Vous êtes sur la page 1sur 1

ni Bebang Siy

1 Noong bata ako, naglagay ako ng asin sa mata.



2 Hindi. Hindi dahil may nag-dare sa akin. Hindi rin dahil tinutukan ako ng balisong ng isang
aning-aning at inutusang maglagay ng asin sa mata. Hindi. Ang dahilan? Simple: ayokong
maniwala sa sinasabi ng iba.

3 Isang Sabado yon, umaga at nakatambay kami sa tindahang nagbebenta ng cherry balls.
Nalimutan ko na kung paanong napunta sa asin ang usapan naming magbabarkada.

4 May nagsabi: na mahapdi kapag nilagyan ng asin ang mata.

5 Di ko malimutan ang statement na yon. Sinabi yon ni Sharon na siyang pinakamatanda sa
amin, 12 years old na siya at Grade 6 sa St. Paul-Paranaque.

6 E, gusto kong patunayan na mali siya. Aba, kahit siya ang pinakamatanda sa amin, hindi
lahat ng sinasabi niya, tama. Kahit sa private school pa siya nag-aaral, pwedeng mali ang
sinasabi, ano?

7 Kaya dali-dali akong umuwi sa bahay namin, sumagsag sa kusina at kumurot ng asin sa
garapon. Tapos tumingala ako, binudburan ko ng asin ang walang kakurap-kurap kong mata.

8 Ngiyar. Ang hapdi nga.

9 Experience talaga is the best teacher.

10 Pero may natutuhan akong isa pang lesson na kasing-alat ng luha ko noong araw na yon.

11 Kung mayroon kang gustong patunayan, ihanda nang bonggang-bongga ang sarili sa mga
posibleng mangyari dahil siguradong may kapalit ito. Minsan ang kapalit ay maganda,
minsan matamis. Minsan din ay mahapdi at minsan naman, maalat.

12 As in.



Halaw sa: Siy, B. (2012). Its a mens world. Mandaluyong City: Anvil Publishing.

Vous aimerez peut-être aussi