Vous êtes sur la page 1sur 4

Pagpapakilala

1. Kantahan- Maalaala Mo Kaya Gaano Kita Kamahal Buksan ang Aking Puso 2. PAMBUNGAD NA PANALANGIN Panginoon, kami ay nagpapasalamat sa pagtatangi Mo sa Sa bawat isa sa amin sa araw na ito Manatili po kayo sa amin upang maayon sa kalooban Ninyo ang lahat ng aming isasagawa sa maghapong ito Ipagkalooban Mo po kami ng liwanag ng isipan. Pukawin Mo ang aming damdamin Ipagkaloob Mo na kami ay makapagbahagi upang kami ay makinabang sa pagtitipong ito para sa maligayang pagsasama naming mag-asawa. Maging karapat-dapat nawa kami sa Inyong pagmamahal At patuloy na pagkalinga. Ang lahat ng ito ay hinihiling naming sa ngalan ni Hesukristong aming Panginoon na nabubuhay at naghahari kasama Mo at ng Banal na Espiritu, Amen. PAGPAPAKILALA Upang tayo ay makapagpalagayan ng loob, maganada siguro na tayo ay magkakilala muna. Ngunit bago iyon ay ayusin muna natin ang inyong pagkakaupo. Ang mga babae ay nasa kaliwa ng lalaki (Ayusin ang pagkakaupo). Sa palagay ninyo, bakit kaya nasa kaliwa ng lalaki ang babae? (Hanguin ang mga sagot). (Isulat sa pisara habang nagpapaliwanag na ang lalaki ang magpapakilala sa kanyang kabiyak at babae naman ang magpapakilala sa kanyang asawa.)

Lalaki Pangalan ng kabiyak lan taong kasal Pinakagustong katangian ng Kabiyak

Babae Pangalan ng asawa Ilan ang anak Pinakagustong katangian ng asawa

(Kayo ang magsisimula at pagkatapos ay ang mga kalahok.) (LALAKI) Sa pagpapakilala ay magkaakbay ang mag-asawa.Ang kaliwang kamay ng lalaki ay nakayakap sa balikat ng kabiyak. Huwag nating pabigatan sa mga kamay natin o kaya naman ay sakalin kundi yakapin ng buong puso at pagmamahal. (BABAE) At tayong mga babae naman ay nakayakap sa baywang ng asawa. (Pagkatapos ninyo) Ngayon ay kayo naman ang magpapakilala. (Pagkatapos ng lahat) Ano ang naging damdamin ninyo habang ipinapakilala kayo ng inyong kabiyak? (Hanguin ang mga sagot) Bakit Masaya? Ayon sa Gen. 1:31 God saw all he made, and indeed it was ALL GOOD Likas sa tao ang kabutihan. Walang nilalang ng Diyos ang masama. Kaya kapag nababanggit ang mga bagay na maganda sa atin, tayo ay Masaya. Kapag tayo ay napipintasan, ano ang ating nararamdaman? Malungkot. Ayon sa Pr 16:24 nakalahad Kind words are a honey comb, sweet to taste, wholesome to the body. Mas magaan ang katawan, mas masayang magtrabaho, mas maganda ang ugnayan ng mag-asawa kapag maganda ang sinasabi tungkol sa kanya. Kaugaliang ipagmalaki ang ating kabiyak sa karamihan at pahalagahan ang kanyang mga katangian. 3. LAYUNIN AT PAMAMARAAN Bakit tayo dumalo dito? (Tumawag ng mga ilan. Inaasahang mga sagot: Naanyayahan ako ng kaibigan. Nahihiya ako kay Father. Napilitan lang ako.) Ano naman ang inyong inaasahan? (Hanguin ang mga sagot).

Nagkusa man tayo o napilitan, ito ay tugon sa tawag ng Panginoo. Ayon sa Mateo 22:14, Sapagkat marami ang tinatawag ngunit kakaunti ang nahihirang. Sa aking pagkakaalam ay ang mga naanyayahan dito sa pagtitipong ito, ngunit iilan lang ang tumugon. Masasabi ko na ang grupong ito ay bukod tangi. Sadyang pinili. Tayo ang binigyan ng kalusugan at panahon upang makarating dito sa panawagang ito. Kaya italaga ang sarili sa maghapong ito. Kalimutan muna ang ibang gawain at lingapin ang kabiyak. Harapin ang maghapong pagtitipong ito. Upang maging matagumpay at upang maisakatuparan natin ang mga inaasahan, mayroon kaming limang KAHILINGAN: 1. Pakikinig- kapag may nagsasalita, sana ay huwag nating gambalain o gumawa ng mga bagay na makakasira sa kanyang pagbabahagi. 2. Paggalang- kapag nadala ng emosyon ang nagbabahagi, huwag itong pagtawanan. 3. Pagtitiwala- ano mang marinig na personal dito ay manatili na lang sana dito sa apat na sulok ng kwartong ito. Huwag na nating ikalat sa labas. 4. Pakiki-isa - sana ang lahat ay sumali sa lahat ng ating mga gawain. Kapag tayo ay kakanta, ang lahat ay kakanta. Kapag tayo ay sumasayaw, tayong lahat ay sasayaw. Kapag may halikan, ang lahat ay maghahalikan, kaya lang sa asawa lamang. 5. Pakikipagbahaginan. Kami ay hindi mga GURO o MODELONG PAMILYA. Kami ay katulad din ninyong nagnanais na mapabuti ang pagsasama. Sa katunayan ay marami kaming natutuhan sa inyong mga bahaginan. Para sa akin isa lang ang modelong pamilya, ang Sagrada Pamilya, sa kanilang KADAKILAAN PAGSUSUNURAN, PAGMAMALASAKITAN, PAG-IIBIGAN at PAGTALIMA SA KALOOBAN NG DIYOS.

5. Ano ang TIPANAN? Ano sa palagay ninyo ang Tipanan? (Hanguin ang mga kasagutan at isulat sa pisara. Mga inaasahang kasagutan ay pagkikita, pagsasama, pagbubuklod, ugnayan, pagtitipon, date, sweetheart, etc.) Ano ang salitang ugat ng Tipanan? (Sagot: tipan) Ano ang naaalala ninyo sa salitang tipan? (Sagot: Luma at Bagong Tipan). Ito ay ang covenant o sumpaan ng tao sa Diyos. Ngayon, tayo ay naririto upang sariwain ang ating magaganda at maliligayang araw nang tayo ay magkatipan pa. At sa ganitong diwa, pag-aaralan at susuriin natin ang ating kasunduan ng pag-ibig at relasyon bilang mag-asawa. Kaya itong ating Tipanan ay PARA SA MALIGAYANG PAGSASAMA NG MAG-ASAWA. (Isulat sa pisara o kaya naman idikit ang poster kung may nakahanda sa bandang sulok ng pisara para manatili sa maghapon. 6. PAGBUBUOD Para magbunga ang ating Tipanan, mahalaga ang tayo ay makinig, makilahok at makibahagi ng buong katapatan.

Vous aimerez peut-être aussi