Vous êtes sur la page 1sur 2

Ang enamel ng ngipin at matigas ngunit puno ng napakaliliit na mga butas.

Ang plaque sa panlabas


ng inyong mga ngipin ay maaaring gumawa ng mga asido na tumatagos sa mga kanuping (mga gabilya)
ng enamel at sirain ang panloob na balangkas nito. Sa ganitong pamaraan, na tinatawag
na"deminiralization o pagtatanggal ng mga mineral, ay lumilikha ng isang marupok na parte sa
panlabas ng ngipin na maaaring maging isang uka o sira kung hindi ito gamutin. Ang pagkabulok ay
madalas nagsisimula sa panlabas ng ngiping ginagamit na pangkagat, sa pagitan ng mga ngipin, sa mga
nakalantad na mga ugat.Kung hindi ito gagamutin, ang pagkabulok ay kumakalat sa loob ng ngipin at
maaaring sirain ang balangkas ng ngipin. Pumapasok ang pagbubulok at hinahawahan ang buod.
Sa isinagawang pag-aaral ng mga experts sa London lumilitaw na 70% umano ang risk na
magkaroon ng heart disease ang mga tao na hindi bumibisita sa dentista at dalawang beses lamang
sa loob ng isang araw kung magsipilyo kumpara naman sa mga indibidwal na bumibisita sa kanilang
dentista kada anim na buwan.

Payo ng mga experts na ugaliin ang pagbisita sa dentista partikular ang mga nasa edad 40 anyos
dahil na rin sa ganitong edad kalimitang kumokonti na ang laway sa ating bibig na nakatutulong
sana sa pagtanggal ng mga bacteria gayundin ay sa ganitong edad umano mahirap matanggap ang
mga cavity na nakaporma sa paligid ng mga ngipin.

SINTOMAS NG TOOTH DECAY

Maliban sa bulok na ngipin masasabi na mayroon nang tooth decay kung nakakaranas ng pananakit
ng ngipin, sensitibong ngipin at bad breath, kung nakakaranas ng mga ito ay hindi umano dapat na
isnabin bagkus pagtuunan ng pansin at agad na magtungo sa dentista.

Ipinaliwanag ng mga dental experts na kung nakakaranas ng nasabing mga sintomas ay indikasyon
ito na mayroon nang nabubuong mga plague dala ng maling pagsisipilyo at poor oral health.

UMIWAS SA MATATAMIS

Kung nais na makaiwas sa pagkasira ng ngipin ay dapat na umiwas sa matatamis na pagkain.
Ipinaliwanag ng health experts na kung mahilig sa matatamis na pagkain ay nagiging lactic acid ito
na nagmamantsa sa ating mga ngipin at kalaunan ay magiging sanhi ng pagkasira ng ngipin lalo at
hindi tama o hindi madalas ang pagsisipilyo.

Its best not to just brush, but brush properly for at least 5 to 10 minutes a day, then to floss and
use a mouth rinse, payo pa ng Philippine Dental Association.

Iginiit ng PDA na hindi nasusukat sa tagal ng pagsisipilyo ang pagtanggal ng mga plague sa ngipin
bagkus sa tamang paraan ng pagsisipilyo kung saan ang lahat ng bahagi ay nasisipilyo kasama na
ang itaas na bahagi hanggang sa gilid at gums.

Sa murang edad pa lamang umano ay dapat ugaliin na ang pagiging metikuloso pagdating sa oral
care, kung nasa maayos na kalagayan umano ang ating mga ngipin ay hindi lamang magiging
maganda ang ating ngiti bagkus maging ang ating mga puso ay masaya at malusog din.

http://www.dentalcare.com/media/en-US/patient/tagalog/fluoride.pdf
http://www.abante.com.ph/issue/nov0611/news08.htm

Vous aimerez peut-être aussi