etoangpurokuno, dos, tres, kwatro, singko at puroksais.

B. KatangiangDemograpikongNakapanayam Angmganakapanayam mula sa barangay ay binubuong 200 katao. May

kaliitanangbilangkungkayat may kahirapanitonggamitinbilangbasehan, masasabi pa rinna kaya nitongirepresentaangmgakatangianngbuongpopulasyonng satulongngsistematikongpagpili. barangay

a. Katangiang Demograpiko ng Nakapanayam

Babae

Lalaki

32%

68%

Larawan. Blg. 2.1.a Bilang ng mga babae at lalaking kinapanayam sa Barangay Calo. Makikita sa Larawan Blg. 2.1.a, kababaihan ang bumubuo sa karamihan ng bilang ng mga nakuhang kapanayam; sila ay katumbas ng 68 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam samantalang 32 na bahagdan naman ng mga nakapanayam ay binubuo ng mga kalalakihan. Ang imporsyang ito ay wala pang anumang implikasyong masasabi sa kabuuang populasyon sapagkat hindi naman lahat nang nakapanayam ay puno ng kani-kanilang sambahayan (household heads).

69

35

33

32

8 0

11 3 76+ yrs.

0-12 13-17 18-21 22-35 36-45 46-55 56-65 66-75 yrs. old yrs. old yrs. old yrs. old yrs. old yrs. old yrs. old yrs. old

Larawan Blg. 2.1.b Paghahati ng mga edad ng mga kinapanayam sa Barangay Calo.

Makikita sa Larawan Blg. 2.1.b na karamihan sa mga nakapanayam ay nasa edad 23-35 taong gulang. Pumapangalawa ang bilang ng mga nasa edad 36-45 taong gulang at sumunod yaong mga nasa 46-55 taong gulang at 56-65 taong gulang. Iilan lamang ang mga nakapanayam na nasa edad 66-75 taong gulang. Pinaka kaunti naman ang mga may edad na 76 taong gulang at pataas. Ang edad ng mga nakapanayam ay may implikasyon sa antas ng kaalaman nila ukol sa barangay. Maganda na ang karamihan sa mga nakapanayam ay nasa tamang edad na, masasabi na higit na may kredibilidad ang mga karanasan nila sa paninirahan sa barangay kaysa sa mga mas batang miyembro ng komunidad.

5%

8%

23% Binata/dalaga May-asawa Hiwalay

64%

Biyudo/biyuda

Larawan.Blg. 2.1.c Katayuang sibil kinapanayam sa Barangay Calo. Makikita sa Larawan Blg. 2.1.c, karamihan sa mga nakapanayam ay may-asawa na. Kinakatawan nila ang 64 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam. Samantala, pumapangalawa naman ang bilang ng mga binata at dalaga na nakapanayam; sila ang kumakatawan sa 23 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam. Kinakatawan naman ng mga biyudo at biyuda ang 8 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam. Pinaka kaunti naman ang bilang ng mga nakapanayam na hiwalay sa asawa; kinakatawan nila ang 5 bahagdan ng kabuuan ng mga nakapanayam maliit kumpara sa ibang klasipikasyong nabanggit. Wala sa mga kinapanayam sa Barangay Calo ang live-in. Ang mataas na bilang ng mga nakapanayam na kasal o may-asawa na ay implikasyon ng posibleng pagtaas ng popolusyon ng barangay sa mga susunod na taon.

1%

0%

No formal education Primary Level Elementary Level 11% 12% Elementary Graduate HS Level HS Graduate 31% College Level College Graduate Vocational Below School Age Post Graduate

5% 0% 1% 13% 20% 6%

Larawan Blg. 2.1.d Antas ng edukasyon na natapos ng mga kinapanayam sa Barangay Calo. Makikita sa Larawan Blg. 2.1.d. na karamihan ng mga kinapanayam sa Barangay Calo ay nakapagtapos ng pag-aaral sa sekondarya; sila ang kumakatawan sa 31 bahagdan ng kabuuan ng mga nakapanayam. Pumapangalawa naman sa dami ng bilang ng mga nakapanayam ang mga nakaabot sa kolehiyo; sila ang kumakatawan sa 20 bahagdan ng kabuuan ng mga nakapanayam. Pumapangatlo ang bilang ng mga nakapanayam na nakaabot sa sekondarya na kumakatawan sa 12 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam. Masasabing mataas ang antas ng literasiya ng karamihan sa mga nakapanayam sa Barangay Calo.

0% 2% 0% 6% 1% 2% 1% 6% 1% 4% 15% 27% 23% 8% 4%

Unemployed Housewife Professional Employed (white collar) Employed (blue collar) Self-employed Factory Worker Skilled Worker 3% Tanod LGU Official

Larawan Blg. 2.1.e Uri ng trabaho ng mga kinapanayam sa Barangay Calo.

Tignan ang Larawan Blg. 2.1.e. Ang pinakamalaking bahagdan (27%) ng mga nakapanayam ay binubuo ng mga housewife habang sunod naman ang mga self-employed (23%)at ang mga unemployed (15%). Pumapangalawa sa uri ng trabaho ang mga self-employed na bumubuo sa 23 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam.Dahil sa mataas na bilang ng mga self-employed aymalaki ang posibilidad na mayroong mataas na revenues o kita ang barangay lalo na kung ang mga negosyong matatagpuan rito ay malalaking negosyo. Ang mga nasabing negosyo rin ay mayroon ring epekto sa mga serbisyong mayroon ang mga tao sa komunidad. Ang mataas na bilang ng mga unemployed ay implikasyon na maaaring limitado ang trabaho o kabuhayan sa barangay.

b. Katangiang demograpiko ng Kasambahay

Babae

Lalake

45% 55%

Larawan Blg. 2.2.a Bilang ng mga babae at lalaking miyembro ng mga sambahayan ng mga kinapanayam sa Barangay Calo. Bagaman karamihan sa mga nakapanayam ay mga kababaihan (Larawan Blg. 2.1.a) makikita pa rin na ang karamihan pa rin ng mga bumubuo sa mga sambahayan ng mga nakapanayam ay mga kalalakihan at ito ay ipinapakita ng larawan sa itaas. Higit na makatutulong ang impormasyong ito kumpara sa impormasyon ukol sa mga kasarian ng mga nakapanayam; ito ay mas representibo sa populasyon ng Barangay. Ang mas malaking bilang ng kababaihan na makikita sa larawan sa itaas ay maaring mayroong implikasyon sa kalagayang ekonomiko ng mga sambahayan at maging ng barangay. Dahil karaniwan na ang mga kalalakihan ang naghahanapbuhay, ang mas mababang bilang nila ay nangangahulugan ng mas mababang komposisyon ng lakas paggawa ng barangay. Kung malaking porsyento ng mga kalalakihan ay nakapaghahanapbuhay para sa kanilang mga

sambahayan, malaki ang posibilidad na higit na matatag ang estadong ekonomiko ng mga sambahayan at maging ng mismong barangay.

At dahil karaniwan ring ang mga kalalakihan ang naghahanapbuhay, kung kayat sila rin ang may pinakamalaking bahagi sa desisyon ng mga sambahayan, kumbaga, sila ang kadalasang mga household heads. At ang mga desisyon ng mga household heads ay mayroong impluwensiya sa pangkalahatang desisyon ng kani-kanilang sambahayan, na siya rin namang posibleng magkaroon ng epekto sa partisispasyon ng kani-kanilang sambahayan sa komunidad. Posible rin na ang mga lalaking residente ng barangay na mga binata pa ay magdesisyong magkaroon nang kani-kanilang pamilya lalo na kung hindi na sila makatutuloy ng pag-aaral sa kolehiyo. Dahil dito possible rin na tumaas ang populasyon ng mga barangay sa mga darating na panahon lalo na kung mapagdesisyunan ng mga ito na sa barangay manirahan. Sa kabilang banda, sa ganitong kaso kung saan mas marami ang bilang ng kababaihan, nangangahulugan din ito ng ilang bagay. Isa na rito ang mataas na posibilidad ng paglaki pa ng populasyon, una dahil sila ang may kakayahang magkaroon ng anak lalo na kapag handa na ang kanilang katawan. Sa kasamaang palad, nagiging sanhi din ito ng paglaki ng populasyon dahil sa pagdadalang tao lalo nat hindi inaasahan ang mga pagbubuntis na ito. Maaari rin na mayroong implikasyon ang mas malaking bilang ng mga kababaihan sa katayuang-ekonomiko ng mga sambahayan, na siya rin namang nakakaapekto sa katayuangekonomiko ng barangay. Halimbawa, maaaring mas pinili ng mga sambahayan na ang mga kababaihan, lalo na yaong may mga anak na, ay hayaan na lamang manatili sa bahay at pagtuunan ng atensyon ang mga gawaing-bahay kaysa sa mga gawaing produktibo gaya ng paghahanapbuhay. Bilang epekto, mas maliit ang bilang ng mga naghahanapbuhay at tutustos sa mga pangangailangan ng mgfa sambahayan.

Maaaring mayroon pa itong kaakibat na implikasyong kultural: na nainiwala pa rin ang karamihan, bilang mga Pilipino, na ang lalaki ang syang dapat naghahanapbuhay, at ang babae ang siyang nasa tahanan. Sa madaling sabi, hanggang ngayon ay maaring naniniwala pa rin ang karamihan sa mga komunidad sa ating bansa sa pagdedesigna ng mga gampaning na tumatak na sa ating nakaraan at kasysayan (gender roles). pangkasarian

232

156

69

57

55

61

48 1 8

0-12 13-17 18-21 22-35 36-45 46-55 56-65 66-75 76 + yrs. yrs. old yrs. old yrs. old yrs. old yrs. old yrs. old yrs. old yrs. old

Larawan Blg. 2. 1. b. Pagkakalahati ng mga edad ng mga nakapanayam sa Barangay Calo Makikita sa Larawan 2.2.b. na pinakamalaki o pinakamadami ang populasyon ng mga myeembro ng samabahayan na may edead na 0-12 taong gulang habang pumapapangalawa naman ang populasyon ng mga myembrong 22-35 taong gulang. Pinakamaunti naman ang 66-75 taong gulang sa larawan. Makikitang maliit lamang ang matandang populasyon sa barangay Calo, kapansin pansin naman na mataas ang batang populasyon kumpara sa matandang populasyon. Mapapansin din sa larawan na malaki rin naman ang populasyon ng mga 22-35 taong gulang. Ang pagiging mataas

sa populasyon ng mga bata kasama ang nasa grrupong 22-35 taong gulang ay nangangahulugan na mas maraming kelangan suportahan ang populasyong naghahanap buhay ng barangay. Bagamat mataas an gang populasyong naghahanap buhay ng barangay ay mataas rin ang populasyong umaasa rito. At dahil rin mataas ang mga nasa may edad na 0-12 ay dapat dagdagan o palawakin at pagandahin ang mga serbisyong pang komunidad tulad ng edukasyon at mga programang pangkalusugan at nutrisyon at mga palaruan para sa mga bata.

1 no formal education
2% 3% 13% 4% 14% 21% 11% 9% 4% 15% 4%

2 primary level 3 elementary level 4 elementary grad 5 high school level 6 high school grad 7 college level 8 college grad 9 vocational 10 below school age 11 post doc

Larawan Blg. 2.2. d. Antas ng edukasyon na natapos ng mga myembro ng sambahayan ng mga kina-panayam sa Barangay Calo. Makikita sa Larawan Blg. 2.2. d na sa mga myembro ng sambahayan ng mga

nakapanayam, karamihan sa mga ito ay nakapagtapos ng pag-aaral sa sekondarya. Inilalahad ng

larawan sa itaas na ang mga ito na nakapag tapos ng hayskul ay bumubuo sa 21 bahagdan base sa mga datos na nakalap. Sinundan ito ng mga miyembro ng sambahayan ng mga nakapanayam na nakatuntong at nakapagtapos ng kolehiyo at nakakuha ng diploma. Marami rin sa mga miyembro ng sambahayan ang nag-aaral pa rin sa elementarya na nagpapakita na marami sa bumubuo ng populasyon ay mga bata. At dahil dito, lalo lamang pinapatunayan nito na mataas ang antas ng literasiya sa barangay at mataas ang pagpapahalaga sa mga mamamayan nito sa edukasyon. Nangangahulugan rin ito na mataas ang kakayahan ng mga mamamayan ng barangay na magkamit ng mga serbisyong pang-edukasyon. Bagaman mayroon pa ring maliit na bahagdan ng mga walang pormal na edukasyong natanggap na siya naming nangangahulugan na hindi pa rin lahat ay may kakayahan na tustusan ang edukasyon. Ang kaantasan ng edukasyon ay mayroon ring implikasyon sa aspetong ekonomiko ng mga sambahayan. Ang mataas na antas ng edukasyong inabot ay makakatulong sa pagkamit ng mas maganda at permanenteng trabaho na posibleng mas malaki ang kita. Talaan Blg. 2. Mga dahilan sa pananatili at pag-alis ng mga tao sa Barangay Calo. Dahilan ng Pananatili sa Barangay Sariling pagmamay-ari na ang tahanan Dito na lumaki Dito na nasanay Maayos naman ang lugar Narito ang hanapbuhay Walang ibang malilipatan/pupuntahan Dahilan ng Pag-alis Mula sa Barangay Gusto ng sariling bahay Kapag may oportunidad Walang hanapbuhay Rumerenta lang kase Pagtumamasa lotto/yumaman Baka biglang mapaalis

C. Migrasyon

20%

Orihinal Dayo 80%

Larawan Blg. 3.1. Komposisyon ng mga respondante batay sa pagiging orihinal sa Barangay Calo.

Makikita sa Larawan Blg. 3.1. na karamihan ng mga nakapanayam ay mga orihinal nang nakatira sa barangay (80%), samantalang 20% naman ang hindi tubo sa barangay. Ang mga numerong ito ay maaaring may koneksyon sa antas ng kaalaman ng nakapanayam ukol sa mga bagay-bagay sa barangay. Ang pagkakaroon ng dayo sa barangay ay isa ring indikasyon ng estado nito. Maaaring maganda ang posibilidad-pangkaunlaran, panseguridad, at iba pang serbisyo ng barangay kaya ninanais ng mga tao na lumipat at manirahan ditto. Mayroong mahalagang implikasyon sa populasyon ng barangay ang migration pattern ng mga tao sa barangay.

5% 12% 22%

0% Ibang barangay sa Bay 22% Laguna Metro Manila 27% Luzon Visayas Mindanao Ibang bansa

12%

Larawan Blg. 3.2. Mga lugar na pinagmulan ng mga di-orihinal sa Barangay Calo. Tignan ang Larawan Blg.3.2. Ang kadalasang tipo ng migrasyon o paglipat ay sarado; karamihan ng mga lumipat sa Calo ay mula rin sa mga karatig-barangay nito. Magkapantay ang porsyento ng mga nagmula sa ibang lalawigag ng Luzon at sa karatig-bayan ng Bay - na siyang kinabibilangan ng Barangay Calo. Karamihan sa mga nakapanayam na hindi orihinal sa barangay ay nagmula lang din sa Bay, sa mga karatig-barangay ng Calo, partikular na ang Puypuy. Binubuo nila ang 27% bilang ng mga hindi orihinal s barangay. Sumunod ang mga lumipat mula sa iba pang bayan ng Laguna (22%) at ang mga lumipat mula sa ibang lalawigan ng Luzon (22%). Kumpara sa unang tatlo, ang mga nagmula sa ibang lugar ay kaunti lamang. Sa madaling sabi, karamihan ng mga naninirahan sa barangay na hindi orihinal rito ay nagmula lang rin sa mga kalapit-lugar nito.Ito ay maaaring indikasyon na ang barangay ang angat saiba nitong mga karatig-barangay kayat mas pinili ng mga nakapanayam na lumipat dito.

Ang ibat-ibang aspeto ng populasyon ng barangay, kagaya ng dami ng tao, serbisyo at kita ng barangay, ay maari ring maapektuhan ng migrasyon. Kung mas marami ang mga taong lumilipat papunta sa barangay kaysa sa mga umaalis upang manirahan sa ibang lugar, ang populasyon ng barangay ay hindi bababa; ito ay maari lamang manatiling halos walang pagbabago sa dami o maaari ring dumami pa, lalo na kung karamihan sa mga lumipat ay nasa reproductive age pa. Ang kaunlaran, seguridad, at iba pang serbisyo ng barangay ay maaaring nakakaapekto rin sa dami ng tao rito.

22% May planong lumipat 78% Walang planong lumipat

Larawan Blg. 3.3. Kagustuhan o plano ng pag-alis sa barangay at paglipat sa ibang lugar ng mga kinapanayam sa Barangay Calo.

Makikita sa Larawan Blg. 3.3 ang karamihan sa mga nakapanayam ay wala ng planong lumipat (78%), habang mayrooong 22% na nagsabi na mayroon silang planong lumipat sa ibang lugar. Ang karamihan sa mga nagsabi na wala na silang planong lumipat ng ibang lugar ay maaaring komportable na ang kalagayan ng kanilang mga sambahayan sa barangay.

TABLE BLG.2 D. Katangiang Sosyo-kultural at Politikal

a. Estadong Pangkalusugan at Pangkalinisan


190 170

33 0 13 6 14 11 3 0 1 0

Larawan Blg. 4.1. Mga karaniwang sakit sa mga sambahayan sa Barangay Calo.

Makikita sa Larawan Blg. 4.1 na ang kadalasang sakit ng mga miyembro ng pamilya sa barangay ay ang pagkakaroon ng ubot sipon (190); pumapangalawa naman ang pagkakaroon ng lagnat (170). At pumapangatlo naman ang pagkakaroon ng asthma, ngunit ang bilang nito na 33 ay maliit kumpara sa mga unang dalawang sakit na nabanggit. Bukod sa mga naitalang sakit sa Larawan Blg. 4.1, mayroong iilang na nagbanggit ng mga sakit tulad ng urinary tract infection (UTI), cancer, tonsillitis at kidney diseasesbilang pangkaraniwang sakit sa mga sambahayan.

Ang pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga nagkakasakit ng ubo, sipon at lagnat ay maaaring maiugnay sa dami ng bilang ng mga kabataan sa komunidad. Samantala, ang pagkakaroon ng maliit na bilang ng mga may sakit na hypertension, sakit sa puso, diabetes at arthritis ay maiuugnay sa kakaunting bilang ng mga matatanda sa barangay. Ang mga sakit na karaniwang nararanasan ng mga tao sa barangay ay mayroong implikasyon na maaaring ang mga mamamayan na may matinding karamdaman ay hindi nakakasali sa gawaing produktibo o pangkabuhayan.

151

100

35

47 17 2 22

Larawan Blg. 4.2. Pamamaraan ng paglunas ng sakit ng mga mamamayan sa Barangay Calo.

Makikita sa Larawan Blg. 4.2. na ang pagkonsulta sa doktor ang pangunahing pamamaraan ng pagluna ng sakit ng mga mamamayan ng barangay. Pumapangalawa naman ang mga nagsasariling paggamot o self-medication, na sinusundan ng mga bumibili lamang sa botika ng mga gamot na walang preskripsyon.

Ang mataas na bilang ng mga kumukunsulta sa doktor ay implikasyon na ang mga mamamayan ng barangay Calo ay mayroong kakayahang magbayad sa serbisyo ng isang doktor. Tulad ng pagkonsulta sa doktor, ang pagbili ng gamot ay nangangahulugang may kakayahan ang mga mamayan na bumili ng gamot. Ang parehong pamamaran ng paglunas ng sakit ay implikasyon na ang mga tao sa barangay ay may matinding paniniwala sa siyensya ng medisina. Samantala, ang mataas na bilang ng mga nagsasariling paggamot o self-medication ay maaaring nangangahulugang may kaunting kaalaman sa paggamot ang mga tao o kaya naman ay nangangahulugan ito na may malaking bahagi ng populasyon ng komunidad na walang kakayahan na komunsulta sa isang doktor.

2% 0% 0% 15% De buhos De flush Open pit 83% Walang palikuran (nakikigamit) Walang palikuran (sa tabitabi lang, flying saucer)

Larawan Blg. 4.3. Klase ng palikuran na mayroon ang mga kabahayan ng Barangay Calo.

Tignan ang Larawan Blg. 4.3. Halos lahat ng mga nakapanayam ay mayroong sariling palikuran sa kanilang kabahayan; binubuo nila ang 98 bahagdan ng kabuuan ng bilang ng mga nakapanayam. Ang 98 bahagdan na ito ay nahahati sa dalawang uri ng palikuran; 83 bahagdan

ang kabahayang may de buhos na palikuran at 15 bahagdan naman ang mga may de flush na palikuran. Ang de flush na palikuran ang karaniwang uri ng palikuran sa kabahayan ng mga nakakaangat sa buhay o yaong mga kabahayan na mayroong kapasidad na tustusan ang mga karagdagang gastusin sa tubig. Samantala, ang de buhos na palikuran naman ang karaniwang uri ng palikuran sa mga kabahayan ng mga hindi gaanong nakakaangat sa buhay o ng mga pinili na lamang na gumamit ng de buhos upang makatipid sa gastusin sa tubig. Ang maliit na porsyente ng mga walang sariling palikuran ay implikasyon lamang na nakakaluwag sa buhay ang mga taga barangay. Wala ring naitalang kabahayan na gumagamit ng open pit na palikuran; ito ay implikasyon na ang barangay ay mayroong sapat na suplay ng tubig parasa mga kabahayan.

191

14

5 Ibinabaon

Kinokolekta

Sinusunog

Larawan Blg. 4.4. Paraan ng pagtapon ng mga sambahayan sa Barangay Calo.

Makikita sa Larawan Blg. 4.4 na ang karaniwang paraan ng pagtatapon ng basura ng mga sambahayan sa barangay ay ang pagkokolekta. 191 o halos lahat ng nakapanayam ay nagsabi

nakinokolekta ang kanilang basura. Samantala, 14 na sambahayan naman ang nagsabi na sinusunog nila ang kanilang mga basura at 5 ang nagbanggit na ang mga basura ay kanilang ibinabaon. Maliban sa tatlong paraan ng pagtatapon ay wala ng iba pang paraang nabanggit ang mga nakapanayam. Mayroon ring ibang nakapanayam na nagsabing dalawang paraan ang ginagamit, halimbawa, mayroong nagpapakolekta ng mga di-nabubulok na basura lamang at nagbabaon sa lupa ng mga nabubulok na basura. Ayon sa mga nakapanayam, ang mga basura ay hindi kinokolekta ng trak kapag ito ay hindi naipaghiwa-hiwalay ayon sa mga nabubulok at di-nabubulok. Ang mataas na bilang ng mga nagpapakolekta ay may implikasyon na karamihan sa mga miyembro ng komunidad ay mayroong disiplina. Makikita sa larawan na hindi lahat ng miyembro ng komunidad ay nagpapakolekta ng kanilang basura. Bagamat ipinagbabawal ang pagsusunog ng basura, mayroon pa ring labing apat na nagsabing sinusunog nila ang kanilang mga basura. Maaaring ang mga sambahayan na nagsusunog ng kanilang basura ay may kakulangan sa impormasyon ukol sa tamang pagtatapon ng basura o di kaya naman ay sadyang malayo ang kanilang lugar kayat hindi na ito naaabot ng mga trak na nangongolekta ng basura. Ang bilang ng mga nagbabaon ng mga nabubulok na basura ay may implikasyon na ang ilang miyembro ng komunidad ay nais na makabawas sa dami ng basura kayat ginagamit na lamang nila ito sa magandang paraan gaya ng pagbabaon na maaari ring magsilbing pataba sa lupa.

188

3 Isang beses isang linggo higit 1 beses/linggo

hindi nagpapahakot

Larawan Blg. 4.5. Dalas ng pagkokolekta ng mga basura sa mga sambahayan sa Barangay Calo ayon sapagkakaalam ng mga nakapanayam. Makikita sa Larawan Blg. 4.5 na karamihan sa mga sambahayan sa Barangay Calo ay isang beses isang lingo kung magpahakot ng kanilang mga basura. Ayon sa mga nakapanayam ang paghahakot ng basura ay naka-iskedyul tuwing araw ng linggo lamang. Bagamat isang beses lamang sa isang linggo nangongolekta ng basura sa barangay, mayroon pa ring 3 na nagsabi na higit isang beses kada linggo ang pagkokolekta ng basura. Ang bilang ng mga nagsabing isang beses isang linggo kinokolekta ang basura ay nangangahulugan lamang na karamihan sa mga miyembro ng komunidad ay may sapat na kaalaman ukol sa tamang iskedyul ng pagkokolekta ng basura.

Nabubulok

Di-nabubulok

Residuals

18% 43%

39%

Larawan Blg 4.5.a. Karaniwang komposisyon ng mga basura ng mga kabahayan ng mga nakapanayam sa Barangay Calo. Tignan ang Larawan Blg. 4.5.a. Makikita sa larawan na pinakamalaki ang porsyento (43%) ng mga nabubulok na basura sa mga kabahayan ng mga nakapanayam sa barangay. 39% naman ang mga di-nabubulok at 18% ang mga di-nabubulok na residuals gaya ng mga sachet ng shampoo.

178

16

Palaging nagbubukod

Paminsan minsan

Hindi nagbubukod

Larawan Blg. 4.6.Dalas ng pagbubukod-bukod ng mga sambahayan ng mga nakapanayam. Makikita sa Larawan Blg. 4.6. na karamihan sa mga nakapanayam ay palaging nagbubukod ng basura sa kanilang mga kabahayan. Labing-anim (16) ang nagsabi na paminsanminsan sila nagbubukod ng kanilang mga basura habang anim (6) naman samga nakapanayam ang hindi nagbubukod ng basura sa kanilangg mga kabahayan. Kakulangan sa panahon o oras isa sa mga dahilan ng mga nagsabing hindi sila nagbubukod ng basura sa kanilang mga kabahayan. Samantalang ang iba naman ay nagsabing sinusunog lamang nila ang mga basura kayat hindi na nila ito pinagbubukod-bukod. Ang pagkakaroon ng mataas ng bilang ng mga sambahayan na nagbubukod ng kanilang mga basura ay implikasyon na ang mga mamamayan ng Barangay Calo ay disiplinado pagdating sa pagtatapon ng basura.

b. Partisipasyon sa Komunidad
134 119 79 89 99 60 27 12 3 19

140 120 100 80 60 40 20 0

14

Larawan Blg. 5.1. Mga uri ng organisasyon na mayroon sa barangay ayon sa nakapanayam sa Barangay Calo. Mula sa Larawan Blg. 5.1, naipapakita na ang nangungunang organisayon na pinakapamilyar sa nakapanayam ay ang samahan ng kababaihan, samahan ng kabataan, at ang senio citizens organization. Nilalaman naman ng ___% ang mga nakapanayam na hindi alam ang mg a organisasyon na mayroon sa barahnay, ang bilang nito ay 60 mula sa mga nakapanayam. Ang pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga nakapanayam na nalalaman ang pagkakaroon ng samahan para sa mgan kababaihan ay nangangahulugan na nangunguna ang mga proyektong pangkababaihan na ipinapatupad ng barangay. Maging ang para sa samahan ng kabataan na mataas din ang antas ng pagkakakilanlan ng mga nakapanayam. Mayroong napakalaking kontribusyon sa barangay kung pamilyar ang mga residente ditto ukol sa pagkakaroon ng ibat ibang organisasyon na tumutulong upang linangin ang mga kakayahan ng mga mamamayan ng barangay. Samantala, sa mga nakapanayam na hindi alam kung anu ano ang

mga organisasyon ay maaaring hindi magkaroon ng pagkakataon upang lumahok at makiisa sa mga makabuluhang gawain na ipinapatupad ng mga organisasyon sa barangay. Ngunit, sa kabilang banda, hindi nito direktang ipinapahiwatig ng antas ng kaalaman ng mga tao sa pagkakaroon ng mga organisasyon sa barangay ang kanilang antas ng ng partisipasyon o pakikiisa sa mga gawain o proyekto ng mga samahan.

Miyembro ng organisasyon

Hindi miyembro ng organisasyon

21%

79%

Larawan Blg. 5.2. Bilang ng mga nakapanayam na nagsabi na sila ay miyembro ng mga organisasyon sa Barangay Calo. Ipinapakita ng Larawan Blg. 5.2 na binubuo lamang ng 21% mula sa mga nakapanayam ang miyembro sa alinmang organisasyon ng barangay at ang mas malaking bahagi na may 79% ay hindi miyembro ng anumang organisayon sa barangay. Bagamat mataas ang antas ng kaalaman ng mga tao ukol sa mga organisasyong na mayroon ang barangay, lubos na kakaunti lamang ang mga kasapi o nabibilang sa mga samahang ito. Isa pang anggulo na isasaalang-alang ay ang hindi tiyak na pakikiisa ng mga nasabing miyembro sa mga organisasyong kanilang kinasasapian. Sa kadahilanang may mga

pagkakataong ang iba sa mga miyembro ng organisasyong kanilang kinabibilangan ay hindi talaga aktibong nakikilahok sa mga programa o proyektong ipinapatupad ng mga organisasyon. Maaaring ang iba ay nagpupunta lamang upang makilahok kung may gantimpalang ipamamahagi sa kanila mula rito subalit, kung sa ordinaryong pagpupulong ay nawawala na ang kanilang presensiya. Kung magpapatuloy ang ganitong huwarang pakikilahok ay mataas ang posibilidad na unti-unting maubusan at tuluyang mawalan ng mga makabuluhang mga proyekto na nangangailangan ng mataas na antas ng kagalingang pantao. Larawan Blg. 5.3. Pakikiisa ng mga nakapanayam sa mga gawaing pambarangay sa Barangay

49% 51% Nakikiisa sa gawaing barangay Hindi nakikiisa sa gawaing barangay

Calo. Larawan Blg. 5.3. Pakikiisa ng mga nakapanayam sa mga gawaing pambarangay sa Barangay Calo. Mula sa Larawan Blg. 5.3 ay ang bahagdan ng mga nakapanayam na nakikiisa o hindi nakikiisa sa mga gawaing pambarangay na nagpapakita na mas mataas lamang ng bahagya ang mga nakikiisa sa gawaing pambarangay. Halos pantay rin ang pagkakahati ng mga nakapanayam na nagsabing sila ay nakikiisa o hindi nakikiisa. Mas makabubuti kung mahihikayat pa ang ibang mga residente ng barangay ang mas nakakarami upang makiisa sa mga gawaing pangkomunidad na mas lilinang sa kagalingang

pantao ng barangay. Sa pamamagitan nito ay mas nalalapit ang pagsasakatuparan ng layuning pangkaunlaran ng komunidad. Ito rin ay isang indikasyon na mas magkakaroon ng mas maigting na pagnanais para sa karagdagang pang proyekto o programang pangkaunlaran.

70 60 50 40 30 20 10 0 Pag-engganyo sa iba na sumali 17

68

35 31

Aktibong Pakikilahok sa pakikilahok sa mga pagpupulong mga proyekto/gawain

Pag-ambag ng perang kontribusyon

Larawan Blg. 5.4. Mga uri ng partisipayon ng mga nakikiisa sa gawaing pangkomunidad sa Barangay Calo. Ang nangunguna sa mga uri ng partisipasyon ng mga nakikiisa sa gawaing pangkomunidad sa mga nakapanayam ay ang aktibong pakikilahok ng mga proyekto o gawain na may bilang na 68 na nakapanayam na isinasagawa ito, pakikilahok sa pagpupulong na may bilang na 35 na nakapanayam, pag-ambag ng perang kontribusyon na may bilang na 31 na nakapanayam at ang pag-engganyo sa iba na sumali na may bilang na 17 na nakapanayam (Larawan Blg. 5.4). Mula rito ay ipinahihiwatig na mula sa kanilang pakikiisa ay pinapaboran ng mga residenteng Barangay Calo ang aktibong pakikilahok sa mga gawaing pangkomunidad.

Naipapamalas na ang kaisipan nila ay nahuhubog sa pagtulong at pakikisalamuha sa ibang miyembro ng komunidad na bihira ng nasasaksihan sa ibang barangay. Gayundin ang implikasyon sa partisipasyon sa pamamagitan ng pakikilahok sa mga pagpupulong na hindi nalalayo ang bilang sa pag-ambag ng perang kontribusyon.

60 51 50 42 40 30 20 10 0 nagbabahay-bahay pag-aanunsiyo ng mga proyekto pagsasagawa ng pulong pagbibigay ng sulat 5 43

Larawan Blg. 5.5. Mga paraan na ginagawa ng mga opisyal upang mahikayat ang partisipasyon ng mga mamamayan sa gawaing barangay ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo. Naipapakita naman sa Larawan Blg. 5.5 ang ibat ibang paraan na ginagawa ng mga opisyal ng barangay Calo upang mahikayat ang partisipasyon ng mga mamamayan sa gawaing barangay. Nangunguna ang pagsasagawa ng pulong na may bilang na 51 na nakapanayam, 43 naman sa mga nakapanayam an nakakatugon sa paghihikayat sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo ng mga proyekto, at napakaliit na bahagi naman na mayroong 5 bilang na nakapanayam lamang

ang tumukoy na nagbibigay ng sulat ang lokal na opisyal upang hikayatin ang partisipasyon ng mga mamamayan sa gawaing barangay. Sapagkat mataas ang bilang ng mga nakapanayam ang tumukoy na nagsasagawa ng pulong ang mga opisyal upang sila ay hikayatin na makilahok ay nangangahulugan lamang na
87 74 58 46

pagpupulong sa barangay

medical and dental mission

gawain sa paaralan

kasal

libing

pista

bukas ang kanilang diwa sa aktibong paglalaan ng panahon at lakas sa pagdalo sa ganitong uri ng paraan upang makahikayat ng mga makikiisa sa gawain. Maging ang pagbabahay bahay at pagaanunsiyo ay pamilyar din na paraan na nalalaman ng mga nakapanayam. Subalit ang pagbibigay ng sulat na malamang ay hindi gaanong naging epektibo sa paghikayat ng mga residente sa kadahilanang kulang ito sa pagdama ng pakikipagkapwa-tao na naglalayong mag-uugnay sa pagkamit ng pundasyon tungo sa kaunlaran ng barangay. Larawan Blg. 5.6. Mga pagkakataon na nagkikita at nagsasama-sama ang mga miyembro ng komunidad ng Barangay Calo. Tingnan ang Larawan Blg. 5.6 na nagpapaliwanag ng mga pagkakataon kung saan nagsasama-sama ang mga kasapi ng barangay upang yariin ang isang makabuluhang paghubog

sa pangkalahatan ng komunidad. Muli ay mapapansin na maging sa mga okasyong nagkakasama-sama ang mga indibidwal sa komunidad ay tuwing magsasagawa ng pulong ang barangay na pinakamataas sa halagahan na 87 na nakapanayam. Kasunod niyon ay ang pista na mayroong bilang na 74 na nakapanayam, ang pagtataguyod ng medical and dental mission na nakatunghay ng 58 bilang ng mga nakapanayam at samanatala hindi naman nalalayo ang pagkakataong magkahalubilo ang mga miyembro ng barangay sa mga ginaganap na gawain sa paaralan. Napakaliit naman ang saklaw na bahagi ng kasal na may 5 bilang ng nakapanayam at libing na may 7 bilang ng nakapanayam. Ang mga pagkakataon na nagsasama-sama at nagkakakitaan ang mga naninirahan sa Barangay Calo ay may gnagamapanang malawig na ambag sa pagpapalalim ng pangkomunidad na ugnayan ng magkakabarangay. Maaari itong magsilbing tulay para magkaroon ng pagkakaakma ng mga wastong pagpapasya ng mga residente upang mas makinabang ang higit na bahago ng komunidad dahil sa mga pagkakataong gaya ng mga nabanggit ay lubos pang makikilala ng isat isa ang mga kabilang sa kanila ding nasasakupan.

C. Katangian sa Pamumuno sa Barangay


kilala di-kilala

BNS Ebron Barangay Treasurer Padilla Barangay Sec. Villena Konsehal Timog Konsehal Dimasuay Konsehal Aldemita Konsehal Alvarez Konsehal Garcia Konsehal Alcantara Konsehal Borce Kapitan Macahiya

106 118 128 130 136 130 131 129 133 155 162

94 82 72 70 64 70 69 71 67 45 38

Larawan Blg.6.1. Antas ng pagkakakilanlan sa mga namumuno sa barangay ng mga kinapanayam sa Barangay Anos.

Makikita sa Larawan Blg 6.1 ang antas ng pagkakakilanlan ng mga nakapanayam sa mga opisyal sa barangay. Inilalahad rin ng larawan na ito na karamihan sa mga nakapanayam ay kilala nila ang mga barangay opisyales pero may mga nagbanggit o nagsabi sa mga nakapanayam na hindi nila kilala. Ang datos na ito ay nagpapakita lamang kung ano ang estado ng interasksyon at pagkakakilanlan ng mga tao sa opisyales ng kanilang barangay. Ang resulta na ito ay nangangahulugan na maaari silang makadulog agad sa mga opisyales na ito kung sakali mang magkaroon ng kaganapan sa barangay, sakuna man ito o kahit anu mang hindi pagkakaunawaan sa barangay.

D. Mga Problema at Isyu sa Barangay Talaan Blg. 3.1 Karaniwang mga problemang pang-edukasyon ayon sa mga kinapanayam sa Barangay Calo. Edukasyon 1. 2. 3. 4. 5. Maraming out-of-school youth Kakulangan sa silid-aralan Kakulangan sa guro Kakulangan sa libro Kakulangan sa scholarship

Makikita sa Talaan 3.1 ang mga problemang pang-edukasyon na pangkaraniwan sa Barangay Calo ayon sa mga nakapanayam. Karamihan sa mga kinapanayam ay nagsabing ang out of school youth o mga kabataang hindi nakapag-aaral ang isa sa mga pangunahing suliranin ng Barangay dulot na rin ng kakulangan sa pangangailangang pinansyal. Nasundan pa ito ng mga kakulangan sa pasilidad at ilan sa mga halimbawa nito ay ang kakulangan sa bilang ng silid-aralan, hindi sapat na dami ng libro at maging ng mga guro di umanob ay hindi rin akma sa dami ng mga mag-aaral. Bukod sa mga ito ay malimit ding nabanggit ang kakulangan sa scholarship o tulong pinansyal na napakalaking bagay para sa pag-aaral ng mga kabataan. Ilan sa mga naging suhestiyon ng mga nakapanayam ay ang pagdaragdag ng mga Financial Assistance at scholarship upang matulungan makapasok ang mga kabataang namomobrelema dahil sa kahirapan. May mga nagsabi rin na kailangang magtulong tulong ng mga mamamayan para mapaunlad ang kanilang barangay ukol sa aspeto ng edukasyon. Isang paraan nito ang pag-aambag ng mga angkop na aklat. Nais rin ng ilan sa mga nakapanayam na mas bigyang atensyon pa ng gobyernoang larangan ng edukasyon para sa ikauunlad ng kanilang barangay at n gating bansa.

Talaan Blg. 3.2 Karaniwang mga problemang pang-ekonomiya at pangkabuhayan ayon sa mga kinapanayam sa Barangay Calo. Ekonomiya at Pangkabuhayan 1. Kakulangan sa hanapbuhay 2. Kawalan ng hanapbuhay 3. Kawalan ng oportunidad

Ang kakulangan sa hanapbuhay ang pangunahing suliranin ng Barangay Calo sa aspetong pang-ekonomiya at pangkabuhayan ayon sa mga nakapanayam. Dahil dito maraming mamamayan ang madalas na nakatambay lamang at kung minsan pa ay nalululong sa ibat -ibang bisyo. Subalit ayon din sa mga nakapanayam ay maraming taga barangay Calo ang nahihirapan ang makakuha ng trabaho dulot na rin sa kawalan nito. Naniniwala ang mga nakapanayam na mababa ang antas ng ekonomiya ng kanilang barangay sanhi na rin sa kawalan ng oportunidad sa pagpapaunlad ng kanilang buhay. Buhat sa mga suliraning ito ay nais isuhesyon ng mga nakapanayam na magkaroon ng dagdag trabaho sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mas maraming job fair na makapagbibigay oportunidad sa mga mamamayan ng kanilang barangay. Isa ring paraan ang nakikita ng mga nakapanayam ang pagsasagawa ng mga livelihood projects na angkop sa mga taga Barangay Calo bilang manglalahok. Bukod din dito ay nagnais din sila ng pagbibigay puhunan bilang panimula sa mga nagnanais magnegosyo sa kanilang barangay.

Talaan Blg. 3.3 Karaniwang mga problemang pangkalikasan at kapaligiran ayon sa mga kinapanayam sa Barangay Calo. Kalikasan at Kapaligiran 1. Pagtambak ng basura 2. Polusyon sa hangin at tubig 3. Hindi maayos na paghihiwalay ng basura 4. Mga baradong kanal

Ipinapakita naman ng talaan sa ibabaw ang mga pangkaraniwang suliraning kinahaharap ng mga mamamayan ng Barangay Calo ukol sa kalikasan ata kapaligiran. Pangunahing problema dito ay ang pagtambak ng basura sa harapan ng Barangay Hall sa tuwing kokolektahin ang mga basura ng mga mamamayan sa kanilang lugar. Bukod dito malimit ding nasabi ng mga nakapanayam ang hindi maayos na paghihiwalay ng basura. Kasama na rito ang hindi paghihiwalay ng mga nabubulok sa hindi na bubulok na basuro at kung minsan pa nga nagiging problema din sa kanilang lugar ang pagsusunog ng basura. . Kaakibat nito ang pagkakaroon ng polusyon sa hangin at tubig na nagiging sanhi ng pagkalat ng sakit tulad ng mga inpeksiyon at sakit sa baga. Isang banta rin sa kanilang kapaligiran ang mga baradong kanal na minsan ay nakapagdudulot ng pagbansa dahil sa di m,aayos na daanan ng tubig-kanal. Dahil sa mga suliraning ito ay nagnais ang mga nakapanayam na isuhestyon ang pagkakaroon ng mga seminar na makadadagdag ng kaalaman sa mga mamamayan ukol sa mga masamang epekto ng di maayos na pagtatapon ngh basura. Nais din nilang magkaroon ng cleaning drive at pagtatanim ng mnga puno upang mapayabong ang kalagayan ng kanilang kapaligiran. Isa rin sa kanilang minimithi ang pagkakaroon ng permanenteng tapunan ng basura upang maiwasan ang pagkalat ng mga ito at maging ang pagsususnog.

Talaan Blg. 3.4 Karaniwang mga problemang kalusugan at nutrisyon ayon sa mga kinapanayam sa Barangay Calo. Kalusugan at Nutisyon 1. Mataas na bilang ng malnutrisyon 2. Kakulangan ng libreng gamot sa Health Center

Sa aspeto ng kalusugan at nutrisyon, pangkaraniwang suliranin sa kanilang barangay ang mataas na bilang ng malnutrisyon lalo na sa mga maliliit na bata. Ito ay dulot na rin sa kakulangan ng kanilang pamilya lalo na sa pinansyal na malaking bagay sa paghubog ng kalusugan ng isang indibidwal. Ang malnutrisyon din ang isa sa mga nakapagpapahirap sa mga pamilya dito sa barangay dahil nagangailangan ito ng mga nutrisyon na makukuha lamang sa tamang pagkain. Isa rin sa nakikitang problema sa barangay na ito ukol sa kalusugan at nurisyon ayon sa mga nakapanayam ay ang kakulangan ng libreng gamot sa Health Center. Dahil ditto, nagiging pasanin pa ng mga mamamayan ang gastos sa gamut na dapat sana ay idadagdag na lamang sa pambiling pagkain. Ang nakikitang solusyon sa mga problemang ito ayon sa mga nakapanayam ay ang pagsasagawa ng feeding session ng madalas at pagdadagdag ng gobyerno sa mga libreng gamot at pati na rin ang tamang distribusyon ng mga ito sa mga mamamayan.

Talaan Blg. 3.5 Karaniwang mga problemang pangkatiwasayan at katahimikan ayon sa mga kinapanayam sa Barangay Calo. Katiwasayan at Katahimikan 1. Isyu ukol sa droga 2. Kaguluhan tulad ng awayan, suntukan at patayan 3. Kaso ng mga nakawan

Sa aspeto ng katiwasayan at katahimikan naman, ang mga isyu at problema ukol sa droga ang pangunahing kinahaharap ng barangay ayon sa mga nakapanayam. Hindi naman maiaalis sa isang lugar ang mga ganitong uri ng problema subalit kailangan pa rin itong bigyan ng higit ng atensyon upang banta sa mga mamamayan ng kanilang barangay. Bukod dito, ang pagkakaroon ng sigalot gaya ng mga suntukan, awayan at kung minsan pa nga ay patayan at isa rin sa mga kaakibat na problema ng droga ay kinahaharapa din ng kanilang lugar. Madalas ding nasambit ng mga nakapanayam ang problema patungkol sa kaso ng nakawan. Maaring ang mga ganitong krimen ay konektado rin sa droga. Dahil sa mga problemang ito, ninanais ng mga nakapanayam na magkaroon ng mas mahigpit na pamamalakad ang local na opisyal upang maitaas ang antas ng seguridad sa kanilang barangay. Kaakibat nito ang pagkakaroon sana ng 24 oras na pagpapatrol ng mga tanod lalo na sa gabi at madaling araw para sa maayos at ligtas na pamumuhay ng bawat mamamayan sa kanilang lugar.

Talaan Blg. 3.6 Karaniwang mga problema sa pamumuno ng lokal na pamahalaan ayon sa mga kinapanayam sa Barangay Calo. Pamumuno ng Lokal na Pamahalaan 1. Kawalan ng opisyales ng barangay sa oras ng kaniyang duty 2. Hindi pantay na pagtingin o pagtulong sa nasasakupan 3. Kakulangan sa aksyon mula sa namumuno.

Ang talaang ito ay naglalahad ng mga pangkaraniwang suliranin ng Barangay Calo ukol sa pamumuno ng kanilang local na pamahalaan ayon sa mga nakapanayam. Makikita rito na ang kawalan ng opisyales ng barangay sa oras ng kaniyang duty ang pangkaraniwang pinoproblema ng mga mamamayan dito. Kapag may kailangang asikasuhin na papel o dokumento ay nahihirapan ang mga mamamayang ito sa paghagilap sa mga opisyal na kanilang kailangan. Isa rin sa mga naging daing ng mga nakapanayam ukol sa pamamahala sa kanilang barangay ay ang hindi pantay na pagtingin o pagtulong sa nasasakupan o sa madaling salita ay ang pagkakaroon ng kinikilingan. Bukod ditto,madalas ding masambit ng mga nakapanayam ang kakulangan sa aksyon mula sa mga namumuno lalo na sa tuwing lumalapit upang humingi ng tulong. Dahil dito ay minimithi ng mga nakapanayam ang pagbabago ng administrasyon at pagpapalit sa mga opisyales. Bilang isang serbisyo-publiko, ay obligado ang isang opisyales na mamuno ng may pantay na pagtingin sa lahat ng nasasakupan at maging responsible at handa sa anumang oras na sya ay kailanganin.

G. Pagsasamahan sa Barangay
200 180 160 140 120 100 80 60 40 20 0

179

21

Meron

Wala

Larawan Blg. 7.1 Pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa barangay ayon sa mga kinapanayam sa Barangay Calo. Ang larawan sa ibabaw ay nagpapakita ng pagtatasa ukol sa pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa barangay. Mapapansin na sa 200 nakapanayam, 179 ang nagsabi na walang kaso ng hindi pagkakaunawaan sa kanilang lugar samantalang ang natirang 21 ay nagsabi ng kasalungat nito. Batay sa impormasyong nakalap, masasabi natin na ang Barangay Calo nagkakaroon ng ilang mga hindi pagkakaunawaan. Magpagayunpaman, ang lugar na ito ay masasabing isang tahimik at matiwasay ng barangay.

H. Gampaning Pangkasarian

93 39 35 94 71 18 Gawaing Produktibo Gawaing Bahay Lalaki Babae 43 21 Gawaing Pangkomunidad Pareho 100

Larawan Blg. 8 Distribusyon ng Gawain sa mga sambahayan ng mga nakapanayam sa Barangay Calo. Ang partisipasyon ng mga mamamayan sa kalinangan ng kanilang mga sambahayan at ng kanilang mismong barangay ay implikasyon ng mga tradisyunal na binibigay na gampaningkasarian sa ating kulturang nakasanayan. Ipinapakita ng larawan sa ibabaw na ang mga gawaing pamproduktibo katulad ng paghahanapbuhay ay ginagampanan sa kasalukuyan ng parehong lalaki at babae sa pamilya. Ipinapakita lamang nito na ang dalawang kasarian ay may pantay na kakayahan sa ating lipunan kung gawaing produktibo ang pag-uusapan. Sa kabilang dako, makikita rin sa larawan na kalimitang mga babae ang gumaganap sa mga gawaing bahay na syang pangkaraniwan sa pamumuhay ng mga pamilyang Pilipino at syang resulta ng distribusyon ng mga gawaing pangkasarian ukol sa ating kultura. Ipinapakita rin ng larawan ang pangkasariang gawaing pangkomunidad kung saan makikita na kalimitan sa mga nakapanayam ay nagsabing parehong babae at lalaki ang

gumaganap dito. Base sa mga impormasyong nakalap na ang dalawang kasarian ay may pantay na abilidad sa pagganap sa mga tungkuling pangkomunidad.

E. Katangiang Sosyo-ekonomiko a. Katangiang Ekonomiko


Elektrisidad Kahoy 1% 9% 28% 12% LPG Uling Kerosine

50%

Larawan Blg. 9.1 Mga gamit sa pagluluto o panggatong ng mga nakapanayam sa Barangay Calo. Ang larawan sa itaas ay nagpapakita ng bahagdan ng mga gamit sa pagluluto o panggatong sa barangay ayon sa mga nakapanayam. Makikita dito na pinakamarami ang nagsagot ng LPG bilang gamit sa pagluluto. Maaring ito ay dahil sa heograpikong lugar ng barangay dahil una, maaring walang suplay na pinagkukunan ng kahoy o uling at pangalawa, dahik sa tabi tabi ang bahay ay kailangan nilang limitahan ang paglikha ng usok para sa kaligtasan ng kalusugan at buhay ng mga tao sa kanilang lugar.

Sumunod ang uling na may 28 bahagdan at kahoy na may 12 bahagdan. Ayon sa mga nakapanayam, kung hindi ito ang pangunahing gamit nila sa pagluluto ay ito ang kanilang pangalternatibo sa mga kapanahunang naubusan sila ng suplay ng LPG o kung hindi pa nakabibili. Ang elektrisidad ay nakakuha ng 9 na bahagdan at ang kerosene naman ay may isang bahagdan na syang pinakamababa sa lahat. Ito ay maaaring dahil sa kanilang kagustuhan at kakayahang bayaran ang kaakibat nitong presyo.

Inilalahad ng larawan sa ibaba ang bahagdang pagkakahati-hati ng mga suplay na pinagkukunan ng tubig na pang-inumin sa Barangay Calo ayon sa mga nakapanayam. Ang sariling gripo ang may pinakamalaking bahagdan na umabot sa 58. Maaring ito ay dahil na rin sa ang mga nakapanayam na nagsabi nito ay may sariling gripo na madali para sa kanilang kuhanan ng maiinom. Sumunod dito ang bottled water na may 20 porsyento at pinanagtluhan naman ng nilalakong tubig na may 13 porsyento. Ang poso naman ay mayroong pitong porsyento na sinundan naman ng creek at balon na paerhong may tig isang porsyent at pinakahuli sa lahat.

Sariling Gripo

Poso

Nilalakong Tubig 1% 1%

Bottled Water

Creek

Balon

20%

13% 7%

58%

Larawan Blg. 9.2. Pinagkukunan ng tubig pang-inumin ng mga nakapanayam sa Barangay Calo.

Makikita naman sa Larawan Blg. 9.3 ang bahagdan ng pinagkukunan ng tubig na ginagamit sa mga sambahayan sa kanilang barangay ayon sa mga nakapanayam. Halimbawa sa mga pinaggagamitan nito ay ang paliligo, paglalaba, paghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng halaman at iba pa. ang sariling gripo ang mayroong pinaka malaking bahagdan na umabot sa 70. Sinundsan ito ng poso na may 20 bahagdan samantalang ang natirang 10 porsyento ay napunta sa mga natirang pinagkukunan. Dahit ditto, masasabi na kalimitan sa mga nakapanayam ay mayroong sariling gripo at marami rin ang may poso na ginagamit nila bilang alternatibong pinagkukunan.

1% 1% 8% 20% Sariling Gripo Poso 70% Bottled Water Tubig Ulan Balon

Larawan Blg. 9.3. Pinagkukunan ng tubig panggamit sa mga sambahayan ng mga nakapanayam sa Barangay Calo.

179 92 12 88

170 125 132

153

132

Larawan Blg. 10.2 Mga uri ng trabahong mayroon ang mga mamamayan sa barangay ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo. Ang larawang ito ay nagpapakita ng bilang ng beses na nabanggit ng mga nakapanayam ang mga sumusunod na uri ng hanapbuhay. Ang pagsasaka ang may pinakamaraming beses na isinagot dahil sa ang barangay ay isang pang-agrikulturang lugar. Bukod ditto, makikita rin na ang pagnenegosyo, pagtuturo, pagiging mangggagawa sa pabrika, pagiging empleyado at mangagawa sa konstruksyon ay maraming beses rin na nabanggit. Base sa mga impormasyong ito, masasabi na nag mga klase ng trabahong ito ang syang pangkaraniwang pinagkukunan ng kita ng mga taga Barangay Calo. May mga ilan ding nagsabi na mayroon ding naghahayupan subalit limitadi lamang at pili ang mga lugar sa kadahilanan ng kaligtasan ng kanilang kalusugan. Ganundin ang resulta sa pangingisda at horticulture, na ayon sa mga nakapanayam ay mga mga nagingisda ring taga Barangay Calo subalit sila ay dumarayo pa sa ibang barangay sa Bay na kung tawagin ay aplaya.

b. Estadong Pang-Ekonomiya ng Barangay

178

169 153 125 92 87 132 132

12

Larawan Blg. 10.2. Mga uri ng trabahong mayroon ang mga mamamayan sa barangay ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo. Tignan ang Larawan Blg 10.2. Ayon sa mga nakapanayam sa barangay, ang pagsasaka, na may bilang na 178, ang pangunahing uri ng trabahong mayroon ang mga mamamayan sa barangay. Pumapangalawa ang pagnenegosyo na may bilang na 169 at sumunod naman ang mga empleyado na may bilang 153. Pinakamababa naman ang naitalang bilang ng uri ng trabaho na may kinalaman sa Horticulture. Ang mataas na bilang ng mga mayroong pagsasaka bilang uri ng trabaho ay implikasyon na may malawak na lupang sakahang matatagpuan sa komunidad. Nangangahulugan rin ito na isa ang agrikultura sa pangunahing ikinabubuhay ng mga taga-Calo.

Ang mataas nabilang ng mga nagnenegosyo ay mayroong implikasyon sa kabuuang kita ng barangay. Kung marami ang nagnenegosyo sa barangay, malaki ang posibilidad na mayroong mataas na revenues o kita ang barangay lalo na kung ang mga negosyong matatagpuan rito ay malalaking negosyo. Ang mga nasabing negosyo rin ay mayroon ring epekto sa mga serbisyong mayroon ang mga tao sa komunidad. Samantala, ang mataas na bilang ng mga empleyado ay maaaring may implikasyon rin sa kanilang partisipasyon sa mga gawain ng barangay. Kung ang mga empleyado ay mayroong pasok sa araw-araw at kung sila ay namamasukan sa ibang lugar, malaki ang posibilidad na sila ay walang gaanong panahon upang makilahok sa mga gawaing pangkomunidad. Mapapansin din sa larawan na mayroon ring mataas na bilang ng factory worker bagamat walang namang gaanong factory na matatagpuan sa barangay. Maaaring ang mga miyembro ng komunidad na nagtatrabaho bilang factory worker ay dumadayo pa sa karatigbayan o mas malayo pang lugar upang mamasukan.

177 113 127 144

16

Larawan Blg. 10.3. Mga uri ng negosyong mayroon sa barangay ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo. Makikita sa Larawan Blg. 10.3 na ang mga uri ng negosyong mayroon sa barangay Calo ay binubuo ng mga sari-sari store na may 177 bilang ng mga nakapanayam; sumunod naman ang mga kainan na mayroong 144 bilang ng mga nakapanayam na sinundan naman ng mga negosyong pangserbisyo na may 127 na bilang ng nakapanayam. Ang agricultural products naman ay mayroong 113 na bilang ng nakapanayam. Pinakamaliit naman ang bilang ng mga nakapanayam na nagsabing may resorts (2) at factory (16) sa barangay. Ang mga datos na ito ay maaaring may implikasyon sa antas ng kaunlarang pangekonomiko ng barangay.

Meron

65

Wala

135

Larawan Blg 10.4. Mga prokeytong pangkabuhayan na alam ng mga nakapanayam na mayroon sa Barangay Calo. Makikita sa Larawan Blg. 10.4 ang dami ng nakapanayam na nagsasabi kung mayroon o walang proyektong pangkabuhayan ang barangay Calo. Karamihan sa mga nakapanayam (135) ang nagsabing walang proyektong pangkabuhayan ang barangay. Samantala, mayroon namang 65 na nagsabing mayroong proyektong pangkabuhayan ang barangay.

Ayon sa mga nakapanayam na nagsasabing mayroong proyektong pangkabuhayan ang barangay, karaniwan nilang ginagamit na halimbawa ang paggawa ng basahan bilang proyektong pangkabuhayan ng barangay. Makikita sa datos na maraming kabahayan ang hindi nakakaalam ukol sa nasabing proyektong pangkabuhayan ng barangay. Maaari itong gawing basehan ng lokal na pamahalaan na mas palawigin ang information dissemination sa barangay at lalo pang hikayatin ang mga mamamayan na makilahok sa mga ganitong proyekto ng barangay lalo na yaong mga nangangailangan ng pagkukuhan ng kabuhayan.

Pagbabago sa klima Problema sa seguridad

Paglakas ng mga bagyo Limitadong trabaho

Paglala ng mga sakit

18% 6% 14% 32%

30%

\ Larawan Blg. 11.1. Mga banta na kinakaharap ng Barangay Calo ayon sa mga kinapanayam. Makikita sa Larawan Blg 11.1 ang mga bantang kinakaharap ng barangay Calo. Ang kadalasang nababanggit ng mga nakapanayam ay ang paglakas ng mga bagyo na mayroong 32 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam. Mayroon namang 30% na nagsabing mayroong pagbabago sa klima, na sinundan ng 18% na nagsabing mayroon ring banta salimitado

o kakulang ng trabaho. Mayroong 14% na nagsabing may banta na kinakaharap ang komunidad sa paglala ng mga sakit at 6% naman ang nagsabi na mayroong problema sa seguridad. Ang mataas na bilang ng mga nagsabi na mayroong mga banta sa paglakas ng mga bagyo at pagbabago ng klima ay nangangahulugan na ang mga miyembro na komunidad ay mayroon ring mataas na kaalaman sa epekto ng climate change. Samantala, ang banta sa kakulangan ng trabaho ay may epekto sa pangkabuhayan ng kanilang pamilya at komunidad. Ang mababang bilang namang ng mga nagsabing mayroong problema sa seguridad ang barangay ay nangangahulugan lamang na ang mga tao sa barangay ay nakakaramdam ng tiwala at komportable na ang paninirahan sa barangay.

Pagbaha

Landslide

Lindol

Dengue at iba pang sakit

14% 17%

65% 4%

Larawan Blg. 11.2. Mga sakuna o disaster na naranasan ng barangay sa nakalipas na sampung taon ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo. Makikita sa Larawan Blg. 11.2. na 65 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam ang nagsasabing pagbaha ang karaniwang sakuna o disasterna naranasan ng barangay sa nakalipas na sampung taon, sinusundan ito ng 17% na nagsabing naranasan ng barangay ang lindol sa nakalipas na sampung taon. May 14% naman na nagsabi na naranasan rin

ng barangay ang dengue at iba pang sakit habang 4% naman ang nagsabi na naranasan ng barangay ang landslide. Mapapansin naang mga nabanggit na sakuna o disaster na naranasan ng barangay Calo sa nakalipas na sampung taon ay magkakaugnay. Ang mga pagbaha, landslide at pagkakaroon ng mga sakit tulad ng dengue ay maaaring maganap dulot ng matitinding pag-ulan o bagyo.

Dumadalas at tumitindi Humihina at dumadalang

Pareho lang sa nakaraang 10 taon

12% 41%

47%

Larawan Blg. 11.3 Karaniwang obserbasyon sa dalas ng mga sakuna o disaster sa barangay sa nakalipas na sampung taon ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo. Makikita sa Larawan Blg. 11.3 na ang karaniwang obserbasyon sa dalas ng mga sakuna o disaster sa barangay sa nakalipas na sampung taon ayon sa mga nakapanayam ay pareho lang sa nakaraang sampung taon. Hindi naman nahuhuli ang porsyento ng mga mga nakapanayam na nagsabing dumadalas ang sakuna o disaster.

Maaaring ang mga nagsabi na pareho lang sa nakaraang sampung taon ang dalas ng sakuna o disaster ay nakatira sa lugar na mataas ang seguridad mula sa mga pagbaha.

Samantala, ang mga nagsasabi naman na dumadalas ang sakuna o distaster ay maaaring sila ay may mataas na kaalaman ukol sa mga pagbabago ng klima.

171

92

93 54 14

Larawan Blg. 11.4. Mga epekto ng sakuna o disaster sa mga mamamayan ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo. Batay sa larawan, sa mga sakuna na naranasan ng Barangay Calo, ang pinakamadalas nitong epekto ay ang pagkasira ng taniman. Pumapangalawa ang pagkakasakit at pagkamatay ng ilang miyembro ng komunidad, sinusundan ng pagkasira ng imprastraktura. Kung babalikan ang mga nakaraan larawan, makikita na pagsasaka ang isasa mga pangunahing uri ng trabaho sa barangay kayat malaki ang epekto ng mga sakuna sa mga pananim ng mga magsasaka. Kaugnay rin ng pagkasira ng mga pananim ang maaaring pagbaba ng kita ng mga magsasaka sa komunidad.

156

139 82 39 47 16 6

Larawan Blg. 11.5. Mga organisasyong tumutulong sa barangay tuwing pagkatapos ng mga sakuna o disaster ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo. Makikita sa Larawan Blg. 11.5 na ang karaniwang organisasyon na tumutulong sa mga mamamayan ng barangay pagkatapos ng mga sakuna o disaster ay ang mgaopisyales ng barangay at ang National Government. Ang pagtulong ng mgaopisyales ng barangay at ng National Government ay nangangahulugan na mayroong sapat na kahandaan ang mga opisyales ng barangay at ng National Government upang tumulong sa mga mamamayan sa panahon ng sakuna at kalamidad.

Handa

Hindi handa

34%

66%

Larawan Blg. 11.6. Kahandaan ng barangay sa mga sakuna ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo Makikita sa Larawan Blg. 11.6 na 66% ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam sa Barangay Calo ang nagsasabi na handa ang barangay sa anumang sakuna o kalamidad na darating sa komunidad; 34% naman ang nagsabing hindi handa ang barangay sa anumang sakuna o kalamidad na darating. Ang mataas na bahagdan ng mga nagsasabing handa ang barangay sa anumang sakuna o kalamidad ay maaring implikasyon na ang lokal na pamahalaan ng Calo ay mayroon talagang ginagawang paghahanda sa anumang sakuna o kalamidad na darating.

Mga bangka at kagamitang pangsagip 21% 9% 31% 39% Mga pangkat na nakatutok sa disaster response May mga lugar na paglilipatan Early warning system

Larawan Blg. 11.7. Mga bagay at proyekto na mayroon sa barangay na makakatulong upang maging handa sa anumang sakuna o disaster ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo. Tignan ang Larawan Blg. 11.7. Ayon sa mga nagsabing handa ang barangay sa anumang sakuna o disaster, mayroong 39% na nagsabing mayroong lugar na paglilipatan sa barangay; 31% naman ang nagsabing mayroong pangkat na nakatutok sa disaster response; 21% ang nagsabing mayroong early warning system sa barangay at 9% ang nagsabing may bangka at kagamitang pangsagip ang barangay.

Mga bangka at kagamitang pangsagip 35% 27% Mga pangkat na nakatutok sa disaster response May mga lugar na paglilipatan Early warning system

16%

22%

Larawan Blg. 11.8. Mga bagay at proyekto na dapat mayroon sa barangay na makakatulong upang maging handa sa anumang sakuna o disaster ayon sa mga nakapanayam sa Barangay Calo. Makikita naman sa Larawan Blg. 11.8 na 35% ang nagsabing dapat mayroong early warning system sa Barangay Calo upang maging handa sa anumang sakuna o disaster; sinusundan ito ng 27% na nagsasabing dapat mayroong mga bangka at kagamitang pangsagip tuwing bumabaha. 22% naman ang nagsabing dapat mayroong pangkat na nakatutok sa disaster response at 16% naman ang nagsasabing dapat mayroong mga lugar na paglilipatan. Mapapansin na halos magkakapantay lamang ang pangangailang sa apat na mga bagay at proyektong nabanggit ng mga nakapanayam sa barangay. Nangangahulugan ito na ang bawat bagay at proyektong nabanggit ay mahalaga upang maging handa ang barangay sa anumang sakuna o disaster.

G. Mga kailangang Pagsasanay at Proyekto para sa Kaunlaran ng Barangay

131

69

Kailangan

Di kailangan

Larawan Blg. 12.1. Pangangailangan ng pagsasanay ng mga miyembro ng sambahayan ng mga nakapanayam sa Barangay Calo. Makikita sa Larawan Blg. 12.1. na 131 nakapanayam ang nagsabing di kailangan ng pagsasanay sa pangkabuhayan o pagnenegosyo samantala, 69 naman ang nagsabi kailangan pa ng pasasanay ng mga miyembro ng sambahayan. Ang mataas na bilang nang nagsasabing di kailangan ng pagsasanay ay maaari implikasyon na ang mga taga-barangay ay mayroon namang sapat na kaalaman ukol sa mga gawaing produktibo ngunit nagkakaroon lamang ng problema sa kakulangan sa mga trabaho sa komunidad.

Pang-edukasyon 14% 14% 11% 18% Pangkalusugan at nutrisyon Pangseguridad 21% Pangkabuhayan Pangkapaligiran Lupa/bahay

22%

Larawan Blg. 12.2. Mga proyekto na nais ng mga nakapanayam na magkaroon sa Barangay Calo. Makikita sa Larawan Blg. 12.2 na 22 bahagdan ng kabuuang bilang ng mga nakapanayam ay nagnanais na mas mapaunlad at mas matutukan ang mga serbisyong pangedukasyon. Nais nilang magkaroon sana ng mga scholarship dahil maraming mga batang hindi nakakapag-aral bunsod ng kahirapan. Pangalawa sa mga nais nilang magkaroon ang kanilang barangay ay ang proyektong pangkabuhayan gaya ng pautang sa negosyo at pagsasanay sa negosyo. Ayon sa kanila, sa ganitong paraan ay mas matutulungan nila ang mga sambahayan lalo na yaong mga walang pinagkukunan ng kabuhayan. Dagdag pa nila, kapag ang mga magulang ay may pinagkukuhanan ng kabuhayan, mababawasan ang mga batang hindi nakakapag-aral dahil sa kahirapan. Pangatlo sa mga nais nilang paunlarin sa kanilang barangay ay ang proyektong pangkapaligiran. Isa sa mga natukoy na problema ng barangay ang mga maruming kapaligiran. Ayon sa mga nakapanayam, ang mga basurang kinokolekta ay hindi agad naididiretso sa landfill

kayat natatambak muna ang mga basura sa gilid ng barangay. May mga nagsabi rin na nais nilang magkaroon ng mga proyekto tulad ng tree planting. Magkapantay naman ang porsyento ng mga nagnanais na mas paigtingin ang seguridad sa barangay at dagdagdan ang mga proyektong pangkalusugan at nutrisyon. Ayon sa mga nakapanayam, dapat mas maging mahigpit ang mga tanod na rumoronda gabi-gabi dahil maraming mga kabataan na ginagabi sa lansangan. Nais naman ng iba na dagdagan ang mga feeding programs/medical and dental missions para mas maging malalakas at malulusog ang mga mamamayan ng barangay. Kakaunti naman ang nagnanais ng mga lupat-bahay dahil karamihan sa mga nakapanayam ay nakatira at komportable na sa kani-kanilang mga sariling kabahayan.

IV. KONKLUSYON Kung tatalakayin ang partisipasyon ng mga residente sa mga gawaing pangkomunidad, nangunguna ang kanilang kaalaman at pagiging pamilyar sa samahan ng mga kababaihan na nagpapahiwatig na maaaring higit na marami ang mga proyekto at programang ipinapatupad ng nasabing organisasyon. Maaari rin na higit na marami ang miyembro sa samahang pangkababaihan kayat mataas ang antas ng pagkakakilanlan nito sa buong barangay. Mula rin sa pag-aaral ay napag-alaman na lubos na mataas ang mga mamamayan na hindi kasapi sa mga kasalukuyang organisasyong naitatag sa barangay. ang mga hinaing ng mga residente ay may kaugnayan sa paraan ng paghihikayat ng mga opisyal. Marami ang may hinaing sapagkat ayon sa kanila ay pinipili lamang ang maaaring isinasama upang mahikayat na makisama o magkaroon ng partisipasyon kayat sa limitadong bilang lamang ng tao ang pinaglalaanan ng panahon na makatugon sa mga nasabing organisasyon. Subalit sa kabilang banda naman ay napag-alaman na nasa kalahati ang antas ng nakikiisa sa mga gawaing pangkomunidad na tumutukoy na ang pagpapahalaga sa mga gawaing pangpamayanan at pagtulong ay ilan sa mga mabubuting kaugaliang namamayani sa naturang barangay. Mula rin sa kaalamang ito ay maaaring ipakahulugan na marami ang nagnanais na maging kasapi sa mga organisasyong mayroon ang barangay kung sila lamang ay makakabilang sa mga taong hihikayatin na maki-ambag ng kontribusyon na kanilang makakaya.

V. REKOMENDASYON PARA SA KOMUNIDAD Mula sa nakalap na impormasyon ay magkakaroon kami ng rekomendasyon mula sa mga partikular na nakikita o napapansin ng mas nakakaraming residente sa barangay. Una ay ang pagnanais nilang pagtugon sa suliraning pangkapiligiran ukol sa mga tambak na basura na nagkalat. Kanilang iminumungkahi na magkaroon ng mas maraming wastong tapunan o basurahan na ipakalat sa pangkalahatan ng barangay. Isa pang mungkahi ay tungkol sad alas ng paghahakot ng basura na kung maaari sana ay mas dalasan na mula sa isang beses lamang sa isang linggo ay maaaring gawing dalawa o tatlong beses para hindi natatambakan ng basura ang mga residente dahil nagiging suliranin ang paghahalungkat ng mga hayop gaya ng aso at pusa sa mga basura kaya ito ay napapakalat. Isa rin sa nais matugunan ay ang suliranin sa pangkabuhayan na madalas idinadaing ng mga mamamayan sa barangay na ayon sa kanila ay kapos na kapos para bigyang oportunidad ang mga maralita na magkaroon ng pagkakakitaan. Marami ang hikahos sa buhay na nais magkaroon ng hanapbuhay ngunit hindi nabibigyan ng pagkakataon gaya ng pansimulang puhunan sa negosyo o mabilang man lang na maging empleyado. Maaaring mas damihan pa ang mga proyektong pangkabuhayan, gaya ng pagbibigay ng pansimulang puhunan at pagpapatupad ng mga workshop para maturuan ang mga mamamayan tungkol sa mga negosyong maaaring pagkakitaan at makabubuti rin na magsagawa ng job fair para sa barangay. Napakarami sa mga nakapanayam ang ganito ang hinaing kung kayat nararapat lamang na simulang tugunan ng mga opisyal ang suliraning pang-ekonomiya at ilagay dapat sa mga pangunahing layunin ang pagtaas ng antas ng buhay ng mga maralita upang maging kaisa sila sa gawaing produktibo ng komunidad. Mula rito ay maipapakahulugan na kinakailangang maging una parati ang

pagsasaalang-alang na mapagaan ang uri ng kabuhayang mayroon ang mga mamamayan sa barangay. Maging ang pagkapantay-pantay ng pagtingin at pakikitungo sa mga miyembro ng komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaukulang serbisyo para sa mga nangangailangan. Sa ganitong pamamaraan maipapadama ng mga opisyales ng barangay ang pagpapahalaga sa mga mamamayan na magiging daan upang maging mas mataas ang pagkakakilanlan ng mga tao sa kanila. Napag-alaman kasi na ang kapitan ng barangay at mangilan-ngilan lamang sa mga barangay kagawad ang kilala ng mga residente. Makabubuting mas mapaigting ang relasyon ng mga mamamayan sa mga opisyales upang mas matugunan nila ang nararapat na pangangailangan ng pamayanan. Ito ay maisasagawa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga programang maaanyayahan ang nakararami sa mga residente at kanilang masisilayan ang personal na pamumuno at pakikilahok ng mga opisyales ng barangay sa mga ito. Ang karagdagang rekomendasyon ay kaugnay naman ng problemang pang-edukasyon na ayon sa mga nakapanayam ay hindi natustusan ng maayos ng lokal na pamahalaang barangay sapagkat mataas na porsyente ng mga nakapanayam ang nagsabing marami ang hindi nakakapagaral. Iminimungkahi na damihan pa ang mga scholarship programs para sa mga kabataan, karagdagang pagtugon din na kanilang naisin ay ang karagdagang gami para sa paaralan para sa mga mag-aaral at gayundin para sa guro upang maayos na makapaturo.

VI.

REKOMENDASYON PAMAYANAN

UKOL

PAGPAPABUTI

NG

PAG-AARAL

SA

Upang mas maging maayos at mapagtibay ang kredibilidad ng isinasagawang pag-aaral ng pamayanan, iminumungkahing itaas ang bilang ng mga kakapanayamin. Mula sa mga literatura ng siyentipiko at sosyolohiyang pag-aaral, ang resulta ng mga nakalap na impormasyon ay mas mapapagtibay kung ito ay magmumula sa mas malaking bahagi ng populasyon. Ang kakaunting bilang na manggagaling sa populasyon ay hindi gaanong wastong representasyon ng pangkalahatang populasyon ng isang pamayanan. Iminumungkahi rin ang paggamit ng teknolohiya sa pagtukoy ng mga eksaktong lokasyon ng mga kabahayang magiging bahagi ng pag-aaral at ito ay maisasakatuparan sa pamamagitan ng paggamit ng Global Positioning System o GPS. Bukod sa nabanggit, ang GPS din ay makakapagbahagi ng distansya ng mga kabahayan at iba pang mga heyograpikong impormasyon na lubos na makakatulong sa pag-aaral. Iba pang karagdagang rekomendasyon ay ang mas matibay na relasyong propesyonal ng mga mananaliksik sa mga namumuno sa barangay. Mula rito ay dadaloy ang komunikasyong bukas at maayos na magsisilbing tulay sa pagkalap ng mas marami pang impormasyon na magkakaroon ng mahalagang bahagi sa pag-aaral. Sa tulong din ng mga opisyal ay mahihikayat ang mas maigting na kooperasyon ng mga residente sa naturang barangay upang makapagbahagi pa sila ng kanilang mga saloobin na patungkol sa pamayanang kanilang kinabibilangan.