Sa pagtatapos ng isang oras na pag-aaral, ang mga mag-aaral ay inaasahan na matamo ang mga sumusunod:
A. Natutukoy ang mga ekspresyon sa pagbibigay ng payo o mungkahi. B. Napahahalagahan ang paggamit ng mga ekspresyon sa pagbibigay ng payo o mungkahi. C. Nakasusulat at nakapagbbibigay ng payo o mungkahi gamit ang mga ekspresyon sa pagbibigay nito.
II. PAKSANG ARALIN
MGA EKSPRESYON SA PAGBIBIGAY NG PAYO O MUNGKAHI
Sanggunian: Longga, Asuncion B., et al, Filipino I, United Eferza Academic Publications, Co. 2010., Lipa City, Batangas.
Kagamitan: Visual Aids
III. PAMAMARAAN
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A. Introduksiyon 1. Pagbabalik-aral >>Magbalik-aral muna tayo, ano ang ating tinalakay sa nakaraang pagkikita? >>Tama! Ano ang ating natutunan sa pabulang ating binasa?
>>Ano ang mahalagang kaisipan na nakapaloob dito? Mga Inaasahang Sagot
>>Binasa po natin ang pabulang, Ang Mag-anak na Langgam >>Nalaman po natin ang mahalagang kaisipan na nakapaloob dito. >>Inilalahad po ng pabula ang kaisipan tungkol sa pagsunod sa magulang upang makaiwas sa kapahamakan.
>>Tama! Ating ipagpapatuloy ang pagtuklas sa mahahalagang kaisipang nakapaloob sa pabulang, Ang Mag-anak na Langgam.
2. Pagganyak Kolaboratibong Gawain. Pagbubuo ng mga mag-aaral ng limang grupo. Sasagutin ng mga mag-aaral ang mga katanungan na magpapapalalim ng kanilang kaalaman tungkol sa aralin. Sa pagsagot, silay magbibigay ng langgam na magsisilbing tiket sa pagsagot; ang bawat tamang kasagutan ay may kaukulang puntos. Ang unang makaubos ng tiket ang siyang magwawagi.
>> Anong katangian ng mga langgam ang dapat tularan ng mga tao?
>> Kung ikaw si Bunsong Langgam, maghihinanakit ka ba sa iyong Amang Langgam kung ikaw ay pinaaalalahanan nito? Bakit?
>> Tama ba ang naging reaksiyon ni Amang Langgam sa sinapit ng kanyang bunsong anak? Bakit?
>> Anong pangyayari ang nagbunsod upang masuway ni Bunsong Langgam ang mahigpit na bilin ng kanyang ama?
>>Totoo bang walang hinahangad na masama ang isang magulang para sa kanyang anak? Naniniwala ka ba rito? Bakit?
>> Ang pagiging mapag-imbak o pagtitipon ng pagkain bilang paghahanda kung sakaling magkaroon ng di inaasahang pangyayari tulad ng kakulangan sa pagkain o kayay bagyo at unos.
>> Hindi po, dahil alam kong iniisip lamang niya ang aking kaligtasan at kapakanan.
>> Opo, sapagkat natural lamang sa isang ama na malungkot at makaramdam ng pighati sakaling may mangyaring masama sa kanyang anak.
>> Naisipan niyang humanap ng mas masarap na pagkain, nang makakita siya ng kendi ay gumawa siya ng paraan upang makuha ito kahit pa maaari siyang mapahamak. >>Opo, dahil walang magulang ang magnanais na mapasama o mapahamak ang anak sa kung ano pa mang paraan. Isang halimbawa, nagagalit ang isang magulang kapag may pagkakamali ang anak, hindi dahil hindi niya ito mahal,
A. Interaksiyon a. Talakayan hinggil sa paksa; b. Interaksiyon ng guro sa mag-aaral at ng mag-aaral sa kapwa mag-aaral
>>Kung kayo si Bunsong Langgam, upang hindi na mangyari sa inyo ang nangyari sa kanya, ano ang inyong maipapayo sa mga mambabasa?
>> Nasubukan niyo na rin bang humingi at bigyan ng payo o mungkahi?Kanino kayo kalimitang humihingi o nagbibigay ng payo? >> Tungkol saan ang karaniwang dahilan ng paghinigo o pagbibigay ng payo?
>> Sa mga mas madalas na nagbibigay ng payo, paano niyo nabibigyan ng payo o mungkahi ang isang kaibigan na lumapit sa inyo at naglahad ng kanyang suliranin?
>> Tama! Kailangan natin palakasin ang kanilang loob. Ano pa?
>>Ano ang mga salitang iyon?
>> Tumpak! Kailangang gumamit tayo ng mga tamang salita o ekspresyon sa pagbibigay ng payo o mungkahi. Anu-ano ang mga ito? kundi dahil gusto niyang ituwid ang pagkakamali nito.
>> Papayuhan ko po ang mga mambabasa na makinig at sumunod sa mga pangaral ng magulang sapagkat itoy isang magandang gawain at ugali. Ito ang magsisilbing gabay natin upang maging maayos at maganda ang ating buhay. Ang magulang ang siyang nakakaalam ng lahat ng mabuti para sa atin. >> Opo. Karaniwan po ay sa mga kaibigan.
>> Kadalasan po na humihingi ako ng payo sa aking kaibigan kapag may problema sa pamilya o kayay personal na suliranin na gumugulo sa akin. Itinatanong ko po kung anong dapat na gawin para mabawasan ang aking mga iniisip kung hindi man lubos na masolusyonan ang aking problema. Ganon din naman po sa pagbibigay ng payo. >> Pinag-uusapan po namin ang problema, saka umiisip ng maaaring paraan para gumaan ang pakiramdam niya. Halimbawa po sasabihin na huwag munang isipin ang problema dahil di maglalaon ay malulutas din ito; kailangan lamang ng lakas ng loob. >> Dapat po yung mga gagamitin nating salita ay hindi makakasakit sa kanila. >> Ito po yung mga tamang ekspresyon sa pagbibigay ng payo o mungkahi. >> Ang mga ito po ay ang mga sumusunod: Mabuti pay Bakit indi pa
>> Tama! Ang mga ekspresyong ito ay magagamit natin sa pagbibigay ng payo o mungkahi.
B. Integrasyon
a. Pagpapahalaga >> Paano natin pinahahalagahan ang mga payo ng ating mga magulang o mga kaibigan? Maglahad ng sariling karanasan na may kauganayan sa kaisipang nakapaloob sa binasang pabula.
b. Pag-uugnay >> Araling Panlipunan: Anekdota ni Rizal, Ang Munting Gamu-gamo.
c. Paglalahat Paglalahat mula sa bawat grupo. Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng payo o mungkahi?
d. Ebalwasyon Humanap ng kapares o kapartner. Sumulat ng maikling dayalogo ng isang sitwasyon na may kaugnayan sa paghingi at pagbibigay ng payo o mungkahi. Gumamit ng tamang ekspresyon; isulat sa buong papel at isadula sa harap ng klase. Maaari naman Sikapin na Iwasang Subuking Kung ako ikaw Mas mainam Higit na mainam
IV. Takdang Aralin:
1. Pagpapatuloy ng gawain. 2. Ano ang Liham? Anu-ano ang mga bahagi nito? 3. Humanap o gumupit ng isang halimbawang liham na nagpapayo.