Vous êtes sur la page 1sur 2

ACCEPTANCE SPEECH

Sa ating patnugot ng paaralan, Reb. Padre Christian Francis T. Regencia. , sa ating punung-guro
Gng. Enriqueta r. Fabul, sa mga guro, mga magulang, mga kapwa ko kamag-aral isang magandang gabi
sa inyong lahat.

Sa ngalan ng mga mag-aaral sa ikatlong antas, malugod kong tinatanggap ang susing ito, ang
simbolo n gaming mga tungkulin, responsibilidad at kapangyarihan. Bilang mga seniors, lilisanin na ninyo
ang paaralang ito at maiiwan sa amin ang susing ito.Mapagpakumbaba naming tinatanggap ang sagisag
n gaming bagong tungkulin at kapangyarihan nang may kalakasan at kakayahan bilang mga juniors.

Pakaiingatan at pakamamahalin naming ang mga bagay na iiwanan ninyo sa amin. Pauunlarin
naming ang mga karangalan at tagumpay na inyong sinimulan sa aking Inang Paaralan at aming iingatan
tulad ng inyong pag-iingat na inaasahan sa amin na sinisimbolo ng susing ito.

Ang marubdob na inspirasyon at hangarin na inyong iiwan ay aming ipagpapatuloy upang
tumimo sa aming mga puso sapagkat itoy nakaugat na at na at may malalim na pagkakaugnay sa amin.
Hindi kami masisiyahan kung anong mayroon kami, bagkus higit pa kaming magsusumikap na magtamo
ng higit pa na magpapaunlad sa aming pagkatao upang malampsan naming ang mga pagsubok na
maaring humadlang sa aming daraanan na magiging sanhi n gaming pagkadapa.

Ang matatag na determinasyon, disiplina sa sarili ang aming magiging sandata upang harapin
ang anumang pagsubok na darating sa aming buhay. Lubos kaming umaasa sa aming mga guro at sa
lahat ng nagging bahagi ng paaralang ito, namway hindi kayo magsawa na kami at tulungan sa mga oras
na kamiy nadarapa at puno ng problema upang an gaming mga pinaghirapan ay hindi masayang at
mawalan ng kabuluhan.

Mahal naming mga seniors, ngayong iiwanan na ninyo kami hinahangad naming ang lahat ng
kabutihan ninyo at ipagdarasal naming ang inyong tagumpay. Naway makamit at matupad ninyo ang
tugatog ng tagumpay at mga mithiin ninyo sa buhay sa tulong at patnubay n gating Poong Maykapal.

Pagpalain kayo ng Poong Maykapal.

Vous aimerez peut-être aussi