Vous êtes sur la page 1sur 2

GABALDON DISTRICT, KAMPEON SA WOMENS ARTISTIC GYMNASTICS

Nasungkit ng Gabaldon District ang kampeonato sa Womens Artistic Gymnastics sa katatapos


na Provincial Meet 2013 noong Oktubre 3-5,2013 na ginanap sa Palayan City National high School,
Palayan City, Nueva Ecija.
Ang nasabing palaro ay nilahukan ng tatlong pampublikong paaralan mula sa sangay ng Nueva
Ecija, ito ay ang Llanera Central School, Llanera District, Gen. Tinio Central School, Gen. Tinio District at
Ligaya Elementary School, Gabaldon District.
Ang mga manlalaro ay nagpamalas ng galing at husay sa gymnastics. Kaya naman nasungkit ng
Gabaldon District ang kampeonato sa katauhan nila Angela Joy R. Novilla, Jolina C. Novilla at Robelyn
Suamer na pawang mga nasa ika-6 na baiting ng Ligaya E/S sa pangunguna ng kanilang gurong
tagapagsanay na si Gng. Reynalyne C. Tenoria.


CLRAA DIVISION TRAINING, ISINAGAWA

Bilang paghahanda sa nalalapit na Central Luzon Regional Athlete Association (CLRAA) Meet
2013 na magaganap sa Disyembre 7-13 sa Iba Zambales, and sangay ng Nueva Ecija ay nagsagawa ng
division training para sa mga manlalarong napili sa katatapos na Provincial Meet 2013.
Ang nasabing division training ay nilahukan ng mga atleta, coaches at trainers mula sa ibat-
ibang isports gaya ng volleyball, basketball, table tennis, badminton, chess, boxing, arnis, sepak, takraw,
sipa takraw, taekwondo, gymnastics, swimming, athletics, archery, football, softball at baseball. Ito ay
isinagawa upang sanayin at palakasin ang bawat manlalaro para makamit ang inaasam-asam na
kampeonato.
Mula sa Ligaya E/S, Gabaldon District ay napili ang mga mag-aaral mula sa ika-6 na baiting na
sina Angela Joy R. Novilla, at Jolina Novilla sa Womens Artistic Gymnastics (WAG), Richard Kiel Fabbien
R. Peralta sa Rhythmic Gymnastics (RG), CJ Mark Phua, Angelo B. Vegiga, at Mark Gil G. Labiano sa
football. Kasama rin sa nasabing training ang mga guro na sina Gng. Reynalyne C. Tenoria bilang coach
ng WAG, Gng. Grace M. San Juan bilang trainer ng RG at Avelino M. Facundo bilang tournament
manager ng swimming.


BOXING DAPAT PA BANG ISAMA SA PALARO NG DEPED?

Sa larangan ng laro lakas ng katawan at isipan ang kailangan. Idagdag pa ang dedikasyon at
determinasyong manalo sa anumang laban. Kaya naman lahat ng manlalaro sa ibat-ibang isports ay
nagsasanay ng husto upang maging handa sa laban. Ngunit, paano kung sa hindi inaasahanag pangyayari
ang hinahangad na tagumpay buhay ang maging kapalit? Papangarapin mo pa kayang sumali at
lumaban? O maging simpleng mag-aaral na lamang at magpokus sa akademikong larangan?
Tulad na lamang sa nangyari sa nakalipas na CLRAA Meet 2013 na ginanap sa Iba, Zambales
noong Disyembre 7-13, 2013, ang isang simpleng manlalaro ng boksing ay lumaban na ang tanging
hangad ay manalo upang mag-uwi ng karangalan sa kanilang paaralan ay binawian ng buhay dahil sa
isang suntok ng kalaban. Sino ang nagkulang? Sino ang may pananagutan? Sino ang may sala? Ang
kalabang boksingero ba na ang hangad ay talunin ka? Ang coach ba na ang hangad ay manalo ka? O ang
departtamento ng edukasyon ba na ang hangad ay mapili ang pinakamagaling at pinakamahusay na
manlalaro na ilalaban sa Palarong Pambansa?
May mga nagsasabing walang may gusto sa nangyari dahil itoy isang aksidente. Subalit,
mangyayari kaya ito kung ang lahat ay naging handa sa laban? Anuman ang naging mga dahilan at
pagkukulang, marapat lamang na alisin na ang larong boksing sa susunod na mga palaro ng DepEd upang
maiwasan na ang ganitong mga pangyayari. Huwag na nating hintayin na meron na namang magbuwis
ng buhay bago gumawa ng aksiyon ang kinauukulan. Dahil higit sa tagumpay ay mas mahalaga pa rin ang
buhay ng bawat manlalaro.


MGA GURO NG LIGAYA E/S WAGI SA CIVIL SERVICE WEEK

Noong ika 23-25 ng Setyembre, 2013 ginanap ang Civil Service Week sa Gabaldon Vocational
Agriculture High School (GVAHS), Pantoc, Gabaldon, Nueva Ecija. Taun-taon ito ay isinasagawa upang
palakasin ang pagkakaisa at camaraderie ng mga empleyado ng gobyerno dito sa Gabaldon. Ang
nasabing palaro ay nilahukan ng limang ahensya ng gobyerno mula sa Local Government Unit (LGU),
Philippine National Police (PNP) kasama ang Commision on Elections (COMELEC), Nueva Ecija University
of Science and Technology (NEUST), Department of Education Secondary at Elementary level.
Bilang bahagi ng pagdiriwang ang mga empleyado ay nagtagisan ng galing at lakas sa larangan
ng pagsayaw (Modern at Folk Dance Competition), pagkanta (Solo, Duet, at grupo), at sa larangan ng
isports tulad ng volleyball, basketball, chess, scrabble, at mga laro ng lahi gaya ng tug-of-war, sack race
at obstacle relay.
Ang mga guro ng Ligaya E/S ay hindi nagpahuli at sila ay waging-wagi. Narito ang resulta ng
isinagawang palaro:

EVENT NAME OF TEACHER PLACE
Modern Dance
Competition
Grace M. san Juan
Champion
Reynalyne C. Tenoria
Folk Dance Competition Grace M. san Juan Champion
Choral Competition
Elvira M. Agustin
Second Place
Lerma D. Maliksi
Magdalena G. Corpuz
Riza T. Bautista
Volleyball (Girls)
Grace M. san Juan
Second Place
Marie E. Jaluague
Scrabble Rolando I. Dalacat Jr. Second Place



PANDAIGDIGANG ARAW NG MGA GURO, IDINAOS

Ang pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Guro o World Teachers day ay isinasagawa
taun-taon tuwing ika-5 ng Oktubre na may temang My Teacher, My hero, bilang pakikiisa sa adhikain
ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) na sinimulan noong 1994.
Layunin nito na suportahan ang mga guro at masiguro na matugunan ang mga pangangailangan ng mga
mag-aaral. Maituturing na ang pagiging guro ay napakagandang propesyon kaya nararapat lamang na
sila ay bigyang pansin at ituring na mga bayani sa makabagong henerasyon.

Vous aimerez peut-être aussi