Vous êtes sur la page 1sur 4

Pagsulat ng balita at pamamahayag

1. Pagsulat ng BalitaPAMAMAHAYAG: PAGSULAT NG BALITABalita itoy maaaring pasulat o


pasalita sa mga pangyayaring naganap na, nagaganap omagaganap pa. Lamang.Salik na
Mahalaga sa Balita mga pangyayari, kawilihan at mambabasa.Katangian1. May ganap na
kawastuhan- dapat tumpak, paktual, maayos ang mga detalye nainilahad, tamang pagbibigay diin,
hindi magulo ang diwa.2. walang kinikilingan3. Kaiklian4. Kalinawan5. Kasariwaan6. timbang-
kaukulang diin sa bawat katotohananAnyo ng Balita1, Tuwirang Balita sinusulat ito batay sa
baligtad na piramide mula sa pinakamahalagahanggang sa pinakamaliit na kahalagahan ng balita.
Hindi maligoy at maikli ang mgapangungusap na madaling maunawaan ng mga mambabasa.2.
Balitang Lathalain nababatay sa tuny na pangyayari ng katulad ng tuwirang balita.
2. Ang karaniwang ayos nito ay ang pinagpalibang pinakamahalagang pangyayari (susupendedinterest
structure), kagaya ng ayos ng isang kuwento. Ito ay nasa pagitan ng pagbabalita,editorial o lathalain
batay sa paksa at pamamaraan.3. Balitang Iisang Paksa iisang pangyayari o paksa ang taglay ng
pamatnubay. Sakatawan ng balita ipinaliliwanag ang mga detalye.4. Balitang Maraming Itinatampok
Maraming bagay o paksa ang itinatampok sapamatnubay. Nakahanay sa pahupang kahalagahan
(according to decreasing importance).Ang pagpapaliwanag sa mga paksa ay nakahanay sa
katawanng balita na ayon din sapagkakaayos ng mga ito sa pamatnubay.Hakbang sa Pagsulat ng
Balita1. Isulat ng buod2. Itala ang mga pangyayari ayon sa pababa o paliit na kahalagahan.3.
Hanapin ang impormasyong itatampok sa pamatnubay. Unahin ang pinakatampok.4. Isulat ang
balita ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa pababangkahalagahan.Mungkahing
Paraan sa Pagsulat ng Balita1. Isulat kaagad ang balita.2. Bigyang diin at palawakin ang
nangingibabaw na pangyayari.3. Maging tumpak.4. Iwasan ang magbigay ng opinion.
3. 5. Banggitin ang awtoridan o pinagmulan ng balita lalo na kung a. nangingibabaw angopinion, 2. ang
balita ay kontrobersyal, 3. ito ay nagpapatalastas ng bagongregulasyon.6. Ibigay ang buong
pangalan ng tao sa unang pagbanggit pagkatapos ng G. Bb. OGng.7. Ilahad ang pangyayari na
walang kinikilingan.8. ipakilala ang pangalang binanggit.9. Iwasan ang paggamit ng kulay sa
paggamit ng salita o pariralang maaarinfmakapinsala sa paniniwala at asal ng mambabasa o ng
ibinabalita.10. Simulan sa kawili-wiling pangyayari.11. Sumulat ng maikling pangungusap gamit ang
payak at tiyak na salita.12. Ilagay ang tuwiran at di-tuwirang sabi sa magkakahiwalay na talata.13.
Iwasan ang pampakapal o pampahabang pangungusap.14. Sumulat ng mabisang pamatnubay
gamit ang ASSaKaBa.15. Gamitin ang tinig na tukuyan (active voice) kaysa balintiyak (passive
voice) malibankung layon ang higit na mahalaga kaysa gumaganap.Kasukdulan Pababang
Kahalagahan
4. Ang ASSaKaBa ay lagging nasapamatnubay ng balita. Kung minsanang ibang ASSaKABa ay
nasaikalawang parapo na kilala sa tawag nasupported lead. Ang pamatnubay angsiyang puso ng
balita, sapagkat naritoang Ano, Sino, Saan, Kailan at Bakit.KahalagahanDatosAng mga Uri ng
Pamatnubay1. Pamatnubay ( summary lead) na nakapaloob lahat ang mga bumubuo ngASSaKaBa
at paano na siyang buod ng balita.Hal.Tinanghal na kampeon ang Mataas na Paaralan ng Rizal,
Pasig City laban sa 49 napangkat mula sa 25 na paaralang pribado at publiko sa Tagisan ng
kaalaman sa Kalikasan
5. 03 nang makapagtala ng 39 na puntos ang deligado ng MPR laban sa kanilang katunggalina
ginanap sa UP College of Geological Science noong Pebrero 22.2. Pamatnubay na nakakagulat
(punch lead) Maaari ito ay isang salita o maiklingpangungusap.Hal.Katarungan!Ito ang sigaw ng
mga Overseas Contract Workers na siyang tinaguriang bagongbayani ng bansa sa ginanap na
Press Conference na idinaos sa National Press club dahil sapagkamatay nina Delia Maga at Flor
Contemplacion.3. Naglalarawan pamatnubay ( descriptive lead ) naglalarawan ng mgapangyayaring
mahalaga na may kaugnayan sa isang natatanging okasyon opangyayaring may kaugnayan sa
napakahalagang pangyayari.Hal.Mula sa itaas ng Bundok ng Samat at natanaw niya sa kanyang
kinatatayuan angmaputing ulap na tila bulak na puting-puti nakakumot pa sa kagubatang iyon. Alam
niya,limang kilometro mula sa kanilang kinaroroonan paakyat na ang pulutong ng mga kawal-
Hapones. Silay tila langgam, pero siya ay hindi natitinag. Hawak niya ang kanyang barilkatulad ng
kaniyang mga kasamahang kawal ng digmaan.4. Pamatnubay na naghahambing ng dalawang
pangyayari (contras lead )Hal.Binuhay ng Edsa 1986 ang natutulog na damdaming makabayan ng
mga Pilipino,pinukaw naman ng pagdiriwang ng 10thWorld Youth Day ang
nanghihinangpananampalataya ng buong sambayanan.
6. 5. Pamatnubay na patanong (question lead) Patanong ang simula ng pamatnubay.Hal.Maunlad na
kaya ang Pilipinas sa taong 2008?6. Pamatnubay na masidhi ang paglalarawan (picture lead ) halos
kauri ito ngdescriptive lead, ang natatanging pagkakaiba nito sa huli higit na nakakaakit ito dahilsa
emosyon, sa panahong nagsusulat ang reporter ay sumsanib sa kanya anglungkot ng damdamin at
emosyon ng kanyang paksa.Hal.Hindi na nila muling maririnig ang iyak ni Nene. Si Nene ay isang
musmos nalarawan ng kawalang malay. Maitim siya, bilugan ang mukha, kulot ang buhok at
malimitsiyang tuksuhin ng kanyang kapwa bata na negra. Pero sa kanyang bagong inat ama
nakumalinga sa kanya, nang magsara ang Base Militar si Nene ay isang munting anghel. Di nanila
muling narinig ang halakhak at iyak ni Nene. Kasama siya sa nagging biktima satrahedya sa
Bocaue, Bulacan.7. Siniping pamatnubay (quotation lead) Maaari ito ay mula sa kasabihang
Pilipino,sa mga salawikain na inuugnay sa isang pangyayari. Kalimitan ang mga balitanggalling sa
interview, talumpati, forum, seminar ay ginagamitan ng sinipingpangungusap.Hal.Kami ay di
nagtapos ng PH degree. Wala kaming MA sa Journalism. Sabi ng iba aywala kaming K Karapatan,
pero kami namay nagtapos sa unibersidad ng H.K. HardKnock, karanasan ang nagging guro naming
sa pagsusulat.Ang mga salitang maaaring gamitin sa pagsulat ng pamatnubay bilang simula
ngpangungusap.
7. 1. Hinirang 31. nakiramay2. Pinili 32. Sinimulan3. Kinondena 33. Nanalo4. Nakamit 34. Binuksan5.
Binalaan 35. Napili6. Nanumpa 36. Naragdagan7. Nagwagi 37. Nahalal8. Nanawagan 38.
Isinasaayos9. Pinangunahan 39. Natamo10. Tinutugis 40. Hindi nasiyahan11. Muling nagkaisa 41.
Bumisita12. Inilunsad 42. Itinanghal13. Ipinagdiwang 43. Sisikapin14. Nanguna 44. Inihayag15.
Itinaguyod 45. Nangako16. Kinoronahan 46. Pinamahalaan17. Idinaos 47. Tinaguyod18.
Pinarangalan 48. Inalayan19. Tumanggap 49. Napili20. Hiniling 50. Naisakatuparan21.
Napagwagian 51. Nagbigay22. Sinimulan 52. Inaasahan23. Ginawaran 53. Ipinahayag24. Nasakote
54. Nagkaroon25. Nasabat 55. Naglaan26. Isiniwalat 56. Itinatag27. Nag-uwi 57. Binatikos28.
Naghandog 58. Napag-alaman29. Namahagi 59. Nagtapos30. Binigyang-diin 60. NakuhaMga
Katangian ng Mahusay na Balita1. Ganap na Kawastuhan
8. Dead on arrival sa ospital ng Makati ang 64 anyos na si Dulce Quintan Saguisagsanhi ng
pagkabasag ng bungo at pinsala sa katawan matapos na salpukin ngdump truck ang kanilang van
kahapon ng madaling araw sa Makati City.2. Timbang- Kaukulang diin sa bawat katotohananAyon
sa ulat dakong alas- 12:30 ng madaling araw kahapon nang maganap anginsidente sa gate ng
bahay ng biktima ng naturang lugar.Nabatid na naglalakadpauwi ang biktima matapos na makipag-
inuman sa ilangkapitbahay at nang papasok sa kanilang gate ng bahay ay biglang sumulpot
angsuspek mul sa isng madilim na bahagi hawak ang di-mabatid na kalibre ng baril.3. Walang
KinikilinganInamin ni Geronimo na siya mismo ang may kasalanan dahil nagulat siya nangbiglang
sumulpot ang van. Iginiiit din niya na naka-green light kaya tuloy-tuloysiya.Sinalungat naman ng
isang taxi driver na si Joeffrey Olmagiz, 28, ng HolySpirit, Quezon City, ang pahayag ng driver ng
dump truck. Sinabi niya na kasunodsiya ng sasakyan ni Saguisag at naka-green light
sila.Kahalagahan ng Balita1. Nagbibigay Impormasyon
9. Ang kakabaihang regular na natutulog nang mas kokonti pa sa pitong oras gabi-gabi ay may mas
mataas na panganib sa pagtaas ng presyon ng dugo, ayon s isangbagong pag-aaral.Natuklasan ng
mga mananaliksik na Briton na sa mahigit 10,000 adults naisinailalim sa pag-aaral sa loob ng limang
taon, ang kababaihang gabi-gabingnatutulog ng anim na oras o mas konti pa ay may mas malaking
posibilidad natumaas ang presyon ng dugo kaysa sa mga babaeng natutulog nang maayos.2.
NagtuturoAng relaxation techniques ay isang mabuting paraan para labanan ang strees atmapanatili
ang magandang kalusugan.Subukin ang mga sumusunod na para tulungan kang magrelaks:
Pasiglahin ang kalamnan sa pamamagitan ng masahe.3. LumilibangSiyempre naman, nag-aalala
ako nang malaman ko na kinagat ng pusa si GladysReyes sa presscon ng My Only Love.
Nakakaloka ang pusa dahil gumawa ito ngsariling eksena para mapansin siya.4. Nakapagpapabago
10. Matapos na masangkot sa anomalya ang mga pulis ng Manila Police District-Station Anti Illegal
Drugs, iniutos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang pagbalasa sa 11police station ng Manila police
District ( MPD)Sangkap ng Balita1. Aksyon o pakikihamokHindi sa dating labanang super feather
weigth division maaring magkitang mulisina Filipino boxing hero Manny Pacquiao at Mexican world
champion Juan ManuelMarquez.2. Nakagaganyak sa mga TaoAyon kay Duque, kailangang pag-
aralan kung ano ang nagtulak sa 12-anyos na bata na kitlin ang kanyang buhay. Si Mariannet
Amper ay nagbigti nangdi maibigay ng kanyang ama na si Isabelo ang Php 100 na gagamitin sa
schoolproject.3. KakaibaInilabas na kahapo sa ICU ng pasay City General Hospital ang isang
buwangsanggol na pinapak ng mga naglalakihang daga, kamakailan sa nabanggit nalungsod upang
isalang naman sa surgical operation.
11. 4. Nagaganap sa KasalukuyanNanindigan kahapon sina Sens. Panfilo Lacson at Richard Gordon na
hindi namaaring tumakbo sa 2001 presidential eletions si Dating Pangulong JosephEstrada.5.
Naganap sa malapit na pookPatay ang apat katao, marami pa ang nasugatan, habang anim
namangkabahayan ang nawasak matapos ang isang malakas na pagsabog sa isangumanoy
pagawaan ng bomba sa siyang sub-divisin sa Bacoor,Cavite kahapon nghapon.6.
PagsulongIsinusulong ng Dangerous Drugs Board sa Kongreso ang pagpapasa ngbatas upang
payagan ang mga law enforcement agencies na magsagawa ngwiretapping sa paglaban sa illegal
na droga sa Pilipinas.7. Romansa o PakikipagsapalaranIsang 18-anyos na dalaga ang nagpatiwala
sa pamamagitan ng pag-inom ng lasonmatapos nitong malaman na nakabuntis ng ibang babae ang
kanyang nobyokahapon ng umaga sa Malabon City.
12. 8. Bilang o EstadistikaNatuklasan ng isang grupo ng Tufts University na ang mga taong maynormal
blood zinc concentrations ay halos 50% malayong magkaroon ngpneumona kaysa sa mga may
mababang concntratins.Pamatnubay - pangunahing bahagi ng isang balita na natatagpuan sa
unangtalata. Ito ay naglalaman ng pinakatampok o pinakamahalagang pangyayari
sabalita.Dalawang Uri ng Pamatnubay:1. Kombensyonal Nilalaman nito ang kasagutan sa mga
tanong na ano, sino,bakit, Kailan at paano.1.1. Binibigyan- diin ang tao - ( Sino )Bumuo kahapon si
Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Anti Kotong at Anti-Colorum task force bilang tugon sa
panawagan ng transport section na magtaasng pasahe dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng
produktong petrolyo.1.2. Binibigyang-diin ang pamamaraan ( Paano )
13. Malaking tulong ang computer sa ating mga anak sa pagri-research. Pero minsan,naabuso rin ito
kapag masyado na silang nalilibang lalo na sa paggamit ngInternet.1.3. Binibigyang diin ang sanhi
o dahilan ( Bakit )Binabantayan umanong mabuti ng Philippine National Police ang ilang lugar
saMindanao na posibleng gamitin ng kontrobersyal na dating election supervisor nasi Lintang Bedol
na labasan patungo sa ibang bansa.1.4. Binibigyang- diin ang pangyayari ( Ano )Isang
nakagigimbal na opresa ang ibinigay kagabi ng papasikat na cue artist na siJoven Bustamante ng
Pilipinas kay dating world pool champion Wu-Chia-Ching ngtaipei matapos itakas ang 10-8
tagumpay at isulong sa round of-16 ang laban saprestihiyosong 2007 World Pool Championship
sa Big Dome.1.5. Binibigyan diin- ang lugar o pook na pinaganapan ( Saan )Bacoor, Cavite- Tatlo
katao ang namatay , 12 sugatan at 14 na bahay ang nasiranang sumbog ang mga dinamitng ina-
aassemble sa isang bahay dito.1.6. Binibigyan diin- ang araw o petsa - ( Kailan )
14. Lilipad ngayong linggo patungong Beijing, China ang national Wushsu Squadupang magpartisipa sa
prestihiyosong 9thWorld Wusshu Championship mulaNobyembre 11-15.2. Di- Kombensyonal na
Pamatnubay- Nagsisimula ito sa payak na pahayag osanligan nang nangyari nang balita na may
karugtong sa kasalukuyangbalita.1. Payak na Pahayag2.1. Payak na PahayagHiniling ng Catholic
Bishops Conference of the Philippines sa Business leaders natumutulong para maibsan ang
kahirapan at dami ng mga nagugutom.2.2. Nakaraang balita na karugtong ng bagong balita.Agad na
nakiramay si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo sa sinapit na trahedya nidating Sen. Rene
Saguisag at may bahay nitong si Dulce na naaksidentesa Makati City kahapon ng madaling araw.
15. 2.3. Siniping sabi ( siniping pahayag ) Govt wag sisihin sa suicide Ayon kay Pangulong Arroyo, di
dapat sisihin ang gobyerno sa pagpapakamatayni Mariannet Amper dahil ang Davao City ay highly
urbanized at di kabilang sapriority area.ang lalawigan ay dir in kabilang sa 10 pinakamahirap sa
bansa.2.4. Pagtatanong na sinasagot kaagad ng sumulat upang linawin samambabasa ang
tinatalakay.Kung mataas ang LPG dama mo ba ang malakas na piso?Umabot na sa $ 100 kada
bariles ang presyo ng petrolyo sa world market!Nangangahulugan na lolobo sa Pph3 hanggang
Pph5 ang presyo kada litro ngpetrolyo. Kaya lahit bumaba ang dolyar kontra piso ay patuloy pa ring
magigingkawawa ang mga obrerong apektado ng pagtaas ng langis.2.5. ,Paglalahad ng
kaibahanHigit na mataas ang populasyon ng mag-aaral sa Pilipinas na umabot sa 18 Milyonlamang
kumpara nang nagdaang tatlong taon na may 15 Milyon lamang nanagpatalang mag-aaral.
16. 2.6. Hindi hayagang sinbi ng nagsasalita.Malaki ang paniniwala ng Philippine National police ( PNP )
na posiblengnakatakas na palabas ng bansa ang wanted na election supervisor na si LintangBedol
sa pamamagiatn ng pagdaan nito sa southern backdoor bago pa manmagpalabas ng kauusan ang
Comelec na hulihin siya.Sanggunian: Gabay sa Pag-aaral ng Pamamahayag sa Elementarya at
Sekondarya Ni Alex M. MagsinoPamamahayag Pangkampus ni Ceciliano Cruzlick to add text,
images, and other content

Vous aimerez peut-être aussi