Vous êtes sur la page 1sur 21

Aralin 6

Bayang nagdurusa
Buod
Patuloy ang pagtangis ni Florante.
Itinatanong niya sa Diyos kung bakit
hinahayaan Niyang maghari ang
kasamaan, kataksilan at kalupitan sa
Albania. Lahat ng ito ay kagagawan ni
Adolfo dahil sa labis na paghahangad sa
trono ng Haring Linceo at sa kayamanan
ni Duke Briseo. Ang mabubuting tao ay
piniling manahimik na lamang sapagkat
kung sila ay magsasalita laban kay
Adolfo ay tiyak na ipapatay sila nito.
Hiniling niya sa Diyos na parusahan ang
mga nagsasabog ng kasamaan sa Albania
subalit hindi raw siya pinakinggan.
Hanggang sa napagtanto niya na
anumang mangyari sa balat ng lupa ay
may kagalingang ninanais ng Maykapal sa
kanyang nilalang.
Talasalitaan
Kaliluhan
Nalulugami
Isinuob
Sisikangan
Nakatunghay
1. Ano ang naghahari sa bayan ni
Florante?
2. Sino ang tinutukoy na inililibing na
walang kabaong? Nagaganap ba sa
panahon mo ang ganito?
3. Sino raw ang iniluklok sa trono?
4. Ano ang ginagawa sa mga taong
nagsasabi ng katotohanan?
Paglinang ng Aralin
5. Bakit nagsasabog ng kasamaan si
Adolfo sa Albania?
6. Bakit raw hinahayaan ng Langit na
mangyari ang ganitong kasamaan?
7. Bakit sinabi ni Florante na hindi
dinidinig ng diyos ang kanyang
kahilingan?
8. Ano ang hiniling mo sa Panginoon na
sa palagay mo ay hindi ibinigay?
Ipaliwanag.
9. Pumili ng isang saknong na inaakala
mong maganda at napapanahon sa
bansa. Ipaliwanag.
Mga Gawain
1.
Itinuturo ng alinmang sekta ng
relihiyon na humiling sa Panginoon ng
ating mga pangangailangan sa buhay
maging ito man ay pang-ispiritwal o
pangmateryal tayo ay diringgin at
pagkakalooban Niya balang araw. Sa
panahon ng mga pagsubok at pagdurusa,
siya rin ang laging tinatakbuhan o
hinihingan ng tulong. Subalit ang
pinagtatakhan ng marami, bakit kung
minsan ay sunod-sunod na suliranin ang
dumadating sa kanila. Hindi ba sila
naririnig ng Panginoon at sila ay
pinababayaang magdusa?
Narito ang isang kuwento ni Fidel na
nakatira sa isang barong-barong. Dala
ng kahirapan sa buhay ay naging
Hanapbuhay lamang ay mamulot ng
basura na maaring maipagbili. Naiwan sa
kanya ang anim na anak na pawang mga
bata pa. Dahil marumi ang kapaligiran,
nagkasakit ang dalawang bata. Huli na
nang dalhin sa pagamutan ang dalawang
anak sapagkat binawian na ng buhay.
Minsan sa isang araw lamang sila
kumakain. Ang pinakamasakit pang
nangyari ay nagkaroon ng demolisyon
sa kanilang lugar.
Kung susuriin mo, bakit nangyari ito sa
kanila? May kinalaman ba dito ang
Panginoon sa nangyari sa kanila? Sa
palagay mo, ano ang kulang kay Fidel na
dapat niyang gawin?
2.
Ayon sa kasabihan sa kabila ng maitim
na ulap, may liwanag na unti-unting
sumisilay. Sa bawat pagsubok na
nararanasan natin sa buhay, umaasa
tayo, na may kagalingan at buti na
kapalit mula sa Maykapal. Sinasabi nga
ng marami na hindi nagbibigay ang Diyos
ng pagsubok sa tao kung hindi niya
makakayang dalhin at isabalikat ang
lahat ng iyon. Siya ay naririyan at
nakagabay at sa tulong ng ibang tao,
tiyak na magtatagumpay siya sa
pagharap ng mga pagsubok na ibinigay sa
kanya. Kinakailangan lamang na manalig sa
Diyos, maniwala sa sariling kakayahan at
magkaroon ng malinis na puso at
hangarin para sa kapwa.
Dumating na ba sa buhay ninyo ang
sabay-sabay na mga pagsubok? Anu-ano ang
mga ito? Napaglabanan ba ninyo o hindi?
Sino-sino ang mga taong tumulong sa inyo?
Salamat sa pakikinig!
at dito na po nagtatapos ang ulat ng
Pangkat 4

Vous aimerez peut-être aussi