Vous êtes sur la page 1sur 7

Ikalimang Pangkat

Heograpiya ng Egypt
Sa pag-unawa sa heograpiya ng
sinaunang Egypt, mahalagang tandaan
na ang tinutukoy na Lower Egypt ay nasa
bahaging hilaga ng lupain o kung saan
ang Nile ay dumadaloy patungong
Mediterranean Sea. Sinamantala, ang
Upper Egypt ay ang bahaging katimugan
mula sa Libyan Desert hanggang sa Abu
Simbel.
Ang Nile River na may 4,160 milya o
6,694 na kilometro ang haba ay
dumadaloy mula katimugan
patungong hilaga.
Ang Egypt ay tinatawag na bilang
The Gift of the Nile dahil kung
wala ang ilog na ito, ang buong
lupain ito ang bahaging hilagang-
silangan ng disyerto ng Africa.
Ang pagbahang idinudulot ng Nile
ay nahinto lamang noong 1970
nang maitayo ang Aswan High
Dam upang makapagbigay ng
elektrisidad at maisasaayos ang
suplay ng tubig.
Sa panahong neolitiko, ang
taunang pag-apaw ng Nile ay
nagbigay daan upang
makapagtanim ang mga
magsasaka sa lambak-ilog.

Ang putik na dala ng ilog
ay unti-tunting naiipon sa
bunganga ng Nile sa
hilaga upang maging
latiang tinatawag na
delta.
KRONOLOHIYA NG KASAYSAYAN NG EGYPT

Ang sinaunang kasaysayan ng Egypt ay kadalasang
hinahati sa mga panahong batay sa dinastiya ng
naghaharing pharaoh. Ang pharaoh ay tumatayong
pinuno at hari ng sinaunang Egypt. Siya ay itinuturing
din bilang isang diyos na taglay ang lihim ng langit at
lupa. Para sa mga pharaoh, sila ang tagapagtanggol
sa kanilang nasasakupan. Sa pangkalahatan,
maituturing na kontrolado ng isang pharaoh ang lahat
ng aspekto ng pamumuhay ng mga sinaunang
Egyptian. Kabilang sa kanyang mga tugkulin ay ang
pagsasaayos ng mga irigasyon, pagkontrol sa
kalakalan, pagtatakda ng mga batas, pagpapanatili ng
hukbo, at pagtiyak sa kaayusan ng Egypt.

Vous aimerez peut-être aussi