Vous êtes sur la page 1sur 21

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VII

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng isang oras na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahan na matamo
ang mga sumusunod:

A. Nailalahad ang pagkakasunod- sunod ng mga pangyayari sa isang pabula.
B. Nabibigyang diin ang kahalagahan ng pagkakasunod-sunod ng magkakaugnay na
pangyayari sa akda.
C. Nalalagom ang banghay ng akda batay sa mga elemento nito.

II. PAKSANG ARALIN

Mga Elemento ng Pabula: BANGHAY
Ang Matalinong si Pilandok

Sanggunian:
Longga, Asuncion B., et al, Filipino I, United Eferza Academic Publications, Co.
2010., Lipa City, Batangas.

Kagamitan:
Visual aids
Mga larawan

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga mag-aaral
A. Introduksiyon
1. Pagbabalik- aral:
Pagtatanong:
>>Bago natin simulan ang kasunod na
aralin, magbalik-aral muna tayo. Ano ang
ating pinag-aralan sa huli nating pagkikita?
>>Kung gayon, ano ang Pang-uri?
>>Tama! Ito rin ay may ibat-ibang uri,
anu-ano ang uri nito?
>>Magaling! Ngayon ay masasabi kong
Mga Inaasahang Sagot:


>>Tinalakay po natin ang tungkol sa
Pang-uri.
>>Ang Pang-uri ay bahagi ng
pananalita na naglalarawan sa katangian
o bilang ng pangngalan o panghalip.
>>Ito po ay may tatlong uri, una ay ang
Paglalarawan, kung saan inilalahad ang
lubos na ang inyong pagkaunawa sa Pang-
uri at mga Uri nito.
>>Bago tayo dumako sa ating aralin,
meron akong ipakikitang mga larawan, at
gagamitin natin ang inyong mga natutunan
sa iba pang elemento ng pabula sa gawain
ngayon.. Ano na nga mga elemento na
iyon?

2. Pagganyak:
Susubukan ng mga mag-aaral na ilahad
ang pangyayari batay sa larawang ipinakita
ng guro upang mabuo ang isang pabula.
Pagsusunud-sunurin ang mga pangyayari
upang maunawaang mabuti ang daloy nito.
Pagtatanong:
>>Nabasa niyo na ba ang pabula na Ang
Matalinong si Pilandok?Ang mga
larawang nakikita nito ay mga pangyayari
sa pabula. Maaari niyo bang ilahad ang
pangyayari sa larawan? Sinu-sino kaya ang
tauhan natin sa pabula? Ano ang tagpuan
sa pabula?
Ilalahad ng mga mag-aaral ang pangyayari
batay sa larawan. Itatama ito ng guro sa
pamamagitan ng pagbibigay ng wastong
paglalarawan/ deskripsyon sa larawan.

B. Interaksiyon
1. Talakayan hinggil sa Paksa
>>Naunawaan niyo bang mabuti ang daloy
ng mga pangyayari sa pabula?
>>Bakit? Ano ang dahilan kayat hindi
maunawaang mabuti ang pabula?
>>Tama! Kung gayon, bakit mahalaga na
magkakasunod ang mga pangyayari sa
isang akdang babasahin.




>>Tumpak ang iyong kasagutan! Kung
walang pagkakasunud-sunod ang
pangyayari sa pabula, mawawalan na ng
interes ang mambabasa na basahin pa ito
dahil hindi na niya mauunawaan ang mga
mga katangian ng isang pangngalan o
panghalip. Pangalawa po ay ang
Pamilang na nagsasaad ng bilang ng
Pang-uri; maaaring ito ay sa uring
Patakaran, Panunuran,
Pamahagi,Palansak, o Pahalaga.
>> Ito ay ang Tauhan at Tagpuan.









>> Si Pilandok, Tigre, Buwaya at Suso
ang mga tauhan sa pabula; samantala,
ang tagpuan ay ang batis/ ilog.











>> Hindi po.
>> Magulo po ang pabula dahil
napansin po naming na hindi
magkakasunod ang mga pangyayari.
>>Ito ay upang maging malinaw sa mga
mambabasa ang mga pangyayari sa
kwento. Higit na maiintindihan ito kung
may pagkakasunud-sunod, sapagkat
kung magulo ito, maiinip at hindi na
ipagpapatuloy ng mambabasa ang
pagbasa sa akda.
>> Ang pagkakasunud-sunod ng mga
magkakaugnay na pangyayari sa akda
ay tinatawag na Banghay.


ideya na nais iparating ng akda.
Samakatuwid, nararapat lamang na
magkakasunod at magkakaugnay ang mga
pangyayari sa akda. Ano ngayon ang
tawag dito?
>>Magaling! Ngayon, tatalakayin natin
ang tungkol sa Banghay.

2. Interaksiyon ng guro sa mag-aaral;
mag-aaral sa kapwa mag-aaral
Magbibigay ang guro ng pinal na input
tungkol sa Banghay at mga elemento nito.
>>Ang banghay ay meron ding mga
elemento. Sino ang nakakaalam ng mga
element ng Banghay? Ibigay nga ang mga
ito.

Ilalahad ng mga mag-aaral ang banghay ng
pabula batay sa mga elemento nito.
>>Ang Banghay ay may Panimulang
Pangyayari, Pataas na Aksyon,
Kasukdulan, Pababang Aksyon o
Kalakasan, at Wakas o Katapusan. Kung
gayon, alamin natin ang banghay ng ating
binasang pabula batay sa mga elemento
nito.



















>>Mahusay ang inyong pag-unawa, dahil












>> Ang mga elemento ng Banghay ay
ang Panimulang Pangyayari, Pataas na
Aksyon, Kasukdulan, Pababang Aksyon
o Kalakasan, at ang Wakas o
Katapusan.


Panimulang Pangyayari: Umiinom sa
batis si Pilandok nang dumating ang
gutom na guton na tigre at gusto siyang
gawing hapunan.

Pataas na Aksiyon: Nagkasundo sila
na humanap ng tao na magiging
hapunan ng tigre. Sa kanilang
paghahanap, nakakita sila ng batang
lalaki, matanda, at matabang
mangangaso. Tunggalian: Tunggalian sa
pagitan ni Pilandok at ng Tigre,
Buwaya, at Suso.

Kasukdulan: Sa pagsunod kay
Pilandok, nabaril at napatay ang tigre.

Pababang Aksiyon: Dahil
mapamaraan, at matalino, ilang beses na
nailigtas ni Pilandok ang sarili sa
kapahamakan.

Wakas: Hindi lamang si Pilandok ang
matalino dahil naisahan siya ni Suso na
bagamat maliit ay isa ring mapamaraang
nilalang tulad niya.

dyan, bigyan ang inyong sarili ng tatlong
palakpak at bigkasin ang ang galing
galing!


C. Integrasyon
1. Pagpapahalaga
>>Ngayon ay nauunawan na ninyo ang
banghay at nailalahad na rin ito sa pabula
batay sa mga elemento. Tulad ng
nabanggit natin kanina mahalaga na
magkakasunod-sunod ang pangyayari o
ang Banghay sa pabula o anumang kwento
upang maging malinaw at lubos na
maunawaan ito ng mga mambabasa.

2. Pag-uugnay
>>Bukod dito, bakit mahalaga din ito sa
buhay ng tao? Alam natin na ang buhay ng
tao ay parang isang kwento, may istorya
ika nga. Paano mo maiuugnay sa pang-
araw-araw na buhay ang paglalahad ng
wastong banghay?Magbigay ng
konkretong halimbawa.

3. Paglalahat
>>Bagamat ang Banghay ng pabula ay
payak lamang, meron itong simula, gitna,
at wakas. Ang mga elemento nito ang
nagbibigay daan upang lalong mapukaw
ang interes ng mga mambabasa na basahin
ang isang pabula o anumang akda.
Kinakailangang maging malinaw ito upang
maging kawili-wili at mabisa ang
pagpapahayag ng kaisipang nais ikintal sa
isipan ng mambabasa. May pagkakaugnay-
ugnay rin ang mga pangyayari upang higit
na maunawaan ang daloy ng mga
kaganapan at ang diwang nakapaloob dito.

4. Ebalwasyon
Maikling pagsusulit: Ibigay ang
hinihinging salita sa mga katanungan.
1. Ito ay tawag sa suliraning
lulunasan o lulutasin ng tauhan.
(Sagot: Tunggalian)

















(Pagbibigay ng piling mga mag-aaral ng
konkretong halimbawa ukol sa
kahalagahan ng Banghay).
2. Dito tumitindi o tumataas ang
galaw o kilos ng mga tauhan na
humahantong sa kasukdulan.
(Sagot: Pataas na Aksyon)
3. Sa bahaging ito ipinakikita ang
mataas na bahagi ng kapanabikan
na sanhi ng madamdamin o
maaksiyong pangyayari sa buhay
ng mga tauhan.(Sagot:
Kasukdulan)
4. Tumutukoy sa maayos at malinaw
na pagkakasunod-sunod ng mga
magkakaugnay na pangyayari sa
akda. (Sagot: Banghay)
5. Ito ang tawag sa unang kalagayan
ng tauhan na nakapupukaw ng
interes. Ipinakikilala dito ang
tauhan at tagpuan sa pabula.
(Sagot: Panimulang Pangyayari)
6. Dito inilalahad ang kinahinatnan ng
mga tauhan at pangyayari sa akda.
(Sagot: Wakas)
7. Isinasaad sa bahaging ito ang unti-
unting pag bibigay linaw sa mga
panyayari sa akda, at naghuhudyat
ng nalalapit na katapusan. (Sagot:
Pababang Aksyon o Kalakasan)
8. Tawag sa isa pang bahagi ng Pataas
na Aksyon bukod sa tunggalian.
(Sagot: Saglit na Kasiglahan)
9-10. Ibigay ang dalawang
mahalagang sangkap ng banghay ayon
sa pagpapakahulugan nito. (Sagot:
magkakasunod at magkakaugnay na
pangyayari)


IV. TAKDANG- ARALIN

Pagbasa sa susunod na pabulang tatalakayin, Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit
ang Beywang ng Putakti.



BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VII

I. LAYUNIN:

Sa pagtatapos ng isang oras na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahan na matamo
ang mga sumusunod:

A. Natutukoy ang kahulugan ng mga ginamit na talasalitaan.
B. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng positibong pananaw at pagganap sa
tungkulin tungo sa isang matiwasay na buhay.
C. Nailalahad ang mga pangyayari sa binasang pabula batay sa pagkakabalangkas ng
banghay nito.

II. PAKSANG ARALIN

Mga Elemento ng Pabula: BANGHAY
Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit ang Beywang ng Putakti.

Sanggunian:
Longga, Asuncion B., et al, Filipino I, United Eferza Academic Publications, Co.,
2010., Lipa City, Batangas.

Kagamitan:
Visual aids
Mga larawan

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral
A. Introduksiyon
1. Pagbabalik- aral
Pagtatanong:
>>Bago natin simulan ang kasunod na
aralin, magbalik-aral muna tayo. Ano ang
ating pinag-aralan sa huli nating
pagkikita?
>>Mula sa ating pinag-aralan, ano ang
banghay at mga elemento nito? Pakilahad.

Mga Inaasahang Sagot


>>Huling tinalakay po natin ang tungkol
sa Banghay at mga Elemento nito.
>>Ang banghay po ay tumutukoy sa
maayos at malinaw na pagkakasunod-
sunod ng mga magkakaugnay na
pangyayari sa akda. Ito ay may
panimulang pangyayari, pataas na




>>Ibigay ang pagkakaiba-iba o sakop ng
mga elemento nito.
















>>Dumako tayo ngayon sa ating susunod
na aralin.

2. Pagganyak
>>Nakakita naba kayo ng putakti? Bakit
kaya maliit ang beywang ng Putakti?
Ating alamin sa pagbasa ng pabulang
Lalapindigowa-i: Kung Bakit Maliit
ang Beywang ng Putakti.

>>Ang pabulang ito ay pabula ng
Maranao, ito ay ang mga mamamayan ng
Lanao. Ang ibig sabihin ng ranao ay
lawa kayat tinawag silang mga Maranao
ay dahil nakatira sila sa gilid ng lawa.
Karamihan sa mga Maranao ay mga
Muslim at may relihiyong Islam. Isa sa
mga kaugalian nila ay ang pagpapahintulot
sa lalaking Muslim na mag-asawa ng higit
sa isa Subalit magagawa lamang ito kung
makakaya niyang bigyan ng pantay na
karapatan, suporta, panahon, at ari-arian
ang kanyang mga asawa.

aksyon, kasukdulan, pababang aksyon o
kalakasan, at wakas.
>>Panimulang Pangyayari: Ito ang
tawag sa unang kalagayan ng tauhan na
nakapupukaw ng interes. Ipinakikilala
dito ang tauhan at tagpuan sa pabula.
Pataas na Aksyon: Dito tumitindi o
tumataas ang galaw o kilos ng mga
tauhan na humahantong sa kasukdulan.
Kasukdulan: Sa bahaging ito ipinakikita
ang mataas na bahagi ng kapanabikan na
sanhi ng madamdamin o maaksiyong
pangyayari sa buhay ng mga tauhan
Kalakasan: Isinasaad sa bahaging ito
ang unti-unting pag bibigay linaw sa
mga panyayari sa akda, at naghuhudyat
ng nalalapit na katapusan.
Wakas:Dito inilalahad ang kinahinatnan
ng mga tauhan at pangyayari sa akda.



























>>Ano kaya ang kaugnayan ng kulturang
ito sa pabulang ating babasahin? Si
Lalapindigowa-i kaya ay isang Muslim?
Ating alamin.
Interaktibong Pagsasalaysay: Ang mga
mag-aaral ay hahatiin sa tatlong pangkat
upang bigyang buhay ang mga tauhan.
Unang Pangkat: Lalapindigowa-I
(Putakti)
Ikalawang Pangkat: Odang (Hipon)
Ikatlong Pangkat: Orak (Itlog)

3. Talasalitaan
magdadamba
magpasya
nagsawa
nagsumikap
nagwika

B. Interaksiyon
1. Talakayan hinggil sa paksa
>>Bilang gawain sa aralin, sagutin ang
sumusunod na mga tanong hinggil sa
pabulang binasa.
1. Anong katagian ng tao ang taglay
ni Lalapindigowa-I na dapat
pamarisa? Ang hindi dapat
pamarisan? Bakit?
2. Anong uri ng asawa sina Odang at
Orak? May mga babae bang asawa
na may katulad nilang katauhan?
Patunayan.
3. Pagsunud-sunurin ang mga
pangyayari. Isulat lamang ang
tamang titik ng mga detalye sa
dayagram.


__ Kasukdulan


__Pataas na Aksyon __Pababang Aksyon

__Panimulang __ Wakas ng
Pangyayari Pabula















magtatalon
nagdesisyon
nawalan ng gana/ interes
nagpursigi, nagtiyaga
sinabi






>>Si Lalapindigowa-i ay isang masipag
at matapat na asawa. Nagsusumikap
siyang magtrabaho upang mapakain ang
dalawang asawa.
>>Si Odang at Orak ay walang
pagtitiyaga sa tungkulin at mareklamo.
May ilang mga babaeng asawa ang
katulad nila, ito ay yung mga tamad at
walang ginawa kundi magpakasaya sa
mga masasamang libangan katulad ng
pagsusugal at iba pa. Napapabayaan nila
ang kanilang asawa at pamilya.

>>1. Si Lalapindigowa-I (isang putakti)
ay masipag na nagtatrabaho sa bukirin
upang mapakain ang kanyang dalawang
asawa.
>>2. Nagsawa ang dalawang asawa ni
Lalapindigowa-i na sina Odang (hipon)
at Orak (itlog) sa pagdadala ng pagkain
sa kanya. Pagalit na tumangging
magdala ng pagkain si Odang.





















2. Interaksiyon ng guro sa mag-aaral;
mag-aaral sa kapwa mag-aaral
>>Pagtalakay sa mga kasagutan.

C. Integrasyon
1. Pagpapahalaga:
>> Bigyang pagpapatotoo ang pahayag na
Ang positibong pag-iisip at pagganap sa
tungkulin ang daan tungo sa isang
matiwasay na buhay.




2. Pag-uugnay
>> Sa pamamagitan ng paglalahad ng mga
halimbawang karanasan o sitwasyon,
paano mo tinitingnan ang buhay? Paano
nakatutulong sa iyo ang pagkakaroon ng
positibong pananaw dito?

3. Paglalahat
>>Ang buhay ay isang napakagandang
regalo mula sa Poong May Likha.
Bagamat nakararanas tayo ng mga
>>3. Nagdadamba si Odang hanggang
mahulog ito sa kaserola at nagging pula
ang balat. Ipinaghele naman siya ni
Orak ngunit hindi sinasadyang tumama
naman ito sa bunganga ng kaserola
kayat ang itlog ay naluto rin.
>>4. Nainip na si Lalapindigowa-i sa
paghihintay sa dalawang asawang
magdadala ng pagkain. Umuwi siya sa
kanilang bahay at nakita niya ang basag
nang kaserola.
>>5. Hinigpitan ni Lalapindigowa-I ang
kaniyang sinturon kayat lumiit nang
lumiit ang kaniyang bewang.

A Kasukdulan


E Pataas na Aksiyon B Pababang Aksiyon

D Panimulang C Wakas ng
Pangyayari Pabula






>> Sa lahat ng bagay, nararapat lamang
na positibo ang ating pananaw, pagkat
lahat ng bagay kahit ang pinakamahirap
pa sa mga ito ay magagawa kung
pagsusumikapan. Ang pagganap sa
isang tungkulin ay dapat na bukal sa
loob upang maging maganda ang
kalalabasan o resulta nito.


(Paglalahad ng mga piling mag-aaral ng
kanilang karanasan.)
suliranin, ito ay nagsisilbing mga hamon
na nagpapatibay lamang ng ating loob.
Kaya naman dapat maging positibo ang
pananaw natin sa mundo , at maging sa
pagganap ng ating mga tungkulin upang
maging matiwasay ang ating buhay. Isang
magandang halimbawa ay ang Paglikha.
Ang tao ay nilikha ng Diyos upang
maging katuwang Niya sa pangangalaga
ng Kaniyang mga likha. Tungkulin natin
na ingatan, mahalin at lalo pa itong
pagyamanin sapagkat ito ay para rin sa
ating mga pangangailangan, at ikauunlad n
gating buhay. Kung mayroon lamang
tayong positibong pag-iisip at pagganap sa
ating tungkulin hindi tayo makararanas ng
kasiraan n gating inang kalikasan.
>>Sanay magsilbing aral, at maging totoo
sa inyong buhay ang kasabihang, Ang
positibong pag-iisip at pagganap sa
tungkulin ang daan tungo sa isang
matiwasay na buhay.

4. Ebalwasyon
Paglalahad ng mga mag-aaral ng banghay
ng binasang pabula batay sa mga elemento
nito.


IV. TAKDANG-ARALIN
Paunang pag-aaral o pananaliksik sa Pangungusap at mga Bahagi nito.











BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VII


I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng isang oras na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahan na matamo
ang mga sumusunod:

A. Natutukoy ang mga bahagi ng pangungusap: simuno at panaguri.
B. Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng mahusay na pagkakabuo ng pangungusap
sa pagbuo/ pagsasalaysay ng mga pangyayari o pagkukuwento.
C. Nakabubuo ng wasto at mabisang pangungusap.

II. PAKSANG ARALIN

MGA BAHAGI NG PANGUNGUSAP

Sanggunian:
Longga, Asuncion B., et al, Filipino I, United Eferza Academic Publications, Co.
2010., Lipa City, Batangas.
Dominguez, Leticia F., Ph. D., Lolita R. Nakpil. Gintong Pamana Pansekundarya,
Wika at Panitikan., SD Publications, Inc. 2000.

Kagamitan:
Visual aids

III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Introduksiyon
1. Pagbabalik- aral
Pagtatanong:
>>Bago natin simulan ang kasunod na
aralin, magbalik-aral muna tayo. Ano ang
ating pinag-aralan sa huli nating pagkikita?





Mga Inaasahang Sagot


>> Binasa po natin ang pabulang
Lalapindigowa-i: Kung bakit maliit
ang beywang ng Putakti at inilahad
ang pagkakasunoud-sunod ng mga
pangyayari ayon sa pagkakabalangkas
ng banghay nito.
>>Tinalakay din po natin na ang
positibong pag-iisip at pagganap sa


>>Magaling! Tama ang lahat ng inyong
tinuran at natutuwa ako dahil batid kong
naunawaan niyo an gating aralin noong
huling pagtatagpo.

2. Pagganyak
Pagsasama-sama ng mga salita upang
makabuo ng mabisang pangungusap.
Dugtungang pagbubuo.
>>Pagbibigay ng letra, halimbawa: m,
magbibigay ang mga mag-aaral ng salita
na nagsisimula sa p (puso); mula sa
salitang iyon at iba pang mga salita ay
bubuo sila ng pangungusap.

>>Pagbibigay ng guro ng ilan pang salita
na nagsasaad ng buong diwa: Takbo. Tigil.
Lakad. Mula dito ay bubuo ng
pangungusap ang mga mag-aaral.

B. Interaksiyon
1. Talakayan hinggil sa paksa
>> Mula sa ating panimulang gawain-- ang
pagsasama-sama ng mga salita, nakabuo
tayo ng isang buong diwa na tinatawag
nating?
>> Tumpak! Nakabuo tayo ng mga
pangungusap. Bigyang pagpapakahulugan
natin ngayon ang pangungusap Ang
pangungusap ay
>>Tama! Ang pangungusap ay
nagpapahayag ng isang buong diwa. Kung
gayon, ang mga salitang tigil, takbo,
lakad na ginamit natin kanina, ay
matatawag din ba nating pangungusap?
>>Mahusay ang iyong pagsusuri!
>>Ang pangungusap ay hinndi mabubuo
kung wala ang dalawa nitong bahagi, ano
kaya ang mga ito?
>>Tama! Ano kaya ang pagkakaiba ng
simunoat panaguri? Sino ang
makapagsasabi?


tungkulin ay daan tungo sa matiwasay
na buhay.





















Pangungusap!




>> Ang pangungusap ay isang salita o
lupon ng mga salita na nagpapahayag
ng isang buong diwa.

>> Opo dahil ayon sa kahulugan ng
pangungusap ito ay maaaring isang
salita lamang, at kahit isang salita
lamang ito ay nakapagpapahayag ito ng
isang buong diwa.

>>Ito ay may dalawang bahagi: ang
simuno o paksa at ang panaguri.

>> Ang simuno po ay ang paksang
pinag-uusapan sa pangungusap.
Samantala, ang panaguri naman ay ang
bahaging nagbibigay kaalaman o
tumutukoy sa paksa.

>>Tama ang iyong tinuran! Ang simuno
ay ang diwa ng pangungusap at ang
panaguri ang nagbibigay kaalaman dito.

2. Interaksiyon ng guro sa mag-
aaaral
Paglalahad ng kabuuang input tungkol sa
mga bahagi ng pangungusap.

>>Maaari bang magbigay ng halimbawang
pangungusap?
>>Batay sa inyong ibinigay na mga
pangungusap, ano ang inyong napapansin
sa pagkakabuo nito, partikular sa simuno?

>>Pangkaraniwang ginagamit na paksa o
simuno ang pangngalan at panghalip,
ngunit maaari ding gamitin ang pang-uri at
pandiwa bilang paksa.
>>Ang mga ito ay tinatawag nating Payak
na Simuno.

Pagbibigay ng mga halimbawa.

>>Maaari bang kayo naman ang magbigay
ng halimbawa. Magbigay nga ng
halimbawang pangungusap na ang simuno
ay pangngalan, panghalip, pang-uri, at
pandiwa.
>>Pansinin naman natin ang pangungusap
na ito:
Ang Filipino at I ngles ay ginagamit na
mga wika sa Pilipinas.
>>Ano ang mapapansin niyo sa simuno?



>>Tama, ang tawag naman natin sa
simuno na tulad nito ay Buong Simuno. Ito
ay may kasamang iba pang salitang
panuring.
>>Dumako naman tayo sa isa pang bahagi
ng pangungusap, ano na nga iyon?

>>Tama! Tulad ng simuno, ang panaguri










Pagbubuo at paglalahad ng mga mag-
aaral ng sariling pangungusap.
>>Gumagamit po tayo ng pangngalan o
panghalip bilang paksa o simuno sa
pangungusap.










Pagbubuo at paglalahad ng mga mag-
aaral ng pangungusap na may simuno
na pangngalan, panghalip, pang-uri, at
pandiwa.





>> Ito po ay may dalawang simuno:
Filipino at Ingles. Mayroong mga
kasamang m,ga salita tulad ng ang at
at




>>Ang isa pang bahagi ay ang
Panaguri, ito ay nagbvibigay ng
kaalaman sa simuno.

ay maaaring payak o di kayay buo. Narito
ang ilang halimbawa.
>>Ngayon, kayo naman ang magbigay ng
halimbawang pangungusap.

C. Integrasyon
1. Pagpapahalaga
>> Paano natin magagamit sa ating pang-
araw-araw na gawain ang kaalaman
tungkol sa mahusay na pagkakabuo ng
pangungusap?

2. Pag-uugnay
>> Araling Panlipunan: Ano ang
kahalagahan ng mahusay na pagkakabuo
ng pangungusap sa pagbuo/ pagsasalaysay
ng mga pangyayari o pagkukuwento?

3. Paglalahat
>>Bilang paglalahat, ano ang naidagdag na
kaalaman sa atin ng ating aralin?

4. Ebalwasyon

Gawaing Panggramatika

A. Panuto. Salungguhitan ang buong
simuno at makalawa naman ang
buong panaguri.

1. Ang panitikan ay salamin ng
kultura ng bansa.
2. Ang pabula at epiko ay mga uri ng
panitikang Pilipino.
3. Mayaman at malawak ang
nakapaloob sa panitikang Pilipino.
4. Ang dalawang asawa ni
Lalapindigowa-I ay nagkasundo na
dalhan siya ng pagkain.
5. Ang panitikan ay ipinasa nang
ipinasa ng mga unang henerasyon.

B. Ikahon ang payak na simuno at
bilugan ang payak na panaguri.

1. Inilarawan ni Pilandok ang tao


Pagbubuo at pagbibigay ng mga
halimbawang pangungusap.



>>Magagamit po natin ito sa mahusay
na pakikipag-usap o pakikipagtalastasan
kung saan maayos nating maipapahayag
ang mga ideya.


>>Kung iuugnay natin sa Araling
Panlipunan, ang mahusay na
pagkakabuo ng pangungusap ay
makatutulong upang maging malinaw
ang pagsasalaysay ng kasaysayan.

Paglalahat mula sa mga mag-aaral.
bilang maganda at
pinakamakapangyarihang nilalang
sa mundo.
2. Hinamon ni Pilandok ang suso sa
isang karera.
3. Iwinasiwas pa ni Pilandok ang isa
niyang paa sa mukha ng buwaya
upang mapaniwala ito.
4. Nag-isip ng paraan ang usa upang
makawala sa buwaya.
5. Sa pagsunod ng tigre sa payo ni
Pilandok na sunggaban ang
matabang mangangaso, ito ay
nabaril.

IV. Takdang Aralin


























BANGHAY ARALIN SA FILIPINO VII

I. LAYUNIN

Sa pagtatapos ng isang oras na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahan na matamo
ang mga sumusunod:

A. Nakasusulat ng mga talata na may wasto at maayos na pagkakabuo ng mga
pangungusap.
B. Naisasaalang-alang ang kahalagahan ng pabula bilang isang mahalagang bahagi
ng pag-aaral ng wika at kultura.
C. Nakabubuo ng sariling mga pangyayari sa pabula batay sa ilang pangyayari at
impormasyong inilahad ng guro.

II. PAKSANG ARALIN

MGA DAPAT TANDAAN SA PAGSULAT NG TALATA

Sanggunian:
Longga, Asuncion B., et al, Filipino I, United Eferza Academic Publications, Co.
2010., Lipa City, Batangas.
Dominguez, Leticia F., Ph. D., Lolita R. Nakpil.,Ang magulang ay magulang.,
Gintong Pamana Pansekundarya,Wika at Panitikan., SD Publications, Inc. 2000.,
pp. 3-4.

Kagamitan:
Visual aids


III. PAMAMARAAN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral
A. Introduksiyon

1. Pagbabalik-aral
>>Bago natin simulan ang kasunod na
aralin, magbalik-aral muna tayo. Anu-ano
ang inyong natutunan sa talakayan sa
huling pagkikita?
Mga Inaasahang Sagot


>> Natutunan po namin ang tungkol sa
Pangungusap, kung saan ito po ay
binubuo ng salita o lipon ng mga salita
na mayroong isang buong diwa. Ito ay


>> Mahusay ang pagkakaunawa!

2. Pagganyak
>> Hindi bat ngayon ay buwan ng
Agosto? Ano ang ipinagdiriwang tuwing
buwan ng Agosto?
>> Tama, bakit kailangan itong
ipagdiwang?

>> Tumpak! Yaman din lamang na pinag-
uusapan natin ang Wikang Filipino, maaari
bang magbigay ng mga pangungusap ukol
dito?






B. Interaksiyon
1. Pagtalakay hinggil sa paksa

Mula sa ating nasimulang gawain, alamin
natin kung wasto ba ang pagkakasulat ng
inyong talata.

Pagbibigay ng input tungkol sa mga dapat
tandaan sa pagsulat ng talata.
>>Kaisahan. Ang lahat ng sangkap ng
pangungusap o talataan ay nakapokus
lamang sa iisang paksa.
>>Kaugnayan. Ang mga salita,
pangungusap, at mga kaisipan ay
kailangang kaugnay ng mga diwa o
paksang tinatalakay.
>>Diin. Ipakita ang kabigatan ng isang
ideya o kaisipan, pangyayari o anumang
mahalagang bagay sa pamamagitan ng
pagbibigay ng tamang diin dito sa isang
talataan.
>>Kawilihan. Ang bawat talata ay may
layuning makapagbigay ng kasiyahan at
maakit ang interes ng sinumang babasa o
makikinig. Maisasakatuparanang layuning
nahahati sa dalawang bahagi: Ang
Simuno at ang Panaguri.



>> Opo. Tuwing Buwan ng Agosto ay
ipinagdiriwang po natin ang Buwan ng
Wika.
>> Ipinagdiriwang po ito bilang
pagpapahalaga sa Wikang Filipino.

Magbibigay ng magandang pamagat at
bubuo ng mga pangungusap ang mga
mag-aaral kaugnay dito. Sa gayong
paraan ay makasusulat sila ng isang
talata na may wastong pagkakabuo ng
pangungusap.

Sabayang pagbasa ng mga mag-aaral sa
input.


























ito kung ang talata ay may kawili-wiling
paksa.

2. Interaksiyon ng guro sa mag-
aaral
Pagsusuri sa mga inilahad at isinulat na
mga pangungusap sa binuong talata.
>>May kaisahan ba ang mga pangungusap
sa talata? Ano ang paksang bibibigyang
diin?
>>May kaugnayan ba ang bawat
pangungusap?

>>Ano ang binibigyang diin sa ating
talata?


>>May kawilihan bang matatamo ang mga
mambabasa sa pagbasa ng ating binuong
talata?


>>Binabati ko kayo dahil nakabuo kayo ng
isang talata na may maayos at wastong
pagkakabuo ng mga pangungusap.

C. Integrasyon
1. Pagpapahalaga
>>Bakit mahalagang pag-ukulan ng
panahon ang pagkatuto sa pagsulat ng
anumang akda ng may maayos at wastong
pagkakabuo ng pangungusap?
2. Pag-uugnay
Araling Panlipunan: Ano ang kahalagahan
ng pabula sa pag-aaral ng kultura?




3. Paglalahat
>>Muli nating ilahad ang mga dapat
tandaan sa pagsulat ng talata. Anu-ano ang
mga iyon?

4. Ebalwasyon








>>Opo, ang talata ay may kaisahan
dahil nakapokus ito sa iisang paksa
ang Wikang Filipino.
>>Opo, sapagkat ang bawat
pangungusap na ginamit ay tungkol
lamang sa paksa.
>>Binibigyang diin po dito ang
paggamit ng Wikang Filipino, ang
pagpapahalaga at lalong pagpapayaman
dito.
>>Opo, dahil nabibigyan tayo ng
mahahalagang kaalaman at kaisipan na
buhat sa binuong talata.








>>Mahalagang matutunan ang maayos
at wastong pagkakabuo ng
pangungusap sa isang talata upang
malinaw na mailahad ang mga kaisipan
sa akda.
>>Mahalaga ang pabula sa pag-aaral ng
kultura ng ating bansa sapagkat
karaniwang nakapaloob sa pabula ang
ilang kultura ng mga mamamayan sa
inbat-ibang rehiyon ng ating bansa.


Paglalahad ng mga dapat tandaan sa
pagsulat ng talata.
Bumuo ng sariling mga pangyayari sa
pabula batay sa ilang pangyayari o
impormasyon na nakatala sa tsart.

A. Ang Agila at ang Maya

Tauhan:
Agila- kilala bilang malakas at malaking
ibon
Maya- isang maliit na ibon

Panimula:
Isang agila ang mayabang na lumilipad sa
himpapawid. Nakasalubong niya si Maya,
isang maliit na ibon. Hinamon niya ito sa
isang paligsahan upang malaman kung sino
ang mas mabilis lumipad.

Unang Pangyayari:
TInanggap ni Maya ang hamon ni Agila.
Napuna ni Agila na biglang nagdilim ang
kalangitan, isang palatandaan na may
paparating na ulan.

Ikalawang Pangyayari:
Upang hgit na maging maganda ang
paligsahan, iminungkahi ni Maya na
magdala sila ng isang bagay


Ikatlong Pangyayari:

Ikaapat na Pangyayari:

Ikalimang Pangyayari:.

Wakas:

Aral:
Maging mapagpakumbaba at huwag
maging mayabang sa kabila ng ating mga
katangian.

Huwag maliitin ang kakayahan ng ating
kapwa.

B . Ang mga Unggoy at mga Tutubi

Tauhan:
Unggoy- isang uri ng hayop na may
malapit na pagkakahawig sa hitsura at
katangian ng tao.
Tutubi- isang uri ng insektong lumilipad

Panimula:
Isang araw na napakainit, tirik ang araw at
ang hangin ay nakapapaso, isang
kawawang tutubi na pagod na pagod mula
sa malayong paglalakbay ang dumapo sa
isang sanga upang magpahinga.

Unang Pangyayari:
Naghanap ang tutubi ng madadapuan.
Namahinga siya sa isang sanga ngunit
nagalit ang isang unggoy dahil itoy
kanilang kanlungan. Pinalayas siya nito.

Ikalawang Pangyayari:
Nagsumbong ang tutubi sa kanyang kapatid
na hari ng mga tutubi kayat ang hari ay
nagpahatid ng liham sa hari ng mga
unggoy. Nakasaad sa liham ang tungkol sa
masamang trato ng isa nitong tauhan sa
kanyang kapatid.

Ikatlong Pangyayari:

Ikaapat na Pangyayari:

Ikalimang Pangyayari:

Wakas:

Aral:
Maging mapagpakumbaba at huwag
maging mayabang sa kabila ng ating mga
katangian.

Huwag maliitin ang kakayahan ng ating
kapwa.

Huwag kasisiguro hanggang hindi pa
natatapos ang labanan.

IV. Takdang Aralin

Paunang pag-aaral tungkol sa elemento ng pabula: Mahalagang Kaisipan; pagbasa sa
pabulang Ang Mag-anak na Langgam.

Vous aimerez peut-être aussi