Vous êtes sur la page 1sur 2

Aralin 6 Filipino 2 Day 3

I. Nakikilala ang panghalip pamatnig na patulad


- Nakakasulat ng kabit-kabit sa pamaraan na may tamang laki.

II. Pagkilala sa panghalip na pamatlig na patulad
- Pagsulat sa kabit-kabit sa paraan na may tamang laki
Sanggunian: TG p.104-105
Kagamitan: Lapis, Papel

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Magbigay ng limang pares na mga salitang magkasing-kahulugan

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng larawan ng batang nagsasalita ng malayo at malapit. Ipapansin ang larawan at
hayaang magsabi ang mga bata ng kanilang iniisip batay sa larawan.
2. Paglalahad
Ipabasa ang diyalogo mula sa kuwento sa LM p.208
3. Pagtalakay
Pansinin ang mga sinalangguhitang salita sa diyalogo (Ganoon,Ganito,Ganyan). Ipaliwanag kung
paano gagamitin ang panghalip na pamatlig na patulad.
Magbigay ng halimbawa kung bakit kaya mahalaga na alam natin ang mga panghalip pamatlig na
patulad? Tingnan sa pahalagahan Natin sa LM p. 216
Pasagutan ang Gawin Natin sa LM p.216 upang madagdagan pa ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
panghalip pamatlig na patulad.
4. Pangkatang Gawain
Bumuo ng apat na pangkat.
Bawat pangkat ay gagawa ng dula-dulaan na nagpapakita ng pakikipag kapwa-tao gamit ang mga
panghalip pamatlig na patulad.
5. Paglalahat
Ano ang panghalip pamatlig na patulad? Ipabasa ang Tandaan Natin sa LM p.217
6. Paglalapat
Upang malaman kung lubusang nauunawaan ang aralin.ipasagot ang Linangin Natin sa LM p.217-218

IV. Pagtataya
Sipiin nang wasto at maayos ang mga salita sa paraang kabit-kabit.
Sunan ang modelo na nasa tsart ng paulit-ulit.
ganoon ganoon
ganyan ganyan
ganito ganito

V. Kasunduan
Magsulat ng 3 pangungusap gamit ang panghalip pamatlig na patulad.



Aralin 6 Filipino 2 Day 4

I. Nadadagdagan, nababawasan o napapalitan ng isang titik para makabuo ng isang bagong salita.
II. Pagdadagdag, pagbabawas o pagpapalit ng isang titik para makabuo ng isang salita.
Sanggunian: TG p. 105-106
Kagamitan: Plaskard ng mga salita na nadadagdagan, nababawasan o napapalitan.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Sipiin ang kasing-kahulugan ng salitang may salangguhit sa bawat pangungusap. Gawin ito sa
sagutang papel.
1. Kahit madungis ang pulubi ay hindi pinagtawanan ni Berto.
(marumui, malinis, mabango)
2. Tumulong sa paglilinis ang magkakaibigan kaya maaliwalas ang paligid
(malinis, madumi,makata)
3. Maiingay ang mga bata habang nakapila papunta sa kantina ng paaralan.
(tahimik, maayos, magugulo)
4. Tinulungan ni Tomas ang nadapang bata dahil sa pagtakbo ng matulin.
(mabagal, mahina, mabilis)
5. May sakit ang maarugang ina ni Eric kaya siya ang gumagawa ng gawaing bahay.
(pabaya, maalaga, makasarili)
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Magpakita ng dalawang larawan at ipahanap ang nadadagdag at nababawas sa larawan.
2. Paglalahad
Tukuyin ang dalawang larawanna ang magiging sagot sa oso at aso.
3. Pagtalakay
Ipabasa ang mga salitang nakalagay sa tsart.
A. B. C.



Tanong: - Ano ang napapansin mo sa mga salita sa Hanay A?
- Ano ang nangyari sa mga salita sa Hanay B?
- Anong pagbabago ang naganap sa Hanay C?
4. Pagpapahalaga
- dapat ba tayong maging maingat sa

Subi-sabik
Baha-bahag
Patak-pata
Dagat-daga
Baro-laro
Lata-mata

Vous aimerez peut-être aussi