Vous êtes sur la page 1sur 1

Ano ang mga antas ng tao sa lipunan noong unang panahon?

Ang antas ng tao sa lipunan noong unang panahon ay nahahati sa tatlo, ito ay ang mga sumusunod:
1. Datu na kilala sa tawag na gat o lakan. Kilala naman sa tawag na dayang ang asawa ng datu. Ang
datu ay may malawak na kapangyarihan. Gumaganap siya ng mga tungkulin bilang tagagawa ng mga
batas, tagapagpatupad ng mga batas at tagahatol. Siya rin ang kinikilalang pinuno ng mga
mandirigma sa barangay. Ang pangunahing tungkulin ng datu ay ang pangasiwaan at pangalagaan
ang kapakanan ng kanyang mga nasasakupan.
2. Timawa o tinatawag na malayang tao sa lipunan. Hindi sila nagbabayad ng buwis sa datu ngunit
may tungkuling sumama sa kanya sa digmaan. Tumutulong sila sa pagtatayo ng bahay ng datu at sa
pagtatanim sa mga sakahan nito. Malaya silang nakakahalubilo ng mga datu sa mga piging at salusalo ng mga maharlika.
3. Alipin na siyang pinakamababa sa lahat ng mamamayan. May dalawa itong uri: Aliping saguiguilid
at aliping namamahay. Ang mga aliping namamahay ay mga karaniwang tao na pinipili ng datu upang
maglingkod sa kanyang sambahayan. May sarili silang bahay ngunit tungkulin nilang magsilbi sa
tuwing may pagtitipon sa bahay ng datu. May sarili din silang lupa at iba pang ari-arian na namamana
ng kanilang mga anak. Ang mga aliping saguiguilid naman ay mga alila. Wala silang mga ari-arian.
Naglilingkod sila sa bahay at sakahan ng mga maharlika. Maaari silang ipagbili sa ibang pinuno ng
pinunong kanilang pinaglilingkuran.

Ano ang kabuhayan ng mga ating ninuno noong unang


panahon?
ang mga kabuhayan ng ating mga ninuno nung unang panahon ay:
pangingisda
pangangaso
pagsasaka
pagkakaingin
paghahayupan
paghahabi
pagtatanim

matalas-matalim
walang-humpay-walang pahinga or walang tigil!......
napapatigalgal-Di makapagsalita

Vous aimerez peut-être aussi