Vous êtes sur la page 1sur 3

Pangalan: Arevalo, Maria Angelica D.

Prof: Nak Kimuell - Gabriel


Sekyon/Subject: 2AAC; History I February 19, 2013
Pilipinas Noong Panahon ng mga Amerikano (1899-1935)
1
mada
1. Pulitika
1898
Pagbalik ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Pilipinas at mga kasama mula sa Hong Kong.
Pinasabog ang sasakyang pandagat ng mga Amerikano at naging hudyat ng gyera sa pagitan
ng mga Espanyol at Amerikano.
Itinatag ang gobyernong pinamumunuan ng Diktador at naging kadahilanan ng pagkawala
ng Rebulusyonaryong gobyerno; Pagbuo ng ibat-ibang sangay ng departamento ng bagong
gobyerno.
Itinatag ang Malolos Congress at pagkabuo ng bagong konstitusyon ng unang Republika ng
Pilipinas.
Pagkabuo ng Treaty of Paris, na nagging sanhi ng pagtigil ng gyera sa pagitan ng mga
Espanyol at Amerikano.
Pagdeklera ni Heneral Aguinaldo ng Araw ng Kalayaan sa Kawit, Cavite na nagdulot ng
guerilla war kalaban ang mga Amerikano .
1901
Nadakip si Heneral Aguinaldo ng mga Amerikano.
Dumating si William Howard Taft sa PIlipinas at naging unang Amerikanong gobernador-
heneral ng Pilipinas.
1902
Pagtatapos ng insureksyon.
Itinatag ni Macario Sakay ang ikalawang republika ng Tagalog.
Dineklara ng mga Amerikano (Pangulong Roosevelt) ang pagtatapos ng laban sa pagitan ng
Pilipinas at Amerika, ngunit ang laban ay patuloy parin.
Naipasa ang Philippine Bill of 1902 ng U.S Congress.
1907
Namatay si Macario Sakay (by hanging) na naging dahilan ng pagtatapos ng republika ng
Tagalog.
Naorganisa at nabuo ang First Philippine Assembly na nagsilbing mababang kapulungan ng
Pilipinas.
1913
Gyera sa pagitan ng mga Muslim at Amerikano (Battle of Bud Bagsak).
Naging gobernador-heneral noong ika-6 ng Oktubre si Francis Burton Harrison.
1916
Napasa ang Batas Jones (The Jones Law of 1916) na nagtayo ng all-Filipino legislature.
Naging House of Representative ang Philippine Assembly at naitatag naman ang Senate of
the Philippines.
1918
Sumama ang Pilipinas sa Unang Pandaigdigang Gyera. Nagpadala ng 25,000 na Pilipinong
sundalo sa Europa.
1934
Inaprubahan ng kongreso ng Estados Unidos ang Tydings-McDuffie Law na nangangakong
makamit na ng mga Pilipino ang kalayaang inaasam.
Ang Philippine Independence Act ay naaprubahan.
1935
Naitatag ang Komonwelth ng Pilipinas (Commonwealth of the Philippines).
Nahalal bilang pangulo si Manuel L. Quezon.

2. Edukasyon
Dinala ng mga Amerikano ang edukasyon dito sa Ilipinas at ipinakilala ito sa mga Pilipino.
Tinawag na Thomasites ang mga gurong Amerikano dahil sa barkong kanilang sinakyan na
SS Thomas.
Ingles ang naging pangunahing lingwahe sa pagtuturo at ito din ang midyum na ginamit sa
pagtuturo sa mga pampublikong paaralan.
Pangalan: Arevalo, Maria Angelica D. Prof: Nak Kimuell - Gabriel
Sekyon/Subject: 2AAC; History I February 19, 2013
Pilipinas Noong Panahon ng mga Amerikano (1899-1935)
2
mada
Lahat ng mga itinuturo sa paaralan ay may kinalaman lamang sa kasaysayan ng mga
Ameriano, ang kanilang kultura, ekonomiya, literatura at pulitika.
Mayroong layunin ang mga Amerikano sa pagpapalaganap ng edukasyon: 1)
Pagpapalaganap ng demokrasya; 2) Pagtuturo ng Ingles; at 3) Pagpapakalat ng Kulturang
Amerikano.
Ipinapadala ang mga matatalinong estudyante o pensyonado (iskolar) sa Estados Unidos
para makapag-aral ng libre.
Naitatag ang mga paaralan o unibersidad na ito noong panahon ng mga Amerikano:
1. 1901- Siliman University na naging Siliminan Institute, itinayo bilang unang unibersidad
ng mga Amerikano; San Beda College ay itinatag ng mga Benediktong Monghe;
Philippine Normal University.
2. 1902- Cavite National High School ay naitayo sa Cavite City.
3. 1904- University of San Agustin sa Iloilo
4. 1905- Jaro Industrial School na nakilala bilang Central Philippine University ay itinatag ng
American Baptist Missionaries sa Jaro, Iloilo City.
5. 1907- Centro Escolar University
6. 1908- Univerisity of the Philippines (Manila); Manila Business School na naging Philippine
School of Commerce (at ngayon ay mas kilala bilang Polytechnic University of the
Philippines).
7. 1911- De La Salle University-Manila ay nakilala bilang De La Salle College ng mga
Brothers of Christian Schools.
8. 1913- University of Manila
9. 1919- Philippine Womens University

3. Ekonomiya
1902: Pinalakas ni Taft ang estado ng ekonomiya, inayos ang pag-aaway sa mga lupain,
nagtatag ng Pensionado program na nakatulong maging modernize at westernize ang
bansa.
Inayos ng mga Amerikano ang pamayanan ng bansa upang magkaroon ng sentro ng
kaunlaran. Isinagawa ito sa paghahati-hati at pagsasama-sama ng mga pamayanan ng
bansa.
Itinatag ng mga Amerikano ang mga lungsod ng Baguio, Bacolod, Davao, at Zamboanga.
Ang mga lungsod na ito ay mauunlad at naging sentro ng kalakalan, edukasyon at
pamahalaan noon.
Bukod sa pagpapakilala ng edukasyon, ipinakilala din ng mga Amerikano ang mga ibat-ibang
uri ng sasakyang panlupa, pandagat, at panghimpapawid. Nagkaroon din ng pagsasagawa
ng mga daan tulad ng tulay, lansangan at mga daungan.

4. Relihiyon
1910: Si Pope Pius X ay gumawa ng Diocese of Lipa. Hiniwalay ito sa Archdiocese of Manila.
naging unang Obispo naman si Joseph Pitrelli, D.D noong ika-10 ng Abril.
1914: Naitatag o naparehistro ang Iglesia ni Cristo, isang malaking independent church sa
Asya, sa gobyerno.
Nagkaroon ng patakaran sa pagitan ng simbahan at Estados Unidos tungkol sa paghihiwalay
nito.
Nagkaroon at ipinakilala ang relihiyong Protestanismo sa bansa at ang bibliya.

5. Kultura
Ang Wikang Ingles ay ang wikang ginagamit noon sa lahat ng aspeto na naging bahagi ng
kultura natin ngayon. Ginamit ito sa panturo, sa mga pangalan natin at sa marami pang
aspeto.
Naisulat sa wikang Ingles ang panitikang Filipino. Ang mga paglalahad ng mga adhikaing
Pilipino at mga saloobin o emosyon ay naisulat sa pamamagitan ng wikang Ingles. Ilan sa
Pangalan: Arevalo, Maria Angelica D. Prof: Nak Kimuell - Gabriel
Sekyon/Subject: 2AAC; History I February 19, 2013
Pilipinas Noong Panahon ng mga Amerikano (1899-1935)
3
mada
mga makatang Pilipino na nagin tanyag sa paggawa ng mga tula, pagpapahayag ng balita at
nobela sa wikang Ingles ay sina Zoilo Galang, Carlos Romulo at Fernando Maramag.
Pinakilala din sa atin ang Bodabil, isang pagtatangahal sa entablado noong panahon ng mga
Amerikano.
Ang mga istraktura at sining na ipinakilala ng Espanyol ay pinalitan ng makabagong sining
mula sa mga Amerikano. Noon, sila Juan Luna, Juan Nakpil at iba pa ang mga tanyag sa
larangan ng sining at sa panahon naman ng mga Amerikano, sina Fernando Amorsolo, Victor
Edades at iba pa ang sumikat.
Naapektuhan din ang ating mga pananamit at mga pagkaing kinakain. Natutong magsuot ng
mga maiikling damit, blusa, palda at mga sapatos na may taking ang kaabaihan, kabaliktaran
ito sa mahinhing ayos noong panahon na nasakop tayo ng mga Espanyol. Ang mga
kalalakihan naman ay natutong magsuot ng mga pantaloon na may nakakabit na suspender
at sinturon, polo, kurbata at sombrero. Sa pagkain naman, napakilala sa ating panlasa ang
Kanong pagkain tulad ng mg hamburger, hotdog, ham, bacon at iba pa.
Natutong maglaro ang mga Pilipino ng basketball, poker, tennis, at iba pang laro mula sa
Estados Unidos. Gayundin sa mga sayaw na cha-cha, boogie, rhumba, waltz, at iba pa.

6. Kababaihan
Kung noong panahon ng Espanyol ay hindi nakakapag-aral ang mga kababaihan at sila
lamang ay katulong sa gawaing bahay, noong panahon naman ng mga Amerikano, nagbago
ang ginagampanang ng mga kababaihan. Sila ay nakapag-aral at naging mga propesyonal.
Naitatag ang partidong political na nagbigay impluwensiya sa kaisipan ng mga kababaihan sa
demokratikong diwa.

Vous aimerez peut-être aussi