Vous êtes sur la page 1sur 1

Jian Xyla Diocampo

BGM33


Ano ang Sikolohiyang Pilipino? Ayon kay Virgilio G. Enriquez, ang Sikolohiyang
Pilipino ay; ang sikolohiyang bunga ng karanasan, kaisipan, at oryentasyong Pilipino.
Mayaman ang batayan nito sa kultura, wika, diwa, pananaw, lipunan at kasaysayang
Pilipino. Binigyang kahulugan din ni Enriquez kung ano ang Sikolohiya sa Pilipinas at
Sikolohiya ng mga Pilipino; ang Sikolohiya sa Pilipinas, ay kabuuang anyo sapagkat
bunga ito ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayaring may kinalaman sa sikolohiya
ng ating bayan, ang Sikolohiya ng mga Pilipino naman, ay tumutukoy sa bawat teorya
ng sinumang nais mag-aral tungkol sa kalikasang sikolohiyal ng mga Pilipinong
naninirahan sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.
Si Enriquez ay nagsimulang magturo ng Sikolohiya sa Filipino noong 1965, isang
halimbawa, ay hindi niya isinalin sa Ingles ang isang panaginip na sinabi sa kanya ng
isang residente sa Bulacan, na kanyang ginamit sa pagsusulit. Hinikayat niya ang
kanyang mga estudyante na isulat ang kanilang gawain sa Sikolohiya sa Filipino, ito ay
upang mas maintindihan ng mga mag-aaral at mananaliksik ang kanilang pinag-
aaralan, dahil ang kanilang pinag-aaralan ay ang mga Pilipino at Sikolohiya nito.
May mga kaugalian ang mga Pilipino na nabigyang linaw dahil sa paggamit ng
sariling wika sa pagtuturo, at pagsasaliksik patungkol sa Sikolohiya. Isa rito ay ang
Bahala Na kaugalian ng mga Pilipino, sa analisasyon ni Bostrom, ito ay ihinalintulad
niya sa American fatalism; ito raw ay pagtanggap sa mga pahirap at problema, at
ipagpabahala na ang lahat sa diyos. Sa Sikolohiyang Pilipino ito ay may ibang
kahulugan; hindi ito pagpapabahala lang sa Diyos at wala ng gagawin pagtapos nito,
kundi ito ay parang sinasabi nila sa sarili nila na sila ay handa sa pagsubok, at gagawin
nila ang lahat ng kanilang makakaya upang harapin ito.
Maraming sumalungat noong una itong itinuro sa Filipino, ngunit marami din
itong naitulong sa pagsasaliksik, sa pag-unawa ng Sikolohiyang Pilipino. Malamang ang
mga sumalungat ay nagamit rin ang mga impormasyong dulot ng paggamit ng sariling
wika sa pagtuturo at pagsasaliksik ng paksang ito.

Vous aimerez peut-être aussi