Vous êtes sur la page 1sur 3

Komunikasyon

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Ang komunikasyon o pakikipagtalastasan ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na
ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistemang mga simbolo. Ang Araling
pangkomunikasyon ang disiplinang pang-akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang
interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.

Mga nilalaman

1 Iba't ibang kahulugan
2 Uri ng komunikasyon
3 Anyo at sangkap ng komunikasyong pantao
4 Teknolohiya ng komunikasyon
5 Mga hadlang sa komunikasyon
6 Tingnan din

Iba't ibang kahulugan
Diksyunaryong Webster: Ang komunikasyon ay pagpapahayag,pagpapaalam, pagpapabatid o pagbibigay ng
impormasyon sa mabisang paraan, isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-unawaan.
Barnhart (American College Dictionary): Ang komunikasyon ay pagpapahayag at pagpapalitan ng ideya,
opinyon o impormasyon sa pamamagitan ng pagsasalita, pagsulat, o pagsenyas.
Sikologo: Napiling pagtugon o reaksiyon.
Dalubwika: Ang komunikasyon ay ang pakikibahagi ng tao sa kanyang kapwa at pakikibagay niya sa kanyang
kapaligiran.
Aristotle: Nagsasalita, sinasabi, nakikinig
Wilbur Schramm: Taong nagsasalita, sumusulat, gumuguhit, kumukumpas atbp.
Mensahe pamamagitan ng simbolo, mga usapan, liham atbp.
Destinasyon taong nakikinig, nagbabasa, nanonood atbp.
Richard Swanson at Charles Marquandt:
Ang pinanggalingan ng mensahe (participant na nagsulat o nagbasa)
Ang ideya o mensahe (binuong kaisipan)
Kodigo (wika, kumpas, ekspresyon ng mukha)
Tsanel (paraan ng paghahatid sa pamamagitan ng telepono, teleponong selular, liham, karaniwang usapan,
atbp.)



Uri ng komunikasyon
Komunikasyon ng hayop
Komunikasyong interpersonal
Marketing
Propaganda
Kapakanang pampubliko
Ugnayang pampubliko
Komunikasyong intrapersonal
Komunikasyong di pasalita
Komunikasyong pasalita
Komunikasyong cross-cultural
Telekomunikasyon
Komunikasyong gamit ang kompyuter

Anyo at sangkap ng komunikasyong pantao
Nakikipagusap ang mga tao upang maipamahagi o maitukoy ang karanasan at kaalaman ng bawat isa. Maaari
din na intrapersonal o interpersonal ang komunikasyon. May mga ilang teoriya ng komunikasyon na
sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao. Ito ay isang sistemang pagkaiintindihan sa bawat
taong nagkakaintindihan. Maaari na intensiyonal o di intensiyonal, interaktib, transaktib,ang komunikasyon;
maaari din na di pasalita o pasalita ito. puwede rin intrapersonal o kaya'y interpersonal ang komunikasyon
pantao. May mga ilang paktor ng komunikasyon na sinusubukang ipaliwanag ang komunikasyon pang-tao.

Teknolohiya ng komunikasyon
Sa telekomunikasyon, nangyari sa pinakaunang transatlantic na pamamahayag gamit ang two-
way radio noong 25 Hulyo 1940. (Tingnan din: semaphore,telegraphy, telephony, at radioteletype- kilala din
bilang Public Switched Telephone Network, communications satellites, ethernet, at ang internet - isang
network ng mga kabit-kabit na computer network.)
Habang bumabalangkas ang teknolohiya, kailangan din bumalangkas ang communication protocol;
halimbawa, kailangang matuklasan ni Thomas Edison na kaunti lamang pagiging ambiguous ng pagbati
ng hello sa pamamagitan ng boses sa malayong distansiya; di maintindihan o nawawala ang transmission ng
mga naunang pagbati katulad ng hail.
Maaaring paghiwalay ang pagkomunikasyon ng bawat tao sa iba't ibang larangan sa pagtubo ng palitang
kaisipan sa pagitan ng maliliit na numerong ng tao (debate,talk radio, e-mail, personal na sulat) at sa mga
malawak na pagkakalat ng isang payak na mensahe (ugnayang pampubliko, telebisyon, pelikula).
Hindi nagtatapos sa salitang ugat ng Latin na "communicare" ang pagkakautang natin sa mga Romano sa
larangan ng komunikasyon. Sila ang kauna-unahang gumawa na maaari nating tawagin na tunay na sulat
o sistemang koreo upang gawing sentro ang pagkontrol sa buong imperyo ng Roma. Dahil sa sistemang ito,
madaling natipon ng Roma ang kaalaman ukol sa kaganapan ng karamihan sa kanilang laganap na lalawigan.
Isang mahalagang usapin sa komunikasyong gamit ang kompyuter ang virtual management.
Nagbabago ang komunikasyon sa pagunawa nito. Habang nagbabago ang mundo, nagbabago din ang paraan
kung paano makipag-usap at mag-organisa. Sa katotohanan, ang pagbabago sa teknolohiya ng komunikasyon
ang gumagawa sa pinakamalimit at laganap na pagpababago ng pilipino - tignan natin ang halimbawa ng
pagtaas ng gamit ng web cam chat at iba pang biswal na komunikasyon na gumagamit ng network sa pagitan
ng mga magkakalayong tao.

Mga hadlang sa komunikasyon
Communication apprehension ang tawag sa komunikasyon na may kasamang pagkabalisa. Maaring
naimpluwensiyahan ng sariling-pagkakilala ang pagkabalisang iyon. At saka, maaari din maging sagabal sa
komunikasyon ang bypassing (lumalagtaw), diskriminasyon at polarisasyon. Isa sa mahalagang hadlang sa
maraming pook sa mundo ang pagkabigong ibahagi ang karaniwang wika.

Antas ng Komunikasyon
1. Intrapersonal - pakikipagusap sa sarili; pinakamababang antas; tumutukoy sa pakikipag-usap ng indibidwal sa
sarili-sa kanyang replektibong pag-iisip, pakikinig sa sarili, pagbubulay-bulay, o kaya ay kapag
pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili.
2. Interpersonal - pakikipagusap sa ibang tao; pakikipagtalastasan sa iba't-ibang indibidwal.
3. Pampubliko - pakikipagusap sa maraming tao; ang halimbawa nito ay ang valedictory address
4. Pangmasa - panglahatan; halimbawa nito ay ang SONA
5. Pangorganisasyon - para sa mga grupo
6. Pangkultura - pakikipagusap tungkol sa kultura
7. Pangkaunlaran - ito ay ang komunikasyong naglalayong gamitin sa pagpapa-unlad ng bansa.

Vous aimerez peut-être aussi