Vous êtes sur la page 1sur 1

Pasko Na Naman

Pasko na naman
O kay tulin ng araw
Paskong nagdaan
Tila ba kung kailan lang
Ngayon ay Pasko, dapat pasalamatan
Ngayon ay Pasko, tayo ay mag-awitan

Koro:
Pasko (Pasko), Pasko (Pasko)
Pasko na namang muli
Tanging araw nating pinakamimithi
Pasko (Pasko), Pasko (Pasko)
Pasko na namang muli
Ang pag-ibig, naghahari

repeat all
repeat chorus 3x
Ang Pasko Ay Sumapit


Ang Pasko ay sumapit
Tayo ay mangagsiawit
Ng magagandang himig
Dahil sa Diyos ay pag-ibig

Nang si Kristo'y isilang
May tatlong haring nagsidalaw
At ang bawa't isa ay nagsipaghandog
Ng tanging alay

Koro:
Bagong Taon ay magbagong-buhay
Nang Lumigaya ang ating bayan
Tayo'y magsikap upang makamtan
Natin ang kasaganaan

Tayo'y mangagsiawit
Habang ang mundo'y tahimik
Ang araw ay sumapit
Ng sanggol na dulot ng langit

Tayo ay magmahalan
Ating sundin ang gintong aral
At magbuhat ngayon
Kahit hindi Pasko ay magbigayan
Sa Paskong Darating



Sa Paskong darating
Santa Claus nyo'y ako rin
Pagka't kayong lahat
Ay naging masunurin

Dadalhan ko kayo ng
mansanas at ubas
May kendi at tsokolate,
peras kastanyas na marami

Koro:
Sa araw ng Pasko
Huwag ng malulumbay
Ipagdiwang ang araw
Habang nabubuhay

Sa Paskong darating
Santa Claus nyo'y ako rin
Pagka't kayong lahat
ay mahal sa akin
Kampana Ng Simbahan



Kampana ng simbahan ay
nagigising na
At waring nagsasabi
na tayo'y magsimba
Maggising at magbangon
tayo'y magsilakad
At masiglang tunguhin
ang ating simbahan

Ang kampana'y tuluyang
naggigising
Upang tayong lahat ay
manalangin
Ang bendisyon kapag
nakamtan na
Tayo'y magkakaroon ng higit na pag-asa

Kinagisnang simbang gabi
huwag nating limutin
Pagka't tayo'y may tungkulin
sa panalangin
Ang kampana ng simbahan ay
nanggigising na
Tayong lahat ay manalangin
habang nagsisimba
Noche Buena




Kay sigla ng gabi ang lahat ay kay saya
Nagluto ang ate ng manok at tinola
Sa bahay ng kuya ay mayroong litsunan pa
Ang bawa't tahanan may handang iba't iba

Tayo na giliw, magsalo na tayo
Mayroon na tayong tinapay at keso
Di ba Noche Buena sa gabing ito
At bukas ay araw ng Pasko

repeat 2nd stanza
repeat all
Sa Maybahay Ang
Aming Bati




Sa maybahay ang aming bati
Merry Christmas na maluwalhati
Ang pag-ibig pag siyang naghari
Araw-araw ay magiging Paskong lagi

Koro:
Ang sanhi po ng pagparito
Hihingi po ng aginaldo
Kung sakali't kami'y perhuwisyo
Pasensya na kayo pagka't kami'y namamasko

repeat all