Vous êtes sur la page 1sur 5

Mga Bugtong at Sagot - K

Binili ko nang di kagustuhan,


Ginamit ko nang di nalalaman.
Sagot: KabaongMay binti walang hita,
May tuktok walang mukha.
Sagot: KabuteBugtong-bugtong,
Magkakarugtong.
Sagot: Kadena
Ang inay gumagapang pa,
Ang anak ay umuupo na.
Sagot: Kalabasa
Araw araw bagong buhay,
Taun-taon namamatay.
Sagot: KalendaryoBugtong kong sapin sapin,
Nakasabit, nakabitin,
Araw araw kung bilangin,
Isang taon kung tapusin.
Sagot: KalendaryoAkoy aklat ng panahon,
Binabago taun taon.
Sagot: Kalendaryo
Putukan nang putukan,
hindi nag kakarinigan.
Sagot: Kampana
Dalawang mag kaibigan,
lakad ay walang humpay,
wala naming patutunguhan.
Sagot: Kamay ng orasan
Akoy may kasama sa pahingi ng awa;
akoy di umiyak, siya ay lumuha.
Sagot: Kandila
Nang aking mapatay,
lalong humaba ang buhay.
Sagot: KandilaMay katawan walang mukha,
walng matay lumuluha.
Sagot: Kandila
May isang dalagang magandat marikit,
hindi lumalaki kundi lumiliit
Sagot: Kandila
Naririto si Pascualita,
hila-hila ang bituka
Sagot: Karayom at sinulid
Makina kong si Maheno,
nasa puwit ang preno
Sagot: Karayom at sinulidIsang senyora,
nakaupo sa tasa
Sagot: KasoyAnong halaman ang sagana sa ugat, dahon, at sanga,
ngunit wala sa bunga
Sagot: KawayanNang sanggol pa ay palalo, mataas na langit ang itinuturo;
nang lumaki at lumago, sa sariling puno ay yumuko
Sagot: KawayanPatung-patong na sisidlan,
may takip ay walang sisidlan
Sagot: KawayanNoong bata ay nag saya,
at naghubo nung dalaga
Sagot: KawayanMa-tag-init, ma-tag-ulan,
dala-dalay balutan.
Sagot: KubaNaabot na ng kamay,
iginawa pa ng tulay.
Sagot: KubyertosLimang mag kakapatid,
tig-tig-isa ng silid.
Sagot: KukoMay hita ay walang binti,
may ngipin ay walang labi.
Sagot: Kudkuran
Maliit pa si kumara,
marunong ng humuni.
Sagot: KuligligBaka ko sa Maynila abot dito ang unga .Sagot: KulogMatulungin sa
mga santo,
kuripot sa kapwa-tao.
Sagot: Kunwariy madasalinKung nasa simbahan, ang dasal ay anong haba;
pagdating ng bahay,ginugulpi ang alila
Sagot: Kunwariy madasalinAling paa ang nasa ulo?Sagot: KutoKadenay isinabit,
sa batok nakakawit.
Sagot: Kuwintas

Kasabihan: Filipino Sayings
The difference between a saying and a proverb? Not much. According to definitions in
the dictionary:

A saying is an often repeated and familiar expression. Example of usage in sentence:
That's an old saying we have here in the Philippines.

A proverb is an old and popular saying that illustrates something such as a basic truth
or a practical precept. Example of an English proverb: Slow and steady wins the
race.

Simply put, a proverb is a saying that is older and has more history!

Recognize this saying?

Wala nang hihigit pang kadakilaan sa pag-alay ng buhay sa bayan.
There is no greater nobility than offering one's life to the nation.


EXAMPLES OF FILIPINO SAYINGS

Huwag kang magtiwala sa 'di mo kakilala.
Never trust someone you don't know. / Never trust a stranger.

Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa
paroroonan.
If you don't know how to look back to where you came from, you will not reach your
destination.

Walang mahirap na gawa 'pag dinaan sa tiyaga.
Nothing's hard to do if you pursue it through perseverance.

Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan, at wala sa kasaganaan.
Well-being is in happiness and not in prosperity.

Ang hindi magmahal sa kanyang wika ay mahigit pa sa hayop at malansang
isda.
A person who does not love his own language is worse than beast and foul-smelling
fish. (This is a quote attributed to Jos Rizal.)

Ang tunay na pag-ibig sa bayan ay nasa pawis ng gawa.
Genuine patriotism is in the sweat of action.
(This quote is attributed to Filipino educator Onofre Pagsanghan.)
1. Maikling landasin, di maubos lakarin. ANINO (SHADOW)
2. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. sinturon (belt)
3. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. sapatos (shoes)
4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. langgam (ant)
5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay.
kandila (candle)

Support our website by advertising on our classified ads.
Karagdagang Mga Bugtong Mula sa Isang User Kyle:
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
2. Baboy ko sa pulo, ang balahiboy pako.
Sagot: langka
3. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
Sagot: ampalaya
4. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay.
Sagot: ilaw
5. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.
Sagot: anino
6. Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon.
Sagot: banig
7. Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari.
Sagot: siper
8. Munting hayop na pangahas, aaligid-aligid sa ningas.
Sagot: gamu-gamo
9. Tinaga ko ang puno, sa dulo nagdurugo.
Sagot: gumamela
10. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay.
Sagot: kubyertos
11. Malaking supot ni Mang Jacob, kung sisidlan ay pataob.
Sagot: kulambo
12. Maliit pa si kumare, marunong ng humuni.
Sagot: kuliglig
13. Baka ko sa palupandan, ungay nakakarating kahit saan.
Sagot: kulog
14. May bintana ngunit walang bubungan,
may pinto ngunit walang hagdanan.
Sagot: kumpisalan
15. Heto na si Kaka, bubuka-bukaka.
Sagot: palaka
16. Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: kasoy
17. Hindi pari, hindi hari, nagdadamit ng sari-sari.
Sagot: paruparo
18. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.
Sagot: mga mata
19. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita.
Sagot: tenga
20. Sa maling kalabit, may buhay na kapalit.
Sagot: baril
21. Sa buhatan ay may silbi, sa igiban ay walang sinabi.
Sagot: bayong o basket
22. Hindi tao, hindi hayop, kung uminom ay salup-salop.
Sagot: batya
23. Isa ang pasukan, tatlo ang labasan.
Sagot: kamiseta
24. Butot balat na malapad, kay galing kung lumipad.
Sagot: saraggola
25. Lumuluha walang mata, lumalakad walang paa.
Sagot: ballpen o Pluma
26. Nagbibigay na, sinasakal pa.
Sagot: bote
27. May puno walang bunga, may dahon walang sanga.
Sagot: sandok
28. Hinila ko ang baging, sumigaw ang matsing.
Sagot: kampana o batingaw
29. Yumuko man ang reyna, di malalaglag ang korona.
Sagot: bayabas
30. Nakatalikod na ang prinsesa, ang mukhay nakaharap pa.
Sagot: balimbing
31. Maliit na bahay, puno ng mga patay.

Vous aimerez peut-être aussi