Vous êtes sur la page 1sur 3

ANO ANG PORK BARREL?

(Ikalawang bahagi)
by By the Square/Nelson Flores Aug 10, 2013 12:26pm HKT ANG kaugalian nang pagbibigay ng pork barrel ng pangulo ng Republika sa mga miyembro ng kongreso ay nakuha natin mula sa mga Amerikano nang matagumpay nila na maipilit sa atin ang kanilang sistema ng pamamahala matapos nilang mabili ang mga isla ng Pilipinas mula sa mga Kastila nuong 1898. Ang pork barrel ay perang mula sa kaban ng bayan na ginagasta ng mga pulitiko para sa kanilang mga botante kapalit ng suportang politikal. Unang lumabas ang salitang ito noong 1863, sa kasagsagan nang digmaang sibil ng mga Amerikano. May nagsasabi na ang ugat ng salitang ito ay yung kaugalian noon nang pagbibigay ng isang bariles ng tapang baboy o bacon sa mga aliping itim. Ang pagkakaroon ng bacon ay naging sukatan din ng yaman ng isang pamilya noong mga panahong iyon. Pero sa panahon ng ika-20 siglo, ang salitang pork barrel ay naging masama ang ibig sabihin at naging kakambal ng korapsyon. Ito na ang pakahulugan nito nang ituro ito ng mga Amerikano sa mga pulitikong Pilipino noong panahon ng kanilang pananakop. Niyakap ng mga pul-politiko ang pork barrel at simula noon ay naging katangian na ito ng ating pulitika. Batay sa teorya ay maganda sana ang pork barrel o Priority Development Assistance Fund dahil nagagamit ang perang ito ng mga mambabatas sa mga proyektong ikabubuti ng kanilang mga nasasakupan, lalo na ng mga mahihirap sa kanilang distrito. Pero dahil butas-butas ang mga panuntunan kaugnay nang pamamahagi ng perang ito ay madaling napapaikot ng ilang sukaban ang mga alituntunin para sa kanilang pansariling interes. Ito ang dahilan kaya nakukurakot ang perang ito (umaabot na sa P27 bilyon ang halaga nito na nakalaan sa pambansang budget para sa susunod na taon). Ang pork barrel o PDAF ang dahilan kaya karamihan sa mga pul-politiko ay nagkakandarapa na maluklok sa puwesto.

ANO ANG PORK BARREL? (1)


by BY THE SQUARE/Nelson Flores Aug 9, 2013 9:13pm HKT MAINIT na mainit ngayon ang usapin tungkol sa pork barrel ng mga mambabatas pero maliban sa alam natin na ito ay suhol ng Pangulo sa kanila para maging matapat niyang kabig sa Senado at House of Representatives ay marami sa atin ang hindi alam ang kasaysayan nito. Ano nga ba ang pork barrel, saan ito nagsimula at paano natin ito nakuha? Ang pork barrel o Priority Development Assistance Fund (PDAF) ay perang inilalaan ng ehekutibong sangay ng pamahalaan (na pinamumunuan ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III) para sa miyembro ng Kongreso. Maliban sa ilang alituntunin na dapat sundin ng mga mambabatas ay malaya nilang nadedesisyunan kung paano gagastusin ang PDAF na inilaan para

sa kanila. Ito ang dahilan kaya ang perang ito ay inaabuso at pinagkakakitaan ng ilan (o ng karamihan?) katulad na rin ng nabunyag sa mga pahayagan nitong mga huling araw. Batay sa teorya ay maganda sana ang PDAF dahil magagamit ang perang ito ng mga mambabatas sa mga proyektong ikabubuti ng kanilang mga nasasakupan, lalo na ang mga mahihirap sa kanilang distrito. Pero dahil butas-butas ang mga panuntunan kaugnay ng pamamahagi ng perang ito ay madaling napaiikot ng ilang sukaban ang mga alituntunin para sa kanilang pansariling interes. Ito ang dahilan kaya nakukurakot ang perang ito (umaabot na sa P27 bilyon ang halaga nito na nakalaan sa pambansang budget para sa susunod na taon). Ang nabibiyayaan ng malalaking PDAF ay yung mga mambabatas na kaalyado ng pamunuan ng ehekutibo sa pangunguna ng Pangulo ng republika. Yung talagang hindi mga kakampi ng Pangulo ay halos wala, kundi man talagang walang natatanggap na PDAF mula sa Malacaang. Sa madaling salita ang kakampi ng President ay may pork barrel samantalang ang hindi ay halos wala, kundi man wala talagang matatanggap. Ito ang punot dulong dahilan kung bakit ang mayorya sa Kongreso ay kadalasang sunudsunuran sa Malacaang. Hawak sa bulsa ang karamihan sa mga mambabatas kaya masuwerte tayo kapag may mga mambabatas na naninindigan para sa bayan at hindi sumusunod sa dikta ng Palasyo. Mahirap atang talikuran ang kinang ng salapi. Sayang nga lamang at kakaunti ang mga ganitong uri ng mambabatas sapagkat ang karamihan sa mga nakaupo sa poder ay pul-politiko. Malinaw pa sa sikat ng Haring Araw na ang PDAF o pork barrel ay suhol ng Malacaang sa mga mambabatas para masunod ang kagustuhan nito. Pansinin na hindi lahat ng kagustuhan ng Pangulo ay makabayan at para sa masa. Hindi bat isang uri ng korapsyon ang ganitong siste? Ano ngayon ang ibig sabihin ng Tuwid na Daan ni B.S. Aquino? Kung totoo ang laban niya sa katiwalian, hindi ba tama lamang na putulin na ang PDAF? Ano sa palagay ninyo? Napahagulgol si Commission on Audit (COA) Chairperson Grace Pulido Tan at naiyak naman si Cardinal Luis Tagle kaugnay ng 113.6 bilyong pisong pork barrel scam. Kahindikhindik, wika ni Tan, ang nangyari sa pondo ng imprastuktura at Priority Development Assistance Fund (PDAF) na ginastos ng ating gobyerno sa pork barrel ng ating mga mambabatas. Kumikinang daw ito sa grabeng irregularidad at hindi wastong paggamit. Maaga pa lang ay lumabas na nga ang balitang ito, kaya nga napaiyak si Cardinal Tagle. Umapela siya sa ating mga mambabatas na pakitignan naman daw at isaalang-alang ang mga kapwa nating nakasadlak sa kahirapan. Sa laki ng pinaguusapang halaga eh malulula ka nga. Pero, tama si COA chair na nakahihindik ang pangyayaring ito. Kahit pinaka-grabe nang bagyo ang nanalasa na sa ating bansa, balewala ito sa pork barrel scam. Ano lang ba ang mabibiktima ng bagyo? Palakahin mo na ang maiisip mong bilang ng mga nasawi at nasirang pananim at ari-arian ng bagyong ito, walang kwenta ang

mga ito. Ang biktima kasi ng pork barrel scam ay ang buong bansa. Pinadukha nang lubusan ang higit na nakararami sa ating lipunan. Kinawawa ang pinakakawawa sa kanila. Tignan ninyo ang nabiyayaan ng mumo lang ng pork barrel na si Janet Napoles. Nagaari siya ng 28 bahay at condominium units na nakakalat sa ibat ibang lugar. May bahay siya sa Ayala Alabang Village, Forbes Park, Dasmarinas Village, Tagaytay Highlands at Punta Fuego sa Nasegbu. Mayroon naman siyang condo units sa Serendra at Pacific Plaza Towers sa Bonifacio Global City at Eastwood City sa Quezon City. Mga latak lang daw ito ng pork barrel ng ating mga mambabatas na napasakamay niya bilang porsyento niya sa kanyang paglikha ng mga pekeng non-government organization (NGO). Sa mga NGO ito kasi pinalabas ang nasabing pork barrel ng mga mambabatas. Lumabas sa pahayagan ang itsura ng mga bahay na ito ni Napoles. Pero, hindi ba lumabas din sa pahayagan ang klase ng mga bahay ng mga dukha nating mga kababayan kaugnay ng paglilinis ng mga estero at paglilikas sa kanila nito lang nakaraang pagbaha? Naglalakihan at gawa sa bato ang bahay ni Napoles na nakatirik sa lugar na malinis, maayos at tahimik. Pero kahit malaki at napakaluwag ng mga bahay, kakalog naman ang mga ito sa kawalan ng mga naninirahan. Gawa naman sa mga kinakalawang na yero, tarpulin at napulot na kahoy ang mga bahay ng mga mahirap nating kababayan na nakatirik sa gilid ng maruruming estero. Ang iba ay nakabitin sa ilalim ng mga tulay. Parang sardinas silang naninirahan sa napakabuway nilang dampa. Ganito ang ating lipunan sa kabuuan kasi iilan lang ang nakikinabang sa salapi ng bayan.

Vous aimerez peut-être aussi