Vous êtes sur la page 1sur 2

1

Filipino 3
Maria Angelica D. Arevalo 3AAC Marso 14, 2014


Ano nga ba ako para sa inyo?

Hinihipo, ginagalang at minsan ay dinadaan-daanan lamang. Ito ang madalas na pangyayari sa
aking pang araw-araw na buhay. Kinakatok at hinihingan ng tulong, iyan ang madalas kong ginagawa sa
maghapon.

Ako ay nakaupo kasama ng aking anak na tila'y isang artista kung takbuhan ng mga taong
lumalapit. Ako ay nakikinig at minsa'y nagmamasid sa mga taong andyan upang pagbigyan ang kanilang
nais. Minsan, ako ay nakikipag-usap sa mga taong andyan habang tangan nila ang salamin na
nagsisilbing pagitan namin. Binibigay ko sa kanila ang kanilang gusto at minsan, higit pa doon ang
aking ipinaparating.

Sa aking araw-araw, hindi ako nagsasawang makinig sa mga dalanging inilulugod sa akin.
Gayundin, ang mga hinanakit na sa aki'y sininasambit dahil sa kakulangan nila ng lakas upang sabihin sa
iba ang nararamdaman. Hindi ako napapagod makinig, sagutin at ibigay ang mga nais ng mga taong ito
ngunit sa aking napapansin, ako ay hindi niyo na masyadong binibigyan ng pansin. Lalapit na lamang
kayo kung may kailangan, kung malapit na ang mga pagsusulit sa inyong asignatura, at kung minsan
hahawakan na lamang kapag may nasalubong na pari sa daanan. Hindi ko lubos isipin na tatakbuhan
niyo na lamang ako sa tuwing kayo ay nahihirapan. Hindi lamang ito ang nais ko. Higit pa sa ganito ang
gusto kong marinig at makita mula sa inyo.

2

Kinakausap lang Kita kapag ako'y nangangailangan Ito ang mga katagang aking nasasaisip sa
tuwing hahawakan niyo ako at kinabukasan ay dadaanan na lamang. Hindi ko mawari ang kadahilanan
sa tuwing kayoy lumalayo at biglang darating upang makiusap na kayoy gabayan sa pang araw-araw.
Minsan, tinatanong ko sa aking sarili, ano nga ba ako sa inyong buhay? Tatakbuhan lamang kung
kailangan; kakausapin kung nangangailangan.

Akoy nalulumbay sa tuwing ganito ang nangyayari sa aking maghapon. Tila niyuyurak ang
aking puso sa tuwing makikita ko kayong lumalayo. Buti na lamang may mga taong pa na nakakaalala
sa akin. Andyan sila upang alayan ako ng bulaklak at ipagdiwang ang aking kapistahan. Oo, akoy
nangangamba dahil may iilan pa rin na hindi ako pinapahalagahan pero kahit ganoon, alam ko sa aking
sarili na may mga mabubuting puso pa na nakakaalala, hindi lamang dahil mayroon silang kailangan,
ngunit dahil meron din silang ipagpapasalamat. Dahil sa kanila, may galak pang natitira sa aking puso.
Ako si Our Lady of Montserrat at ito ang aking buhay.

Vous aimerez peut-être aussi