Vous êtes sur la page 1sur 1

Aralin 6 Filipino (Day 2)

I. Natutukoy ang mga salitang magksingkahulugan



II. Pagtukoy ng mga salitang magkasing-kahulugan
Sanggunian: TG p. 103-104 LM p.212-215
Kagamitan: Larawan , Plaskard

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Iayos ang mga pangyayari ayon sa kwentong
binasa sa pamamagitan ng paglagay ng bilang 1-5 sa
patlang Gawin ito sa sagutang papel.
_______ Nadapa ang batang pulubi.
_______ Nagpunta ang mga magkakaibigan sa parke.
_______ Ginamot ng mga magkakaibigan ang
sugatang bata.
_______ Tinawagan ni Eric ang kaniyang tiyahin sa
telepono upang himingi ng tulong.
_______ Nagpaalam ang magkakaibigang, Eric, Rico
at Tomas sa kanilang mga magulang.

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak/Paglalahad
Ipakita ang malinis na bata, gayundin ang malinis na
paligid. Pagusapan ang pagkakatulad ng dalawa.
2. Pagtalakay
Ipabasa ang mga pangungusap mula sa kwentong
binasa sa Basahin Natin sa LM p.212.
- Ibigay ang mga salitang may salangguhit sa
binasa.
- Ano ang masasabi mo sa bawat pares ng salita?
- Bakit kailangan natin malaman ang mga salitang
magksingkahulugan? Basahin natin ang pahalagahan
Natin sa LM p.213.
- Upang malinang ang mga kaalaman sa mga
salitang magkasing-kahulugan ipagawa ang Gawin
Natin sa LM p. 213
















3. Pangkatang Gawain
Pangkat 1 Magbigay ng limang pares ng salitang
magksingkahulugan na tumutukoy sa sumusunod
na larawan
Pangkat 2 Hanapin ang kasingkahulugan ng mga
salitang nakasulat sa hawak mong flash card sa
mga salitang nakakalat sa silid-aralan.
Pangkat 3 isulat sa sagutang papel ang kasing-
kahulugan ng sumusunod na salita.
1. Malambot 4. Malawak
2. Mataas 5. Mahirap
3. Pango
4. Pag-uulat sa bawat pangkat
5. Paglalahat
Ano ang ibig sabihin ng magkatulad?
Basahin ang Tandaan Natin sa LM p.214
6. Paglalapat
Upang malaman kung lubha ng nauunawaan
ang mga aralin. Sagutin ang mga sumusunod na
magkasing-kahulugan:
1. Mayaman 4. Masaya
2. Maganda 5. Mataas
3. Masarap
IV. Pagtataya
Hanapin sa Hanay B ang kasing-kahulugan
ng Hanay A. isulat ang sagut sa kwaderno.
Hanay A Hanay B
1. Maliksi sarat
2. Pango matipid
3. Masinop mabaho
4. Masangsang malakas
5. Mahalimuyak mabango
V. Kasunduan
Ibigay ang kasing-kahulugan ng mga salitang
nasa kahon. Isulat ang sagot sa inyong
kwaderno.
Mataas _________
Makalat _________
Masarap _________
Malugod _________
Mahina _________

Vous aimerez peut-être aussi