Vous êtes sur la page 1sur 16

8

Panitikang Pilipino
Filipino
Modyul para sa Mag-aaral

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas

Panitikang Pilipino Ikawalong Baitang


Filipino Modyul para sa Mag-aaral
Unang Edisyon, 2013
ISBN: 978-971-9990-85-7
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari
upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon
.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Kalihim: Br. Armin A. Luistro FSC
P angalawang Kalihim: Yolanda S. Quijano, Ph.D.

Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat


(DepEd-IMCS)
Office Address:

Telefax:
E-mail Address:

2nd Floor Dorm G, Philsports Complex


Meralco Avenue, Pasig City
Philippines 1600
(02) 634-1054 o 634-1072
imcsetd@yahoo.com

PAUNANG SALITA
Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng kaniyang
mamamayan sa lahat ng aspekto ng buhay.
Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang
pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito ng Panitikang
Pilipino. Ang pagpapalit-anyo nito at pagbibihis mula sa
makalumang panitikan hanggang sa kasalukuyan upang manapay
maipabatid sa karamihan, lalot higit sa kabataan ang kayamanang
angkin ng Panitikang natatangi, ang Panitikang Pilipino.
Alinsunod sa pagbabago ng kurikulum, ang pagbuo ng mga
kagamitang panturo at pampagkatuto upang makaagapay sa
pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Asignaturang
Filipino.
Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upang
higit na maiangkop sa uri ng mag-aaral ang mga gawain sa yunit
na ito. Naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusay
at kalidad na edukasyon ay makakamtan ng bawat isang
Pilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga susunod pang
henerasyon.

PASASALAMAT
Taos-pusong nagpapasalamat ang mga may-akda sa mga
manunulatng mga akdang ginamit sa yunit na ito. Hindi matatawaran ang
naging ambag ng kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin ang
pagpapahalaga sa kulturang Pilipino. Hindi rin mapasusubalian ang kabisaan
na maidudulot ng mga akda upang higit na mapagtibay ang pagkakakilanlan
ng mag-aaral sa kaniyang identidad bilang mamamayang Pilipino. Nais
naming magpasalamat sa sumusunod na manunulat.
Michael M. Coroza
Lamberto Antonio
Virgilio Almario
Edgar Calabia Samar
Fray Francisco de San Jose
Gaspar Aquino de Belen
Andres Bonifacio
Emilio Jacinto
Severino Reyes
Genoveva E. Matute
Jose Corazon de Jesus at
Florentino Collantes
Jose Corazon de Jesus
Alejandro G. Abadilla
Teodoro Gener
Alejandro G. Abadilla
Jose Corazon de Jesus
Narciso G. Reyes
Gonzalo K. Flores
Dionisio Salazar
William Rodriguez II
Carlo J. Caparas
Jeystine Ellizbeth L. Francia
Lualhati Bautista
Jet Oria Gellecanao
Howie Severino, Sine Totoo,
At GMA Network

Mahahalagang Tala sa Katutubong


Tugma at Sukat ng Tulang Tagalog
Kalungkutan sa Tag-ani
Agahan
Panaginip
Santa Cruz
Ang Mahal na Passion ni Jesu Christong
Panginoon Natin
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
Pahayag
Walang Sugat
Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan
Bayan Ko
Ako ang Daigdig
Pag-ibig
Erotika 4
Pag-ibig
Lupang Tinubuan
Tahimik
Sinag sa Karimlan
Tabloid: Isang Pagsusuri
Mga Klase ng Komiks
Kislap ng Bituin
Bata, Bata ... Paano Ka Ginawa?
Pintig, Ligalig, at Daigdig
Papag for Sale

Talaan ng Nilalaman
MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKAN............................ 128
Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan................................................ 130
Pahayagan (Tabloid)................................................................................. 130
Tabloid: Isang Pagsusuri ni William Rodriguez II.................................... 130
Magasin.................................................................................................... 132
Komiks....................................................................................................... 133
Mga Antas ng Wika.................................................................................. 136

MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKAN


Mga Aralin
Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan
- Pahayagan (Tabloid)
- Magasin
- Komiks
Antas ng Wika
Masasabing malaki na ang naging pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo
maging sa ating bansa. Ang paglaganap ng internet, pag-usbong ng ibat
ibang social media network gaya ng Facebook at Twitter, gayundin ang
pagkahumaling ng kabataan sa pagtangkilik sa mga website gaya ng
YouTube, ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kulturang Pilipino. Ang
pagkahilig ng marami, lalo na ng kabataan, sa mga kontemporaryong anyo
ng panitikan ang nag-udyok sa pagbabagong bihis ng tradisyonal na anyo
nito. Paano nga ba naiiba ang tradisyonal na uri ng panitikan sa panitikan sa
kasalukuyan? Bakit nagkaroon ng transpormasyon mula sa tradisyonal na
panitikang Pilipino tungo sa panitikan sa kasalukuyan? Upang simulan ang
pagkilala sa ilang anyo ng kontemporaryong panitikan, gawin ang
sumusunod.
1. Tukuyin ang mga salita sa crossword puzzle sa tulong ng mga gabay sa
ibaba.

Gabay
1. Kuwentong isinalarawan ng mga dibuhista
2. Pahayagan ng masa
3. Makulay na babasahin na hitik sa ibat ibang impormasyon
2. Tukuyin ang inilalarawan ng mga bugtong sa ibaba. Pagkatapos, isulat mo
ang mga titik ng iyong sagot sa mga kahon upang mabuo ang crossword
puzzle.

128

129

Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan


Masasabing nagpatuloy ang tradisyon sa panitikan sa kabila ng
modernisasyon sa pamamagitan ng pagpasok ng teknolohiya. Marahil,
nagkaroon lamang ito ng bagong mukha. Kapansin-pansin sa kasalukuyan na
ang kinawiwilihan ng kabataan na mga babasahin gaya ng komiks at magasin
ay nauulit lamang ang paksa at tema sa mga akda sa tradisyonal na uri ng
panitikan. Kung susuriin, nagkakaiba lamang sa estilo, pamamaraan, at
kaalamang teknikal ang kontemporaryong panitikan.
Tabloid
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga
balita sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa
higaan hanggang bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa
nangyayari sa ating paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print
media ang kailanmay hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura.
Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni William Rodriguez mula sa kaniyang
blog sa Sanib-Isip (http://williamrodriguez11.blogspot) tungkol sa tabloid.
Tabloid: Isang Pagsusuri
William Rodriguez II
Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya
lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita
sa mga bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang
lumalabas sa telebisyon at naiulat na rin sa radyo. May sariling hatak ang
nasa print media dahil lahat ay di naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa,
hangga't naitatabi ang diyaryo ay may epekto pa rin sa mambabasa ang mga
nilalaman nito. Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng
diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports,
literatura, o di kaya'y magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang
lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras
kapag walang ginagawa. Sinasabing ang tabloid ay pangmasa dahil sa
Tagalog ito nakasulat bagama't ilan dito ay ingles ang midyum. Hindi katulad
sa broadsheet na ang target readers ay Class A at B. "Yun nga lang sa
tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol sa sex at karahasan kaya't
tinagurian itong sensationalized journalism. Bihira lamang maibalita ang
magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil sa itinuturo ng
aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay nasa
masamang balita?

130

Sa kasalukuyan ay mayroong 21 na national daily tabloid at apat lang naman


sa weekly tabloid na nagsi-circulate sa bansa. Huwag ng isama ang mga
diyaryo na wala sa merkado na kaya lang nakakapagpatuloy ay dahil sa
pagpi-PR sa mga politiko. Ang ilang tabloid ay konektado rin sa broadsheet at
mayroon ding mga publishing na dalawa o tatlo pa ang hawak na diyaryo.
Mapapansing marami sa mga tabloid na ibinebenta ay pawang nagtatampok
ng mga istoryang tungkol sa sex at nagpapakita ng mga larawang hubad ng
kababaihan; pangiliti lang daw. Ngunit ang totoo ay pinupuntirya nila ang
libido ng tao para lang makabenta. Tuloy, mababa ang tingin ng iba sa mga
tabloid dahil sa ganitong kalakaran. Pumasok din sa eksena ang mga smut
tabloid na sagad sa kalaswaan!
Mahalaga pa naman ang ginagampanan ng media sa paghubog ng kaisipan
ng mamamayan. Kaya nitong bumuo at magwasak ng isang indibidwal o kahit
institusyon. Mabuti na lamang at may matitino pa ring tabloid. Siyempre,
kabilang na rito ang PINAS na nagtataguyod ng alternatibong pamamahayag.
Upang pagyamanin ang kaalaman sa tabloid, gawin ang sumusunod:
1. Sagutin ang sumusunod na tanong:

a. Sa iyong palagay, bakit higit na binabasa ng mga tao ang tabloid


kaysa broadsheet?
b. Sa kabila ng pagpasok ng teknolohiya, lalo na ang malaganap na
internet, bakit marami pa rin ang tumatangkilik at nagbabasa ng
mga pahayagan?

2. Kumuha ng isang kopya ng tabloid. Ilista, ilarawan, at suriin ang mga


bahagi o pahina nito. Sa pagsusuri, magiging pangunahing bagay kung bakit
inilagay ang bahaging iyon at kung ano ang inaasahan nitong mambabasa.
Pangalan ng Tabloid:
Petsa ng Pagkakalathala:

3. Kumapanayam ng hindi bababa sa tatlong tao na palagiang nagbabasa ng


tabloid. Suriin kung ang ilang pahayag na inilatag sa pagsusuri ni William
Rodriguez II ay tumutugma o sumasalungat sa sagot ng kinapanayam mo,
lalo na sa mga dahilan ng pagbabasa nila ng tabloid.

131

Magasin
Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.
Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela.
Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino.
Dinala nito ang panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa
man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay
talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan
din ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.
Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang
produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang
magpasukan ang ibat ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan,
naririto ang nangungunang mga magasin na tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging
instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming
bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang
pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo rito
ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol
sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura, at
aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina.
Ang mga artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang
gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting
maybahay.
4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman
nito ay palaging bago, puno ng mga nakaw-atensiyon na larawan at
malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa
bansa.
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping, at
mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng
kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas
nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.
7. Mens Health Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa
mga isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo,
pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na
133 kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng
maraming kalalakihan.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang
mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito
rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pagaalaga
ng mga gadget.
9. Entrepreneur Magasin para sa mga taong may negosyo o nais
magtayo ng negosyo

132

Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga magasin, magsagawa ng


pananaliksik sa mga guro sa inyong paaralan kung anong popular na
magasin ang binabasa nila. Gamiting gabay sa pananaliksik ang kasunod na
balangkas na nasa ibaba.

Komiks
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring maglaman
ang komiks ng diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga
larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto
upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagamat palagiang paksang
katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng
sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan ang
mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

133

Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na


babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman,
at nagsulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga
manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.
Ang pagiging malikhain ng mga manlilikha ng komiks ang nagpagalaw
maging sa mga bagay na walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng
iba. Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika.
Pinagkabit-kabit ang mga elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad
nila ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita na bukod sa ating mundo ay may
iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang.
Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng
mga super karakter na lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming
pinaligaya ang komiks, maraming binigyan ng pag-asa, maraming pinaibig.

134

Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito


sa mga magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920.
Magmula rito, nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks
noong 1946, Pilipino Komiks, Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan
Komiks noong 1950.
Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng
komiks dahil sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang
paggamit ng murang papel. Naapektuhan nito ang kalidad at hitsura ng
komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas
para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya. Kabilang dito sina
Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Nio, at iba pa. Pagkatapos ng Batas
Militar muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa panahong ito sumikat
ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron, at Nerissa Cabral.
Ang pagbabalik ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang
hanggang simula ng 1990 dahil nahumaling na ang mga tao sa ibat ibang
anyo ng paglilibang.
Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang
industriya sa bansa. Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas.
Noong taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyonal na
komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa nilang komiks
caravan sa ibat ibang bahagi ng Pilipinas.
Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng
komiks kundi maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador,
world-class ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks. Kinilala
ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing
pagsulat sa lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga
komikerong Pilipino na kilala sa labas ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan,
Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks.
Ayon nga kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. Hindi
mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at
teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay sa kulturang Pilipino
hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig para
makabasa -- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.
Upang pagyamanin ang kaalaman sa komiks, gawin ang sumusunod.
1. Sagutin ang sumusunod na tanong.
a. Bakit patuloy na kinagigiliwang basahin ang komiks?
b. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura,
tradisyon, at ang kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan?
2. Lagyan ng angkop na salitaan ang mga larawang guhit sa bawat kuwadro
ng comic strip upang makabuo ng isang kuwento.

135

Mga Antas ng Wika


Ang mga nabanggit na anyo ng kontemporaryong panitikan ay gumagamit ng ibat
ibang antas ng wika. Nahahati ang antas ng wika sa dalawa: Pormal at Dipormal at sa loob ng bawat isa ay may iba pang antas. Sa Pormal, nariyan ang
pambansa, pampanitikan, at Teknikal. Samantala ang mga Di-pormal naman ay
lalawiganin, kolokyal, at balbal.

Sa araling ito, nagbigay tuon ang sumusunod: Ang pormal, di-pormal, at ang balbal

1. Pormal Wikang ginagamit sa mga seryosong publikasyon, tulad ng


mga aklat, mga panulat na akademiko o teknikal, at mga sanaysay sa
mga paaralan. Ito ay impersonal, obhetibo, eksakto, at tiyak. Ito ay
gumagamit ng bokabularyong mas komplikado kaysa sa ginagamit sa
pang-arawaraw na usapan. Gumagamit din ito ng mga pangungusap na
binubuo ayon sa mga panuntunang gramatikal.

2. Di-Pormal Wikang ginagamit ng karamihang tao araw-araw. Simple


lang ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiigsi
lamang. Tinatanggap dito ang tonong kumberseysyonal at ang paggamit
ng mga panghalip na ako at mo. Hindi ito mahigpit sa tamang
paggamit ng din-rin, daw-raw, kaunti-konti, atbp. Ang mga artikulo at
kolum sa mga diyaryo na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa
ay kadalasang gumagamit ng mga wikang di-pormal. Ito rin ang mga
wikang ginagamit sa pagsulat sa mga kaibigan. Halimbawa nito ay ang
salitang balbal tumutukoy sa kataga o pariralang likha o hiram sa ibang
wika na karaniwang ginagamit ng mga mababa ang katayuan sa
buhay. Kung itoy hiram, binabago ang anyo nito upang maiakma sa
paggamit.
136

Upang pagyamanin ang kaalaman sa mga antas ng wika, gawin ang sumusunod:

1. Sumuri ng tig-iisang tabloid, magasin, at komiks. Tingnan ang antas ng


wikang ginagamit ng mga ito at kung bakit ganoon ang mga ginagamit
nilang antas ng wika.
Pangalan

Antas ng Wika

Bakit ganito ang Antas ng


Wika?

Magasin
Tabloid
Komiks

2. Kumapanayam ng tatlong tao na may ibat ibang uri ng trabaho


(tulad ng guro, kaibigan, at magulang). Ilarawan ang antas ng wika nila.
Paghambingin ang mga antas ng wikang ginagamit nila.
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
Batay sa mga natutuhan mong mga araling pampanitikan at pangwika, bumuo ng
isang literary folio ng klase na sumasalamin sa kasalukuyang kalagayan ng isang
barangay. Narito ang mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng folio.

1. Magkaisa ang buong klase kung ano ang magiging pamagat ng


inyong literary folio. Kasama na rito ang napagkasunduang logo,
konsepto ng pabalat ng aklat, at kinakailangang mga larawan.

Mataas na Paaralang Neptali A. Gonzales


Lungsod ng Mandaluyong
KALSADA-PASADA
(Mga Akdang Napulot sa Kalsada)

Literary Folio 2012

Sumulat ng Panimula, Pasasalamat, at Paghahandog sa unahang bahagi ng inyong


literary folio.

137

1. Kinakailangang makita rin ang Talaan ng Nilalaman bago ang


koleksiyon ng mga akdang pampanitikan na isinulat ng bawat isa.
Sikaping mauri ang bawat isa sa bahaging ito upang madaling
makita ng mambabasa kung tula, maikling kuwento, dula, at iba
pang akdang pampanitikan.

2. At ang pinakatampok sa literary folio ay ang koleksiyon ng ibat


ibang akdang pampanitikan na orihinal na isinulat ng bawat isa sa
inyong klase na dumaan sa proseso ng pag-eedit.
Ang sumusunod naman ay ang pamantayan sa pagsuri sa gagawin ninyong literary folio.

Mga Pamantayan

A. Malikhain
B. Kaisahan (pagkakaugnay-ugnay ng mga
pangungusap)
C. Makatotohanan (Sumasalamin sa lipunang
ginagalawan)
D. Pormal at responsable ang gamit ng wika
E. Kawastuhan (Wasto ang gamit ng mga salita at
bantas)

LEYENDA
20 25...

Napakahusay

15 20 .

Mahusay

10 15 .

Katamtamang Husay

138

Vous aimerez peut-être aussi