Vous êtes sur la page 1sur 5

BANGHAY ARALIN SA ESP 3

Lunes
Nobyembre 10, 2014
Oras: ______________ Pangkat: __________________
Oras: ______________ Pangkat: __________________
Aralin 1
Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin
Layunin:

Paksa/Pagpapahalaga:
Mga Kagamitan:

Nakapagpapakita ng mga
kaugaliang Pilipino tulad ng
pagmamano at paggamit ng
po at opo
Pagmamahal sa Bansa
Pagmamahal sa mga
Kaugaliang Pilipino
tseklis, diyalogo, activity sheet,
tsart, talaarawan

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapalagayang-loob
2. Pagbabahagian
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik- aral
B. Alamin Natin
1. Pagganyak
Gumupit o gumuhit ng bituin. Masdan ang mga
kahong nasa ibaba. Bawat kahon ay may mga
aksyon na maaari mong ginagawa o sinasalita.
Lagyan ng bituin ang kahon kung ito ay iyong
ginagawa o sinasalita.

Tulungan mo ang iyong guro na bilangin kung ilang


bituin ang inilagay ng inyong klase sa bawat kahon.
Sumali sa talakayan sa pagsagot sa sumusunod na
tanong.
Ano ang ipinakikita ng mga pangungusap na nasa kahon?
Ginagamit ba ninyo ito araw-araw? Bakit?
Sa iyong palagay, nararapat ba ninyo itong gamitin?
Bakit?
2. Paglalahad
Magsagawa ng survey sa klase kung ilan sa
kanila ang nagpapakita ng kaugaliang Pilipino.

Maaari itong gawin sa malikhaing pamamaraan.


Halimbawa, maglagay ng mga kahong may
nakasulat na mga pangungusap na nagpapakita
ng kaugaliang Pilipino. Bigyan ng mga ginupit na
bituin ang mga mag-aaral. Hikayatin silang
maglagay ng bituin sa kahon na may
pangungusap na nagsasaad ng ginagawa nila.
Magkaroon ng tally sheet batay sa sagot ng mga mag-aaral.
Bilang ng mga Bilang ng
batang
mga
gumagawa
batang
nito
hindi
gumagaw
a nito
Maaari po bang magtanong?
Gumagamit ng po at opo sa pakikipag-usap.
Magandang gabi po, G. ________.
Ate, aalis na po ako.
Nagmamano sa nakatatanda.
Sa bahaging ito, ipabilang sa mga bata ang mga bituin na
nasa kahon.
3. Paglalahat
Iproseso ang kinalabasan ng tally sheet.
Itanong:
Bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na nakasulat sa
kahon?
Bakit hindi ninyo ito ginagawa? (sa mga hindi gumagawa ng
kaugalian)
Hayaang malayang magbigay ng kanilang kasagutan ang
mga mag-aaral. Maging sensitibo sa mga kasagutan ng
bata. Dapat maramdaman ng bata na lahat ng kanilang
kasagutan ay tama sapagkat ito ang kanilang tunay na
nararanasan. Sa pagpoproseso, bigyang-diin ang mga
kaugaliang Pilipino tulad ng pagmamano, paggamit ng po
at opo at iba pang magagalang na salita.
Itanong:
Ano ang ipinakikita ng mga pangungusap na nasa kahon?
Kailan natin ito madalas gamitin?
Ginagamit ba ninyo ito araw-araw? Bakit?
4. Pagtatalakay
Sabihin sa mga mag-aaral: Napag-alaman natin na may
mga kaugaliang Pilipino na nagagawa na ninyo at maaari
pang gawin. Kaya nyo ba itong ipakita sa harap ng klase?

BANGHAY ARALIN SA ESP 3


Martes
Nobyembre 11, 2014
Oras: ______________ Pangkat: __________________
Oras: ______________ Pangkat: __________________
Aralin 1
Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin
Layunin:

Paksa/Pagpapahalaga:
Mga Kagamitan:

Nakapagpapakita ng mga
kaugaliang Pilipino tulad ng
pagmamano at paggamit ng
po at opo
Pagmamahal sa Bansa
Pagmamahal sa mga
Kaugaliang Pilipino
tseklis, diyalogo, activity sheet,
tsart, talaarawan

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapalagayang-loob
2. Pagbabahagian
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik- aral
B. Isagawa Natin
1. Pagganyak
Sa limang pangkat na nabuo ng inyong klase,
bawat pangkat ay bibigyan ng sitwasyon upang
pag-usapan kung paano maipakikita ang
magandang kaugaliang Pilipino. Pagkatapos
itong pag-usapan, isadula ito sa klase. Gamitin
ang pamantayan na nasa ibaba.
Sitwasyon 1
Isang gabi, dumating sa inyong bahay ang
mga kaibigan ng inyong Nanay na sina Aling
Cora, Aling Belen, at Aling Mila. Kilala ninyo
sila, subalit kayo pa lang magkakapatid ang
naroon. Hindi pa dumarating mula sa
trabaho ang inyong Nanay at Tatay. Ano
ang inyong dapat gawin?
Sitwasyon 2
Isinama kayo ng inyong Tatay sa isang
piyesta sa kalapit baranggay. Marami
kayong gustong malaman tungkol sa
pagdiriwang na ito. Ano ang gagawin ninyo
at papaano ninyo ito sasabihin?
Sitwasyon 3
Sabado ng hapon. Naglalaro kayong
magkakaibigan. Dumaan ang inyong guro
sa inyong harapan. Ano ang dapat ninyong
gawin?
Sitwasyon 4
May hinahanap na lugar ang isang
matandang babae. Nagtanong siya sa inyo.
Ano ang inyong sasabihin at gagawin?
Sitwasyon 5
Nagkaroon ng family reunion ang inyong
pamilya. Dumating ang inyong mga Tiyo at
Tiya. Ano ang inyong gagawin?

2. Pagtatalakay

Pamantayan
1. Pagpapakita o
pagpapahayag ng
mga kaugaliang
Pilipino

3
Naipakita o
naipahayag
nang tama
ang
kaugaliang
Pilipino

2
Isang beses
na hindi
naipakita o
naipahayag
nang tama
ang
kaugaliang
Pilipino

2. Pakikilahok ng
mga kasapi ng
bawat grupo

Lahat ng
kasapi ng
grupo ay
nakilahok

Isa sa mga
kasapi ng
grupo ang
hindi
nakilahok

1
Dalawang
beses o
higit pa na
hindi
naipakita o
naipahayag
nang tama
ang
kaugaliang
Pilipino
Dalawa o
higit pang
kasapi ng
grupo ang
hindi
nakilahok

BANGHAY ARALIN SA ESP 3


Miyerkules
Nobyembre 12, 2014
Oras: ______________ Pangkat: __________________
Oras: ______________ Pangkat: __________________
Aralin 1
Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin
Layunin:

Paksa/Pagpapahalaga:
Mga Kagamitan:

Nakapagpapakita ng mga
kaugaliang Pilipino tulad ng
pagmamano at paggamit ng
po at opo
Pagmamahal sa Bansa
Pagmamahal sa mga
Kaugaliang Pilipino
tseklis, diyalogo, activity sheet,
tsart, talaarawan

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapalagayang-loob
2. Pagbabahagian
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik- aral
B. Isapuso Natin
1. Pagganyak
Isulat sa metacards kung saan at kanino mo
ginagawa o sinasalita ang sumusunod na
kaugaliang Pilipino. Ilagay sa tsart ang inyong
mga kasagutan.
Halimbawa:
pagmamano, pagsasabi ng po at opo, at iba
pang magagalang na salita

2. Tandaan Natin
Isa sa kaugaliang Pilipino na dapat nating
mahalin at panatilihin ay ang pagmamano, paggamit
ng po at opo, at paggamit ng iba pang
magagalang na salita.
Ang paggamit ng po at opo at iba pang
magagalang na pananalita tulad ng pagtawag ng ate,
kuya, diko, ditse, manong, manang at iba pa sa ating
mga nakatatandang kapatid ay likas din sa ating mga
Pilipino. Wala itong katumbas na salita sa ibang wika.
May mga bayan sa ating bansa na hindi gumagamit
ng mga salitang ito ngunit hindi ibig sabihin ay hindi
sila magalang.
Mahalaga sa ating mga Pilipino ang
paggalang sa kapuwa. Bawat tao ay ating iginagalang
anuman ang katayuan niya sa buhay.
Ibat iba ang paraan ng pagpapakita ng
paggalang lalo na sa mga nakatatanda sa atin. Ang
pagmamano ay isang pagpapakita ng paggalang na
tanging sa mga Pilipino lamang natin makikita. Dapat
natin itong panatilihin at huwag iwaksi sa ating buhay.
Ang pagpapakita ng mga kaugaliang Pilipino
gaya ng mga nabanggit ay sadyang napakasarap
pakinggan at nagpapakita ng respeto sa bawat isa

BANGHAY ARALIN SA ESP 3


Huwebes
Nobyembre 13, 2014
Oras: ______________ Pangkat: __________________
Oras: ______________ Pangkat: __________________

Aralin 1
Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin
Layunin:

Paksa/Pagpapahalaga:
Mga Kagamitan:

Nakapagpapakita ng mga
kaugaliang Pilipino tulad ng
pagmamano at paggamit ng
po at opo
Pagmamahal sa Bansa
Pagmamahal sa mga
Kaugaliang Pilipino
tseklis, diyalogo, activity sheet,
tsart, talaarawan

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapalagayang-loob
2. Pagbabahagian
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik- aral
B. Isabuhay Natin
1. Paglalahad
Ang sumusunod na larawan ay nagpapakita ng
magagandang pag-uugali. Alin sa mga ito ang
kaugaliang Pilipino? Bakit?

F
B

BANGHAY ARALIN SA ESP 3


Biyernes
Nobyembre 14, 2014
Oras: ______________ Pangkat: __________________
Oras: ______________ Pangkat: __________________
Aralin 1
Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin
Layunin:

Paksa/Pagpapahalaga:
Mga Kagamitan:

Nakapagpapakita ng mga
kaugaliang Pilipino tulad ng
pagmamano at paggamit ng
po at opo
Pagmamahal sa Bansa
Pagmamahal sa mga
Kaugaliang Pilipino
tseklis, diyalogo, activity sheet,
tsart, talaarawan

Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagpapalagayang-loob
2. Pagbabahagian
3. Pamantayan sa Gawain at Talakayan
4. Balik- aral

B. Subukan Natin
1. Pagtataya
Isulat sa sagutang papel kung tama o mali ang
ipinakita sa bawat sitwasyon.
1. Bumibili ka sa tindahan. Nakita mo ang iyong Tiyo na
bumibili rin. Binati mo siya at ikaw ay nagmano.
2. Biglang dumating ang matalik na kaibigan ng iyong
Nanay. Ikaw lang ang nadatnan sa bahay. Nagmano
ka at siya ay iyong pinatuloy.
3. Inutusan ka ng iyong Tatay na pumunta sa iyong Lolo
para maghatid ng ulam. Kumatok ka sa kanyang
pintuan, at sinabing Magandang tanghali po Lolo.
Narito po ang ulam na ipinabibigay ni Tatay.
4. Isang gabi, nakadungaw si Lisa sa kanilang bintana.
Dumaan sa tapat ng kanilang bahay si Aling Susan,
ang Nanay ng kanyang kaibigan. Binati niya si Aling
Susan nang pasigaw na parang galit.
5. Si Linda ay isang batang matalino. Pagdating sa
bahay galing sa paaralan, magalang siyang nagsabi
sa kanyang Nanay na gusto na niyang kumain dahil
magaaral pa siya ng kaniyang mga aralin.
Mahusay! Matagumpay mong natapos ang araling ito.
Maaari mo nang gawin ang susunod na aralin.

Vous aimerez peut-être aussi