Vous êtes sur la page 1sur 39

San Mateo Elementary School San Pablo City, Laguna A.Y.

2012-2013

Project in filipino

SUBMITTED BY : JOHN DARREL A. GUEVARRA SUBMITTED TO : MRS. JUDYCEL B. MANALO

TABLE OF CONTENTS

Mga Bugtong3-5 Mga Salawikain..6-8 Mga Pamahiin.9-12 Mga Matalinhagang Salita..13-14 Mga Kwentong Bayan15-21 Mga Pabula.22-26 Mga Alamat27-38 Mga Kasabihan.39

MGA BUGTONG
3

1. Binili ko nang di kagustuhan, ginamit ko nang di nalalaman. Sagot: kabaong 2. May binti walang hita, may tuktok walang mukha. Sagot: kabute 3. Bugtong-bugtong, magkakarugtong. Sagot: kadena 4. Ang inay gumagapang pa, ang anak ay umuupo na. Sagot: kalabasa 5. Araw araw bagong buhay, taun-taon namamatay. Sagot: kalendaryo 6. Bugtong kong sapin sapin, nakasabit, nakabitin, araw araw kung bilangin, isang taon kung tapusin. Sagot: kalendaryo 7. Putukan nang putukan, hindi nag kakarinigan. Sagot: kampana 8. Dalawang mag kaibigan, lakad ay walang humpay,

wala naming patutunguhan. Sagot: kamay ng orasan 9. Akoy may kasama sa pahingi ng awa; akoy di umiyak, siya ay lumuha. Sagot: kandila 10. Naririto si pascualita, hila-hila ang bituka sagot: karayom at sinulid 11. Isang senyora, nakaupo sa tasa sagot: kasoy 12. Anong halaman ang sagana sa ugat, dahon, at sanga, ngunit wala sa bunga sagot: kawayan 13. Nang sanggol pa ay palalo, mataas na langit ang itinuturo; nang lumaki at lumago, sa sariling puno ay yumuko sagot: kawayan 14. Ma-tag-init, ma-tag-ulan, dala-dalay balutan. Sagot: kuba

15. Naabot na ng kamay, iginawa pa ng tulay. Sagot: kubyertos 16. Limang mag kakapatid, tig-tig-isa ng silid. Sagot: kuko 17. May hita ay walang binti, may ngipin ay walang labi. Sagot: kudkuran 18. Maliit pa si kumara, marunong ng humuni. Sagot: kuliglig 19. May sunong, may kilik, may salakab sa puwit. Sagot: mais 20.Pusong bibitin-bitin, mabangong parang hasmin, masarap kanin. Sagot: mangga 21. Tag-ulan at tag-araw hanggang tuhod ng salawal. Sagot: manok 22. Dalawang bolang sinulid, abot hanggang langit. Sagot: mata

23. Ang mukha'y parang tao, magaling lumukso. Sagot: matsing 24.Hindi akin, hindi iyo, ari ng lahat ng tao. Sagot: mundo 25. Heto na si amain, nagbibili ng hangin. Sagot: musikero 26.Walang bibig, walang pakpak, kahit hariy kinakausap. Sagot:aklat 27. Baston ng kapitan, hindi mahawakan. Sagot: ahas 28.Isang biyas ng kawayan, maraming ng lamang kayamanan. Sagot: alkansiya 29. Bahay ni kahuli,

haligiy bali-bali, ang bubong ay kawali. Sagot: alimango 30. Heto na si kuya, may sunong sa baga. Sagot: alitaptap
5

MGA
SALAWIKAIN

1. Ang kalusugan ay kayamanan. - health is wealth 2. Ang buhay ay parang gulong, minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim. - life is like a wheel, sometimes your up sometimes your down. 3. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan. - a person who does not remember where he came from will never reach his destination. 4. Ang karukhaan ay hindi hadlang sa pagtatagumpay. - poverty is not a hindrance to success. 5. Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa mabaho at malansang isda. - he who does not love his own mother tongue is worse than a rotten fish. 6. Ang palay ay parisan, habang nagkakalaman ay alalong nagpupugay. imitate the rice stalk, the more grains it bears, the lower it bows. 7. Ang umaayaw ay di nagwawagi, ang nagwawagi ay di umaayaw. - a quitter never wins, a winner never quits. 8. Walang tiyaga, walang nilaga - no pain, no gain 9. Magsama-sama at malakas, magwatak-watak at babagsak. - united we stand, divided we fall. 10. Masakit ang katotohanan. -the truth hurts. 11. Ang sakit ng kalingkigan, dama ng buong katawan. - the pain of the little finger is felt by the whole body. 12. Huli man daw at magaling, naihahabol din. - better late than never. 13. Kapag and dagat ay tahimik, asahan mo at malalim. - still waters runs deep.

14. Ang tulog na hipon , tinatangay ng agos. - a sleeping shrimp is carried away by the current. 15. Ang pag-aasawa ay hindi biro, 'di tulad ng kanin, iluluwa kung mapaso - marriage is not a joke. It is not like food that you can spit out when it is too hot to chew. 16. Walang palayok na walang kasukat na tungtong. - every pot has a matching lid. 17. Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan. - - -you will know a true friend in time of need. 18. Naghangad ng kagitna, isang salop ang nawala. - - - he who takes a lot of risks loses more than he can gain. 19. Pulutin ang mabuti, ang masama ay iwaksi. - - - emulate what is good, ignore what is bad. 20.Walang lumura sa langit na di sa kanyang mukha nagbalik. - - - nobody who spits upward does not spit on his face. 21. Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo. - - - of what use is the grass when the horse is already dead. 22. Maraming salita, kulang sa gawa. A man that talks too much accomplishes little. 23. Madaling sabihin, mahirap gawain. Easier said than done. 24. Ubos-ubos biyaya, pagkatapos nakatunganga. --spend lavishly and you end up with nothing. 25. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makakarating sa paroroonan. - a person who does not remember where he came from will never reach his destination.
8

MGA PAMAHIIN
9

1. KAILANGANG APAKAN NG BABAENG IKINAKASAL ANG PAA NG LALAKI HABANG


PAPUNTA SA ALTAR UPANG SIYA ANG MAGING DOMINANTE SA KANILANG PAGSASAMA.

2. BUWENAS PARA SA IKINAKASAL KAPAG UMULAN SAPAGKAT


NANGANGAHULUGAN ITO NG KASAGANAAN SA KANILANG PAGSASAMA.

3. ANG SINUMANG BABENG SUMONOD SA DINAANAN NG BAGONG KASAL


HABANG NAGPAPASO SA SIMBAHAN AY MAKAKAPAG-ASAWA RIN SA LALONG MADALING PANAHON.

4. MASAMA PARA SA MAGKAPATID ANG MAGPAKASAL SA LOOB NG IISANG


TAON.

5. ANG PAGREREGALO NG ARENOLA AY BUWENAS PARA SA BAGONG KASAL. 6. KAPAG NAUNANG TUMAYOANG BABAENG IKINASAL MULA SA
PAGKAKALUHOD SA SEREMONYA NG KASAL AY MAGIGING DOMINANTE ITO.

KABALIGTARAN NAMAN KAPAG ANG LALAKI ANG NAUAN. 7. SA BABAENG MAY ASAWA, KAILANGANG KANANG PAA PALAGI ANG UNANG
IHAKBANG TUWING UUWI NG BAHAY UPANG HINDI MASIRA ANG KANILANG PAGSASAMA.

8. PARA SA BAGONGKASAL, ANG SINUMANG MAUNANG GUMASTA MATAPOS ANG


KASAL ANG SIYANG MAGIGING DOMINANTE SA KANILANG PAGSASAMA.

9. KUNG MAYROON KANG KASAMBAHAY NA BUNTIS, MASAMA ANG PUMATAY NG


TUKO SAPAGKAT MALAMANG NA MAMATAY RIN ANG SANGGOL SA KANYANG SINAPUPUNAN.

10. KAPAG PINALO NG BUNTIS ANG ISANG HAYOP AY GANOON DIN ANG
MAGIGING MUKHA NG SANGGOL NA KANYANG IPINAGBUBUNTIS. 10

11. ANG BALAT NG ISANG SANNGOL AY PALATANDAANG ANG KANYANG INA AY


MAYROONG PINAGLIHIANG HINDI NIYA NAKAIN. KAILANGANG HIPUIN NG ISANG BUNTIS ANG KANYANG PUWIT UPANG SA PUWIT DIN NG BATA MAPUNTA ANG MAGIGING BALAT NITO.

12. ANG KUTIS O HITSURA NG SANGGOL AY DEPENDE SA PINAGLIHIAN NG


KANYANG INA. KAPAG MGA MAPUPUTI AT MAGAGANDANG BAGAY ANG NAPAGLIHIAN AY GANUN DIN ANG MAGIGING HITSURA NG SANGGOL.

13. KAPAG MADALAS NA PUMINTIG ANG KALIWANG BAHAGI NG TIYAN NG ISANG


BUNTIS, SIYA AY MAGKAKAANAK NG BABAE. KABALIGTARAN NAMAN KAPAG SA KANAN.

14. ANG ISANG PUNONG KAHOY NA MARAMING BUNGA AY MALALANTA AT


TITIGIL SA PAMUMUNGA KAPAG ANG BUNGA NITO AY NAPAGLIHIAN NG ISANG BUNTIS. KAILANGANG IHIAN NG KANYANG ASAWA ANG PUNO UPANG BUMALIK ITO SA DATING SIGLA.

15. KAPAG PINAGTAWANAN NG ISANG BUNTIS ANG ISANG TAONG MAY


KAPANSANAN, ANG KANYANG MAGIGING ANAK AY MAGKAKAROON DI NG GANOONG KAPANSANAN.

16. MASAMA ANG MAGPAKUMPUNI NG BAHAY KAPAG KAGAMPAN NG


KASAMBAHAY NA BUNTIS SAPAGKAT TIYAK NA MAHIHIRAPAN ITONG MANGANGANAK. MASAMA RIN PARA SA ISANG BUNTIS ANG MAUPO SA HAGDAN NG BAHAY.

17. KAPAG MAYROONG NAGAGANAP NA EKLIPSE, KAILANGANG MAGSILABAS NG


BAHAY ANG MGA BUNTIS UPANG HINDI MAGING ABNORMAL ANG KANILANG MAGIGING ANAK.

18. UPANG MAGING MAGINHAWA AT HINDI MAHIRAPANG MANGANAK ANG


11

ISANG BABE, KAILANGAN BUKSAN ANG LAHAT NG BINTANA AT PINTUAN.

KAILANGAN DING KALAGIN ANG ANUMANG BUHOL SA LUBID SA PALIGID AT


MAGLAGAY NG KUTSILYO O LANSETA SA ILALIM NG KAMA NITO HABANG NANGANGANAK.

19. ANG SINUMANG LALAKI AY MAGLILIHI KAPAG NAHAKBANGAN NG KANYANG


ASAWANG NAGLILIHI.

20. KAPAG ANG ISANG BAGONG SILANG SA SANGGOL AY DINA MITAN NG


LUMANG DAMIT, SIYA AY MAGIGING MATIPID KAPAG LUMAKI.

21. ANG SINUMANG BAGONG SILANG NA SANGGOL NA UMIYAK NANG MALAKAS


AY MAGKAKAROON NG MAHABANG BUHAY.

22. UPANG MAGING MATALINO ANG BAGONG SILANG NA SANGGOL,


KAILANGANG IBAON ANG KANYANG INUNAN SA LUPA NA MAYROONG KASAMANG LAPIS AT PAPEL.

23. MAKABUBUTI KAPAG PABIBINYAGAN ANG BATA SA PAREHONG ARAW RIN NA


SIYA AY IPINGANAK.

24. ANG ISANG SANGGOL AY MAGIGING MAKAAMA KAPAG DINAMITAN ITO NG


DAMIT NA GINAMIT NA NG AMA. KABAGLITARAN NAMAN KAPAG DAMIT NA NAGAMIT NA NG INA ANG ISINUOT DITO.

25. KAPAG ANG ISANG SANGGOL AY MAHILIG DUMILA, IBIG SABIHIN AY


MAYROONG PAGKAING NAPAGLIHIAN ANG INA NITO NA HINDI NA KAIN.

12

MGA
matalinhagang

salita
13

1. Agaw-Buhay Naghihingalo 2. Anak-dalita Mahirap 3. Balitang-kutsero Hindi totoong balita 4. Bungang-araw Sakit sa Balat 5. Balat-Sibuyas Manipis, maramdamin 6. Butott balat- payat na payat 7. Mabigat na kamay Tamad magtrabaho 8. Malikot na kamay Kumukuha ng hindi kanya 9. Di makabasag-pinggan- Mahihin 10. Pag iisang dibdib Kasal 11. Daga sa dibdib Takot 12. Naniningalang pugad- nanliligaw 13. Ningas-kugon panandalian 14. Matalas ang ulo matalino 15. Takaw tulog- mahilig matulog 16. Takipsilim- paglubog ng araw 17. Tawang-aso- nagmamayabang 18. Samaing palad malas na tao 19. Sampay bakod taong nagpapanggap 20.Putok sa buho anak sa labas 21. Mababa ang loob maawain 22. Bukal sa loob taos-puso, tapat 23. Isulat sa tubig kalimutan 24.Makitid ang isip mahinang umunawa 25. Mahina ang loob - Duwag
14

MGA
kwentong

bayan
15

SI MARIANG MAPANGARAPIN

Magandang dalaga si Maria. Masipag siya at masigla. Masaya at matalino rin siya. Ano pa't masasabing isa na siyang ulirang dalaga, kaya lang sobra siyang pamangarapin. Umaga o tanghali man ay nangangarap siya. Lagi na lamang siyang nakikitang nakatingin sa malayo, waring nagiisip at nangangarap nang gising. Dahil dito, nakilala siya sa tawag na Mariang Mapangarapin. Hindi naman nagalit si Maria bagkos pa ngang ikinatuwa pa yata niya ang bansag na ikinabit sa pangalan niya.

Minsan niregaluhan siya ng isang binata ng isang dosenang dumalagang manok. Tuwang-tuwa si Maria! Inalagaan niyang mabuti ang alaalang bigay sa kanya ng iisang manliligaw niya. Nagpagawa siya sa kanyang ama ng kulungan para sa mga manok niya. Higit sa karaniwang pagaalaga ang ginawa ni Maria. Pinatuka niya at pinaiinom ang mga ito sa umaga, sa tanghali at sa hapon. Dinagdagan pa ito ng pagpapainom ng gamot at pataba. At pinangarap ni Maria ang pagdating ng araw na magkakaroon siya ng mga inahing manok na magbibigay ng maraming itlog. Lumipas ang ilang buwan hanggang sa dumating ang araw na nag-itlog ang lahat na inahing manok na alaga ni Maria. Labindalawang itlog ang ibinibigay ng mga inahing manok araw-araw. At kinuwenta ni Maria ang bilang ng itlog na ibibigay ng labindalawang alagang manok sa loob ng
16

pitong araw sa isang linggo. Kitang-kita ang saya ni Maria sa kanyang pangarap. At inipon na nga ni Maria ang itlog ng mga inahing manok sa arawaraw. Nabuo ito sa limang dosenang itlog. At isang araw ng linggo ay pumunta sa bayan si Maria. Sunong niya ang limang dosenang itlog. Habang nasa daan ay nangangarap nang gising si Maria. Ipagbibili niyang lahat ang limang dosenang itlog. Pagkatapos, bibili siya ng magandang tela, ipapatahi niya ito ng magandang bistida at saka lumakad siya ng pakendeng-kendeng. Lalong pinaganda ni Maria ang paglakad nang pakendeng-kendeng at BOG! Nahulog ang limang dosenang itlog! Hindi nakapagsalita si Maria sa kabiglaan. Saka siya umiyak nang umiyak. Naguho ang kanyang pangarap kasabay ng pagbagsak ng limang dosenang itlog na kanyang sunung-sunong. Mensahe: Gawing makatotohanan ang layunin o adhika upang ito ay maisakatuparan. Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.84-85.

17

Ang Punong Kawayan

Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian. Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan. Minsan, napaligsahan ang mga punungkahoy. Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata. Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya maraming ibon sa aking mga sanga. Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulangpula. Kahit malayo, ako ay kitang-kita na. Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga,wika ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan ninyo. Wala siyang kakibukibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.

18

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan. Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang pinalakas ang kanyang paghiip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy. Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa hilip ng malakas na hangin ang nakatayo at di nasalanta. Mensahe: Ang kababaang-loob, papuri ang dulot.

Sanggunian: Aragon, Angelita L. Mga Alamat at iba pang mga Kuwento (Legends and other Stories). Quezon City: Tru-Copy Printing Press, 1986, pp.77-78.

19

Nakalbo ang Datu

Ang kuwentong ito ay tungkol sa ating kababayang Muslim. May katutubong kultura ang mga Pilipinong Muslim tungkol sa pag-aasawa. Sa kanilang kalinangan, ang isang lalaki ay maaaring mag-asawa nang dalawa o higit pa kung makakaya nilang masustentuhan ang pakakasalang babae at ang magiging pamilya nila. May isang datu na tumandang binata dahil sa paglilingkod sa kanyang mga nasasakupan. Lagi siyang abala sa pamamahala ng kanilang pook. Nalimutan ng datu ang mag-asawa. Siya ay pinayuhan ng matatandang tagapayo na kinakailangan niyang mag-asawa upang magkaroon siya ng anak na magiging tagapagmana niya. Napilitang mamili ang datu ng kakasamahin niya habang buhay. Naging pihikan ang datu dahil sa dami ng magagandang dilag sa pinamumunuang pamayanan. Sa tulong ng matiyagang pagpapayo ng matatandang bumubuo ng konseho, natuto ring umibig ang datu. Ngunit hindi lamang iisang dilag ang napili ng datu kundi dalawang dalagang maganda na ay mababait pa. Dahil sa wala siyang itulak-kabigin kung sino sa dalawa ang higit niyang mahal kaya pinakasalan niya ang dalawang dalaga. Ang isa sa dalagang pinakasalan ng datu ay si Hasmin. Siya ay batangbata at napakalambing. Kahit na matanda na ang datu, mahal ni Hasmin ang asawa. Mahal na mahal din siya ng datu kaya ipinagkaloob sa kanya ang bawat hilingin niya. Dahil sa pagmamahal sa matandang datu, umisip si Hasmin ng paraan upang magmukhang bata ang asawa.
20

Ah! Bubunutin ko ang mapuputing buhok ng datu. Sa ganito, magmumukhang kasinggulang ko lamang siya. Ganoon nga ang ginawa ni Hasmin. Sa tuwing mamamahinga ang datu, binubunutan ni Hasmin ng puting buhok ang asawa. Dahil dito, madaling nakakatulog ang datu at napakahimbing pa. Mahal din ng datu si Farida, ang isa pa niyang asawa. Maganda, mabait si Farida ngunit kasintanda ng datu. Tuwang-tuwa si Farida kapag nakikita ang mga puting buhok ng datu. Kahit maganda siya, ayaw niyang magmukhang matanda. Tuwing tanghali, sinusuklayan ni Farida ang datu. Kapag tulog na ang datu, palihim niyang binubunot ang itim na buhok ng asawa. Dahil sa ipinakikitang pagmamahal ng dalawa sa asawa, siyang-siya sa buhay ang datu. Maligayang-maligaya ang datu at pinagsisihan niya kung bakit di kaagad siya nag-asawa. Ngunit gayon na lamang ang kanyang pagkabigla nang minsang manalamin siya, Hindi niya nakilala ang kanyang sarili. Kalbo! Kalbo, ako! sigaw ng datu. Nakalbo ang datu dahil sa pagmamahal ni Hasmin at ni Farida.

Mensahe: Ang pagmamahal ay naipakikita sa iba't-ibang paraan.

21

MGA pabula

22

Ang Pabula ng Daga at ng Leon


Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga. "Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin" sabi ng daga. Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, " sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng mga nangagaso sa kagubatan. Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na nakawala sa lambat. "Utang ko sa iyo ang aking buhay," laking pasasalamat na sabi ng leon sa
23

kaibigang daga.

Mga aral ng pabula: Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa. Ang pag-unawa sa kapwa ay humahantong sa mabuting pagkakaibigan. Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa. Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulong ng malaki o makagawa ng bagay na lubhang makabuluhan.

Ang Kabayo at ng Kalabaw


Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay. Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at panghihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit. "Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?" pakiusap ng kalabaw. "Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo," anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad. "Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw. "Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

24

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw. Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin. "Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa kanyang sarili.

Mga aral ng pabula: Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat na kaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan.

Ang Kabayo at ang mangangalakal


Isang mangangalakal ang maghahatid ng dalawang sakong asin sa palengke. Inilulan niya ang mga sako ng asin sa kanyang kabayo at nagtungo sila sa palengke. Nang tumatawid sila sa isang ilog na dinaanan ay hindi sinasadyang nadulas at natumba ang kabayo. Napunit ang mga sako at ang ilang bahagi ng asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw dahil sa pagkababad sa tubig. Hindi naman nasaktan ang kabayo at napansin niya na lubhang gumaan ang pasan niyang dalawang sako ng asin at siya ay natuwa Nang sumunod na linggo ay magpupunta uli ang mangangalakal sa palengke at naglulan na nman ng dalawang sakong asin sa kanyang
25

kabayo. nang mapalapit na sila sa ilog ay napagisip-isip ng kabayo: "Kung magpapadulas ako sa ilog ay tiyak na gagaan uli ang pasan ko," ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili. Ganun na nga ang ginawa ng kabayo. Muling nabutas ang mga sako at ibang asin ay nabuhos sa ilog at ang iba naman ay nalusaw. Nguni't sa pagkakataong eto ay nakahalata ang mangangalakal na sadyang nagpadulas ang kabayo sa ilog. Pagdaan pa ng isang linggo ay muling magtutungo ang mangangalakal sa palengke subalit sa pagkakataong eto ay apat na baldeng may lamang alpombra ang kanyang inilulan sa kabayo - dalawang balde sa magkabilang tabi ng kabayo. "Aba, ok to, mas magaan ang pasan ko ngayon. Ganun pa man ay magpapadulas pa rin ako sa ilog para mas gumaan pa ang pasan ko," ang sabi ng kabayo sa kanyang sarili. Pagdating sa ilog ay kusa na namang nagpadulas ang kabayo ngunit laking gulat niya nang biglang bumigat ang kanyang pasan nang siya ay malublob sa tubig. Ang apat na balde na may alpombra ay napuno ng tubig at di hamak nanaging mas mabigat pa keysa sa dalawang sakong asin.

Mga aral ng pabula: Ang pagiging tuso ay may katapat na panangga. Ang masamang balakin ay may katapat na kaparusahan.

26

MGA alamat

27

ALAMAT NG MACOPA Noong mga unang taon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sinasabing tahimik at maligayang namumuhay ang mga tao sa isang nayon sa Kailokohan. Madaling naihasik ng mga Kastila ang Kritiyanismo sa nayong yaon sapagkat ang mga mamamayan at mababait at masunurin. Kilala rin sila sa kasipagan at pagkamadasalin. Ganyan na lamang ang pagmamahal at pag-iingat ng mga tao roon sa gintong kampana sapagkat nananalig silang sa kampanang yaon nakasalalay ang takbo ng kanilang pamumuhay. Nagsisilbi yaong inspirasyon nila sa buhay. Lalo silang nagsisikap na mapaunlad ang kanilang kabuhayan. Ang kampanang ginto ay naging sagrado at napakahalaga sa mga mamamayan, naging laging usap-usapan hanggang mabalitaan ng masasamang loob sa isang malayong pook. Nais din nila ang kasaganaan, kaya't hinangad nilang mapasakanila ang kampana. Lihim silang bumalangkas ng kaparaanan. Nalaman nilang sa itaas ng simbahan nakalagay ang kampana. Isang gabing madilim ay nagsipaghanda sila at sandatahang tinungo ang pook ng simbahan. Mangyari na ang mangyari, pilit nilang kukunin ang kampana. Sa kabutihang-palad, may nakapagbalita naman sa mga pari sa napipintong panloloob sa simbahan. Nalaman nilang ang kampana ay nanakawin kaya't buong ingat nila iton ibinaba at lihim na ibinaon. Ipagsasanggalang nila ito anuman ang kanilang sapitin! Nang dumating ang masasamang loob ay hindi na nila nakita ang kampanang ginto. Laking galit nila! Dahil sa pagkabigo, pinagpapatay nilang lahat ang nasa simbahan sapagkat ayaw magtapat sa kinaroroonan ng kampana.
28

Anong lungkot sa taong bayan kinabukasan! Patay lahat ang mga tao sa simbahan - ang mga pari, sakristan at ilang mga tauhan ! Wala ang kampana at walang nakakaalam kung saan ito naroroon. Inasikaso ng taong bayan ang mga bangkay ng nasawi at inilibing ang mga iyon nang buong dangal. Mula noon, ang tagingting ng kampana ay hindi na narinig sa nayong naturan. Nalungkot na ang mga tao at nawalan na sila ng sigla at pag-asa. Tinamad na rin sila at natuyo ang kanilang pananim. Umunti na ng umunti ang kanilang ani at mga alagang hayop. Lumipas ang maraming taon at ang tungkol sa kampana ay nalimot na ng mga tao. Nangamatay na ang matatandang nakakaalam sa kasaysayan ng kampanang ginto at ang mga kabataan nama'y wala nang nalalaman tungkol doon. Sa loob ng bakuran ng simbahan ay may tumubong isang punong di pa kilala ng mga tao. Ito'y nagbunga ng hugis kampana, makikislap na pula ang labas at maputing parang bulak ang laman. Sapagkat nasa bakuran ng simbahan, ang mga bunga'y sa gintong kopa sa simbahan naihambing ng mga tao. "Parang kopa!" ang sabi ng ilan. "Maraming kopa!" ang bulalas naman ng marami. Simula noon, kung tawagin ng mga tao ang pook simbahan ay sinasabing, :Doon sa maraming kopa, doon sa makopa." Nang matagalan, ang puno ay nakilala na sa tawag na makopa.

29

ALAMAT NG SAMPAGUITA Ang sampaguita, na ating pambansang bulaklak, ay may iniingatang isang magandang alamat. Ang dalawang pangunahing tauhan ay bibigyan natin ng mga makabagong pangalan, bagaman ayon sa mattanda, ang mga tagpong inilalarawan sa kuwento ay nangyari noong bago pa dumating dito sa atin ang mga Kastila. Noo'y panahon pa ng mga baranggay at datu. Ang Balintawak at ang Gagalangin ay baranggay na magkapit-bahay. Sa pagitan ay may isang matibay na bakod na yari sa mga pinatuyong kawayan , na tuwing limang taon ay ginigiba at pinapalitan. Kung minsan, ang nagpapalit ay ang mga kawal ng datu sa Gagalangin; kung minsan naman ay ang mga kawal ng datu sa Balintawak. Ngunit ang lahat ay gumagawa alinsunod sa utos ng kani-kanilang puno. Ang datu ng Balintawak ay mayroon daw isang anak na dalaga na walang pangalawa sa kagandahan, maging sa mukha at sa pag-uugali. Ang ngalan niya ay Rosita, wala na siyang ina, datapuwa't mayroon siyang apat na abay na pawang mga dalaga rin; sila ang nag-aasikaso sa kanyang mga pangangailangan. Maraming binatang nagingibig sa kanya, ngunit ang nakabihag ng kanyang mailap na puso ay ang anak na binata ng datu ng Gagalangin na nangangalang Delfin. Nakapagtataka kung bakit gaong ang kanilang mga ama ay mahigpit na magkaaway ay sila'y tinubuan ng pag-ibig sa isa't isa. Marangal ang pagibig ni Delfin kay Rosita -- walang halong pag-iimbot, alang ano mang masamang hangarin. Sa isang sulok ng bakod ng hanggahan natatabingan ng malagong halaman, si Delfin ay gumagawa ng isang lihim na lagusan kanayang madaraanan. Kaya't kung gabing maliwanag ang buwan, malimit daw magpasayal sila ni Rosita, kasama ang mga abay na dalaga. Sinasamyo nila ang malinis na simoy ng kabukiran at pinanonood nila ang kaayaayang mukha ng buwan. Ang pag-iibigan nilang iyon ay lingid sa kaalaman ng kanilang mga magulang.
30

Minsan, nabalitaan ng datu ng Gagalangin na ang hanggahang bakod ay binubuwag at pinapalitan ng mga taga-Balintawak. Nag-utos siya sa ilan niyang mga tauhan upang magmasid sa ginagawang pagbabakod ng mga taga-Balintawak. Nang sila'y magbali, tumanggap siya ng blita na ang bagong bakod na itinatayo ay iniusod nang may limang talampakan sa dako ng Gagalangin, at samakatuwid ay nakakakuha sa kanilang lupa. Agad siyang nagpautos sa datu ng Balintawak. "Sabihin ninyo," anya sa mga utusan, " na ibalik ang bakod sa dating kintatayuan. Hindi matuwid ang kanilang ginagawa, sapagka't tunay na isang pagnanakaw." Nagalit ang datu ng Balintawak nang humarap sa kanya ang mga sugong buhat sa Gagalangin at sabihin sa kanya ang biling ng datu roon. "Sabihin niyo sa inyong datu," ang wika niya sa mga sugo," na ako'y hindi magnanakaw. Ang bakod ay binbalik ko lamang sa dapat kalgyan ayon sa natuklasan kong mga kasulatan ng aking mga nuno." Ipinag-alab bg loob ng ama ni Delfin ang tinanggap niyang balita. Sa gayung mga alitan, ang karaniwang nagiging hangganan ay digmaan. Inihanda ng datu ng Gagalangin ang kanyang mga hukbo. Kailangang bawiin niya sa pamamagitan ng patalim ang lupang sa palagay niya ay ninakaw sa kanya. Nang mabalitaan ng datu ng Balintawak na ang Gagalangin ay naghahanda upang siya ay digmain, iginayak din niya ang kanyang mga kawal. Nang malapit na ang araw ng paglusob ng hukbo ng Gagalangin sa mga taga-Balintawak, ang datu ay biglang dinapuan ng isang mahiwagang karamdaman at di nagtagal ay namatay. Naiwan kay Delfin ang isang mabigat na panagutan: siya ang magiging heneral ng hukbo ng Gagalangin. Nang makarating sa kaalaman ni Rosita ang bagay na ito, siya'y kinabahan. Si Delfin ay batang-bata at wala pang gaanong karanasan sa digmaan, samatalang ang kanyang ama ay nahasa na sa maraming
31

pakikilaban sapul pagkabata. Gayon na lamang ang kanyang pag-aalala. Ibig sana niyang magkausap sila ni Delfin upang ito'y himuking iurong na ang digmaan at mapayapang pakipag-usapan sa ama niya ang lahat. Datapuwa't wala na silang panahon upang magkausap pa. Kinabukasan noo'y lalabas na sa larangan ang kanyang ama sa unahan ng isang malaking hukbo. Naging madugo ang labanan nang magsagupa ang dalawang hukbo. Maraming nalagas sa magkabilang panig. Si Delfin ay natadtad ng sugat , at dahil sa masaganang dugong nawala sa kanya, siya'y nabuwal na lamang at sukat sa lupa. Bago siya nalagutan ng hininga, ipinagbilin niya sa kanyang mga kawal na doon siya ilibing sa tabi ng hanggahang bakod, malapit sa lihim na lagusang dinaraanan niya kung gabing maliwanag ang buwan at sila ni Rosita, kama ng mga abay nito, ay mapayapang namamasyal sa makapal na damuhan. Hindi nabanggit ng mga matatandang nagkuwento ang sinapit na buhay ng dalawang magsing-ibig, kung ano ang naging hanggan ng labanan. Ang sabi lamang nila ay ganito : nang mabalitaan ni Rosita ang pagkamatay ni Delfin sa labanan, ang dalaga'y nagkasakit sa matinding dalamhati. Nagpatawag ng magagaling na mangagamot ang datung ama niya, ngunit sino man sa kanila'y hindi nakapagpagaling sa kaawa-awang dalaga. Untiunti itong pinanawan ng lakas. Nang sa palagay ni Rosita ay hindi siya magtatagal, hiningi niya sa kanyang ama na ang bangkay niya'y doon lamang ilibing sa tabi ng pinaglibingan kay Delfin. Masaklap man sa kalooban ng datu, pinagbigyan niya ang kahilingan ng minamahal niyang anak. Maraming taon ang lumipas mula noon. Nawala na ang mga baranggay at dumating na ang mga Kastila. Naitatag na ang siyudad ng Maynila. At buhat noo'y marami ng tao sa Balintawak at sa Gagalangin. Ngunit ang mga tao sa dalawang pook na ito ay naliligalig sa isang mahiwagang bagay. Kung buwan daw ng Mayo, lalu na kung mga gabing maliwanag ang buwan, may mahiwagang tinig na naririnig ang nagsisipanirahan sa may pagitan ng ng dalwang nayong naturan. Ang tinig ay waring sa isang
32

babae at malambing daw na parang marahang bulong ng panggabing hanging humahalik sa mga dahon ng halaman. "Sumpa kita! ...Sumpa kita!" ang winiwika raw ng tinig. Ngunit ang mga tao, kung minsa't sila'y nagbabantay, ay wala namang nakikita. Napansin nila na ang waring nagmumula sa isang masukal na dako, na sinibulan ng dalawang puno ng halamang ang mga bulaklak ay may kaliitan datapuwa't maputi, maraming talulot at ang iwing bango'y pambihira. Ganyan ang lagi nang nasasaksihan ng mga tao roon kung buwan ng Mayo, taun-taon. Sa di-kawasa'y naisipan nilang hukayin ang dalawang halamang iyon upang matuklasan ang hiwaga ng malambing na tinig at ang kahulugan ng mga salitang sinasambit. Hindi naman sila gaanong naghirap. Nguni't ang kanilang pagtataka'y lalo pang nadagdagan nang makita nilang ang dalwang puno ng mababangong halaman ay nagmumula sa mga bibig ng dalawang bungong hindi gaanong nagkakalayo sa pagkakabaon, at nakakabit pa rin sa kalansay. Ngayo'y nanariwa sa alala ng mga matatanda ang kasaysayan ng dalawang kapos-palad - Si Delfin at si Rosita. Samantala.... Ang kuwento'y nagkasalin-salin sa maraming bibig, at ang "Sumpa kita!" na inihahatid ng panggabing simoy sa pandinig ng mga nagmamatyag ay naging "Sampaguita" , na siyang iningalan na tuloy sa mahalimuyak na bulaklak ng halamang tumutubo sa libing ng magsing-irog.

ALAMAT NG PINYA Matamis at masarap ang nasabing prutas lalo na kapag katamtaman ang pagkahinog. Maraming nagsasabi na ito raw ay magaling na pantunaw lalo na kapag bagong kain tayo. Kung bakit maraming mga mata at kung bakit pinya ang tawag sa kanya ay malalaman nating sa ating alamat. Sa isang malayong pook ng lalawigan don nakatira ang mag-inang si Aling
33

Osang at si Pina na kaisa-isang anak. Palibhasa bugtong na anak, hindi ito pinagagawa ng ina at sa halip siya ang nagtatrabaho ng lahat ng gawaing bahay. Ang katuwiran ng ina ay "maliit pa naman si Pina." Marahil ay paglumaki na ay gagawa rin siya. Kung kaya ang gawain ni Pina ay maglaro, maligo, magbihis at matulog. Si Pina ay lumaki sa layaw dahil na rin kay Aling Osang. Nais na sana ng ina na turuan ang anak na gumawa, ngunit naging ugali na nito ang katamaran. Kaya sa malimit na pangyayari, hindi na mautusan ng ina ang anak, palibhasa'y ina kaya matiisin. Kung ayaw magtrabaho ng anak, siya na ang gumagawa. Hanggang isang araw si Aling Osang ay nagkasakit at halos na nakahiga na lamang. "Naku! ang nanay ko, bakit ka nagkasakit?" ang tanong ni Pina. "Ewan ko nga ba," ang wika ng ina, sabay utos na kung puwedeng ipaglugay nito ang nanay. Sinunod naman nito ang utos ng ina at sa ilang saglit ay inihain na ito ni Pina, ngunit mamait-mait sapagkat ito'y sunog. Ganun pa man ay natuwa na rin ang ina pagkat kahit papaano siya'y napagsilbihan ng anak. Tumagal ang sakit ni Aling Osang ngunit nagrereklamo na si Pina na pagod na raw ito sa paglilingkod sa ina. Isang umaga, si Pina'y nagluto at maghahain na lamang ito ngunit hindi makita ang sandok. "Saan kaya naroroon ang sandok?" ang sambit nito. "Hanapin mo, naririyan lamang yan," ang sagot ng ina. "Kanina pa nga ako hanap ng hanap eh ! Talagang wala!" ang muling sabi ng anak. "Bakit ba hindi ka na lang magkaroon ng maraming mata ng makita mo ang hinahanap mo! ito talagang anak ko, walang katiyaga-tiyaga," ang sabi naman ng ina.

34

"Marami naman kayong sinisermon pa" ang wika ng anak sabay panaog. Marahil ay hahanapin niya ang sandok sa silong at baka nahulog. Lumipas ang mga oras ngunit hindi na nakabalik si Pina sa itaas. Nawala siya na parang bula na naglaho at walang nakakita sa kanya kahit kapitbahay. Ilang araw ang nakaraan sa tulong at awa ay gumaling na si Aling Osang. Hinanap ng ina ang anak ngunit talagang hindi na nakita. Isang araw, sa may bakuran ay mataman na nagwalis si Aling Osang. Laking gulat niya ng makita nito ang tumubong halaman sa malapit sa kanilang tarangkahan. Dinilig niya ito at inalagaan araw-araw. Di nagtagal at nagkaroon ng bunga. Napansin niya ito at tila maraming mata. tuloy naalala nito ang sinabi niya sa kanyang anak. At bigla na lang nawala ang kanyang maHal na anak ng mga sandaling iyon.

ALAMAT NG LANSONES Tumunog ang kampana sa munting Kapilya ng isang nayon sa bayan ng Paete, lalawigan ng Laguna. Napabalikwas si Manuel at masuyong ginising ang nahihimbing na kabiyak. "Gising na Edna, at tayo'y mahuhuli sa misa." Marahang nagmulat ng mga mata ang babae, kumurap-kurap at nang mabalingan ng tingin ang asawa ay napangiti. Mabilis na gumayak ang mag-asawa upang magsimba sa misang minsan sa isang buwan idinaraos sa kanilang nayon ng kura paroko ng bayan. Hindi nagtagal at ang mag-asawa ay kasama na sa pulutong ng mga taganayong patungo sa Kapilya. Magkatabing lumuhod sa isang sulok ang magkabiyak at taimtim na nananalangin. "Diyos ko," and marahang panalangin ni Edna, "Patnubayan mo po kami sa aming pamumuhay, nawa's huwag magbago ang pagmamahal sa akin ni Manuel." Si Manuel naman ay taimtim ding dumadalangin sa kaligtasan ng asawa, na alam niyang nagtataglay sa sinapupunan ng unang binhi ng kanilang pag35

iibigan. Nang matapos ang misa ay magiliw na inakay ni Manuel ang kabiyak at sila'y lumakad na pauwi sa kanilang tahanan. Sa kanilang marahang paglalakad ay biglang napahinto si Edna. "Naku! kay gandang mga bunga niyon," ang wika kay Manuel sabay turo sa puno ng lansones na hitik na hitik sa bunga. "Gusto ko niyon, ikuha mo ako," ani Ednang halos matulo ang laway sa pananabik. Napakurap-kurap si Manuel. Hindi niya malaman ang gagawin. Alam niyang ang lansones ay lason at hindi maaring kainin ngunit batid din naman niyang nagdadalangtao ang asawa at hindi dapat biguin sa pagkaing hinihiling. Sa pagkakatigagal ng lalaki ay marahan siyang kinalabit ni Edna at muling sumamong ikuha siya ng mga bunga ng lansones. "Iyan ay lason kaya't hindi ko maibibigay sa iyo." Pagkarinig ni Edna sa wika ng asawa ay pumatak ang luha. Sunod-sunod na hikbi ang pumulas sa kanyang mga labi. Parang ginugutay ang dibdib ni Manuel sa malaking habag sa asawa ngunit tinigasan niya ang kanyang loob. Masuyong inakbayan ni Manuel ang asawa at marahang nangusap. "Huwag na iyan ang hilingin mo, alam mo namang iya'y lason. Hayaan mo at pagdating natin sa bahay ay pipitas ako sa duluhan ng mga manggang manibalang." Walang imikan nilang tinalunton ang landas patungo sa kanilang tahanan. Ang maaliwalas na langit ng kanilang pag-iibigan ay biglang sinaputan ng ulap. Ni hindi sinulyapan ni Edna ang mga manggang manibalang na pitas ni Manuel sa kanilang duluhan. Ang babae'y laging nagkukulong sa silid, ayaw tumikim man lamang ng pagkain at ayaw tapunan ng tingin ang pinagtatampuhang asawa. Hindi nagtagal ang babae'y naratay sa banig ng karamdaman. Hindi malaman ni Manuel ang gagawin sa kalunoslunos na kalagayan ng asawa."Edna, ano ba ang dinaramdam mo?" lipos na pag-aalalang wika ni
36

Manuel habang buong pagsuyong hinahaplos ang noo ng maysakit. Marahang iling lamang ang itinugon ng nakaratay at dalawang butil ng luha ang nag-uunahang gumulong sa pisngi. Balisang nagpalakad-lakad si Manuel sa tabi ng maysakit. Hindi niya matagalang tignan ang payat na kaanyuan ngayon na kaibang-kakaiba sa dating Ednang sinuyo niya't minahal. Wala na ngayon ang namumurok na pisngi, ang dating mapupungay na mga mata'y malalamlam, wala na ang ningning ng kaligayahan, maputla ang dati'y mapupulang mga labi at mistulang larawan ng kamatayan. Nang hindi na niya makaya ang damdaming lumulukob sa kanyang pagkatao ay mabilis na nagpasiya. Kukunin niya ang mga bunga ng lansones. Ang bunga ng kamatayang pinakamimithi ng kanyang asawa. Sa wakas ay isinuko rin niya ang katigasan ng kanyang loob, dahil sa matinding abag sa kabiyak. Nanaog siya at tinungo ang puno ng lansones. Nanginginig ang kamay na pinitas ang isang kumpol ng bunga ng kamatayan. "Diyos ko, tulungan mo po kami, pinakamamahal ko ang aking asawa at wala nang halaga sa akin ang buhay kung siya'y mawawala pa sa aking piling," nangangatagal ang mga labing marahan niyang naiusal kasabay ng mariing pagpikit ng mga mata. Sunod-sunod na patak ng luha ang nalaglag sa pagkagunitang ang bungang iyon ang tatapos sa lahat ng kanilang kaligayahan. Sa pagmumulat niya ng paningin siya'y nabigla. Anong laking himala! May nabuong liwanag sa kanyang harapan at gayon na lamang ang kanyang panggigilalas noong iyon ay maging isang napakagandang babaing binusilak sa kaputian. Humalimuyak ang bangong sa tanang buhay niya ay noon lamang niyang masamyo. Sa tinig na waring isang anghel ay marahang nangungusap ang babae. "Anak ko, kainin mo ang bungang iyong hawak."
37

Nagbantulot sumunod si Manuel sapagkat alam niyang ang bungang iyon ay lason. Sa nakitang pagaalinlangan ni Manuel ay muling nangusap ang babaeng nakaputi. "Huwag kang matakot, kainin mo ang bungang iyong hawak." Pagkasabi noo'y kumuha ng isang bunga sa hawak na kumpol ni Manuel at ito'y marahang pinisil. Mawala ang takot ni Manuel at mabilis na tinalupan ang isang bunga ng lansones. Anong sarap at anong tamis! Nang ibaling niya ang paningin sa babaeng nakaputi ay nawala na ito. Biglang naglaho at saan man niya igala ang kanyang mata ay hindi makita. "Salamat po, Diyos ko!" ang nabikas ni Manuel. Biglang sumigla ang katawanni Manuel at hindi magkandatutong pinitas ang lahat ng mga bungang makakaya niyang dalhin at nagdudumaling umuwi sa naghihintay na asawa.

38

MGA
kasabihan

39

Vous aimerez peut-être aussi