Vous êtes sur la page 1sur 2

AWIT NG LA PAZ

(La Paz, Tarlac)



Mula ng isinilang, Ikaw ang kinagisnan
Diway nagkamalay , ikaw rin ang gumabay
Umusbong, umunlad, hinubog ang kamalayan
Oh bayan kong mahal, ikaw rin ang dahilan

Kayat mga tao at Pamahalaan
Kapit-bisig sa pagtupad at paghirang
Sa mga proyektong inihahayag
Tungkol sa pag-unlad ng bayang nililiyag

La Paz, Tunay kang hinirang
La Paz, ang Diyos ang naglalang
Talino at lakas ipaglilingkod sa yo
Tapat at may dangal, Bayang Minamahal

Bagyo, Baha at ano mang sakuna
Tulong-tulong, sama sama sa pagbabata
Ating makakamit bastat magka-isa
Pagsulong, tagumpay ng bayan kong malaya

La Paz, tunay kang hinirang
La Paz, ang Diyos ang naglalang
Talino at lakas ipaglilingkod sa yo
Tapat at may dangal, Bayang Minamahal

Hindi mabubuwag, ang bayan koy matatag
Pagkat pinatibay ng mga taong tapat
At Diyos na nag-iingat

La Paz, Tunay kang hinirang
La Paz, ang Diyos ang naglalang
Talino at lakas ipaglilingkod sa yo
Tapat at may dangal, Bayang Minamahal

Talino at lakas ipaglilingkod sa yo
Tapat at may dangal, Bayang Minamahal

Posted by:
Kasuki Comillas Branch
Comillas, La Paz, Tarlac
09203192060




AWIT NG TARLAC


Iba't ibang ugali at gawi
Sa may gitnang Luzon umuuwi
Ang hangaring minimithi
Ay ang pagwawagi


Ang samyo ay tulad sa bulaklak
Busilak ka mahal naming Tarlac
Bayan-baya'y huwaran ng linis
Kandungan mo'y may buhay at tamis


Pugad ka ng may giting at dangal
Luklukan ng mga taong banal
Sa lawak ng iyong pitak
Pag-unlad ay tiyak


Luntiang kulay ng kabukiran
Naghahari ay katahimikan
Sa landas na aming tinatahak
Buhay namin ay kalong mo Tarlac!


Posted by:
Kasuki Comillas Branch
Comillas, La Paz, Tarlac
09203192060