Vous êtes sur la page 1sur 34

PANIMULA SA

LUMANG TIPAN
FORMATION SEMINARS FOR 2014
Theme: THE WORD OF GOD
( Hinuhubog sa Salita ng Diyos)
Every Last Tuesday of the month, 7:30 p.m.

JANUARY 28 INTRODUCTION TO THE BIBLE Part 1

FEBRUARY 25 INTRODUCTION TO THE BIBLE Part 2

MARCH 25 ANG LUMANG TIPAN

APRIL NO BIBLE STUDY

MAY 27 DEI VERBUM

JUNE 24 VERBUM DOMINI

JULY 29 PANIMULA SA EBANGHELYO NI SAN MATEO
AUGUST 26 PANIMULA SA EBANGHELYO NI SAN MARCOS

SEPTEMBER 30 PANIMULA SA EBANGHELYO NI SAN LUKAS

OCTOBER 28 PANIMULA SA EBANGHELYO AYON KAY SAN JUAN

NOVEMBER 13 SI SAN PABLO AYON KAY BENEDICTO XVI




PANIMULA
Pambungad na Awit
Ebanghelyo: Mateo 18:19-20
Katahimikan


GAWAIN
Magbuo ng maliliit na grupo. Bawat grupo ay may
Bibliya.
Tingnan ang mga aklat sa Bibliya. Ilista ang mga titulo
at kung ilan ang kabanata ng bawat aklat.

Tingnan:
1. Anong aklat ang may pinakamaraming kabanata?
2. Anong aklat ang may pinakakaunting kabanata?
SAGOT SA MGA TANONG:
Anong aklat ang may pinakamaraming
Kabanata sa Lumang Tipan?
>Lumang Tipan-Mga Salmo-150 kabanata


2. Anong aklat ang may pinakakaunting
kabanata sa Lumang Tipan?
>Lumang Tipan-Obadiah-1 kabanata






Napakahalaga ng Banal na Kasulatan:
1. Nakasulat sa bawat pahina ang
Salita ng Diyos at nagsasalita Siya
bilang Ama.
2. Gabay sa pagsunod kay
Jesukristo.
3. Nagbibigay ng liwanag sa ating
buhay.
4. Ipinapakita sa atin ang
Kasaysayan ng Kaligtasan.

Bibliya mga aklat

Ipinahayag ng Diyos ang kanyang sarili
Ang Diyos ang tunay na may katha ng
Banal na Kasulatan sapagkat siya ang
nagpapasulat sa mga
manunulat:Gumagawa sa kanila at sa
pamamagitan nila. Kaya tiyak na sila ay
nagtuturo ng walang mali tungkol sa
kaligtasan. [Katesismo, 136]

Bibliya mga aklat

Dumating sa atin sa pamamagitan ng mga sambayanan
[Israel]
Sa pagkatha ng mga banal na aklat, kinasangkapan ng
Diyos ang ilang tanging tao na gamitin ang kanilang
mga karunungan at kakayahan, sa ganitong paraan, sa
pagkilos ng Diyos sa kanila sa pamamagitan nila bilang
mga tunay na manunulat, ay sinulat lamang nila ang
lahat ng ipinasulat sa kanila ng Diyos at walang iba.
Katesismo, 106
Styles at genre

Metaphors-Diyos bilang Ama, Liwanag
Awit/tula
Kuwento
Kasaysayan
At iba pa
Isinulat upang ipahayag ang katotohanan
tungkol sa Diyos at sa tao

Canon rule/ measure /standard

Church approved books as authentic
Council of Florence [1441] Council of
Trent [1545-1563]
Paano nabuo ang Banal na Kasulatan:

Event and Experience-God
revealed Himself
Oral Traditions
Written Tradition
Edited Tradition

Lumang Tipan

Central Theme- Covenant Tipan
Dalawang Mahalagang Pangyayari :
Exodus
Exile [Jeremiah 39-43; 2 Kings; 2
Chronicles]
Tatlong Mahahalagang Personalidad:
Abraham
Moses
David

Ano ang ibig sabihin ng covenant?
In the biblical conception, a covenant is not a
contract or mutual agreement between God and
man, but an unsought gift of God to man. "The
covenant then is not a pact built on reciprocity,
but rather a gift, a creative act of God's love.
Joseph Cardinal Ratzinger, "The New Covenant: A Theology of
Covenant in the New Testament," Communio: International Catholic
Review 22, no. 4 (1995): 636
Lumang Tipan

Dalawang Mahalagang Pangyayari :
Exodus
Exile [Jeremiah 39-43; 2 Kings; 2
Chronicles]
Lumang Tipan

Tatlong Mahahalagang Personalidad:
Abraham
Moses
David

Outline of Bible History

Patriarchal Period [2000 BC ]
circumcision
Abraham at Sara
Isaac at Rebecca
J acob at Raquel

Outline of Bible History

Moses at ang Exodus [1500 BC]-Sampung
Utos
Pananahan sa Egipto
Pagka-alipin sa Egipto
Paglalakbay sa disyerto
Pagpasok sa Lupang Pangako

OUTLINE OF BIBLE HISTORY
Pananahan sa Lupang Pangako
Panahon ng mga Hukom tribal heroes
[Gideon, Samson] hindi pa sila sama-sama,
mga tribo
Samuel huling hukom ng Israel

OUTLINE OF BIBLE HISTORY
Pagtatayo ng Kaharian
Saul
David
Pagkakaisa ng Israel
Jerusalem punong lungsod
Solomon
Matalino ngunit hindi naging tapat sa Panginoon

OUTLINE OF BIBLE HISTORY
Nahati ang Kaharian [800 BC]
North Israel Samaria [10 tribo] -
South-Judah Jerusalem [2 tribo]
Hiwalay sa loob ng 200 taon
Judah Hezekiah nagsikap ng pagbabago sa
pananampalataya Babilonia -586 BC-nawasak ang
templo
Israel- nasakop ng ibang bansa-Samaria- dumating
ang taga-ibang bansa
Pumasok ang kulturang Griyego
63 BC-sinakop ng mga Romano Herodes
utusan ng mga Romano

Tipan at ang Plano ng Kaligtasan

Sa loob ng mahigit 2,000 taon, hinubog ng Diyos
ang
kanyang bayan

Tumatawag ang Diyos upang pumasok sa Tipan-

Covenant relationship-hindi mapuputol/walang
katapusan

Hesed- mercy and loving kindness alok ng
Diyos

Katesismo ng Iglesia Katolika
121. Ang Lumang Tipan ay isang bahagi ng
Banal na Kasulatan na di maaaring kaltasin
dito. Ang mga aklat nito na kinasihan ng
tanging liwanag ng Diyos ay lubhang
mahalaga, [cf. DV 14], sapagkat ang
Lumang Tipan ay hindi pinawalang bisa.
Katesismo ng Iglesia Katolika
122. Sa katunayan ang ekonomia ng Lumang
Tipan ay ihanda ang pagdating ni Kristo,
mananakop ng sanlibutan. Kahit na
naglalaman ng mga bagay na kulang at
lumipas, ang mga aklat ng Lumang Tipan ay
nagbibigay ng katibayan sa pagtuturo,
pagmamahal at pagliligtas ng Diyos sa tao:
Kinapapalooban ng mga matatayog na aral ng
Diyos sa kanyang pagliligtas sa tao.
Naglalaman din ng mga kayamanan ng
panalangin at matatagpuan ang misterio ng
ating kaligtasan. [DV 15]
Katesismo ng Iglesia Katolika
123. Ang Lumang Tipan ay iginagalang
ng mga Kristiyano bilang tunay na
Salita ng Diyos. Sa mulat mula pa
mahigpit na tinututulan ng Iglesiya ang
panukalang itabi ang Lumang Tipan na
diumanoy tinanggihan ng Bagong
Tipan.
Ang Cellphone at ang Bibliya
Ang Cellphone at ang Bible

Ang cellphone laging hawak
ipinapakita,
Ang Bible laging nakatago at ayaw
ipakita.

Ang cellphone binibili kahit libo-libong
halaga,
Ang Bible ayaw bilhin, kahit isang daan
ang halaga.

Ang cellphone laging pinapalitan ng
case,
Ang Bible hindi man lang mabilhan ng
case.



Ang Cellphone at ang Bible
Ang cellphone bihirang makaligtaan kung
saan iniwan,
Ang Bible madaling makaligtaan kung saan
naiwan.

Ang cellphone mahirap ipahiram, baka
masira,
Ang Bible madaling ipahiram, kahit mawala.

Ang cellphone laging binabasa kung may
bagong message,
Ang Bible hindi binabasa kaya hindi makita
ang message.



Ang Cellphone at ang Bible
Ang cellphone pinapakita ang lifestyle ng
tao,
Ang Bible nagpapabago ng lifestyle ng
tao.

Ang cellphone ay ayaw magasgasan,
Ang Bible hinahayaang maalikabukan.

Ang cellphone message masarap i-share.
Ang Bible verse nakakalimutang i-share.

Ang Cellphone at ang Bible
Ang cellphone mabilis maluma,
Ang Bible hindi naluluma.

Ang cellphone message kung minsan ay late,
Ang Bible laging on time ang message.


Ang cellphone kailangan magload para mag-
message,
Ang Bible laging fully loaded ang message.


Ang cellphone ay mahalagang gamit ng tao,
pero ang Bible ay mas mahalaga kung gagamitin ng
tao.

HAMON
Ang Bibliya ang pinakamahalagang aklat na
nagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos sa ating
lahat. Hind lamang ito pinag-aaralan kundi
pinagdadasalan at isinasabuhay. Isang
mahalagang magagawa ay ag pagbabasa ng
Bibliya sa araw-araw.
Ito din ang magiging bukal ng ating inspirasyon at
lakas bilang tao, pamilya at sambayanan.

Bishop Arturo Bastes, D.D.
Ang Bibliya ay katulad ng:

SALAMIN ipinapakita
nito kung sino tayo-mga
minamahal na anak ng
Diyos. Kapag binasa natin
ang Bibliya, kinakausap
tayo ng Diyos
Bishop Arturo Bastes, D.D.
Ang Bibliya ay katulad ng:

MAPA-itinuturo sa atin kung
saan tayo pupunta.
Naglalakbay ang Diyos sa
buhay na kasama natin.
Ang kanyang Salita ang
nagbibigay sa atin ng
direksyon sa buhay.

Bishop Arturo Bastes, D.D.
Ang Bibliya ay katulad ng:

LARAWAN-ipinapakita sa
atin kung sino si Jesus. Sa
pamamagitan nito,
nakikilala natin ang Diyos
sa ating buhay.
PAGDIRIWANG
Katahimikan

Panalangin

Vous aimerez peut-être aussi